Dirty Little Secret

deinakoo tarafından

275 16 1

It's for you to find out. Daha Fazla

Author's Note
Episode 0

Episode 1

44 3 1
deinakoo tarafından

Ilang beses akong humikab, nag-inat inat pa ako saka umupo sa kama. Antok na antok pa rin ako kahit higit walong oras naman ang tulog ko. Muli akong humikab saka dinampot ang cellphone kong nasa ibabaw ng study table. Tinignan ko ang oras doon at wala sa sariling napabangon sa aking kama nang makitang mag-aalasyete na ng umaga. Exactly 8 ang klase ko at kung mananatili pa akong nakaupo ay baka ang nakasimangot na mukha ni Professor Martin at ang sermon nito ang magiging agahan ko.

Si Professor Martin ang unang klase ko sa umaga. Kinilala siya bilang isa sa mga striktong Professor ng Universidad na pinapasukan ko.

Ang Deilands University.

Ang University na ito ay naging tanyag dahil sa mga mahuhusay na guro na talagang ipinagmamalaki ng buong School. Mapapatunayan ang husay nila dahil sa bawat hallway na dadaanan papunta sa mga silid ay makikita ang ibat-ibang sertipiko na nakamit nila,  sa loob at labas man ng bansa. Bukod sa pagiging mahusay ay talaga namang disiplinado at strikto ang mga ito sa kanilang mga estudyante.  Balita ko nga, bago pa man ako makapasok sa loob ng University ay wala raw nagtatapos sa paaralan na ito na hindi nagiging matagumpay. At napatunayan ko iyun nang tuluyan na akong nakapasok dito.

Bukod kay Professor Martin ay may ilan pa akong kilalang mga guro na talagang hindi mo nanaising gumawa ng kahit na anong ingay dahil sa pagkaistrikto.  Andiyan si Professor Dela Cruz, ang matandang dalagang Professor namin, si Miss Ventura na laging galit kahit na wala naman kaming ginagawang masama, si Mr. Legaspi na kung magbigay ng quiz ay sobrang hirap. Akala yata niya ay Google ang utak namin, kahit hindi nakasali sa discussion ay isasama niya. Mabuti na lamang dahil yung ibang striktong guro ay hindi kami natuturuan, kung magkaganon man ay baka maging tuod na kami sa bawat klase na mayroon kami. At ang malalala pa roon ay baka hindi rin kami makagraduate dahil sa sobrang taas ng standard nila.

Hingal na hingal ako sa sandaling marating ko ang silid kung saan nagaganap ang unang klase ko. Sinilip ko ang suot na relo. Napasapo na lamang ako sa aking noo nang makitang late na ako ng higit fourty minutes. Napapikit na lamang ako, saka kumuha ng lakas ng loob bago ko hawakan ang doorknob ng pinto.

Isa.. dalawa.. tatlo..

Pagbibilang ko sa aking isip bago pihitin ang doorknob at itinulak pabukas ang pinto. Nakapikit ang aking mata habang ginagawa ito. Bilang paghahanda na rin sa aking sarili dahil sigurado akong makakatanggap ako ng sandamakmak na sermon mula kay Professor Martin.

Nanatiling nakapikit ang aking mata nang ihakbang ko ang aking mga paa papasok sa silid. Tahimik ang apat na sulok ng kwarto na siyang nagpadagdag sa kaba ko. Ayaw na ayaw pa naman ni Professor Martin na naiistorbo ang klase niya.

Mga ilang segundo na ang nakalipas simula nang pumasok ako sa loob pero wala pa rin akong naririnig na kahit na anong ingay. Dito ko na naisipang imulat ang aking mata dahil naisip kong baka nagmumukha na akong tanga sa paningin nila.

Sumalubong sa akin ang tingin ng mga kaklase ko. Silang lahat. Mababakas sa mga tingin nila ang iba't-ibang uri ng emosyon.

May kinakabahang tingin.

May natatakot.

May naaawa at kung ano-ano pa. Sobrang galit ba si Professor Martin kaya ganito sila makatingin sa akin ngayon? Para akong hahatulan sa hukuman ha.

Nang ibaling ko ang tingin kay Lexi ay ngumuso ito na siyang nagpakunot sa aking noo. May sinasabi siya na hindi ko maintindihan. May senesenyas siya na hindi ko makuha-kuha. Ano ba naman 'tong babaeng 'to?

"Don't you intend to close the door, Miss?" Ang aking mata na nakapukol kay Lexi ay agad nanlaki at kusang naglakbay papunta sa harap kung saan naroroon ang white board, kung saan nanggaling ang malamig na tinig ng isang babae.

Oo, babae.

"Are you willing to stand there until the end of the class?" Nagsitayuan ang aking mga balahibo sa katawan nang makita kung kanino ang galing ang malamig na boses. Nang makilala ang babaeng nakatayo ngayon sa harapan habang hawak ang isang marker at prenteng nakasandal ang likod sa malinis na white board. Ang babaeng hindi ko makita kung ano ang emosyon ng kaniyang mata dahil natatakpan iyun ng itim na salamin.

Professor Ven Chu.

Si Professor Ven Chu, ang binansagan misteryosang Propesora rito sa University namin. Bukod kasi sa pangalan at propesyon nito ay wala na kaming ibang alam patungkol sa kaniya. Lagi pa itong naka-itim na dress at itim na salamin kaya never naming nakita ang mata nito. Magkagayon man ay hindi maitatangging may itsura ito dahil na rin sa kaniyang matangos na ilong, mapulang labi at makinis na balat. Idagdag mo pa ang katangkarang taglay niya.

Pansin ko ang paghinga nito ng malalim bago tumayo ng maayos at ibinaba ang hawak na marker.

"Miss, close the door." Nawawalan ng pasensyang saad niya.

"H-- ha?" Nauutal kong wika. Yung paghahandang ginawa ko kanina bago pumasok ay naglaho na parang usok dahil sa kaniya. Hindi ko naman kasi alam na siya ang madadatnan ko rito. Para kay Professor Martin ang ginawa kong paghahanda at hindi para sa kaniya.

Teka? Ano bang ginagawa ng isang ito dito? Diba, sa ibang department siya? Ibang klase ba ang napasukan ko? Pero tama naman. Nandito ang kaibigan kong Lexi. Kung gano'n—

"I said close the door and go to your seat. You've wasted my time." Napaigtad ako sa biglang paglakas ng kaniyang boses. Nawala ako sa aking pagkalutang, sa isang iglap ay napabalik ako sa sarili ko. Napailing ako saka mabilis na isinara ang pintuan. Nakahawak pa pala ako sa doorknob, hindi ko man lang yung napansin dahil sa pagkakabigla. Dahil sa kaniya.

Bakit naman kasi siya ang nandito at hindi si Professor Martin?

Nang maisara ko ang pintuan ay dali-dali kong tinungo ang upuan ko sa tabi ni Lexi. Tahimik akong umupo saka iniyuko ang ulo.

Nakakahiya ka, Shantal.

Singhal ko sa aking sarili. Late na nga ako tapos mapapahiya pa ako ng ganito. Kung bakit ba naman kasi ako nalate. Kasalanan 'to ng alarm clock ko. Hindi siya tumunog.

"Hindi mo ba nabasa ang text ko.." Bulong ni Lexi sa akin.

"Hindi. Nagmamadali na ako kaya wala na akong time magcheck ng phone. Malay ko bang—"

"Stop murmuring." Napaayos ako ng upo saka napatigil sa pagsasalita nang namayani ang maotoridad na boses ng Propesora sa apat na sulok ng silid. "Stand up, Miss late." Kagat-kagat ko ang aking labi nang iangat ko ang aking tingin sa babaeng guro na walang ekspresyon ang mukha. Para namang robot ang isang 'to.

I cleared my throat bago dahan-dahang tumayo. Muntik pa akong matumba dahil sa panginginig ng aking tuhod. At bakit ako nanginginig ng ganito? Tao lang din naman siya, diba? Hindi naman niya ako kakaini— no no. Ang pangit pakinggan. Bakit ba ito ganito ang pumapasok sa isip ko? Gosh, Shantal.

"You're name?" Tanong ng Propesora. Hindi na nakakatakot ang boses niya kumpara kanina. "Do I need to repeat myself?"

Mabilis akong umiling saka inayos ang pagkakatayo ko. Umayos ka Shantal. Hindi ka ganito. Hindi ka dapat nagpapakabog. Maganda ka rin naman katulad niya. Lamang lang siya ng kaunti, mga ninety-nine percent.

"I am Shantal Rivero, Ma'am.. po." Pinilit kong ayusin ang sagot ko pero hindi nakikisama ang bibig ko. Bakit may po sa dulo, Shantal? Ano 'yun?

Kahit nakaharang ang itim na salamin niya batid kong sa akin siya nakatingin. Makalipas ang ilang sandaling pakikipagtitigan sa itim na salamin niya ay tumikhim siya. Iyun ang bumasag sa katahimikang bumalot sa loob ng silid.

"Okay." Matipid niyang sagot saka ako tinalikuran. Gano'n na 'yun? Uupo na ba ako? Tapos na ba? Wala na ba siyang ibang sasabihin? "I don't want this to happen again, Miss Rivero. Especially now that I am your new professor in this subject. I don't want you to be late in my class every day. I hate late comers. Keep that on your mind." Napalunok ako at tila nanghina bigla ang tuhod ko. Iba kasi ang tono ng boses niya. Para siyang nagbabanta na hindi ko maipaliwanag. "Take your seat." Agad akong umupo. Pinagsiklop ko ang aking dalawang kamay at nananatiling nakayuko. Samantalang siya ay nagpatuloy sa itinuturo niya na batid kong naudlot dahil sa akin.

Habang abala si Professor Chu sa tinuturo niya ay abala naman ako sa pagmamasid sa kaniya. Kanina ko pa siya pinagmamasdan ng hindi niya alam. Tutok kasi siya sa pagpapaliwanag at hindi naman napupunta ang tingin niya sa akin kaya sigurado akong hindi niya napapansin na pinag-aaralan ko ang bawat kilos niya, ang bawat kumpas ng kaniyang kamay, ang bawat buka ng kaniyang bibig.

Marami na akong narinig tungkol sa kaniya, tungkol sa kung gaano siya kaganda. At ngayong malaya ko siyang napagmamasdan ay napatunayan ko na totoo ang sabi-sabi ng iba na mukha siyang dyosa. Na tila isa siyang goddess na bumagsak sa lupa. Saan kaya siya ipinaglihi?

Mula sa kaniyang kilay, sa kaniyang ilong at labi niya isama na rin ang makinis niyang pisngi. Napakaperfect. Walang mali. Kumbaga isang perpektong diyos ang lumikha sa kaniya. Maging sa katawan ay pinagpala siya. E yung mata niya kaya? Maganda kaya ang mata niya? Kung maganda ang mata niya, bakit siya nakasalamin? Bakit niya tinatakpan ang mata niya?

What if doling siya?

Sa naisip ay mahina akong natawa. Imagine mo naman, panalo sa mukha pero talo sa mata? Ano nalang ang kalalabasan nun?

"Okay, that's all. Goodbye class." Agad nagsitayuan ang mga kaklase ko maging si Lexi. Yung iba ay nagmamadaling ilagay ang gamit nila sa bag. Nakikipag-unahan yarn?

Tumayo din ako saka dinampot ang bag ko at hinarap si Lexi upang yayayain ito. Naudlot ang pagbukas ng bibig ko nang biglang magsalita si Professor Chu mula sa harap. Sabay kaming napalingon ni Lexi sa kaniya na may halong pagtataka.

"Miss Rivero, I'm too lazy to carry my stuff. Do it for me."

"Ma'am?" Puno ng pagtatakang sagot ko. Ano raw? She's what? Lazy?

"Are you deaf?" Bahagyang kumunot ang kaniyang noo pero agad din 'yun bumalik sa dati. "Carry my stuff." Huminga ako ng malalim saka nilingon si Lexi na naglalakad na ngayon palabas ng classroom. Aalis na siya? Iiwan niya ako rito? Hindi ba niya ako sasamahan?

"Lex." Pagtawag ko sa kaniya pero nagpeace sign lamang siya sa akin bago tumakbo. Gano'n ba ako kadaling iwan, Lex? Ang sakit mo. Akala ko ba frenny tayo? Bakit mo naman ako iiwan sa Propesorang 'to?

Napabuntong hininga na lamang ako bago ibalik ang tingin sa Propesora na naka-cross arm habang nakatitig sa gamit niya.

Edi sana hindi nagdala ng gamit.

"At bakit niyo naman po naisip na ipabitbit sa akin ang gamit niyo, Ma'am?" Iniangat niya ang kaniyang ulo at tumingin sa akin. Dahil titig na titig ako sa kaniyang salamin ay bahagya kong naaninag  ang pag-ikot ng mata niya.

Wow, irap ba 'yun?

"Because you're late." Simpleng sagot niya saka tumayo at nagsimulang maglakad palayo. Hindi ako makapaniwalang sinundan siya ng tingin.

Ano?

Dahil late ako kaya kailangan kong bitbitin ang gamit niya?

Wow ha.

Unbelievable.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

271K 6.2K 58
❝ i loved you so hard for a time, i've tried to ration it out all my life. ❞ kate martin x fem! oc
51.4K 89 14
🤍 if u're not interested, don't report, just dont read!! 🤍
95.8K 2.5K 35
A little AU where Lucifer and Alastor secretly loves eachother and doesn't tell anyone about it, and also Alastor has a secret identity no one else k...