Oxford

By cultrue

38.5K 1.1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 12

670 19 1
By cultrue

For the first time, I hadn't felt ashamed in my entire life as I'd entered in a fancy restaurant that only people with a lot of money could afford to dine in. Simpleng wide leg denim pants at t-shirt lang ang suot ko pero may suot akong sandals para ibagay sa suot ko. Yung suot kong sandals ay two inches lang ang takong at may straps siya kaya hindi mahirap dalhin.

At hindi rin ako nagsuot ng mataas na takong dahil baka masapawan ko si Oxford sa tangkad ko. Natural na akong matangkad at kapag magsuot na ako heels ay magiging kasing tangkad ko na si Oxford.

At kaya hindi ako nahiya nang pumasok kaming dalawa sa pasta restaurant na pinagdalhan niya sakin dahil simple lang din ang suot niya. Yung hapit na hapit niyang suot na charcoal t-shirt ay naging rason kung bakit dinudumog na siya ng mga ligaw na mata. Ang daming napatingin sa kanya lalo na't sumilip ang kanyang tatu sa sleeves ng kanyang t-shirt.

His t-shirt had a V neckline and I could see the plain sun kissed skin of him. Oxford had a sun skin complexion. His skin wasn't too dark and neither too white. Sakto lang ang kulay ng balat niya, kumbaga, moreno. Pero ang kinis ng kanyang balat, mas makinis pa sakin.

Napagtanto ko na sa magkabila niyang braso ay mayroon siyang tatu. Hindi ko alam kung saan pang parte ng katawan niya ang may tatu. The tattoo on his right bicep had a leaf ink but I didn't know if it's just only one or there's more leaves on that part but on his left bicep, it looked like a tail of a tailed character. Parang dragon yata o hindi kaya ay ibang hayop.

"Here's the menu, sir, ma'am."

Lumapit ang waitress at binigay samin ang menu. Hindi nakaligtas sakin ang malagkit na tingin ng waitress kay Oxford—na walang pakialam sa mga taong nakatingin sa kanya. Tumikhim lang ako para umiwas ng tingin ang waitress kay Oxford pero mukhang hindi umepekto kaya mas nilakasan ko yun kaya pati si Oxford ay nag-angat ng tingin sakin.

"Are you okay?" he asked worriedly.

Tumikhim ulit ako pero mahina na. "Makati lang ang lalamunan ko." sagot ko habang nakatingin sa menu. May napili agad ako kahit isang tingin lang ng menu. Agad akong nag-angat ng tingin sa waitress na nakasimangot na ang tingin. Tipid akong ngumiti sa kanya at sinabi ang order ko. "Beef Stroganoff for me miss."

"Make it two—and a large glass of water for her and a big glass of coke for me."

Maarteng sumagot ang waitress. "Malamig ho ba—"

"Absolutely not." Agad niyang sagot.

Sinara ko ang menu na tinaas ang tingin sa kanya pero wrong move dahil sakin nakadikit ang kanyang tingin.

"No cold water for you, Billie." Then his eyes turned to the poor woman for a sec before closing the menu. "And please make it quick, I don't want my date to have a sore throat before we start to eat." seryoso nitong usad. Napalunok nalang ang babae saka agad na umalis.

Nang malawa na ang babae saka lang ako nagsalita agad. Napangisi ako sa uri ng pagsalita ni Oxford sa waitress, daig pa ang amo nito.

"What's funny?"

Tinakpan ko ang bibig ko saka umiling. Nakangisi parin ako.

"Seriously?" he added.

I cleared my throat once again but it's not intentional. "Napansin ko sayo na ang intimidating mo sa ibang tao pero sakin hindi, talagang sa ibang tao ka lang ba ganyan o baka naman hindi mo pa pinapakita sakin ngayon yang katigasan ng attitude mo."

"Wala akong ibang ipapakita sayong ugali dahil ganito na talaga ako. I may be looked intimidating for someone else but you're different, Billie."

"How different?"

He shrugged his shoulders and darted the pair of his chocolate eyes on me. I couldn't withdraw a stare from him because he looked daring and very charming. Para akong may kaharap na modelo na ang lagkit ng tingin sakin.

Sighing, I pulled my eyes and looked around, instead. Hindi marami ang kumain pero parang ang crowded dahil sa mga waitress na panay ang labas-pasok sa kusina, nahuhuli ko ang iba na nakatingin kay Oxford na parang mas masarap pa sa mga inihahain ng restaurant.

I sat straightly, uncomfortable with the stares which I wasn't even involved.

"Now you look uncomfortable, huwag kang mabahala dahil wala namang kakilala ang ina ko rito."

Umiling ako at binaba ang tingin sa lamesa na mayroong puting table cloth. "Hindi. Ang daming nakatingin sayo na mga babae."

Amusement arose on his face and he slightly arched his brow. His lips quivered a little but he didn't take a glance to others. "Don't mind them. It's just happen that you have a giant companion that's why they're looking at me like I'm some kind of an alien."

Ako naman ang napamangha sa kanya dahil hindi manlang niya pinagmayabang sakin na gwapo siya. Oo nga't malaki ang lamang niya sa mga lalaking nasa loob ng restaurant pero siguro ay alam na niyang may ipagmamalaki siya. Hindi lang siya malaking tao, he also possessed a magnificent genes.

"My lips are sealed." I just said.

And before he brought another topic on the table, our food was delivered. Pati yung tubig ko at yung Coke ni Oxford ay inilapag din sa lamesa pagkatapos ay umalis na ang dalawang waitress na nagserve. Mabuti nalang at sa isang pasta restaurant niya ako dinala kundi ay hindi agad ako mabubusog. Pasta palang ay busog na ako.

Pasubo palang si Oxford nang tumunog ang cellphone niya na binaba niya sa lamesa. He checked his phone and his expression soured. May nabasa yata siyang hindi kaaya-aya sa cellphone niya kaya tumigas ang kanyang mukha.

Tahimik lang akong kumain pero hindi matigil ang mga mata ko sa pagmasid sa kanya. He put down his phone and as soon as he'd to grabbed the fork, it chimed again. Naiinis niyang kinuha yun at agad na pinatay ang cellphone niya at pinaharap sa lamesa ang screen ng cellphone niya.

"Sorry about it." agad niyang sabi pero seryoso niyang kinuha ang tinidor at pinaikot sa pasta.

"Baka may emergency sa inyo. Okay naman na sagutin mo ang tawag."

"Ayos lang." Yun lang ang sabi niya at hindi ko na siya kinulit dahil baka magalit sakin kapag pinilit ko pang sagutin ang tawag ng kung sino man ang tumatawag sa kanya.

Natapos kaming kumain pero yung atensyon ko ay sa cellphone niyang nakalapag sa lamesa. Tumawag siya ng waitress para bayaran ang kinain namin. Pagkabayad ay agad kaming umalis hindi manlang niya inabala ang sukli na hintayin.

"May ibang lakad ka ba—yeah damn it's fucking Sunday today. Wala ka nga palang ibang lakad." sambit niya habang papalakad kami sa sasakyan niya.

"Okay lang sakin kung magtaxi ako kung may emergency sa inyo, magiging inconvenient pa ako tuloy." I said.

Huminto kami sa tapat ng kanyang kotse. Hindi niya muna binuksan ang pinto dahil hinarap niya ako. Nagkislap ang kanyang mga mata nang tignan ako. "Hindi ka abala sakin, Billie. Sa susunod ay yayayain pa kita kung pwede, kapag may extra time ka sa susunod na linggo. I'd like to have brunch with you if it's not too much to ask."

"Tignan ko kapag may free time ako sa susunod. Susubukan ko lang na tawagan ka."

His lips widened.

He exhaled, taking off his phone from his pants' pocket. "Let's exchange a constant number. Kapag calling card ko ang gamitin mo ay hindi mo ako tinatawagan, hindi ko alam ang rason mo pero mas mabuting itong personal phone number ko nalang ang gamitin mo para matawagan o matext kita."

I tilted my head and peeled a smile. "Hindi ka naman metikuloso no." biro ko.

"Hindi masyado." Nakangisi niyang sagot.

Binigay ko ang numero ko sa kanya at sinave niya agad sa phone niya para matawagan niya ako o matawagan ko siya. He pocketed his phone and he unlocked his car. Pinapasok niya ako.

"Gusto sana kitang dalhin sa isang dessert bar kaya lang ay hindi pwede. Maybe next time."

"Okay lang sakin. At least nakapaglunch tayong dalawa. Thank you nga pala sa lunch."

"It's fine. Kahit saan mo pa gustong pumunta ay dadalhin kita doon, basta marami ka lang oras sakin." Nakangising may kahulugan niyang sagot.

Binalewala ko lang ang kanyang sinabi. Napangiti lang ako pero may kumibot sa tiyan ko kaya napaupo ako ng maayos. Mahigpit kong hinawakan ang seatbelt at tumingin nalang sa labas ng bintana para hindi makita ni Oxford ang namumula kong mukha.

Nagulat ako nang huminto kami sa isang grocery store at bumaba siya. Nagpaalam lang siya saglit na may bibilhin siya sa loob pero hindi nagtagal ay lumabas siya at may bitbit na puting medium size cellophane. Pagpasok niya sa kotse ay inabot niya sakin. Nalilito kong kinuha ko yun. Paghawak ko sa ilalim ng cellophane ay malamig.

"Hindi ko alam kung ano ang flavor ng gusto ng mga anak mo kaya lahat ng flavor niyan ay binili ko na."

"Flavor?" Maang kong sambit saka ko nalaman ang binili niya nang silipin ko ang nasa loob ng cellophane.

He bought ice cream in containers. Hindi lang isa kundi marami siyang binili. Hindi mauubos ng mga anak ko itong ice cream at hindi din sila pwedeng kumain talaga sa matatamis dahil isa yun sa ipinagbabawal ko sa kanila.

"Ang dami naman nito, Oxford." reklamo ko.

"That's my treat. And also, nagmamadali ako ngayon kaya pwede bang yayayain ulit kitang maglunch?"

"So suhol 'to?"

"Of course not. Hindi yan suhol. Niyayaya lang kita ulit." Kunwari niya pang sabi na hindi suhol.

Pero hindi naman ako masama kaya okay na rin sakin. Besides, ang iksi lang ng oras namin kaninang lunch dahil may emergency siya pero hindi siya mukhang nagmamadali.

"Fine. Papayag ako sa Saturday."

"That's great. Thank you, Billie."

"Not a big deal." I answered.

Nakarating ako sa apartment dahil sa paghatid ni Oxford. Nagpaalam ako sa kanya at pinaalala niya pa sakin na susunduin daw niya ako sa Sabado ng alas onse. Bitbit ang cellophane sa loob ng apartment ay tinawag ko ang mga bata. Si Nanay ang sumagot.

"Nasaan ang mga bata 'nay?" tanong ko kay Nanay.

Dumiretso ako sa kusina dala lahat ng container ng ice cream. Parehaba ang container pero hindi masyadong malaki. At ang dami. Walong iba't-ibang klaseng flavor ang binili niya.

"Natutulog pa—oh ba't ang dami mong binili ng ice cream? Hindi natin mauubos yan lalo na't hindi ako mahilig sa matatamis dahil baka madiabetes ako."

"Hindi naman ako bumili nito 'nay. Si Oxford." sagot ko saka binuksan ang fridge.

Yung fridge namin ay hindi masyadong malaki at marami pang laman kaya yung isang container ng ice cream ay tinira ko sa lamesa para kainin namin ni Nanay. Hindi din ako mahilig sa ice cream kaya sayang lang din yung mga binili ni Oxford.

"Sinong Oxford?" My mother tilted her head as she crossed her arms against her chest.

"Siya po yung kasama ko at nagdala sakin sa ospital noong naaksidente ako."

Bumuntong-hininga si Nanay at umupo sa silya. "Wala bang asawa yan?"

Sinarado ko ang fridge nang maikasya ko lahat ng ice cream sa loob nito at umupo din sa silya. "Sa pagkakaalam ko ay wala pa."

Nagtaas siya ng kilay. "Pinupormahan ka ba niya?"

"Maporma naman siya, 'nay."

Sinampal niya ang braso ko pero tumawa lang ako saka sumandal sa silya. Binuksan ko ang isang container ng ice cream. Tumayo ako at kumuha ng dalawang kutsara para saming dalawa ni Nanay.

Seryosong nakatingin sakin si Nanay at sumagot siya sa seryosong tono. "Alam mo ang ibig kong sabihin, Billie. Ito lang ang sasabihin ko sayo, kahit mag-asawa ka ay dapat tanggap ng lalaking mapapangasawa mo ang mga bata para mapanatag ang loob ko. At hindi ka dapat umuuwi dito sa apartment kapag may pinag-aawayan."

"Eh wala pa nga po eh. Saka hindi yun papatol sakin 'nay kasi nga iba yung tipo niyang babae."

"Eh ano ba sa tingin mo ang tipo niyang babae."

Agad akong sumagot. "Maganda at walang freckles sa balat."

"Wala ka namang pekas sa balat mo, maaaring sa mga braso mo may mga nunal ka pero yan ang ikinaganda mo Billie kaya ipagmalaki mo yan." My mother said to light my confidence.

I knew she's very supportive and sweet and thoughtful and I couldn't do anything without her. Malaya akong gawin ang gusto ko dahil may sariling isip na ako at nandyan si Nanay para sakin palagi kapag nadodown ako sa sarili ko.

"Kapag maging nobyo mo ang lalaking yun ay iharap mo agad sakin para makausap ko. Gusto ko ay makausap ko ng masinsinan ng sa ganun ay malaman ko kung tanggap niya ang mga apo ko."

I scooped an ice cream and shoved it inside of my mouth. It melted right away when it touched my tongue. It's strawberry flavor and I liked it.

I thought about what my mother said. Kinokonsedera ko ang sinabi niya pero malabo talagang maging kaming dalawa ni Oxford. Imposible yun.

Continue Reading

You'll Also Like

44.6K 1.4K 45
[Completed] | [Under Revision] SYNOPSIS: Si Savannah Toran Davis ay nagmamahal ng isang taong hindi niya inaasahan. Kasabay ng kanyang pagmamahal ay...
141K 2.9K 59
She's a total perfect stranger of that thing called LOVE and GOODNESS. Kaya di siya relate sa mga churvaeks ng mga tao dyan sa word na love na yan. B...
1.8M 50K 39
"H-Hanggang k-kailan m-mo ba ako ikukulong dito A-Alas?" tanong ko na niyakap ang dalawang tuhod habang hilam sa luha ang mukha. Itinaas niya ng Zipp...
153K 5.8K 31
Elusive and hard to read. But Mylene always adored him. The man in her walls. The man whose struggles exceeds far human means and becomes god inside...