KILL YOUR HEART

By limmymunez

388 258 20

love doesn't feel right and wrong but sometimes it feels like what better person they want to love. More

PROLOGUE
A NIGHTMARE PAST
DISTANCE BETWEEN YOU AND ME
MEET AGAIN
EMERGENCY
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
CHAPTER 26

CHAPTER 4

20 10 1
By limmymunez

                                      MY BOYFRIEND?

                       dedicated to: andelynINDAYNI

"ZELLE POV"

Hindi ko na kinaya ang bunganga ni Maxine kaya umalis nalang talaga kami ni Franco baka ano pang marinig nito.

Palabas na kami ng Hospital ng hindi ko siya nakita... hindi siguro siya lumabas ng kotse. Hayst! ang tigas naman ng ulo niya parang siya pa yung amo ko! Di bali na, wala akong paki-alam! gawin niya ang gusto niyang gawin naghihinayang narin akong kinuha ko siya bilang Body Guard. Wala Namang silbi!

"Franco, mauna ka na sa kotse!

"Sigeh po ateh, ahm.. ateh dibah kulay black yung van  na sinasakyan niyo ni manong ?

"Ahm... yan muna yung dinala ko nasira kasi yung sa akin, kaya pinapagawa ko muna... sigeh na! mauna kana ron. Muntik na ako don, pero nagawan ko pa ng paraan... nasaan na ba kasi yung lalaking yun!

"Ahm, kuya? kung magtatanong si Franco sa inyo? kung maaari wag niyong sabihin sa kanya ang nangyari sa akin.

"Opo ma'am! wala ho kaming sasabihin!

"Ahm, yung isang sasakyan dadalhin na ni manong Jovi, tsaka kailangan mauna kami bago kayo... hintayin niyo nalang siya rito!

"Sigeh po ma'am, wala ho yung problema.

"Sigeh mauna na kami!

"mag-iingat po kayo ma'am!

"kayo rin...

Naglakad na ako papuntang kotse, at sakto rin bumalik na siya. Hindi ko alam kung saan siya galing Pero ano naman kaya yung dala niya.

"Kung maiitatanong mong saan ako galing bu------

"Wala akong paki-alam! hindi ko gustong malaman kung saan ka galing!

"ito naman, kanina ka pa galit sa akin! kahit minsan naman ngumiti ka....

"Wala akong balak ngumiti!

"Wala na akong magagawa diyan, pero kung gusto mong kumain ng Ice Cream, ito, binili ko to para sa yo!

"Ang Corny mo naman para bigyan ako niyan!

"Ate? sino siya? napalingon agad kaming dalawa ng biglang narinig namin ang boses ni Franco pagkatapos niyang buksan ang bintana ng kotse....

"Siya si------ napatigil ako!

"Knight! Ako si Knight... Body Guard ng ate mo! at ito Ice Cream para sayo ayaw kasi ng ate mo! agad naman niyang pagpapakilala kay Franco. Na dapat hindi ko sana sinabi oh malaman man lang siya ng kapatid ko! nakakainis talaga siya.

"Body Guard ka ng ate ko? kailan?  tanong naman ng kapatid ko sabay kuha ng Ice Cream at tila masaya pa siya.

"Ahm, nong isang araw pa!

"Wag ka ngang magsinungaling! ngayon lang kita hinire bilang Body Guard noh!

"Nakikipagsundo lang naman ako sa kapatid mo!

"Bawal!

"I like his attitude ate, siguro magkakasundo kami! sabi naman ng kapatid ko na ayaw kung marinig mula sa kanya.

"Nako Franco, I am sure na hindi kayo magkakasundo ng lalaking yan!

"Maybe, but you know how to play basketball naman dibah?

"Oo naman! All for 3 points! pagyayabang niya pa.

"Good... kita mo na ate? sigurado akong magkakasundo kami! tila masaya pa siya.

"Ang yabang mo naman! pabulong na sabi ko. Ngumiti naman siya na ikinainis ko. 'lets go kuya... iwannan na natin tong Body Guard nato!

"Teka lang! umikot pa siya sa likuran para doon siya sasakay!

"Ops! tabi kayo ni manong! ako ang tatabi sa kapatid ko.

"Walang problema, pero ngumiti ka naman para ganahan ako.

"tse!

"Ang taray talaga!

Bumiyahe na kami at nainis talaga ako ng sobra... mukhang nagsisisi na talaga akong kinuha ko siya bilang Body Guard ko. Mukhang siya ang sisira ng buong araw ko! Pero di ko maintindihan, bakit ba ako nagagalit sa kanya? at parang naiinis lang ako pag kausap ko siya.... hindi ko alam pero sa tuwing kaharap ko siya nakasimangot na agad ako! At kung kausap ko siya parang matagal na kaming nagkasama o magkakakilala na kami noon pa! yung tipong close na close kami... ni hindi ko naman maisip na amo niya ako at Body Guard ko siya, its mean like he is my employee.

Sana naman magwakas na to! Parang di ko kakayanin kong sa buong araw ganito ako pag kausap ko siya. I don't know pero I hate him. please calm down self!

Well pinipilit ko ang sarili na maging maayos pero mas lalo akong napikon na habang nag dadrive si manong nag-uusap silang dalawa ng kapatid ko... naiinis ako sa tawanan at usapan nila kaya nag headset nalang ako at nakikinig sa kanta.

                         Now playing;
    
      Tanging Dahilan by: Belle Mariano

      🎵🎵 giliw, lumapit ka sa akin,
         mayron, akong gustong aminin,
           bakit ang tamis ng hangin
             satuwing ikay nakatingin🎵🎵
                 di ko napansin nasasabik na         
                  sa'yong lambing
    🎵🎵di na kayang ipagwalang bahala...
        ang dinadala ng puso koy sayo'y ibibigay.

           🎵🎵Ikaw ang tangin dahilan,
           tanging dahilan sa pag gising ko..."
                Biglang may kahulugan,  May                    Kahulugan ang pag-ibig sa mundo.🎵

"Ate? bigla kong narinig ang sigaw ni Franco ng tinanggal niya ang headset sa tainga ko.

"Bakit? anong meron?

"Hindi ko nasabi sayo? Family day namin sa Friday.... dapat nandon ka ahh...

"Ahm, pangako makakapunta ako! tsaka Wednesday ngayon walang problema, maaasahan mo ko!

"At sana kasama ka rin kuya Knight!

"Oo naman! Kailangan kong bantayan kayo ehh... dahil yun ang trabaho ko! pagpaparinig niya pa.

"Nah hindi naman nagawa... bulong namang sabi ko!

"Hindi pa, kasi wala pang problema, bakit? gusto mo magkaroon ng problema?  sagot niya habang nakatingin sa kain... narinig niya pala kahit mahina lang ang  boses ko!

"Ewan ko sayo!

Wala ng mapupuntahan ang usapan nato! mas lalo lang akong naiinis. Agad kaming nakarating sa bahay ng mga ilang minuto at sa totoo lang nawalan ako ng gana! Bumaba agad siya sa kotse para pagbuksan ako habang pumasok na si Franco sa bahay, agad namang pinark ni manong ang sasakyan at kalaunay nakarating narin ang lima kong guard na nagbabantay sa hospital.

"Ahm, Zelle? agad niyang tawag sa akin ng lumakad na ako.

"Anoy iyon?

"Kung maaari sana------!

"Aalis ka? wala namang problema, mas ok yun... pinipilit kong hindi magalit habamg kinakausap siya.

"hindi ka na galit?

"Kailangan ba sabihin ko sayo kung galit ako oh hindi? pamimilosopo kong sabi.

"Ahm, may kailangan kasi akong gawin at----....

"Hindi mo kailangang ipaliwanag sa akin... pwede kanang umalis... mag-iingat ka! mahinang boses na sabi ko...

"Sigeh... salamat sa pag-aalala.

"Hindi ako nag-aalala! Dahil ilang beses na akong sinabihan ng mama mo... kaya wala akong magawa. paliwanag ko habang naglalakad.

At wala narin siyang masabi kaya umalis narin siya... Tiningnan ko naman siya saglit pero pagkatapos non wala na...

" YUMI POV "

"Ohh, Rex? anong ginagawa mo diyan?

"wala, inaayos ko lang yung tricycle! hindi na siya gumana nong sumakay ka! birong sabi niya pero seryuso kong pakinggan.

"Abah!? kasalanan ko talaga na sumakay ako? ang oa naman!

"ito naman ang lakas dumipensa! biro lang naman!

"ohh! nag-aaway nanaman kayo? tanong ni Kurt ng makarating sila ni Dubs sa kinatatayuan namin.

"para talaga kayong mag jowa! dagdag ni Dabs.

Napatahimik naman kaming dalawa habang may naaalala ako nong malasing ako! Nakoh! mukhang hindi ito maganda... may nasabi ata ako kay Rex na dapat hindi niya malaman.

"Ahm, pinasabi ni Wilson punta daw tayo sa bahay nila mamayang ala-sais. Agad na sabi ni Kurt ng manahimik kami.

"Sigeh bah! Mayaman naman yun ehh, siguradong mabubusog tayo don dahil alam ko na mangyayari! nasiyahan naman ako sa sinabi niya kaya ano pang masasabi ko kung hindi go na go.

"Bakit? mag-iinuman nanaman kayo? tila hindi maganda ang tuno ng boses ni Rex... palibhasa mahinang nilalang ni hindi umiinom kahit isang baso lang.

"Ito talaga ang KJ! agad namang sabi ni Dabs.

Kung gusto niyo ang kuwento nila sasabihin ko! Umpisahan natin kay Dabs, tunay niyang pangalan Ay Dambo Navarro! astig kung pakinggan pero duwag siya bilang kaibigan. pero maasahan naman siya sa lahat ng bagay, magaling siya sa paghahalaman at nagbibinta din siya nito kaya maalaga talaga siya. Si Kurt naman, ang genius sa barkada.. lagi kasing nagsusuot ng eyeglass... magaling siya sa computer at ilang mga kilala niya ay na hacked na niya... kay siya ang ultimate hacker ng barkada! si Wilson naman, ang richkid ng barkada, libre ang lahat pag kainan at inuman, lahat kami nakaasa sa kanya sa tuwing may malaking problema kaso ngalang ang magulang niya parehong nasa ibang bansa kaya baliwala sa kanya ang lahat! Si Russell naman ang singer ng barkada, bukod sa singer magaling din sumayaw... iniwan siya ng mga magulang niya dahil  naghiwalay at may sarili ng mga pamilya. Ang tangi niyang pamilya ngayon ay kami lang! Si Rob naman ang tattoo artist ng barkada.. ang tunay niyang pangalan Ay Robbert Adamson. bukod sa tattoo artist isa rin siyang professional photographer at yun ang trabaho niya. at ang huli ay si Samantha, ang single mother ng barkada... pero matatag siya at madami siyang raket mabuhay lang ang anak niya. at 6 years old na ang anak niya ngayon na parang mature pa sa kanya kong magsalita. At yun ang buong kuwento actually buod lang to!

Tapos na akong magkuwento kaya balik tayo sa usapan... Naayos na ni Rex ang tricycle niyang badoy... pagkatapos ay kailangan ko nang umuwi sa amin tapos ko na kasing bininta yung suman at banana cue ni mama kaya mapapagalitan nanaman ako non pag nagtagal pa ako!

Nagpaalam narin ako sa kanila. Nang makauwi sa amin, malayo palang pansin ko na ang maitim na motor! bagong bago pero hindi pamilyar sa akin... kaya agad ko nalang tinakbo...

"Mama! mah???!!!!

Nag-aalala ako at pagpasok ko sa loob wala naman si mama... kung aalis naman yung mama ko lagi niyang ila-lock yung gate at pinto....

"Mama? mama? inikot ko ang bahay pero wala talaga si mama.... pagkaharap ko doon ko na siya nakita, nakaitim lahat ang suot niya... at may hawak siyang pamalo.

"sino ka!? anong ginawa mo sa mama ko? tanong kong natatakot na.

Hindi talaga siya nagsasalita, at lumapit siya sa aking nang dahan dahan!!. Nakaramdam agad ako ng takot at di ko alam ang gagawin tila natataranta ako.

"Alam mo! magdasal ka na para naman pag nawala ka tatanggapin ka sa langit! babala niya pa sa akin.

"please!!! maawa ka sa akin! nasaan yung mama ko nagmamakaawang sabi ko at paiyak narin.

"Pasensya na! wala akong awa ehh... para talagang pamilyar ang boses niya.

"Tulong! tulungan niyo ko! Tumakbo ako papalabas ng pinto habang sumsigaw pero hinarangan niya ako at nilock niya ang pinto.

Hinawakan niya ang kamay ko, at mabilis siyang kumilos, nanglaban ako at ginamit ko ang natutunan ko sa pagkakarati. napuruhan ko naman siya at namimilipit siya sakit ng matamaan ko ang tiyan niya. Nakuha ko ang pamalong dala niya.

"Ahhhhhhhhhh!!!!! sigaw ko habang dala ang pamalo, ipapalo ko sana sa kanya pero nakahilag siya. pero bakit hindi niya ako kayang saktan... pinalo ko muli ang kahoy at nahawakan niya ito, hindi ko naman kaya ang lakas niya, naalis ko ang isa kong kamay sa kakahawak ng kahoy at hinawakan ko ang maskarang nakatakip sa mukha niya at pilit ko itong inalis hanggang sa makuha ko ito at ayaw niyang tumingin sa akin... at napalayo ako pagkatapos non...

"Knight!!!!?????? gulat na sabi ko!

Dahan-dahan siyang lumingon at hindi ako nagkakamali siya nga si Knight! agad ko siyang nilapitan ng mabilis at niyakap ng mahigpit! "Sa tagal ng panahon ngayon ka lang nagpakita! napaiyak ako habang yumayakap. "buwesit ka talaga! tinakot mo naman ako! pinahirapan  mo pa ako ng sobra! umiiyak parin ako at tumigil na sa pagkakayakap. Hindi ko kayang tumingin sa mukha niya at napaupo nalang!

"Bakit dito kayo tumira sa bahay namin? tanong niya sakin na naghihingalo.

"Pasensya na! ehh sa tagal niyong lumipat rito wala kaming magawa kung hindi tumira sa bahay niyo! pinalayas na kami ni aling Erma doon dahil hindi kami nakakabayad ng renta!

"So, kamusta na kayo?

"Kamusta!? yun na yun? pagkatapos mo'kong takotin at pahirapan! yun pala ang way ng pangangamusta mo sa akin ahh! yung pananakot sa akin!

"Bakit? ang sakit kaya ng tiyan ko pagkatapos mo'kong karatihin, hindi mo parin  nakakalimutan yung tinuro ko sayo!

"Hoy! ba't ngayon ka lang bumalik!? namimiss kita sobra!

"sus! wala yun!

"hindi ka parin nagbago, ganyan parin pananalita mo! parang hindi mo'ko namimiss!

"Nasaan ba kasi yung mama mo? ba't mo hinahanap? pag-iiba niyang tanong.

"Natakot lang ako! akala ko kung ano ng ginwa mo sa kanya!

"bakit? tingin mo magagawa ko yun!?

"Oo!

"Ano?

"Nabalitaan namin Knight! at di namin matanggap yun! paano mo nagawang pumatay!?

"Anong klasing tanong yan?

"bakit?

"Hindi sa ganon yun Yumi! Hindi mo alam ang buong kuwento!

"pero bakit ganon ang sinabi ng Balita?

"Sabihin na nating pumatay nga ako ng tao! marami. pero wala ako sa pag-iisip ko Yumi at di ko alam yun! na pumapatay na pala ako ng tao.

"Ano? hindi ko maintindihan! at anong ibig mong sabihin?

"Hindi ko rin alam!

"Ano?

"Basta! hindi ko pa alam...

"Ehh yung papa mo! na number 1 killer ng pinas dibah nakatakas siya? at di na mahanap ng police!

"Alam ko kung nasaan sila nagtatago!

"ano? tapos anong ginawa mo!?

"wala!

"bakit wala?

"wag nang maraming tanong Yumi! marami akong iniisip!

"Yun na yun? marami kang iniisip? yung kanina? plano mo talagang patayin ako? dahil naisip mo yun?

"tama na Yumi!

"sabihin mo kasi!?

"Kailangan ko ang tulong niyo!?

"So yan yung pinunta mo rito? pwes bumalik ka nalang! dahil makikilala  ka ng mga tao rito... siguradong tatawag agad sila ng police mahihirapan kang magtago.

"Hindi nila ako makikilala... nakapasok na ako sa hospital at sa ibang tindahan o kahit saan pa! at di nila ako nakikilala... at ang alam lang nila na may ama akong killer... at anak ako ng killer. Wala akong kasalan Yumi bata palang ako non na pumatay ako... at ang binalita lang ay kasama ako ng walang kaalam alam. kaya pinadala nila ako sa isang lugar kung saan magiging maayos ako!

"Saan? sa bantay bata 163? o sa DSWD?

"Paano mo alam?

"tangi! ano ako lowkey?

"ang yabang mo!

"talaga!

"So ano? matutulungan niyo ba ako?

"Hindi ko alam! mag kuwento ka pa para malaman ko!

"wala ng oras! may trabaho pa ako!

"may trabaho ka? ano?

"hindi mona kailangang malaman!

"ikaw Naman puro ka sekrito! sabihin mo naman!

"ikaw naman ang kulit mo... kung hindi niyo ako matutulungan!? ako nalang mag-isa ang gagawa...

"Ops! Ops! Ops! ito naman magtatampo agad. Oh sigeh na! ano ba yun?

"Itong limang taong ito! gusto nila akong patayin! diko alam kung magkasabwat sila ng papa ko! pero bagong mukha sila... gusto kong hanapin niyo sila... alam ko mahahanap niyo yan, parang dati lang yung ginagawa natin!

"Copy! mukahng masisiyan sila pag nalaman nilang babalik na ang grupong Spy. at tayo yun!

"May tanong ako Knight!

" ano?

"may balak kabang magpakita sa kanila?

"meron! kaya dalhin mo'ko sa kanila.

"yun ang gusto kong marinig!

"KNIGHT POV"

Sana maintindihan nila ako, diko alam kung anong mangyayari basta ang alam ko ako ang dati nilang kaibigan. At sana nga hindi nila makakalimutan ang dati naming pinagsamahan!

"Ano pang hinihintay mo diyan? sabi ko sa kanya habang nakasakay na sa motor!

"Ano ba!? Maglalakad nalang ako! nahihiyang sabi niya.

"Tangi ka ba! kaya nga magpapasama ako sayo tas ako pa mauuna don? bago ka? inis ko sa kanya.

"Ehh... naiilang ako!

"Ano bang nangyari sayo? parang dati lang ikaw pa yun nauunang sumakay sa motor ko kahit wala pa ako. tapos ngayon naiilang ka!?

"Ito naman ang lakas makaalala! nanibago lang naman ako sayo! siyempre ang tagal nating di nakita no! pagdedepensa niya pa.

"Sigeh na! sumakay kana dito...

"oo nah! sumakay na siya at nagmaniho narin ako...

Habang nagmamaniho ako tila may nararamdaman akong hindi maganda... at kutob akong may kanina pang nakasunod sa amin! Gaya ng lagi kong ginagawa humahanap ako ng paraan para di ako masusundan.

"ahm, nag text na pala ako kina Dabs at Kurt, kung natatandaan mo pa yung hideout natin dati.... doon tayo magkita-kita....

"Sigeh! pero kumapit ka Yumi!!!

"bakit?

"kumapit ka nalang! malaking boses ko na sabi sa knaya... humawak naman agad siya sa akin at binilisan ko na rin ang pagmamaniho.

"Knight!!! magdahan-dahan ka naman sa pagmamaniho!? kung ganito ka mag drive  di sana di nalang ako sumakay!

"alam mo ang dal-dal mo parin kahit kailan!

"Ikaw Naman nakakainis ka! inaasar mo nalang ako lagi!

"tumahimik ka nga pwede, gayang gaya mo talaga yung amo kong si Zelle!

"Zelle? sino siya?

"wala!?

"secret! secret! secret!, ang dami mo talagang secret! Nga pala! sino ba Naman ako? baka nga girlfriend mo yun! pagpaparinig niya pa habang mabilis na ang pagmamaniho ko!

"Ang dal-dal mo talaga eh no!

"Hinaan mo nga yung takbo! natatakot ako ehh!

"higpitan mo nalang yung hawak mo sa'kin pwede?!

"teka lang? hindi dito yung daan! dapat lumiko tayo don! nakalimutan mo na ba!

"hindi!

"ohh saan mo'ko dadalhin?

"Nililigaw!

"nililigaw? ano bang problema mo!

"ang ibig kong sabihin nililigaw ko sila, dahil kanina pa may nakasunod sa atin!

"Ano? napalingong sabi niya.

Binilisan ko rin yung takbo ng motor, pero nahihirapan ako sa dan masiyadong masikip...

"Paraan!!! tumabi kayo..... sigaw ko sa mga taong walang magawa kung hindi ang magchismis. nakaharang pa sa daan  'Yumi sabihan niyo silang tumabi...

"ako ng bahala!

Sinunod naman ni Yumi ang inutos ko habang ako hirap ng magmaniho sa masikip na daan na to! tatlong nakamotor din ang humabol at nakasunod sa amin habang naharangan naman kami sa harap ng dalawa pang motor! kaya agad akong napaliko sa isa pang daanan kung saan dalawang tao lang ang makakadaan at buti nalang ay walang dumadaan... nahirapan naman silang mahabol kami at masiyado na kaming nakakalayo. Kaya paniguradong hindi na kami masusundan.

"wala na sila Knight!

"mabuti!

"nakakatakot naman toh! parang susuko na ako! kung alam ko lang na ganito kahirap titigil na ako!

"Hindi kita pipilitin kung natatakot ka!

"hindi naman sa ganon! siyempre kaibigan kita kaya di ako makatanggi.

"Yun nanga! parehas lang yun!

Embis na  traynta minutos  lang ang ibabyahe namin naging dalawang oras na! Kung hindi lang kami hinabol ng mga gong gong nayun di sana maayos yung byahe namin.

"Knight kung hinabol tayo non! siguradong natutuntun na kami niyan! at dahil nandito ka mabilis ka nilang mahanap!

"kaya nga dapat mag doble ingat tayo!

"paano kami!? paano kung kami isusunod nila malalagot kami niyan Knight!

"Kaya nga sinabi ko na kung natatakot kayo... hindi ako mamimilit dibah!

"Ikaw naman ehh! masaya na sanang bumalik ka na rito! pero panganib naman ang dala mo dito! madadamay Yung pamilya namin Knight!

"Yumi paulit-ulit ka ehh!

biglang timunog ang cellphone niya...

"Naghihintay na raw sila sa hideout natin!

"sabihin mo malapit na tayo!

"Buti nga hindi tayo pinaputukan ng baril!

"ayan ka nanaman!

"kasi hindi ako mapakali Knight!

"Umayos ka nga! Nag-aalala rin ako sayo ehh... magpakatatag ka lang kasi!

"teka lang! yung picture... yung humabol ba sa atin sila yun?

"posible!

"nakoh naman!

"Ganito nalang, pagkarating natin sa hideout wag kang magpapahalata sa kanila hah!

"ok sigeh!

Tulad nang napag-usapan tahimik lang kami ng makaratin doon pero sine-secure muna namin ang paligid... bago pumasok... malayo sa maraming bahay ang hideout nato at hindi mo talaga malalaman kong bahay ba ito o hindi kasi natatabunan ito ng mga tira tirang kahoy at pinagtutubuan na ng mga damo... sabihin nalang nating kaparihas ito ng kuweba! Pumasok na kami sa maliit na butas at may hagdan ito pababa!

Unang bumaba si Yumi! at di muna ako nagpakita... rinig ko ang usapan nila ng makita si Yumi!

"ba't ba ang tagal mo! rinig ko ang pamilyar na boses!

"pasensiya na Robs! natagalan lang!

"so anong sasabihin? parang si Dabs ata ang boses nato!

"Kaya nga! iniwan ko pa yung anak ko para lang pumunta dito! hindi parin nagbago ang boses si Samantha.

"Alam niyo baka dito tayo mag-iinuman! si Russell ata to!

"teka lang! nasaan si Rex?

"huh? Rex lagi yung mukang bibig mo! ito mukhang bago sa grupo, di ko kilala ang boses niya.

"pwede ba wilson wag muna natin siyang pag-usapan!

   "si wilson pala yun? tila ibang iba na boses niya"

"si kurt bah nasaan?

"malamang nasa loob nagko-computer ang tagal mo kasi! kasama niya si Rex.. paliwanag ni Dabs.

"hay nako! naboboringan na ako! si Samantha.

"Ahm, Guise alam niyo hindi natin alam kung paano tayo mamuhay ng normal ngayon pero ito na ang oras para hindi tayo makampanti sa lahat ng bagay.

"ano? ano bang sinasabi niya? sabi ko wag magpahalata ehh! kakainis naman ang dal-dal talaga!"

"Yun na yun? yan yung pinunta namin dito? nababadtrip na sabi ni Russell.

"Hindi sa ganon! sinasabi ko lang na nanganganib tayong lahat!

"tama siya! Agad kong sabi sa kanilang lahat pero di pa ako bumaba ng hagdan! pababa pa lang!

"sino yun? sabay silang nagulat!

"Knight!!!!??? sabay na sabi ni Samantha at Dabs, habang gulat pa ang iba ng makita ako!

______________________________________________

                     KILL YOUR HEART

               author by: limuel muñez

______________________________________________

to be continue....

   

                            thank you for reading......

         

Continue Reading

You'll Also Like

59K 1.1K 95
Continuation of Modesto story who happens to intercourse with friends,mature,classmates,strangers and even family...
276 69 98
Some description and some bible verses 🙏🏻💓 *Updates when I can :) -God bless you all
408 56 13
About a chicken's life. Ito ay ang kwentong pambata na katulad ng isang musmos na nagnanais na matupad ang kanyang mga pangarap... kapupulutan ng ara...
213K 419 19
Just a horny girl