Please, Say Yes.(Under Editin...

By Ci9nus

3.7K 852 491

"How can I forget you when you gave me so much to remember?" [On-going] More

Disclaimer
PROLOGUE
C1
C2
C3
C4
C5
C6
C7
C8
C9
C10
C11
C12
C13
C14
C15
C16
C17
C18
C19
C20
C21
C22
C23
C24
C25
C26
C27
C28
C29
C31
C32
C33
C34

C30

34 1 0
By Ci9nus

PLEASE, SAY YES.

Nasa classroom na kami't lahat at naghihintay nalang ng teacher pero yung utak ko naroon parin sa music room. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. It feels so awkward na may tumititig sa pangit mong mukha.

Kagaya nalang ngayon, ramdam ko ang mga titig ni Laurent. Hindi ko naman siya tatakasan pero kung tumitig ay wagas. Kanina pa ito simula nang makarating kami dito. Nakangiti habang hindi pinuputol ang tingin sakin. Nakakalimutan rin ata niyang may mga kaklase kaming nakatingin rin samin. Alam kong alam na ng mga tao dito sa school ang nangyari sa music room.

Impossibleng hindi pa nakikwento ng mga alagad ni Laurent ang nangyari kanina. 'Yong mga humarang sakin kanina, mga alagad pala ni Laurent sa Music Club. Saka obvious naman na alam na ng lahat dahil grabe sila tumingin sakin ng masama. Lalo na si Sheena the coloring book.

"Ganda."

Napunta sa tabi ko ang atensyon ko dahil sa biglaang pagsasalita nito. I can feel his sincerity through looking to his eyes. Ang mga nakangiti niyang mga mata ang nagpapatunay roon.

"Tigilan mo ang pagtitig mo sakin. Maraming nakatingin." Bulong ko sa kaniya ng may diin dahil baka hindi ko na kayanin ang kilig na nararamdaman ko.

Ngumiti lang siya sakin ng may tunog na lalong nagpakilig sakin.

To be honest, medyo naiilang parin ako sa kaniya. Isang poging academic achiever na may talent sa music 'lang' naman ang may gusto sakin. Sinong hindi maiilang. Dumagdag pa ang mga choice of words niya na hindi kapanipaniwala.

Ako maganda? Niloloko ata ako nito.

Napunta sa harap ang tingin ko nang makarinig ako ng kalabog. Si Ma'am Lambanog pala. Nandito na.

Hindi pa kami nakakapagbati nang inunahan na niya kaming magsalita "Ano itong naririnig rinig ko diyan sa labas na may nanliligaw raw!?" Bungad niya samin.

Aba chismosa rin itong si Ma'am Lambanog ha.

"Ma'am si Pres at Derna may something!" Sigaw ng isa naming kaklase kaya agad naghiyawan ang iba.

Nasaksihan namin ang pagbabago ng expression niya. "Quiet! Ano!? Totoo ba ito Gabriel!?" Baling ni Ma'am kay Laurent

"Yes po Ma'am." Sagotnng nasa tabi ko.

Naghiyawan ulit ang mga kaklase ko dahil sa kanilang narinig. Even me ay nakaramdam ng kilig kaya napangiti ako.

"Ang babata niyo pa para diyan! Sayang ang talino mo Gabriel pag pinagpatuloy mo 'yang ginagawa mo!"

Did I just got indirect insulted!? The heck!?

Napalitan ng sakit ang kilig na naramdaman ko kanina dahil sa narinig ko. Wala siyang sinabing bad influence ako pero 'yon ang naramdaman ko.

"Ma'am, just to be cleared po, my academic is still my priority. Derna has nothing to do with that." Sagot ni Laurent saka pasimpleng kinuha ang kamay ko at pinisil iyon ng mahina.

"What?!"

"And one more thing po Ma'am, I can manage dating Derna and studying at the same time. No need to worry po if you're worrying about my academics. I'm sure with Derna." He said confidently kaya lalong lumakas ang hiyawan ng mga kalalakihan. Ang ibang mga babae naman ay nakasibangot gaya ni Sheena.

Yumuko ako dahil sa narinig ko. Gusto kong maging masaya dahil sa narinig ko kay Laurent pero bakit hindi ko magawa. His words are giving butterflys on the others stomach pero not mine. I felt belittled and insulted.

Parang hindi ako bagay kay Laurent.

Iyang ang nasa isip ko ngayon. Feeling ko kaya ako pinagtitinginan kanina ay dahil iniisip nilang anong nakain ng top student ng school at pumatol siya sa isang bobo at rebeldeng babae.

Nasaktan ako sa sinabi ni Lambanog. For real.

First day of panliligaw pero marami nang may ayaw. Ata..

"Whatever! Bring out your notebook! Take some notes!" Bumuntong hininga siya bago tumalikod samin at humarap sa blackboard.

Naupo na ang iba naming kaklase pero ako ay nanatiling nakatayo. Nabaling ang atensyon ko sa katabi ng hinawakan nito ang kamay ko.

Nakangiti siya sakin nang may pag uumanhin "You okay?"

"Hmm.." Tumango ako bago umupo saka pilit siyang nginitian.

Wala siyang kasalanan kung may nanghuhusga samin o sakin.

Apat na subject. Apat na subject akong tulala. Hindi ko maiwasang hindi mag-isip dahil sa mga narinig ko kanina. I know my academic performance is not good. And my reputation in this school was bad. But is it really required na ipag-sigawan niya sa classroom namin kung gaano niya ako kaayaw para sa paborito niyang estudyante?

"What do you want for lunch Derna?"

We're already here sa canteen at ramdam na ramdam ko ang mga tingin nila samin. Ang mga matatalim na tingin at mga nagtatawanan.

"Menu—"

Naputol ang sasabihin ko nang mamataan kong papunta sa direksyon namin ang mga kaibigan ko.

Nagsidatingan sina Fritzy at Lorie kasama si Denver na may dalang sariling mga tray ng pagkain.

"Ano itong naririnig rinig ko diyan? Ha?" Bungad niya sakin.

"W-wala.."

"Anong wala!? Nanliligaw daw si Gabriel sayo, e, 'di ba kayo na? Ang gulo naman!" Napakamot siya sa ulo niya.

Napatawa nalang ako at binalingan ng tingin si Denver na nasa gilid ni Lorie. Mukhang iniiwasan parin niya ako dahil nasa paligid si Laurent.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko kay Denver na naupo na sa isang upuan.

Junior palang siya pero nandito siya sa SHS campus.

"Kinuha ko siya sa Junior High! Nakita ko kasi siya doon sa isang bench may tinitignan na babae." Paliwanag ni Lorie na nagpalaki sa mga mata ko.

"Sama ka ng sama kay Rence natututo kang lumandi!"

"Hindi naman landi 'yon! Porke tinititigan landi na agad!" Depensa niya.

"Hindi 'tinititigan' tinitignan! Huling huli kana!"

"Eh!"

Akmang lalapit ako sa kaniya at aakbayan nang biglang may humarang na braso sa mukha ko.

Si Laurent.

"Nandito ka pa pala!" Gulat akong napatingin sa kaniya. Hindi pa pala siya umaalis.

"Yeah.. anong gusto mong lunch?"

"Menudo, Ice cream." Agad kong sagot sakanya dahil napansin kong nakasalubong na ang kilay niya.

"Ice cream nanaman. Tss. What flavor?"

"Cookies and cream!" Agad akong kumuha ng 100 pesos sa wallet ko at inabot sa kaniya.

Ang mga salubong niyang kilay ay lalong nagsalubong ng makita ang iniaabot ko.

"What's that?" Takang tanong niya na nagpakunot rin sa noo ko.

"Ha? Pera malamang. Nabobo ka nanaman ba Laurent?"

"What?! Fuck! I know that it's money, but why are you giving me money?"

"Anong giving money?! Asa ka!" Asik ko.

"Huh!?"

"Wala nga akong pera pang bigay pa kaya? Tss. Pambayad ito sa lunch ko!" Iritang sagot ko sa kaniya.

"Ah! I thought you're giving me money." Ang kunot niyang noo ay unti-unting kuminis. Lumabas ang kaniyang dimples dahil sa kaniyang pag-ngiti.

Umirap ako sa kaniya. "Asa ka naman. Oh! Ito pambayad ko."

"Nah! You keep that. It's my treat." Kinuha niya ang kamay ko na nakahawak sa pera ko at inilagay iyon sa bulsa ko.

"Anong treat! Ayoko! Ayoko ng ganon Laurent! next time mo nalang ako ilibre kapag short ako sa money." Sabi ko sakanya dahil may pera naman ako kaya 'di niya ako kailangan ilibre.

Inabot ko ulit sa kaniya ang pera pero hindi niya ito pinansin. "But–"

"Kukunin mo ito o sasapakin kita? Walang but but dito! Hindi mo kailangang gumastos para sa pagkain ko dahil may nakareserve naman akong pera para don. Next time nalang Laurent kapag snacks. Pero kapag lunch ayoko."

Bumuntong hininga siya bago tumango nalang sakin at alanganin niyang kinuha iyong pera na inaabot ko sakanya.

"Sige next time ha?" Paninigurado niya na ikinatawa ko.

He's cute at the same time handsome. Paano niya napagsasabay 'yon!

"Oo!" Ngingiti ngiti kong sigaw sa kaniya.

"Okay." Ngumiti rin siya sakin bago bumaling kay Denver na busy ngumalngal. "Hoy bubwit, samahan mo ako."

"Kumakain pa ak—" Hindi na natapos ni Denver ang sinasabi dahil agad na siyang hinila patayo ni Laurent at kinaladkad papunta sa counter.

Selos na selos talaga kay Denver.

Napailing nalang ako saka tumingin sa dalawa ko pang kasama. Namataan ko silang nakangiti sakin ng nakakaloko.

"Shit, ang bait naman ng prinsesa."

"True!"

Komento nang dalawa saka ako hinampas hampas. Agad kaming nagtawanang tatlo dahil doon.

Nang dumating sila kanina, nawala 'yong mabigat sa dibdib ko. Ang laki talaga ng epekto nila sakin. Sa pagkatao ko. Kahit medyo magulo sila minsan. Parang ako.

Now this is for real..

Magbabago na ako hanggang sa matanggap na ng mga tao na bagay talaga ako sa kinababaliwan nila. Saka wala silang magagawa kung hindi ko man mabago ang sarili ko.

Ako parin ang gusto ng gusto nila.

Ilang minuto lang rin ang lumipas nang bumalik na si Laurent at Denver na dala na ang pagkain namin. Pinagmasdan ko lang siyang ilagay sa table ang mga pagkain na binili niya. Napatingin ako sa braso niyang halos pumutok na ang uniform niya dahil sa laki nang i-extend niya ang kamay sa harap ko.

Paheadlock kuya..

Hindi ko maiwasang isipin na sobrang swerte ko pala sa kaniya kung nagkataon. Malalaking braso, Magandang mukha, Academic achiever, Maganda ang boses, President sa klase at Club.

Siguro magaling rin ito mag handle ng relasyon kung sakaling sasagutin ko na siya.

Mahina akong napatawa dahil sa naisip. Shuta ang landi ko.

"Magtigil ka nga!" Hindi ko namalayang sabi ko sa sarili kaya agad napatingin sakin 'yong apat.

"M-me?" Nakakamot ng ulong turo ni Laurent sa  sarili.

Agad akong umiling sa kaniya. Handa na sana akong sumagot nang mapatingin ulit ako sa braso niyang nakaangat dahil sa pagkamot niya sa ulo.

Namataan ko ang nakasilip niyang pasa. Bumalik sa akin ang mga tanong na kahapon ko pa isinasawalang bahala.

"Iyong sugat mo.. Saan mo nakuha?"

Nasaksihan ko kung paano mapalitan ang expression niya dahil sa tanong ko. "A-anong sugat?" Pasimple niyang ibinababa ang ang sleeve ng uniform niya.

"What sugat?"

Sabat ni Fritzy kaya napunta sa mga kasama namin ang tingin ko pero agad rin namang bumalik kay Laurent dahil naramdam kong umupo na siya sa tabi ko.

"W-wala naman akong sugat. Kain na."

"Meron! Nakita ko kahapon at–" Natigil ang sasabihin ko sanang pati noong isang araw ay pumunta siya sa bahay na puro galos pero baka mag taka na sila.

"Walang sugat pero naka-bandaid ang mukha." Sabat ni Lorie.

Napatango kami ni Fritzy kay Lorie.

Sigurado akong may sugat siya sa braso. Patunay na iyong nakita kong pasa sa braso niya kanina at last week.

"Gutom lang 'ya– ah!" Hindi niya natuloy ang sinasabi niya ng bigla itong parang may ininda at humawak sa kaniyang ulo.

"Hoy! Okay ka lang?" Tanong ni Lorie. Akmang hahawakan niya si Laurent nang bigla niyang hinawi ang kamay ni Lorie na lalong nagpakunot sa noo namin.

"I-I'm okay.. kaka-aral ko lang siguro.."

"Sino 'yong sumigaw?"

"Iyong president ng music club, teh."

"Bakit daw?"

"I don't know, pero ang pogi talaga niya ano?"

Napatingin ako sa paligid ng marinig ang bulungan ng iba. Maraming nakatingin sa table namin. Nagtataka kung bakit bigla nalang napasigaw sa sakit itong kasama namin.

"E-eat Derna. Excuse me, may pupuntahan lang."

Tumingin sakin si Laurent nang may pakikiusap na tingin bago tumayo at nag mamadaling naglakad habang hawak ang ulo.

"H-hindi ka pa kumakain!" Sigaw ko sa kaniya pero hindi niya ako pinansin.

Maraming nakatingin sa kaniyang mga studyante at mga bumati pero lahat sila ay hindi niya pinansin.

Nakasalubong pa niya si Jace nag akmang makipag high five pero kaniya rin itong nilampasan.

Nang tuluyan ng mawala sa paningin ko ang lalaki, agad naglakad palapit samin si Jace.

Taka niyang inupuan ang pwesto ng kaibigan niya. "Nangyari ro'n?"

Nagkibit balikat ang mga kasama namin at nagpatuloy na sa kanilang mga kinakain.

Close na rin pala niya ang mga taga photography club. Nakakasama pala kasi niya dati ang mga ito dahil Isa si Jace sa mga School Model.

Pero balik tayo kay Laurent. Hindi ko mapigilang mag-alala dahil sa mga inasta niya. Noong saturday nang pumunta siya sa bahay ay ganon rin ang nangyari. Kanina, sa music room, ganon rin. Pero ang laging dahilan niya ay nasobrahan sa pag aaral..

Suspicious.

May nangyari ba sa kaniya last week?

C I 9 N U S

Continue Reading

You'll Also Like

153K 8.1K 34
တိမ်ပြာတွေ မရှိတဲ့ ကောင်းကင်ကြီးက ဘယ်လိုလုပ် အဓိပ္ပါယ် ရှိနိုင်ပါ့မလဲ...။ (ကောင်းကင်သစ်) တိမ်တွေဆို...
24.9K 772 15
Y/N L/N, is a teenager who lives alone and who has an addiction for alcohol... What will happen when he has to tutor five dumb girls with his best fr...