Second Time Around • SB19 Ken...

By Nahhhlia

28.9K 1.3K 3K

As a combative return to her cheater ex-fiancé, she sent him a video of herself shaking sheets for the first... More

Second Time Around
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46

CHAPTER 22

577 38 36
By Nahhhlia

Chapter 22

Ken's POV

"Sige na, sakay na."

Ako ang naunang sumakay sa van dahil sa gawing gilid sa likod ako laging nauupo. Papunta pa lang kami sa venue ng SumFest para sa day 2. Pumunta na kami doon kaninang umaga para mag soundcheck pero bumalik din sa studio para mag ayos at magpahinga saglit. Gabi pa kasi kami mag peperform at sayang sa oras kung maghihintay lang kami doon.

Kasalukuyan silang sumasakay nang mag vibrate ang cellphone ko. Nag alala agad ako nang makita ang pangalan ni Kael sa caller's ID. It must be something important. Or did she just got drunk again?

Whatever, sinagot ko pa rin naman.

"Hello?"

[Ken, Ken, tulong.] Nanginginig ang boses niyang bumubulong.

Mula sa pagkakasandal ay dumiretso ang likod ko.

"Bakit? Anong meron? Asan ka?"

Sinulyapan ako ng mga kasama ko sa loob lalo na ang mga katabi ko dito sa likod na si Stell at Jah.

[May tao sa labas... Binubuksan niya yung pinto...] Sobrang hina ng boses niya at halata ang takot. [Ken, natatakot ako.] I could hear her almost crying.

"Wait, wait, kumalma ka. Wag mong papatayin ang tawag." Pinilit ko pa rin iyong sabihin kahit na sa totoo lang ay natatakot din ako.

Hinanap ko agad si ate Leah sa paligid. When I saw her approaching the van, I shouted to get her attention.

"Ate Leah!"

Hindi lang si ate Leah, kundi lahat ng kasama ko sa van ay lumingon sa 'kin na may pagtataka.

Nagmadali siya sa paglalakad. "Oh? Ano 'yon?" Tanong niya nang sumampa na siya sa van.

I didn't hide my panic and worry in my expression. Pinakita ko agad sa kaniya ang screen ng cellphone ko. She immediately understood it without any explanation.

She turned to kuya Yani. "Mauna na kayo, susunod ako."

"Sama ako," sabi ko agad.

"Wag na, ako na lang. May performance pa kayo."

"Kailangan ako do'n, hindi niyo alam kung saan yung pupuntahan." Pagpupumilit ko.

Habang nagpapalitan ng tingin si ate Leah at kuya Yani, wala namang kaide-ideya ang iba naming kasama, lalo na yung apat na mukhang gulong gulo na.

"Ano ba'ng nangyayari?" Tanong ni Pau.

"Sige na, pasamahin mo na." Ani kuya Yani kalaunan.

"Jah, Stell, padaanin niyo muna si Ken." Ani ate Leah na agad naman nilang sinunod.

"Saan kayo pupunta? Ate Leah? Si Ken?" Tanong ulit ni Pau, alam ko na bukod sa naguguluhan siya ay nag aalala rin siya para sa performance namin mamaya.

"Mamaya ko na ipapaliwanag." Nagmamadaling sabi ni ate. "Yani, pulis."

Tumango si kuya Yani at agad na kinuha ang cellphone.

Naglakad agad ako papunta sa kotse. "Hello? Kael?"

[Ken,] she whispered. [Pupunta ka na ba?]

"Oo, papunta na kami. Tumawag na din kami ng pulis."

[Shit, pinipilit na niyang buksan yung pinto.]

"Ate Leah!" Nang marinig niya ang sigaw ko ay mabilis siyang tumakbo papunta sa kotse.

I didn't hang up the call while driving. I turned on the loudspeaker to hear her.

"Hello? Kael, asan ka?"

[Nasa banyo...] Bulong niya.

"Good, diyan ka lang muna. Maghanap ka ng pwede mong pang-depensa sa sarili mo." Utos ko.

She didn't answer for a second.

[Okay, kumuha ako ng kutsilyo.]

"Natawagan na ni Yani yung mga pulis. Anong address?" Tanong ni ate Leah.

"Kael, full address."

She couldn't speak continuously because she has to be quiet. Nakuha naman ni ate Leah ang address niya at agad na sinabi kay kuya Yani.

[Ken, mabubuksan na ata niya yung pinto.] Takot na takot niyang saad.

"Malapit na, malapit na kami. Diyan ka lang. Make sure to lock the bathroom door."

"Wala ka bang pwedeng hingan ng tulong diyan?" Tanong ni ate Leah.

[Puro estudyante po yung kasama ko dito... Baka madamay sila pag sumigaw ako... Hindi ko alam kung anong armas ang dala nung taong 'yon... Hindi rin po sumasagot yung landlady... Baka po nagpapahinga na...]

Ate sighed in frustration.

[Malapit na po ba kayo?]

"Five minutes," I'm trying to speed up.

[Shit!] Kael suddenly became silent after cursing.

"Kael? Anong nangyari? Kael?" I kept calling her.

[Nasa loob na siya...] Bulong niya.

Tangina. I almost cursed in front of my manager because of frustration.

"Malapit na kami, kaunti na lang."

Habang nasa biyahe ay nakasalubong namin ang isang police patrol na sa tibgin namin ay ang mga pulis na tinawagan ni kuya Yani. Binaba ni ate Leah ang bintana ng kotse at sumenyas para sundan kami.

[Ahhh! Ano ba?! Ano ba'ng kailangan mo sa 'kin?!] Kael suddenly squealed and shouted. I can also hear something banging. Shit, no!

"Kael! Nandito na kami!" I announced.

Mabilis kaming lumabas sa kotse. Pinigilan kami ng mga pulis na pumasok para sa kaligtasan namin.

"Nasa loob na ng apartment yung tao, sir. Nasa banyo po si Kael." Nakikiusap kong sabi sa mga pulis.

Tinanguan nila ako bago sila kumilos ng tahimik.

"Kael? Nandito na yung pulis. Kael?"

I can't hear anything on the other line but the banging against the door and Kael telling the person to go away and leave her alone. Gusto ko ring pumasok doon para puntahan siya pero pinipigilan ko ang sarili ko dahil sigurado namang may plano ang mga pulis.

"Taas kamay! Luhod!"

Hindi ko na napigilang pumasok sa compound nang makarinig ng sigaw mula sa pulis. Doon ko nakita ang pangyayari. Tanging kutsilyo lang ang dala ng lalaking balot na balot ang mukha kaya wala siyang laban sa mga pulis na nakatutok sa kaniya ang baril.

The students staying on the other rooms were alerted. Sinabihan sila ng pulis na wag lumabas at maghintay hanggang sa mahuli na ang suspek.

"Kael? Kael, wag kang lalabas diyan, okay? Wag kang lalabas hangga't hindi ko sinasabi." Paulit-ulit kong sabi sa kabilang linya dahil hindi ako makakuha ng sagot mula sa kaniya.

The police are slowly approaching the guy, he's still in defense stance while holding the pocket knife. One of the police grabbed his hand before twisting it, nabitiwan na niya ang hawak na kutsilyo at agad iyong sinipa palayo ng isa pang pulis. He tried to resist but the other policemen helped. Nang maposasan na nila ang lalaking 'yon ay kinaladkad nila ito palabas at pinaluhod. Ang ibang pulis naman ay pumasok sa kwarto ni Kael.

Nagmamadali akong sumunod sa loob. The police were knocking on the bathroom door, calling Kael. I excused myself and tried calling her this time.

"Kael? Kael? It's me. Okay na, pwede ka nang lumabas." I said after knocking.

I heard the sound of metal falling on the floor. After a few seconds, the doorknob twisted. That is when I saw Kael, trembling in fear, holding her phone on her left hand, her eyes full of tears.

"Ken," she whispered.

Mabilis siyang tumakbo palapit sa 'kin at sinalubong ko naman siya ng mahigpit na yakap. She hugged me so tight and buried her face on my chest while sobbing. Pumaikot naman ang kaliwa kong braso sa likod niya at ang kanan ay sa ulo niya. I caressed her hair softly while whispering.

"It's okay, ayos na, nahuli na siya." I closed my eyes and sighed in relief. "You're safe now."

The police excused themselves. Hinayaan ko lang na ilabas ni Kael ang nararamdaman niya. I didn't said anything. I just kept caressing her head and back to let her know that I'm here and she doesn't have to be scared anymore. Wala na akong pakialam kung mabasa man ng luha niya ang suot kong damit.

A few minutes after when she finally calmed down and stopped crying. Dahan-dahan siyang bumitiw sa yakap at pinunasan ang mga luha. I cupped her cheeks and wiped her tears using my thumb, humawak naman siya sa pulsuhan ko.

Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. "T-Teka, may event kayo ngayon 'di ba? N-Nakaistorbo ba ako? Sorry, sorry!"

Umiling agad ako at ginalaw ang daliri sa pisngi niya. "Hindi, hindi ka nakaistorbo. Hindi mo kailangan mag sorry."

"Pero baka hinahanap ka na nila. Sorry talaga. Makakahabol ka pa ba? Tapos na ba mag perform yung mga kagrupo mo?" Worry was evident in her voice.

"It's fine. Makakahabol pa 'ko, don't worry." I assured her. I pulled her into a hug again before sighing. "I'm glad you're safe."

She hugged me back and whispered sincerely. "Thank you, Ken."

I checked her cabinet for a jacket and made her wear it. Naka pambahay na blouse at cotton shorts lang kasi siya. The police asked us to go to the police station for a few stuffs including the interview. Nasa custody na rin nila ang suspek na hindi pa rin nagsasalita hanggang ngayon. Pagkatapos namin doon ay kinausap ko si Kael.

"Sumama ka muna sa'min. Pagkatapos ng event, doon ka na lang muna ulit mag stay sa unit ko." I told her.

Tumango lang siya.

Bumiyahe na kami diretso sa mismong venue ng event. We contacted our van's driver to ask where the van is parked. Doon ko pinarada sa tabi ng van ang kotse ko. Dumating din si kuya Yani para mangamusta.

"Nasa holding area na yung apat. Two artists pa naman bago ang performance niyo."

Nakahinga ako ng maluwag nang marinig iyon mula kay kuya Yani. Mabuti naman at makakahabol pa pala ako. I don't want to disappointment the people, also my members and the whole team.

"Dito ka na lang muna sa van, ma'am Kael. Nandito naman si kuya Earl, driver namin." Ani ate Leah.

"O-Okay lang po ba? Nakakahiya naman po kasi." Nagdadalawang isip niyang sabi. "Pasensya na rin po pala sa abala. Sorry po talaga."

Ate Leah held her hands. "Ako ka ba? Kami nga dapat ang humihingi ng pasensya sa'yo eh. Pati ikaw nadadamay at napeperwisyo nung taong 'yon. Pasensya ka na, ma'am."

Nagpilit lang siya ng ngiti tsaka tumango.

"Last artist na, Ken." Biglang sabi ni kuya Yani.

"Sige na, magpahinga ka na lang muna diyan." Sabi ulit ni ate Leah.

"Salamat po. Pasensya na po ulit."

I opened the van's door for her. Sinundan ko siya sa loob para kausapin saglit. I gave her my neck pillow so she could sleep comfortably if she wanted to.

"Magpahinga ka lang dito, babalik din naman kami agad pagkatapos ng event." Bilin ko sa kaniya, tinanguan niya ako. Naghanap ako ng pwede kong iwan sa kaniya para naman hindi siya ma-bored. Then I remembered my earpods. "Eto, gamitin mo muna. Makinig ka ng music para hindi ka ma-bored."

Tinanggap niya iyon tsaka siya nagpasalamat. Kinuha ko ang isang maliit na unan na nasa likod tsaka ko iyon pinatong sa hita niya. Hinawakan ko ang kanan niyang kamay at kinulong sa mga palad ko.

"Babalik agad ako, hm?"

She nodded. "Goodluck," she tried sounding cheerful.

I smiled a bit. "Thank you,"

Nagpalitan pa kami ng huling tingin bago ko tuluyang isara ang pinto ng van. Nagbilin din saglit si kuya Yani sa driver namin bago kami tuluyang umalis. Nagmamadali akong dumiretso sa holding area kung saan agad naman nila akong inayusan at ni-retouch. I could feel them having a lot of questions but didn't asked since we're up next. We warmed up first and did our routine before going up the stage to perform.

...

Kael's POV

Instead of resting, I tried watching the livestream on Facebook again. I connected Ken's earpods first before playing the video. Mula dito sa parking ay naririnig pa rin ang malakas na tugtog sa venue. Sakto namang pag pindot ko sa live ay sila Ken na ang mag pe-perform.

No one would even notice that something happened earlier while he was performing. He's very professional and still an excellent performer amidst the chaos earlier. I'm so glad he made it before their performance.

They performed three of their songs, all with dance. At sa huli ay nagsabi na sila ng huli nilang message dahil sila na naman ang closing act. Habang nagpapaalam ang mga artists ay nag send ako ng message kay Nads tungkol sa nangyari kanina. I just informed her that I won't be spending the night on my apartment and I'm not sure if I would be able to attend my classes tomorrow because I don't have any stuff with me except for my phone. I'm not expecting a reply from her since it's very late.

While watching, I could feel my eyelids closing on their own. Maybe because of exhaustion from earlier, I can't fight the drowsiness anymore. Nakatulog na lang ako bigla.

...

Ken's POV

I interacted with a couple of artists after the event. Nang tingnan ko ang oras, past eleven na. Nagmamadali akong dumiretso sa holding area para makapag ready nang bumalik sa parking. Anong oras na rin, pagod na kaming lahat. Bukod pa doon, aasikasuhin ko pa si Kael.

Sabay-sabay kaming naglalakad pabalik sa parking kasama ang iba naming staff na may sarili ring service. They were not asking me anything regarding with what happened earlier, perhaps they are waiting for us to tell it to them without asking.

Ako agad ang pumasok sa van nang makarating na kami. Narinig ko ang pagpigil ni ate Leah sa pagsakay ng mga kasama namin. I think she's the one who closed the door too.

Naabutan ko si Kael na nakaupo na natutulog, suot niya ang neck pillow ko at nakasansal ang ulo sa bintana. She's also wearing the earpods that I gave her. Hawak niya rin ang cellphone niya, mukhang nanood siya ng live kanina.

Maingat kong kinuha ang phone sa kamay niya. Inalis ko rin ang earpods sa tainga niya tsaka siya ginising.

"Kael, gising na. Uuwi na tayo."

Mabilis lang siyang nagising. Napatingin siya sa labas ng van kung saan naghihintay ang mga kasama ko. Ang inaantok niyang ekspresyon ay agad na napalitan ng kaba.

Inayos ko ang suot niyang jacket. "Tara," aya ko sa kaniya.

"Teka, nakakahiya." Pigil niya sa 'kin.

"Wala tayong choice kundi magpaliwanag sa kanila." I told her. "Also, they're my friends. They will not judge you." I held her hand. "Kasama mo 'ko."

She remained looking at me, still having second thoughts. But after a while, she nodded. Nginitian ko siya at ako na ang naunang lumabas.

Pagkababa ko sa van ay nilahad ko ang magkabila kong kamay para alalayan siya sa pagbaba. Magkadikit ang katawan namin at nakatago sa aming likuran ang kamay naming magkasiklop sa isa't isa. They were all looking at us with confusion. Kael couldn't look at them straight, medyo nahihiya rin ako pero hindi ko ipinahalata.

"Ken was being disturbed by an obsessed fan for a while now. Ilang beses na siyang may encounter with that fan, even sa unit niya, pero as much as possible, ayaw niyang ipasabi. Ayaw niya raw kasi na mag alala kayo." Si ate Leah na ang nagpaliwanag.

They were all listening attentively, palipat-lipat din ang tingin nila sa amin.

"Si ma'am Kael, she's a college professor. Nadamay siya or dinamay siya ng babaeng 'yon at ngayon, napeperwisyo na rin siya. Ilang beses na siyang napapahamak and ang crime suspect namin ay yung taong sunod nang sunod kay Ken." She added.

Kael didn't know what to do when they all looked at her. I could feel her embarrassment. Tinatago na lang niya ang sarili sa hood na suot niya.

"Hindi ko maintindihan. Bakit siya nadamay?" Tanong ni Pau.

"Siguro mas maayos kung sa studio tayo mag uusap." Kuya Hani suggested, umagree naman si ate Leah kaya lahat kami ay sumunod.

Sa akin sumabay si Kael, of course. The rest ay nasa van. Nauna kami ni Kael sa building pero hinintay muna namin sila bago pumasok. When they finally got here, pinauna ko nang umakyat si Kael at ako ang sumunod sa kaniya. Since she's wearing shorts, I tried my best to cover her with my body while walking upstairs.

Ako ang nagbukas ng pinto ng studio at pinaunang pumasok si Kael at ate Leah. Sumunod ako, si kuya Yani, at ang iba pa naming kasama. Magkatabi kami ni Kael sa couch. Hinubad ko ang suot kong jacket at pinatong sa hita niya dahil sa iksi ng short niya. She took a short glance at me while smiling a bit. Ate Leah introduced Kael to everyone and Kael shake hands with them before we all sat.

"Familiar naman siguro kayong lahat sa naging viral video ni Ken at ma'am Kael sa TikTok, right? Ang iniisip namin, isa yun sa mga naging dahilan kung bakit napagdiskitahan nung fan na 'yon si ma'am Kael." Si ate Leah pa rin ang nagsalita.

"Wait, ate. Kailan pa 'to? I mean, kailan niyo pa napansin na may umaaligid kay Ken?" Si Pau na naman ang nagtanong.

"A few months ago,"

"Few months? Matagal-tagal na rin. Ken, hindi ka man lang nagsabi." May bahid ng pagkadismaya ang boses niya pero alam kong concerned lang siya.

Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakaiwas ng tingin sa kanila.

"Eh yung kay ma'am? Kailan pa po siya ginugulo?" He asked again.

"It happened a couple of times."

"Uhh, not totally physical attack. Pero minsan, nararamdaman ko or namin na may nakatingin sa amin o kaya sumusunod." Napalingon ako kay Kael nang magsalita siya.

"Kanina po? Anong nangyari?" Tanong ulit ni Pau.

"Hindi yung babae mismo ang gumagalaw pagdating kay ma'am Kael. We're thinking that she's hiring some people to do the things that she wants to. Just like earlier, pilit na pinasok ng isang lalaki ang apartment na tinutuluyan ni ma'am. Hindi pa namin alam ang motibo niya dahil hindi pa nagsasalita yung suspek, pero malamang may gusto siyang kunin kay ma'am." Ate Leah explained this time.

"Kunin, like what?" Stell asked this time.

"Stuffs, mga gamit ni Ken or whatever." Na-share na rin ni ate ang nangyari noon sa mall nung nagpalitan kami ni Kael ng hoodie para makaiwas sa mga fans at may sumunod sa kaniyang lalaki at pilit na hinubad sa kaniya ang hoodie ko.

Pare-parehas ang reaksyon niya, they were all shocked. Hindi sila makapaniwala. Patago kong hinaplos ang likod ni Kael nang yumuko siya. She took a glance at me when she felt it. Nginitian ko siya para pakalmahin, ngumiti rin siya pabalik.

Hindi na rin namin pinahaba pa ang diskusyon dahil pare-parehas kaming pagod at gusto ng magpahinga. Isa-isa na silang nagpaalam. Ang iba ay nagpahatid sa service, ang iba naman ay may kani-kaniyang sasakyan.

"Where are you going to spend the night, ma'am?" Ate Leah asked.

"Ako na ang bahala kay Kael, ate." I answered. "Uwi na rin po kayo, sabay na kayo sa kanila. Thank you ulit sa tulong."

She smiled. "Sigurado ka?"

I nodded and smiled back.

"Sige, mauna na ako. Ingat kayo. Tumawag agad kayo pag may nangyari."

We both nodded. Nagpasalamat at nagpaalam din si Kael sa kanila. Sabay-sabay na kaming bumaba at umalis sa building. Antok na antok na ako.

I was holding Kael's hand the whole time that we're walking through my unit. Wala siyang reklamo doon kaya hindi na ako bumitiw hanggang sa makarating na kami sa unit ko. Kuro welcomed us with a loud meow. Nakangiti naman siyang sinalubong ni Kael.

"Magpahinga ka na sa kwarto. Mag papahinga lang ako saglit bago mag shower." Sabi ko sa kaniya habang iginigiya siya papasok doon.

I fixed the bed for her and turned on the aircon. Pinatay ko rin ang main light at binuksan ang lampshade. She moved the blanket up to her neck while laying sideways, facing the big space left for me.

"Tulog ka na. Goodnight." I tapped her back twice before leaving the room to wash up.

Minadali ko na lang ang pag sho-shower. After making sure that everything's okay, then I'm ready to sleep. Pagbalik ko sa kwarto, nakapikit na si Kael at mukhang tulog na. Maingat akong sumampa sa kama tsaka ko pinatay ang lampshade sa tabi niya. I laid on my back and looked at her. She suddenly moved and opened her eyes. I thought she was asleep already.

I gave her a small smile before closing my eyes while sighing. A minute later when she suddenly spoke.

"Ken?"

"Hmm?" Dumilat agad ako para tingnan sya.

Tinitigan niya lang ako ng ilang segundo bago magsalita.

"Can I hug you?" She asked.

Hindi agad ako nakasagot. I just stared back at her. I was shocked, I didn't expect her to say that. Maybe if she was drunk, I wouldn't react like this.

Because I took too long to respond, she looked down and sighed instead, looking a bit sad. I didn't liked that. So I gathered my strength to open my arms wide as an invitation to her. She looked back at me and her eyes brightened. Agad siyang umasog palapit sa akin hanggang sa magkadikit na ang katawan namin. She used my arm as a pillow, buried her face on my chest, and wrapped her arm around my back. Ako naman ay nakapatong ang baba sa kaniyang ulo habang marahang gumagalaw ang kamay sa buhok niya.

She sighed in relief. I could feel her being comfortable in my arms. Pinikit ko na rin ang aking mga mata at hinayaang makatulog sa yakap niya.

This was the first time that my heart didn't do anything wild in my chest. My heart was beating at a normal pace, because I was comfortable. It wasn't racing like it used to whenever I found myself hugging Kael. Instead, my heart was at peace.

...

Kael's POV

Sleeping in somebody's arms never felt this comfortable. I don't know, I just feel safe in his arms. Earlier at the apartment, I was shaking, I was panicking so much especially when the guy started banging the bathroom door. So when the police told me that it was them outside and everything's okay now, I was having second thoughts. Not until I heard Ken's voice.

While he was hugging me earlier, gently stroking my back and my hair to comfort me, I didn't feel anything but relief. I was relieved that he came. I was relieved to know that I'm already safe. And I'm so thankful that he came for me.

I felt immediate comfort once I settled in Ken's arms. Nakaramdam agad ako ng antok, hindi gaya kanina na hindi ako makatulog dahil natatakot akong mag isa. When he came, when he caged me in his arms, I immediately felt safe. Even his smell assures me that I'm not alone. All of my worries and fear of being hurt, vanished.

When I woke up the next day, I was facing my back on Ken. My lips formed a smile when I felt his body pressed against my back. His arm was around my waist and he's spooning me from behind. I like the feeling of his body's warmth is giving me.

I slowly turned my body to face him. Nang tingalain ko siya ay gising na rin pala siya. I looked down again and caged myself in his arms without saying anything. Wala rin naman siyang imik. Sa halip ay niyakap niya ako pabalik habang iginagalaw ang kamay sa likod ko.

Before, I would quickly move away. But I don't feel any embarrassment now. Hindi ko alam kung saan ako nakakuha ng lakas ng loob. I just like the feeling of being safe around him, perhaps that's a good reason, I guess.

"It's Monday today,"

I felt his chest vibrate when he talked.

"Wala ka bang pasok sa trabaho?"

I sighed. "Meron... But I don't think I can attend my class and teach my students effectively in this state. I can't say that I'm already okay from last night."

"Okay," sagot niya kaagad. "Magpahinga ka lang hangga't kailan mo gusto."

"Ikaw? Wala kang schedule ngayon?"

"Wala," he yawned. "Pahinga lang kami ngayon."

I put my left leg in between his legs. Then I yawned too.

"Okay, tulog pa tayo ulit."

He fixed the blanket up to my neck. He pulled me closer to him before sighing. Parehas kaming nakatulog at nagising ng tanghali dahil sa kumakalam na sikmura.

"Kael, naiihi na 'ko."

Kanina pa 'ko niyuyugyog ni Ken para gisingin. Ginawa ko kasi siyang human pillow kaya hind siya makaalis. I wanna go to the bathroom too but I'm still lazy to do so.

"Kael," nagrereklamo na siya. "Tara, nagugutom na rin ako."

"Nakakatamad..." Bulong ko.

He lifted my head to free his left arm. Then she gently pushed my arm and leg away from his body. Nang makawala na siya sa yakap ko ay nagmamadali siyang lumabas ng kwarto at dumiretso sa banyo. Natawa na lang ako. Bumangon na rin ako at inayos ang kama.

Since tanghali na, twelve to be exact, naghanap na kami ng pwedeng ulamin. He suggested the tuna sisig, again, but he doesn't have calmansi, chillies, and even chicharon. So we settled with frozen foods. Better luck next time, Kenken.

Habang kumakain ay bigla na lang tumunog ang cellphone ko. Nang makita ang pangalan ni Nads ay agad ko iyong sinagot.

[Hello, dumb bitch, kamusta?]

"Uy, eto, okay lang."

[Sure ka? Nahuli naman yung nanloob sa'yo 'di ba?]

"Hm-mm, nakakulong na."

She sighed. [Mabuti naman. Saan ka niyan? Sa relatives mo ulit?]

Sinulyapan ko saglit si Ken na tahimik na kumakain.

"Hmm, sa tita ko ulit."

[Ahh, sana naman safe ka na diyan. Papasok ka na ba bukas?]

"Not sure. Sana."

[Hmm, sige, pahinga ka muna today. Ingat ka ha.]

"Thank you,"

[Sige,]

"Papasok ka na bukas?" Tanong ni Ken nang ibaba ko ang tawag.

I shrugged. "Hindi ko pa alam. Oo sana, kaya lang wala naman dito yung mga gamit ko."

"Babalik ka pa sa apartment mo?"

"Hm-mm, kukunin ko yung mga gamit."

"I mean... doon ka pa ulit mag i-stay?" By the sound of his voice, I could tell that he's already against it.

Umiling ako. "I don't think so."

He nodded. "Saan mo balak mag stay?"

I looked away then sighed. "Honestly, hindi ko pa alam." That's the biggest problem.

"You can stay here again."

I looked back at him to disagree. "Ken,"

"Mas ligtas ka dito," he convinced. "Kung kasama mo 'ko, wala kang masyadong aalalahanin."

I agree with that though.

"Dito ka na lang," patuloy niyang pangungumbinsi.

Sandali akong nag isip.

"Kung mag i-stay ako kasama ka, I will help you pay the bills."

I know that he'll disagree.

"Hindi–"

"It's not fair on your side, Ken. Alam ko namang yayamanin ka, pero hindi pa rin patas na ikaw lang ang gagastos sa lahat. I'll help you pay the bills in exchange of letting me stay in your house. Hindi mo kailangan bayaran lahat pati yung mga bagay na para sa 'kin. I have work to sustain my living, Ken, kahit na simpleng groceries man lang, hayaan mo na ako ang gumastos doon." I insisted.

He looked at me while thinking about it. A minute after, he nodded.

"Sige,"

I smiled. Buti naman. "Thank you."

That afternoon, he helped me moving my things from the apartment to his condo. Buti na lang hindi ko pa nailaabas sa mga box ang iba kong gamit nung lumipat ako sa apartment kaya mabilis lang kaming nakapag lipat. Isa pa, wala rin dito ang mga estudyanteng naka-board dahil may pasok sila.

Everything went back as it was like before when I was still staying at Ken's unit. The only difference is I could feel that we are a lot more closer today than the first time I stayed here. Para bang ang pader sa pagitan namin ay unti-unti nang natibag, at patuloy pang natitibag. I didn't expect that I'll be staying in his place for the second time around.

Gaya ng dati, hatid-sundo na naman ako ni Ken sa eskwelahan. I sometimes insist on riding a jeepney since it's less hassle for him, also nahihiya na rin ako na makaistorbo sa kaniya, but he kept insisting too. To be honest, natatakot pa rin ako tuwing hindi ko kasama si Ken. Wala naman akong magagawa dahil hindi naman pwedeng kasama ko siya lagi. Kaya medyo pabor na rin ako sa paghatid sundo niya sa 'kin.

Alam ko rin na kahit kasama ko na siya ay hindi pa rin ako ligtas mula sa obsessed fan na 'yon. Who knows? She might know already that I'm here at Ken's place again. Baka naghihimutok na naman yun sa inggit at galit.

Parehas kaming nagtataka ni Ken dahil walang paramdam sa amin ang babaeng 'yon. Nakakatakot dahil baka may pinaplano na siyang matindi at wala pa kaing kaalam-alam. Fuck that man who harassed me for not confessing anything about that bitch.

"Ate?"

I wasn't sure if that was his biological sister he's talking to, or his manager. Naghuhugas ako ng pinggan habang siya ay nagpupunas ng mesa.

"Ahh, goods."

"Kailan pwedeng lumipat?"

"Agad?"

Base sa mga sagot niya, mukhang ang manager niya ang kausap niya.

"Pano gagawin?"

"Wait, hindi ko maintindihan. Paanong madaling araw?"

I wiped my wet hand on the cloth before looking at Ken who's now sitting on the couch. He took a glance at me while giving response to the other line.

"Hmm, kasama ko siya."

Nilapitan ko siya at tinabihan. Ibinaba niya ang cellphone at ni-loudspeaker.

[Hello? Ken?]

"Okay na," he said.

[Okay. Kael? You listening too?]

"Uhm, hello po, yes po."

[Good, good. As what I'm saying, yung sinasabi kong condo na lilipatan ko dapat, na lilipatan na ni Ken ngayon is settled na. Pwede nang lipatan as soon as possible.]

I nodded. That's good then.

[Here's the thing, we can't move during the day, even at night, kasi siguradong bantay sarado si Ken nung babaitang 'yon. Kaya ang gagawin natin, tuwing madaling araw tayo unti-unting maglilipat ng gamit para hindi niya mapansin. Hanggang sa tuluyan nag makalipat si Ken nang hindi niya nasusundan.]

Tumango ako. Got it.

"Anong oras?" Ken asked.

[Around one or two to four to be exact.]

Napasandal si Ken sabay buntong hininga. I could see that he hates it.

[And no complaints. Magtiis ka muna na mapuyat ng ilang araw. Kaysa naman sa ginagambala ka ng babaeng 'yan. Anong mas gusto mo?]

"Yeah, yeah," he simply said.

[Okay. We'll move slowly but surely, hmkay? Be safe, you two.]

"Salamat po." Sagot ko.

"Gege," sagot naman nung isang 'to.

Finally, he'll be safer now. Sana lang maging succesful ang plano nila, at sana rin ay hindi na siya masundan ng babaeng 'yon. Ken being safe means I'm safe too. So he must be safe, always.
____________________

Medyo marami akong time mag type ngayon kaya sinusulit ko na. Sa mga susunod na linggo kasi, paniguradong hindi na naman ako makakapag update kahit gusto ko dahil sa mga school tasks.

Thank you for reading! I hope y'all enjoyed this chap. ❤️

- Nath(Nahhhlia)

Continue Reading

You'll Also Like

59.2K 2.4K 50
Simon doesn't make friends with women, until Liv, a girl who's similar yet opposite of him, comes. Are their strings strong enough to bond? --- This...
28K 915 32
After Justin got married, an unexpected accident occured that made him lost contact with his wife for several years. One day at their fanmeeting even...
8.9K 360 13
From different places with different timezones, what will happen if Roxy and Archie cross paths again after several years of losing contact? Will thi...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...