FPS #2: Doctor's Compelled Af...

Bởi ChyChyWP

61.7K 1.2K 145

Doctor's Compelled Affair Forbidden Passion Series A Collaboration Genre: Erotic Romance /R-18 Status :Ongoin... Xem Thêm

FORBIDDEN PASSIONS SERIES
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42

Chapter 13

1.1K 27 2
Bởi ChyChyWP

Pinakalma ko muna ang aking sarili dahil ramdam ko pa rin ang malakas at mabilis na pagtibok ng aking puso. Pinilit kong wag maapektohan sa mga narinig ko mula sa kaniya but, she got me by her words. Totoong natamaan ako at tumagos talaga ito hanggang sa mga buto ko. Yes! Muntikan na talaga akong nagkasala at ayaw kong mangyari iyon hanggang konektado pa rin kami sa papel kasi kasalanan pa rin talaga iyon maituturing kung nagkataon.

Huminga ako ng malalim bago tinungo ang clinic ko upang maghintay sa kaniya dahil kailangan kong magpaliwanag. Habang naghihitay ay magpapahinga muna ako kasi wala naman akong gagawin ngayon araw dahil bukas pa ako magsisimula sa trabaho ko.

Tinungo ko ang private room dito sa clinic ko kasi may pahingahan talaga ako rito. May 72 inches na flatscreen T.V at mahaba'ng sofa na nasa harap ng kama ko, walk in closet sa isang pinto at ang isa naman ay patungo sa bathroom. Hindi gaano kalakihan ang silid na ito kumpara sa kwarto namin sa CASA dahil pahingahan ko lang talaga ito kapag andito ako atleast ang importante comfortable ako.

Nilapag ko muna ang cell phone ko sa ibabaw ng kama at inalis ang pagkakabutones ng suot kong polo bago inalis ito sa katawan ko at sinunod ko naman ang pantalon ko. Ang boxer short ko na lang ang naiwan sa akin bago ko tinungo ang walking cabinet ko  at kumuha ng towel bago pumunta sa bathroom para maligo. Gusto ng katawan ko ang malamig na tubig upang mabuhay ang mga dugo ko at para masarap ang pakiramdam kapag matutulog na ako.

Doctor Bob reported that there's a lot of surgical cases like Sebaceous cysts, Carbuncle na hindi na nahahabol ng oral at topical na gamot at kailangan na'ng I and D o ang tinatawag na Incision and drainage para lumabas ang n*na at gumaling ng husto, Granuloma at Verruca vulgaris o common wart na kailangan ang Electro Cautery para maalis at hindi na bumalik sa bandang tinubuan nito sa balat. Kaya siguradong bukas at sa susunod na araw ay magiging busy ako at baka ihi na lang ang pahinga ko. Hindi na kasi mabilang sa daliri ang pasyenteng naka schedule sa akin for surgery. Ako ang nasa huling schedule sa FMAS Program kaya akin ang dalawang araw at ang gawin na lang ng mga nakaduty nurses at doctors ay e-assist ako.

Lumipas ang mahigit kalahating oras natapos na ako sa pagligo at naka bihis na rin ako. Plano kong manood sa Netflix habang nagpapahinga kaya  kinuha ko ang remote at binuksan ang tv sa harapan ko at umupo sa dulo nang kama at sumandal sa headboard nito. Nagsimula akong maghanap ng magandang palabas at lumitaw sa screen ang 365 days part 1 at  part 2 pero naghanap ako ng iba dahil sigurado akong mag-iinit lang ang katawan ko sa movie na iyon kahit bagong ligo lang ako.

Actually pinaalam rin ni Doc Bob sa akin na may isang nurse ang hindi naka punta dito dahil conflict ang schedule nito sa hospital pero hindi niya naman sinabi na proxy pala ang salimpusa ko. Kung alam ko lang hindi ko talaga pinayagan na pumunta pa rito si Emerald dahil pinapaayos ko ang papers niya para maka proceed na siya sa medicine na pangarap niya pero iba-iba naman ang inatupag. Na pangiti ako ng makahanap ako ng historical movie related ito sa medicine kaya na ingganyo ako at ito na ngayon ang papanoorin ko.

Tutok na tutok ako sa pinapanood ko ng sumagi sa isip ko si Shantal. Tumingin muna ako sa pambisig kong orasan bago ko inabot ang telepono ko at subukan siyang tawagan pero nakakailang dial na ako cannot be reached naman. Alam niyang andito ako  dahil siya ang naka sagot sa tawag ni Bob noong isang araw kung ano ang kaganapan dito. Sinubukan ko pa siyang tawagan pero cannot be reached talaga. Ipapaalala ko lang sana ang gamot niya pero hindi naman siya matawag kaya nagkibit-balikat na lang ako at tumayo.

Lumabas muna ako sa kwarto at naglakad ng kaunti at sumilip sa glass wall ng aking clinic. Tanaw ko ang medical area mula dito sa kinatatayuan ko. Tumaas ang kilay ko at umiling na lang ng dumako ang paningin ko sa nakaupong babae at nakapangalumbaba habang nginangat-ngat ang kuko nito. Hobby niya na talaga ang ganyan sistema na akala mo naman ang laki ng problema niya sa buhay. Sigurado akong lumilipad ang isip yan habang pinagmamasdan si doctor Bob na busy sa isang pasyente nito. Imbes na tulongan niya ito pero pinapanood niya lang.

Lumingon siya sa gawi ko kaya na pangiti na lang ako dahil tinted ang glass hindi niya ako makikita dito sa loob na pinapanood sila. Love language can feel her emotional security. She felt it. Alam niyang may nakatingin sa kaniya at umaasa siyang ako iyon dahil dito siya sa gawin ko tumingin. Sinandal ko ang aking likod sa wall at pinag cross ang aking braso sa dib-dib ko. Mabuti na lang talaga tinted ang glass wall ko kundi abot tainga ang ngiti niyan kung mahuli niya akong naka tingin sa kaniya.

"Hay nako!" bulaslas ko at na pakamot na lang sa akin kilay. Habang malaya ko parin silang napapanood kung anong ginagawa ng bawat isa sa kanila. Pwera lang sa Cheetah na walang paki-alam paligid niya dahil nakaupo lang naman siya at may sariling mundo. Hinahayaan lang naman siya ni Bob pero kapag ako iyan hindi pwede. Hindi rin iyan pwedeng sahuran ng double sa sahod niya dahil sa nakikita ko wala siyang ginawa ngayon kundi umupo lang at magngat-ngat sa kuko niya.

"Kapag yan ang kasama ko bukas at siya ang mag-aassist sa akin. Wag na lang! Dahil sigurado akong sasakit ang ulo ko sa kaniya," wika ko sa kawalan at umiling pa ako bago bumalik na sa kwarto at humiga sa kama ng nakatagilid. Pinatay ko na rin ang tv dahil hindi ko rin naman na maintindihan ang pinapanood kong historical dahil tumagal ako sa labas.

Bumangon ako at lumabas ulit sa kwarto at tinungo ang pinto ng clinic ko. Siniguro kong hindi ito naka lock para daretso na lang siyang pumasok at kumatok sa pinto ng kwarto ko mamaya. Alam niya na iyon dahil alam niya naman na mag-uusap kami at magpapaliwanag ako sa kaniya. Hindi kasi pwede na hindi ako magpapaliwanag kay Emerald dahil maliban sa na pag-usapan ay malaki rin ang mawawala sa akin kapag hindi natapos ang isang taon kontrata.

Bumalik ako ulit sa kwarto ko humiga na sa kama. Antayin ko na lang siyang katokin ako mamaya kapag tapos na sila sa ginagawa nila sa labas dahil sigurado akong magagabihan sila ngayon dahil mahaba-haba pa ang pila kaninang nanonood ako sa kanila.

Pinikit ko ang mga mata ko ng marinig kong tumunog ang cell phone ko. Kinuha ko ito at sinagot ang tawag without seeking kong sino ang tumatawag.

"Babu!" tawag niya sa akin.

"What?" maikling sagot ko.

"Babu! Dalhan mo ako ng handkerchief," demand niya.

"Masiyado mainit, amoy pawis na ako eh!" Reklamo pa niya.

"Inuutos mo ako?" tanong ko.

"Okey! Wag na lang," sagot niya at atomatic na binabaan ako ng tawag. Huminga ako ng malalim at tumayo.

"Kakainis!" Reklamo ko rin dahil papikit na sana ang mga mata ko saka naman tumawag. Kumuha ako ng panyo at lumabas sa clinic ko papunta sa pwesto nila. Wala naman siyang ginagawa bakit hindi na lang siya kumuha ng panyo niya.

"Bakit hindi na lang ikaw ang kumuha ng panyo mo. Wala ka naman ginagawa rito," sita ko sa kaniya at inabot ang panyo sa kaniya pero sa halip na abotin tumayo lang naman siya at tumalikod sa akin.

"Ikaw naman Bob? hinahayaan mong umupo na lang ito at panoorin ka!" sita ko rin kay Bob na siyang kasama niya pero ngumiti lang naman ito at umiling pa bago nagmartsa palayo sa amin.

"Mahiya ka sa doctor, Emerald! Siya ang e-assist mo wag mo siyang  panoorin," sita ko ulit sa babaeng ito habang nilalagay ang panyo sa loob ng uniform niya.

"Siya ang nagsabing watch and learn," despensa niya at humarap sa akin.

"Salamat Babu," pa salamat niya.

"I'll go ahead. Matutulog muna ako at katokin mo na lang ako mamaya kapag tapos na kayo rito," Paalam ko at inabot pa sa kaniya ang isang panyo bago tumalikod at bumalik sa clinic ko para magpahinga at matulog...

Malalakas na kalampag mula sa pinto ang nagpagising sa kin.Pinikit-pikit ko pa muna  ang mga mata ko at nag-inat.

"BABU!" Malakas na sigaw at katok sa pinto ang ginawa niya.

"BABU!" tawag niya ulit.

"Bukas mo ang pinto may ipapakita ako, bilis!" Excited niyang wika at ako naman bumangon rin.

"Sandali!" sabi ko. Masiyado siyang atat dahil sa pagkatok kulang na lang sirain niya ang pinto.

"Bilis Babu! tignan mo may tatlong h*ck*y rin ako!" masayang inporma niya kaya  nag-igting ang panga ko at naikuyom ko agad ang kamao ko.

"T*ngina!" mura ko. Kagigising ko lang ganito pa ang maririnig ko.

Mabilis ang mga hakbang ko patungo sa pinto at marahas na binuksan ito. Tumambad nga sa akin ang tatlong marka sa leeg niya.

"F*ck you woman!" mura ko. Ang sarap niyang tirisin pero ngumiti lang naman siya at nagawa niya pang nagpeace sign sa akin.

"Hindi lahat ng bagay ay laro sa iyo Emerald!" bulyaw ko sa kaniya.

"Okeey fiiine!" pa-awit niyang sagot at nagmartsa na papasok sa silid ko at kampante humiga sa kama.

Wala akong nagawa kundi malakas na sinirado ang pinto dahil sa inis ko!

Đọc tiếp

Bạn Cũng Sẽ Thích

1.1M 33.9K 43
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
201K 4.1K 37
Aira Gonzales was broken hearted when she entered the bar because her Boyfriend cheated on her. Wala s'yang pakialam ang importente lang sa kan'ya a...
1.2M 44.7K 92
[𝙶𝚇𝙶] [𝙿𝚁𝙾𝙵𝚇𝚂𝚃𝚄𝙳𝙴𝙽𝚃] Will you pursue your feelings towards her if she's your professor and your best friend's sister? What if she lik...
246K 4.3K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...