Oxford

By cultrue

82.9K 1.8K 82

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 24

1.3K 31 1
By cultrue

Yumuko ako habang papasok sa Threads. Hindi ko pinansin ang tingin nina Sandy. Dumiretso lang ako sa loob ng opisina ko at mabilis na kinuha ang aking bag. Kumuha ako ng tissue paper para ipunas sa basa kong mukha at maging sa leeg. Sinuklay ko ang buhok ko dahil medyo nagkalat na ito.

Sinukbit ko ang bag at lumingon sa pinto pero hindi ko pa man nahahawakan ang seradura ay bumukas ito at pumasok si Oxford na humahangos ang hiningang tumingin sa akin.

Kaya ako umalis sa harap nila dahil nahihiya ako, nahihiya ako sa kanya. Sa lahat ng tao sa mundo siya ang nakasama ko sa gabing yun at ano man ang gawin ko ay hindi na maibabalik pa ang panahon na yun.

"Billie. Can we talk?"

Hindi ako tumingin sa kanya. "Pwede bang huwag muna ngayon? Gusto kong umuwi. Gusto kong magpahinga."

"Yeah I'll give you that but please let's talk for a moment. It's about us."

Matalim na tingin ang ginawad sa kanya. "Bakit alam mo na ba? Ang sabi ng mga kaibigan ko ay hinahanap mo daw ako? Para ano?"

"Hindi ko pa alam yun. I swear, Billie! Si Phinneas ang nagsabi sakin at kung hindi ako lumapit sa kanila ay hindi ko pa malalaman!"

Huminga ako ng malalim at nag-iwas ng tingin sa nagsusumamo niyang mukha. I just couldn't look at him because I everytime I looked into his eyes all I could see was my son. Nang makompirma nga na siya ang ama ni Kamp ay nakikita ko na si Kamp kay Oxford kaya hindi ako makatingin ng diretso at hindi din nagtatagal ang tingin ko sa kanya kapag nakaharap na ako sa kanya.

Nailabas ko ang pagkabigla nang harapin niya ako sa pamamagitan ng paghawak niya sa magkabila kong balikat. Pinaharap niya ako sa kanya at hinanap ang mga mata ko.

"Listen Billie. I tried searching for you the day I realized that it's wrong not to talk to you. The night after something happened. Umalis ako agad ng makatulog ka dahil hindi ko kayang harapin ka. I was broke and I didn't know what to do until I changed my mind. Nagsisisi ako ng hindi kita ginising o hinintay na magising. I was stupid—"

Tinaas ko ang aking kamay at tinapat sa kanyang bibig. His wetted lips glued on my fragile fingers.

"Huwag na nating pag-usapan pa yan Oxford. Nakaraan na yan at kahit anong gawin natin ay hindi na natin maibabalik pa yun."

"But I want to explain! I want to tell you what's my reason when I didn't show my face to you all of the sudden."

Umiling ako para magmakaawang hindi na niya sabihin pa yung gusto niyang sabihin. Umalis ako sa harap niya at gumilid. Mahigpit kong hinawakan ang bag ko at kahit gustong umiyak ay pinigilan ko lang. Ayokong umiyak sa harap niya.

"Billie we need to talk about this." Humarap ulit siya sakin.

Naiinis kong sinuklay ang buhok ko. "Mag-uusap tayo pero hindi ngayon, naiintindihan mo ba?! Hindi ko muna gustong kausapin ka ngayon!" sigaw ko.

Napatigil siya at nagulat nang masigawan ko. Kinagat ko ang dila ko dahil nakonsensya ako bigla nang sigawan ko siya pero hindi ko na mababawi pa yun. Kahit pa man magsorry ako ay nasigawan ko siya.

Nakita ko ang pagkuyom ng kanyang kamao. He caressed his stubble roughly and frustratedly.

Hinayaan niya akong umalis sa shop ko. Iniwan ko siya sa loob ng opisina ko. Siguro naman ay wala siyang gagawin doon. Tinext ko lang si Sack na siya lang muna ang mag-asikaso sa shop ko. Sumakay ako ng taxi pauwi. Hindi alam ni Nanay na uuwi ako. Hindi din ako sinundan pa ni Oxford. Mabuti na yun kaysa naman makita niya akong hinang-hinang sa harap niya.

"Nay?" tawag ko sa kanya.

"Billie?" sagot niya.

Lumabas siya mula sa likod na may dalang mga damit, hindi ko tiyak kung marurumi o malinis. Sinilip niya ako at takang naglakad palapit sakin.

"Bakit ka umuwi? May naiwan ka ba?"

Pagod kong ibinagsak ang aking katawan sa sofa. Tinanggal ko ang bag ko at inilagay sa tabi. Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Nagtatakang lumapit si Nanay at kinalabit niya ako.

"Billie anong nangyari? May nangyari ba sa shop?"

Umiling ako at tinago ang aking mukha gamit ang isang kamay pero hindi maiitatago ang mga tumutulong luha sa'king mula sa aking mga mata.

"Billie naman, ano? May nangyari ba sa mga bata?"

Umiling ulit ako at pinunasan ang aking pisngi. "Wala ho 'nay."

"Oh eh ano ba ang nangyari sayo at bakit ka umuwi na umiiyak?" Nagtataka na niyang tanong. Nabahiran narin ng pag-aalala ang tono ni Nanay.

Umupo siya sa tabi ko pero hindi parin niya binitawan ang mga nalabhan na mga damit. Siguro ay kinuha niya yun mula sa sampayan namin.

"Y-Yung Papa ni Kamp..."

"Ha? Anong ibig mong sabihin Billie?"

Huminga ako ng malalim pero hindi tumigil sa pagbuhos ang mga luha ko. "Si Oxford po 'nay." Nahihirapan kong sagot.

Napaawang ang labi ni Nanay nang sabihin ko ang pangalan ni Oxford. Pagbanggit palang ng pangalan ni Oxford ay nahulaan niya ang ibig kong sabihin. Hindi siya nakapagsalita agad at parang lumalim ang iniisip niya ng dahil dun.

Tahimik kong pinunasan ang aking luha atsaka yumuko lang at pinaglaruan ang aking mga daliri. Maya't-maya ay narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Nanay.

"Nasaktan ka bang nalaman mong siya ang ama ni Kamp?"

Umiling ako at nagkibit-balikat. Hindi ako nagtaas ng tingin. "Hindi ko alam 'nay. Parang naging over-acting ako sa kinilos ko kanina. Nahihiya din akong humarap sa kanya."

"Hindi naman pwedeng buong araw kang magmumukmok dito sa apartment, Billie. Kausapin mo siya ng masinsinan—ako, hindi lang kita kinukunsenti kasi na manatili ka dito sa apartment dahil kailangan mo ring kausapin yung tao. Kung siya ang ama ni Kamp ay dapat magdesisyon kayo para sa bata. Kahit nasa likod mo ako anak ay hahayaan lang kita sa gusto mong gagawin. Matanda ka na at may sarili kang isip." sagot niya.

Bago ako iniwan ni Nanay sa sala ay tinapik niya ang balikat ko at sinabi sakin na magpahinga lang muna at kailangan ko raw na mag-isip ng maayos.

Nagbihis muna ako naghilamos ng mukha. Sinuklay ko ang buhok ko at tinali para hindi magkalat. Naglakad ako papunta sa kusina para tignan kung ano ang niluto ni Nanay para sa tanghalian. May inorder siyang pagkain na sigurado akong magugustuhan ng mga bata.

Pumasok muna ako sa kwarto ko para ipasok yung mga damit na kinuha ko mula sa likod. Saktong paglabas ko mula sa kwarto ko ay may kumatok sa pinto. Unang pumasok sa isip ko ay baka sina Nanay na at ang mga bata pero wala akong narinig na ingay sa labas. Naglakad na ako papunta sa pinto para buksan at makapasok sila.

Pagbukas ko ng pinto ay agad na tumambad sakin ang mukha ni Oxford. I catched him expressionless but when he saw his face lit up a bit. He let out a sigh.

Nataranta ang sistema ko pagkakita sa kanya. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung isasara ko ang pinto o papasukin siya sa loob ng apartment namin.

"Oxford." Halos maputulan na ako ng hininga nang banggitin ko ang pangalan niya.

"Billie." he uttered.

Napasandal ako sa pinto pero hindi ko pinahalata sa kanya na nangangatog na ang binti ko dahil nakita ko siya. "A-Anong ginagawa mo dito?" I stuttered.

He took one step to get closer to me but we still had a few steps distance from each other. "Will you go out with me and have lunch together?" Hindi siya nag-atubiling sabihin yun sakin.

Hindi muna ako nakapagsalita dahil parang nalunok ko ang dila ko. Napakapit ako sa seradura. "Oxford—"

"I know na hindi mo gustong makipag-usap sakin ngayon pero sana makinig ka sakin. Alam ko na marami pa tayong oras pero kailan pa?"

Bumuntong-hininga ako. Pinanigas ko ang mukha ko. Umayos ako ng tayo kahit anumang oras ay matutumba ako kapag hindi ko nabalanse ang sarili ko.

"Magbibihis lang ako. Hintayin mo ako dito." Marahan kong sagot.

Napaatras ako ng hawakan niya ang braso ko. Hindi mahigpit ang pagkakahawak niya pero mukhang hindi niya ako agad papakawalan.

"Oxford bitiwan mo ang braso ko." Matigas kong sabi na agad niyang ginawa dahil sa reyalisasyong ginawa niya.

Huminga siya ng malalim pero isang hakbang ang ginawa niya at sinakop niya ang buong pintuan ng apartment. Hindi ako umatras dahil kapag umatras ako ay matutumba ako lalo na't sa pabango palang niya ay nakakabighani na.

"Just call your mother and tell her you're out for a moment. I don't want her to worry about you or the kids. And please tell her that... you're okay."

"Paano ako magiging kung ikaw ang kasama ko?"

His lips twitched.

Yumuko siya para magtama ang aming mga mata. "Hindi ka ba nagiging okay kapag kasama ako?" garalgal niyang tanong.

Umiwas ako ng tingin. Kapag mas lumapit pa siya sakin ay hindi ko na kakayanin pa, baka matumba na talaga ako.

"Magbibihis lang ako." sabi ko sa malamig na tono at agad na tumalikod sa kanya.

Pagpasok ko sa loob ng kwarto ko ay naglikha ng malakas na ingay ang pinto nang isarado ko yun. Napahawak ako sa dibdib ko dahil iba ang takbo nito. I was over-acting again. My mind couldn't think straight because Oxford seemed like a bad spirit possessed my whole system that I could also move properly. I was also acting like an idiot.

Ilang beses akong bumuntong-hininga para pakalmahin ang puso ko.

Naglakad ako papunta sa aparador para maghanap ng masusuot. I decided to go on pants and sweater since it's cold outside. Kunting pabango lang ang inilagay ko sa leeg bago sinuklay buhok ko at tinali ng maayos para hindi magkagulo. Nagsuot ako ng sapatos. Kinuha ko ang maliit na bag na palagi kong dinadala kapag niyayaya akong kumain sa labas ni Oxford.

Ipinasok ko ang cellphone at ang wallet sa maliit na bag. Pero agad kong kinuha ang cellphone nang maisip yung sinabi ni Oxford na tawagin ko daw si Nanay para hindi siya mag-alala.

Billie:
Nay aalis muna ako. Kasama ko ho si Oxford. Yung mga bata ay kayo lang muna ang bahala.

I just texted her. Baka nasa daan siya at kasama ang mga bata. Baka din malingat siya kapag tumawag ako at mawala yung mga bata.

Hindi ko na siya hinintay pang magreply sakin dahil ipinasok ko na sa bag ang cellphone ko. Tumingin muna ako sa salamin. Nakita kong dry ang labi ko. Kumuha ako ng lip oil at pinahid yun sa labi para hindi halatang namumutla ako. My lips turned to blush pink as I wiped the lip oil against my lips.

Lumabas ako ng kwarto ko, naglakad ako papunta sa sala para mapahinto nang makita si Oxford na nakaupo sa sofa, sa inuupuan ko kanina nang magkausap kami saglit ni Nanay. His hands were clasped together between his knees, his head was down like he was thinking deeply.

Humakbang ako at narinig niya ang mga yapak ko. Napatayo siya.

He opened his lips. "Hey, I... just invited myself to come in." he declared.

Yumuko ako para hindi magtama ang mga mata naming dalawa. Tumikhim lang siya at naglakad. Pinauna niya ako pero nang lumabas kaming dalawa ay nagpahuli ako sa paglakad dahil nilock ko pa ang pinto. Yung susi ay inilagay ko lang sa ilalim ng welcome mat namin.

Sumunod ako kay Oxford. Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse para pumasok. I inhaled his manly scent as I entered his car. Pagpasok niya ay napatahimik ako. We were never this awkward unlike we first met. I couldn't help but to feel really awkward because the man who helped from my accident several weeks ago was the one man who got me pregnant.

And the man who I just thought a lot.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinaglalaruan ang labi ko. Hindi siya nagbukas ng usapan. Kung ano man ang iniisip niya sana ay hindi niya kunin sakin ang anak ko. Pwede kong sa kanya patulugin si Kamp tuwing weekends.

Yet, there's a part of me that I couldn't let it happen because of Nillie. Magtataka siya kung bakit hindi siya isinasama ng tatay ng kuya niya. Hindi naman anak ni Oxford si Nillie, ipapaliwanag ko naman sa kanya na hindi niya kadugo si Nillie.

I leaned my head on the window. I already missed my children. Ano kaya kung nasa apartment na sila? I wanted to hug them and tell them I love them. Pinikit ko ang aking mga mata at nagpalamon sa antok.

Continue Reading

You'll Also Like

1M 30.2K 40
TRIGGER WARNING: This story is not for everyone. Sampung taon nang nagmamahal si Olive kay Atlas. Sampung taon ng pagtitiis kasama ito. Sampung taon...
29.8K 736 52
She's head over heels on him before but now he's head over heels on her. Another story of... She fell first but he fell harder Eliot Yilmaz and Elo...
35.3K 1.7K 26
Tara Violet Sanford is not your ordinary woman. She loves baggy clothes than fancy dresses, rubber shoes than heels, and paints than makeup. Harriso...