Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

926K 31.8K 20.9K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 23

9.9K 349 14
By JosevfTheGreat

Chapter 23: What's Coming?

#DittoDissonanceWP

hello, sorry sa late update. nagkasakit kasi ako sorimasen. pero ito na, enjoy! bukas ang chapter 24! 

don't forget to vote, thank you!

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Nakahinga ako nang maluwag nang tumayo na ang grupo nina Caiden para umalis. Tiningnan ko siya pero hindi na siya tumingin ulit pabalik. Samantalang kanina, tingin siya nang tingin. Nare-realize na ba niya 'yung sinabi ko kanina? Mabuti 'yan. Maging mabait na siya sa ibang tao. Kahit 'wag na niya ako kaibiganin, i-apply na lang niya sa iba 'yung sinabi ko.

Nakakainis lang na hindi niya magawang maging mabait sa ibang tao. Akala niya siya lang nakakaranas ng hirap sa buhay para gawin niyang excuse 'yon to be rude to anyone. Meron din kaming problema, accla. Feeling main character talaga 'yon lalaking 'yon, e. Kung pa-main character kami ni Leroy, first honor 'yung bwisit na 'yon.

Sana sa susunod na mga araw, hindi na lang din kami talaga magpansinan dahil hindi ko siya papansinin. I-ignore ko siya palagi. Para tumigil na rin siyang buwisit siya.

'Pagkatapos namin kumain ni Mishael ay nagpunta kami sa tiangge para bumili siya ng coin purse. Madalas din siya mag-phone. Inu-update siguro jowa niya. Wala namang chat sa akin si Mama or sina Leroy. Baka nagpapahinga na 'yung dalawang 'yon.

Inaya pa ako ni Mishael maglibot at sumakay sa rides kaso tumanggi ako dahil kailangan ko na rin umuwi. May mga gagawin pa ako at matutulog na ako nang maaga dahil may pasok bukas. Alas-nuebe pa ang unang klase ko. Sana lang walang biglaan na meeting sa org na 'yan, please lang putangina. Bwisit kasi naging president pa. Dagdag responsibilidad. Talaga naman, oo!

Pasado alas-nuebe na rin nang nakabalik kami sa university. Nagtatawanan pa kami ni Mishael dahil sa kinikwento niya habang naglalakad kami pababa sa elevator, nang bigla akong nagulat dahil nadatnan naming nakaupo sa hallway sina Ashton at Leroy.

"Anong ginagawa ninyo diyan?" sabi ko at gulat na gulat pa rin.

Tumayo na sila. Ngumiwi naman si Leroy sa akin pero binalingan din si Mishael.

"Hello, Mishael," sabi ni Leroy.

"Hi. . . hinahanap ninyo si Zern? Kumain lang kami. Tinupad ko lang 'yung pangako kong libre kasi tinulungan niya ako kahapon mag-unpack," sabi ni Mishael at mahinang tumawa.

"Oo, aayain namin lumabas. Wala kaming magawa ni Ashton, e. Kaya guguluhin namin ang nananahimik na buhay ni Zern," sabi ni Leroy at ngumiti sa akin nang nakakaasar.

I hissed silently. "Marami akong gagawin, Leroy. Dalawang activity. Inaya pa nga ako ni Mishael maglibot sa perya, kaso inaya ko na siya umuwi. Kayo na lang ni Ashton, mukha namang magka-club kayo," sabi ko.

"Kahit tumanggi ka nang one hundred times, isasama pa rin kita. Hintayin ka namin ni Ashton matapos 'yung activity mo," sabi ni Leroy at mas nilawakan pa ang mapangasar niyang ngiti.

Nakikitawa lang si Mishael kaya bigla ako nahiya dahil lalabas na 'tong kabadingan ni Leroy. Hindi ko ma-trash talk dahil maririnig ni Mishael. Nababaliw na naman 'tong si Leroy at panigurado dinamay niya lang si Ashton.

Pinapasok ko na si Mishael kaya nagpaalam lang siya saglit kina Leroy. 'Saka ko naharap nang maayos 'tong bading na 'to. Hindi na naman kasi talaga ako titigilan nito! Gusto ko rin mag-club pero may mga kailangan akong gawin tomorrow. Maghahanap din ako ng work after class.

"Baliw ka talaga, 'no?" madiin kong bulong kay Leroy at inambahan siya ng kutos.

Mahina siyang tumawa. Mas lalo ko siyang sinamaan ng tingin nang mas pinatunog niya 'yon na nang-aasar.

"Dali na! Papayag ka bang wala kang naka-hook up kahapon?" sabi ni Leroy at ngumuso sa akin.

"Oo, payag ako. Kaya umalis na kayo ni Ashton dahil gagawa pa ako ng activities ko at matutulog na ako. Alas-nuebe 'yung pasok natin bukas, bading. Kaya matulog ka na rin kung ako sa 'yo," sabi ko.

"Ano naman? Kaya ko naman gumising nang maaga kahit lasing ako, kaya rin ni Ashton. Alas-nuebe rin 'yung pasok niya bukas. At saka ang boring kasi! Tapusin mo na activity mo tapos tara na!" sabi ni Leroy at pumwesto sa likuran ko para itulak ako sa magkabila kong balikat.

Napabuntonghininga ako bago binuksan ang pinto. Wala si Mishael do'n, baka nasa CR. Mabuti naman nakapaghubad na siya bago kami pumasok. Dahil mas lalong hindi aalis 'tong si Leroy kapag nakahubad 'yon si Mishael.

Naiinis kong nilingon si Leroy na ngayon ay prente nang nakaupo sa sahig at nakangiti sa akin nang nakakaasar. Habang si Ashton ay nangingiti lang habang nakatingin sa akin. Ang hirap naman kasing i-decline nito ni Leroy dahil hindi talaga niya ako titigilan hangga't makuha niya 'yung gusto niya.

"Hindi kami aalis dito hangga't hindi ka sumasama," sabi ni Leroy.

I hissed and sighed deeply. "May mga iniisip pa akong ibang bagay, Leroy. Tumawag si Mama sa akin kanina, pinaghahanap niya ako ng work. Bukas maghahanap ako ng work. Papasok din ako. Paano kung may need pang gawin sa subject natin bukas, or biglang may meeting sa org ako pa naman 'yung president," sunod-sunod kong sabi.

"Tutulungan kita maghanap ng work bukas. Ano ka ba? Kasama mo kami ni Ashton. 'Wag mo masyadong sino-solo 'yang mga iniisip mo, Zern. At hindi ka namin iiwanan dito na nase-stress tapos kami nagsasaya. Kung magsasaya kami, dapat nagsasaya ka rin," nakangusong sabi ni Leroy at seryoso siya ro'n dahil nawala na ang ngiti niya.

Napapikit ako at napaupo sa upuan ng study table ko. Napasapo ako sa noo ko at marahang hinilot ang pagitan ng kilay ko. Hinahabol ko ang hininga ko sa biglaang frustration na naramdaman ko. Putangina talaga. Hindi ko ma-process nang maayos 'yung sinasabi ni Leroy. Hindi ko magawang magsaya kung may inaalala akong mga gagawin. Malandi lang ako pero hindi ako pabaya. Hindi ko puwedeng pabayaan 'yung perang pinapaaral sa akin.

"Leroy, naiintindihan kita. Salamat. Pero pass muna ako, please? Gusto ko rin. Gusto ko na rin makipag-make out. Nami-miss ko na rin talaga malasing din nang sobra at may makasamang. . . lalaki," sabi ko at hininaan ang huling salita kong sinabi dahil baka marinig ni Mishael.

Napasimangot si Leroy. "E 'di hindi na lang din kami aalis ni Ashton. Dito na lang kami hanggang sa matapos kang gumawa ng activity mo. Tapos bili tayo ng ice cream mamaya habang naglalakad bago magsitulog," sabi ni Leroy.

Unti-unti na akong natawa nang mahina. Gusto talaga nila ako kasama.

"Angel ka diyan, Ler," sabi ko at napahalakhak na.

Ngumiwi siya sa akin. "Mas angel ka diyan, beh. Studying era ka," sabi ni Leroy at humalakhak din.

Nagtawanan kaming tatlo. At itong OA na si Leroy, mas nilakasan 'yung tawa niya at pinilit pang tumawa nang tumawa para kunwari laugh trip kaya unti-unti kaming napatigil sa pagtawa ni Ashton at sabay namin nginiwian si Leroy pero wala siyang pakialam. Itong bading na 'to. Harot! Jusko.

"Hindi na nakakatawa, Leroy. Ang OA mo na. Naka-activate na naman 'yang OA emotion mo. Saint Joy of Happiness paki-control na si Leroy," sabi ko at nag-iwas na ng tingin para makapagsimula na rin ako. Kung iintindihin ko si Leroy, baka palabasin ko na lang siya.

Binuksan ko na ang laptop ko para i-check kung ano ba 'yung dapat gawin. Magdo-drawing ng basic shapes pero may shadow, at 'yung isa ay anong ine-expect sa subject. Ine-expect kong sana walang maraming activities putangina. Ine-expect kong sana pinatay ninyo na lang ako. Dahil panigurado tatadtarin kami nito ng activities.

Napakunot ang noo ko nang naalala kong kaklase ko si Leroy kaya nilingon ko siya na ngayon ay abala sa phone at nakahiga pa sa sahig.

"Hoy, Leroy. Makaaya ka ng club, tapos ka na ba sa activity?" singhal ko sa kaniya.

He chuckled. "Pinagawa ko kay Gregory. Crush ako no'n, e," sabi ni Leroy at nakatingin pa rin sa phone niya.

I hissed. Ang duga! May taga gawa. Marami kasing nilalandi 'tong si Leroy kaya maraming connections. Kahit straight nagkakagusto sa kaniya 'pagkatapos niyang makipag-make out. Ako, no. No to straight. Hindi ako katulad ni Leroy na kayang mag-hold ng vain na tao at idle na usapan.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa paggawa ng activities. Natapos na rin si Mishael maligo at buti na lang ay nakabihis siya bago lumabas ng CR. Naririnig naman niya kaming nag-uusap kaya alam niyang pinatuloy ko sina Leroy. Nakipagkwentuhan si Ashton kay Mishael habang si Leroy ay abala lang sa phone niya. Himala! Akala ko type niya si Mishael. Naka-off ata ang pagiging malandi niya.

Bandang alas-onse nang natapos ko ang activity. Nagunat-unat pa ko bago nilingon ang mga kasama ko. Nakahiga na si Mishael at mahimbing na ang tulog. Habang si Ashton ay naglalaro sa phone niya at si Leroy ay tulog na rin sa sahig.

Napatingin sa akin si Ashton, mukhang tapos na ang nilalaro niya. Ngumiti siya sa akin, "Tapos ka na?" tanong ni Ashton.

Tumango ako at muling bumuntonghininga. "Ang sakit sa likod," sabi ko at mahinang natawa.

"Tulog na si Leroy. Tayo na lang mag-ice cream?" sabi ni Ashton at ngumisi nang nakakaloko dahil magagalit si Leroy kapag iniwanan namin siya.

"Kanina pa ba siya tulog?" sabi ko.

Tumango si Ashton. "Oo, nakalipat na nga 'yan ng pwesto. Baka magalit kapag inistorbo natin," sabi ni Ashton.

Ngumuso ako at umiling. "Hindi 'yan. Hinintay niya ako, e. Gisingin natin tapos itanong natin kung gusto niya pang sumama," sabi ko kaya tumango si Ashton at siya na ang nagtapik sa hita ni Leroy.

"Leroy, sasama ka pa ba?" sabi ni Ashton sa banayad na boses.

Mabilis na nagising si Leroy at napaupo agad. Tumango si Leroy at nilingon ako.

"Tapos ka na?" inaantok na sabi ni Leroy.

Tumango ako. "Oo, antok ka pa?" sabi ko.

"Oo. Kayo na lang ni Ashton. Dito na lang ako matutulog, Zern. Tabi tayo," sabi ni Leroy at humiga na sa kama ko.

I hissed silently. Hindi siya humiga sa kama ko dahil galing siya sa labas tapos ihihiga rin pala sa kama ko 'yung pinanlabas niya. Pero pinabayaan ko na, baka wala na siyang lakas para bumalik sa dorm niya.

Kinuha ko ang susi. Nagsuot din ako ng hoodie bago kami lumabas ni Ashton. Tahimik na ang labas pero may mga iilan pa ring naglalakad. Malamig din ang simoy ng hangin.

"Are you okay, Zern?" sabi ni Ashton kaya nilingon ko siya.

Tumango ako. "Oo, nase-stress lang ako kanina. Nao-overwhelm ako sa biglang aya ni Leroy. Masyado na akong maraming natanggap ngayong araw na stress. Hindi ko kayang magsaya kahit gaano ko pa nami-miss 'yung MOMOL na 'yan," sabi ko.

Mahinang natawa si Ashton at saka ginulo ang buhok ko kaya mahina rin akong natawa habang nakakunot ang noo sa kaniya.

"Don't be too stressed. Marami pa tayong club nights ni Leroy. At as much as possible, ayaw ko kayong nase-stress masyado ni Leroy," sabi ni Ashton habang tuwid ang tingin sa mga mata ko.

Napangiti ako at tumango-tango. "I know," I said softly.

Tinitigan niya pa ako bago ngumiti pabalik at saka nag-iwas ng tingin. Kaya nag-iwas na rin ako ng tingin. Bumuntonghininga siya.

Yeah, he's right. Hindi dapat ako ma-stress gaano sa mga ginagawa ko. Kasisimula pa lang ng semester. At kung anuman ang naging eksena namin ng bwisit na Caiden na 'yon, hindi ko na 'yon dapat iniisip masyado. Or mas maganda, 'wag na talaga. Hayaan ko na lang siya. Wala naman akong magagawa kung gano'n talaga 'yung utak niyang may tuktok at amag. Hindi naman talaga mawawala 'yung mga homophobic sa mundo. Masyadong boring 'yung buhay nila kaya gumagawa sila ng something to laugh about.

They think it's cool to tell other people their hatred. But it's not cool, it's boring and too vain. Pero ano bang bago sa mga lalaki. Gano'n naman karamihan sa kanila.

At isa pa, makakahanap din ako ng work para magkaroon ng extra money. Ayaw kong ibigay kina Mama masyado 'yung bigat kung kaya ko naman makatulong. At itong wantusawang plates ko, ginusto ko 'to putangina. Ayan Archi ka pa bading. Ayan deserve mo ng mga plates pota ka. Deserve. Buti nga. 'Saka ko kini-question 'yung sarili ko sa napili kong program kung kailan malayo na ako. Parang tanga lang.

Napabuntonghininga na lang din ako habang naglalakad kami ni Ashton. Hay buhay. Putangina talaga. Sana kayanin ko 'tong sem na 'to. Kasi kung hindi, magpapaalipin na lang ako sa mayaman. I can bark naman. Chariz. 

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
9.4K 342 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...