Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

916K 31.3K 20.5K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 27

10.5K 361 290
By JosevfTheGreat

Chapter 27: A Lot to Take In

#DittoDissonanceWP

Something is cooking? Don't forget to vote and enjoy! Just trust the process of the story. Thank you <3

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

Hindi ko mapigilan ang sarili kong hindi ma-frustrate lalo habang nakaupo sa labas ng convenience store at naga-almusal ng wheat bread with coffee.

I let out a deep sigh, and the cold breeze followed along. Inayos ko ang buhok kong nilipad ng hangin bago sumimsim sa kape. This is getting much more annoying and beyond frustrating. Fuck. . .

Hanggang ngayon hindi ko pa rin napoproseso lahat ng nangyari kani-kanina lang. Kagigising ko lang at makikipag-sex lang sana ako then papasok. Tangina, biglang sobrang ang daming nangyari. Nao-overwhelm ako at hindi ko maiwasang hindi magalit sa lahat ng bagay at this point. I need to be alone for a while. Ayaw ko munang kausapin sina Magnus. Isa pa, mga lasing din 'yon. Panigurado masaya silang tatlo. Inaasahan din siguro nila na masaya ako dahil nga may babae akong naiuwi, but things got out of hand.

Sanay naman na akong dini-deal mag-isa ang mga problema ko. Sabihan ko na lang sina Magnus kapag mabuti na 'yung pakiramdam ko. Sa ngayon, gusto ko na lang munang pumasok sa tapos 'saka ko na iisipin 'yung trabahong puwede para sa akin. Mag-apply kaya ako sa mga night clubs? At least nakakapagtrabaho ako at nakakapaglibang din. Puwede naman siguro 'yon, 'no? I should try to inquire.

You got this, Caiden. You already survived a lot of things alone.

My mind is so messy right now. Maliligo na lang muna ako baka sakaling ma-refresh ang utak ko at somehow mas ma-process ko na nang maayos ang lahat ng nangyayari. Dinala ko na lang ang kalahating balot ng wheat bread na binili ko dahil tatlong piraso lang ang nakain ko.

This is just so. . . overwhelming. Baka maging sensitive ako sa mga susunod na araw at maging mabilis magalit lalo, though I'll also try to fix that one.

Punong-puno ang isip ko bigla. I need some days to recover from this. Hindi ko alam kung saan galing ang mabigat sa dibdib ko. Marami rin naman akong mali, kaya kailagan kong ayusin 'to lahat.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Ilang minuto na akong nakatulala habang nakaupo sa kama. Nasa CR si Mishael at naliligo. Gusto kong umiyak sa biglaang pagbigat ng dibdib at isip ko. Mabilis pa naman ako ma-overwhelm at kahit maayos naman ang pamilya't kaibigan ko, hindi ako exempted sa pagkakaroon ng anxiety. Nati-trigger pa rin ako nang mabilis kahit maayos naman ang childhood ko.

Napahilamos ako sa mukha habang pilit pa ring kinakalma ang sarili ko. Kani-kanina pa ako nakaupo rito sa kama mula no'ng pumasok ako sa room, pero nanginginig pa rin ang kalamnan ko.

Marami ka pang gagawin ngayong araw, Zern. Kaya mo 'to.

Kani-kanina ko pa rin sinasabi sa sarili kong 'wag ng mag-overthink, pero hindi ako maka-recover pa. Panigurado, 'paglabas ni Mishael kailangan kong i-explain sa kaniya 'yung nangyari at kailangan ko rin mag-sorry dahil sa na-witness niya. Kanina ko pa 'yan ino-overthink dahil nasa CR na siya 'pagpasok ko pa lang ng room kaya hindi kami nagkita agad.

Nanginig ako nang bumukas na ang CR at bumungad sa akin si Mishael na nakabihis na. Ngumiti agad siya sa akin pero hindi ko magawang ngumiti. Mabilis lang ang pagkurap ko at hindi ko namalayan na namumuo na ang luha sa mga mata ko.

Lumapit agad siya sa akin habang ako ay hindi ko alam ang gagawin ko. Umupo siya sa tabi ko. Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi para iharap ang mukha ko sa kaniya. Nagsituluan na ang mga luha ko.

"Zern. . . can I hug you?" banayad na sabi ni Mishael.

Hindi na niya ako hinintay sumagot dahil hindi ko rin naman alam kung makakasagot ako. Hindi ko rin naman kasi alam ang isasagot do'n. Wala akong maisip na maayos. Gusto ko lang umiyak hanggang sa mawala na 'yung bigat ng pakiramdam ko.

Hinawakan niya ang ulo ko para maigiya niya ang ulo ko sa pagsubsob ng mukha ko sa balikat niya. Hinipo-hipo niya ang likuran ko at mahinang tinatapik-tapik.

"Shh. . ." bulong niya para mapatahan ako pero mas lalo akong umiyak dahil niyakap niya ako.

Paano ko ipapaliwanag kay Mishael lahat ngayon? Anong gagawin ko? Nabablanko ako. Hindi ko alam kung magsasalita ba ako o mananahimik na lang. Pero kapag nanahimik naman ako, mas lalo lang akong mago-overthink dahil pakiramdam ko may utang akong explanation kay Mishael. Kaso hindi ko naman alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam!

Umayos ako ng upo habang humihikbi pa rin. Nagtagpo ang mga mata namin ni Mishael. He looks really concerned. Hindi niya rin alam siguro kung anong sasabihin niya kaya dapat ako ang unang magsalita.

"Sorry, Mishael. Kailangan mo 'yon makita lahat. Hindi ko rin nasabi agad sa 'yo na hindi ako straight. Nagwo-worry lang ako na baka mailang ka sa akin ngayong nalaman mo na kaya ako nagso-sorry at sa gano'n mo pang paraan nalaman," sabi ko habang humihikbi.

"Shh. . . it's okay, Zern. Napapansin ko na rin naman pero ayaw kong mag-assume ng sexuality mo at hindi ko na rin naman kailangan malaman. Para sa akin, mabuti kang tao at gusto kitang maging kaibigan kahit na hindi ka pa straight. Kahit makita mo pa ang katawan ko, hindi ako maiilang. Mas magiging close pa rin tayo, Zern. Ibahin mo ako kay Caiden. Hindi ako gano'ng lalaki," sabi ni Mishael at magaan na ngumiti sa akin.

Tumango-tango ako at pinunasan ang luha ko habang mahina pa ring humihikbi, "Thank you, Mishael. Gumaan ang loob ko sa sinabi mo. Gusto ko rin namang sabihin sa 'yo kaso ang unnecessary kasi na io-open up ko. Aaminin ko na rin ngayon na ang attractive naman talaga ng katawan mo para sa akin, pero wala naman akong gusto sa 'yo. Kasi gwapo rin naman si Ashton, maganda rin ang katawan niya, pero kahit isang beses never akong nagkagusto kay Ashton. Gano'n din ang tingin ko sa 'yo. Gusto ko lang 'yun i-clarify para hindi ko i-overthink at para malaman mong pure ang intention ko. Nakaka-trauma lang kasi 'yung Caiden na 'yon. Pakiramdam ko tuloy wala akong karapatan magkaroon ng kaibigang lalaki dahil may social beliefs na magkakagusto agad ako porket hindi ako straight," sabi ko.

"It's okay, Zern. Puwedeng-puwede mo akong maging kaibigan. We can hug. Puwede ka ring tumabi sa akin kung gusto mo. Wala 'yon sa akin. Naniniwala ako sa 'yo at pinagkakatiwalaan kita. Magaan ang pakiramdam ko sa 'yo no'ng unang beses pa lang kita nakita. Wala kang dapat ika-worry," sabi ni Mishael at tinapik ako sa braso.

Napangiti na rin ako dahil mahina siyang natawa. "Thank you, Mishael," sabi ko.

"Tch, wala 'yon. Hindi ka nga dapat mag-sorry, e. Hindi mo rin kailangan mag-explain. Hindi ka dapat nasasanay na ine-explain mo sa ibang tao 'yung sexuality mo, na parang may utang kang ipaintindi sa kanila 'yung sarili mo, unless tinanong nila or gusto mo talagang i-open up. You're loved, Zern. You don't have to feel bad when someone found out that you're gay," sabi ni Mishael.

Tumango-tango ako. "Thank you. Kaya nakuntento na rin ako kina Leroy at Ashton bilang kaibigan ko. Natatakot kasi ako sa ibang tao. Pakiramdam ko, palagi nila akong ija-judge kapag nalaman nilang hindi ako straight at pag-iisipan na nila ako ng kung ano-ano. Pero minsan tina-try ko pa rin i-embrace 'yung fear ko para ma-overcome kong hindi matakot sa mga tao," sabi ko.

"Ikaw talaga. Hindi ko alam na ang joker kong kaibigan ay soft pala sa loob niya. You're a good person, Zern. But that doesn't mean you have to let everyone know that you are one. Don't please them. Be mad and be happy. We are all mad and happy, right?" sabi ni Mishael at mahinang natawa.

"Oo, tama ka. Thank you, Mishael! Marami pa akong gagawin ngayong araw, nag-worry ako na wala akong matatapos ngayong araw dahil sa nararamdaman kong bigat. Pero ngayong kinakausap mo na ako, naging clear na 'yung isip ko," sabi ko at nakakaya ng malawak na ngumiti.

"No problem, Zern. Ligo ka na. Sabay na tayong lumabas. May pasok ka pa. Iligo mo na lang 'yang pag-iyak mo para ma-refresh ang utak mo," sabi ni Mishael.

"Ay oo nga! Baka ma-late ako!" sabi ko at kusang napatayo dahil ngayon ko lang naproseso na kanina pa ako nakaupo. Natagalan pa ako sa daming nangyari kanina.

Tiningnan ko pa ang oras sa phone ko, alas-otso na! May mga chat din sina Leroy sa GC pero mamaya ko na babasahin. Dumeretso na ako sa CR agad para makaligo na.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Tulad ng sinabi ni Mishael, nagsabay kami palabas 'pagkatapos kong kumilos. Hinihintay na rin pala ako ni Leroy sa labas ng building. Wala si Ashton dahil nauna na raw sa klase niya. Magkaklase naman kami ni Leroy at palagi naman kami nagsasabay sa pagpasok.

Tinago ko man kay Leroy ang nararamdaman ko, napansin niya ang mga mata ko at nalaman niyang umiyak ako. Mamaya ko na sana sasabihin sa kaniya kapag kasama na namin si Ashton para isahang kwento na lang, kaso hindi ako tinitigilan ni Leroy habang naglalakad kami papunta sa building ng subject namin. Kaya pinahapyawan ko na lang kung tungkol saan pero mamaya ko na itutuloy.

Tahimik at nagno-notes lang ako buong tatlong oras na klase namin. Hindi rin ako dinadaldal ni Leroy kahit nabo-boring na siya. Wala rin ako sa mood makipagkulitan kaya tinuon ko na lang ang buong atensyon ko sa klase kahit medyo nabo-boring na rin ako.

Naaaninag kong nakatingin sa akin si Leroy habang nagliligpit ako ng ginamit kong notebook sa bag kaya nag-angat ako ng mata sa kaniya. Mukhang nag-aalala siya.

"Andiyan na raw si Ashton sa labas ng room natin," sabi ni Leroy sa malumanay na boses.

Tipid akong ngumiti bago tumango. Sinuot ko na ang bag ko at inakbayan ako ni Leroy kaya muli ko siyang nilingon. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan. Nakita na rin namin agad si Ashton dahil nasa tapat lang siya ng pinto.

Nangunot agad ang noo ni Ashton nang nakita ang mukha ko, at ang unusual na nakaakbay sa akin si Leroy kaya mapapansin agad ni Ashton na hindi ako okay.

"What happened?" sabi ni Ashton.

Napabuntonghininga ako. "Okay naman na ako. Wala lang ako sa mood magkulit ngayon. May nangyari lang din kasi kanina," sabi ko.

Umigting ang panga ni Ashton at mukhang nagkaroon na siya ng idea kung tungkol saan ang ikukwento ko.

Dumeretso kami sa garden malapit lang din sa building namin. May mga wooden tables and chairs na puwedeng kainan dito at mahangin pa. Dito rin kami madalas tumatambay kapag lunch time.

Naglabas ng pagkain si Leroy. Nasa harap namin ni Leroy si Ashton na handa na makinig sa akin. Kaya kinwento ko na nang buo mula no'ng naghiwa-hiwalay kami sa convenience store. Pati na rin ang nangyari sa room ni Caiden maging ang mga sinabi sa akin ni Tita sa labas ng building. Huli kong sinabi ang pag-uusap namin ni Caiden. Kinwento ko rin ang lahat ng pagkakaintindi ko sa naging sitwasyon, pati ang nararamdaman ko sa buong nangyari. Maging ang pag-comfort sa akin ni Mishael.

"Pabayaan mo na lang sila, Zern. Tama ka naman, e. Hindi mo na kailangan i-deal 'yon. Lalo na 'yung nanay ni Caiden. Kung tunay ngang mabait si Caiden, dapat siya 'yong magpatunay sa 'yo no'n at hindi 'yung nanay niya," sabi ni Leroy bago kumagat sa tinapay na kinakain.

"Caiden refuses to be accountable of his actions. That's not the definition of what his mother's description of her son. Tama si Leroy, kung totoo ngang mabait 'yan si Caiden, baka naging kaibigan pa natin 'yan. E mukha siyang English speaking na spoiled brat na anak ng mayaman sa ugali niya. Anong mabait do'n?" sabi ni Ashton at naging mabigat ang paghinga.

"Nalulungkot lang ako na wala naman akong ginagawa kay Caiden. Gwapo naman talaga siya, at 'yon ang una kong napansin sa kaniya. Makikipagkaibigan lang sana ako no'ng nasa ramen place at gusto ko rin itanong sana no'n kung bakit siya nakangiwi sa akin. 'Yon pala dahil bading ako. Tapos sa akin dederetso ang nanay niya para i-clear ang pangalan niya. Hindi na lang kausapin ni Tita 'yung anak niya tungkol sa ugali niya. Sinabi-sabi pa niyang alam niya ang ugali ng anak niya kaya niya ako naiintindihan, pero bakit ako ang kinakausap niya at hindi ang anak niya?" sabi ko at napabuntonghininga.

"Deserve ng anak niya murahin, duh? Kung narinig lang ng ina niya 'yung mga pinagsasasabi ni Caiden sa 'yo. Pabayaan mo na, Zern. Naiinis lang din ako kapag nai-imagine ko 'yung sitwasyon ninyo no'ng nanay ni Caiden kanina. Baka nakisabat ako kung narinig ko lahat ng sinabi niya sa 'yo," sabi ni Leroy.

"I-ignore mo na lang si Caiden, Zern. 'Wag ka ng magkakaroon ng kahit na anong connection sa kaniya. Pretend na hindi mo siya kilala. Ayaw kong nagkakaganiyan ka dahil sa lalaking tulad no'n. Hindi na 'to bago, marami ka na ring na-meet na lalaking ganiyan noon. Alam mo na gagawin mo ngayon," seryosong sabi ni Ashton.

Tumango ako at tipid na ngumiti. "Thank you, guys. Magiging okay rin ako. Wala lang ako sa mood dahil na-trigger 'yung anxiety ko kanina. Ngayong nasabi ko na sa inyo, hindi ko kailangan i-open ulit 'to. Hindi na natin pag-uusapan 'yung bwisit na 'yon. Magfo-focus na tayo sa atin," sabi ko.

"Gusto mo ice cream?' sabi ni Ashton sa akin.

Lumawak bigla ang ngiti ko. "Ayan, alam mo talaga kung paano ako papangitiin, huh?" sabi ko.

Napangiti rin si Ashton. "Syempre, ikaw 'yan, e. Alam ko naman lahat ng tungkol sa 'yo. Kabisadong-kabisado na kita," sabi ni Ashton.

"Feeling ko ang magpapasaya sa 'yo ay dilig," sabi ni Leroy.

Ngumiwi ako sa kaniya. "Luh? Kayo nga lang muna gusto ko makasama ni Ashon, tapos si dilig ka naman," sabi ko sa kaniya.

"Tch, e 'di kami magdidilig sa 'yo ni Ashton," sabi ni Leroy.

Nalaglag ang panga ko. "Putangina mo, Leroy. Kadiri ka. Yuck! Hindi ko ma-imagine. Kadiri ka. Dugyot!" diring-diri kong sabi at umiiling pa.

Humalakhak silang dalawa ni Ashton. Ayan mukhang magkakasundo pa nga sa pang-aasar sa akin. Nandidiri ako! Kadiri! Ang laking wipe out no'n sa ino-overthink ko putangina. Parang naka-tattoo na sa isip ko 'yung sinabi ni Leroy sa sobrang nakakadiri.

"Oo nga, Zern. Punta ka lang sa room ko. Wala naman akong roommate," sabi ni Ashton at nagtaas pa ng kilay sa akin.

"Isa ka pa! Sige, sakyan mo pa si Leroy. Bwisit kayong dalawa. Kadiri! Mga gwapo kayo, pero putangina ninyong dalawa. Kadiri kayo. Hindi ba kayo nangingilabot?" sabi ko at hinipo ang magkabila kong braso dahil sa nagsisitayuan kong mga balahibo.

Mas lalo silang humalakhak ni Leroy. "Hindi. Parang ang saya nga no'n. Ayaw mo ba kami matikman ni Leroy?" sabi ni Ashton at mukhang nandiri na rin nang nag-cringe ang mukha niya.

"Iw! Ashton, tama na! Please. Putangina ninyong dalawa. Dugyot amputa. Kadiri naman! Tangina. Hindi ko maalis sa isip ko!" singhal ko.

"Tama na, Ashton. Tangina, nandidiri na rin ako. Hindi ko rin ma-imagine na magpapatulan kami ni Zern. Yuck!" sabi ni Leroy.

"Yuck ka rin! Iw! Kadiri! Putangina ninyong dalawa," diring-diri kong sabi.

"Ako nai-imagine ko kami ni Zern," sabi ni Ashton kaya sabay kaming napangiwi sa kaniya ni Leroy.

"Ashton?!" singhal ni Leroy.

Humalakhak naman si Ashton dahil diring-diri ang mukha ko. Hindi ko kaya! Gwapo si Ashton pero hindi ko kaya ang sinasabi niya! Please!

"O diba, effective ang sinimulan ni Leroy na kadugyutan," sabi ni Ashton bago humagikhik.

"Effective nga. Grabe. Kadiri naman putangina," sabi ko.

"Paano, Zern, kung si Ashton na lang 'yung nag-iisang lalaking puwede mong jowain, payag ka?" sabi ni Leroy.

Nginiwian ko siya. "Hindi! Magkaibigan kami ni Ashton. Putangina mo naman. Ikaw, jojowain mo tatay mo kung siya na lang 'yung nag-iisang lalaking puwede mong jowain?" sabi ko sa kaniya.

"Yuck!" sabi ni Leroy. "Dugyot naman 'yon sa 'yo."

"Exactly. Para sa akin dugyot din 'yung jojowain ko si Ashton. Please! Bakit ba ganiyan topic putangina. Mas pipiliin ko na lang maging malungkot ata nito kung puro ganiyan topic ninyong dalawa," sabi ko.

"Ice cream tayo mamaya, Zern. Iwanan natin 'yan si Leroy," sabi ni Ashton.

"Tama! Baka mamaya magsimula na naman ng topic tungkol sa kadugyutan niya," sabi ko at nilingon si Leroy na unbothered.

"Magsama pa kayong dalawa. Baka bilhan ko pa kayo ng ice cream truck. Mami-miss ninyo ako kapag namatay na ako, kaya sige i-left out ninyo lang ako. Kapag ako namatay ngayon, ewan ko na lang talaga," sabi ni Leroy at nagda-drama pa ang mukha.

Nagkatinginan kami ni Ashton at sabay natawan nang mahina.

"Amats ka na naman, Leroy. Tigil mo 'yan, please. Gusto ko lang ng ice cream at kapayapaan," sabi ko.

"Gusto mo pala ng peace, e. E 'di sana si Pia Wurtzbach kinaibigan mo," sabi ni Leroy.

"Tse!" sabi ko kaya natawa silang dalawa ni Ashton.

"Inaasar mo na naman si Zern ko, baby natin 'yan, e. Sisimangot na 'yan ulit, tapos nakalobo 'yung pisngi," sabi ni Ashton habang nakatingin sa akin.

Kinunotan ko siya ng noo habang nakasimangot. "Dapat sa mga baby nililibre ng ice cream at blueberry cheesecake sa Tafiti's," sabi ko at saka biglang ngumiti na parang baby.

"Mamaya, libre kita. Libre ang baby na 'yan. Abunjing-bunjing na Zern na 'yan," sabi ni Ashton at inabot ang magkabila kong pisngi para marahang pisilin.

"Parang namang talagang baby, oh?" sabi ni Leroy at tinusok ang tagiliran ko.

"Ashton, oh. Nang-aasar 'tong dugyot nating friend dito sa tabi ko," sabi ko.

"Wag mo asarin ang baby Zern ko, Leroy! Ito!" sabi ni Ashton.

"Ang OA! Grabe! Main character na naman si bading. Kina-career na naman niya ang pagiging main character niya! Grabe!" OA na sabi ni Leroy.

Humalakhak kami ni Ashton. "Tara na nga! Magiging OA kana, e," sabi ko at tumayo na.

"Oo nga, alas-dos din klase ko," sabi ni Ashton at tumayo na rin.

"Kakatamad!" sabi ni Leroy.

"Bahala ka diyan!" sabi ko at naglakad na kami ni Ashton palayo sa kaniya pero sumunod din naman si bading.

I'm glad that they're both here. Nakakatamad na tuloy maghanap ng lalaki, parang mas naging mahalaga na sa akin kung saan ko nahahanap 'yung peace. Chariz. Naka-off lang pagiging malandi kong bading. Break time niya. Nagbakasyon. Charing. 

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

32.9K 1.7K 76
ONLINE LOVE DUOLOGY #1 An Epistolary (Chat Fiction) Landiang nabuo't nagsimula online, mauuwi kaya sa totohanan?
351K 5.4K 23
Dice and Madisson
171K 931 125
In this book, you will see Taylor Swift's songs with lyrics. This was purposely made for Swifties. Support this book by voting and adding this to you...
2M 79.8K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.