Oxford

By cultrue

38.4K 1.1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 21

691 19 0
By cultrue

Kasabay ng paglapit ko kay Easton para kunin ang bata ay lumapit din si Oxford sa kanya, hindi parin inaalis ang masamang tingin nito sa kanya. Nanghihingi ng tulong si Easton sa aming dalawa ni Oxford pero mukhang hindi siya tutulungan ni Oxford dahil nang-iigting pa ang panga nito.

Pilit akong ngumiti kay Easton at hinawakan ang braso ni Kamp. "Pasensya na Easton, lahat kasi ng nakikita niya na lalaking naka-suit ay tinatawag niyang Papa."

Napahinto siya saglit sa pagsalita. He blinked but his hands were still standing up in the air. "Oh." Realization came upon him.

I slightly nodded at him then I softly grabbed my son's arm. "Halika ka na, Kamp. Nakakahiya kay Mr. Easton—"

"No! He's my Papa okay!"

Parehas kaming tatlo ay nagulat sa sinabi ni Kamp. Mas nanigas si Easton dahil mahigpit na kumapit sa kanya si Kamp.

I sighed.

This was just the episode of Kamp's stubbornness. He's just a kid and he didn't know what he's saying. Hinawakan ko siya ng mahigpit para kargahin. Napaangat ako ng tingin kay Easton, nagmamakaawa akong tumingin sa kanya para tulungan akong maialis si Kamp mula sa pagkakahawak mula sa kanyang hita.

"Kamp hindi siya ang Papa mo, huwag matigas ang ulo." Mariin kong sabi. Nagtitimpi lang ako na hindi siya masigawan dahil maraming tao sa may kalsada at yung iba ay nakatingin na samin.

Hinawakan naman ni Easton si Kamp para matanggal yung kamay ng bata sa kanyang binti pero panay ang tingin ni Oxford sa kanya at nakakuyom ang kanyang kamao. Huwag naman sana niyang suntukin si Easton sa harap ng maraming tao. Nakakahiya na.

"H-Hey kid, you see... I'm not your Daddy, okay. Just go to your Mom and be a good boy, 'kay?" Marahan na sabi ni Easton. Napatingala si Kamp sa kanya. Unti-unti ay pumalahaw ng iyak ang bata.

I heard some whispers about my child and Easton. Nahihiya ako para kay Easton dahil hindi naman niya kasalanan na lumapit sa kanya ang bata kaya pinaghihinalaan siyang walang kwentang ama sa paningin ng iba. I knew Easton was not the father of my child. It's my fault that my kid grew up fatherless.

"Halika na, uuwi na tayo." bulong ko kay Kamp at pinilit na tanggalin ang pagkakayakap niya kay Easton.

"NO!" My son cried hardly.

Bumuntong-hininga ako pero hindi ako sumukong kunin siya mula kay Easton na hindi alam ang gagawin. Nakapatong lang ang kanyang kamay sa braso ni Kamp pero hindi niya tinutulak palayo. May nakita akong awa sa kanyang mga mata.

Kamp started to move hysterically. Mas lumakas ang iyak niya at dumadami narin ang mga nakatingin. Lumabas si Sack mula sa Threads at tumulong siyang tanggalin ang pagkakayakap ni Kamp kay Easton pero hindi namin magawa dahil mas kumapit siya kay Easton.

Natakot ako sa iyak ni Kamp dahil nauubo na siya at namumula na ang kanyang mukha. Natanggal ko ang isang kamay mula sa hita ni Easton. At napasinghap nalang ako nang kunin ni Oxford ang isang kamay ni Kamp pero dahil gustong yakapin pa ng bata si Easton ay namangha ako sa ginawa niyang pagyakap sa bata. Nakaluhod siya sa harap nito at hinagod ang likod ni Kamp para pakalmahin bago tumayo karga ang bata.

It's quite surprising how Kamp suddenly held onto Oxford. He wasn't like that to somebody else. I thought he looked up at the two men he met as a father figure and that explained why he hugged Oxford without even looking back at Easton.

"Shh, shh, it's okay kiddo. He's not your Dad. He's just a stranger okay?" alo niya sa bata habang hinahagod ang likod ni Kamp.

Dumantay naman ang mukha ni Kamp sa balikat niya at doon nag-init ang dibdib ko sa ginawa niya. He looked at me and nodded then he went his gaze upon Easton who was wiping the sweats on his forehead.

"Let's just grab some food before you guys go home." Nakatingin na sabi sakin ni Oxford.

Tipid akong tumango. Siniko naman ni Easton ang kaibigan niya at mahinang bumulong. "What about me?"

Madilim na tingin lang ang ginawad ni Oxford sa kanya pero huminga ito ng malalim bago binalik ang tingin sakin.

"Sumunod ka nalang, okay?"

"Okay, magsasara lang ako sa shop." I replied, nodding my head.

Bago siya humakbang paalis ay ibinalik niya ang tingin sa kaibigan. Oxford looked stormy so his friend stepped backward. Tumabi kasi sakin si Easton dahil may sasabihin yata kaya lang ay hindi niya nailabas ang sasabihin dahil kay Oxford.

Oxford prompted in his scary cloudy tone. "drei Meter voneinander entfernt" he said to Easton before he started to walk to the Pinxto Alley.

I heard Easton sighed and slowly moving away from me. Mga tatlo o apat na metro ang layo niya sakin. Nang makita niya akong nagtaka ay nginitian niya ako pero hindi umabot sa kanyang mga mata.

"Sumunod nalang tayo sa kanya bago pa pumutok ang bulkan." he joked.

"Susunod ako sa inyo. At pasensya na Easton sa inakto ni Kamp."

"I'm sorry din dahil hindi ko inilayo ang bata. I couldn't do it for someone like him, as you can see, I have special fondness over kids. Mahilig na talaga ako sa mga bata."

Kaya pala hindi niya mailayo si Kamp dahil mahilig siya sa mga bata at alam ko na awang-awa siya sa anak ko.

"Thank you. Pero sorry parin dahil pinagkamalan ka niyang Papa niya. Mula pagkapanganak kasi ay hindi niya pa nakikilala ang Papa niya kaya ganun nalang ang reaksyon niya sa mga lalaking nakikita niya."

Easton lips parted in surprise.

"Well I don't want to judge you, Miss Billie. It's your story and everyone has a reason why, pero sana ay magpakita na ang Papa ni Kamp sa kanya para hindi na niya paghinalaan na Papa niya ang mga lalaking nakikita niya."

"Actually nakita niya lang ang mukha sa Forbes magazine na binili ko at hiniram yun ni Oxford pero hindi na niya sinauli—"

"Oh that's explain why my handsome face on that magazine was soaking wet. Nakita ko kasing palutang-lutang sa pool."

My eyes widened. "Tinapon niya sa pool?" My brows lifted in shock and I couldn't believe Oxford did that to my magazine. It's my personal copy.

Nagkamot lang sa ulo si Easton pero may malademonyong ngiti sa kanyang labi na parang may ipinapahiwatig. Pero bago pa man siya sumagot ay narinig namin na sumigaw si Oxford. Nawala ang ngisi ni Easton at sumagot sa kaibigan.

"We're coming! And don't worry! Three meters—"

Hindi niya natapos ang sinasabi dahil pumasok na ng tuluyan sa loob ng Pinxto Alley si Oxford, karga parin ang anak ko.

"Hay naku, bastos talaga ang kaibigan ko na yun. Sabihin mo umuna na akong umuwi, Miss Billie. Sabihin mo na nagtaxi lang ako pauwi para maihatid kayo ng anak mo."

"Pero Easton."

He raised his finger. "And don't tell him I called him mean, malaking asset pa naman siya sa business ko, okay? Pero gago yang kaibigan ko na yun pero mga mahal ko silang lahat. Mga gago lang." he dramatically said while putting his hand across his chest and sighed animatedly.

Nalilito akong tinanguan siya. He made a thin line with his lips before he waved his hand to say good bye. He turned his back to me and headed far  away from me.

Sometimes, I just thought that Oxford had a weird circle of friends. He had over-acting yet powerful group of elites of a friends. They sometimes acted matured and jerks at the same time.

Bumalik sa tabi ko si Sack. Umalis siya kanina nang kargahin ni Oxford si Kamp para awatin ang mga tsismosa sa paligid. Tinapik niya ang balikat ko at bumuntong-hininga.

"Ayos ka lang ba?" tanong niya.

Tipid akong tumango saka ngumiti. "Nakakapagod talaga kapag nanay ka pero worth it din." sagot ko.

"Bata lang si Kamp. Anong malay mo, kapag pumunta dito si Farren at tanungin natin kung naalala niya pa ang lalaking nakasama mo noong gabi na yun ay baka may chance tayong makita ang tatay ni Kamp."

"Pero hindi natin alam yun, kahit matandaan ni Farren yung tao na yun ay hindi tayo sigurado kung saan siya makikita dahil kahit maliit lang ang mundo ay minsan malupit din ang tadhana. Maaaring hindi kami magkita."

"Huwag kang mawalan ng pag-asa, Billie. Okay lang naman na makita mo siya at kausapin mo siya tungkol kay Kamp. Hindi naman kailangan ng pera niya diba? Ang kailangan mo lang naman ay may makilalang ama si Kamp."

Naglabas ako ng malalim na hininga bago tinanguan si Sack. Inakbayan niya ako at naglakad kami papasok sa Threads. Si Sandy ay nagpaalam sakin kung pwede na daw umuwi. Nagpasalamat ako sa kanila sa pagtrabaho nila sa buong araw at sinabi na ako na ang bahala sa shop. Malinis na sa loob ng Threads.

Naglakad ako sa may counter at sinilip ang kaha. Ang laki ng kita ng Threads simula palang noong unang Linggo kaya magbibigay naman ako ng bonus sa Sabado para sa mga katulong ko sa Threads. Hindi ako madamot kina Sandy at hindi naman din isang kompanya o factory ang business ko kaya kapag malaki ang kita kada Linggo ay nabibigyan ko sila ng bonus at yung sakto lang para hindi sila bumale sakin. My small business was doing well and I was so proud of it.

Umupo si Sack sa tapat ng counter gamit ang monoblock chair na kinuha niya. "Sana mahanap na natin siya, alam ko na naghihirap ka sa pag-explain kay Kamp tungkol sa Papa niya. Hindi ko man nararamdaman ang nararamdaman mo pero alam ko na nahihirapan ka."

Pinagsiklop ko ang aking mga kamay. "Tama ka nga, Sack. Hindi ko alam kung saan makikita ang tao na yun. O di kaya ay hindi lang natin alam... nasa paligid na pala natin at nakakasalamuha pa." sambit ko.

Tumingin ako sa countertop pero iba ang tinutuon ng isip ko. Bumuntong-hininga ako at iniling nalang ang ulo ko. Alam ko na malabo pang mangyari yun kaya di bale ng masaktan ako kada pagtatanong ni Kamp sakin kung nasaan ang ama niya kaysa maghintay na makita ko pa ang lalaking yun.

Nanatalili kami ni Sack sa loob ng Threads. Nag-usap lang kami saglit sa sales. May binalik kaming online selling gamit ang site na para lang sa negosyo namin at may blog din si Skim.

"So ibig mong sabihin ay magbablog market tayo? Baka gayahin ang designs natin ng ibang sellers niyan?"

"May possiblity pero icacall-out natin at pupuntahan natin. Alam mo naman kaming magkapatid, kapag kontra talaga ay tinatapalan namin ng maaanghang na salita."

"Ikaw talaga Sack. Sabihin mo kay Skim huwag siyang makipag-away. Alam ko na may kaaway siya."

"Sus, tinulungan ko pa nga na awayin yung makapal na mukhang waitress na yun." sagot niya sa magaspang na boses. Halatang galit siya sa waitress na inaway nila. May rason siya kung bakit nila inaway, inunahan kasi sila.

Paglabas namin sa Threads ay diretso na kami sa Pinxto Alley ni Skan. Nilock ko ang shop at sinecured yung kita para hindi manakaw kung sakali. Hindi ko kasama si Sack papunta sa restaurant dahil pumasok pa siya sa shop niya. Ako nalang pumasok sa Pinxto dahil nandoon pa si Oxford.

Agad ko siyang nahanap dahil sa tangkad niya. Kahit pa man nakaupo siya ay halata parin na matangkad siya.

Nakaupo si Kamp sa tabi niya at tahimik na kumakain. Mukhang kalmado na siya. Paglapit ko ay saka nag-angat ng tingin at nagliwanag ang kanyang mga mata.

"Mama." he stretched out his arms, I held his hand.

I looked at Oxford who's watching us intently. Ngumiti ako sa kanya. "Salamat sa pagpakalma kay Kamp. Hindi ko alam ang gagawin ko kapag hindi ko mapakalma ng anak ko."

"Hey that's okay. And he's fine. We talked." he replied with his most delicate voice.

"Mama Mr. Oxford said I can eat all of these foods and I can also have cheese corn dog if I finish my bowl of rice." Kamp interrupted us.

"That's okay darling, you can eat cheese corn dog when you finish your rice." I gently answered.

He exclaimed and kept thanking me. A small smile shaped on my lips.

Naabutan kong may maliit na ngiti sa labi si Oxford bago siya umiwas ng tingin pero hindi natanggal yung liwanag sa mukha niya.

"I ordered extras for you. Hindi ako makakain ng maayos dahil nakatingin lang ako sa kanya."

Napatawa ako. "Ano? Edi kumain ka na at baka nagugutom ka na."

"Okay." he answered me but he turned his attention to Kamp. "Do you need anything, Kamp?"

My son shook his head shyly.

I sighed as my I raised my brow.

Nahiya pa.

Habang nakatingin ako sa kanila ay may napansin ako. Pangalawang beses ko ng napansin na parang magkahawig silang dalawa. Was it really possible?

Umiling ako at nagsimulang kumain.

Pagkatapos naming kumain ay niyaya kaming dalawa ni Kamp na ihatid sa apartment. Pumayag ako lalo na't hindi naman takot si Kamp sa kanya. Nauna silang lumabas ng restaurant. Nakahawak si Kamp kay Oxford at may tinatanong ito sa kanya. Hindi ko alam kung ano dahil maraming tao at malakas din ang musika sa ibang bar.

Palabas na ako nang makabangga ko si Farren na nakakunot ang noo.

"Oh Farren! Ba't ganyan ang mukha mo?" tanong ko pero nakatingin ako sa dalawang kasama ko na napahinto sa paglalakad dahil napansin nilang hindi ako nakasunod.

"Naku may order akong kailangan kunin para sa mga anak ng amo ko."

"Gano'n ba? Oh sige, bukas nalang tayo mag-usap."

"Sige, eh may kasama ka ba ngayon?"

"Oo actually nauna na yata—"

"Mama!" Narinig kong sigaw ni Kamp kaya lumingon ako.

Lumingon si Farren sa dalawang kasama ko pero maraming tao at natatabunan sila pero alam kong narinig niya ang boses ni Kamp.

"Ah kasama mo pala ang anak mo! Sige at nagmamadali ako, kita nalang tayo sa apartment." sagot ni Farren at lumakad na siya papasok sa Pinxto.

Naglakad ako papunta kina Oxford. Sayang at hindi nakita ni Farren si Oxford. Ipapakilala ko sana siya sa taong tumulong sakin.

"Let's go?" Oxford prompted. I smiled and nodded as a response and patted my son's head.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1M 33.1K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
577K 37.5K 58
Si Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa ka...
141K 2.9K 59
She's a total perfect stranger of that thing called LOVE and GOODNESS. Kaya di siya relate sa mga churvaeks ng mga tao dyan sa word na love na yan. B...