Oxford

cultrue tarafından

38.5K 1.1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... Daha Fazla

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 11

672 18 0
cultrue tarafından

Wala akong ideya kung ano ang iniisip niya sakin. Ayokong tinititigan niya ako na parang malaki ang kasalanan ko sa kanya dahil wala akong ginagawang masama. Single mother nga ako at ano bang ineexpect niya sakin, na dalaga ako?

He scratched his brow and then he inhaled and exhaled before accelerating his fingers on his hair to brush it off.

"I'm sorry I'm just surprised that you're already a... mother. I thought you're still..."

"Single?" Ako na ang nagkabit sa dapat niyang sasabihin na salita patungkol sakin.

He slowly moved his chest up and down, breathing delicately before nodding his head.

Inayos ko ang pagkakarga kay Nillie. "Hindi ko rin sinabi sayo agad. Pasensya na." hingi ko ng tawad.

Napaisip ako. Bakit ako humihingi ng tawad sa kanya? Hindi naman kasalanan ang maging ina. Alam ko ang pagkakamali ko pero hindi na yun mauulit pa.

"Pasensya narin dahil nagulat ako. I have no idea that you already have a kid."

"Actually dalawa na ang mga anak ko. Hindi ko lang nasabi sayo dahil akala ko ay nakaintindi ka kung bakit hindi ako nagtatagal sa mga lakad o di kaya ay pili lang ng oras ang pagkikita natin kung niyayaya mo akong kumain." I stated.

Doon ay nakita ko ang pagbago ng kanyang mukha. Parang naunawaan niya kung bakit kailangan kong umuwi at hindi magtagal sa kung saang lugar ako pumunta.

Hindi na siya makapagsalita at yumuko na lamang. Matinik ang sikat ng araw kaya hinagod ko ang braso ni Nillie dahil natatamaan siya ng araw. Umatras ako sa may dingding ng shop para makasilong dahil sa init.

"May trabaho ka ba ngayon? Gusto mo bang ihatid kita sa inyo?" he suggested.

Sumilip muna ako sa loob ng shop mula sa salamin na dingding. May kanya-kanyang trabaho ang mga emplayado ko. Nakita nila ako siguro mula sa labas pero ayos lang sakin kung minsan ay huminto-hinto sila sa ginagawa nila kasi nakakapagod din ang pagtatahi, basta hindi nila makalimutan yung mga sunod-sunod na ginagawa kasi ayokong may customer na may magreklamo dahil matagal nilang kinukuha ang kanilang pinapatahi.

Binalik ko ang atensyon kay Oxford na matagal naring nakatingin sakin. "Kung hindi nakakaabala sayo." sabi ko.

"Okay lang. Napadaan din naman ako dito." sagot niya.

Tumango ako sa kanya at nagpaalam saglit na papasok lang ako sa shop. Pagpasok ko ay binati ako nina Sandy. Pinasok ko muna saglit si Nillie sa maliit kong opisina at binaba sa isang couch. Naglagay lang ako ng upuan na panangga para hindi siya mahulog. Chineck ko muna ang kita ng shop at kinolekta ang tig-isang libo at limang daan sa kaha. Iniwan ko ay ang panukli. Nasa loob lang yun ng opisina ko inilalagay ang pera pero may taguan ako na hindi makikita agad kung hindi ibalibag ang lahat ng gamit sa loob.

Tinext ko si Nanay kung pwede ay ihatid sa shop ko si Kamp dahil uuwi na kami pero ang sabi niya sakin ay hindi lang muna pinapauwi nina Safara at Santi dahil nandun daw ang dalawang magkapatid sa restaurant. Si Nanay naman ang bahala kay Kamp kaya hindi ko na siya dadalhin pauwi.

Paglabas ko ulit ng shop, bitbit parin ang mga pinamili ko ay lumabas ako na karga si Nillie. Nahihirapan akong kargahin siya dahil ang bigat na niya. Nakita ko si Oxford sa tapat ng isang kapehan na katabi lang sa Threads. Mula sa pagkakasandal niya sa kotse ay napaayos siya ng tayo.

"Pasensya na at pinaghintay kita, may inayos pa kasi ako sa loob ng shop bago lumabas."

"Ayos lang. Hindi naman ako busy." Kibit-balikat nitong sagot saka tinignan si Nillie bago umikot sa kabilang side para pagbuksan ako ng pinto.

"Thank you." Pagkasabi ko ay tumango siya atsaka pinong ngumiti sakin.

Umikot siya sa kabilang side para makapasok sa driver's seat. I felt the awkwardness between us, I thought it's about the news I said to him that made him sit in awkward silence. Tumikhim ako at nginitian ko siya ng tipid nang lumingon siya sakin.

"Tuloy ba tayo bukas?" tanong ko sa kanya para hindi siya mailang sakin.

Blanko lang siyang nakatingin sa harap ng daan. Wala siyang ibang naging reaksyon. "Wala bang may magagalit?" Para akong nawisikan ng tubig dahil nagulat ako sa tanong niya.

"Wala naman akong asawa."

He looked at me in straightforward bemuse.

"Seryoso ka?"

"Wala akong asawa kaya walang may magagalit pwera nalang kay Nanay."

"Siya ba ang kasama mo sa pag-aalaga ng mga anak mo?" tanong nito na nawala na yung pagkabahala sa tono ng boses nito.

"Oo, siya lang ang kasama ko sa bahay at ng mga bata. Nasa kanya din ang isa kong anak dahil ayaw pang pauwiin nina Safara—yung owner ng bar at kaibigan ko."

"I'd like to meet your family someday... kung okay lang sayo."

"Walang problema."

Nang nasa tapat na kami ng apartment ay tinulungan niya rin akong lumabas. Inalalayaan niya ako at hinawakan ang mga pinamili ko. Siya narin ang nagbukas ng gate para sakin. Pumasok ako sa gate at naiwan siya sa labas.

Ibinulsa niya ang kanyang mga kamay at tinignan muna ang kabuuan ng apartment namin bago inihapon ang mga mata sakin. "Susunduin nalang kita dito bukas para hindi ka na maghintay sa shop mo." saad niya.

"Mas mabuti kung ganun. Dito nalang ako sa gate maghihintay. Salamat nga pala ulit sa paghatid. Hindi ka talaga nagsasawang ihatid ako dito."

He shook his head and scratched the back of his neck. "Hindi ka abala sakin kaya ko ito ginagawa." sambit niya.

Nagtaas ako ng kilay. Umakyat ang init papunta sa mukha ko. Kapag may sinasabi siyang kaaya-aya sa pandinig ko ay yun ang nagiging button para mabuksan ang init at umakyat sa mukha ko.

He wetted his lips and I almost drowned into his charisma but I mentally said my thanks to my daughter when she stirred on my shoulder. Inayos ko ang pagkakakarga sa kanya at sinayawsayaw ko siya para hindi magising mula sa pagkakatulog. Kapag nagigising pa naman siya ay hindi ko siya napapatahan agad dahil ang hirap niyang patigilin sa pag-iyak.

"So I'll see you tomorrow?"

"Bukas." Nodding, I answered.

He nodded and he turned around to get inside of his car. Hinintay ko muna siyang pumasok sa kotse niya bago ako pumasok sa apartment. Binaba ko si Nillie sa kwarto nang makarating na kami. Nangalay ang aking braso dahil sa kakakarga sa kanya.

Bago dumating sina Nanay ay malinis na ang apartment. Walang nagkakalat na mga laruan at wala na rin akong mga maruruming labahan. Yung mga damit na malinis at bagong laba ay tinupi ko ng matapos sa kabinet para hindi magkalat. Yung kabinet ko sa loob ng kwarto ay iisa lang pero malaki at kasya ang mga damit namin ng mga bata sa kabinet.

Yung mga hindi na nasusuot na damit ng mga bata ay idinodonate sa orphanage dahil maayos pa naman ang mga damit ng mga bata kaya mabuting ibigay ko nalang sa orphanage kaysa itapon dahil sayang. Pero yung ibang hindi na nagagamit ay tinatapon nalang. Ganun din ang mga damit namin nina Nanay.

Binuksan ko ang pinto nang marinig ko ang pangalan ko na tinawag ni Nanay mula sa labas ng aming apartment.

"Oh ba't nakatulog yan?"

Paglabas ko ay nakita ko si Nanay sa tabi ng taxi at karga niya ang apo niya na mas mabigat pa kay Nillie. Agad kong kinuha mula sa kanyang mga bisig si Kamp dahil nahihirapan na si Nanay. Kinuha muna ni Nanay ang kanyang mga dala bago binayaran ang taxi driver. Sabay kaming pumasok sa loob ng apartment, siya ang naglock sa gate at naglock din ng pinto.

"Busog na yan kasi bago kami umuwi ay pinakain muna kami ni Skan para kayo nalang ni Nillie ang kumain. Atsaka, sa Lunes ay hindi na ako papasok sa trabaho dahil may nahanap agad na part-timer si Skan kaya mabuti nalang at mapipirmi na ako dito sa apartment."

Napahinga ako ng malalim dahil sa wakas ay hindi na siya papasok sa trabaho. Inaalala ko lang naman ang kalusugan niya dahil hindi siya bumabata para magtrabaho sa isang busy restaurant lalo na't may arthritis siya na pwedeng magpahinto sa paglalakad ng ilang araw o baka lumala pa. Hindi ko alam kung ano ng gagawin ko kapag magkasakit si Nanay dahil natatakot akong kumuha ng mag-aalaga sa mga bata. Mas mabuting kami ni Nanay ang mag-alaga para napapanatag ang loob ko.

"Mabuti nalang at hindi ka na makakapagtrabaho. May binigyan ka bang sweldo para sa ilang linggong serbisyo mo?"

"Mayroon. Binigyan niya ako at ito nga, binigyan niya ako ng pagkain din para hindi ka na magluto pa."

"Ipapasok ko lang muna si Kamp sa kwarto namin. Lilinisin ko rin ang katawan niya para bihisan ng pantulog niya." saad ko at pumasok sa kwarto.

Si Nillie ay gising na at seryosong nanunuod ng cartoon. Kagigising niya lang at matagal na makakatulog ang batang yun dahil ang haba ng tulog niya. Si Kamp ay pinunasan ko lang ang katawan niya gamit ang towelette na binabad sa maligamgam na tubig. Binihisan ko siya ng kanyang pajamas. Malinis na siya at hinayaan ko siyang matulog. Bukas ay maaga siyang magigising.

"Nillie, come on let's eat." tawag ko sa bata.

Agad niyang iniwan ang panunuod at sumama sakin sa kusina. Si Nanay ay nagpaalam muna na papasok siya sa kwarto niya at pinaalam sakin na ako na daw ang bahala sa kusina dahil magpapahinga na siya.

"Mama I don't want hotdog." Nillie said with her baby voice.

"Ano bang gusto ng baby ko, hmm?" Marahan kong tanong saka tinignan siya.

She pointed the bacon. I gave it to her. Binalatan ko ang hard boiled egg saka hinati para sa aming dalawa. Iisa lang yun dahil kinain na daw ni Kamp sa restaurant sabi ni Nanay. Dalawa daw yun tag-isa samin ni Nillie pero humirit si Kamp kaya pinakain. Yun nalang daw ang natitira kaya isa nalang ang natira para samin ni Nillie.

Tahimik kaming kumain ni Nillie dahil kaming dalawa nalang ang nasa kusina. Yung dalawang kasama namin ay nagpapahinga na. Pagkatapos naming kumain ay hinayaan ko lang muna siyang manuod ng cartoon sa TV habang ako ay nasa kusina at naghuhugas.

When it's time to go to our bedroom, Nillie locked her fingers to mine. I turned off the TV and unplugged the outlet and switched off the light in the living room and in the kitchen.

Kinabukasan ay nagpaalam ako kay Nanay na makikipagkita ako sa kaibigan. Sinabi ka kanyang lalaki ang kikitain ko. Nasa loob ako ng kwarto at inihanda na ang bag para lumabas nang pumasok si Nanay at tahimik akong kinompranta tungkol kay Oxford.

"Sigurado ka bang kakain lang kayo sa labas? Hindi ka ba nililigawan ng kaibigan mong yan?" May diin ang pagkakasabi niya ng kaibigan pero ang lumanay ng boses niya.

Ngumiti lang ako kay Nanay at sinigurado ko na hindi gumagawa ng paraan si Oxford para maging girlfriend niya ako. "Hindi 'nay. Ang gwapo niyang lalaki at mayaman, magkakagusto pa ba siya sakin na may anak na ako at hindi pa ako maganda?"

She snorted.

She crossed her arms over her chest and knotted her brows.

"Sino bang may sabi sayo na hindi ka maganda? Hindi mo ba naalala na minsan ka ng sinundan ng mga talent scout noon para maging modelo dahil sa tangkad at taglay mong ganda? Aba, may dugong Irish ang tatay mo kaya huwag kang magtaka kung pag-agawan ka noon dahil sa itsura mo. Nagka-anak ka lang pero wala kang asawa kaya mag-ingat ka dahil baka pinopormahan ka ng lalaking kinikita mo."

Napakamot ako sa ulo ko sa sinabi niya. "Hindi naman 'nay. Alam niyang may mga anak ako pero wala akong asawa at hindi rin magkakagusto yun sakin kasi maraming magagandang babae ang nakapila sa kanya."

"Nagsasabi lang ako, Billie." sagot ni Nanay.

Nagpaalam na ako sa kanya at tutal nasa apartment lang siya ay siya na muna ang mag-aalaga sa mga bata. I kissed my kids before I headed out. Paglabas ko ay nakita ko si Oxford na nakadungaw sa bintana ng kotse niya. He's patiently waiting for me.

Patakbo akong lumapit sa kotse niya. "Hi, kanina ka pa ba dito?" Agad kong bungad nang makalapit na ako.

Bumaba siya ng sasakyan na hindi naman kailangan, pinagbuksan niya ako ng pinto at pumasok ako.

"Five minutes long." tipid niyang sagot.

Pagpasok niya sa sasakyan ay inistart niya ang engine.

"Saan ba tayo pupunta?"

He smiled. "Impatient, aren't we?" he teased.

Nahiya akong napangiti.

"Mayroong pinupuntahang pasta restaurant ang Mom ko, gusto ko ay dalhin kita doon."

"Okay lang ba?"

"Of course."

"Eh paano kung may makakilala sayo doon dahil pinupuntahan din ng Mommy mo yun?"

He shrugged his broad shoulders. "I don't care, though, our intention is only to dine not to make-out so there's no need to worry about." kampante niyang sagot.

I bit my lower lip because of the thought of making-out with Oxford would be a dream come true—for most women who wanted his lips. And I wasn't most women.

Okumaya devam et

Bunları da Beğeneceksin

51.9K 1.3K 53
Isang magaling na doctor si Dr. Jaxon Philip De-Gracia and he is one f the Bachelor too. Devotion and Care to bring Healing. Comfort and Hope ang kan...
141K 2.9K 59
She's a total perfect stranger of that thing called LOVE and GOODNESS. Kaya di siya relate sa mga churvaeks ng mga tao dyan sa word na love na yan. B...
628K 19.8K 50
When push comes to shove Seth is willing to do anything for the sake of money. Money has become his master for such a long time that he didnt even kn...