BeckFreen (One SHOT)

Od Deanner___

11.3K 440 75

One shot pero marami 😂😂😂✌🏻 Viac

"Amnesia I"
"Amnesia II"
"Amnesia III"
"Amnesia IV"
"Amnesia V"
"Special part"
"New Story"
"Regret I"
"Regret II"
"Regret III"
"Special part"
"New Story"
"My Secretary I"
"My Secretary II"
"My Secretary III"
"My Secretary IV"
"NEW STORY"
"MY SUGAR MOMMY/SUGAR DADDY I"

"Amnesia VI"

609 24 3
Od Deanner___

Isang linggo na ang nakalipas ng mangyari iyon, isang linggo narin akong naka totok rito sa aking trabaho nag file narin ako ng divorce kay Friend, tsaka hindi narin ito nagprotista pa at pomerma na ng annullment. Wala akong ibang ginawa kundi mag sob² sa trabaho... Dalawa lang ang ginagawa ko araw² trabaho at mag lasing gabi² minsan nga pumapasok ako sa opisina na naka inom at minsan naging mainitin ang ulo ko.

Kaya naman kasi ako nagkakaganito dahil iniwan na ako ng anak kong si zia, dalawang araw matapos ang nangyari ay nalaman ko nalang kai Noey na umalis na sila kila Irin hindi naman niya sinabi kong saan sila nag punta kasi hindi sinabi ni Irin.. nagka problema rin sila ni Irin at halos hindi na sila nagkikita at hindi narin nagpupupunta si Noey doon sa apartment ng nobya niya hanggang ngayon hindi pa sila nagkakausap matapos malaman ni Irin na kaibigan ko si Noey! Akala ko nga galit si Noey sa akin at akala ko ako ang sisisihin niya sa nangyari sa kanila ng girlfriend niya. Nang malaman ko na iniwan na ako ng anak ko at ni Freen doon narin gumuho ang mundo ko sinusubukan ko pang puntahan sila sa apartment na tinutuluyan nila pero tinataboy lang ako ni Irin at hindi man lang ako hinayaang magsalita.

Kaya ganito ako araw² minsan sa bar na ako natutulog at hindi na umuuwi na parang bahay ko na ang bar na yun. Ngayon andito na naman ako pero kasama ko na si Noey niyaya ko ito at pumayag naman. Ilang bote narin ang naubos namin at pariho na kaming may tama, kung ano² nalang ang aming sinasabi.. kanina pa kasi kami rito at walang balak tumigil hanggang sa nagyaya na itong umuwi.

"Pre, uwi na tayo mukhang lasheng kana ee..

"Tigilan mo akoghkss, pre! Ikaw lang ata lasheng sa atin ee...

"Hahaha tara na...

"Tekaghfk lang muna... Kaya mo pabang magmaneho?

"Ou naman...

"Sige... Pero punta muna tayo kila Irin..

"Pre, tama na parang gabi² kana pumupunta roon.

"Pre, hindi ako titigil hanggat hindi niya sinasabi sa akin kung nasaan sila... Pre, miss ko na ang anak ko, lalong lalo na si Freen.

"Pre, ilang beses kanang pinagtatabuyan ni Irin.. hindi kaba napapagod?

"Hindi! At lalong hindi ako mapapagod... Kaya please Noey samahan mo ako... Gusto ko lamg namang malaman kung nasaan sila ee.. kasi para na akong mababaliw sa kaka isip sa kanila.😢😭

Wala na ring nagawa si Noey kundi sundin ang gusto ni Becky.. may part rin kay Noey na gusto niyang tulungan ang kaibigan dahil naaawa na ito sa kanya lalong lalo na nalalaman niya na gabi² siyang nagkakaganito. Gusto rin niyang makapag usap sila ni Irin dahil namimiss niya na rin ang nobya nito.

Umalis na sila sa bar at nagmaneho na si Noey papunta kila Irin.. kinakabahan man ito pero gusto rin naman niya na makausap ang nobya kaya hindi niya nalang pinansin ang kabang nararamdaman. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa apartment ni Irin. Kaya agad bumaba ang dalawa sa kotse at kumatok sa pinto ni Irin, hindi rin naman nagtagal binuksan ito ni Irin, nagulat pa ito ng makita ang dalawa na puro naka inom dahil naamoy niya ito at halata namang lasing ang mga ito.

"Bakit ba andito ka naman Becky! At sinama mo pa itong si Noey.

"Irin please... Parang awa mo na.. sabihin mo na sa akin kung nasaan sila...😢😢 Pagmamakaawa nito.

"Becky, ilang ulit ko bang sasabihin sayo na hindi ko sasabihin kung nasaan sila.. ayoko ng guluhin mo pa ang buhay nila Freen.. tigilan mo na sila!

"Irin please nagmamakaawa ako sayo gusto ko lang namang makausap si Freen ee... Gusto kong asuyin to.. parang awa mo na Irin... FREEN, ALAM KONG NANJAN KA! KAUSAPIN MO AKO.. MAG-USAP TAYO, PLEASE!! FREEN HUWAG MO NAMANG ILAYO SA AKIN ANG ANAK KO... PLEASE FREEN PARANG AWA MO NA..😭😭😭 Napa luhod na ito dahil sa iyak

"Pre, tayo na uuwi na tayo... Pre huwag mo nang ipilit ang sarili mo wala na talaga sila rito. 😔 Pasensya na Irin sa gulong ito.. pangako hindi na kami babalik rito.. tra na pre!😔😔 Sabay hawak nito kay Becky.

"Irin, parang awa mo na...😭😭 Sabihin mo na sa akin kung nasaan sila... Hindi ko kayang tuluyan niya ng ilayo si Zia sa akin.. please!!😭😭😭 Nagmamakaawa ako sayo gusto ko ng makapiling ang anak ko. Please Irin!😭😭😭😭

May galit man si Irin kay Becky pero naawa rin ito sa kanya dahil gabi² itong pumupunta sa apartment niya at nagmamakaawa na makausap man lang si Freen... Naaawa rin siya rito dahil lagi itong nag lalasing... ou alam na ni Irin ang nangyari sa kanila ng asawa nito kaya ganun nalang niya nakikita si Becky na disididong makausap ang kaibigan. Wala naring magawa si Irin dahil naaawa na talaga siya kay Becky. At gusto rin ni Irin na makausap si Noey maging siya man ay namimiss niya na rin ang nobya nito kaya't aalis na sana sila ng pigilan sila ni Irin.

"Huwag na kayung umalis, pumasok kayo rito.. cold parin ang boses nito kaya napalingon ang dalawa na parang nagulat rin. Ano tutunganga lang kayo jan?

Kaya hindi na umimik ang dalawa at agad ng pumasok habang inalalayan naman ni Noey si Becky dahil hindi niya na talaga kayang maglakad ng matuwid. Pinaupo ni Noey si Becky sa sofa at si Irin naman ay pumunta muna ng kusina para kuhanan ng tubig ang dalawa pagbalik nito may dala ng pitsil tsaka dalawang baso tsaka nilagyan niya naman ito at isa-isang binigay sa dalawa tinanggap naman nila ito at ininom.

"Noey! Mag usap muna tayo.. iwan na muna natin si Becky dito.

Tumingin naman si Noey kay Becky at tinanguan niya lang ito kaya sumunod na si Noey kay Irin at pumasok sa kwarto nito.

"Irin, pasensya ka na sa nangyari ahh.. nagpumilit kasi siya ee tsaka hindi ko rin naman pwedeng pabayaan nalang ang kaibigan ko kasi naaawa narin ako sa kanya.. stress na kasi siya ee.. dag² pa yung devorce nila ng walang hiya niyang asawa tsaka itong pag iisip niya kay Freen at zia... Irin, sorry talaga kasi nilihim ko sa inyu ni Freen ang tungkol kay Becky.. Hindi na rin napigilan ni Noey ang maluha dahil sa awa niya sa kaibigan. Kaya walang ginawa si Irin kundi yakapin ito ng mahigpit.

"Shhh... Sorry din Noey... Sobra kasi akong nasaktan para sa kaibigan ko.. ayaw kong nakikita si Freen na nasasaktan sa sitwasyon nila.. naawa rin naman ako kay Becky sa tuwing tinataboy ko siya pero alam mo bang may part din sa akin na tulungan siya para makausap si Freen.

Kumawala naman si Noey sa yakap noya kay Irin at tiningnan ang nobya.

"What do you mean, babe?

"Ou na... Sasabihin ko na kay Becky kung nasaan sila Freen at zia.😊

"Talaga babe? Tumango lang si Irin kaya niyakap niya ito ng mahigpit at hinalikan sa pisngi.

Ilang minuto lang ay lumabas na sila Irin at Noey sa kwarto at nag tungo sa sala kung saan naka upo si Becky. Tumingin naman ito sa dalawa na may pagtataka dahil nakangiti si Noey ng bumalik sila sa sala.

"Becky, ayusin mo na yang sarili mo! Pamumula ni Irin. Kaya kumunot ang noo ni Becky sa sinabi nito.. Bukas na bukas din ay pupuntahan natin si Freen sa probinsya namin. Andun sila Bec kaya ayusin mo na yang sarili mo... Huwag kanang maglasing ng ganyan na araw² gabi² nalang.

Hindi makapaniwala si Becky sa sinabi ni Irin. Nakaramdam naman ito ng saya dahil sa narinig mula rito sa dalaga.

"T-talaga Irin? S-salamat! Sabay tayo nito na kahit hindi na kaya sabay yakap nito ng mahigpit, niyakap rin siya ni Irin.

"Pre, bitawan mo na syota ko.. respeto naman andito ako..😅

"Tsk! Kahit kailan talaga napaka selosa mo! Maktol naman ni Becky na agad namang umupo pabalik.

"Tutulungan kita Becky, pero mangako kang aayusin mo itong lahat!

"Pangako Irin.. aayusin ko ito! Napangiti naman si Irin sa sinabi nito.

"Oh sha sige na magpahinga na tayo lalong lalo na kayung dalawa.. sinama mo pa talaga itong nobya ko sa pag inom.

Tumawa lang ang dalawa kaya nakitawa narin si Irin.

"Oh pre, tulog kana jan.. at matutulog na rin ako dahil maaga kapang umuwi bukas para kumuha ng gamit mo.

"Sige pre, goodnight sa inyung dalawa.. Sabay higa nito.

"Good night din, pre! Sabay pasok nila sa kwarto.

.....

Kinabukasan ay nagayos na sila ng gamit dahil pupunta sila sa Probinsya kung saan nakatira si Irin. Hinintay pa nila si Becky dahil umuwi ito para kumuha ng iilang mga damit.

"Daddy? Saan po kayo pupunta?

"Sa probinsya ng nobya ng ninong Noey mo..

"Huh? Ano pong gagawin niyo doon?

Lumingon si Becky sa anak habang inaayos nito ang mga damit niya na pinapasok sa isang bagpack. Nilapitan niya ito niyakap ng mahigpit.

"Pupunta ako roon dahil andun ang kapatid mo at si tita Freen mo. Kakausapin ko siya at pangako ibabalik ko sila rito.

"Kung pwede lang sasama, pero mas mabuti pang hintayin ko nalang ho kayo dito. Pangako niyo po sa akin na balik kayo agad tas pag balik niyo kasama niyo na ho sila.

Napangiti naman si Becky sa sinabi ng anak kaya tumango nalang ito at niyakap ulit ng mahigpit.

"Pangako anak, magiging kompleto tayo ulit. Oh sige na kailangan ko ng umalis tsaka mag ayos ka na rin at may pasok kapa.😊

"Sige po daddy!😊 Sabay halik nito sa pisngi ng ina at tuluyan ng lumabas sa kwarto ni Becky.

Isang oras ang lumipas ay nakarating narin si Becky, hindi na ito bumaba sa kotse at bumusina nalang. Agad namang lumabas ang dalawa dala ang bag na pinaglagyan ng mga damit nila. Tahimik ang biyahe papunta sa airport dahil gagamitin nila ang private plane ni Becky para mabilis silang makarating sa probinsya. Nang makarating sila ay agad nilang sinakay ang kanilang bagahi at mga minuto lang ay umandar na ito.

Isa at kalahating oras lang ay nakarating na sila sa probinsya kaya agad na silang lumabas ng airport at pumara na ng taxi at pumasok na. Ilang minuto lang ay nakarating na sila sa lugar kung saan nakatira sila Irin, agad namang kumatok si Irin at hindi rin naman nagtagal ay pinagbuksan sila at ang mama ni Irin ang nagbukas. Nagulat naman ito ng makita niya ang kanyang anak na hindi maka paniwalang nasa harapan niya na ito kaya agad niya itong niyakap.

"Anak, bakit hindi ka nagsabi na uuwi ka?

"Para surprise po mama..

"Oh may mga kasama ka pala, sino² sila anak?

"Ahh siyanga pala ma, si Noey girlfriend ko po tsaka si Becky, kaibigan po ng jowa ko at a-ama ni Zia.

Nang marinig ng mama ni Irin ang kanyang sinabi ay nagulat ito at tinitigan si Becky pero hindi naman ito galit sa kanya kundi nagulat lang...

"I-ikaw ang ama ni Zia? Tanong nito na hindi makapaniwala.

"O-opo.. sagot naman ni Becky.

"Ma, mamaya ko nalang e kwento, siyanga pala asan si Freen?

"Nasa taas anak pinapatulog si Zia.

"Dito lang muna kayo ahh... Tumango naman ang dalawa.

"Ahmm pasok muna kayo at maupo.Pumasok naman ang dalawa at naupo sa sofa. Irin anak, puntahan mo muna si Freen doon ako ng bahala sa mga bisita mo.

Nagmadali namang umakyat si Irin sa taas at nag tungo sa kwarto nila Freen. Nang makarating ito ay agad itong kumatok at pinag buksan naman siya nito, pagkabukas ni Freen ay nagulat siya at hindi makapaniwalang nasa harapan niya na ngayon ang bestfriend niya kaya wala siyang sinayang na oras ay agad niya itong niyakap ng mahigpit.

"Bes, kailan ka pa dumating? Tsaka bakit wala man lang akong kaalam alam na uuwi ka. Napangiti naman si Irin sa sinabi ni Freen.

"Bes, umuwi ako rito dahil gusto kitang makausap at syempre gusto ko kayong makita ni Zia.. namimiss ko na kasi kayo. Lumapit naman ito sa kama at hinalikan si Zia sa noo habang tulog ito. Pero bes, tara muna sa baba..

"Bakit bes?

"Basta! Sabay hila nito palabas ng kwarto at pababa.

Nang makababa sila ay agad naman nakita ni Freen ang dalawa na nasa sala at nakaupo. Hindi makapaniwala si Freen sa nakikita niya, andito ang ama ni zia.

"Anong ginagawa niyan dito, Irin? Pagalit nitong sabi.

"B-bes? Kas-------- hindi na natuloy ni Irin ang kanyang sinabi dahil biglang umalis si Freen at tumakbo sa taas at padabog na sinara ang pinto ng kwarto nito.

Tinawag naman ito ni Irin at sinundan, nagulat naman si Irin dahil padabog na sinara ni Freen ang pinto pero hindi naman niya nito ni lock. Pumasok si Irin at nakita niyang umiiyak ang kaibigan kaya agad niya itong nilapitan at niyakap.

"Bakit, dinala mo siya rito, Irin? Akala ko ba ayaw mong sabihin sa kanya na nandito kami.

"Bes, yun nga ang ginawa ko pero nag pumilit siya ee tsaka naawa rin ako sa kanya dahil gabi² siyang pumupunta sa apartment ko at minsan lasing ito. Kahit na tinataboy ko siya ay hindi siya tumitigil at hindi siya nagsasawa sa ginagawa niya. Ano bang magagawa ko kasi hindi naman ako marunong magtanim ng galit sa isang tao... Ou nagalit ako sa kanya pero may part rin sa akin na naawa ako sa kanya, alam mo bang araw² siyang lalasing at araw² ka niyang hinahanap pati ang anak ninyo.

"Bes, alam mo naman na ayoko ng makita at makausap pa yan... Nagugulo na kasi ang buhay ko.. gusto ko ng tahimik na pamumuhay kasama ang anak ko.

"Bes, paano tatahimik ang buhay mo kung hindi mo siya kakausapin. Magusap kayo, pag-usapan niyo ito at ayusin niyo ito. Bes, wala man akong karapatang sabihin ito sayo pero kahit anong pagtataboy mo sa kanya, ama parin siya ni Zia may karapatan parin siya, may karapatan parin siyang mahalin ang anak niya.. kaya siya nandito kasi gusto ka niyang makausap at gusto niyang ayusin ito. Bes, kahit ang mga tao man ay yun din ang sasabihin... Kahit itago mo man si Zia o ilalayo sa kanya hahanapin pa rin siya ni Zia maghahanap parin yan ng kalinga ng ama...

Hindi umimik si Freen, bagkos may part rin kay Freen na gusto niyang kausapin at gusto niyang malinawan na ang isip niya..

"Bes, please mag usap kayo.. kasi total andito narin naman siya.. bigyan mo siya ng pagkakataong magpaliwanag sayo...

Hindi parin umimik si Freen, at niyakap niya na lang si Irin ng mahigpit at humagol-gol.. dahil napagtanto naman niya na tama nga rin naman si Irin... "Kailangan namin itong ayusin.. kailangan naming mag usap."

Nang tumigil na sa pag iyak si Freen ay kumawala na ito sa pagkakayakap. Tinititigan naman siya ni Irin at tumango nalang si Freen na hudyat na para tawagin si Becky para makausap niya ito. Kaya napangiti naman ang kaibigan at agad lumabas ng kwarto at bumaba.

Habang ang tatlo ay naguusap, pagkababa ni Irin ay nakatingin agad ang tatlo sa kanya na may pagtataka sa mga mukha.

"Nak, nakausap mo na ba siya ng maayos? Tumango naman ito at ngumiti.

"Ou ma, tsaka Becky? Tumingin naman agad si Becky na pinagtakha nito. Pumunta ka na doon.. kausapin mo siya hinihintay ka niya.🙂 Agad namang tumayo si Becky. Pag akyat mo kumaliwa kalang may pangalawang pinto roon dun ang kwarto niya. Good luck!🙂

Agad namang umakyat si Becky sa taas at nagtungo sa pangalawang pinto ng kwarto na sinabi ni Irin. Huminga muna ito ng malalim dahil kinakabahan ito, saka ito kunatok at dahan-dahang binuksan ang pinto at dahan-dahang pumasok. Pagkapasok niya ay nakita niya agad si Freen na nakaupo sa may edge ng kama habang hinahaplos nito ang buhok ni Zia. Dahan-dahang lumapit si Becky at dahan-dahang umupo sa tabi ni Freen.

Tahimik at walang balak mag basag ng katahimikan pero hindi narin nakatiis si Becky at agad niyang hinawakan ang kamay ni Freen at huminga muna ng malalim saka nagsalita.

"Freen, i'm sorry! Nagumpisa ng tumulo ang mga luha nito. Sana mapatawad mo ako. Ayoko mang guluhin ka pero hindi ko kaya ee.. hindi ko kayang di makita ang anak ko, hindi ko kayang isipin na tuluyan mo na siyang ilayo sa akin. Sorry kasi, *sniff* hindi man lang kita hinayaang mag paliwanag nung araw na iyon, hindi man lang ako nakapag paalam sa inyu ng maayos ni nanay Centhia.. sobra kasi yung galit ko sa inyu sa mga kasinungaligan na ginawa niyo. Freen, minahal naman kita noon kasi akala ko ikaw talaga ang asawa ko.. alam mo bang bumalik ako rito limang buwan matapos akong nakabalik sa pamilya ko, para magsalamat sa inyu kaso wala na kayo roon sa isla...

"Ou aminado naman akong kasalanan ko lahat ng yun at pinagsisihan ko yung ginawa ko *sniff*😢 kasi nahulog narin naman yung loob ko sayo.. pero napaghandaan ko na iyon na kapag maalala mo na ang lahat at malaman ang totoo alam kong magagalit ka at iiwan ako.. pero alam mo ba nung nalaman kong buntis ako nangako ako sa sarili ko at kay zia na hindi niya na makilala pa ang ama niya pero napaka daya ng tadhana.. bakit nakilala ka pa niya, bakit ikaw pa! 😭😭

"Freen, please ayokong malayo sa akin ang anak ko. Ayokong tuluyan mo siyang ilayo sa akin.. Freen parang awa mo na.. hayaan mo akong makita araw² ang anak natin. *sniff* Freen, hayaan mong ayusin natin ito. Freen, gusto kong bumuo ng pamilya na kasama kayo ni Zia. 🥺🥺 Nagulat naman si Freen sa sinabi nito.

"A-anong gusto mong bumuo ng pamilya na kasama kami? Nababaliw ka na ba? Ano gagawin mo akong kabit mo?

"Freen, Freen! Makinig ka muna sa akin please! Okay, wala na kami ng asawa ko.. niloko niya ako noon palang kaya nalaman ko ang totoo sa mismong anak namin at katulong namin.

"Anong ibig mong sabihin, Becky?

"Nag file na ako ng Divorce sa kanya at siguro next month makukuha na namin ang resulta na ipapataw sa korte...

Hindi agad naka imik si Freen dahil nagulat parin ito sa sinabi ni Becky.

"Freen, patawarin mo ako... Gusto kong magsimulang muli na kasama kayo ni Zia at ni Jacob.. alam mo ba, gusto kayong makita at makilala ni Jacob.. kaya nangako ako sa kanya na aayusin ko ito at gusto kong isama kayo pabalik sa maynila at doon na manirahan sa bahay ko...

Hindi pinahalata ni Freen na masaya siya sa nalaman lalong lalo na na gusto silang makita at makilala ng anak nito.

"S-sigurado ka ba, Becky?

"Yes, kaya please hayaan mong ayusin natin tung dalawa.. mahal kita Freen.. mahal na mahal!🥹🥲 Hayaan mo akong mahalin ka kayo ni Zia. Kayo na ngayon ang buhay ko.🥲

Hindi na napigilan ni Freen ang mapangiti sa sinabi ni Becky. Kaya itong si Becky ay agad niya itong niyakap ng mahigpit at agad rin itong siniil ng halik. Tumugon naman si Freen at nagtagal ang paghahalikan nila ng may biglang may maliit na kamay na humaplos sa mga pisngi nilang dalawa pag lingon nila ay si Zia pala na kakagising lang. Kinusot kusot pa ni zia ang kanyang mata at ng matapos ito ay nagulat ito ng makita niya si Becky ang poppa niya.

"P-poppa?

"Hi baby! Agad naman niyakap ni Zia ang poppa niya ng mahigpit.

"Poppa andito ka?

"Yes, baby andito na si poppa.. andito na ako magsasama na tayong tatlo ni momma mo.. Sabay halik nito sa ulo ng anak. Hinaplos niya naman ang pisngi ni Freen na halatang masaya sa huling tagpo ng mag-ama

Mga ilang oras rin sila namalagi sa kwarto ng magpasyahan nilang bumaba na dahil tanghali narin at nakaramdam na ng gutom si Zia. Pagkababa nila ay nakita nila agad ang tatlo sa lamesa na nakaupo na para kumain. Nagulat naman ang tatlo sa nakita nila dahil magkahawak kamay si Freen at Becky na karga pa nito si Zia nakangiti ang dalawa sa kanila.

"Wait pare, a-anong i-ibig sabihin niyan? Sabay turo nito sa kamay na magkahawak.

"Hindi paba obvious? Sarkastikong sagot naman ni Becky sabay tingin nito kay Freen.

"What beshy?

"Oi mukhang may magkakabalikan nito ahh.. Sabat naman ng mama ni Irin na tila kinikilig.

"Grabe, hinayaan ko lang kayong mag usap na dalawa pag baba niyo kayo na agad?

Nagtawanan naman silang lahat hanggang sa sumabat si Zia.

"Yes.. may momma na ako at poppa.. yehey!! Sabay palakpak nito ng kamay.

Nagulat naman ang lahat sa sinabi ng bata kaya nagtawanan nalang sila hanggang nagpasyahan na kakain na ng tanghalian.























END🥰

















************************************************




Pokračovať v čítaní

You'll Also Like

201K 8.4K 53
Archana Louisse Young - President of the Student Council. She is trusted by the Reed family to regulate Lauxshire University's policy. She is known...
23.8K 514 35
(GXG/PROF X STUDENT/ TAGLISH) Freenbecky GXG STORY WITH RANDOM SIDE CHARACTER, May have a 🔞 Start: July 11, 2023 Ongoing A student X professor stor...
She's The One Od Riley Jade

Všeobecná beletria

1.8M 49K 32
Alexandria Jackson. Softball and basketball team captain. Sexy as hell. Popular. Loved by all. Intersex. Lesbian. Abused. Harper Adams. Cheer captai...
26.4K 1.7K 34
GaWong Story, lalaki dito si Deanna Wong 🥴