Raindrops of Astalièr (Tonjua...

By raindropsandstar

2.1K 55 6

Miande Yves Ronoua was sheltered all her life. Not just by wealth but literally by people who were trained to... More

I.IV
Raindrops of Astalièr
first draft
Prologue
ROA 1
ROA 2
ROA 3
ROA 4
ROA 5
ROA 7
ROA 8
ROA 9
ROA 10
ROA 11
ROA 12
ROA 13
ROA 14
ROA 15
ROA 16
ROA 17
ROA 18
ROA 19
ROA 20
ROA 21
ROA 22
ROA 23
ROA 24
ROA 25
ROA 26
ROA 27
ROA 28
ROA 29
ROA 30
ROA 31
ROA 32
ROA 33
ROA 34
ROA 35
ROA 36
ROA 37
ROA 38
ROA 39
ROA 40

ROA 6

26 2 1
By raindropsandstar

Chapter 6

Magagaan ang bawat hakbang ko papasok ng klase, medyo nahuli nga lang ako kaya ako na ata ang pinaka huling dumating. Ngunit hindi pa rin mawala ang ngiti sa labi ko, hindi ko alam pero simula noong weekend ay biglang gumaan ang pakiramdam ko.

Pumasok na ako sa classroom at naroon na nga ang lahat ng kaklase ko, pati si Ma'am Sanchez ay nasa loob na rin. Ngunit mabilis na tumaas ang kilay ko nang hindi ko nakita si Craig sa pwesto niya.

Dahan-dahan akong naglakad sa upuan ako. Nandyan naman ang bag niya kaya ibig sabihin pumasok siya.

"Oy! Miande!" sigaw sa likod ko.

Wala sa sarili akong lumingon sa likod at inilapag ang bag sa mesa. "H-Huh? Bakit?" tanong ko kay Achilles.

"May nakain ka bang chocolate bar noong sabado?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit?"

"Sa plaza, biglang nawala ang chocolate ko. Nilapag ko lang 'yon sa tabi ng inuman ko pag balik ko wala na!" sagot niya, nalimog ang mata ko.

There's no way ibabalik ko sakanya, e binigay na 'yon ni Craig sa akin!

Umiling-iling ako. "W-Wala, wala akong kinuha." tinalikuran ko na siya agad. Baka bawiin niya pa, hindi pwede.

Pero kay Achilles pala 'yon bakit kinuha ni Craig?! Aba't loko.

"I need another one to get the next batch ng books na gagamitin natin!" anunsya ni Ma'am Sanchez sa harap nang matapos siya sa sinusulat niya.

"Sa library po kukunin?" tanong ko agad.

"Oo, Miande. Gusto mo?"

Tumango ako. "Ako na po." nilahad ko ang kamay para makuha na ang listahan ng mga kukunin.

Pumayag naman ito at hindi na ako nag sayang ng oras at pumunta na nga sa library. Pagkarating ko doon ay tahimik akong pumasok, wala pang mga estudyante na nalalagi dito dahil may klase lahat.

Ipinakita ko sa book keeper ang listahan at request ni Ma'am Sanchez bago ko iyon hinanap isa-isa. Pumunta ako sa aisle ng history at ngumisi ako nang madatnan siya doon. Sabi ko na nga ba, nandito ka lang.

Tahimik lang ito na hinahanap rin ang mga librong pinakuha rin sa kanya, sa kamay niya ay may nakapatong na iilang libro. Matatayog ang mga bookshelves dito at hindi basta-basta nakikita ang tao sa loob.

Lumapit ako sa tabi niya, abala pa rin siya sa paghahanap kaya hindi niya ako napansin. Bahagya ko pang inilapit ang mukha sa kanya bago bumulong.

"Hi," bati ko.

Lumingon ito sa gilid niya dahilan para mas lalong magkalapit ang mukha namin, ginawaran ko siya ng matamis na ngiti. Pero katulad ng inaasahan ko, parang wala itong nakita at ibinalik na ang atensyon sa paghahanap.

Wala talagang dating sa kanya ang presensya ko. Ngumuso ako.

"Pinapahanap 'yan ni Ma'am Sanchez?" sinubukan kong gumawa ng pag uusapan namin.

"Yeah." tipid niyang sagot.

"O talaga? Ito rin e!" ipinakita ko sa kanya ang listahan. Akala ko hindi niya papansinin ngunit bahagya akong nagulat nang humakbang siya palapit para mas lalong mabasa iyon, nanliit pa ang mata niya para lang mabas ng mabuti.

Nag salubong ang kilay ko, mas interesado pa siya sa listahan kesa sa akin! Kanina nakita niya ako hindi man lang nag react!

Ilang dipa lang ang layo niya sa akin, at hindi nakatakas sa akin ang matapang at panlalaki niyang pabango. Aircondition pa ang library kaya mas lalong nakukulob ang amoy. Tumikhim ako at iniwas ang tingin, pakiramdam ko biglang namula ang mukha ko.

"Those books are hard to find," komento niya at umatras na.

"Bakit? Sa'yo din? Kaya kanina ka pa dito?" balik ko.

Tumalikod na ito ngunit hinarap ako ulit bago ako tinaasan ng kilay. Nagtataka ko siyang tinignan.

"Guess you're back to normal huh? And how did you know?" there was a hint of suspicion in his tone.

Natigilan ako sandali bago naka isip ng isasagot. "Inaantay kita kanina! Kaso ang tagal mo!" napa lunok ako.

Hinarap niya ulit ako at ginawaran ng malisyosong tingin. "How would you know, late ka naman pumasok?"

Mabilis na nag register sa akin at sinabi niya at ako ngayon ang napa taas ng kilay. "Bakit mo alam?" panghahamon ko.

Kusang naglaho ang malisyosong ekspresyon sa mukha niya at bumalik na sa normal, natigilan ito at parang nahuli sa sariling gawa.

"Hinanap mo ako?" nangingisi kong dugtong.

Imbis na sagutin ako ay tinalikuran niya na ako, "Don't be so full of yourself," tanggi niya.

Ngunit huli na para pigilan ako. Pinagdikit ko ang dalawang labi at pinigilan ang sarili na tumili. Kulang na lang mapunit na ang labi ko sa kakangiti, mukha akong ewan na mag isang nagpipigil ng kilig.

Hindi pa ako tapos na proseso ang nararamdaman ay nagulat ako nang huminto siya sa paglalakad at hinablot ang listahan sa akin.

"Bukas ka pa matatapos kung hindi ka pa maghahanap ngayon." sita niya, malamig at walang kaemo-emosyon ang boses.

Mabilis kong inayos ang sarili at tumikhim. Sumusunod pa rin ako sa likod niya. "Akin na pala para makapag simula na ako—Oh!"

Natigil ang sasabihin ko nang may ipatong itong libro sa kamay ko, hindi pa ako nakakapagsalita ulit ang may kinuha na ito sa shelve at ipinatong ulit sa naunang libro. Naguguluhan ko siyang tinignan. Hinawakan kong mabuti ang mga libro.

Pinanood ko siya, marami nang libro sa iisang kamay nito at nakapatong doon ang listahan ko. Ang isang kamay niya ang kumukuha ng ibang libro at ibinibigay sa akin. Patuloy ito sa paglalakad habang naghahanap at naka sunod lang ako sa likod niya.

Para akong may nalunok na kung ano at nagpatahimik sa akin. Pinapanood ko lang ito sa ginagawa at hindi mapigilan ng puso ko ang pag kabog nito. Kumalat ang init sa dibdib ko at kinagat ang ibabang labi.

"Nothing else?" bumaling na ulit siya sa akin nang mukhang natapos na siya sa mga hinahanap.

Tumango-tango ako sa kanya.

"Then, let's go back." yaya niya.

Tahimik na kami pagbalik namin, ayoko na rin masyadong guluhin ang umaga niya dahil baka mapikon nanaman siya sa akin.

Nagsimula na ang klase namin, at nabusy na rin ako. Nitong mga nakaraang linggo ay hindi ako masyadong maka pokus sa pag aaral dahil wala akong gana at lakas, kaya ganado na ako ngayon at malinaw na rin ulit ang utak ko.

Maliban kay Craig, pag aaral na rin siguro ang isa sa mga hilig ko na nagpapasaya sa akin.

Lunch break na nang matapos ako sa ginagawa, niligpit ko lang ang mga gamit ko at naglabasan na rin ang ibang mga estudyante. Kinuha ko na ang lunch bag ngunit laking gulat ko nang makitang wala si Craig sa pwesto niya.

Umalis siya?! Paano ang lunch namin?

Lumabas na rin ako ng klase para hanapin ito, dumaan ako ng library dahil baka doon siya dumiretso at wala nanamang balak kumain pero walang tao doon. Kaya ang bagsak ko ay pumunta sa cafeteria, papatulong na lang siguro akong ubusin 'to kela Thione.

Naglalakad na ako palapit nang manliit ang mata ko at makita ang kanina ko pa hinahanap. Dalawang lalaki ang kausap nito sa mesa, si Craig lang ang nakatayo at seryosong nakikipag usap. Hindi ko kilala ang mga kasama niya, bago niyang kaibigan?

Bago ko pa masagot ang sariling tanong ay kusa na lang na gumalaw ang mga paa ko at tumungo sa kanya, naririnig ko na ang pinag uusapan nila at puro chemistry at biochemistry.

Hindi pa ako nagsasalita o gumagawa ng paraan para makuha ang atensyon nila, nang mapansin na ako ng isang kasama nila. Nanlaki pa ang mata nito at parang nakakita ng multo.

"M-Miande..." gulat niyang sambit.

Kahit nagtataka sa reaksyon niya ay nginitian ko siya ng matamis.

Dahil doon ay natigila ng usapan nila at mabilis na bumaling ang mata sa akin ni Craig, kumunot ang noo niya nang makita ako.

Hinarap pa ako ng isang kausap nila. "O?! M-Mainde..." parehas na reaksyon ng dalawa.

Naguguluhan ako sa kanila, ni hindi ko alam kung bakit kilala nila ako.

Palipat-lipat ang tingin ni Craig sa akin at sa ibang kasama. Binigyan ko siya ng tingin na parang sinasabi na wala rin akong naiintindihan sa nangyayari.

"Hi," bati ko sa kanila para mawala ang tensyon, hinarap ko na si Craig at ipinakita sa harap niya ang dala. "Lunch mo." dugtong ko.

Sandali siyang hindi sumagot, kahit ang mga kasama niya ay natahimik.

"N-Nagmemeeting ba kayo? Pwede ko naman 'tong iwan dito at–"

"No, let's go." putol niya sa akin at nagsimula nang maglakad.

"Let's talk later," paalam nito sa mga kasama, ngumiti na lang ako sa kanila ulit bago sinundan si Craig.

"Sino ang mga 'yon?" tanong ko sa gilid niya nang mahabol ko siya.

"You don't know them? They know you..."

Ngumuso ako. "Oo nga, hindi ko rin alam bakit nila ako kilala. Hindi ko alam ang mga pangalan nila."

"You should've asked then," he spat.

"Oo, next time na lang." pagsang ayon ko, mabilis ang lakad niya kaya ganun rin ako.

Ngunit bigla na lang siyang tumigil sa paglalakad kaya muntik na akong mabunggo sa likod niya, mabuti na lang malakas ang preno ng paa ko!

Halos habulin ko ang hininga nang maglakad ito ulit ng walang pasabi at mas mabilis na sa kanina.

"Ayos ka lang?" tanong ko pa.

"I'm just hungry." malamig niyang sagot at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.

"E, umalis ka kasi agad. Hinanap pa kita para lang ibigay 'tong lunch mo." reklamo ko. Gutom na pala kung saan-saan pa pumupunta.

Naka sunod pa rin ako sa kanya hanggang sa umabot na kami sa garden sa likod lang ng building namin. Ang malalaking puno ang nagsisilbing harang dito sa init kaya mahangin.

"Malay ko bang may balak ka pang magdala ulit, akala ko nakalimutan mo na." bulong-bulong niya pa kahit naririnig ko naman.

Umismid ako. "Last week lang 'yon, nagpahinga lang ako. Kaya nga may dala na ako ulit ngayon, hindi pwedeng nagugutom ang mahal ko—" natutop ko ang sariling bibig.

Gulat akong sumilip sa kanya, napahinto siya sa paglalakad at tahimik akong tinignan. Ilang beses pa akong kumurap-kurap dahil sa sariling sinabi.

"T-Tamang-tama! Ang ganda dito! Dito na lang tayo." pag iiba ko at tinuro ang sementadong mesa at upuan.

Nilampasan ko siya para pumunta na roon at ipinatong ang bag sa mesa. Sumunod naman siya sa akin at hindi na nag komento sa sinabi ko. Gusto kong sampalin ang sarili, kung ano-anong nadudulas sa bibig ko!

Nilabas ko na ang mga pagkain para maka kain na rin kami.

Sa harap namin ay ang malawak na field at sa kabilang dulo ay ang court rin, kung saan kami mahilig tumambay nila Thione at Achilles.

"Sino nga pala 'yong mga kasama mo kanina?" basag ko sa katahimikan dahil nabibingi na ako sa sobrang tahimik.

Hindi naman halata na walang kainteres-interes sa akin ang kasama ko.

Huminto siya sa pagkain. "My teammates."

Tumingin ako sa kanya na may pagtataka. "Saan?"

"Science competition. Mga kasama kong mag review."

Tumango-tango ako. "Kailan simula ng review niyo?" usisa ko.

"Mamayang uwian."

"So, malalate ka na ng uwi niyan?"

"Oo, maybe an hour late."

"Gusto mo samahan kita?" presenta ko, nagsalubong ang kilay niya at umiling. Nagpatuloy na rin siya sa pagkain.

"I have company, no need." tanggi niya.

"Nag alok lang ako, baka lang gusto mo akong makasama." pagbibiro ko.

Nasira ang mukha niya at umiling-iling na lang, uminom na siya ng tubig.

"Ano nga pala mga pangalan nung mga kasama mo?" tanong ko ulit.

Ginawaran niya ako ng tingin at inilapag ang water bottle sa mesa. "I thought, you'll ask them next time?" taas kilay niyang sambit.

Nagkibit balikat ako. "Pwede mo rin naman na sabihin ngayon, para hindi na ako mapagod." sarkastiko kong sagot.

Iniwas niya na ang tingin sa akin at nilipat iyon sa malawak na field. "What's even the need of asking for their name?" utal niya sa hangin.

Kumunot ang noo ko sa inaakto niya. "Para alam ko silang nahapin kung sakaling hindi ka pa makakauwi agad. At least alam ko kung sinong kasama mo."

Hinarap niya ako ulit at makahulugan akong tinignan.

"B-Baka kasi hanapin ka ni Achilles... o kaya may mangyaring hindi maganda sayo. Mabuti ng safe..." bawi ko agad.

Nagtutunog girlfriend na pala ako ng hindi ko namamalayan.

"No need. I'll go home right after my review." mabilis niyang pinutol ang usapan namin.

Bumalik na rin kami sa klase agad dahil sandali na lang ang naging oras namin para kumain, hindi ko rin namalayan ang oras at nag uwian na din ng hapon.

Lumabas ako agad ng klase para pumunta sa cafeteria.

"Manang, isang energy drink po." bili ko.

Nilagay ko ang energy drink sa bag bago naglakad papunta sa training room. Dito kadalasan ang review center ng mga estudyante kapag may ilalaban. Alam ko dahil lagi rin ako dito kapag may kailangan paghandaan na competition.

Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at ngumiti ako nang maabutan doon ang kararating na si Craig. Inilapag niya na ang bag sa mesa at umupo sa puting monoblock.

Naroon na rin ang dalawang lalaking kausap niya kanina, kung sinabi niya lang ang mga pangalan nila e'di kilala ko na rin sana sila.

Tumikhim ako bago pumasok, agad na napunta sa akin ang atensyon noong isang kasama niya.

"Miande? May kailangan ka ulit?" tanong nito.

Luminga sa direksyon ko si Craig, inilapag niya ang cellphone sa mesa.

Umiling-iling ako. "Wala, ibibigay ko lang 'to."

Inabot ko kay Criag ang energy drink, akala ko hindi niya tatanggapin dahil tinignan niya lang ito. Pero naka hinga rin naman ako ng maluwag nang kunin niya iyon sa kamay ko.

"Fighting! Kaya niyo 'yan!" pang checheer up ko.

"Salamat, Miande!" sagot sa akin noong isa.

Ngumiti ako sa kanya. "Sige, alis na ako. Baka naaabala ko na kayo." paalam ko at umatras na.

Tahimik lang si Craig na pinapanood ako, naglakad na ako palabas at sinara ang pinto. Hinawakan ko ang dibdib na sobrang lakas ng kabog.

First time kong magbigay ng inumin sa taong gusto ko!

Palaging ako ang nakakatanggap ng mga ganun, ang hirap palang gawin. Nakakakaba pala.

Pinilit kong ikalma ang sarili bago naglakad na paalis. Uuwi na ako. Nauubos ang lakas ko kapag nasa paligid si Craig!

"Miande." tawag sa akin.

Natigil ako sa paglalakad nang salubungin ako ni Ma'am Altarez.

"Po?"

"Pwede mo ba itong ibigay kela Craig? Nasa training room lang sila, nagmamadali ako kaya pasuyo na lang ha? Salamat!" iniabot niya sa akin ang makapal na printed papers.

Sapilitan ko itong tinanggap para hindi mabitawan, niyakap ko ito. Mga modules ata 'to para sa pagrereview nila.

"M-Ma'am..." tawag ko pa pero nakalayo na ito.

Kinagat ko ang ibabang labi ang bigo na umikot para maglakad pabalik. Sabi ko tama na muna ang exposure ni Craig sa akin ngayong araw, pero makikita ko siya ulit!

Nang makalapit ako ay dahan-dahan kong pinihit ang doorknob para sana hindi sila maabala, ngunit kusang huminto ang kamay ko nang marinig ko ang pangalan ko.

"Kayo na ba ni Miande? Craig?" tanong noong isang lalaki.

Para akong natuod sa kinatatayuan.

"Anong sila? Tignan mo nga sinong wallpaper ni Craig sa laptop niya, si Isabel pa rin!" sagot noong isa.

"Ano 'yon? Close lang kayo ni Miande?"

"She's just a friend." boses na iyon ni Craig.

Totoo naman iyon pero parang may bumara sa lalamunan ko.

"Wag mo nang tanungin kung may bagong girlfriend si Craig, alam nating hindi pa siya nakaka move on sa ex niya." komento ulit noong isa.

Para akong namanhid sa kinatatayuan. Humigpit ang hawak ko sa doorknob at kusang huminto sa pagproseso ang utak ko.

Wallpaper niya pa si Isabel?

Gusto kong matawa. Ano pa bang inaasahan ko, e mahal na mahal niya 'yon.

"Mahal mo pa? Mahal na mahal?"

"Yes,"

Muntik akong mabuwal sa kinatatayuan. Kumalabog ng malakas ang dibdib ko at para akong tinakasan ng lakas. Sa sobrang taranta ko ay inilapag ko na lang sa harap ng pinto ang module at lumakad na paalis.

Lutang ako at halos tumakbo na papuntang parking. Nagsimulang magkakera ang puso ko at nanghihina ang mga tuhod ko.

Alam ko naman. Matagal ko nang alam. Himala na lang kung iba ang isasagot ni Craig. Pero iba pala pag narinig ko mismo mula sa kanya.

Ilang taon na ang lumipas. Ilang taon na simula noong iwan siya ni Isabel. Nakita ko kung paano siya nawasak noong nagmamakaawa siya sa babaeng iyon.

Natitiis ko naman dati. Kaya ko pang dalhin at itago dati na naaapektuhan ako. Pero iba na ngayon, hindi na ngayon.

Patuloy ako sa paglalakad, bawat hakbang ko ay pabigat ng pabigat ang damdamin ko. Naiyukom ko ang kamao.

Parang tinataga ang dibdib ko, nanlalabo ang mata ko papunta sa sasakyan.

Masakit pala. Alam ko namang hindi niya ako gusto, o hindi niya talaga ako magugustuhan. Nilinaw ko naman sa kanya na wala siyang kailangan gawin, na hayaan niya lang ako dahil mawawala rin ito.

Kasi akala ko mababaw palang. Seryoso man, pwede pang magbago. Pero mali ata ako. Huli na ata ang lahat para bawiin pa.

Ako 'yong nandito. Ako ang kasama niya. Pero iba ang gusto niya.

Alam ko naman iyon. Pero bakit ang sakit?

"Miande? May nangyari ba—"

Hinarang ko ang kamay para pigilan si Joffrey sa paglapit, dire-diretso ako sa pagpasok sa loob ng van. Itinakip ko ang kamay sa mukha. Narinig ko ang pagsara ng pinto.

Nasasaktan na ako. Mahal ko na ata si Craig.

Continue Reading

You'll Also Like

4K 283 54
2/5. Band Series #2. Completed. Strumming the pain like a guitar, hoping it will build a music of love.
1.1M 29.1K 41
While moonlighting as a stripper, Emery Jones' mundane life takes a twisted and seductive turn when she finds herself relentlessly pursued by reclusi...
2.7K 131 33
Corjana Poline Selandez took an oath to herself that she'll never indulge in any kind of romantic relationship and won't ever grow passionate feeling...
10.9M 251K 60
𝐅𝐫𝐨𝐦 𝐄𝐧𝐞𝐦𝐢𝐞𝐬 𝐭𝐨 𝐋𝐨𝐯𝐞𝐫𝐬 Enzo Mariano is known for being nothing but ruthless. He is feared by all in the Italian mafia. He kills on...