You May Now Kiss The Billiona...

By ziellanes

977K 13.3K 937

Tradisyon na ng pamilyang Harrington na ibibigay lang ang sarili sa araw mismo ng kasal, dahil sumisimbolo it... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70
Chapter 71
Chapter 72
Chapter 73

Chapter 44

11.6K 136 13
By ziellanes

SAGLIT na napahinto ang mga empleyado ng hotel ang pagdating nina Clarence at Mari habang naglalakad sa lobby. Nalaglag ang panga nina Lina at Olivia nang makita muli ang kaibigan nila, napalitan naman iyon ng kilig na mapansin na hawak ni Clarence ang kamay ni Mari. Naisip nila na baka may magandang nangyari pagkatapos ng dinner nila noon.

Pilit na tinatago ni Mari ang ngiti niya nang tapunan siya ng mapang-asar na ngiti ng mga kaibigan niya. Mas lalo tuloy siya kinikilig at kinakabahan.

"G-Good morning, Sir Clarence!" maligayang pagbati ni Manager Patricia.

"Good morning, Patricia," tugon na sabi ni Clarence.

Napawi ang ngiti ni Patricia nang muli niyang makita si Mari. "M-Mari? A-Anong ginagawa mo rito?" Natigilan siya nang makitang hawak ng boss niya ang kamay ni Mari. "S-Sir..." tulalang nakatingin si Patricia sa kamay ng mga ito.

Tumikhim si Clarence. Tinaas niya ang boses niya para marinig ng mga taong nakapaligid sa kanya. "I would like to announce something."

Dahil do'n ay nag silapitan ang mga tao sa kanila, inaabangan ang sasabihin ni Clarence. Napalunok si Mari. Kinakabahan siya. At maraming pumapasok sa isip niya. Ganoon pa man, humigpit ang pagkahawak niya sa kamay ni Clarence.

"As all of you know the issue about my life, about Mari. I want to introduce to you my wife..." Binitawan ni Clarence ang kamay niya saka inakbayan si Mari. "...Marigold Harrington Sinclair," he continued.

Hindi inakala ni Mari na bibigyan sila ng masigabong palakpakan pagkatapos noon. Ang iba ay kinikilig naman sa kanila.

Bumaling ng tingin si Clarence kay Patricia. "You can't call her by her name starting today, Patricia."

Napaatras ng isang paa si Patricia sa gulat. Nangaling na mismo sa bibig ni Clarence ang katotohanan na dati ay pinag-uusapan lang ito ng mga tao.

Yumuko si Patricia as a way of acknowledgement. "M-Masusunod po, Sir Clarence! Simula ngayon ay tatawagin ko na siyang..." May alinlangan pang binilisan niyang tiningnan si Mari. "...Madam Mari," dugtong niyang sabi habang nakayuko.

Mari was speechless. Unang beses niyang narinig ang tawag na iyon. At hindi siya komportable.

"Ahh. Masyado namang exag 'yan, Ma'am Patricia," hindi pagsang-ayon na sabi ni Mari habang kinakaway ang kamay.

Napatingin na lang si Patricia kay Mari. "E, ano po itatawag ko sa inyo?" naguguluhang tanong niya.

"Mrs. Sinclair," mabilis na sabi ni Clarence saka siya tumikhim habang nakatingin sa malayo. He is trying to hide his excitement nang bigkasin niya iyon. "Asawa ko siya, kaya bagay sa kanya ang Mrs. Sinclair. Hindi ba, Mahal?" malambing na sabi ni Clarence direkta sa mga mata ni Mari.

Mahal?

Saglit na natulala si Mari sa narinig niya. Napakurap pa siya ng dalawang beses kasabay ng pag-init ng magkabilang pisngi niya. Parang mauubusan siya ng hininga, at gusto nang magwala ang puso niya sa tuwa. Pero kailangan niyang pigilan iyon. Hindi siya pwedeng mahalata ni Clarence.

Napalunok si Mari.

"M-Mrs. Sinclair is better, I guess..."

"Mahal," dinugtungan pa ni Clarence ang sinabi ni Mari habang nakatitig siya sa mga mata ng asawa niya.

"Yes, Mahal-" Napatikom si Mari ng bibig nang madulas siya. Mas lalong bumilis ang tibok ng puso niya.

She can't take it anymore.

She can't breathe!

"I-I think mauna ka na muna, Clarence. Kailangan kong mag-cr. S-Sunod na lang ako sa office mo."

Hindi na niya hinintay pang magsalita si Clarence ay dumiretso na siya sa comfort room. Hawak-hawak niya ang dibdib niya pagpasok sa loob. Tumingin siya sa salamin saka bumuga ng hangin.

"Whoa!" sigaw niya saka marahang pinagsusuntok ang dibdib niya para kumalma siya.

Mahal? Endearment na namin iyon?

Huminga siya nang malalim. Nang mahimasmasan na siya ay lumabas na siya ng comfort room. Natigilan siya nang salubungin siya nina Lina at Olivia. Hinawakan ni Olivia ang braso ni Mari at hinila ito papunta sa staircase kung saan walang tao.

"Anong nangyari? Kayo na?" kilig na tanong ni Lina.

"Uhm... parang gano'n na nga."

Tumili ang mga ito at napatalon habang nag-aapiran ng mga kamay.

"Teka. May nangyari na ba sa inyo?" pabulong na tanong ni Olivia.

Napabuga ng hangin si Mari saka umiling siya.

Humaba ang nguso ng mga kaibigan niya. Nag-puppy eyes pa ang mga ito.

"Wala. Walang nangyari sa amin. Pero..." Mas lalong nilakasan ng dalawa ang pandinig nila. "...nakita ko kasi, e."

Humigit ng paghinga ang mga kaibigan niya.

"N-Nakita mo ang sandata?!" pasigaw na gulat na tanong ni Lina.

Agad namang tinakpan ni Mari ang bibig nito. "Shh. Oo. Nakita ko nga. Pero aksidente lang iyon." Nilayo ni Mari ang kamay niya. "At walang nangyari sa amin."

***

MAG-ISANG nilagok ni Kate ang pangatlong bote ng vodka habang nakaupo siya sa harap ng swimming pool. Hindi niya matanggap ang naging kapalaran niya kay Clarence. Tuloy na raw kasi ang inauguration ni Mari bilang CEO ng Harrington Group bukas. At wala siyang magagawa roon.

"This bullsh*t life!" aniya nang maubos ang laman ng vodka saka hinampas ito sa lamesa.

Pilit na nilalabanan ni Kate ang pag-ikot ng paningin niya. Lasing na siya pero gusto pa niyang uminom.

Binaliktad niya ang hawak niyang beer, hinahanap ang laman.

"Wala na bang stock ng vodka, Yaya?" sigaw na tanong niya para dinig siya nito sa loob.

Walang sumagot kaya tumindig siya kahit hilong-hilo na siya. Mas lalong umikot ang paningin niya habang naglalakad siya papasok sa loob para hanapin ang kasambahay.

"Yaya? Where are you? Kailangan ko pa ng vodka..."

Nanghina bigla ang mga tuhod niya dahilan nang matumba siya papuntang sofa. Sumikip ang dibdib nang maalala ang mangyayari bukas. Humikbi si Kate. Nilabas niya lahat ng hinanakit niya.

Bumaba si Silvana para sana uminom ng gatas nang makita niya si Kate na umiiyak.

"Kate!" gulat na sigaw niya nang lapitan ang anak. "Oh my goodness! Get up, Kate! Sa kwarto ka na matulog, not here!"

Inalalayan ni Silvana na bumangon ang anak. Hinayaan naman ni Kate na gawin ng iyon ng mommy niya.

"Mom... wala na bang pag-asa para mapigilan ang inauguration ni Mari bukas? Hindi ko matanggap... hindi ko matanggap na magiging CEO siya. Ikamamatay ko iyon!" naiiyak na sabi ni Kate habang ang nakikiusap ang mga mata niya.

Huminga nang malalim si Silvana. "Wala akong magagawa, Kate. Board of directors na ang nag-decide."

Tinulak ni Kate si Silvana. "No! Mas pinili niyo ang kompanya kasya sa akin. Mas mahalaga naman kasi kay dad ang Harrington Group, e!"

Nagtungo si Kate sa kusina. May kung anong hinahanap siya roon. Sinundan naman siya ni Silvana. Nanlaki ang mata niyang makitang hawak na ng anak niya ang isang matalim na kutsilyo.

"KATE! WHAT ARE YOU DOING?!" galit na sigaw ni Silvana na may halong takot sa nakita niya.

Inunat ni Kate ang braso niya. "Stop right there!" aniya habang tinututok ang talim sa mommy niya saka tinapat niya sa pupulsuhin ng braso niya.

"Don't do that, Kate! Makinig ka sa akin! Please!"

"Bakit? Pinakikinggan niyo rin ba ako? Di ba hindi? So stop right there or else... or else I'll die in front of you!" pagbabanta ni Kate kaya imbis na lumapit si Silvana ay nakatayo lang siya sa harap ng anak niya.

Bumaba si Robert dahil sa naririnig niyang ingay. Nang makita niya ang nangyayari sa kusina ay sumigaw siya ng, "KATE! STOP IT!"

Bumuhos ang luha ni Kate nang makita niya si Robert. Umiling pa siya habang humihikbi. Dinapo na niya ang talim sa pupulsuhin niya.

"Hindi naman ako mahalaga sa inyo, hindi ba? Alam niyo naman na I can't leave without Clarence. Parang unti-unti niyo akong pinapatay dahil sa ginagawa niyo!" naluluhang protesta ni Kate.

"Tama na, Kate. Please," wika ni Robert habang umiiyak naman si Silvana sa takot.

Tumungo si Robert kay Kate para pigilan ito. Pero huli na nang tuluyang mahiwa ng kutsilyo ang pupulsuhin ng anak. Dahil sa lakas ng agos ng dugo ay biglang nanghina ang katawan ni Kate saka siya bumagsak sa sahig.

"KATE! OH MY GHAD!" iyak na sigaw ni Silvana.

Agad na binuhat ni Robert si Kate at nagmadaling puntahan ang garahe ng sasakyan niya. Kasama si Silvana nang pumasok sila sa kotse para dalhin si Kate sa ospital.

Samantala, masayang kausap ni Clarence si Mari habang hinahatid niya ito pauwi. Biglang nag-ring ang cell phone niya. Dahil nagmamaneho siya ng kotse ay si Mari na lang ang sasagot sa tawag.

Nanlaki ang mata ni Mari nang makita ang pangalan ng madrasta niya sa screen ng cell phone.

"Tumatawag si mommy sa'yo. Sasagutin ko ba?"

Nagdalawang isip pa si Clarence bago siya sumagot. Pero minsan lang siya nakakatanggap ng tawag kay Silvana, baka importante ito.

Tumango si Clarence. "Sagutin mo, naka-connect naman iyan sa bluetooth," tugon niya kaya ini-slide right ni Mari iyon.

"Hello, Tita? Napatawag kayo?"

Kumunot ang noo nila nang marinig ang pag-iyak ni Silvana sa kabilang linya.

"What's going on? Bakit umiiyak kayo?"

"Clarence... K-Kate needs you. She's dying right now. She needs your blood."

Napahinto ng sasakyan si Clarence nang marinig iyon. At nagkatinginan sila ni Mari.

###

Please take note that this novel will be self-publish soon this year. Kung gusto niyo ng copy, please join our FB group "Ziellanes Stories (Ziesters)" for my announcement ❤️ Thank you 🤗

Continue Reading

You'll Also Like

205K 3.5K 70
She was too deep into her dreams and ambitions of finally escaping from the sea of poverty- to be free and finally taste luxury. She didn't want to s...
337K 7.9K 10
Hindi akalain ni Abby na mabilis na masusulusyonan ang problema nya sa pera nang matanggap sya bilang yaya ng anak ni Daniel De Marco. Isang umaga ka...
387K 7.2K 38
Nicholson Velasco, one of the most highly respected businessmen in Asia. A vicious, manipulative, ruthless married man. Unlike other happy married co...
186K 3.5K 28
Si Arianna ay mag isang namumuhay at tahimik sapagkat namatay na ang kanyang magulang ang tahimik niyang buhay ay nagulo nung makilala niya ang panga...