Second Time Around • SB19 Ken...

נכתב על ידי Nahhhlia

28.9K 1.3K 3K

As a combative return to her cheater ex-fiancé, she sent him a video of herself shaking sheets for the first... עוד

Second Time Around
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46

CHAPTER 21

555 24 99
נכתב על ידי Nahhhlia

Chapter 21

[Keeen, sunduin mo na 'ko, gusto ko na umuwi. Antok na 'ko.] She yawned. [Ay! Putangina,] aniya na parang nagulat, tsaka siya tumawa. [Lintik, lumilindol ata. Ramdam mo ba?]

Umiling ulit ako.

[Ano na? Alis ka na ba? Malapit ka na ba?]

Bumuga ako ng hangin tsaka tumayo para igayak ang sarili.

"Sinong may sabi sa'yo na pupuntahan kita?"

[Ehhh! Sige na, ayaw ko na dito.]

"Ambot sa imo. Bakit ka kasi pumunta diyan?"

Kumuha na ako ng mask at nagsuot ng cap. Kinuha ko na rin ang susi ng kotse

[Ayaw mo? Matutulog ako sa kalsada.] She threatened.

"Goodnight," mapanukso kong sagot.

She whined again. [Ehhh! Ken! Sige na, please?] Lumambot bigla ang boses niya. [Kiss kita mamaya, kahit gaano katagal, nonstop.] Then she giggled.

The corner of my lips rose up. "Baliw,"

Lumabas na ako sa unit at naglakad papuntang elevator.

"Saan ka ba? Anong address?"

[Dito sa bahay ni Nads, birthday niya eh. 'Di ako binigyan ng tubig mula kanina, puro alak pinainom sa 'kin.] She coughed. [Sakit na ng lalamunan 'ko, paos na ako. Pakantahin ba naman ako nang pakantahin. Kalahati na ata ng song book yung nakanta ko eh.]

Hindi ko na napigilang matawa. "Saan ba 'yan? Send mo yung location."

[Bakit? Susunduin mo na ako?] Her tone brightened.

"Hindi, ipagbo-book kita ng Grab."

Pinindot ko na ang lock ng kotse nang makarating na 'ko sa parking. Sumakay na ako at hinintay muna niyang sabihin ang address kung nasaan siya ngayon.

[Nakakinis ka! 'Di kita ikikiss!]

"Saan nga kasi?" Tanong ko ulit.

[Sa lips, malamang. Saan mo ba gusto ikiss?]

I chuckled silently. "I mean, saan yung bahay ng kaibigan mo." I corrected myself.

[Ayoko. 'Di mo naman ako susunduin.] May pagtatampo niyang sabi.

"Pag nagbago yung isip ko, hindi talaga kita susunduin." I threatened her this time.

[Nads!] Sigaw niya. [Saan na nga 'to? Bilis, uuwi na 'ko.]

I heard her friend asking who she was talking to.

[Magpapasundo na nga ako, bilis. Anong address dito?]

[Ha? Sino ba'ng kausap mo? Hello?]

"Hello," I answered.

[Ay, shet,] napamura pa siya. [Ken? Ay, sorry! Sorry! Ken, sorry. Tinawagan ka ba nitong babaitang 'to? Sorry ha, lasing kasi eh. Na ano lang niya, drunk call.] Paliwanag niya.

"Okay lang. Saan ba yung address niyo?" I asked.

[Ay, nako, hindi na. Dito ko na lang 'to patutulugin. Matigas lang kasi talaga yung ulo. Pasensya na sa abala.]

[Hoy! Ayoko nga matulog dito! Gusto ko nang umuwi! Ken, wag kang maniniwala sa kaniya!]

[Ang ingay, dumb bitch! Nako, sorry ha. Nagiging eskandalosa kasi 'to pag lasing. Okay lang, dito na lang siya.]

"No, okay lang. Wala naman akong ginagawa. You can tell me the address."

[Sigurado ka ba? Baka kasi nakakaistorbo kami. Anong oras na rin, baka nagpapahinga ka na.]

"Hindi, ayos lang." I insisted.

After getting the address, I thanked her friend and ended the call. Bumiyahe na ako agad dahil medyo malayo-layo ang pupuntahan ko. Sa kalagitnaan ng biyahe, naka-receive ako ng message mula kay Kael. Tsaka ko lang iyon nakita nang mahinto ako sa stop light, it was a voice message.

"Ingat ka, Ken. Dahan-dahan lang, ha? Muwah!"

I can't help but to chuckle. Her voice was so soft and gentle that she sounded like she's talking to a child. I don't know anymore. You are really confusing me, Kael.

I parked my car on the side of the road, exactly in front of the yellow gate that her friend told me earlier. Halata nga na may birthday dito dahil may videoke at tarpaulin pa ng may birthday sa terrace. Marami akong naririnig na boses ng mga nag iinuman.

I called Kael to tell her that I have arrived. Ang kaibigan niyang si Nads ang sumagot no'n. Maya-maya pa ay nakita ko na sila na lumalabas sa bahay. Akay niya si Kael na hindi na maibalanse ang sarili.

Pasimple siyang nagpaalam sa mga bisita niya para ilabas si Kael. Tinulungan ko agad siya na alalayan si Kael dahil hirap na hirap na siya. Sumandal siya sa 'kin at pinaikot ang braso sa leeg ko. Ang bigat niya.

"Pumunta ka nga talaga," may gulat na sabi ng kaibigan niya. "Pasensya ka na sa kaibigan ko ah. Lasing nang lasing, 'di naman kayang iuwi yung sarili. Tigas kasi ng ulo eh." Napakamot pa siya sa ulo.

"Ayos lang. Thank you. Ihahatid ko na lang siya." I answered.

Tumango siya. "Sige, salamat din." She lifted her index finger and acted like she just remembered something. "Ah! Oo nga pala, mag uwi kayo ng handa. Teka, kunin ko lang saglit ha, wait lang." Nagmamadali siyang bumalik sa loob.

Tiningnan ko naman si Kael, pawala-wala na ang balanse niya dahil nakakatulog na siya. Kaya maingat ko na siyang sinakay sa shotgun seat. Ayaw pa niyang bumitiw sa leeg ko kaya kinailangan ko pa siyang pilitin.

"Hmm, Ken..." She whispered.

She leaned her head on the side and continued sleeping. I stared at her for a while before fixing her hair. Sinuotan ko na rin siya ng seatbelt.

"Ken, eto oh."

Pagbalik ng kaibigan niya ay may dala na siyang dalawang puting plastik na puno ng styro.

"Tig-isang supot kayo," aniya.

I accepted it. "Thank you. Uhh, happy birthday pala."

She smiled. "Salamat! Sige na, gagabihin na kayo masyado. Salamat pala ulit ha? Teka, alam mo ba kung saan siya tumutuloy?"

Tumango ako. "Sinabi niya sa 'kin, para in case na may mangyari, mapupuntahan agad siya. Though wag naman sana."

She nodded too. "Oh, sige. Sige na, alis na kayo. Ingat ha."

"Thank you," I said before lifting the food that she gave.

Kumaway pa siya habang sinusundan ng tingin ang kotse na paalis. Tulog pa rin si Kael pero nakaramdam ata nang umandar na ang kotse. Nagising na lag siya bigla na nagrereklamo habang inaangat ang suot na damit.

"Ang init," she's trying to lift her cropped shirt but the seatbelt is preventing her from doing so.

"Wag ka maghubad." I clicked my tongue and tried to stop her hand from moving her clothes up.

"Ang init kasi!" She whined.

Nilakasan ko ang aircon at tinutok sa kaniya

"'Yan, wag ka nang magulo."

She finally stopped. Huminga siya ng malalim at pumikit na ulit tsaka sumandal sa bintana.

"Ken?" Bulong niya.

"Hmm?"

She suddenly chuckled. "It's really you. Akala ko hindi mo ako susunduin eh."

I remained silent.

"Ken?"

"Oww?"

"Namiss kita,"

Hindi ulit ako nakasagot. I cleared my throat in a way to try to pull myself together.

"Keeen," she called like a child.

"Ow? Nawawala ka ba?"

"Bakit 'di mo 'ko sinasagot?" Ngumuso siya.

"Nag da-drive ako,"

"Bakit? Bibig mo ba yung pinang da-drive mo?" Pamimilosopo niya.

I shook my head and smirked. "Nag fo-focus ako,"

Umiwas na siya ng tingin sa akin at natahimik na naman. Nakatulog na ulit siya pagkatapos ng ilang minuto. Nang makarating na kami sa apartment na tinutuluyan niya, lumabas muna ako para i-check ang gate. And to my surprise, it's already closed and locked with a padlock.

Bigo akong bumalik sa driver's seat. Nilingon ko si Kael na tulog pa rin. Pinag lock-an ka na, hindi mo pa alam.

I have no choice but to drive to my condo and tag her with me. Maghahatinggabi na rin naman kaya wala na siguro masyadong tao na makakapansin sa amin.

Sa kanang kamay ay inaalalayan ko siya, sa kaliwa naman at bitbit ko ang pagkain. Ginusto ko 'to eh, pinili kong pahirapan ang sarili ko. Nakakatamad kasi kung babalikan ko pa ang pagkain sa kotse pagkatapos kong ihatid si Kael. Kaya ngayon, ako tuloy ang nahihirapan.

"Saan ba tayo? Gusto ko na mahigaaa." Reklamo ni Kael habang nasa elevator kami.

"Malapit na,"

She still whined.

Binaba ko muna ang pagkaing bitbit para mabuksan ang pinto. Then, I made sure to lock the door and put the foods on the floor first to lay Kael on the couch. Maingat ko siyang hiniga doon. Hinabol ko ang hininga ko dahil sa pagod.

Hinayaan ko na siyang matulog doon. Nilagay ko muna sa ref ang mga pagkaing pinauwi sa amin. Pagkatapos ay nilatagan ko ng iba pang kumot ang isang gilid ng kama para doon ihiga si Kael. I don't want my bed to smell like alcohol.

At dahil mahimbing na ang tulog niya nang matapos ako sa mga ginagawa, maingat ko na lang siyang kinarga at hiniga sa kama. But it seems like she's sensitive to actions because she woke up again. Inaangat na naman niya ang damit niya at nagrereklamo na mainit.

"Kael," bawal ko sa kaniya habang pilit na inaalis ang pang itaas na damit. "Tsk," napakamot na lang ako sa batok.

I went to my closet to get a shirt of mine. Pagbalik ko ay wala na siyang pang itaas at nakadapa na siya sa kama. Her bra is also unhooked and her hair is around her back.

I gulped the lump on my throat before approaching her. Nagdadalawang isip ako kung hahawakan ko ba sya o kukumutan na lang. It's not just my chest that's having a reaction. I'm a man, okay? I can't help it, but I can resist it. Shit.

My hands were quite trembling as I tried to hook her bra again with each other. Pinatihaya ko siya para masuotan ng damit. I felt like I was running out of air while trying so hard to focus. Nagmamadali ko siyang binihisan tsaka ko inayos ang buhok niya. Her forehead creased because of that, nagising ko na naman ata.

"Ano ba?" Reklamo niya.

"Sige na, matulog ka na ulit. Sorry." Agad kong sagot.

She kept staring at me instead of sleeping. Lumabas na ako sa kwarto at dumiretso sa banyo para mag shower at para na rin pakalmahin ang sarili. I stayed for a couple of minutes under the cold shower.

Pagbalik ko sa kwarto ay nagulat ako nang makitang dilat pa rin si Kael. I turned off the light and let the lampshade beside her lit the bedroom. Hindi muna ako nahiga dahil medyo basa pa ang loob ng buhok ko. I just sat and leaned my back on the bed frame. Kael kept on staring at me for an unknown reason.

I turned off the lampshade before laying on the bed. Because of the light coming from the moon, I can still see her staring at me.

"Bakit ba ang layo mo? Lapit ka nga sa 'kin." Biglang sabi ni Kael.

To avoid further discussions, I moved closer to her.

"Sige pa,"

And closer.

She moved closer to me this time. She lifted my arm and used it as a pillow before hugging me while smiling. She closed her eyes and sighed in relief. On the other hand, I was having a hard time breathing. Fuck.

She stayed in that position for a minute, I didn't get to breathe properly the whole time. When I felt her head move to look up at me, I looked down on her too. Inangat niya ang sarili hanggang sa matapatan na niya ang mukha ko. And without further ado, she held my cheeks and kissed me.

My eyes widened in shock at first until I slowly gave in and answered her kisses. Her lips were soft, still soft like last time. I closed my eyes and wrapped my arms around her waist to pull her closer to me. I could taste the alcohol from her mouth but didn't bother.

We were savoring each other's mouth when I gently pushed her to hover on top of her. She circled her arms around my neck and parted her lips to allow my tongue to taste her.

"Uhmm," she moaned softly.

That simple hum turned on something in me. Nanggigil ako sa labi niya. From my nape, her hands roamed on my chest, to my back. She reached for my hair and then she gripped it gently.

When our lips parted, she was catching her breath. I kept my eyes closed to breathe too.

"Sabi ko sa'yo ikikiss kita nonstop eh." Bulong niya bigla.

My lips formed a smirk. I was the one who kissed her first this time. It was rougher than earlier. I was sucking her lips and biting them, making her whimper. Dahan-dahan akong bumangon nang maramdaman ko rin ang pagbangon niya. Naupo siya sa hita ko at hinawakan ang magkabila kong pisngi habang sumasagot sa halik ko. Ginamit kong pambalanse ang kaliwa kong kamay at hinawak ko naman sa bewang niya ang kanan.

She suddenly pulled away and pushed me to lay on the bed. With her parted legs, she sat on my abdomen. Ibinaba niya ang sarili para muling pagdampiin ang mga labi namin. Her hand is now caressing my chest while still tasting my lips.

The tension is so high because of how close she is to the center of my body. It suddenly felt so warm that I could feel myself starting to sweat. My hands moved on its own and found its way to her ass. I gripped them both and let out a soft sigh.

Tumingala ako nang tadtarin niya ng halik ang gilid ng labi ko pababa sa panga ko. Nang dumako sa leeg ko ang labi niya ay siniksik niya ang mukha niya doon tsaka siya bumuga ng hangin. I was still in the middle of the fire when I suddenly felt her falling asleep in this position, on top of me.

"Ugh, giatay," I whispered with a hint of disappointment and frustration. "Shit," it wasn't my intention to do that either. I was carried away. I would never take advantage of someone's drunken state. Especially Kael.

I sighed a lot to calm myself down. I leaned my head on the bed rest and closed my eyes. I began caressing her hair gently. I could feel her deep breathing against my neck. Mukhang mahimbing na ang tulog niya. Maingat ko siyang ibinaba sa pwesto niya tsaka ko siya kinumutan. I stared at her for a moment while thinking about what happened earlier. This isn't the first time that we did that. And everytime we did, it affected me. Big time.

Bigla na lang akong nakaramdam ng pangangati sa labi. Oo nga pala, uminom siya ng alak kanina. Walang ingay akong lumabas ng kwarto para maghugas ng bibig. Uminom na rin ako ng gamot para sa allergy. I would never kiss her again when she's drunk.

Will she remember what happened this time? I hope not. She'll probably feel awkward and might avoid me.

Once I settled myself on the bed again, I stared at her sleeping face. I know, I'm fucked.

...

Kael's POV

Eto na naman tayo sa pambihirang sakit ng ulo na halos ikamatay ko na. Tangina, Kael, bakit mo naman kasi ginawang juice yung alak kagabi? Kasalanan 'to ni Nads eh.

I wasn't able to open my eyes because of the headache. And when I did, I realized that I wasn't in Nads' place, nor my apartment. Shit, paano ako nakarating dito?

Tsaka ko lang napansin ang taong nakayakap sa 'kin mula sa likuran ko. Ken's arm is around my waist, we're both in the fetal position, I could feel his hot breathing on top of my head.

The headache that I was feeling earlier was replaced by the continuous loud beating in my chest. The feeling of something ticklish inside my stomach was also present. These things... I only felt it with one man before, when I was still in love with Tom.

Bago pa man mapunta sa kung saan ang iniisip ko ay maingat akong umalis sa pagkakayakap niya. Pinalitan ko ng unan ang pwesto ko para hindi niya mahalatang umalis na ako doon. Nagpabalik-balik ako ng lakad sa isang direksyon habang naghahalo-halo na ang iniisip ko.

Paano ako nakarating dito? How did Ken know that I'm at Nads' place? And why does my chest is wilding with every skinship that I experience with Ken?

Humawak ako sa ulo ko nang sumakit na naman iyon. Random flashes of memories went inside my head. Memories of last night, I guess?

I suddenly remember calling Ken to fetch me, and then he arrived, and... and we were kissing.

We were kissing?!

Mabilis akong lumingon kay Ken na mahimbing pa rin ang tulog hanggang ngayon. It wasn't just a simple kiss, it was... making out!

Dalawang beses akong napatingin sa suot kong damit nang mapansin iyon. I was wearing a different shirt from yesterday. It's a plain white shirt that is too large for me, and it smells like Ken's.

Mabilis kong kinapa ang katawan ko. My bra is intact, even my pants and my underwear. Wala namang nangyari sa amin 'di ba? Nag MOMOL lang naman kami? I mean, it's not that I'll complain or something. But I'm drunk! Okay? I wasn't in my right mind last night!

Natigil ang pag se-self dialogue sa isip ko nang marinig ko ang pagtunog ng cellphone na nakapatong sa side table. It was Ken's phone, tinatawagan siya ng isa sa mga kagrupo niya na si Stell. Hindi ko alam ang gagawin. Mahimbing ang tulog ni Ken at hindi ko naman 'to pwedeng sagutin.

When the call ended, I saw a bunch of missed calls and messages. May rehearsal siguro ang isang 'to. Nang may tumawag ulit sa kaniya ay ginising ko na siya. Iyon nga lang, wala ata siyang balak bumangon dahil tinalikuran niya lang ako.

I scratched my head, not knowing what to do. Lumabas na lang muna ako sa kwarto niya at pinaghanda siya ng simpleng agahan na pwede niyang makain sa biyahe. I dipped some bread on a seasoned egg before frying it. Pinagtimpla ko rin siya ng kape. Nakakaawa naman siya kung dumiretso siya sa rehearsal nang walang kain.

"Ken, gising na, may rehearsal ata kayo, kanina pa tawag nang tawag sa'yo yung members mo." Nilakasan ko ang pagyugyog sa kaniya. "Ken, may rehearsal ka pa."

Nagsalubong ang kilay niya at hindi pa rin tuminag. Hindi ko siya tinigilan sa pag yugyog hangga't hindi siya bumabangon. Nang mainis siya sa 'kin ay pagalit siyang naupo sa kama habang nakayuko.

"Late ka na sa rehearsal,"

Nilingon niya 'ko. "Anong oras na?"

There goes his deep ass morning voice again.

"Uhm, past ten."

"Shit," he whispered before going out of the room in a hurry.

Sinundan ko siya hanggang sala. Dumiretso siya agad sa banyo para maligo. Naghanap naman ako ng mapaglalagyan ng niluto kong tinapay dahil mukhang hindi na niya iyon makakain dito.

After fixing his food, I fixed my belongings too. Nakita ko ang damit na gamit ko kagabi na nasa laundry basket niya. Napansin ko na nakatupi pa rin ang mga damit niya kahit na nasa laundry basket na.

Nagmadali siya sa paggayak. He was wearing his usual style. While he was checking the condo, I gave him the food that I prepared.

"Oh, kainin mo habang nasa biyahe ka. Pritong tinapay 'yan na may itlog. Hindi ko alam kung saan ko ilalagay yung kape mo kaya mag tubig ka na lang." Paliwanag ko.

Walang tanong niya iyong tinanggal. "Thank you. Tara, sabay ka na sa 'kin."

Umiling agad ako. "Mag co-commute na lang ako."

He'll insist for sure.

"Ihahatid na lang kita–"

"Ken," I cut his words. "It's fine. Late ka na, unahin mo 'yan. Ayos lang ako, promise." I assured him.

He looked at me for a second, still unconvinced. But he nodded afterwards.

"Take care," he said.

I smiled. "Ingat ka rin."

I watched him speed up walking on the hallway towards the elevator. Hinayaan ko na siyang mauna. After a few minutes, tsaka lang ako sumakay ng elevator. It came from the upper floor so I saw a couple of people inside, including the red haired girl.

"Hi, ma'am! Ngayon ko na lang po ulit kayo napansin dito ah." Bati niya sa 'kin.

I chuckled. "Hello. Oo, lumipat na kasi ako."

Tumango siya. "Ahh, akala ko po permanent na kayo dito."

Umiling ako. "Hindi, nag re-rent lang din." I reasoned out.

She nodded. "Ahh,"

We looked away after exchanging a smile. It wasn't long after when she took a glance at me, specifically on the center part of my body.

"Ang ganda po ng bag niyo, saan niyo po nabili?" Tanong niya bigla.

"Ah, sa online lang 'to." Sagot ko.

"Ahh, mukha po kasing mamahalin."

That was our last conversation since the elevator already reached the first floor. Nagpaalam na kami sa isa't isa bago nag parte ng daan. I wasn't sure where she was going, but she's still carrying the same black backpack. Work siguro.

Nang makarating na ako sa apartment ay nag send agad ako ng chat kay Ken. He won't be able to read it until later but it's fine.

Me
Nakauwi na ako sa apartment. Hbu?

Nga pala thank you sa pagsundo sakin kagabi. Hindi ko masyadong maalala yung nangyari kagabi pero mag sosorry na rin ako incase na may kalokohan akong nagawa.

Sorry din pala sa abala kagabi, nalate ka pa tuloy.

Thank you ulit sa pagpapatuloy sakin. Ingat.

I bit my lower lip while reading my message again and again. I slowly brought my finger closer to my lips. Kinagat ko ulit ang labi ko nang kusa na lang iyon pumorma ng ngiti. Tinakpan ko ng mga kamay ang mukha ko at tahimik na sumigaw. Tangina mo, Mika Ella. Ang harot harot mo!

(Warning❗ this POV has disturbing actions and way of thinking that might disturb some readers)
...

? POV

I. Want. That. Shirt.

I fucking want that shirt!

I knew from the smell, it's Ken's. Tangina, ang bango-bango. Ugh, I wanna know how it feels to wear that shirt. How it feels against my skin. How it smells while I'm wearing it.

And why the fuck is that girl wearing Ken's clothes again, huh? What a bitch. Nilalandi na naman niya ang Ken ko. Kakalbuhin ko talaga siya! Arghh!

Hinagis at binasag ko ang lahat ng mahawakan kong gamit sa table ko dahil sa galit. Fuck that woman! And fuck Ken for being with that woman too! Ano bang meron sa kaniya, ha? I'm fucking better!

You'll be mine, Ken. Magiging akin ka rin. No one else will own you. Over my dead fucking body. Akin ka lang.

I tried to calm myself down when I heard my phone ringing. I sighed heavily before smiling, then I answered the call.

"Yes, hello?"

[Hi, sis! Available pa ba yung black jacket ni Ken?]

Nilingon ko ang tinutukoy niyang damit na nakasuot sa isang mannequin na may bubble head ni Ken.

"Sorry, nagbago na pala ang isip ko. Hindi ko na pala ibebenta." I acted as if I was sad.

[Aww, ganun ba?]

"Oo, masyado kasing precious eh."

[Aw, sayang naman. Bilhin ko sana ng 50k.]

Does she think that I'll sell it for 50k only? "Sorry," I replied.

[How about the water bottles? Available pa?]

Nilingon ko ang stall ko na puno ng water bottles na ginamit ni Ken sa iba't ibang event.

"Of course, I have many."

[Yes! I'm craving it. Can I see? Yung pinaka-latest sana.]

Ahh, another successful buyer and satisfied customer. Ken's latest bottled water for half a hundred thousand!

I knew that there was an event coming even before the announcement. Lagi ba namag wala si Ken sa unit niya. And everytime he comes home? Ahh, how I badly want to hug and smell him. Who cares if he's all sweaty from dancing? I love it.

I bought the most expensive ticket for the event, it's called SumFest, short for Summer Fest. Since it's the first week of April, it's hot in the venue. Mas lalo pang uminit nang makita ko si Ken. Argh, he's so hot! Ang sarap.

My eyes were locked on the water bottle with a black straw where Ken drank earlier after their first performance. Nahinto tuloy ako sa ginagawa ko. In the middle of their second performance, Ken took off his jacket and threw it. And since I'm in front of the stage, I grabbed it! Marami ang sumubok na makiagaw pero hindi ako pumayag. It's mine!

I was so happy when I got home. I kept on smelling his jacket. Napakabango talaga niya. I won't get tired of his smell. I was also tempted to drink from the same bottle where he drank earlier, but I was thinking of selling it.

But hell, I can't help it anymore. I tasted every corner of the straw before sipping. Fuck, it suddenly brought different kind of energy in me. Oh, Ken, you really affect me so much. Next time, I will be tasting your lips.

"I love you, Ken. I love you so much." I said wholeheartedly while staring at his poster before drinking on his water bottle again.

Me
For sale! Ken's jacket from the event earlier. Fresh na fresh. I already put it inside a plastic sealed bag to seal the smell.

Bidding starts at 30k

You sent a photo.

I decided to sell the jacket that I got earlier. Naisip ko kasi na hindi naman iyon personal clothes ni Ken at gaing lang sa stylist nila. Once pa lang niya nagamit kaya hindi worth it.

Kay: OMG!

Queenie: Mine 50k

Richel: 80k for the jacket

Queenie: 100k fixed

Kay: Hoyy kumalma kayo! Porket ang yayaman niyo ha! Ang daya! 😭

Varbs: 150k mine na yan sissy🥰

Richel: 200k?

Queenie: ayoko naaa kaya niyo na yan grabe kayo

Varbs: 210 thousand

Richel: 250k

Me
Varbs?

Varbs: It's Richel's. Bawi na lang ako next time😊

Richel: Thanks Varbs! Can't wait to smell it omg😍😍

Me
Sold to Richel

Message me your address. Through bank transfer pa rin yung mode of payment. PM me so we can settle it already tonight.

Thank you everyone!

After settling the details with Richel, I already packed the jacket and put it in a box. Easy money.

I was about to wash up when my phone rang. I pulled myself together before answering the call.

"Ma," I tried sounding cheerful.

[Yana, how are you? Bakit hindi ka na bumibisita sa bahay?]

"I'm fine, ma. I'm happy." Indeed I am.

[That's good to hear. Bisita ka naman ulit dito sa bahay next time ha?]

"Busy ka naman sa trabaho mo eh."

She sighed. [Sorry... Marami kasing seminars and events na inaasikaso. Next time, bonding tayo, hm? I miss you.]

"I miss you too, ma."

[Sige, ingat ka.]

"You too, ma."

I hang up the call first. Ibinaba ko ang phone ko sa mesa at itinuloy na ang balak gawin kanina. Whatever. May day 2 pa bukas ang event at nandoon ulit sila, I must prepare.

...

Kael's POV

I was smiling while scrolling through Twitter. I made a new account just to get some updates from Ken, and also his group. I can't say that I'm already a fan, hindi pa naman ako masyadong maalam sa kanila at sa mga kanta nila. But one thing's for sure, their songs are all great, especially their ballad songs.

May event sila kagabi, sa pagkakaalam ko ay sila ang last performer. Napakarami tuloy nilang photos at videos na dumadaan sa timeline ko. I followed some of Ken's fan sites because I find their photos beautiful. Ang gagaling nilang kumuha ng litrato.

Sisiw🐥 @keunchick salamat sa buhay mo ate Al @AllAboutKenSuson ! Ang gaganda lagi ng capture mo. 😭

I tapped the mentioned account and checked her captures, it's all Ken, and sometimes the whole group. Yep, magaganda nga ang mga kuha niya. So I followed her.

Al @AllAboutKenSuson sana kasya sa'yo yung mga shoes. 😅 @felipsuperior

Wow, three different kinds of shoes na ang mamahal ng brand. Grabe. Pangmalakasan! This isn't the first time that I saw a post of Ken's fans gifting him expensive things. Siguro regalo rin sa kaniya ang ilan sa mga mamahaling gamit sa unit niya. Ang shala ng mga fans niya, huh.

Though Ken was always busy these days, he never forget to check on me. Lagi niya akong kinakamusta tuwing gabi, at tuloy-tuloy na iyon hanggang sa mag alas diyes na kung saan ginagawa namin ang daily freedom of speech hour, pwera na lang kung busy talaga siya.

I saw on X that they will be also performing on the second day of the SumFest. Gagabihin na naman iyon ng uwi for sure. Buti nga at weekend nila in-schedule yung event para makapunta rin yung mga estudyante.

May live sa page ng SumFest sa Facebook, nanonood ako doon hindi lang para sa grupo ni Ken, kundi para na rin sa iba pang magagaling na artists.

It's currently nine in the evening, nasa kalagitnaan pa lang ang event. Marami-rami pang artist ang nasa line up bago ang SB19. Mukhang mamaya pa silang alas diyes na naman mag peperform, o baka mas gabi pa.

Hininaan ko ang volume ng pinapanood ko nang may marinig na something na parang kumakaluskos. Nagsalubong ang kilay ko sa pagtataka. Tuluyan ko nang inalis ang isa kong earpods at pinakinggan ang paligid. Nakapatay na kasi ang ilaw ko para mas makanood ako ng maayos.

Napaupo ako sa kama nang marinig ang kaluskos na nagmumula sa pinto. It seemed like someone is trying to open the door. The doorknob kept moving. I panicked internally. Shit! Shit! Here she goes again!

Walang ingay akong lumapit sa pinto para i-check kung naka lock ang doorknob pati ang barrel lock sa loob. My heart was beating like fucking crazy. Kinakabahan ako, natatakot ako para sa sarili ko. All I could think of right now is one person. Ken...

Tahimik kong pinakinggan ang nangyayari sa labas. The doorknob kept moving like someone is picking it from the outside. I was right, someone is trying to get in! Ano na naman ba ang kailangan nila sa 'kin?

Tangina! Anong gagawin ko?!
____________________

May napanood ako dati about sadaengs of BTS, they are the delusional fans na sunod nang sunod. The worst story I've heard about them except sa pag do-doorbell at pag sesend ng foods sa unit nila every time na may live sila is yung pinapasok pa nila yung bathroom na ginamit ng BTS. 🤢  Grabe, ibang level.

Never ever be one of them.

- Nath(Nahhhlia)

המשך קריאה

You'll Also Like

39K 1.1K 61
The kindest beings are humans too with limitations- when line gets crossed, it's like a volcano that erupts.
94.2K 3.8K 55
SB19 the most popular P-Pop Group in the country is in need of Ghostwriter. Kyomi Minatozaki the aspiring songwriter was invited by SB19 Staff to giv...
1.2K 278 3
Có tin đồn lớn! Sakura Haruka có bạn gái rồi! Thậm chí còn ôm hôn nữa cơ!!! Mạc Kỳ Khuê Đăng tải trên nền tảng Wattpad và Face ở page: Lạc vào biển C...
113K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...