Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

914K 31.2K 20.5K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 24

10.5K 409 182
By JosevfTheGreat

Chapter 24: Karma has Arrived

#DittoDissonanceWP

hi, comment lang kayo if gusto ninyong ma-dedicate sa isang chapter <3 i would want to dedicate every chapter to you guys!

don't forget to vote tysm! enjoyyyyy

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Nagkwentuhan lang kami ni Ashton kagabi ng kung ano-ano habang kumakain ng ice cream na libre niya. Palagi naman niyang libre. Cute nga ni Ashton, nakita niya lang kanina na nase-stress na ako, gumawa agad siya ng way para ma-cheer up ako.

Isa pa ro'n, nakatabi pa sa akin si Leroy! Kasya naman kami sa kama ko. Yumakap pa nga siya sa akin nang humiga na ako. Hinatid rin ako ni Ashton sa dorm ko pabalik. Wala na rin naman na akong masyadong ginawa kaya after ko maghilamos at mag-toothbrush, tumulala lang ako sa kisame saglit 'pagkahiga ko at saka nakatulog na rin agad.

Kinabukasan, nagising ako sa boses ni Leroy pati ni Mishael. Naniningkit pa ang mga mata ko sa antok pero naaninag ko si Leroy na nakaupo na sa pwesto niya. Umungot ako at nagtaklob ng kumot. Inaantok pa ako putangina. Gusto ko tingnan 'yung oras o itanong kay Leroy kung anong oras na. Kaso wala akong lakas pa. Gusto ko pa matulog.

"Huy, Zern. Gising na! Alas-sais na. Gumising ka na. Nag-aaya si Mishael mag-almusal sa convenience store diyan. Hindi ko pa tinatawagan si Ashton dahil tulog ka pa. Hari ka na naman niyan, hihintayin ka na naman namin," rinig kong sabi ni Leroy at hinampas pa ako sa hita pero antok na antok pa ako para sagutin siya.

Hinila ni Leroy ang kumot na nakatalukbong sa mukha ko at pinaghahampas ako nang mahina na parang tambol sa hita.

"Gising na! Sige ka, makakasabay mo sa hallway si Caiden!" sabi ni Leroy pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Inaantok pa ako putangina! Hindi gumagalaw 'yung katawan ko pero gising na ako. At kapag tinigilan ako ni Leroy sa kakagulo niya, makakatulog agad ako panigurado.

"Pabayaan mo na lang muna siya matulog, Leroy. Tawagan mo na lang si Ashton tapos tayo na lang mag-almusal. 'Wag na natin 'yan intindihin si Zern. Kwento mo sa akin 'yung sinasabi mong ginagawa niya sa club," sabi ni Mishael.

Napadilat ako nang wala sa oras para tingnan si Leroy na mukhang inaabangan ang reaction ko. Humalakhak agad siya nang sinamaan ko siya ng tingin. Itong bading na 'to, mukhang siya pa ata magsasabi kay Mishael na fairy ako. Sa sobrang kadaldalan nito ni Leroy, hindi na lang ako magugulat na alam na ni Mishael.

Nakikitawa rin si Mishael sa kaniya kaya nag-unat na ako para magising na 'yung katawan ko. Dahil baka kung ano pa ang masabi nito ni Leroy kay Mishael. Hindi naman ako natatakot malaman ni Mishael na hindi ako straight, tinatamad lang ako sabihin. At saka bakit ba, hindi naman kasi kailangan sabihin. Hindi siya necessary kumbaga kaya hindi ko na rin nabi-bring up.

"Tamo, gigising ka rin!" sabi ni Leroy at tinaasan pa ako ng kilay.

Patago ko siyang pinagikutan ng mata. "Kung ano-ano na naman kinikwento mo kay Mishael. Baka mamaya isipin niyan masama akong tao," singhal ko sa kaniya.

"Baliw, wala akong kinikwento sa kaniya! Ikaw ata nagkuwento sa kaniya ng tungkol sa club. Inaasar ka lang din niya para bumangon ka na dahil alas-sais na!" sabi ni Leroy.

Nilingon ko si Mishael na mukhang nakapaghilamos at toothbrush na. Ready na siyang umalis. Mukhang ako na nga lang ang hinihintay nilang dalawa plus si Ashton na tatawagan kapag nagising na ako.

"Bumangon ka na, Zern. Almusal na! Mas maganda gumising nang maaga para maraming magawa!" masayang sabi ni Mishael kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Parang hindi ka nakahilata buong umaga kahapon diyan sa kama mo, ah!" singhal ko sa kaniya.

He chuckled before ponying his hair. It flexed his biceps. Napalunok agad ako at deneretso lang ang mga mata ko sa mukha niya. Grabe. . . para akong nasakal kahit tinitingnan ko lang. Nilingon ko saglit si Leroy at walang mintis, tuwid na tuwid, opo, nakatitig siya sa biceps ni Mishael. Ano pa nga ba!

"Kaya kita pinapagising kay Leroy kasi ililibre ko nga kayo ng almusal. Ayaw mo ba? Oh, ayan. Dalawang beses na kitang ililibre ng pagkain, ayaw mo pa," pabiro niyang sabi at inilagay sa likod ng tainga niya ang ilan pang buhok na nakaharang sa mukha niya.

Nadi-distract ako sa braso ni Mishael. Bakit kasi siya naka-tank top? Ang kinis pa niya kaya kumikinang siya kapag nasisinagan siya ng araw. Hindi ko sinasadya!

"Oo na, babangon na!" sabi ko at bumangon na.

Tinawagan na ni Leroy si Ashton kaya dumeretso na ako sa CR agad para hindi na rin magtagal. Nahihiya na ako sa kapahihintay sa kanila dahil sa akin. Mabilis pa naman kumilos si Ashton lalo na at tinawagan pa ni Leroy. Pagdating sa amin, palaging mabilis si Ashton at wala na agad pero-pero.

Inayos ko na rin ang buhok ko 'pagkatapos kong maghilamos at mag-toothbrush. Okay na rin naman na 'yung suot ko. Shirt at shorts. Mag-aalmusal lang naman. Wala naman sigurong big deal. Cute pa rin naman ako.

"Ready na ako!" sabi ko 'pagkalabas ko ng CR.

Mahina silang natawa parehas ni Leroy. "Para ka namang naghihintay ng magsusuklay at magpupulbo sa 'yo," sabi ni Leroy bago humalakhak.

Nginiwian ko siya. Hindi ko siya mabirahan dahil ayaw kong marinig ni Mishael kung gaano ako kakanal makipagbardagulan. Nahihiya ako sa image niyang sobrang bait at gentleman. Hindi siya puwedeng mahawaan ng ganito kong ugali. Charing nahihiya lang talaga ako.

"Tara na! Dami mo pang sinasabi. Untog kita sa biceps ni Mishael, e," sabi ko at nagmamadaling naglakad palabas habang tinatago ang ngiti ko.

Muahahaha! Siya na bahala humarap kay Mishael diyan. Nakakahiya 'yung sinabi ko, e. Ang random gago putangina. Bigla tuloy akong mas nahiya para sa sarili ko kaysa kay Leroy. Hanggang mamaya ko na 'to maalala at sa tuwing maalala ko 'to mahihiya ko't magki-cringe.

Pinandilatan ako ng mata ni Leroy kaya tinago ko na lang sa ngiti ang pagkahiya ko. Dahil sa sa likuran niya ay si Mishael na mahinang natatawa.

"Bakit mo naman iuuntog si Leroy sa biceps ko? Ikaw ata gustong magpauntog, e," sabi ni Mishael sa akin bago niya isinarado ang pinto ng dorm namin.

Awkward akong nangunot ng noo. Gaga ayan putangina mo. Back to you bading. "Ha? Hindi ah. Pinagtitripan kasi ako ni Leroy. Akala ko lang kasi kakampihan mo ako. Siguro oras na, Mishael, para lumipat ka na ng dorm para hindi na ako ang roommate mo," sabi ko at kunwaring nagdadrama.

Humalakhak agad si Mishael katulad ng palagi niyang reaction sa tuwing nagbibiro ako nang ganito. Nakitawa na lang din ako para ma-cover up ang kahihiyan ko. Nakakahiya putangina. Bakit ko ba 'yon sinabi. Ito kasing si Leroy, hindi matigil sa kakaasar sa akin at hindi ko magantihan. Tulak ko kaya 'to sa hagdan.

Hanggang sa elevator ay tumatawa si Mishael, "Grabe ka naman, Zern. Sa tagal ng pinagsamahan natin ipagtatabuyan mo lang ako," sabi ni Mishael at natatawa pa rin.

"Ang aga mo sapian mo, Mishael. Tigil mo 'yan," sabi ko habang nakangiwi sa kaniya pero imbis na tumigil siya ay mas humalakhak pa siya sa sinabi ko.

Hindi ko alam kung saan ba siya natatawa. Sa tono ng boses ko o sa sinasabi ko. Bwisit. Bentang-benta naman ako sa lalaking 'to.

'Pagbaba namin ng elevator 'saka lang bahagyang humupa ang pagtawa ni Mishael. Hindi pa rin siya maka-move on sa sinabi ko. Tawang-tawa talaga siya. Nagkatinginan pa kami ni Leroy at sabay na mahinang natawa.

Natigil lang ang pagtawa ni Mishael nang nakasalubong na namin si Ashton na nakapambahay lang din.

Ngumiti siya agad sa amin. "Good morning. Nagkasya naman kayong dalawa sa kama mo, Zern?" sabi ni Ashton at sumabay na sa paglalakad namin.

I hissed. Pagkakataon ko na para makabawi sa bading. "Hindi. Naglalaway pa nga 'yan. Natuluan 'yung mata ko. Ambaho. Amoy kanal," sabi ko at gulat na gulat naman si Leroy.

"Ang kapal naman ng mukha mo. Hindi ako naglalaway. At saka kasya tayo dahil sexy ako. Ikaw 'yung malikot matulog diyan. Sa katagalan mo gumawa ng activity kagabi, nakatulog na ako. Hindi pa ako nakakain ng ice cream," sabi ni Leroy sa akin.

Mahinang natawa si Ashton at nagsisimula na namang tumawa si Mishael. Laugh trip 'to lagi si Mishael. Sobrang saya ng buhay palagi. Sana all. Chariz.

"Ang aga ninyo na naman magbangayan," sabi ni Ashton.

Humawak ako sa forearm ni Ashton. "Mula ngayon, Ash, wala na tayong kaibigang Leroy. Hindi 'yan mapagkakatiwalaan. Marami siyang sinasabi sa ibang tao tungkol sa mga sikreto nating dalawa," sabi ko at nandidiring tiningnan si Leroy bago nag-angat ng tingin kay Ashton na nakatingin din sa akin habang natatawa.

"Bakit, may sinabi ba siya kay Mishael tungkol sa 'yo?" sabi ni Ashton.

"Wala! Wala akong sinasabi. Feelingero ka, Zern. Dahil hindi mo makuhang kakampi si Mishael, alam mong kakampihan ka ni Ashton kaya ngayon ka bumabawi," sabi ni Leroy.

Dinilaan ko siya. "Si Ashton 'to, e. Malay ko bang kinutyaba mo na si Mishael para pag-trip-an ako 'pagkagising ko. Kilala kita, Leroy, maitim ang budhi mo. Marami kang binabalak na masasama sa akin para umangat ang pangalan mo," sabi ko.

Tawa nang tawa si Mishael sa sinabi ko. Dumikit naman si Leroy kay Mishael.

"E 'di si Mishael na lang kakampi ko! Diyan ka na kay Ashton, hindi naman 'yan marunong mag-three points sa court," sabi ni Leroy kaya nalaglag ang panga ko.

"Wow. . ." bulong ni Ashton habang natatawa. "Kapag ikaw nanonood ng game ko, Leroy. Suntukan tayo," sabi ni Ashton.

"Lagot! Hindi ka na bati ni Ashton. Friend ship over! Me and Ashton na lang. Remove na kita sa GC," sabi ko habang natatawa.

"Tangina niyong dalawa," sabi ni Leroy.

Humalakhak ako at dinilaan pa si Leroy. Buti nga! Nakabawi rin bwisit kang bading ka. Si Ashton lang pala katapat niya para mag-concede defeat siya. Mas malakas mang-trip si Ashton kaysa sa aming dalawa ni Leroy kaya mahirap kalaban si Ashton sa asaran dahil kapag sinabi niya seryoso talaga siya. Pero 'yung suntukan, joke lang siguro 'yon. Unless. . . charing!

Walang tao sa convenience store nang makarating kami ro'n. Katamtaman lang din ang lamig pero mukhang mas masarap umupo sa labas dahil alas-sais pa lang ng umaga.

"Anong gusto mo?" sabi ni Ashton sa akin kaya nag-angat ako ng tingin sa kaniya. Nakahawak pa rin pala ako sa kaniya.

Napanguso ako at tiningnan ang mga puwedeng kainin. Kinuha ko 'yung naka-plastic na burger.

"Ayan lang? Ayaw mo mag kanin or kahit cup noodles?" sabi ni Ashton.

"Zern! Pili ka lang pala, ako na magbabayad," sabi ni Mishael at may mga hawak na siyang pagkain niya.

"Ako na magbabayad ng para kay Zern, pre. Si Leroy na lang ilibre mo. Hindi na namin 'yan kaibigan," sabi ni Ashton kaya sabay kaming humalakhak at nakitawa lang din si Mishael matapos tumango sa sinabi ni Ashton.

Hinila ko si Ashton sa section ng cup noodles at kumuha ako ng Korean noodles. Maanghang 'to pero okay na 'yan. Bibigay ko na lang kay Ashton kapag hindi ko na maubos.

"Sure ka ito gusto mo?" sabi ni Ashton nang ibigay ko sa kaniya 'yon. "Maanghang 'to. Hindi ka naman kumakain ng maanghang," sabi niya pa.

"Bibigay ko na lang sana sa 'yo kapag hindi ko na maubos pero sige, wag na. Ito na lang," sabi ko at kinuha ang bulalo.

Mahinang natawa si Ashton bago pinisil ang pisngi ko nang marahan saglit bago siya kumuha ng cup noodles niya. Namili pa siya tapos 'yung binigay kong Korean noodles din ang kukuhanin niya. Baliw.

Kumuha rin kami ng drinks bago nagpunta sa cashier. Pinainit na 'yung burger matapos magbayad ni Ashton. Hinahanap ko pa 'yung dalawa at nasa labas na pala sila mukhang hinihintay na kami.

"Dalhin mo na 'yung drinks natin tapos hintayin mo 'yung burger mo at mauna ka na lumabas. Ako na ang magdadala nitong cup noodles," sabi ni Ashton.

"Oki," sabi ko at sinunod ang sinabi ni Ashton.

Kinuha ko na ang burger matapos 'yon initin at saka ako lumabas. Nagkukwentuhan na naman 'tong dalawa ng kung ano. Baka mas maging close pa si Leroy kay Mishael kaysa sa mas maging close kami ni Mishael.

Sinamaan ako ng tingin ni Leroy. "Ako nagbayad nito! Palibhasa alam mong kakampihan ka agad ni Ashton. Sa tuwing kinkutyaba ko siyang pag-trip-an ka, nagdadalawang isip pa siya at kung papayag siya, siya rin magso-sorry agad sa 'yo," sabi ni Leroy.

"Nagtatampo ka ba, Leroy? Or nagbibiro ka? Gusto mo sabihin natin 'yan kay Ashton," sabi ko at hindi malaman kung anong hakbang ang gagawin ko kay Leroy dahil sa tono ng boses niya.

"Biro lang! Sira. Nagtatampo-tampuhan nga, 'di ba? Mas malakas ka kay Ashton, e. Pero love rin ako ni Ashton. Mas malakas ka rin naman sa akin kaysa kay Ashton. Kinulam mo siguro kami para mag-benefit ka sa amin dalawa," sabi ni Leroy.

"Baliw! Pinagsasasabi mo. Tumabi ka pa kay Mishael. Baka mamaya lumipat talaga 'yan ng dorm," sabi ko at mahinang natawa.

"Nakakatawa rin kausap 'tong si Leroy, e. Kaso mas laugh trip ka," sabi ni Mishael.

"Ginawa ba naman kaming clown," sabi ko kaya parehas kaming natawa ni Leroy.

Magaan kasi kausap si Mishael kaya siguro nagustuhan din siya ni Leroy. Hindi naman 'yan nakikipagkwentuhan basta-basta unless type niya 'yung lalaki. Mukhang type niya si Mishael pero hindi naman niya 'yan didiskartehan. Sinabi ko namang may jowa.

Pagkarating ni Ashton ay nauna ng kumain ang dalawa dahil rice meal ang sa kanila. Nilantakan ko na lang muna ang burger habang niluluto pa ang cup noodles.

Kung ano-ano lang din ang pinagkwentuhan namin habang kumakain. Tawa lang din nang tawa si Mishael sa mga pinagsasasabi namin ni Leroy.

Nang matapos kaming kumain ay alas-siete na rin. Isang oras din kami nag-stay do'n. Dederetso na rin sina Ashton at Leroy sa dorm nila para magpahinga saglit at para mag-prepare na rin sa pagpasok. Alas-nuebe ang pasok naming tatlo ngayon. Habang si Mishael naman ay mage-enroll na 'pagkatapos niyang maligo.

'Pagkarating namin sa hallway ng floor namin, nangunot ang noo ko nang may nakita kaming middle-aged woman siguro based sa pananamit at hitsura. Nakatayo siya sa harap ng pinto ni Caiden. Baka nanay niya? Kadiri naman kung babae niya 'yan. Susukahan ko na siya sa mukha niya.

Napatingin siya sa amin at kaagad kaming in-approach.

"Hi, by any chance kilala ninyo ba 'yung nakatira rito sa room 205?" sabi no'ng matanda.

Umiling po ako. "Hindi po, e," sabi ko kahit pakiramdam ko ay emergency.

Ayaw ko ng ma-involve sa bwisit na 'yon. Pero kung nanay niya 'to, mukhang mabait naman 'yung nanay niya. Ang layo sa ugali niyang balahura at homophobic.

"Tinatawagan ko kasi siya, hindi sumasagot. Kailangan ko kasing kausapin. Pumunta na ako sa office, kaso ang sinabi lang ay dumeretso na lang ako rito. Kinakatok ko kaso hindi naman sumasagot," sabi niya at bahagyang galit ang tono ng boses.

"Ah. Puwede naman po kayong manghingi ng duplicate key sa office if guardian naman po kayo no'ng nakatira diyan," sabi ko.

"Ay! Pakisamahan nga ako, hijo! Hindi ko na talaga kasi kinakaya sa sakit sa ulo 'tong anak ko. 'Pagkatapos gumastos nang marami kagabi, hindi ma-contact ngayon. Papagalitan ko!" pinandilatan niya pa ako na parang ako 'yung anak niya.

Mukhang hindi pala mabait. Nakakatakot pala. Kanina mahinahon siya, e. Ngayong sinabi niyang anak niya si Caiden, mas napansin ko ang resemblance ng mukha nila. Kaso mukhang ibang lahi 'yung tatay ni Caiden.

"Sige po. Samahan ko po kayo," sabi ko.

"Samahan ko na rin po kayo," sabi rin ni Mishael.

Napangiti naman ang matanda bigla. "Ay nako, napakaguwapong mga bata at matulungin pa. Ang anak ko, guwapo rin, talagang sobrang guwapo. Pero sobrang tigas ng ulo! Puro pambababae ang inaatupag. Nakakasakit sa ulo," sabi ng matanda at bumuntonghininga.

Mahina lang kaming tumatawa ni Mishael bago siya iginiya sa elevator para masamahan na namin siya. May mga gagawin din kami. I can't believe na ginagawa ko 'to para kay Caiden bwisit siya. Kahit tuloy sa nanay niya, uncomfortable ako. Sobrang layo ni Mama dito sa matandang 'to kaya imposibleng maging comfortable ako sa kaniya.

'Pagkarating namin do'n, kinausap niya lang 'yung in charge sa dorm faculty at nakakuha naman siya ng susi matapos niyang magpakita ng ID. Hindi pa siya nakuntento, nagpakita pa siya ng family picture nila. Only child lang pala 'yung tukmol na 'yon. Kaya pala brat. Tigas ng ulo at parang kinulang sa vitamins 'yung utak sa kabobohan.

Sinamahan pa rin namin siya hanggang sa pagbukas niya ng pinto ni Caiden. Kaso hindi niya mabuksan. Nagtaka rin ako.

"Ikaw nga, hijo. Hindi ko mabuksan," sabi niya sa akin bago iniabot ang susi.

Patago akong bumuntonghininga dahil nandidiri ako. Pinto pa lang ng bwisit na 'to, naaamoy ko na 'yung kabobohan niya.

"Ayon, bumukas po," sabi ko nang susiin ko't pinihit ay tumunog ang lock.

Prente ko 'yon binuksan. Para akong nawalan ng kaluluwa nang bumungad sa amin si Caiden na nasa kama at may nakapatong sa kaniyang babae. They're having sex! Putangina. Nakatalikod sa gawi namin 'yung babae at ang mukha ni Caiden ang kitang-kita namin. Nakapikit pa si gago putangina! Hindi namin nakita yung baba dahil nakakumot banda sa ibaba kaya nahaharangan 'yung parteng 'yon.

Hindi niya ata napansin na bumukas na 'yung pinto niya dahil sarap na sarap siya sa pakikipag-sex.

"Victorino!" sigaw ng mama niya.

Mahina akong natawa nang kusa silang napatalikwas dalawa no'ng babae. Mukhang nakapikit din 'yung babae at hindi nila parehas pinapansin ang paligid nila.

Gulat na gulat silang dalawa dahil nakatayo kaming tatlo sa tapat ng pinto niya. Parehas pa silang nagtago sa kumot. Nakaawang pa ang bibig ni Caiden. Nang nagtagpo ang mga mata namin ay nangunot ang noo niya. Mukhang sinasabi ng mukha niya 'anong ginagawa mo rito?'. Nginisian ko lang siya nang mapang-asar bago umiling-iling.

"Wala ka talagang ginagawang tama, Victorino!" sabi ng mama niya.

Napatakip ako sa bibig para mapigilan ang pagtawa ko. Natatawa ko sa sitwasyon niya. Deserve putangina. I can't believe na masasaksihan ko ang isa sa mga nakakahiyang parte ng buhay ng tukmol na 'to. Gusto ko siyang tawanan nang tawanan kaso bago sabunutan ako ng mama niya.

"What are you doing here, ma?" sabi ni Caiden at hinahagilap agad ang damit niya, gano'n din ang ginagawa no'ng babae.

"Kanina pa ako tumatawag! Kinakatok kita rito, hindi ka sumasagot. Tapos may babae ka lang pala at ang aga-aga mong nakikipagkantutan. Kadiri ka, Victorino!" sigaw ng mama niya sa kaniya.

I pursed my lips to stop myself from laughing. Putangina! Gusto kong tumawa. Nakangiwi sa akin si Caiden dahil nakikita niya akong natatawa. Hindi ako aalis dito, para extra hiya factor! Deserve. Muahahaha!

Nakapagdamit na 'yung babae kaso ang pantalon niya ay malayo sa kama kaya baka wala pa siyang suot sa pang-ibaba or naka-panty lang siya. Itong si Caiden ay na-gather niya lahat ng damit niya at nagbibihis siya sa ilalim ng kumot.

"Kagabi pa kita nirereklamo sa tatay mo! Wala kang ginagawa kundi gumastos nang sobrang laki. Tapos ngayon, hindi ka sumasagot sa mga tawag ko!" sabi ng mama niya.

Tumayo na si Caiden nang nakapagbihis na siya. Naka-shorts lang siya at shirt. Ang guwapo niya pero. . . mas natatawa ako. Ni hindi ako nadi-distract ng katawan niya kanina no'ng nakahubad pa siya.

"Ma, don't shout," sabi ni Caiden bago ako binalingan. "And what the fuck are you doing here, gay prick?" singhal niya sa akin.

Wow, siya pa nag-out sa akin kay Mishael. That caught me off guard pero good thing, hindi ko siya lalabanan dahil ang mama niya ang aking pambato ngayon. Wala siyang laban diyan, nanay niya 'yan, e. Nagkibit-balikat lang ako at nginisian siya nang mapang-asar kaya umigting ang kaniyang panga.

"Tinulungan nila ako buksan ang pinto mo!" sabi ng mama niya bago siya hinampas sa braso. "Nakukunsumi na ako sa 'yo, Victorino! Mula ngayon, ipapa-cancel ko na ang credit card mo! Maghanap ka ng trabaho para matutunan mong pahalagahan 'yung pera!" singhal ni mother dear sa kaniya.

Buti nga! Bye night club, hello working-student ka ngayong tukmol ka. Deserve. Putangina mong bwisit ka. Ang satisfying makita! Muahahaha!

"Huwag ninyo na rin bigyan ng allowance, Tita. Para matuto. Gastos nang gastos tapos hindi man lang sumasagot sa tawag mo po," bigla kong paggatong.

"Shut the fuck up, prick!" singhal sa akin ni Caiden pero dinilaan ko lang siya.

"Ay nako! Mabuti pa nga! Kakausapin ko ang papa mo, Victorino. Ang dorm mo lang ang babayaran ko at ang ibang expenses sa school. Matuto kang magtipid, bata ka! Ikaw, babae, ano pang ginagawa mo riyan? Uwi!" sigaw no'ng mama niya.

Nagmamadaling kinuha no'ng babae 'yung pantalon niya at sinuot 'yon. Hindi na siya nagpaalam kahit isa sa amin, basta na lang nag-excuse nang makapagbihis. Natatawa ako!

"Ma, you can't do that. I'll talk to Dad," sabi ni Caiden.

"Heh! Hindi! Kahit kausapin mo pa ang tatay mo. Sasabunutan ko siya kapag pinaburan ka niya," sabi no'ng mama niya.

Bumuntonghininga si Caiden at napapikit. Buti nga. Galit na galit niya akong binalingan ng tingin pero isang sweet like a devil ko siyang nginitian. Umigting ang kaniyang panga at halatang inis na inis sa akin.

"I-confiscate ninyo rin, tita, 'yung iba niyang leisure. Like car kung mayroon. Para matuto po!" gatong ko pa.

Ngiwing-ngiwi sa akin si Caiden. "Putangina mo, bading!"

"Putangina mo rin," sagot ko. Walang magmumura sa akin. No pass.

"Victorino! Bibig mo! Tama siya, dapat mas bawasan lahat ng privilege mo. Hindi ka matututo! Ibabalik ko ang lahat ng 'to kapag natuto ka na!" sabi ng mama niya bago kinuha ang phone niya at mukhang may dinudutdot do'n.

Ngumisi ako at nag-peace kay Caiden. "Deserve," I mouthed.

"Fuck you," he mouthed back.

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

2K 174 14
On the quest to send the arrow that the woman he likes gave him, Cupid meticulously looked for the man who captivated her. Upon taking the shot while...
914K 31.2K 75
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
2.6M 163K 55
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
32.9K 1.7K 76
ONLINE LOVE DUOLOGY #1 An Epistolary (Chat Fiction) Landiang nabuo't nagsimula online, mauuwi kaya sa totohanan?