Oxford

By cultrue

82.9K 1.8K 82

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 22

1.5K 38 3
By cultrue

Dahan-dahan kaming bumaba ni Kamp mula sa magarang kotse ni Oxford. Iba naman ang dala niyang kotse. It's McLaren this time and my son loved it. He was dazed during the ride, kung hindi ko siya kinalabit ay hindi siya matitinag.

Binuksan ko ang gate para papasukin si Kamp at patakbo siyang pumasok at iniwan kami sa kalsada. I faced Oxford with a sorry smile because of my kid's action.

"Salamat sa paghatid Oxford at sa pag-akay kay Kamp. Pakisabi nalang kay Easton na sorry ulit dahil tinawag siyang Papa ng bata."

"It's not a big deal, Billie. And Easton doesn't put a deal into it too, he likes kids." he said.

That's a relief.

Tumahimik ang buong kapaligaran.

Napakamot ako sa batok at nahiya sa harap niya. Nahiya ako sa ginawa ni Kamp. Really. Hindi ko rin inaasahan na tutulungan niya ako.

I heard him exhaled deeply so I darted my eyes again onto him.

"It's getting colder outside, you should get inside before you catch a cold, Billie. It's not good if you get cold, you have kids."

Tumango ako pero agad na naging bato ang ngiti ko nang may maalala. "Shoot! Sorry nakalimutan ko nga pala ang relo mo—kukunin ko sa loob ng apartment—"

Patalikod na ako pero nahawakan niya ang daliri ko. I stopped as my heart beat me. His hand crawled to cup my whole hand. He's warm and he got a rough hand despite of being man with a golden spoon.

"Just keep it for a little while for me, will you? Give it to me some other time, not tonight because it's getting colder. Aalis na rin ako para umuwi."

His voice was so soft. Parang bata ako na kinakausap niya kagaya ng mahinahon niyang pagtugon kanina kay Kamp.

Bumuntong-hininga ako at tumingin sa kamay na hawak niya. Binaba din niya ang tingin niya pero hindi siya nailang. He caressed my knuckle with his thumb and with his eyes that were looking at me with pure gentleness.

My heart kept beating me up. I couldn't help it.

I was certain I already developed a huge crush on Oxford because I couldn't help but to think of him during the night in my bed and he's starting visiting my dream.

Natitigan ko ang kanyang mga kuko. Mas maganda ito kaysa sakin. Yung kuko ay hindi mahaba dahil palagi ko itong pinuputulan, it's unhygienic for me to let nails grow. Pero yung sa kanya ay medyo mahaba at hindi nakakadireng tignan.

His nails were too fabulous to stare at. It's pink and there's no pointed tiniest dirt shrouding in it.

"Mama! Tawag ka ni lola!"

Nagitla ako sa pagtawag ni Kamp mula sa pinto ng apartment at agad kong binawi ang kamay ko mula kay Oxford.

Napaiwas ng tingin si Oxford sakin.

"Oh sige papasok na." sagot ko sa bata bago ulit humarap kay Oxford. "Sige Oxford, bukas ko nalang ibibigay sayo ang relo mo kung pumunta ka sa Lopez. Hihintayin kita doon."

He smiled. "Make sure you wait for me Billie." sagot niya bago siya tumalikod papunta sa kotse niya at sumakay.

Hinintay ko siyang umalis bago pumihit paharap sa apartment ko. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko si Nanay sa kusina at naghahanda para kumain sila. "Nay tapos na po kaming kumain ni Kamp. Kayo nalang ho."

"Naku sayang ang dami kong nasaing na bigas. Di bale, isasangag nalang ito bukas." sagot niya.

Nilock ko ang pinto at naglakad ako papunta sa kwarto ko. Binaba ko ang gamit ko sa lamesa. Hinanda ko ang susuotin ko na pantulog pati pantulog ng mga bata. Paglabas ko ng kwarto ay tinawag ko si Kamp para linisin yung katawan niya at para makapagbihis.

I also checked the temperature of my daughter. Hindi pa bumaba ang lagnat niya. Ang sabi ni Nanay ay pinauna niyang pakainin si Nillie para makainom ng gamot. I felt sorry for Nillie because I forgot that she's sick. Napunta kasi sa iba ang isip ko kaya nakalimutan ko siya.

"Itatabi ko lang munang matulog si Nillie sa kwarto ko. Wala na akong sipon ngayon kaya ayos na maitabi ko siya sa akin kaysa mahawaan niya ang kuya niya." suhesyon ni Nanay.

"Okay lang 'nay. Kung may kailangan ho kayo ay sabihin niyo lang sakin." sabi ko at kinarga palabas ng kwarto si Nillie para mailagay siya sa kwarto ni Nanay.

Nakaayos naman yung higaan ni Nanay. Linagyan niya ng unan sa gilid para hindi mahulog ang bata. Hiniga ko si Nillie sa kama. Pinunasan ko muna ang kanyang katawan bago siya binihisan ng bago. Nilagyan ko rin siya ng basang towelette sa noo.

Nilagyan siya ng Kool fever ni Nanay sa noo kanina pero hindi parin bumaba ang lagyan niya. Kapag tatlong araw na siyang hindi magaling ay dadalhin ko siya sa ospital para matignan ang kalagayan niya, baka ano na ang nangyari sa kanya.

"Mama I want water color." Kamp announced as I entered our room. Nauna na siyang humiga sa akin at yun ang binungad niya sakin.

Pinatay ko muna ang ilaw bago humiga sa tabi niya. Tumagilid ako para makaharap siya. "Bibili ako pero hindi ako sure, okay? Kapag may free time si Mama pupunta ako sa mall."

"Okay. Thank you Mama."

"Now go to sleep, Kampy. May pasok ka pa bukas."

Yumakap siya sakin at pinikit ang kanyang mga mata. Huminga ako ng malalim at unti-unti ko ring pinikit ang aking mga mata para makatulog.

Kinabukasan ay maaga kaming umalis ni Kamp para maihatid ko siya sa eskwelahan at para maaga din akong makapunta sa shop. Magaan ang loob ko nang umalis ng apartment dahil hindi na mataas ang lagnat ni Nillie pero hindi siya pwedeng pumasok kaya nagsulat ako ng excuse letter para sa anak ko. Sinabi ko rin sa teacher niya para malaman na hindi papasok si Nillie.

Dala ko ang relo ni Oxford. May ugali siyang dumalaw sa Lopez kahit maaga palang. Ewan ko kung bakit siya dumadalaw minsan ng maaga pa. Ilang beses na yung nangyari, minsan kapag wala ako sa Threads ay sinasabi nalang ng mga kaibigan ko na nakita nila si Oxford sa labas ng shop ko.

There's something suspicious by that action of his. Mabuti sana kung manghuhula ako ay mahuhulaan ko kung ano ang nasa isip niya pati narin ang mga kinikilos niya para handa ako kung sakaling ano man ang gusto niyang iparating sakin.

Hindi ako nag-aassume ng kung ano, pero nasa dibdib ko yung ibang pakiramdam na parang gusto niya akong habulin, dalawin, o hawakan.

Hindi ko pa yun naramdaman sa ibang lalaki. Hindi ko rin kayang magtiis.

Binaba ko ang bag ko sa ibabaw ng lamesa. Paglabas ko ng opisina ay pinunasan ko muna ang sewing machine ng tissue paper dahil may alikabok na ito. Yung mga kasamahan ko sa shop ay tahimik ng nagtratrabaho. Yung musika lang na pinatunog galing sa Spotify ang siyang naglilikha ng ingay sa loob ng shop para hindi boring at hindi antukin ang mga katrabaho ko sa pagtatahi.

Sewing sometimes could be sleepy especially if the day seemed like it's a boring day.

Tumulong ako sa pagtatahi at kalahating araw ako halos nagbabad sa pagtatahi. Mabuti nalang at natapos ako sa shirt ni Ares. Mahal din ang tela na ginamit at hindi yun makati kapag isinusuot at hindi din yun madaling kumupas kapag linalabhan araw-araw. Bago ako nag-umpisa sa pants niya ay kinuha ko muna si Kamp sa eskwelahan niya at hinatid sa apartment bago ulit bumalik sa Threads na hindi kasama ang bata.

Hindi ko natapos ang pants pero may bukas pa naman para gawin yun. Hindi dumating sa Lopez si Oxford sa araw na yun. Nadismaya ako pero wala akong karapatan para pumait ang pakiramdam ko dahil lang sa hindi niya pagbisita. He's a busy guy and he's not just making his empire growing wider, he also had a life outside of it and I wasn't included in his life.

Pagdating ko sa apartment ay hapong-hapo ako sa pagod. Ang bilis lang ng oras at hindi ko alam na gabi na. Tahimik lang akong kumain. Ang dami kong kinain dahil binawi ko yung nawalang lakas mula sa pagtrabaho.

"Nay sa labas lang muna ako." Pagpaalam ko.

"Anong gagawin mo sa labas?"

"Magpapahangin lang ho." sagot ko.

Yung mga bata ay hindi sumunod sakin dahil sinaway sila ni Nanay. Si Nillie ay ayos na siya at mabuti nalang ay hindi na siya inuubo gaya kanina bago kami umalis ni Kamp papunta sa hospital. Pinauna ko yung mga bata na matulog para makapasok sila bukas sa eskwelahan.

Pagdating ko sa labas ay sinalubong ako ng malamig na hangin. Mabuti nalang at may suot ako na makapal na pajama pants at makapal na sweatshirt para hindi ako malamigan. Yung suot kong tsinelas ay yung may mga balahibo na close na walang straps.

Saktong nasa pinto na ako ay lumabas din si Farren mula sa kanilang apartment. Nakasuot na siya ng pajama pants pero may suot siyang roba pantakip sa kanyang suot na nasa ilalim at para hindi rin siya malamigan.

"Oy Billie girl! Kamusta ang araw?" tanong niya saka lumapit sa may gate.

Naglakad din ako para lumapit sa may gate. "Okay lang. Nakakapagod pero sulit din dahil medyo malaki ang kita ng shop."

"Mabuti yan. Sahod ko nga pala kanina. Gusto mo ba ng beer?" alok niya.

"Sure."

"Wait lang kukuha lang ako. Dito ka nalang sa apartment, inuman muna tayo. Minsan lang naman." dagdag niya.

Napatango nalang ako dahil tama siya. Minsan lang naman kaming magkasama ni Farren dahil pareho kaming busy sa trabaho. Siya kasi ay minsan ko lang din nakikita kaya nakakamiss siya kahit magkapit-bahay lang kami.

Hindi na ako pumasok sa apartment nila at umupo nalang ako sa bench na nasa labas ng kanilang apartment. Sa itaas ng bench ay may dim na ilaw pero hindi abot ng ulo ko. Paglabas ni Farren ay may dala na siyang dalawang can ng beer at binigay sakin ang isa. May malaking chichirya din siyang kinuha para saming dalawa.

Umupo siya sa tabi ko at huminga ng malalim. "Akala ko ay hindi ko kayang magtrabaho bilang yaya ng mga bata. Kaya ko pala kahit masama ang mga ugali." sambit niya saka binuksan yung lata.

Binuksan ko rin yung akin. "Alam ko na makakaya mo yun. Ikaw pa kaya, ikaw kaya si Wonder Woman."

"Ha! Wonder Woman ka rin no." she replied in her most cheerful tone.

"Maganda ba ang pasweldo sayo?" pagbaling kong tanong.

Agad siyang tumango bago niya tinungga yung lata. "Mas mataas pa kaysa sa sahod ko sa pagcocall center. Hindi din bihira ang pagiging yaya ko dahil kailangan tolerado ko ang mga bata. Mabuti nalang at ngayon ay napapasunod ko na sila sakin." Proud niyang sagot.

Natawa ako sa sagot niya at tinungga yung lata.

"Ano bang klaseng mga bata ang inaalagaan mo?"

She scoffed. "Mga spoiled brat! Hindi nga marunong humingi ng sorry at magsabi ng please. Pero ngayon ay mabuti nalang at hindi na mataas ang proud ng mga yun. Ako syempre ang nagwagi." she chuckled as she answered.

Napailing ako na may maliit na ngiti sa labi. Kalaunan ay natahimik ako dahil may naalala ako. Napansin din ni Farren na tahimik ako ng ilang minuto, siniko niya ako.

"Akala ko nakikinig ka sakin, hindi ka naman pala nakikinig. Tulero ka na naman." puna niya.

"May iniisip lang ako Far."

She tilted her head. "Ano bang iniisip mo? May kinalaman ba ito sa pamilya?"

Sa sinabi ni Sack ay sabi niyang si Farren daw ang nakamukha sa lalaking kasama noon sa bar—at yung lalaki na yun ay ang ama ni Kamp.

"By any chance, Farren, may naalala ka pa ba sa nangyari sa bar five years ago?" I asked.

Mataman niya akong tinignan at kumunot ang noo.

She sighed then she drank. "May naalala ako pero yung tungkol sa kasama mong lalaki... oo nga't namukhaan ko siya pero hindi ako sigurado dahil madilim sa lugar na yun."

"Ano pa ba ang naalala mo?"

Bumuntong-hininga siya tumingin sa harap. "Naalala ko na malaki siyang tao, mayaman, at siguro ay malaking tao."

Napatango ako habang matamang nakikinig sa kanya.

"Akala ko nga galing sa preso yung lalaking yun. Kung hindi ko lang nakita yung suot niyang relo ay mapapagkalaman ko siyang tambay sa kanto."

"Ano bang suot niyang relo?" Bigla akong nakuryoso sa sinabi niya.

Nagkibit-balikat siya habang binabaliktanaw yung nakaraan. "Rolex yata yun."

Bigla akong nadismaya. Ewan ko ba pero iisang tao ang nasa isip ko nang mabanggit niya ang relo. Hindi nga siya nagpakita eh.

"Pero naalala ko na may tatu siya sa braso kaya napaisip ako noong una na baka sumama ka lang sa tambay. Susundan na sana kita para kunin pero yung date ko noong gabing yun hinarangan ako! Tapos paglingon ko sa inyo ay wala na kayo kaya yun nagkaroon ka ng Kamp." she said with her animated voice.

But I was taken aback with the mention of tattoo.

Lumingon ulit ako kay Farren. "Ano bang tatu niya? Nakita mo ba?"

Her eyes widened as she nodded. She faced me. "Oo. Parang dragon yung tatu niya pero yung katawan lang at ng buntot ang nakita ko. Hindi ako sigurado sa kulay ng ink dahil nga madilim sa parte ng bar kung saan ka niya dinala. May matangos na ilong ang lalaki, may balbas siya at matangkad. Sa palagay ko ay kapag magsuot ka ng heels ay hanggang ilong o mata ka niya dahil matangkad ka."

Sa deskripsyon na binigay ni Farren, medyo nalito ako lalo na't sunod-sunod ang kanyang sinabi. Pero sa deskripsyon niya sa taong nakasama ko ay iisa lang ang imahe na pumasok sa isip ko. Weird pero siya talaga.

Yun ay walang iba kundi si Oxford.

Continue Reading

You'll Also Like

4.5M 157K 50
*BEING RE-WRITTEN* "I never once told you I broke the engagement," his words were harsh and spoken in a cold voice but his hand that was running up a...
Isabella By Amber

General Fiction

14.4M 435K 34
When Ashley found out that she was pregnant with twins, she couldn't wait to share the good news with her husband. But when he got home later that ni...
1.1M 91.2K 86
{WATTY'S 2020 WINNER & EDITOR'S PICK.} Hopeless romantic and aspiring writer Mare Atwood has fallen madly in love with her childhood correspondent...
5.5M 219K 49
Paranormal Romance (Werewolf) You know that movie Jerry Maguire? It's about this sports agent who got fired for suddenly having a conscience. Anyway...