Hidden Haven

By xynvri

1.1K 36 4

A Sequel of Agent Raven Six years later, after resigning as an agent and able to found the peace that she rea... More

Hidden Haven
Prologue
xynvri
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
12

11

45 1 0
By xynvri

Chapter 11




KAGAT LABING kinakabahan ngayon si Raven habang bumabyahe sila ngayon ni Ashton papunta sa YAO o Yu Alliance Organization. Paanong hindi kakabahan? Eh halos hinalughog na rin ‘yong museo na iyon at ‘yong eskinitang dinaanan noong babaeng iyon pero wala pa rin talaga silang mahanap na cellphone!




“Magdilang anghel ka na sana ay ni-reset niya agad ang cellphone na iyon at hindi aandar ang curiosity sa pag iisip ng babaeng iyon!” Napatahimik naman si Raven dahil mukhang galit na galit talaga si Ashton sa kanyang ginawa. First time niya lang din makita na ganito magalit ang pinsan niya.




Hays. Binigyan niya ng access ang cellphone niya kasi ang hirap naman kasing palaging dalhin ang laptop na iyon. Mabigat kaya, malapad din ‘yon!



“Ano na nangyari?” tanong ni Ashton sa kabilang linya. Kinakausap pa rin si Agent Mendoza.




“[Almost done, sir.]” sagot naman ng lalaki at inaabangan ang pagloading ng kanyang computer. Mayamaya lamang ay umabot din agad ito sa 100%. “[Ayon! Deactivated na sir! Mission complete!] Ngiting malapad ni Agent Mendoza.




Sa kabilang banda naman ay medyo nakahinga ng maluwag si Ashton. Agad kasing inutusan ni Ashton si Agent Mendoza na ipadeactivate ang cellphone nito kasama ang sim card, para Hindi na magkaroon access ang taong makakahawak ng cellphone na iyon, ngunit hindi pa rin sila nakakasigurado. Baka kasi naunang buksan ng taong iyon ang cellphone ni Raven at may nahalungkat na ng kung ano.



Napapikit ng mariin si Ashton at napasandig sa kanyang car seat. Tanging napatingin naman si Raven sa kanya, hindi niya alam ang gagawin. She really felt sorry of what she did.



“Sorry…”



Kumunot ang noo ni Ashton noong marinig niya iyon. Agad siyang napadilat at napaayos ng upo. Si Raven? Raven Mendez? Ang pinsang ‘yang ito? Nagsorry sa kanya?! What?!



Sign na ba ito ng katandaan?!


“Ay wag na nga lang,” biglang bawi ni Raven.

Napangisi naman si Ashton sa ginawa nito.

“I didn't expect that you would do that in my entire life! First time kitang narinig na nagsorry!” manghang saad ni Ashton sa kanya.


Umiwas ng tingin si Raven at napatingin sa labas ng bintana. “It was my first time seeing you that mad too.” mahinang sagot ng dalaga. Sa pagkakataong ito ay si Ashton naman ang napakagat ng kanyang labi at napayuko. Siya naman ngayon ang naguiguilty dahil mukhang napagalitan niya nang malala ang dalaga. “I can't blame you. Gano'n din ang gagawin ko pag may tanga tangang umaaligid sa akin. But I just don't expect you to be mad like that, you always look so calm kahit nastestress ka.”


Hindi makasagot si Ashton, at hindi rin alam ni Raven kung ano ang pwedeng pang cheer up na mga salita ang sasabihin niya sa pinsan. Hindi niya rin kasi alam ang gagawin niya sa lagay ni Ashton eh.


Mahabang katahimikan ang bumalot sa sasakyan. Ramdam na ramdam din ni Agent Torque— ang driver, ang awkwardness ng dalawa. Kung kaya’t nagpatugtog na lamang ito ng mga kanta.


Sa kanilang byahe ay mukhang dadaan sila sa isang tunnel. Walang gaanong sasakyan ang dumadaan dito at mukhang papunta sa bundok ang tunnel na ito. May nakikita rin siyang malaking waterfalls sa gilid ng tunnel na ito. Kung gugustuhin mong maligo at pwede ka na talagang tumalon dito sa daan, ngunit mukhang ipinagbabawal na ito ngayon dahil may signage na ‘wag maligo doon kasi may gumagalang buwaya daw.


Dumaan sila sa tunnel, mukhang mahaba haba pa ang tunnel na dinadaanan nila. May mga ilaw na nakadikit sa bawat pader ng tunnel na ito, na siyang naging magandang bagay para iwas madilim at creepy ang lugar na ito. Ngunit kung hindi siguro nagpapatugtog ngayon ang driver eh baka maging creepy nga ang tunnel dahil sa maingay ng katahimikan.





Hindi pa man sila nakakagitna sa loob ng tunnel ay biglang bumagal ang takbo ni Agent Torque. Nagtataka man ngunit nanatiling nanahimik si Raven.




Di nagtagal ay itinigil ni Torque ang sasakyan at bumaba. Kunot noong napatingin naman si Raven kay Ashton.





“Just wait, and wear your seatbelt.” saad ni Ashton sa dalaga dahil mukhang umaandar ang kuryusidad sa utak nito.




Nagtaka man ngunit umayos ng upo si Raven at isinuot ang seatbelt niya. Napatingin muli siya sa bintana at tinignan ang ginagawa ni Torque. Pumunta ito sa may signage na may nasulat na ‘slowdown’, katabi nito ang isang bato na kasing laki ng isang bola ng basketball. Yumuko si Torque at inikot ang batong iyon.



At sa pag ikot niyang iyon ay bigla namang may nag iba ang istraktura ng pader na katabi lamang ng signage at parang bigla itong naging pinto ng isang bakal. Napakakapal ng metal ang ginamit dito, halatang mahirap itong sirain ng mga tao. Ewan ko kung kaya ba ito ng bomba, ngunit para sa akin ay hindi.




Lumapit si Torque doon at pumunta sa gilid ng pinto. Mukhang hiningi ang password at identification nito. Mayamaya lamang ay bigla nang bumukas ang pinto, at mula sa sasakyan ay isang madilim na daanan ang nakikita ni Raven.



Bumalik si Torque sa sasakyan at muling pinaandar ang sasakyan. Tumingin muna siya sa likod para icheck kung naka seatbelt na ba ang boss niya at ang kasama nito. Noong makitang nakaseatbelt na ito ay bigla niya itong itinagilid at pinaharurot ang sasakyan papunta sa bagong lagusan.



Kada daan nila sa rotang iyon ay isa isang umiilaw ang mga ilaw sa paligid, tinignan naman ni Raven ang nangyayari sa likod ng sasakyan. May mga nakasunod sa kanila, dalawang itim na sasakyan iyon. ‘Yong mga dalawa pa yata nilang kasama kanina ‘yong nag dridrive. Mayamaya lamang ay napansin ni Raven na unti-unting mamamatay ang mga ilaw sa likod. Ang pintong pinasok nila kanina at ay mabilis na nagsara noong nakapasok na ang dalawang sasakyan.



“Wow…” Hindi maiwasang mamangha ni Raven.





‘Yong SAO kasi ay cafe, habang ang YAO pala ay nasa tunnel ang secret hideout. Narrow ang dinadaanan nila at napapansin rin ni Raven na mukhang palalim na palalim ito. May naririnig rin siyang agos ng tubig.



Hindi nagtagal ay may isang malaking pintong bakal uli ang nakaharang sa kanila ngunit agad naman itong bumukas, at biglang ibang awra ng paligid ang natunghayan ni Raven.
Maraming mga sasakyan sa paligid, may nakikita rin siyang mga cruise ship, bangka, at jet. Nakakamangha rin ang kulay ng lugar dahil kulay blue ito. Mas lalong nagpapaastig sa lugar.



Mukhang parking lot ito ng YAO ah?



Dahan-dahang huminto sa pagmamaneho si Torque, at tumingin sa kanyang boss.
“We’re here,” boses ni Ashton. Sabay tinanggal ni Ashton at Raven ang kanilang mga seatbelt at umalis sa sasakyan. Tumingin tingin si Raven sa paligid, habang si Ashton naman ay naglakad papalit sa kanya. “Don’t do anything stupid, just follow me, ok?”




Gusto mang magmaldita ni Raven ngunit tumango na lamang siya. Ba’t kasi parang inutusan siya ng lalaking ito?




Hindi na umimik si Ashton at nagsimulang naglakad papunta sa isang pinto, isa iyong elevator.  Pumasok sila doon. “Teka, ‘yong kasama natin?” natanong ni Raven sa mga nag drive kanina.




“Magpapark sila, mauna lang tayo,” sagot naman ni Ashton, at muli ay tumango tango lamang si Raven.



Pinindot ni Ashton ang button pataas. At bago pa man gumana ang elevator ay nanghingi muna ito ng ID. Ipinakita naman nito ang kanyang ID, at doon ay gumana na ang elevator.


“Sus, gaya gaya,” saad ni Raven sa kanyang isip. “Mas cool amin, nakakapagsalita pa nga eh.”

“Teka, lugi pa rin. Corrupt leader namin eh,”


“Ano?” biglang natanong ni Ashton.


Naku, mukhang naibulalas ni Raven ang kanyang sinabi.


“Ah wala, wala!”


Hindi na lamang siyang pinansin ni Ashton. “By the way, suot mo ‘to.” May kinuha si Ashton sa kanyang bulsa, at ibinigay iyon sa kanya. Mukhang visitors ID tawag doon. May ‘visitor’ kasing nakalagay.



Mayamaya lamang ay bumukas na ang elevator.


Dalawang robodroid lumilipad ang muling nag check sa kanila. Sila ay iniscan at kinumpirma kung sila ay nakikilala nila. Si Ashton, ay kumpirmadong kilala nila ngunit hindi ang kasama nito. Mas lalong napalapit ang dalawang droid sa kanya, ngunit agad na napatigil ang mga ito noong makita ang visitor's ID na suot ni Raven.



“Raven,” tawag ni Ashton sa kanya. “Hayaan mo na sila,”


Naunang naglakad si Ashton at medyo kinakabahan pang sumunod si Raven sa kanya. Baka naman kasi bigla siyang atakihin ng mga ‘yon eh, pero sa kabutihang palad ay hindi naman.
Nagtaka ang dalaga noong makitang puro mga salamin ang nakapalibot sa kanila, ngunit napatigil siya noong biglang bumukas ang dalawang salamin na nasa harapan ni Ashton.


Isa pala iyong pinto.
Pumasok ang pinsan niya doon, at sumunod siya.


At doon ay tumambad sa kanya ang malawak at napakalaking based ng YAO. Kasing laki rin lang naman ito ng SAO. Ngunit di maiwasang mamangha ni Raven dahil kitang kita niya ang kalikasan sa itaas. Mukhang ang base ng YAO ay nasa ilalim ng lawa na kanyang nakita.  Kitang kita niya ang mga isdang lumalangoy sa itaas. Gawa kasi sa salamin ito ang itaas ng based na ito. Hindi niya alam kung madali lang bang sirain ang salamin sa itaas nito ngunit alam niyang hindi.



Hindi naman yata tanga ang YAO upang gumamit ng salamin na agad agad na magigiba.


Mula sa pagtingin sa itaas ay umikot ang kanyang mga mata sa mga taong mga mukhang nagmamadali. Busy sila sa kani-kanilang mga ginagawa nila.


May mga casual na nag uusap, may mga nagpapakita ng mga armas at may mga robot ding umaaligid sa kanila.


“Sus, bilib ka naman.” bulalas ni Ashton sa kanya. Ngiwing napatingin naman si Raven sa kanya. “Opp! ‘Wag boboses pag tanga!”



Fuck you, Ashton.
Fuck you.


Ngising naglakad muli si Ashton at sinundan naman siya ulit ni Raven.




“Good morning, sir.”

“Good morning,” — Ashton.

“Good morning, boss!”

“Morning,”




“Direk!” napatigil si Raven sa sigaw na iyon. Aakmang titingnan niya kung sino iyon ngunit mabilis itong nakalapit kay Ashton. Agad namang gumana ang instincts ni Raven at agad na kinuha ang aakbay sanang kamay nito sa kanyang pinsan at bigla itong binali. “Good mo— AAH! AAH! ARAY!”



“Raven!” sigaw ni Ashton sa pinsan.




Napatigil naman si Raven at halatang nagulat rin sa kanyang ginawa.
Agad niyang binitawan ang braso nito. “Hala! Sorry! Sorry!”



Ba’t niya nagawa ‘yon?! Naku, naman! Ang tanga!

“Are you okay?”



“Yah, yah. Pero ang sakit no’n ah!” sagot noong lalaki at hawak hawak pa nito ang kanyang braso. Ngunit napatigil naman agad siya noong makitang hindi pala siya ang tinatanong.



“Hindi na ba masakit ang ulo mo?” dagdag na tanong ni Ashton kay Raven. “Hindi ba nabagok ka kanina?”


“O-Okay lang ako,” sagot naman ni Raven.



“Wow… ako ‘yong mukhang nabalian dito, pero  di ako tinanong.” saad noong lalaking Agent. Kiel ang kanyang pangalan.



“You’ll be just fine, Kiel.” saad ni Ashton sa kanya at muling naglakad.


“Well, oo nga naman. I am Agent Kiel for a reason, one of the best agent in long range force department!”




Agad namang napa rolled eyes si Ashton sa kanyang narinig, at hindi naman mapigilan ni Raven ang ngumiti.


Sa ilang lakad nila ay pumasok muli sa isang elevator.


“Saan tayo pupunta?”

“IT department and computer engineers facility.”

Mayamaya lamang ay nakarating naman sila agad doon. At bumungad naman sa kanya ang isang madilim na kwarto. Tanging mga hologram, ilaw sa computer at ilaw ng napakalaking screen sa gitna ang nagbibigay ilaw sa kwartong iyon.



“Good morning, director.” bati ng isang empleyado kay Ashton.




“Morning.” bati pabalik nito sa kanyang empleyado.


“Hi, Director.” isang pamilyar na boses ang narinig ni Raven.
Teka, saan niya ba ito narinig?



Dahan-dahang tinignan ni Raven kung sino ang taong bumating iyon.


“Mendoza,” tawag nito sa kanyang apelyido.

Ngumiti itong malapad kay Ashton habang nakasandig sa isang cubicle at umiinom ng kape.


“Kyle?!”

Kumunot ang noo ng lalaking iyon ngunit agad naman itong kumalma noong makilala ang babaeng nasa harapan niya ngayon.

“Karen Legaspi, hindi ba?”

“Ah—”

“‘Yong utang mo pala ‘di mo pa nababayaran, mahigit... twenty-two thousand and four hundred na yata.” bilang niya pa sa kanyang kamay. 

“HA?”
































Continue Reading

You'll Also Like

37.1K 1.2K 66
Even the single past can change people's life. We didn't expect this to happen when we thought we could be fully happy and content. Our curiosity wil...
38.2K 1.5K 39
𝙎𝙔𝙉𝙊𝙋𝙎𝙄𝙎 "M-maam bakit po ako sa panghuling section? Matataas naman po ang grado ko," Tanong ko sa teacher na naghahatid sakin sa Room ng bag...
160K 7.3K 22
( O N - G O I N G ) Eri Leticia Callidora Yvaine the daughter of a mafia boss has a 22-year-old mentality. In her past self, she was Rei Claire Fla...
14.7M 326K 48
Her name is Monique Lee Gomez Samonte, a rich girl who was sent back by her parents to the Philippines because of her bad attitude. She's a war freak...