Hidden Pages

By Chencheniah

4 3 0

ANDRIANA KATE HERMOSA slash Bookworm. Babaeng handang ipagpalit ang lahat para lang sa libro. Parang baliw na... More

PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 17

CHAPTER 16

0 0 0
By Chencheniah

CHAPTER 16

Naramdaman ko ang pamimigat ng aking katawan na para bang ang dami kong kinakarga. Gusto ngang igalaw ang katawan ko pero hindi ko magawa. Tanging kanang kamay ko lang ang aking maigalaw at hindi ko alam kung bakit. Pero mas lalo akong napakunot noo nang magdilat ako at bumungad sa akin ang lugar na hindi ako pamilyar.

Puro puti ang nasa paligid at mas lalo akong nagtaka nang may nakakabit sa akin na swero. Walang tao kahit na isa at sa pagkakaalala ko ay magkatabi naman kaming matulog ni Trevor doon sa kwarto ko. Bakit ako napunta rito? Ano na naman bang pakulo ito?

Oh my God! Ate, gising ka na? Para pang nasurprisa itong kapatid ko. Nagtataka rin ako kung bakit na niya ako tinatawag na ate. Galit iyan sa akin eh. Kinakamuhian pa nga. Gising ka na nga Para pa siyang naluluha at saka nagmamadaling lumabas nitong kwarto ko.

Nananaginip ba ko? Sinubukan ko pang itaas ang kanang kamay ko para kurutin ang aking pisngi pero napangiwi na lang ako nang maramdaman ko ang sakit. Totoo ba to?

Sinubukan ko pang bumangon para sana hanapin si Trevor pero sakto namang dumating ang doctor kasama ang kapatid ko, kasunod naman si Kervy at Venzyl. Para na akong nababaliw kakaisip kung ano ba itong nangyayari. Hindi ko na alam. Ang sakit-sakit sa ulo. Gusto ko nang hanapin si Trevor dahil umaga na at natatakot ako na baka nagkatotoo ang wish ko.

Huwag ka munang gagalaw, utos pa sa akin ng doctor saka hinarap sa kanang mata ko ang maliit na flashlight at kasunod naman sa kaliwa.

Ano bang nangyari? tanong ko pa at tiningnan sila isa-isa.

Hindi nila ako sinagot sa halip ay nakikinig lang sila sa doctor at hindi ko rin alam kung ano ang pinagsasabi nito. Hanggang sa lumabas na ito at saka pa lang nabaling ang atensyon ng tatlo sa akin.

Salamat sa Diyos at gising na ang bestfriend ko! Niyakap pa ako ni Venzyl pero pinakunutan ko lang siya ng noo. Nakalimutan mo ba ako? Ako ito si Venzyl, bestfriend mo. Naiiyak pa siya at ang pangit tingnan.

Ano ba! Kilala kita, gaga. Bakit ba ako nandito? Si Trevor ba nasaan? diretso at sunod-sunod na tanong ko sa kanya.

Tinaasan pa niya ako ng kilay. Trevor? Sinong Trevor? natatawa pa siya.

Ano ba! Seryoso ako, Venzyl. Nasaan ba siya? Bakit ba ako napunta rito? Magkasama pa kami kagabi—magkatabi pa nga kaming natulog, sabi ko pa pero nangunot lang ang noo niya. Pati si Kervy at iyong kapatid ko ay ganoon din ang ekspresyon. Iyong boyfriend ko, Venzyl, nasaan siya? naiiyak na talaga ako dahil hindi ko alam kung bakit sila ganyan. Tinatago ba nila ang katotohanang bumalik na si Trevor sa mundo nila?

Ako ang boyfriend mo, Andriana.

Napatingin naman ako kay Kervy nang magsalita siya. Ano?

Ako ang boyfriend mo at wala kaming kilalang Trevor, aniya saka pinakita sa akin ang kanyang suot na singsing. Humakbang pa siya palapit sa akin at hinawakan ang aking kanang kamay saka pinakita rin niya sa akin ang suot kong singsing na kaparehas nang sa kanya. Promise ring natin ito, Andriana.

Umiiling-iling ako at nagsimula nang magsilabasan ang mga luha ko. Hindi. Hindi ito totoo. Panaginip lang ito hindi ba?

Tama si Doc. Intindihin muna natin ang kapatid ko. May mga pagkakataon talaga na malala ang epekto ng mga gamot na nilalagay sa kanya. Ate, relax ka muna ha? Bawal ka pa ma-stress, sabi pa ng kapatid ko.

Sabihin ninyo nga sa akin ang totoo? Bakit ako nandito? Anong nangyari? Totoo ba lahat ito? Nananaginip ba ako? K-Kung oo, parang awa ninyo na—gisingin ninyo na ako! pagmamakaawa ko pa.

Umupo pa sa paanan ko si Hershey. May sakit ka—

Alam ko. May sakit akong glioblastoma. Alam ko iyon, pambabara ko.

Pero magaling ka na. Kaya ka nandito sa hospital kasi pinapagaling ka ng mga doctor. Naalala mo ba noong sunod-sunod na ang pagkahilo mo at pasusuka hanggang sa nawalan ka nang malay? Iyon ang time na sinugod ka namin dito at nagsabi pa sa amin ang doctor na papaoperahan ka dahil malala na iyong ang kondisyon mo. Thankful nga kami kasi naging successful ang operation kaso lang na comatose ka after. Natulog ka nang tatlong buwan. Grabe sobrang tagal mong nagpahinga, ate. Normal lang daw sa iyong magka-amnesia at handa ka naman naming tulungan, mahabang paliwanag pa ni Hershey at hindi nagsi-sink in sa utak ko iyong mga sinasbi niya.

Pero si Trevor nga! Nasaan siya? pagpupumilit ko pa.

Hindi namin siya kilala, Andriana. Nagkamut-noo pang sabi ni Venzyl.

Imposible. Kilala mo siya, Venzyl. Magkasama tayo sa iisang apartment hindi ba? Nakikitira nga iyon sa atin. Kasama ko pa iyon mag-hiking. Sinurprisa pa niya ako kagabi. Hindi ko na mapigilan ang mga hikbi ko. Gusto kong magwala kaso hindi kaya ng katawan ko.

Ilang taon nang hindi ka namin pinayagang tumira sa apartment mo, ate, dahil sa sakit mo. Pinagbawalan ka nga namin mag-hike dahil baka mapagod ang katawan mo. Delikado para sa iyo. Chini-check pa ni Hershey ang swero ko at itong nakasabit sa aking ilong. Nahihirapan nga akong magsalita dahil dito.

Saan ba phone ko? Hinahanap ko pa at nagpupumilit akong bumangon pero kaagad din namang lumapit si Kervy at inilingan ako senyales na hindi ako pwedeng gumalaw. Akin na kasi ang phone ko! Ipapakita ko sa inyo si Trevor, pagpupumilit ko pa.

Binigay naman ito sa akin ni Hershey at kaagad kong binuksan. Kaming dalawa kasi ni Trevor ang nasa wallpaper sa pagkakaalala ko pero laking gulat ko nang bumungad sa akin ang litrato namin ni Kervy. Nakabitbit ako ng isang bouquet ng pulang rosas at bakas sa mukha ko ang hanggang taingang ngiti habang si Kervy naman ay humahalik sa aking sentido.

Binuksan ko pa ang gallery dahil alam kong nandoon lahat ang mga pictures namin together ni Trevor pero ganoon pa rin ang bumungad. Halos sa amin ni Kervy ang naka-save na pictures at walang kahit anino ni Trevor akong nakikita. Tuloy ay naguguluhan na ako at hindi ko na alam kung ano ang nangyayari. Nanaginip pa ba ako? O totoo ito?

Parang nawalan ng malay ang mga kamay ko at muntik pang mahulog ang cellphone sa aking mukha. Blanko akong tumingin sa kisame habang nararamdaman ko ang kamay ni Kervy na pinahiran ang aking luha na hindi ko man lang nalaman na pumapatak na pala.

Gusto ko munang magpahinga. Pwedeng iwan ninyo muna ako? mahinang sabi ko nang hindi man lang sila tinitingnan.

S-Sige, sa labas lang kami. Kung may kailangan ka tawagin mo lang kami, ate.

Hindi ko na sila sinagot pa at ipinikit ko lang ang aking mga mata. Hindi ko alam kung bakit naging ganito ang pangyayari. Nalilito ako kung ano ang totoo sa hindi. Pero kung totoo man ito, parang ayaw kong tanggapin. Oo, nag-wish ako na maibalik si Trevor sa mundo nila pero hindi ganitong sitwasyon ang inaasahan ko.

Mga ilang minuto ang lumipas, sinubukan kong tanggalin lahat ng mga nakasabit sa akin at napagtagumpayan ko naman. Dahan-dahan pa akong humakbang papunta sa pinto at maingat itong binuksan. Sumilip pa muna ako at eksaktong wala sila Hershey at Venzyl. Tanging si Kervy lang ang nandito pero natutulog lang sa upuan. Bumilang pa ako sa isip ko hanggang tatlo saka maingat na humakbang palabas. Mas dinuble ko pa ang pag-ingat para hindi ako makagawa ng ingay na magdihalan na makagising si Kervy.

Nalagpasan ko nga si Kervy ng tagumpay pero hindi pa rin ako nakasisiguro kung makalabas ba tatalaga ako rito ng tagumpay. Pinili ko ngang maghagdan na lang dahil baka makakasalubong ko pa sila Hershey. Mabuti na lang at nasa third floor lang ang kwarto ko at medyo madali lang sa akin ang makarating sa ground floor. Sinadya kong ayusin ang aking postora at diri-diretsong lumabas nitong ospital. Pumara ako ng taxi kahit wala akong pampamasahe.

Kuya, sa High Park po tayo. Isinara ko pa ang pinto saka pinatakbo ni Kuya Driver itong sasakyan. Ilang minuto lang ay nakarating na rin kami rito at diretso lang akong lumabas nitong taxi at patakbong tinungo ang entrance.

Miss, pamasahe ninyo po! Miss! rinig ko pang tawag ni ng driver pero hindi ko na siya pinapansin pa.

Nakapaa lang ako pero hindi ko na lang iindahin ang sakit ng aking mga paa dahil sa maliit na bato na matatapakan ko. May mga tumitingin pa nga sa akin pero hindi ko na rin sila pinapansin. Basta diretso lang ang lakad ko. Hinihingal man pero tuloy-tuloy pa rin ang aking lakad.

"We can do this. Behind this challenge we take, there's beautiful sceneries waiting."

Napahinto na lang ako ng maalala ko ang sinabi ni Trevor sa mismong pwesto na ito. Tuloy ay naramdaman kong totoo ng ana nangyari iyon. Isa lang naman ang gusto kong makita na nagpapatunay na totoo iyon lahat. Iyong pangalan naming na inukit namin ni Trevor sa puno noong pauwi na kami.

FLASHBACK

Bago tayo uuwi, iuukit muna natin ang pangalan natin dito sap uno na ito. Gusto ko na pagbalik natin dito, may nakatatak na diyan. Tinuro pa niya ang puno na may mga naka-ukit rin na mga pangalan ng iba.

Sige, ako ang magsusulat ng pangalan mo tapos ikaw naman ang sa akin, sabi ko pa at sumang-ayon naman siya.

Doon sa may gitnang banda, aniya saka kami lumapit at isinulat na niya ang pangalan ko at ganoon na rin ang ginawa ko.

END OF FLASHBACK

Wala nang paglalagyan ang hingal ko nang makarating ako rito sa tuktok. Wala masyadong tao at medyo maambon. Siguro uulan ito mamaya pero balaha na—wala akong pakialam. Diretso kong nilapitan ang puno at hinanahap ang pangalan namin.

Alam kong nandito iyon eh. Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko at paghihikbi. Ano ba! Nandito lang iyon! Dito naming iyon isinulat! Hindi ko na masyadong makikita ang mga nakasulat dahil punong-puno na ng luha ang mga mata ko.

Andriana, rinig kong tumawag sa akin sa likod ko dahilan para mapatigil ako sa kahahagulhol.

Pilit ko pang ngumiti nang lumingon ako pero unti-unti rin itong nawala at napalitan ng lungkot nang malaman kong si Kervy pala ito. Buong akala ko ay si Trevor pero parang wala nang pag-asa. Huminga pa ako ng malalim saka pinahiran ang mga luha na wala namang balak tumigil sa kakapatak.

Bakit mo ko sinusundan? malamig kunwaring tanong ko sa kanya pero sa halip na sagutin ako ay diretso lang niya akong niyakap. Mas malala pa ay nararamdaman ko ang kanyang paghikbi at rinig na rinig ko ang kanyang pagsinghot. Bakit nangyari ito? Kervy, sabihin mo sa akin ang totoo parang-awa mo na! Ayoko ng ganito please! Nalilito—sumasakit ang ulo ko! Hindi ko na naman mapigilan ang paghagulhol.

Kumalas pa sa yakap si Kervy at marahang hinawakan ang magkabilang pisngi ko. Shss Pinahiran pa niya ang mga luha ko saka marahang hinagkan ang aking noo at muli akong niyakap. Everything will be fine, okay? Mahal na mahal kita at hindi kita iiwan. I am always here for you no matter what, aniya at naramdaman ko pa ang paghalik niya sa aking sentido. Pero napasinghap ako ng hangin ng may naramdaman ako na parang karayom na tinutusok sa kanang braso ko. Aalma na sana ako nang unti-unti akong nawalan ng lakas at tila bay namimigat ang talukap ng aking mga mata. Iyong tipong inaantok ako kahit hindi ko naman gustong matulog. Im sorry, love. We need to do this for you to be fine. Iyon lang ang tangi kong narinig galling kay Kervy pero hindi ko na magawa pang tumugon hanggang sa dumilim na lahat ng paningin ko.

Continue Reading

You'll Also Like

7.6M 217K 49
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
2.4M 157K 54
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.6M 97.5K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...