HE Who Saw the Deep

By _merMia

604 100 0

REVISED STORY of He Who Saw the Deep Eryna Chryses a hypocritical woman - overlooking the world of monochrome... More

Note
β™‘
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23

Chapter 7

14 4 0
By _merMia

From: Eron Smith
Mag update ka naman.

Napanguso ako sa nabasa. Nag-send na ako ng process ko sa kanya kanina! Bakit niya ba ako minamadali!

I sighed and took a picture of his portrait. Hindi ko rin naman siya masisisi. Inuna ko kasi iyong si Mr. Dawson dahil nauna siyang magbook.

Pasalamat na rin ako at naiintindihan naman iyon ni Eron. He was patient. Pero ngayon sinisimulan ko na ay nagiging impatient na siya!

From: Eron Smith
Gwapo ko ba jan? Oo noh? Hays simple things.

Napailing nalang ako nang mapansing nakangisi ako sa nabasa.

Umirap ako at pinindot na ang picture na ise-send ko sa kanya.

Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong dalawa ang nasend at mukha ko pa iyong isa! Mas lalo akong nag-panic nang nagseen siya agad. Nag-react pa ng heart!

Agad ko iyong in-unsent at ini-send iyong process lang.

From: Eron Smith
Baka masakit na ang likod mo kakadrawing. Magpahinga ka muna, I'm not rushing it. Matulog ka ng maaga.

That's it. He was rushing me lately tapos ngayon ay sasabihin niyang hindi niya ako minamadali?! Ang sarap niya ring batukan!

I smiled to myself and calmed my nerves to type a message.

To: Eron Smith
Sorry, napindot lang yung isa. I will finish your portrait tonight para maiabot ko na sa lunes.

Mabilis siyang nagseen at agad namang nagtype.

From: Eron Smith
Ang ganda nga e

Kumunot ang noo ko at hindi naintindihan ang sinabi niya. Hindi na ako nagreply at agad nang nagpatuloy sa pagd-drawing.

Natapos ko iyon ng madaling araw. Tanghali na ako nagising kaya wala ng ulam nang bumangon ako.

I decided to treat myself to eat out because I did great these past months. Pumunta ako sa isang restaurant around Azuela at dumiretso na rin sa Coast pagkatapos.

"You like it here?" Napalingon ako sa nag-uusap na siguro'y mga japanese, isang babae at lalaki na tahimik sa unahan ko.

"I don't think I can live without you by my side, Eli. Ayokong maiwan ulit ng mag-isa. I will stay and study here." Napalingon ako sa babae.

Naka-side view ito sa banda ko at klaro ko ang inosente, mabait at magandang facial features nito. Her hair is wavy and her skin is pale white. Natural na mapula ang labi at pisngi. Simple ang damit pero napapalingon ang mga taong dumadaan.

I envy people who are able to have someone they can be romantic with at this age. Hindi ako makarelate sa sinabi niya. I find it corny pero sino ba naman ako para husgahan ang mga salita niya.

"Then stay. Ako na ang bahala kay tita at tito." Sagot ng lalaki.

Umalis ako at nagpakalayo-layo sa kanila. Ayoko namang makinig sa mga pinag-uusapan nila noh.

I just strolled around the coast at kumuha ng iilang litrato sa paligid. Hindi ko pa nasusubukang mag my day simula noong nagka cellphone ako kaya kukuha ako ng iilang photos para makapag post ako ng story mamaya.

Malamig ang ihip ng panghapong hangin. Malakas ito dahilan para sumayaw ng walang tigil ang damit ng mga taong narito. Umupo ako sa isang bench at tiningnan ang sapatos ko.

Medyo luma na ito pero napagsisilbihan pa naman ako. Gusto kong bumili ng bago sa online pero wala pa akong budget. Mag iipon pa ako pang enroll ko sa college kahit malayo pa iyon.

Kung iisipin ko, mahirap makapagtapos ng pag-aaral kapag wala kang pera. . . pero nagagawan naman siguro ng paraan. Marami naman ang nakatapos kahit naghihirap. Mas gugustuhin ko pang sumubok kesa sa magmukmok sa isang sulok.

I sighed and looked ahead. This shall pass.

Lunes nang magkita kami ni Eron. Ibinigay ko sa kanya ang portrait na naka-frame na. Malaki ang ngisi niya ng makita ang ginuhit kong mukha niya.

"Anong brand ng kamay mo?" Namamanghang saad niya habang nakatingin sa portrait.

"Pahiram, " Biro niya na tinawanan ko.

"Thanks, Reenah." He pinched my cheeks and smiled boyishly.

The days come to pass. Lumabas ang result ng exams. Top 1 ako nang mag moving up. Nauna pa ngang nalaman ni Eron na nag top 1 ako.

Siya rin ang unang nag congratulate sa akin. May pa regalo pa! Hindi ko naman mahindian dahil iilang artmats ang binigay niya at alam kong mamahalin ang mga iyon at magagamit ko rin naman. Hence, I said I'd draw for him again to express my appreciation.

From: Eron Smith
So u dreamed of going to Switzerland?

He's been messaging me when the summer started. Kung ano ano nalang ang sinasabi at minsan puro pa walang saysay.

To: Eron Smith
Oo, sinong hindi?

From: Eron Smith
Gusto mong pumunta agad? Makakapunta tayo, may bahay kami doon hahaha

To: Eron Smith
Hahaha like I can, and enough with all these craps matulog ka na

From: Eron Smith
But I wanna talk more

Hindi ko na siya nireplyan. Talk more siya mag-isa diyan!

Unang beses ngayong taon, nagulat ako nang tumawag si mama. She works for a fortunate family around in Davao. Katulong siyang mag-alaga sa anak ng kanyang amo.

"Gusto mo bang magboarding house kasama ko Eryna? Kayong dalawa ng kapatid mo, pwede na kayo rito sa akin at nakakaahon na ako ng kaunti." Iyan ang bungad niya nang tumawag sa akin.

She's been working there since we were kids. However, hanggang ngayon ay wala pa kaming sariling bahay.

Marami kasing bayarin sa utang at marami rin siyang pinamimili. Minsan lang din siya magpadala ng pera pero hindi ko naman siya pinagk-kwentahan dahil alam kong mahal na ang mga bilihin ngayon. Mahirap talagang mamuhay ng maraming utang at obligasyon kaya dapat na tipirin ang pera.

"Maganda rin dito Eryna at malapit nalang sa school mo pag nag-college ka na, lalo na ngayon magse-senior high ka. Para na rin hindi ka na bumyahe at mas mahaba pa ang tulog mo sa umaga. Pasensya na ha kung hindi ako nakapunta noong moving up mo, may emergency kasi sa pinagtatrabahuan ko. " Si mama sa kabilang linya.

I sighed and think of the pro's. Maganda ang offer pero kakayanin ko kayang iwanan si lola rito? Baka atakehin na iyon sa puso kapag silang dalawa nalang ni Mariam dito.

"Depende ma. Magpapaalam kami kay lola."

Isang linggo ang dumaan nang dumating ang mga pinsan kong nakatira pa sa malayo para magbakasyon dito.

Close ako sa lahat lalo na sa nakababata kong mga pinsan. We were busy playing scrabble one day when Carl and Aira was called by their parents.

Naiwan akong nag-iisip kung anong sunod na words ang ilalagay sa board game. Abala ang lahat pero naririnig ko kung anong pinag-uusapan sa kusina kanina.

Nagtaka ako nang hindi na bumalik ang dalawang pinsan kaya tinawag ko sila mula sa sala. No one answered so I stood and went my way to the kitchen.

Naroon silang lahat. Ang mga tita at tito ko, pati si lola at ang mga pinsan. Lahat sila ay nakatingin sa akin. Para bang disappointed at naiinis.

Ang iilan sa mga pinsan ko ay lumayo at pumasok sa kwartong nakalaan sa kanila. I called again.

"Carl, Aira," Tawag ko, maliit ang ngiti

But they ignored me and turned their backs on me. I was dumb founded when I looked around. Ang lahat ay tahimik na pinagmamasdan ako.

Anong nangyayari? That was the question that left unanswered for almost 2 weeks.

I was inside my room finishing my commision portrait when I heard the dishes clanging on the sink. I stood and went on the kitchen.

"Kumain na kayo tito?" Nagtatakang tanong ko dahil marami na ang platong huhugasan.

"Oh," Simpleng tumango ito at tinalikuran ako.

Kumuha ako ng plato at nagsandok ng kanin para kumain na nang napadaan ang iilang pinsan ko sa harap.

I locked gazes with Aira for a second and she looked away in an instant. Doon pa lang alam ko nang may nangyayaring hindi ko alam.

Nagkukumpulan sila sa sala at nagtatawanan. Leaving me behind. Naroon din si Kurt kalaro ang iilang mas batang pinsan. But not even one of my family members had the urge to go to me and tell me to join them.

Hindi naman sa nagpapakaimportante ako pero I feel like they are avoiding me intentionally.

A part of me is heartbroken at what happened. Isang araw bago sila umuwi ay nilapitan ako ng dalawang pinsan habang nasa kwarto ako.

I know they have something to tell me. Nagtutulakan at nagsisikuhan ang dalawa kaya nagtaas ako ng kilay at ngumiti.

"Ate Eryna, may sasabihin sana ako pero huwag mo sanang masamain." Carl said. My heart pounded for whatever reason there is.

I forced an assuring smile. Na-offenf na ako kaya mamasamain ko talaga.

"Promise ah, hindi ka magagalit sa amin? Napagsabihan lang din kasi kami." Aira Indecisively spat and pinched her fingers to calm down.

"Sorry talaga ate kung hindi ka namin pinapansin. Sabi kasi ni lola kina mama na huwag kaming palapitin sa'yo at iwasan ka kasi baka pagbintangan mo rin daw kaming magnanakaw." Aira said and bit her lower lip as she carefully looked at my reaction.

Kumunot and noo ko. "Pagbintangang magnanakaw, bakit naman?"

"Pinagbintangan mo raw si ate Mariam na ninakawan ka. Tapos hindi naman daw totoo kasi nakabili ka pa ng mamahaling cellphone." I scoffed, hindi makapaniwala sa narinig.

"Ayaw ni lola na mahawa raw kami sa masama mong ugali kaya pinagsabihan niya rin sila tita at tito na huwag kang pansinin." That's my cue.

I felt betrayed. Why would she say that? It was like lightning struck that made me wake up. I did nothing wrong yet I am wronged and even misunderstood.

"Ok lang. Hindi naman totoo." Tanging nasabi ko.

They are so cruel. Why would she come up with that? Totoong ninakawan ako ni Mariam. Nakabili ako ng phone dahil may mga commission ako. Kung masama man ang ugali ko ay sana sinaktan ko si Mariam noong nahuli ko siya, pero hindi!

Ang unfair niya sa akin! Palagi siyang ganyan, kahit kitang-kita na kung sino ang nagkamali!

Those supposedly resting month became hell for me. I have to deal with people with mindsets like them. Hindi ako kinakausap kahit nino kaya hindi na rin ako nagsasalita. They wouldn't hear me anyways.

Nang umuwi na ang mga pinsan ay saka ako lumapit kay lola para magpaalam.

"La, balak sana naming tumira kasama si mama sa bh." Pagpapaalam ko na inismiran niya

"Mas mabuti 'yan at nang matuto kang kumilos sa gawaing bahay. Kailan ka aalis?" Tanong niya, hindi naman humaharap sa akin

"Ngayong thursday po kami pupunta doon ni Kurt."

"Bakit mo isasama ang kapatid mo? Magagalit ang papa mo. Ikaw nalang ang umalis. " Tumaas ang boses niya at sinamaan ako ng tingin

"Nagpaalam na ako la at pumayag naman siya."

"Sigurado ka riyan? Tatawagan ko ang papa mo at nang malaman ko nga." Agad siyang nagdial sa phone at nilagay ito sa tenga.

The conversation went on, she become really pissed.

"Anong hahayaan mo?! Makakaalis itong si Eryna pero hindi ko papayagan si Kurt, dito siya sa akin!"

"Ma, pasamahin mo kay Eryna at nang isa nalang ang gastusin ko. Para mabuo ko ang padala kay Eryna tuwing akinse."

"Anong ibig mong sabihin?! Pinipigilan ko si Kurt para makihati ako sa pera?! Aba!" She sarcastically laughed.

"Hindi naman---"

"Ewan ko saiyo! Sige at paalisin ko ngayon din ang mga anak mo! Hindi ko pipigilan!" Binaba niya agad ang tawag at inismiran ako.

"Oh siya at umalis na kayo!"

"Sige la, sa huwebes po." Sagot ko na tila nagpanting sa tenga niya.

"Pilosopa ka ba?! Ang sabi ko ay ngayon!"

"Sa huwebes na po la, wala pa si mama sa boarding house, may trabaho pa siya. Susunduin niya naman po kami ngayong huwebes." Paliwanag ko

Lumipat nga kami ng huwebes. Sa mga araw ko na natira doon ay hindi na ulit ako kinausap ni lola. She's furious and pissed at what happened.

Nakita ko pa siyang umismid nang dumating si mama sa bahay. She hates my mother. I looked like her in some ways kaya siguro ay naiinis rin siya sa akin at naiibuntong niya ang galit sa akin.

From: Eron Smith
:(

Literal na hindi ko siya maintindihan. Ano 'yan, sad face?

To: Eron Smith
Why is there a colon and an open parenthesis?

From: Eron Smith
May sobrang ticket ako sa sine. Gusto mong manood?

To: Eron Smith
Abala ako, no time for that

From: Eron Smith
Ay meron pala akong librong natapos basahin. Iaabot ko sa'yo. Saan ang bahay niyo?

Mas lalong hindi! Ayaw ko namang ma-issue na may boyfriend ako noh. I stopped midway only to realize that I'm not living with lola anymore.

To: Eron Smith
Just keep it. Nagbabasa naman ako sa apps

From: Eron Smith
Alam mo bang mad-delete ang facebook account mo kapag hindi ka nag ma-my day? U should post a story sometimes u know

Talaga? Medyo matagal rin akong hindi nagpost ng story. Last my day ko ay iyong pumunta akong azuela.

I scrolled to my photos and clicked the book Eron gave me last time. Pinost ko iyon sa story at pinatay na ang data.

Naging abala ako sa pagdedesisyon kung anong strand ang kukunin sa Senior High School but I ended up taking STEM.

Si Kurt ay junior high pa naman pero una ko siyang pinapasok sa school dahil maglilinis pa ako.

Gumising ako ng alas sais para magluto ng babaunin. Unang araw ng skwela ngayon kaya medyo abala ang lahat. Mabuti at walking distance lang ang school.

"Hey," Bumungad agad si Eron sa harap ko pagkapasok ko ng gate.

He's wearing a light blue polo shirt and his hair is nicely combed. Mabango rin at ang earrings sa kabilang tenga ay wala na ngayon.

Ang gwapo niya. Napailing ako sa naisip at tinaasan siya ng kilay.

"Ang ganda," Napangiti ako nang suyurin niya ako ng tingin

"Tumigil ka at baka masuntok kita diyan," I rolled my eyes and walked ahead

"Bayolente ka pala," Tumawa siya.

"Ang ganda ng umaga ko. Iyan dapat iyon kaso hindi ko pa natapos sabihin, assuming." He chuckled softly

Gusto ko nalang talaga siyang sakalin nang matahimik siya diyan! He's walking backwards while talking to me.

"Oh? Room mo ang room ko dati!" He exclaimed as he found my name on the list he's searching.

"Nasa unahan lang ang silid namin. Malapit lang." Ngumisi siya

"Tapos?" I spat. He stopped and looked at me indifferently

"Syempre makikita lang kita agad kapag dumaan ka sa classroom." Umirap ako sa sinabi niya at nagpasya nang pumasok sa loob.

Umalis rin siya nang makitang nakaupo na ako sa loob.

From: Eron Smith
Don't forget to smile and make friends! Have a great day! You are very pretty today btw

Napangiti ako sa nabasa. Why is he so hyper today? Naririnig ko na ang boses niya sa text.

I typed a reply but deleted it immediately because the teacher is already here.

What's your name? :)

Binasa ko ang papel na iniabot sa akin ng katabi ko. He looks familiar. Mukhang nakita ko kung saan pero hindi ko maalala.

Ngumiti siya sa akin at binigay sa akin ang ballpen na hawak niya. Nagsulat rin ako at binalik ang papel at ballpen sa kanya.

Eryna, you?

Elijah

"I will pair you up class. Or just pair with your seatmates nalang para mabilis. We'll have our first activity for this semester. I am Ms. Novva Karylle Juanzon, your adviser, nice meeting you."

That chapter of my life ended yet my senior year began to be written.

merMia

Continue Reading

You'll Also Like

18K 922 40
Sun Rays Series #1 | Completed Ritienzy is a social butterfly who finds comfort in enjoying the things she loves. She is a student who doesnΚΌt fret t...
4.1M 258K 100
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
778K 65.2K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
26.5K 946 6
Chaennie as Highschool Power Couple and their cute moments.