The Woman He Broke (Published...

By AnjSmykynyze

17M 270K 18.6K

"If you are going to enter my world, be ready to play my game," babala ni Mago, "If you can't keep up then yo... More

Story Premise
The Breaking 1 - Breathing the Air He Breathes
Breaking 2 - The ManWhore Moves
Breaking 3 - Fever Pitch
Breaking 4 - Crying Over the Spilled Milk
Breaking 5 - In Love With You
Breaking 6 - Holding the Breath
Breaking 7 - Cry Just a Little
Breaking 8 - Hearts On the Ground
Breaking 9 - Cool With You
Breaking 10 - Somebody's Me
Breaking 11 - Linger
Breaking 12 - Taming the Wild Beast
Breaking 13 - Too Close
Breaking 15 - Miss the Boat
Breaking 16 - Rock the Boat
Breaking 17 - Information Feed
Journal 1 - Down in the Dumps
Journal 2 - The Budding Romance
Journal 3 - the Last of the Bucket List
Breaking 19 - The Valderama Brothers
Breaking 20 - The Newly Wed
Broken 1 - Ain't Over
Broken 2 - Beautiful Destruction
Broken 3 - Anatomy of a Broken Man
Broken 4 - Close to the Edge
Broken 5 - Between Fear and Blame
Broken 6 - The Alluring Temptress
Broken 7 - The Beast Inside
Broken 8 - Lights Fade Out
Broken 9 - As it Goes
Broken 10 - Seven Deadly Sins
Broken 11 - Only Exception
Broken 12 - Winning a Battle, Losing A War
Broken 13 - This is How We Do It
Broken 14 - The Self-Destruct Button
Broken 15 - That Wild Thing
Broken 16 - From Whisper to Scream
Broken 17 - Grasping for Air
Broken 18 - Bring the Pain
Broken 19 - Five Minutes
Broken 20 - Fired Up
Broken 21 - Run Baby Run
Bliss 1 - The Dilemma
Bliss 2 - Draining All Resources
Bliss 3 - Tear Me Apart
Bliss 4 - A Little Too Late
Bliss 5 - Mago Moves
Bliss 6 - Bedroom Pleasures
Bliss 7 - Break Down the Walls
Bliss 8 - Devoured Tears
Bliss 9 - H.O.P.E (Hold On Pain Ends)
Bliss 10 - The Signs
Bliss 11 - Draining All Possibilities
Bliss 12 - The Way It Goes
Bliss 13 - Almost Is Never Enough
Bliss 14 - There It Goes
Bliss 15 - Nothing Can Stop Us Now
Bliss 16 - R.I.P. Casanova
Epilogue - The Bucket List
Bucket List 1: Food Trip

Breaking 14 - Bad Weather, Great Opportunity

226K 4K 197
By AnjSmykynyze


*Arelene's POV*

Mabilis kaming tumakbo pabalik ng sasakyan dahil sa biglaang pagbuhos ng ulan.

"May bagyo ba?" tanong ko habang abala sa pagpunas ng sarili.

"Ewan, hindi naman napabalita," saad niya habang pinaandar ang sasakyan saka pinindot ang on-button ng radyo, "nanginginig ka," puna niya nang mapalingon siya sa gawi ko.

"Okay lang ako," saad ko habang kiniskis ko ang mga palad upang painitin ito.

"Here," inabot niya ang compartment sa harap ng sasakyan at kumuha siya ng maliit na towel, "gamitin mo muna ito habang nasa biyahe tayo."

Hindi na ako sumagot pero agad ko namang tinanggap ang binigay niyang towel habang sinimulan na niya ang pagmaneho ng sasakyan. Pareho kaming tahimik at tutok sa daan habang bumabiyahe dahil hindi masyadong nakikita ang daan dahil sa sobrang lakas ng ulan.

"I can't risk driving us home," dismayado niyang sabi, "kapag may madaanan tayong hotel, doon na lang tayo magpapalipas ng gabi."

Kinabahan ako sa narinig ko. Magkasama nga kami sa iisang condo pero hindi naman kami magkasama ng kwarto. Pero kung tutuloy kami ng hotel ngayon, sa kamanyakan nitong kasama ko, tiyak na iisang kwarto lang ang kukunin nito. Agad kong dinukot ang cellphone ko para i-text si Patricia, mabuti na lang at may waterproof cellphone container ako.

To: TEMPTRESS QUEEN

Pareho kaming basa sa ulan ngayon at dahil nahihirapan siyang magmaneho kasi hindi niya masyadong nakikita ang daan, napagpasyahan niyang maghotel kami. Papayag ba ako?

Sender: Arlene Mejorada

Para akong nabunutan ng tinik nang agad na nagsend ang ipinadala kong message. Buti na lang hindi apektado ang signal ng mga cellphone networks sa kabila ng malakas na ulan. Napaigtad ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko, hudyat na baka nagreply si Patricia.

To: Arlene Mejorada

Nice! I have a plan. Pagdating niya sa loob ng hotel room niyo, pumasok ka kaagad sa banyo tapos tawagan mo ako. Mag-excuse ka na lang na magshoshower ka.

From: TEMPTRESS QUEEN

Tatanungin ko pa sana si Patricia tungkol sa balak niya, pero naisip ko na baka mahalata ni Mago na may ka-text ako. Ang totoo, hindi ako mapalagay sa mga nangyayari at kahit na may plano si Patricia, hindi pa rin mawawala ang kaba sa akin.

"There," turo niya sa isang motel. Seriously? Motel talaga?

"I think that would do. Delikado na talaga ang daan,"paliwanag niya, "ilang oras lang siguro itong ulan kaya diyan lang muna tayo magpalipas ng oras."

Nakiramdam ako at tinatantya ang bawat kilos niya. Seryoso siya at walang bahid ng kalandian ang mga sinasabi niya kaya napaisip ako na baka iniisip lang niya talaga ang kaligtasan namin. Hindi na kami bumaba ng sasakyan upang makakuha ng kwarto. Agad kaming iginiya ng tauhan ng motel para malaman namin kung saang unit kami papasok.

Nung makapasok na ang sasakyan sa garahe ng motel, agad kaming lumabas. Tulad ng payo ni Patricia, agad akong nagpaalam na magbanyo saka ko di-nial ang number ni Patricia.

"Hello?" sagot ni Patricia sa kabilang linya.

"Pat, nasa loob ng banyo na ako," mahina kong sambit.

"Great!" naramdaman ko ang pagkaaliw niya, "Magshower ka tapos may libreng towel jan di ba?"

Agad kong nakita ang nakasabit na towel sa loob ng banyo kaya sumagot ako ng "Oo."

"Magaling! Lumabas ka mamaya na nakatapis yang towel at agad kang tumawag ng room service," napakunot ang noo ko sa narinig kong balak niya, "siguraduhin mong nakikinig si Mago sayo at iparinig mong ipapatuyo mo ang mga damit mo tapos kunwari walang malisya, tanungin mo si Mago kung isasabay niya ba ang damit niya. Kapag umo-o siya, magpanggap ka na kunwari kinaumagahan pa maibabalik ang mga damit niyo."

"What?" hindi ko mapigilang sumabat, "eh ano ang susuotin ko sa buong gabi?"

Narinig kong tumawa si Patricia, "Yun na nga ang balak ko. Sigurado akong mababaliw si Mago sa kakaisip na hubad ang babaeng katabi niya magdamag."

"Hindi kaya ako ma-rape niyan?" kinabahan ako sa kapilyohan ng kaibigan ko.

"Hindi mahilig si Mago na ipilit ang sarili niya sa babae. Nasanay siya na babae ang laging lumalapit at lumalandi sa kanya kaya hanggang hindi ikaw ang gumagawa ng hakbang, wala siyang magagawa," paliwanag ni Patricia.

"Patricia, lalaki yun," dismayado kong saad, "paano kung hindi niya mapigilan ang libog ng katawan? Eh di mayayari ako."

"Alam mo, sigurado akong papasok ng banyo si Mago para magshower. Samantalahin mo ang pagkakataon na matulog o kahit magpanggap na lang na tulog. Naalala mo dati? Hindi ka niya ginalaw dahil nakatulog ka. Gawin mo yun ulit sa kanya," paliwanag ni Patricia.

Bumuntong hinga ako saka ako tumango, "Sige. Hindi ko man alam kung magwowork itong plano mo pero sana makakayanan ko mismong tanggihan ang Greek god na kasama ko."

"Kaya mo yan! May tiwala ako sayo," saad ni Patricia.

*Mago's POV*

"Banyo muna ako," agad na sabi ni Arlene pagkapasok namin sa silid. Napangiti ako sa narinig ko.

'Ayos,' bulong ko sa isip ko, 'mukhang umaayon ang lahat sa plano ko.'

Alam kong may bagyong parating at naisip ko na rin na dito kami tutuloy. Isa akong business man and to know the latest news is part of my job dahil anuman ang nangyayari sa Pilipinas, apektado ang negosyo ko.

Kahit basang basa ako, hindi ako nakaramdam ng lamig dahil sa antispasyong maaaring may mangyari sa amin ngayon. Yes, I don't do virgins pero sa sitwasyon kong ito, mahirap panghawakan yang prinsipyo ko. Siya ang unang lumapit, tumugon lang ako. Kahit ano pa ang nakaraan, kapag inihain ang bigas sa manok, tutukain at tutukain talaga ito ng manok.

Napalunok ako ng lumabas na siya ng banyo. Nakatapis lang siya ng maliit na tuwalya habang naka-messy bun naman ang buhok niya. Nagkunwari akong busy sa pagtetext habang pinapanood siya sa gilid ng mata ko.

"Hi, meron ba kayong laundry services?" narinig kong tanong niya sa telepono, "basang-basa kasi ang mga damit namin, gusto ko lang sanang ipapatuyo ito."

Hindi ko alam pero biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito na marahil ang bunga ng ginagawa kong paglalambing sa kanya. Makukuha ko rin siya kahit pa hindi pa natapos ang kasunduan namin. Nakakainis kasi itong si Marco, mukhang bibigay na kay Janine. Bakit naman kasi biglaan ang pagpapakasal kay Janine sa kapatid ng may-ari ng ospital kung saan naka-confine ang ama nito. Kung mauunahan ko ang pagsuko ni Marco, magiging walang bisa ang kasunduan namin kaya ginagawa ko ito dahil hindi ako pwedeng matalo.

"Mago," tawag niya, "isasabay mo ba ang mga damit mo?"

Napangiti ako sa sinabi niya. Mukhang hindi na ako mahihirapang landiin siya pero para patikim, hinubad ko ang t-shirt ko habang nakatingin sa kanya. Napansin ko ang paghigpit ng hawak niya sa receiver ng phone kaya tinanggal ko ang butones ng aking pantalon.

"Mago!" napatalikod siya, "doon ka nga sa loob ng banyo maghubad."

"Di ba ipapalaundry mo ang damit ko?" malandi kong sambit.

"Oo nga pero iabot mo na lang sa akin kapag nahubad mo na," saad niya habang nakatalikod.

Napagikgik ako habang tinungo ang banyo pero ang huling narinig ko ang pumukaw sa halimaw na dala ko, "Ano? Bukas pa ng umaga matutuyo ang mga damit namin?" -- ibig sabihin nun, buong gabi kaming hubad. Okay lang, hindi naman namin kailangang ang mga damit namin kung sakali man may mangyari.

"Arlene," tawag ko sa kanya habang bahagya kong binuksan ang pinto ng banyo, "ito na ang mga damit ko."

Nakayoko siyang lumapit para kunin ang damit ko. Pilyo kong hinigpitan ang pagkahawak ng damit ko kaya nung hindi niya ito agad makuha ay napaangat siya ng tingin sa akin kaya agad ko siyang ningitian nung magtama ang mga mata namin. Agad namula ang mukha niya saka nag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam pero parang nakakachallenge ang babaeng ito. Siya lang ata ang babaeng alam kong may gusto sa akin pero nakakapag-pigil pa rin.

___________________________________

AN: Ewan ko kung bakit ito ang naisip kong isulat. Bahala na siguro. Abangan niyo na lang ang next chapter.

Sana makisali po kayo sa group namin sa Facebook - https://www.facebook.com/groups/1420504958254029/or like the Adonis Series Fanpage on facebook at https://www.facebook.com/AdonisSeries?fref=ts

Makulit po ang OP ni Mago at gustong-gusto niyang kulitin niyo siya kaya hanapin niyo siya sa group dahil siguradong mayayanig ang araw mo kapag nasimulan mo siyang i-chat.

NOT EDITED

NOT REVIEWED

SORRY FOR THE ERRORS (but I am open to constructive criticisms)

6s

Continue Reading

You'll Also Like

1.7M 44.5K 50
C O M P L E T E D --- "Falling for the Billionairess" as told from the POV of Meredith Balajadia. --- My name is Meredith Balajadia, EVP ng Balajadi...
397K 12.3K 34
Trevor has been inlove with Brook since he saw her during his volunteer work in Negros. Okay na sana, liligawan na nga sana nya after makagraduate bu...
3M 35.7K 60
I, Andrea Denise Valdeverro is labeled the Playgirl of the Century. well, to hell with my Reputation. i don't really give a shit. but Don Lorenzo Val...
537K 20.1K 69
Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.