Horrors in the Light (Ruins o...

Por thesuchness

803 58 19

- Más

Horrors in the Light
Ang Simula
Kabanata II
Kabanata III

Kabanata I

123 11 0
Por thesuchness

Kabanata I

Timothy Laguardia


All hell broke loose after that secret meeting. I made choices that almost destroyed my career, their trusts, and the whole point of all. But before everything else, what started it was the day I finally decided to know my father.

"Happy birthday, hijo! Ano ang gusto mo para sa kaarawan mo? Sapatos? Cellphone?"

Isang banyagang lalaki na nagpakilalang tiyuhin ko raw ang dumalaw sa amin nang araw na iyon. Maximum Colombo, kapatid ng aking ina na si Maxine Colombo. Patay na.

Sa gilid ko ay kanina pa ako parang demonyong binubulungan ni Jones. Cake. Cellphone. Iyong jersey namin sa liga. Pera...

Halos hindi maubos ang listahan sa utak ko pero habang pinagmamasdan ko ang mukha ni Maximum Colombo ay biglang dumaan sa isip ko ang maamong mukha ni Mama.

Batang-bata pa ako noon kaya wala akong masyadong matandaan pero alam kong maaga siyang namatay dahil sa sakit. Minsan ay naaalala ko ang mukha niya pero madalas ay parang isang aninong may boses na lang. Nang mamatay siya, ang lolo ko na ang nag-alaga sa akin pero palipat-lipat kami ng tirahan, ngayon ko lang napagtanto kung bakit.

My grandfather was the retired General Maximiliano Colombo of the Army, a cabinet member of a previous administration. They said he was strict but did his job justly. He had many enemies because of this.

Unti-unti'y naubos ang pera niya marahil na rin sa pagpapagamot noon kay Mama at sa pagpapalipat-lipat namin. 'Di nagtagal ay namatay rin ito dahil sa kahinaan. Naiwan ako sa kapatid ng asawa niya, dito kay Lola Faola at sa pinsang si Jones, hanggang ngayong fourteen na ako.

"Alam ko na, gameboy! Maganda raw 'yon na gadget, Lexine!"

Hindi ko pinansin ang pinsan at sa halip ay pinagmasdang maigi ang lalaki. Kung halos makalimutan ko na si Mama, nakalimutan ko na yatang tuluyan si Papa. Maaaring ang lalaking ito ang pinakamalapit na pwede kong mapagtanungan.

"Kilala mo po ba ang tatay ko?" tanong ko sa isang mahinang boses.

Naglaho ang mayabang nitong ngiti at bahagyang napatingin sa pinsan kong nalaglag ang panga.

"Kung kapatid ka talaga ni Mama... hindi ba dapat ay kilala mo ang Papa ko?"

"Uhh, una na muna ako, Lex! Laro lang..."

Hinayaan kong umalis si Jones kaya kaming dalawa na lang ni Maximum Colombo ang natira sa labas ng bahay kung saan tanaw na tanaw ang asul na dagat.

"Yes..." kritikal niyang saad. "I know your father. Alpha Lewis."

"T-Talaga?"

"Of course, boy. He married my sister after you're..." Kumunot ang noo nito pero tumitig nang mas malumanay. "Pasensiya na, Alexine, kung ngayon mo lang ako nakita. I stayed abroad for a long time to avoid the family. Siguro ay maraming tanong sa isip mo ngayon pero huwag kang mag-alala dahil sinisigurado ko sa'yong nagsabi ako ng totoo."

Okay.

Dalawang beses akong kumurap. "Mabait ba ang...Papa ko sa Mama ko?"

Tumango ang lalaki at ngumiti, hindi na astang mayabang.

"Pwede mo ba akong dalhin sa kaniya, bilang regalo mo sa kaarawan ko, kung ganoon?"

Hindi kaagad ito nakasagot. Napanguso ako.

Sa likod ng mura kong pag-iisip, matagal ko nang hinahanap ang presensya ng isang ama pero ngayon ko lang naisatinig iyon. At...parang hindi pala okay sa pakiramdam. Kasi bakit kailangan ko pang hilingin iyon? Hindi ba dapat ay siya ang pupunta sa akin? Hindi ba dapat ay nasa tabi ko siya?

Ilang linggo pa makalipas nang tugunin ni Maximum Colombo ang hiling ko na akala ko'y kinalimutan niya na. Laking tuwa ko nang biglang tumawag at sinabing padadalhan daw ako ng pera pamasahe papuntang Victoria!

"Mag-iingat ka, Alexine. Tawagan mo ako kaagad kapag nakarating ka na," aniya sa teleponong nahiram pa namin sa tindahan.

Walang pagsisidlan ang pasasalamat ko at wala ring nakapigil sa akin kahit hindi ko naman alam kung saan ako pupunta o kung talagang kapatid nga siya ni Mama. He could be a human trafficker for all I cared, but I was just so damn happy and excited to finally meet my father.

Halos kalahating araw akong bumabyahe. Wala ring direktang ruta sa sinabing lugar at kung hindi lang ako usiserong bata ay baka nawala na ako!

"Ingat ka, hijo. Medyo liblib ang lugar na ito," nababagabag na sambit ng mamang drayber ng tricycle na naghatid sa akin.

I had grown to love the sand and the sea but there was always that voice at the back of my head: I do not have to swim all the time. I can run up the hills. I can climb up the trees. Beyond the waters, there is still land I have yet to discover.

Manghang-mangha ako dahil ito na yata iyon. Wala akong makitang dagat. Puro lupa at puno! At sa hindi kalayuan, naroon ang isang bundok kung saan kinuha ang pangalan ng lugar, ang Mount Victoria.

Pagala-gala ako kahit pagod. Hindi naman kalakihan ang Victoria tulad ng mga sa napapanood ko sa syudad. Probinsya lang din ngunit hamak na mas maraming establishment kaysa sa isla namin at may maliliit pang malls!

For a moment, I passed by a lonely road where white was the only color. Mukhang sementeryo ata ito ah? Sumingkit ang mga mata ko nang tamaan ng sinag ng araw na galing pa sa isang bagay mula roon. Above a hill, a giant golden cross glinted across the sky.

Hindi ko naramdamang nawawala ako. Pakiramdam ko ay kung naririto naman si Papa, hinding-hindi ako mawawala.

Sa ilang pagtatanong ko ay nakarating din sa paroroonan – sa isang may kalakihang bahay ngunit mas malaking lote ang nakapaligid, malayo pa ang susunod na kapitbahay sa laki nito.

"M-Magandang hapon po! Ako si Alexine. Nariyan ba si–"

Napatigil ako nang mapansing nanlaki ang mga mata ng matandang lalaking nagbukas ng gate. Parang nakakita ng multo.

"Uhh..."

"B-Ben! Bendito! Si... Si... Dios ko!"

Were they expecting me? Why didn't my supposed uncle give a heads up? So, totoo ngang kapatid pala siya ni Mama?

Laglag ang panga ng payat at kalbong matanda kaya naman napakamot ako sa ulo.

"S-Sinusundo mo na ba ako?"

"Po?!"

"Mang Leonid! Ano'ng nangyayari rito–"

Another male appeared, 'di hamak na mas bata at mas matikas kaysa rito sa matandang 'to. Parang nagningning ang mga mata ko dahil...kamukha nito ang ama ko sa picture na ibinigay ni Tito Max noong dumalaw siya! Baka kapatid pa!

Ngunit tulad din ng matanda ay rumehistro ang gulat sa mga mata nito at hindi kaagad nakapagsalita.

"Hello po..." pilit kong ngiti. "Ako po si Alexine. Alexine Lewis."

"A-Alexine?"

"Opo. Hinahanap ko po ang Papa ko. Nariyan po ba siya?" Bahagya pa akong sumilip sa loob ng bahay. Ang laki!

"Sino... Sino ba ang t-tatay mo?"

"Alpha Lewis."

Right when I said his name, his face relaxed. Tumango-tango ako. Yeah! But as the seconds passed, it turned into worry and concern and...sadness.

Kumunot ang noo ko. Nagkatinginan sila noong matanda na mukhang tauhan nila.

"Ang tatay ko po ay si Alpha Lewis. Nariyan ba siya? P-Pwede ko po ba siyang makausap?"

"Ang mabuti pa, pumasok ka na muna, Alexine. Tama ba? Alexine."

"Opo. Salamat!"

Their house was too big on the inside, as expected. Hindi ganoon kamoderno pero maluwag, lalo na ang bakuran na may basketball court at tennis court pa! Pwedeng-pwede tumakbo roon at mag ehersisyo, 'di tulad sa bahay namin malapit sa dagat. Hindi naman sa pagkukumpara.

I was so sure I had made it in the right location when I saw the golden trophies lined up on the wall. All varieties of sports. Basketball, volleyball, taekwondo, swimming. But what caught my eyes the most were the hanged up medals on the tallest, widest wall.

"LEWIS." Ang mga gintong letra sa dingding.

Sa ibaba noon ay ang hiwa-hiwalay na kaha ng mga medalya at sa pinakaibaba ay ang mga litrato ng sundalong sumungkit nito.

In my young mind, it was the coolest thing ever. They all looked like superhoes and that nothing could ever beat them. Walang makakasakit, walang makakatalo, kahit gaano pa kadilim.

I had a big hunch my father was one too, and maybe this guy who let me in... Pwera roon sa matandang payat.

"Saan ka na nga galing, Alexine?"

Kung gaano ako kamangha ay ganoon din sa akin si Tito Bendito, as he'd like me to call him. Gutom na gutom ako kaya kahit nagkukwento ay panay ang kain ko sa meryendang dinala ng kaniyang asawang si Tita Palmer na hindi rin maalis sa akin ang titig.

"Ang gana rin pala niya kumain, Ben. Parang mga pinsan niya!" munting tawa nito. "Kukuha pa ako, gusto mo, Alexine?"

"Opo, salamat!"

I ate and ate until I could no more, all the while Tito Ben was just talking to me about my childhood and my journey to here. Minsang tutulala sa akin gaya kanina noong una akong nakita. Hanggang sa may dumating na isang batalyong kabataang hindi nalalayo sa edad ko.

Maingay sila at magulo ngunit napatigil. Halos mabuwal ang isa nang magkamataan kami.

"Nariyan na pala ang mga pinsan mo, Lex. Magpakilala kayo! North..."

I couldn't keep up with all their names. I was so overwhelmed by their number. Sa bahay namin ay si Jones lang ang pinsan ko, maliit at medyo mabagal pa tumakbo. Ngayong kaharap ko na sila, halos magkakasingtangkad lang kami at magkakapareho ng tindig.

I wondered if they won some of those trophies in the hall.

"Gutom na ako! Tita Palmer..."

"Ako rin!"

Ang iba ay dumiretso sa mess hall, kinukulit ang tiyahin...namin ngunit ang iba ay nanatili sa tanggapan at nagmamasid sa akin, mga naka-unipormeng pang school pa.

"Gwapo ah! Manang-mana!"

I didn't realize he was talking to me, the buffiest one in the lot. Malaki ang katawan pero hindi mataba. Parang oso.

"Ahh..." tango ko lang.

"Ikaw pala iyon?"

"Ang alin?"

"Anak ni Tito Alpha."

"Ahh..." tango ko ulit. Parang medyo awkward pa.

"Gwapo ah!" sabi na naman niya.

Ano ang sasabihin ko? Ikaw rin, gwapo?

"Huwag mo ngang niloloko, Arys!" ani Tito Ben.

Ngumiti ito sa akin at bahagyang nawala ang mga mata. Like me, we shared the same golden brown skin and curly hair. Almost like everybody in the room, even the girl twins with their golden brown eyes. I had never felt so at home.

"Saan ka nag-aaral? Ano'ng year ka na?" Ayaw pa rin akong tantanan noong Solarys.

"Hindi ako nag-aaral."

Kunot-noo kahit si Tito Ben.

"Ha?! Bakit naman?!"

Nagkibit-balikat ako. Hindi naman ganoon kalaking pera ang iniwan sa akin ni lolo bago siya namatay. Hindi rin ganoon katamasa ang pamumuhay namin nina Jones at Lola Faola. Nag-aaral naman ako dati pero tumigil ng halos magdadalawang taon na.

"E 'di kinder ka pa lang niyan?"

"Shh, Arys!"

The conversation was diverted when Tita Palmer arrived with yet another set of foods for the hungry Lewises. Maiingay sila at magugulo pero mukhang mababait. They did not question my existence and eventually had to rest.

"May training pa kami mamaya e. Sali ka, Lex?"

Tumango lang ako kahit hindi naman alam ang sport nila.

Nang umalis sila at ang dambuhalang Solarys na lang ang natira ay nagseryoso na ulit si Tito Bendito.

"Ang...Papa ko po?" Pansamantala kong nalimutan iyon dahil sa mga nangyari.

Nagkatinginan silang dalawa. Bigla ay tumayo si Arys.

"I will take you!"

"North..."

"Relax, Tito Ben. Ako ang bahala kay Alexine."

Sa huli ay walang nagawa ang tiyuhin namin at tinapik lang ang balikat ko bago hanapin si Tita Palmer.

"Alam mo, kamukhang-kamukha mo si Tito Alpha."

We rode a big pick up truck, with Mang Leonid as the driver who kept looking at me through the rearview mirror.

"Nakita mo na siya?" tanong ko mula sa likod.

"Oo. Naglalaro kami ng basketball dati kapag umuuwi siya galing duty."

Pumait bigla ang dibdib ko. Buti pa siya.

"Bakit? Ikaw?" Dinungaw ako ni Arys mula sa frontseat.

"Hindi ko na maalala." Batang-bata pa ako o sadyang hindi lang kami madalas magkita noon?

"Sorry..."

"Ayos lang. Malapit na tayo?"

"Yep!"

We were silent after that. I was at the edge of my seat, and I kept fidgeting.

Pagkaraan ng ilang minuto ay bumagal na ang patakbo ni Mang Leonid sa isang pamilyar na lugar. Ito 'yung sementeryo kanina na nadaanan ko.

Nanlamig ang sikmura ko. Ayaw ko mang tanggapin... Parang alam ko na. Ilang beses ko na itong naranasan, bata pa lang ako.

"Hello po sa inyo! Tito, guess what?! Your golden boy is here! Ay talaga naman! Pagkatikas-tikas! Nasa lahi!"

I was right when we climbed up the hill. To that golden memorial cross touching the tip of heaven.

Matayog ang pagkakatarak nito sa lupa. May semento na tatapakan at iilang natuyong mga bulaklak at kandila. A bronze plaque was attached to the big cross housing the names I hadn't known before aside from my father's.

Hindi ako agad nakalapit. Sa gilid ko ay nagpupunas ng luha si Mang Leonid. I gulped down the rising heat in my throat.

"Tara, Alexine!"

Somehow, Solarys' gentle smile despite his large frame pulled me like a magnet towards the cross. Nanatili lang ang matanda sa distansya.

"Dito nakalibing si Tito Alpha. Dito ay kasama niya si Tita Rosangela. Kilala mo?"

Tahimik akong umiling.

"Matalik niyang kaibigan iyon. Partner niya sa squad. Kaya lang... Namatay sila. Sumabog ang helicopter nila sa isang misyon."

I looked down on the dates embedded on the plaque.

Mahigit sampung taon na.

Nilunok ko ang mainit na bukol na kanina pa umaangat sa aking lalamunan.

Mga limang taong gulang pa lang siguro ako. Bago tuluyang nagkasakit si Mama.

Slowly, I pulled the single piece of picture I had of him out of my pocket. Ito ang ibinigay na litratro ni Tito Max sa akin. Gaya ng sa imahe, lima ang tao. Lima rin sa mga pangalang nakasulat.

"Oh! Iyan! Iyan si Tito..." He pointed at my smiling father, looking so light and full of life. "Ito naman si Tita Rosangela." Then to the woman next to him, katabi niya sa inuupuan nilang punong kahoy. They looked like they were camping.

"This was the elite squad. The best in their time. God's Army, they're called."

Umihip ang hangin sa burol, sinasalat ang aking pisngi at balikat.

"Iwan ko muna kayo," Arys spoke as if my father was just standing right there.

Hawak ang picture ay marahan akong lumakad patungo sa krus. Inabot ko ang pangalan ni Papa.

I believed I fit right in. I felt like I belonged, against the many years of my life that I struggled to. Right here at the foot of the mountain, not in the mouth of the sea.

Ni hindi rin nila ako pinagdudahan kanina. Tinanggap nila ako kaagad nang buo. Masaya sila bagaman kyuryoso pero hindi ako nakaramdam ng pagtataboy. Alam ko ay pamilya ko sina Lola Faola at Jones pero ang saya rin pala na kilalanin ang iba ko pang pamilya.

Ngunit dapat ba ay laging may namamatay?

Noong una ay si Mama na naunang nagmahal sa akin. Pangalawa naman ay ang heneral na kahit saglit ay alam kong pinrotektahan niya ako nang lubos. Ngayon ay ikaw naman, Papa, kahit ilang beses pa lang tayo nagkita.

Bakit ba lagi niyo akong iniiwan mag-isa?

Hindi niyo ba ako mahal?

I thought you were a superhero but you got defeated, huh?

Hinayaan kong tumulo ang mga luha sa krus. Unang beses ko atang ginawa iyon, ang umiyak, sa tingin ko, kahit pa buong buhay ko na yata akong nagluluksa. I cried like the little boy that I was, only pretending to be a man or at least trying to be.

"Babalik na po ako sa amin. Maraming salamat sa pagtanggap, Tito Bendito, Tita Palmer."

Natahimik ang mag-asawa nang makabalik na kami sa bahay. Maging ako rin ay nakaramdam ng lungkot dahil...gustong-gusto ko rito.

"P-Paano ang pag-aaral mo, Alexine? Hindi ba sabi mo ay naka-stop ka? P-Pwede ka naming pag-aralin dito!"

"Kung buhay pa si Alpha, gugustuhin din niyang dito ka na lang sa amin, hijo. Hindi naman sa..."

Ngumiti lang ako. I got my uncle's point because all in all, I really looked like shit right now.

"Maraming kwarto rito, Lex. Dito nag-aaral ang mga pinsan mo. Pwedeng-pwede ka rito!" pamimilit pa rin ng tiyahin ko.

"Maraming salamat po talaga. Pero...wala na rin naman si Papa kaya..."

What's the point of staying here? I would just be reminded of my father and his cruel fate. Which was also...my cruel fate.

Sa huli, walang nagawa ang mag-asawa at binigyan na lang ako ng sobra-sobrang pera pabalik sa amin. Si Tito Bendito na rin mismo ang naghatid sa akin sa istasyon ng bus kinabukasan na may kalayuan sa Victoria.

As I boarded, I watched his pickup truck disappear in the vast planes of green. But then...everything felt so out of place once again. Like I had never been truly home and now that I felt like it, was leaving really the best thing to do?

My grandfather...dead. My mother got sick, also dead. My father met an accident. Dead.

There is really no place to call home. But if I had something close to that, this might be it. At kung maalala ko man si Papa, ayos lang dahil...sigurado akong inalala niya rin ako noon. Kailangan kong paniwalain ang sarili ko na ako ang inalala niya! Dahil mahal na mahal niya kami ni Mama.

"Saan ka pupunta, hijo?!"

Hindi ko pinansin ang kundoktor ng bus. Dala ang mga gamit ko ay bumaba na ako, unti-unting gumagaan ang puso. See? This felt right...

May pera naman ako pamasahe pabalik ng Victoria. Baka mag-aabang na lang muna ako ng jeep. Iyon ang ginawa ko lampas trenta minutos ngunit hindi ko makita ang may pinakamalapit na ruta papunta roon.

Bakit ba kasi inuna ko pa ang pride ko at nagpumilit na umuwi na?!

Sitting on my duffle bag beside the road, a shiny blue car passed by me slowly until it stopped. Gulat pa ako nang umatras ito at tumapat sa akin.

"I'm shocked! You look awfully familiar..." anang lalaking nagbaba ng bintana. Hula ko'y kaedad ko lang din. "News is you came home yesterday. His son... Finally!"

Napatayo ako sa gulat. Hindi ko naman kilala ito ah?

"Saan ka pupunta? Victoria?"

Dahan-dahan akong tumango. Ngumiti ito at mabilis pa sa alas kwatrong binuksan ang magara at asul na pinto.

"Sakay na! I'm Testimony Theodore but you can call me Timothy," aniya at naglahad ng kamay. "Timothy Laguardia. Nephew of Lieutenant Rosangela Laguardia."

Seguir leyendo

También te gustarán

24.4M 713K 34
She was kidnapped by the mafia prince, Lander Montenegro, at the age of five. He stole almost half of her life, so it's only fair that he repays her...
174K 3.5K 35
*WARNING** FOR LGBT ONLY Date Started: January 16, 2016 Date Ends: December 28, 2016 First ever GxG Story na naisulat ko. I was like 15 years old at...
134K 6.2K 43
You don't have all the time in the world. Iyon ang totoo. Blessed to have survived her fatal illness and learning more to live with it, Polka tries t...
Ink Por Ridgeee

Ciencia Ficción

1.8K 114 25
What if we all got a tattoo mark that will easily identify our soulmates?