Oxford

By cultrue

38.7K 1.1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 10

724 25 4
By cultrue

Isang malutong na tawa ang narinig ko mula sa mga taong nasa labas ng shop na nag-uusap. Isa na doon ang nakita ko ay si Sack. Mga customer niya siguro ang kausap niya dahil nandoon siya. Hindi ko naman kilala ang mga taong yun kaya maaaring customers niya.

Pinagpatuloy ko ang ginagawa kong paggunting sa sleeve ng dress. Mahaba kasi ang sleeves ng dress na nirerepair ko, ang gusto ng customer ay sleeveless daw para maiba naman. Habang nagrerepair ako ng dress ay wala na akong narinig na ingay sa labas. Pag-akyat ng tingin ko sa labas ng shop ay wala ng mga tao.

Huminga ako ng malalim at nagpokus sa pagtatahi para may matapos. Naging productive naman ako sa araw na yun dahil mga apat ang natahi ko at mabuti nalang ay kinuha na. Alas tres ay nasa counter na ako at kinukwenta ang kita ng shop ng araw. Umabot din ng limang libo, sobra pa dahil may coins din akong pinabayad para may pansukli ako.

Bago ako umuwi sa apartment ay sinabi ko kay Nanay na bibili nalang ako ng pagkain sa Skantxu para hindi na siya magluto. Nakita ko kasing busy siya sa trabaho sa restaurant kaya alam ko na hindi na siya makakapagluto pa. Ang sabi ko sa kanya ay huminto nalang sa restaurant para makapagpahinga na siya.

Hindi na biro ang edad niya dahil nasa sixty na siya, nagrereklamo na nga siya sa arthritis niya kaya huwag nalang niya hintayin yung bonus sa December kasi matagal pa yun.

Nasa Setyembre palang naman at may tatlong buwan pa siya, eh paano kung lumala yung arthritis niya at hindi siya makalakad agad? Hindi na siya makakapagtrabaho pa. Kaya plano ko talagang pahintuin si Nanay sa pagtratrabaho sa restaurant para makapagpahinga na siya. Relax nalang sana siya ngayon para hindi ako mag-alala sa kanya.

Pag-uwi ko ay kumain din kami agad dahil nagugutom na ang mga bata at hindi nila kayang maghintay pa ng matagal. Mabuti nalang at may binili akong Chile Verde na isang special na menu sa Skantxu, ininit lang ni Nanay ng tatlong minuto saka nagsandok ng kanin sa mga plato ng mga bata at sa amin.

"Dahan-dahan sa pagkain, Nillie. Mainit pa yan." saway ni Nanay kay Nillie nang hablutin nalang nito ang kutsara para isandok sa kanin.

Hindi naman naituloy na isubo ang kanin ni Nillie. "Nagugutom na po ako." Matamlay na sabi nito kay Nanay.

"Hipan mo muna para hindi mapaso ang dila mo. Iiyak ka na naman kapag mapaso ka." sagot naman ni Nanay sa malumanay na boses.

Umupo ako sa tabi ni Kamp para narin kumain. Pinagmasdan ko ang mga bata sa pagkain. Nanlulumo ako kapag nakikita ko silang lumalaki, gusto ay hanggang bata lang sila pero excited din akong makita ang paglaki nila at kung ano ang gusto nilang gawin.

Nang makatapos kami sa pagkain ay sumunod ako sa mga bata sa banyo para linisin ang kanilang mga katawan at para narin maghanda na sa pagtulog. Sabay ko silang dalawa lininisan. Si Kamp ang inuna kong punasan at si Nillie naman ay sunod. Sinuklay ko ang kanyang kulot na buhok bago siya kinarga papasok sa kwarto namin.

"Sigurado ka bang wala kang homework, Kamp?" tanong ko kay Kamp habang tinutulungan sa pagbihis.

Umiling siya at napangiwi. "Tapos na po ako."

"Good. Pray muna bago matulog." sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Sinablay ko ang tuwalya na ginamit nila sa likod ng pinto ng banyo. Bumalik muna ako sa kwarto namin at pinatulog sila. I read them their story book. Si Nillie ang unang nakatulog at natulog din si Kamp pagkatapos ng ilang minutong pakikinig sa pagbasa ko.

Lumabas ako ng kwarto at nakita si Nanay na nanunuod ng paborito niyang drama sa TV. Umupo ako sa single couch.

"Nay."

"Hmm?"

"Hindi ka pa ba hihinto sa restaurant?" Yun agad ang tanong sa kanya nang makaupo ako.

Gusto ko na siyang huminto sa pagtratrabaho para naman hindi siya madala agad sa sakit na inaaray niya tuwing uuwi siya mula sa trabaho. Yung malalim na buntong-hininga ang narinig ko mula sa kanya kaya napatingin ako sa kanya.

"Hihintayin ko munang matapos ang buwan na'to bago ako huminto sa trabaho ko, wala pang may nahanap na papalit sakin." sagot ni Nanay na nakatuon parin ang atensyon sa TV.

"Nag-aalala lang naman ako sayo dahil sa arthritis mo. Paano kung lumala yan kapag nasa gitna ka ng trabaho? Hindi mo pa naman kayang maglakad kapag tinamaan ka ng arthritis mo."

"Iniinom ko naman ang gamot ko pero huwag kang mag-alala dahil hihinto na ako. Nakita ko narin kasing hindi na maiwan itong apartment natin dahil hindi nalilinisan ng maayos. Pero kapag makahanap agad ng bagong kapalit sakin si Skan ay pwede na akong huminto, ang sabi pa nga niya ay bibigyan niya ako ng bonus sa huli kong sweldo." she stated.

I was happy that she'd able to pulled her explanation out of horizon. I wanted her to relax because working at the busy restaurant would bring harm to her. She's getting older and older every day and I only wanted her to be sick free.

"Kahit papaano ay hindi naman bumababa ng isang libo ang kita ng shop. Sa pagrerepair palang ay minsan sa isang araw ay isang libo na ang nalilikom kapag maraming narerepair. Kapag may pinapagawang damit ay yun ang nagpapalaki ng kita. Kita mo 'nay, kaya ko naman kayong buhayin ngayon."

Proud na ngumiti si Nanay sakin, yung mukha niya ay sakin bumaling mula sa pinapanood niya. "Alam ko yan, Billie. Pero huwag mo rin abusuhin ang katawan mo para may lakas ka pang natitira kapag umuuwi ka dito sa'tin." saad ni Nanay.

"Oho, alam ko ho yun." sagot ko at marahan siyang nginitian.

Bumuntong-hininga siya at iniwas ang tingin sakin. Nakatuon na naman ang tingin niya sa kanyang mga mata. "Kung buhay lang sana ang tatay mo ay hindi niya tayo pababayaan. Alam mo kung gaano yun nagsisikap para lang hindi tayo magutom."

Malalim at malungkot akong bumuntong-hininga dahil sa sinabi niya. Kung sana ay buhay lang siya. Ito yung nakakadismaya magiging kagaya ko lang din si Kamp noong lumaki akong walang ama na nagpalaki sakin. Pero maiintindihan din niya naman ako. Maiintindihan din naman niya ang sitwasyon kapag tumuntong na siya sa tamang edad.

Kinabukasan ay walang pasok kaya okay lang na late ng magising ang mga bata. Hindi na ako pumasok pa sa shop ng maaga dahil weekend at pinangako ko sa mga bata na nasa apartment lang ako kapag wala silang pasok. Kaya naman ay ipapasyal ko sila sa isang park o di kaya ay pupunta kami sa isang shopping mall para bumili kami ng bagong damit nila.

Maaga palang ay tinulungan ko sa paglinis si Nanay sa apartment namin dahil nagrereklamo siyang hindi na daw nalilinisan namin ng maayos dahil pumupunta kami sa trabaho. Pero dahil may trabaho siya sa Sabado ay ako na yung nagpatuloy na maglinis sa apartment namin. Hanggang paggising mga bata ay inasikaso ko muna ang pagkain nila at pagligo bago kami umalis.

"Kakapit lang kayo sa akin ha. Huwag kayong tatakbo dahil maraming tao sa pupuntahan natin baka mawala kayo." Paalala ko sa kanila habang nasa apartment palang kami at inaayosan sila.

Si Kamp ay nagsusuot ng medyas habang ako naman ay tinatalian ko ang buhok ni Nillie para hindi magkalat. Pagkaayos ko ng buhok ay ako naman ang nag-ayos para makaalis narin kami. Maliit na bag lang ang dala ko na may lamang wallet at cellphone. Yung dalawang bata ay may bag din na dala pero maliit lang na bagpack dahil t-shirt na bihisan at towelette lang ang laman.

Nilock ko ang apartment namin at naglakad sa kalsada. Pagkasarado ko ng gate ay naghintay lang kami ng taxi na dumaan.

"Ayusin mo ang bennie mo, Kamp." sabi ko kay Kamp. "Ikaw Nillie ayaw mo bang magsuot ng cap mo?"

Umiling siya. Ipinasok ko ang sombrero niya sa bag para hindi mawala. Wala akong dalang payong dahil maganda naman ang panahon at walang dungis ang langit ng makakapal na ulap kaya imposible na umulan.

"Mama I want to go in McDonald." Kamp requested.

Tumango ako. "Opo doon tayo maglalunch."

"McDo! McDo! McDo!" Nillie exclaimed.

"Shh. Quiet, Nillie." saway ko.

Pagdating ng taxi ay sumakay kami sa likod. Dumating kami sa park. Sakto ang pagpunta namin doon dahil maraming tao. Minsan ko lang naman sila dalhin sa mataong lugar kaya naman ay hinayaan ko silang maglaro. Pumwesto ako sa isang malilim na bench malapit lang sa swing kaya pinagduyan ko sila hanggang sa magsawa.

"Mama, hindi ako marunong." ani Nillie.

Hindi umabot sa lupa ang kanyang paa kaya hindi niya napapadyak para makakilos.

"Okay, ako ang bahala." sagot ko at naglakad ako papunta sa likod nila para iduyan sila.

"Mama higher!" suhesyon pa ni Kamp.

Pero umiling ako. "Hindi pwede. Mahuhulog kayo."

Hindi masyadong mataas ang pagtulak ko sa kanila dahil natatakot akong baka mahulog sila. Sakto lang. May kalumaan narin ang swing kaya hindi ko nilalakasan ang pagtulak.

I let them play with the children too in the park. Naglaro din sila ng kapatid niya sa seesaw at nagpaslide sa slides. Naka-alalay lang ako sa kanila para hindi sila masaktan at para hindi rin sila mawala sa paningin ko.

Nang pumatak ang alas dose ay dinala ko sila sa MacDonald para kumain at namili kami ng bagong damit nila sa shopping mall. Sa store lang ng mga damit pambata kami pumasok dahil napagod si Nillie at inaantok na rin kaya sa taxi palang ay tulog na siya.

"Manong sa Lopez street lang po kami." sabi ko ng malapit na kami sa Lopez street.

Nagpababa kami malapit sa shop dahil doon dahil pwede kong ilapag sa couch ko sa opisina si Nillie. Nagbayad ako sa driver ng taxi at pinauna kong ibaba si Kamp. Kinarga ko si Nillie at kinabit ang bag sa balikat ko. Yung mga binili namin ay kinuha ko din at yung kayang dalhin ni Kamp na shopping bag ay pinadala ko sa kanya dahil nahihirapan din ako.

"Kamp pumunta ka lang muna kay lola sa restaurant ni tita Skan. Sabihin mo ay nandito ako sa shop."

"Papasok ka sa shop, Mama?" tanong nito.

"Opo pero titignan muna kita na makapasok sa restaurant bago ako pumasok." sagot ko.

Lumabi siya. "Eh sama ka nalang Mama."

Umiling ako sa kanya. Kung pwede lang ay sumama na ako. "Hindi pwede dahil karga ko si Nillie at maraming customers sa loob. Sa Pinxto Alley ka muna pumasok baka nandun si lola, sige na." Marahan kong sabi.

"Mama." Bumaba ang boses niya at parang paiyak na siya.

Kaya huminga nalang ako ng malalim at naglakad papunta sa Pinxto Alley kasi hindi crowded doon. "Dito lang ako sa labas. Kapag makita mo si lola, sabihin mo nasa shop ako. Pero huwag kang lalabas kapag makita mo siya. Pero kung wala siya sa loob ay baka nasa kabilang restaurant." sabi ko.

Tumango naman si Kamp. Matalino siyang bata at alam niya ang gagawin niya kaya dahan-dahan siyang pumasok sa loob ng Pinxto. Hinawakan ko ang pinto para mapakapasok siya sa loob na hindi rin nagtagal dahil may humawak ng pinto para sakin. Si Nanay ang sumalubong samin.

Nakangiti siya na makita kami. "Oh akala ko ay didiretso na kayo sa'tin. Papasok ka ba, Billie? Mukhang napagod yan." Nguso niya kay Nillie na karga ko pa.

"May mga binili ako 'nay kaya papasok ako sa shop. Dumaan kami dito kasi sasaglit ako sa shop."

"Oh sige at ako na muna ang bahala kay Kamp dito. Basta kapag umuwi kayo ay sabihin mo lang sakin para maalalayan ko kayo sa pagsakay ng taxi mamaya." sabi ni Nanay.

Nagpasalamat ako sa kanya at pinapasok niya muna si Kamp sa loob ng restaurant. Tumalikod na ako para sana pumunta sa Threads nang may tumawag sakin. Nagulat ako dahil sa lalim ng boses na parang nahuli ako dahil nagkasala ako.

Pagharap ko sa taong papalapit sakin ay nagulat ako ng naguguluhang tingin ni Oxford ang sumalubong sakin. Palipat-lipat ang tingin niya kay Nillie at sakin. Nagtatanong siya. I hoisted Nillie on me.

"Hello Oxford." Tipid na ngiti kong sabi sa kanya.

Bukas pa ang araw na napag-usapan namin na kakain kami sa isang restaurant na hindi ko alam dahil siya yata ang magdadala sakin papunta doon.

"Your... kid?" he slowly uttered. Questions were still written on his face.

I hoisted Nillie again on my stomach to be aware from falling down, I nodded at him. "Oo. Hindi ko pa talaga nasabi sayo na may anak ako."

Hindi maguhit ang kanyang itsura pagkakita sakin na may anak ako. Binuka niya ang kanyang labi pero tinikom niya ulit. Tumingin siya sa batang natutulog sa balikat ko at binalik ulit ang tingin sakin. Nalilito ko siyang pinagmasdan dahil yung uri ng tingin niya sakin... ay may panghuhusga.

Continue Reading

You'll Also Like

14.8K 759 15
The God of Five Worlds decided to give five different girls the experience of a new life in the world of men. What would happen if all five of them t...
577K 37.5K 58
Si Hiraya ay simpleng mamamayan lang na tinutulungan ang mga magulang nya na maghanap buhay dahil hindi sapat ang kinikita ng mga magulang nila sa ka...
15.7K 724 47
Jackie is devoted to her five years old nephew and sick father. Never been to college because no one will take care of her father and nephew and all...
1.8M 50K 39
"H-Hanggang k-kailan m-mo ba ako ikukulong dito A-Alas?" tanong ko na niyakap ang dalawang tuhod habang hilam sa luha ang mukha. Itinaas niya ng Zipp...