Somewhere In The Haze (Aloha...

By Ceulinks

122 5 0

A woman from a wealthy family, who owns a beach resort named "Tropicana Resort", is not interested to love. H... More

DISCLAIMER
SIMULA
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 25

Kabanata 24

0 0 0
By Ceulinks

Umupo ako sa swivel chair ko at pinagtuonan ng pansin ang mga dokumentong pinapaayos sa akin ni Lolo. Napaangat ang tingin ko sa pinto nang may kumatok. Sumilip iyon at nakita ko naman ang lalaking staff.

"Good afternoon, Ms. Foundress. May dumating pong package para sa 'yo," sambit niya kaya tinanguan ko ito.

"Pakilagay nalang riyan," tugon ko.

Sigurado akong dress na naman iyon galing kay Mommy para sa susuotin ko sa Fashion Show. Hindi ko muna iyon binigyan ng oras at inabala ang sarili sa mga dokumentong nasa harapan ko.

"Yes, we should create captivating teasers and trailers for each shows," pakikipag-usap ko sa Marketing Manager sa telepono.

"Makakaasa po kayo, Miss Foundress."

Marami ang natanggap kong tawag mula sa Team, nalaman kong may darating na isang modelo galing sa Maynila para maging partner ko sa photoshoot.

"Mapapaaga po ang dating niya rito kaya nagpahanda na kaagad kami ng hotel room para sa kanya, Miss Foundress."

"Good to know, take care of him until everything's done."

Nang matapos ako sa ginagawa ay pumunta na ako sa sofa para buksan ang package. Nakalimutan ko pa ang cutter kaya bumalik ulit ako sa lamesa. Sandali kong tinitigan iyon. I tried to open the box but it's too hard to open it! Halos mapamura nalang ako nang aksidente ko pang mahiwa ang daliri ko gamit ang cutter. Nagtungo ako sa lamesa at tumawag sa hotel para mag-request ng first aid kit.

"Pakidala nalang dito sa office ko." Dagdag ko rito.

Hindi ko pa nakikita ang itsura ng bistida dahil hindi ko pa nabubuksan ang box. Naghintay lang ako ng ilang minuto bago may kumatok sa pinto.

I cursed when Timoteo entered my office with the first aid kit. Siya na naman?!

"What happened?" Bungad niya kaya napataas ang kilay ko.

"What are you doing here?" I gave him an irritated look.

Wala akong ibang maramdaman kundi nag-uumapaw na inis. Bakit siya ang narito? Lagi nalang siya ang bumubungad sa akin! Hindi niya ba talaga ako tatantanan!

"Akina-" Akmang kukunin ko na sa kanya ang kit nang ilayo niya ito sa ‘kin.

I glared at him when he didn't look at me. Lumapit siya at umupo sa lamesang kahoy na nasa harap ko. Tinapunan ko siya ng tingin at napansin kong tinitignan niya ang daliri kong nasugatan saka niya ako binalingan.

Napalunok ako. His hands reached out for mine. Napansin niya siguro ang pag-iwas ko kaya sinamaan niya ako ng tingin. Hindi rin nagtagal ay hinayaan ko siyang gamutin iyon. He delicately cleaned the wound.

Napabuntong hininga ako at iniwas ang tingin roon. Nilagyan niya ng bandaid ang index finger ko at hindi ko naman maiwasang magpakita ng reaksyon.

"Huwag mong basain," malamig niyang sabi.

Napakagat ako sa pang ibabang labi ko nang marinig ang boses niya at marahan akong tumango bago binawi ang kamay ko.

Inaasahan kong aalis na siya ngunit tumayo siya at umupo sa tabi ng inuupuan ko. Kinuha niya ang cutter at binuksan ang box. Nang mabuksan ay inangat niya ako ng tingin at nagsalita.

"Don't hesitate to reach out for me if you need anything, Nayumi." He said.

Tila hindi ko na makontrol ang galit ko at nabuga ko na sa kanya ang usok.

"I don't need anything from you, Timoteo. Hindi ikaw ang inutusan kong gumawa nito kaya bakit ikaw ang narito?"

Hindi ko alam kung saan ko namana ang pagiging masakit magsalita pero hinayaan ko nalang din ang sarili kong sabihin iyon sa harap niya. Nakakunot ang noo niya ngayon parang naiinis na hindi ko maintindihan. Umiwas ako ng tingin at napansin ko ang pagtayo niya.

"Babalik na ako sa opisina ko, nasa kabila lang. Tawagan mo ako kapag kailangan mo ng tulong rito, hindi ka na iba sa akin." Dagdag niya.

Parang may kung anong tumama sa puso ko dahil sa sinabi niya. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako roon. Hindi narin ako iba sa kanya? What do you mean, Timoteo?

Sinundan ko siya ng tingin paglabas niya. Hindi naman gaano kalaki ang sugat ko kaya nagawa ko paring ipagpatuloy ang trabaho.

Dumating ang araw ng Fashion Show, marami ang mga guests na nag-iikot sa buong Tropicana, ang mga empleyado ay masyadong abala dahil rito.

"Good evening, Ms. Foundress!" Bati sa akin ng empleyado.

Kakapasok ko lang sa white house. Naroon na ang  buong team at mga model sa loob. Marami ang bumati sa akin at pinuri ako dahil sa ayos ko ngayon.

I was wearing a gold hawaiian dress, that perfectly captured the essence of tropical paradise. The dress was a vibrant explosion of other colors, adorned with beautiful floral patterns that seemed to dance across the fabric.

My hair is in a clean bun, it was moothly gathered at the nape of my neck, creating a sleek and controlled silhouette.

"Ang ganda ni Ms. Foundress." Rinig kong sambit ng lalaking staff, katabi niya si Ms. Morgana, the Head of Housekeeping.

May dalawang stylist na sumalubong sa akin, nginitian ko ang mga ito.

"Ms. Foundress you look stunning! Hinihintay po kayo ni Mr. Valenciaga sa backstage." Bungad niya.

Sinamahan nila ako patungo roon, nakita ako ni Lolo at ni Ms. Maricar kaya agad nila akong sinalubong.

"Ang ganda mo talaga Ms. Foundress!" Ms. Maricar said.

Ngumiti ako sa kanya. Marami ang tao rito sa backstage, karamihan ay mga models ngunit hindi naman nagkakagulo o nagka-cramming ang mga tao.

Hindi naman nakaiwas sa paningin ko si Timoteo na tinititigan ako. I'm not sure if sa akin talaga ang tingin niya dahil nakikipag-usap siya sa isang director.

The man confidently strutted into the room, sporting a charming and relaxed look with his choice of attire a vibrant Hawaiian shirt and a white shorts. The background of the shirt was adorned with a lively pattern of exotic flowers, and palm trees.

Naglakad siya papunta sa pwesto namin. Hindi maalis ang tingin niya sa akin ngunit hindi na ako nag-isip tungkol roon. Kinausap ko nalang si Lolo.

"Are you excited?" He asked me. Ngumiti ako sa kanya at tumango.

"I'm always prepared, Lolo." I playfully said.

Umiling-iling ito na parang natutuwa sa sinabi ko. Nilingon ko si Timoteo nang tawagin niya ito.

"Gusto kang kausapin ng Director, Don Lorenzo." sabi niya rito.

Tumango naman si Lolo at nagtungo roon. Hindi ko siya pinansin at akmang pupunta na sana sa mga models nang hawakan niya ang kamay ko.

Tinapunan ko siya ng tingin. Bumaba ang tingin ko sa kamay niya at napairap ako nang sakto namang napadpad ang mata ko sa singsing iya. Minumulto ba ako nito?!

"What?" Iritado kong sabi.

"Pwede ba kahit ngayon lang maging mahinahon ka naman?" He calmly said.

I raised a brow and changed my facial expression. "What can I do for you, Mr. Valenciaga? Do you need anything from me?" I sarcastically said.

His jawline remained firmly set, revealing the strength of his resolve. Yet, a subtle flicker of tenderness occasionally softened his features.

"Wala, ang ganda mo ngayon." He randomly uttered.

Napaawang ang labi ko roon at tila nawala yata ang kumpiyansa sa loob ko. Galit ang ekspresyon pero malalambing ang sinabi niya. May saltik ba 'to?

Hindi ko siya pinansin at tinuon ang atensyon sa mga models. Nagtungo ako roon nang bitawan niya ang kamay ko.

"Welcome to our spectacular beach fashion show, where the sun-kissed sands meet the vibrant world of fashion!" Narinig naming anunsyo ng host.

"Get ready!" The runway coordinator said. Lumapit siya sa akin, "Maghanda na po kayo Ms. Foundress, tatawagin na po kayo maya-maya." She said.

Tumango ako.  Nasa labas na ang lahat, si Ms. Janine, Ms. Maricar at ang iba pang part ng team ang narito kasama ang models. Sina Lolo at Timoteo ay nasa labas na.

"Ladies and gentlemen, please join me in welcoming the visionary designer and Foundress of the Tropicana Resort, the creative genius behind these breathtaking beach wear designs." The host said, "Ms. Nayumi Skye Acosta Zavala!"

Sa bawat hakbang ko, ramdam ko ang init ng kanilang suporta, tila isang alon ng paghanga na sumasalubong sa akin. Ang nagmumulang kasiyahan at paghanga ng mga guests ay bumubuo sa loob ng white house.

Ngumiti naman ako sa lalaking kumanta at naglakad patungo sa pwesto ko. He sang a song from Kolohe Kai titled Butterflies.

Hindi nakaiwas sa paningin ko si Timoteo na pumapalaklak. I gulped and looked away. Nang makarating sa dulo ay yumuko ako bilang pasasalamat. Sunod namang tinawag ang designer na si Ms. Celeste.

Sabay kaming bumaba sa stage at umupo sa gilid kung nasaan ang upuan.

Maya't maya ay lumabas na ang unang modelo kasabay ng paglalarawan ng host sa kaniyang kasuotan. Iyon ang dinisenyo ni Ms. Celeste, ang mga sundresses. Nagpapalakpak ang mga guests sa bawat paglabas ng mga modelo galing sa backstage.

Nang matapos ang lahat ng designs ni Ms. Celeste ay sumunod naman yung akin.

"You have potential to become a good designer," Ms. Celeste winked at me.

Napatawa naman ako roon. Magaganda naman talaga ang designs ko, I really have potential. Hindi ko lang talaga priority ang pumasok sa isang fashion industry, ang magtrabaho ay pwede pa. Pero ang maging designers or stylist, hindi ako mahilig roon. Binalik ko ang atensyon sa mga modelong nagrarampa sa stage.

"Miss Lylianna Mavis is wearing a tropical black and a mix of color orange skirts..." The host describe.

Iyong nakikita kong design ngayon ay yung orange hawaiian bikini top with a tropical skirt. Maganda ang pagkakagawa ng mga mananahi roon. Kung ano ang ini-expect ko ay ayun ang naging kinalabasan. Marami ang pumuri sa akin nang matapos ang fashion show.

"Good job, Nayumi!"

Napalingon ako sa likuran ko at laking gulat ko nang makita si Blade. Binigay niya sa akin ang isang palumpon ng bulaklak. Sa pagkakaalam ko ay siya ang ni-hire ni Lolo bilang photographer ng Tropicana.

"Thank you!" I accept the bouquet of flowers since I like them.

"Oh? Bakit naging photographer ka bigla? So gagawa ka rin ng article for Tropicana?" We also talk about some random things. 

"Yes, I'm about to ask you if you're willing to be the model of the article?" He smiled at me.

"I already know that, you know what's my decision right?" Pagtaas ng kilay ko.

Napatawa siya at umiling-iling. Marami kaming pinag-usapan na tungkol sa Fashion Brand ni Lolo. Hindi lang iyon nagtuloy-tuloy dahil may biglang sumingit sa usapan namin.

"Yes? Mr. Valenciaga?" I smiled a him.

Kumunot na naman ang noo niya roon kaya napairap ako. Lagi nalang ba siyang ganito? Galit? Masungit? Hindi na ba siya ngingiti kahit isang segundo lang?

"Congrats," he gave me a bouquet of red roses. "We're having a dinner at the resort. Get ready." Dugtong niya.

Napaawang ang labi ko at nilingon si Blade.

"Let's have a dinner? If gusto mo lang sumama, parang nagkainteres ako sa sinabi mong photoshoot, let's talk about it?" Sambit ko sa lalaki.

Lumiwanag naman ang mukha nito at tumango. Binalingan ko naman si Timoteo, umigting ang panga niya sa hindi malamang dahilan. I gave him a disgusted look when he pushed his tounge inside his cheek.

"What?" Nagtatakang tanong ko sa kanya.

Napaawang ang labi ko nang hindi niya ako pansinin at dumiretso palabas ng White House. What the hell? Where is his manners huh?

Napatawa ako ng bahagya kay Blade dahil sa naging akto ng Timoteo. "Pasensya na, ganoon talaga ugali no'n."

"Mukhang manununtok na 'yon kanina, ah." He responded.

Nang makarating kami sa restaurant ay nagulat si Lolo nang makitang kasama ko si Blade. Tinapunan ko ng tingin si Timoteo na ngayon ay matalim ang tingin sa akin.

Sinundan ko siya ng tingin nang tumayo siya at mukhang inangat niya ang upuan para sa akin pero naunahan siya ni Blade.

I smiled at him. "Thank you,"

Nagsimula kaming kumain, tuwang-tuwa si Lolo nang makita si Blade na kasama ko sa hapag. Magkatabi ang upuan namin at kaharap ko naman si Timoteo, sa gitna ay si Lolo.

Kumakain kami sa isang Presidential table. Marami ang nakahandang pagkain, narito ang paborito kong ulam na sweet and sour pork, nag-order rin ako ng wine. I want to relax and celebrate for our successful Fashion Show.

"I want her to become the model of Tropicana, Mr. Acosta," pormal na sambit ni Blade.

Tumango naman si Lolo.

"That's a good idea. The article would be so perfect." He uttered.

Naubos ko ang ulam ko kaya inabot ko ang table knife at sinubukang humiwa ng karne ng baboy roon ngunit masyado akong nahirapan.

Napaangat ako ng tingin kay Timoteo nang marahan niyang agawin ang table knife sa kamay ko. I bit my lower lip and looked at Lolo, he's now smiling like crazy.

Nilagyan ako ni Timoteo ng pork sa pinggan ko kaya pasimple akong ngumiti sa kanya.

"Thanks."

Tinanguan niya lang ako at binalik ang atensyon sa kinakain niya. Sumimsim ako sa wine ko pagkatapos kong kumain.

"Kaloy?" Pagtawag ko sa lalaking nasa gilid namin habang hawak-hawak ang isang bote ng red wine.

"Yes Ms. Foundress?"

"Wine, please?"

Tumango naman ito at nilagyan ng wine ang baso ko. It taste good. Ininom ko iyon at humingi muli sa sa kanya. Napatigil ako nang marinig kong tumawa si Lolo.

"Apo? May problema ka ba? Sabihin mo lang at doon tayo sa seaside mag-inuman?" Natatawang ani Lolo.

Hindi ko siya pinansin at patuloy ang paghingi ko kay Kaloy ng wine.

"One more-"

"That's enough."

Parang natigil yata ang lahat nang marinig ang boses ng lalaking kaharap ko. Kumunot ang noo ko rito ngunit matalim ang tingin niya sa akin kaya tinignan ko rin siya ng ganoon.

"Isa pa Kaloy-"

"Kaloy..." Mariing pagtawag niya rito dahilan para maagaw niya ang atensyon ng lalaki.

"Ah, Ms. Foundress! Baka gusto niyo juice nalang?" Natawa ang lalaki.

Umiling ako at sumenyas na paalisin siya. I glared at the man in front of me. Patuloy ang pagkain niya tila hindi pinapansin ang pagtingin ko.

Nagkaroon muna kami ng kaunting kwentuhan bago naisipang umakyat ni Blade sa room niya, nasa ikawalong palapag lang iyon.

"See you tomorrow!" He said.

Bumeso siya sa akin bago siya umalis. Kumaway ako sa kanya nang makapasok siya sa elevator. Bumalik ang mata ko sa lalaking nasa likuran. His jaw clenched and he glared at me. Napahawak ako sa dibdib ko nang magpaalam siya kay Lolo.

"Rude..." I whispered. Hindi siya nagpaalam sa akin!

Bukas agad ang naisip nilang araw para sa photoshoot ko, marami rin kasi ang nagandahan sa mga designs kaya bago iyon mailagay sa Tropicana Beach Wear Shop ay nagawan muna ng cover.

Umuwi narin kami sa mansyon pagkatapos ng hapunan, si Timoteo ay nanatili pa sa office niya. Mukhang busy ang schedule niya ngayon.

Napapaisip rin ako minsan tungkol sa kanya, iba naman ang negosyo ng pamilya nila pero bakit nakipag-sosyo siya sa negosyo namin na tungkol sa fashion?

Naligo ako at nagbihis ng lingerie. Humiga na ako sa kama ngunit hindi ako nakaramdam ng antok. Hinanap ko ang phone ko ngunit hindi ko ito makita. Bumangon ako sa kama at pumunta sa banyo baka nakalimutan ko roon kanina. I went back to my bed and checked the cabinets. Nagtungo pa ako sa bedside table ko dahil may cabinet rin kasi ito.

Halos bumilis ang pagtibok ng puso ko nang makita kung ano ang naroon. 

The love letters. The star polaroid. The shell ring. All of the things that reminds me of him. 

I gulped as I took the love letters from the cabinet. Dahan-dahan kong binuksan iyon. Bumungad sa akin ang pen manship ni Timoteo.

With trembling hands, I started to read the words written by him.

"Mahal ko,

The moment I laid my eyes on you, I knew there was something special about you. Your beauty radiates like the sun, and your smile brightens up even the darkest of days.

Ang pagmamahal ko sa'yo ay di-mabilang, like the stars in the sky, and it grows stronger with each passing day. You have a way of making me feel alive, and I thank the heavens for bringing you into my life. I promise to cherish and love you with all my heart, without any hesitations or reservations.

You are the moon in my eyes, guiding me through the darkness, and I promise to always be there for you, to support and uplift you in every step of our journey together. Your love has given me the courage to be a better person, and I vow to do my best to make you proud.

Through the highs and lows, I will stand by your side, kahit na ano pa man ang mangyari. You are my rock, and I am eternally grateful for the love you've brought into my life. You complete me, and I am blessed to call you mine.

You are my sunshine, and with you, life feels complete. Mahal kita more than words can say, Nayumi.

        

     
                                                 Minamahal ka, Timoteo.

Hindi ko napansin ang pagtulo ng luha ko. Kaagad kong pinunasan iyon at binitawan ang papel. My heart feels heavy. Sobrang bigat sa pakiramdam.

I knows that reopening old wounds might lead to even more heartache.

I can't help but acknowledge that I still love him. Despite the time that has passed, I realized that I my feelings for him remain steadfast.

Dahil hindi ako iiyak kung hindi ko na siya mahal.

"Miss Foundress, pinapapunta na po kayo ni Sir Blade sa seaside. Nakahanda na ang lahat para sa photoshoot mo." Florida said.

Bumaba ako sa elevator, papunta sa seaside kung nasaan ang shooting. Mabuti nalang at hindi namaga ang mata ko sa pag-iyak kagabi.

I'm wearing my own designed hawaiian swimsuit, paired with my white see through dress. I also wore a sunglasses.

Marami ang lumapit sa akin para i-assist ako. Inayos ang buhok ko at nilagyan ng glitter spray ang aking collarbone para madagdagan ang pagkinang nito sa camera.

It's 5 o'clock in the afternoon kaya visible na ang sunset.

"Wala bang partner si Ms. Foundress? Paano ang couple shots?" Tanong ng Miss Maricar.

Hindi na mainit pero pinagpapawisan parin ako. Nagpanic naman ang isang staff at kumuha ng mini fan para mahanginan.

"Meron po. Parating narin 'yung si Sir Inigo!" Sigaw ng secretary ni Miss Maricar.

Abala ang lahat sa pag-aayos. Naririnig ko rin ang tawanan nila habang nagtatrabaho. Inangat ko ang tingin kay Blade na ngayon ay pinipicturan ako. Sinamaan ko lang siya ng tingin.

"Mr. Valenciaga!"

Namilog ang mata ko nang marinig si Miss Maricar na may tinawag sa likuran ko. Hindi ako makalingon dahil mukhang nasa likuran ang lalaki at inaayusan ako. Kinalma ko ang sarili at hindi pinansin ang presensya niya.

"No work?" Tanong ni Miss Maricar.

Narinig ko ang paghakbang ng lalaki sa likuran papunta sa pwesto namin.

"Re-scheds."

Natawa naman si Miss Maricar sa sinabi nito. Pinikit ko ang mata ko nang lagyan na ako ng simpleng eyeshadow sa mata ko.

"Miss Maricar! Miss Maricar! Na cancelled raw po yung flight ni Sir Inigo kahapon!"

Kahit na gulat ay hindi ko magawang imulat ang mata ko. Cancelled? Akala ko ba'y nandito na siya?!

"Ano?! Bakit hindi agad sinabi?!"

Narinig ko ang pagtayo ni Miss Maricar at kaagad na sinundan ang sekretarya. Sunod ay nilagyan na ako ng natural eyeliner.

"H-hi Sir..." Rinig kong sambit ng makeup artist sa likod ko.

Narinig ko naman ang malalim na boses na lalaki sa gilid.

"Huwag mong kapalan, hindi niya gusto iyan." Timoteo said in a low voice.

"S-sige po..."

Hindi ko minulat ang isa kong mata kahit na tapos nang lagyan iyon. Narinig ko ang pagbalik ni Miss Maricar dahil umingay na ang paligid. 

"Mr. Valenciaga, pwede ba kitang makausap?"

I felt like my heart dropped for a moment.

"About what?"

"Pwede bang ikaw nalang muna yung maging ka-partner ni Ms. Foundress sa photoshoot? Sa couple shots lang, kailangan kasi iyon sa magazine." Sambit ni Miss Maricar kaya napadilat ako.

Hindi ako nagsalita dahil sa gulat. Ayoko namang isipin niya na apektado ako roon.

"Of course." Tila walang pag-aanlinlangang tugon ng lalaki.

Fuck.

"Alright, let's start with a simple pose! Mr. Valenciaga, put your arm around Nayumi's waist, and Nayumi, rest your hand on his shoulder." Sambit ni Blade.

Timoteo hesitates for a moment, but eventually complies, he wrapped his arm around my waist. While me, I tried to put on a brave face, my hand hovering for a split second before landing gently on his shoulder.

Napalunok ako nang mahawakan ang balikat niya. Napatingin siya sa akin kaya nakaramdam ako ng sobra-sobrang kaba.

He's shirtless now, at ang tanging natira lang ay ang kanina niyang suot na hawaiian shorts. Good thing may pagkaka-match naman iyon sa design ko. Umiwas ako nang bumaba ang tingin ko sa kanyang katawan.

"Great! Now, tilt your heads towards each other and give me a little smile."

Is this for real? This is a fucking beach wear photoshoot!

Kahit na kumakalabog ang puso ko ay nagawa ko parin siyang harapin. I can smell his manly perfume. I gave him a sincere smile. He gave me the same.

Hindi ko naiwasang masaktan ngayon, ang makita muli ang ngiti niya ay nakakasakit sa akin. Dahil pakiramdam ko hindi na iyon katulad ng dati. Pakiramdam ko ay walang-wala na ako sa kanya. He forced a smile and avoid direct contact.

"Timoteo, upo ka and then, Nayumi upo ka sa harap niya."

Sinunod namin ang gusto ni Blade. Umupo si Timoteo at ganoon rin ang ginawa ko.

"Then, sandal ka sa dibdib niya...Ayan! Timoteo, yakapin mo si Nayumi."

"What? Wait are you serious? This is beach wear photoshoot-"

"Nayumi, we need to take a couple shots for the magazine." Miss Maricar explained.

Napabuntong hininga ako at tumango. Maraming tao ang nakatingin sa amin, mga parte ng team lang naman pero mukhang nahiya ako bigla.  Napalingon ako sa lalaki nang magsalita siya.

"Ganoon ba kalaki ang pagkaayaw mo sa 'kin?"

I frozed. Hindi ko alam ang isasagot ko. Nakapatong ang kanyang braso sa kanyang tuhod at seryosong nakatingin sa akin.

"I'm just asking." I said.

Hindi ko na siya pinansin at sineryoso na ang pagpo-pose sa harap.

"Okay! Done with the couple shots. Nayumi get ready for your solo photoshoot." Sambit sa akin ni Miss Maricar.

Tumango ako at tumayo, inayusan ako para second look ko. Sinuot ko ang wine swim suits. They made my makeup and I wore a red lipstick and a red fashion hat.

Nag-pose ako at sinusunod ko lang ang mga gustong pose ni Blade. Hindi ako maka-concentrate kanina dahil pinapanood ako ng lalaki sa sun lounger. May biglang tumawag sa kanya kaya napatayo ito at umalis. At mukhang hindi ko napansin ang pagsunod ko ng tingin sa kanya.

"Nayumi, Nayumi? Nayumi!"

Napalingon ako kay Blade na ngayon ay nakasimangot sa akin.

"Tulala ka na naman? Trabaho muna kasi bago love life!" Sambit niya, nakasimangot.

"Shut up, wala ka rin naman." Tugon ko. Napatawa sina Miss Maricar roon.

"Hindi mo sure Ms. Foundress!" Someone said that.

Tumawa naman si Blade at umiling-iling. Mabuti naman nagbago na siya! Napairap tuloy ako nang maalala ang pagiging mayabang niya noon.

Continue Reading

You'll Also Like

713K 43.7K 38
She was going to marry with her love but just right before getting married(very end moment)she had no other choice and had to marry his childhood acq...
1.4M 35.6K 47
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...
4.8M 302K 108
What will happen when an innocent girl gets trapped in the clutches of a devil mafia? This is the story of Rishabh and Anokhi. Anokhi's life is as...
4.1M 170K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally ❣️ Cover credit...