Isla Fontana Series #4: Ruthl...

By RosasVhiie

829K 28.1K 3.4K

Title: Ruthless Slave (Isla Fontana Series 4th Installment) Genre: Romance, Erotica, Drama, Violence, Mature... More

Synopsis
Prologue
Chapter 1 (Slave)
Chapter 2 (Borrow)
Chapter 3 (Touch Me)
Chapter 4 (Scar)
Chapter 5 (Calm)
Chapter 6 (Blood)
Chapter 7 (Dangerous)
Chapter 8 (Enchanted)
Chapter 9 (Scared)
Chapter 10 (Knives)
Chapter 11 (Flesh and Blood)
Chapter 12 (Belt)
Chapter 13 (Fall In Love)
Chapter 14 (Creepy)
Chapter 15 (Don't Look Back)
Chapter 16 (Break Up)
Chapter 17 (Tears)
Chapter 18 (Jealousy)
Chapter 19 (Regret)
Chapter 20 (Surrender)
Chapter 21 (One and Only Dream)
Chapter 23 (Basement)
Chapter 24 (The World is Too Cruel)
Chapter 25 (Savior and Salvation)
Chapter 26 (Promise)
Chapter 27 (Heavy Rain)
Chapter 28 (Tame the Beast)
Chapter 29 (Invade)
Chapter 30 (Healed)
Chapter 31 (Don't Go Home)
Chapter 32 (Give Up)
Chapter 33 (Stay By Your Side)
Chapter 34 (Save Me)
Chapter 35 (You're Not The Devil)
Chapter 36 (Buried)
Chapter 37 (Broken Pieces)
Chapter 38 (His Own Flesh and Blood)
Chapter 39 (Warmth, Care, Protection, and Love)
Chapter 40 (You Deserve So Much Better)
Chapter 41 (Destiny)
Chapter 42 (Warm Heart)
Chapter 43 (Love Wins. Love Is Powerful)
Chapter 44 (Passed Out)
Epilogue
PUBLISHED BOOK‼️🖋️📚

Chapter 22 (Fight With Her)

13.5K 466 35
By RosasVhiie

A/N: Happy reading and goodnight, everyone!❤️

CHAPTER 22

TILA isang batang paslit ang dalaga habang nasa loob sila ng mall. Kasalukuyan silang naglalakad papasok ng cinema. Tahimik lamang niya itong binabantayan at pasimple niya itong kinakabig sa beywang sa tuwing may nakakasalubong ito. Tila may sarili itong mundo. Wala itong pakialam sa mga tao sa paligid. She is enjoying her own world right now. That made him smile while watching this lovely woman.

"Sei..." Tawag niya sa dalaga.

Awtomatiko itong tumigil sa paglalakad at humarap sa kaniya. Muntik pa itong mabunggo sa dibdib niya. Maagap lamang niya itong nahawakan sa beywang.

"Careful." He gently pulled her closer.

"Bakit?" tanong nito.

"I want you to sit over there first. I will just buy some snack," aniya sa dalaga at tinuro ang bakanteng bench.

Nakangiting tumango ito. Masuyo niya itong hinawakan sa kamay at hinila ito patungo sa bench. Awtomatiko siyang napatingin sa dibdib ng dalaga. Dahil bestida ang suot nito ay bahagyang nakalitaw ang dibdib ng dalaga. Napatikhim siya.

"I'll zip this first, hmm?" aniya at hinawakan ang zipper ng jacket na sinuot niya sa dalaga kanina.

Tango lamang ang naging tugon nito dahil abala ang dalaga sa mga nakikita nito sa paligid. Napailing lamang siya habang sinasara ang jacket at itinaas ang zipper hanggang sa dibdib nito. Habang abala ang dalaga sa pagtingin sa paligid ay tumitig naman siya rito.

"Seiranel," agaw niya sa atensyon nito.

"Hmm?" tugon nito, awtomatikong tumingin sa kaniya.

Tumitig siya sa magandang mukha ng dalaga.

"I told you to always tie your hair." Halos pabulong na lamang niya iyong sinabi sa dalaga.

She's too attractive in his eyes and he can't bear to see anyone looking at his woman. Lalo pa at kanina pa niya napapansin ang ilang kalalakihan na napapatingin o kaya naman ay napapalingon sa dalaga. Inosente naman nitong hinawakan ang nakabuhaghag na buhok.

"Wala akong pantali," mahinang sabi nito.

Awtomatiko niyang pinasok ang kamay sa bulsa ng pantalon niya.

"Here," aniya pagkatapos hugutin ang isang tali mula sa bulsa niya.

Namilog naman ang mga mata nito. Namamangha dahil may dala siyang pantali ng buhok. Mahina itong natawa.

"Bakit ba palagi mong problema kapag nakabuhaghag ang buhok ko?" Naiiling na tanong nito habang kinukuha ang tali sa kamay niya.

Hindi siya umimik. Hindi niya inaalis ang tingin sa dalaga hangga't hindi nito tinatali ang mahabang buhok. Natatawang tinali naman nito ang buhok. Nang makitang medyo nahihirapan ito ay pumuwesto siya sa likuran ng dalaga at siya na mismo ang nagtali niyon.

"Thank you." Hinarap siya nito habang may ngiti sa mga labi.

Napatitig siya sa napakagandang ngiti ng dalaga. Napatikhim siya at kaagad na nag-iwas ng tingin.

"Stay here. I will just buy some snack," aniya sa seryosong boses.

Nang makitang umupo na ang dalaga sa bench ay umalis na siya para bumili ng pagkain na puwede nilang madala sa loob ng sinehan. He already bought two movie tickets earlier. Habang hinihintay ang order niya ay lumingon siya sa kinaroroonan ni Seiranel.

"Sir, here's your order. Atsaka ito rin po ang drinks," sabi ng cashier pero ang mga mata niya ay nakatuon lamang kay Sei.

Awtomatiko niyang hinawakan ang drinks sa mahigpit na paraan habang nakatingin pa rin sa dalaga.

"Thanks," aniya na hindi na nilingon ang cashier at kaagad nang naglakad patungo sa kinaroroonan ni Seiranel.

"Single ka ba, Miss? Pahingi naman ng number mo." Iyon ang narinig niya sa isang lalaking lumapit sa dalaga.

Ang isang lalaki na kasama nito ay naglabas ng cellphone at inabot iyon sa dalaga. Kinuha niya ang cellphone.

"Save my number first," aniya sa malamig na boses.

Natigilan ang dalawang lalaki at halos sabay pang napaatras nang magtama ang kanilang mga mata.

"So, do you want my number?" Malamig na tanong niya.

Sabay na umiling ang dalawa. Inabot niya ang cellphone sa dalawa pero dali-dali nang tumalikod ang mga ito, nagmamadaling umalis. Kibit-balikat na tiningnan lamang niya ang hawak na cellphone at kapagkuwan ay itinapon iyon sa basurahan malapit sa kinaroroonan nila.

"Let's go," aniya sa dalaga sabay hawak sa kamay nito sa mahigpit na paraan.

Iginiya niya ito papasok sa loob ng sinehan. Dahil madilim sa loob ay dahan-dahan lamang ang naging lakad ni Sei. Maingat niya itong inalalayan. Sanay ang mga mata niya sa dilim kaya balewala sa kaniya ang kadiliman sa paligid.

Maingat niyang pinaupo ang dalaga sa upuan bago siya tumabi rito. Nang mapansing tahimik ang dalaga ay kaagad niyang hinawakan ang kamay nito.

"Let me know if you're not comfortable," mahinang sabi niya.

Nag-aalala siya na baka hindi ito komportable kapag ganito kadilim ang paligid.

"Ayos lang ako. Salamat," tugon ng dalaga.

Tumango siya ngunit hindi na niya binitawan pa ang kamay ng dalaga. Pinagtiklop niya ang mga kamay nilang dalawa.

"Sabihin mo sa akin kapag hindi ka komportable. We'll go out here immediately," sabi niya sa dalaga sabay pisil sa kamay nito.

Hindi na nakasagot pa ang dalaga dahil nag-umpisa na ang palabas. Halos nasa kalagitnaan na sila ng pinapanood nang makita niyang nakapikit na si Seiranel. Nakatulog na ito.

Napailing siya at napangiti. Dahan-dahan niyang kinabig ang ulo nito patungo sa balikat niya para makatulog ito ng maayos.

Magka-hawak pa rin ang mga kamay nilang dalawa. Hinayaan niyang matulog ang dalaga sa balikat niya. Dahan-dahan niya itong hinalikan sa noo.

He focused on the screen but when Seiranel moved, he immediately cupped her face. Mahina itong dumadaing kaya mahina niyang ginising ang dalaga.

She's not waking up and just keep groaning. She seemed having a bad dream right now.

"Baby, wake up," he whispered as he continued waking her up.

Pero mas lalo lamang itong dumaing habang ang isang kamay nito ay mahigpit na nakahawak sa siko niya. He tried to wake her up once again but she won't wake up.

Bago pa man sila makaistorbo sa loob ng sinehan ay walang pag-aalinlangang tumayo siya at maingat na binuhat ang dalaga. Lumabas siya at tinungo ang kotse niya.

Maingat niyang ipinasok ang dalaga sa tabi ng driver's seat bago siya umikot patungo sa kabila. Mataman siyang napatingin sa dalaga habang patuloy itong dumadaing. Butil butil na rin ang pawis sa noo nito.

Mahina siyang napabuntong-hininga. She seems to be having a hard time again. Akmang pupunasan niya ang pawis ng dalaga sa noo nang magising ito.

Nang makita siya nito ay kaagad siyang tinulak ng dalaga habang tila takot na takot na nakatingin sa kaniya.

"H-Huwag mo akong hahawakan!" Halos magwala ito.

He can vividly see the fear in her eyes. Siniksik nito ang sarili sa pinakagilid, takot na takot habang nakatingin sa kaniya.

"I won't touch you," aniya sa malumanay na boses.

Gusto niyang kumalma muna ito. Hindi siya nagpumilit na lapitan o kahit hawakan man lang ito. He knew she was just having a bad dream and he understand her situation right now.

Napasabunot ito sa sariling buhok at tila nasasaktang dumaing. He can see how she is trying hard to calm herself right now. Napayakap ito sa sarili at kapagkuwan ay tumingin sa kaniya.

Halos hindi na siya mapakali dahil nakikita niyang nanginginig na ito.

"Baby..." anas niya.

Inaasahan na niya ang susunod na mangyayari. Awtomatikong lumapit ang dalaga sa kaniya at siniil siya ng halik sa labi habang unti-unti nitong hinuhubad ang suot na jacket. Pumuwesto ito sa kandungan niya. He knew very well that she needs his body right now.

Awtomatiko niyang hinawakan ang mga kamay ng dalaga para pigilan ito.

"Baby, calm down, hmm?" He gently said as they stared at each other.

Hingal na hingal ito habang nakatingin sa kaniya. Kitang-kita niya ang paghihirap sa mga mata nito.

"You can use my body anytime you want but not here, hmm? Not here," masuyong sabi niya, umaasa na kumalma ito kahit papaano.

Nang hindi ito umimik at nang makita niya na medyo kalmado na ang dalaga ay dahan-dahan niyang kinabig ang ulo nito at masuyo iyong dinala sa dibdib niya.

Humikbi ito sa dibdib niya at mahigpit siyang niyakap. Masuyo niyang hinaplos ang buhok nito.

"A-Ayoko na ng ganito," anito sa nahihirapang boses.

"It's okay, baby. I'm here. I am here," anas niya.

Tumingin ito sa kaniya habang umiiyak.

"Paano kung...wala ka? Paano kung sa iba ko ito hanapin? Paano kung hindi ko na kayang pigilan ang sarili ko? Paano kung hindi ikaw ang kasama ko? Paano ako?" Humihikbi ito.

"Sshhh." Niyakap niya ang dalaga. "I will do everything in my power to cure you, baby. Gagaling ka rin. Gagaling ka, maniwala ka sa'kin. Hindi ka habang-buhay magiging ganito. Pangako, gagawin ko ang lahat para sa'yo," aniya habang masuyong hinalik-halikan ang tuktok ng ulo ng dalaga.

"I will be always beside you. I will never leave you. Hindi ko hahayaan na mangyari ang kinakatakutan mo. I will fight this with you, Sei. We will get through this together. Hindi ako aalis sa tabi mo. Pangako." He hugged her even tighter.

He will always embrace this woman in his arms and he promised that he will never let Seiranel fight alone. He will always be with her and fight with her.

He will find a cure for her because he wants nothing but to for her to be happy and get out from her past.

To be continued...

Continue Reading

You'll Also Like

2.4K 90 6
Tap the keys, write down your thoughts Uncover your heart and make something worth a shot All poetry, thoughts, snippets and memoir in this book is...
289K 4.3K 42
What will happen when James and Lily Potter return from the dead?
2.9M 93.9K 51
Pierce Lockland's reputation as a playboy and all around ladies man is hard earned. With a massive muscular build and a panty-dropping smile, Pierce...
1.9M 120K 76
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...