Horrors in the Light (Ruins o...

By thesuchness

821 58 19

- More

Horrors in the Light
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III

Ang Simula

233 16 6
By thesuchness

Ang Simula

Alexine Lewis


Paano tumitigil ang isang tao sa pagluluksa?

Paano mo sasabihin sa sarili mo na ginawa mo na ang lahat?

Simula pagkabata nang magkaisip ako, hindi ko pa man din alam, nagluluksa na pala ako. Hanggang ngayon. Hindi ko alam kung paano ako titigil dahil pakiramdam ko ay mahihiwalay ako sa sarili ko. Para bang wala nang ibang alam na lenggwahe ang puso ko. Hindi na nito alam kung paano kilalanin ang saya, pag-asa. Pagmamahal.

Ang sabi nila, hustisya raw ang makakapagbigay ng kahulugan sa lahat. Maging ako rin ay may paniniwalang ito ang magiging libro na magmumulat sa akin ang salitang pagtanggap. Hindi pala. Dahil kapag pala buong buhay mo ay walang nagturo sa'yo kung papaano, ang lahat ay isang malaking pagdududa.

This was my life's work, and I was already half-way done. Grief is the last act of love. Sorrow is the entrance to faith. Wrath is also the hand that holds hope and perseverance.

Yet why was I still in the same spot since the beginning? I learned nothing about grief. Grief is still grief.

How do I stop? How do I move on?

How do I tell myself it is over? At ease, soldier.

Umihip ang katamtamang hangin na siyang nagpagalaw ng mga bangka sa ibaba ng tinatapakan kong tulay. Tuwing iihiip ito ay naririnig ko ang pagtama ng kahoy sa bato. Kalmado ang tubig-dagat sa hapong iyon.

Naroon ako na nakatayo ilang pulgada mula sa tubig at ilang minuto bago ang paglubog ng araw. Hinihipan ng hangin ang buhok at damit ko habang nakatanaw sa hindi kalayuang balsa. There she sat with her feet dangling in the waters and the hem of her dress now soaked.

I had watched a thousand sunsets in my life. I memorized when it would turn orange or red, but now, hiding behind her long jet-black hair like a cloak, the last sun rays shined green. Hindi berde na madalas kong makita sa aming uniporme kung hindi berde na diyamante.

Pumagaspas ang mga ibon sa mababang himpapawid.

The green lights sparked into the blue sea, and each time it hit my eyes, I would dive into the past in broken fragments. The ringings bells. The golden memorial cross. The castle of ruins. And when I would blink, I would resurface back here. To her reflection in the waters, to her hair swaying softly, to her quietness.

Kalahati ang nakita ko mula sa pagsasalubong namin sa corridor ng school nang hindi pa kilala ang isa't isa. Sa tree house na ginawa ng aking ama bago siya namatay. Sa luma ngunit gintong globo sa library. Laban sa kalahati ng tinatanaw kong munting mga alon ngayon.

The mess hall, the lost sigil, their vineyard and the hidden maze. My cousins and hers. Our stupid fights and her laughs echoing in between. I remembered it all.

Muling umihip ang hangin at itinulak ang mga bangka. Pinanood ko ang pagtingala niya sa mga ibon kasabay ng paghina ng tunog ng kampana sa aking memorya.

"Lex! Galing ako sa terminal! Wala raw silang nakitang sumakay sa mga barge–"

Nilingon ko si Jones na napatigil nang makita ang kalmadong dagat. Isang ngisi ang pinakalawan ng pinsan ko sa kabila ang taas-babang dibdib.

I crossed my arms and let my gaze gravitate back to the waters. Sa likod ko ay naririnig ko na rin ang papalapit na batang si Atoy.

"Papa! Tito Lex! Hindi namin nakita ng mga kalaro ko sa talipapa! Susubukan po namin sa port–"

"Ayos na, 'Toy! Nakita na ng Tito Lexine mo..."

"Po?! Saan?"

Hindi ako kumibo at hinayaan silang mag-ama sa gilid. Soon enough, they joined me in that quiet afternoon. Paminsan-minsan ay kumakaway si Atoy at kahit walang sigla ay kumakaway rin...siya...pabalik.

"Sabihan mo na lang ako kapag may problema, Lex," si Jones na hindi rin nagtagal at isang tapik sa balikat ko ay umalis na.

Tumango ako, hindi inaalis ang mga mata sa 'di kalayuan.

It seemed the sky and the sea calmed her by now. Tila ba may hinahanap ang mga mata sa kailaliman ng dagat. Tila ba may hinihiling sa tuwing titingala sa himpapawid. The years had passed by between us but her skin was still ghostly white, in contrast to her hair as black as midnight. Still, it was straight as ever but she lost the fringe above her deepset eyes. And still, it appeared hostile. Para bang laging napopoot.

She grew taller, maybe. She was already tall before. Definitely more matured now especially with her hair parted in half. But...still so careless. Hindi pa rin siya nagbabago sa pag-aakalang kaya niyang mag-isa.

Or perhaps she already learned that, that's why she's here with me?

"Ang ganda-ganda niya, Tito Lex! Mukhang sirena!" sigaw ni Atoy na nasa gilid ko pa rin pala.

"Talaga?" I asked without humor.

Nakakalat pa rin ang kaniyang makeup sa kaniyang mga mata mula pa kagabi nang dumating siya. Ang mga kuko, may kulay na itim pero may sira na rin ang mga iyon ngayon. Sa kabila ng pilak na mga singsing ay panay galos ang kaniyang braso't binti.

I clenched my jaw at that sight.

"Opo!" Muling kumaway si Atoy. "Hi, ate!"

She looked like a siren alright, but with her gills and scales black and bleeding.

"Papatirahin mo rin ba siya rito, Tito Lex, gaya ni Cathaliana?"

Kumunot ang noo ko. "Bakit mo tinatanong?"

"Hmm. Wala lang. Baka lang po... gusto mo!"

Did I? Want this person to live with my family? Even temporary.

"Hindi ko pa alam, 'Toy. Mag-uusap pa kami..."

We hadn't spoken yet since she arrived announcedly just last night. Buong araw siyang tulog kaya pagdating naming lahat na hindi siya naabutan sa kwarto...

Masidhi ang buntong-hininga ko.

"Sana patirahin mo siya rito, Tito Lex. Mukhang... masungit! Pero ayos lang po! Para may kausap si Cathaliana. Bored na 'yon sigurado kasi laging si lola lang ang kausap niya. Pero..." Nanlaki ang mga mata ni Atoy. "Hindi kaya mag-away sila, tito? Kasi dalawa na ang g-girlfriend mo?!"

"Hindi ko siya girlfriend," mabilis kong iling.

"Weh?! Nataranta ka nga po kanina 'nung nawawala!"

"Syempre ay nawawala, 'Toy. Kaya nga hinahanap." Tumagilid ang ulo ko.

"E si Cathaliana po, Tito Lex. Girlfriend mo?"

I smirked. "Wala ka bang assignment? Pumasok ka na nga sa loob."

Mukhang ayaw pa niya pero wala na ring nagawa. Umalis na ako sa tulay pero nakabantay pa rin sa hindi kalayuan. Nandoon na rin naman na ako kaya nagpasyang magwalis-walis na lang at mag-ayos ng mga gamit.

I would look at her from time to time, and I knew she knew that too. Her prideful eyes, even exhausted, just wouldn't look back at me.

"Tao po! Alexine? Jones? Nahanap n'yo na?" Hanggang sa may dumating na iilang kasamahan ng pinsan ko sa pagguguwardiya sa terminal.

Binitiwan ko ang walis at isang tingin muna sa dagat ay nagpunta sa kanila sa gate para ipaliwanag ang nangyari.

"Una na kayo. Pasensiya na sa abala at maraming salamat ulit." I tried to bid my goodbyes as fast as I could sensing they might want to come and look.

Umalis na rin naman kaagad kaya nag-jogging ako patungo sa dating pwesto. Naroon pa rin siya sa balsa kaya lang ay saktong tinatanggal na ang bestida.

Mabilis kong iniwas ang tingin. Knots marred my forehead without permission.

One silent dip and the raft was empty when I looked back, except for the already wet dress. Napamura ako at aambang bababa ulit sa tulay ngunit umahon kaagad ang ulo niya.

Atsaka pa lamang kami nagkatinginan.

It caught me off guard, but slowly... I looked at her with hostility. With my anger, with my grief, with my resentment. Everything that I carried with me since time immemorial. She only looked at me blankly, giving away nothing yet taking away everything.

The bells were ringing again, now with the choir from the half-century old church beside our school. The sound was hollow and holy like we were inside the cathedral itself.

Wala na ang hangin. Wala na rin ang mga ibon.

Kaming dalawa na lang.

Ano ba ang gusto mo, ha?

Bakit dito ka pa naparito? Didn't I tell you to...

Fuck it. Damn it.

I just held her gaze for so long like how the sun took its time setting, like how she wanted it. Nang muli siyang lumubog at naglaho. Suddenly, the bells stopped and I heard the winds again.

My eyes were shut tight immediately. The powerlessness clawed at my entire body. She made everything spin.

Kalaunan ay bumalik na ulit ako sa ginagawang paglilinis sa likod-bahay. She could swim for all eternity if that's what she fucking wanted.

Kumalahati ang lubog ng araw. Kinailangan ko nang buksan ang mga ilaw bago magdilim. Nang akala kong hindi pa rin siya aahon ay siyang pagbalik naman ng balsa sa tabi ng mga bangka sa ibaba. Hinihintay ko siyang makaakyat sa tulay pero nagbago kaagad ang timpla ng mukha ko.

Of course, the princess emerged carrying her dress only in her undies. Kada tapak niya sa batuhan ay nag-iiwan ng basang hulma ng mga paa. Gaya ng una naming pagkikita, ni hindi niya ako tiningnan at dire-diretso lang sa maliit na kubo na kanina ko pa nililinis.

Padarag akong sumunod. I couldn't help it. Nakita kong may kinuha siya roon pero ibinalik din. Then she sat down on the clean towel that I put there earlier specifically for that purpose. Like I'd know she'd sit there and she did.

Kada iihip ang hangin ay tumataas ang kaniyang mga balahibo. Nahihilo ako roon.

"Pumasok ka na sa loob at magbihis. Hindi ka pa kumakain," my first words to her since I last saw her.

How funny. Malayo iyon sa mga salitang ilang beses ko nang nabigkas sa utak sa pagaakalang makikita ko siya.

She didn't look at me. Only at the gleaming horizon.

"Ang sabi ko ay pumasok ka na roon." My low voice came out cold and harsh. "You have to eat. You haven't eaten yet since last night."

Still, I was like dust to her.

Kinuyom ko ang kamao. Hindi ko alam kung mas gusto ko bang pagmasdan na lang siya sa malayong tulala o ang makita ko nang malapitan ang lahat-lahat sa kaniya. Her sharp yet feminine features never changed, only enhanced with time. Ang mahahaba ngunit matutulis niyang pilik-mata. Ang matangos na ilong. Ang pataas na kurba ng gilid ng mga mata. Even her soft skin looked prickly because of being too genetically pale.

Hindi ko alam kung ano ang nangyari o mga isinugal niya para lang makapunta sa akin pero pakiramdam ko ay buong buhay niya iyon.

Was that the reason why she looked gutted from the inside and out?

"Mag-uusap tayo mamaya pero magbihis ka na muna." I...begged. "Please," yet it came so angrily. How could someone do something so oppositely?

Nang lingunin niya ako ay parang nawalan ulit ako ng lakas. Gusto kong hawakan ang puso dahil kung mas may isasakit pa sa pagluluksa ko ay ito na yata iyon.

Binuksan niya ang bibig ngunit walang lumabas na tunog. I waited as I looked into her tired eyes, in patience and solemnity, amidst my lifetime of anger and grief.

Come on, say something...

Isang matining na busina ang nakapagpabaling sa kaniya sa gate. Nanatili pa rin ang tingin ko ng ilang segundo bago nilingon din iyon.

Sa hindi kalayuan ay nakatanaw si Cathaliana habang inaalalayan si Lola Faola na bumaba sa tricycle. Tamang oras lang ng pag-uwi nila galing sa panghapong misa. Maayos akong tumayo at hinila ang nakasabit na tuwalya sa sampayan.

She jumped a bit when I threw it on her lap.

"Go."

Surprisingly, she followed. Nakita kong sinundan pa siya ng tingin ni Cathaliana habang nagbabayad sa drayber. Tumungo ako roon para tulungan ang matanda na makapasok sa bahay.

I called for dinner immediately and we were all seated in the small dining table just outside the houses. Sa lote namin, tatlong bahay ang nakatayo. Bahay nina lola, bahay ko at bahay nina Jones at ng anak niya. Hindi naman kalakihan ang loob kaya nagtayo na lang ng common area sa gitna, gaya ng nakasanayang estilo sa mga kabahayan dito sa isla.

Nasa kabisera ako at si Jones. On my right, my grandmother, or the sister of my real late grandmother. On my left, Cathaliana. Magkatabi sila. Katapat niya ang batang si Atoy na ngiti nang ngiti sa kaniya.

When she arrived here last night, ipinaalam ko naman na kaagad kay Lola Faola. Nga lang ay hindi pa sila nagkausap dahil buong araw siyang tulog. The old woman did not seem to mind that I brought another stray at home, dahil tingin ko'y naging malapit sila ni Cathaliana na ilang buwan pa lang dito.

"Ang ganda mo, hija. Kakaiba ang kutis mo. Sobrang kinis at pinong-pino ang pagkaputi. Taga-saan ka na nga ulit?" anang matanda sa pag-aakalang kaya niyang amuhin itong isa.

She only gave them a short greeting before dinner. Ngayon lang ulit nag-angat ng tingin nang silipin ko sa likod ni Cathaliana.

"I'm from Victoria...po."

I flinched at her raspy voice. Like she had to put effort to make sounds flow.

"A-Ah! Doon din galing itong apo ko'ng si Alexine. Doon siya nag-aral ng highschool. Baka roon kayo nagkakilala?"

"Yes..."

Yes, my mind answered the same time she did.

"Kaya naman pala. Naku, wala pa akong nakikilalang mga kaibigan niyang galing sa Victoria. Itong si Catcat kasi, nars doon sa ospital na na-admit si Alexine dati. Alam mo na, sundalo, laging may sugat. Doon sila nagkamabutihan..."

Tumango siya pero hindi nakatakas sa akin ang pagtaas ng kilay. Sa gilid ay ngumiti si Cathaliana sa akin.

"Kayo ba ni Alexine? I-Ibig kong sabihin ay... Kayo ba ay paano nagkakilala? O hula ko ay magkaklase kayo?"

"No. We're in the same batch but different classes po."

"A-Ah, ganoon ba? Schoolmates lang kayo tapos...naging magkaibigan na?"

I wouldn't exactly say we're friends the first time, but to make it short, tumango lang ulit siya at wala nang sinabi. Tumango rin si Lola Faola at sumimsim ng tubig. Her bubbliness was almost dying because of how dry the conversation was. Sa tapat ko ay ngumingising napaubo si Jones.

"Ay, ano ba 'yan! Ano na nga pala ulit ang pangalan mo?" Like a lightbulb lit above the old woman's head.

"Lena," inunahan ko na.

Nagkatinginan kami. Isang segundo lang iyon dahil humarang ang kyuryosong mga mata ni Cathaliana sa pagitan namin.

"Lena po ang pangalan niya, lola..."

We couldn't give her full name. They would have to settle with that.

"Ahh, okay! Lena... Lena." Tumawa ang matanda. "E ilang taon ka naman, Lena?"

"Twenty-three po."

"Aba, bata pa! Mas matanda ang apo ko sa'yo pero nahuli kasi mag-aral iyan noon. Kaya siguro magka-batch kayo, Lena, noong highschool..."

The dinner went on like that. Basic things I didn't already know. My grandmother was trying make the meal pleasant for our guest or maybe for herself. Para bang isang malaking rebulto ang kasama namin at hirap na hirap siyang kausapin.

"A-Ako na, Lena! Bisita ka! Nakakahiya naman..."

Humuni ang gangis kasabay ng tumatamang mga alon sa pader. Tanaw ko sina Cathaliana at Lena sa hapag mula sa tulay na kinatatayuan ko. Hindi tulad kanina ay gabi na at medyo lumalakas na ang mga alon.

I easily assembled the spare burner phone in case of emergencies like this. Saulado ko ang mga numero at tinipa iyon.

"Pumasok ka na roon at magpahinga, Lena. Sige na! Naku, nakakahiya talaga..."

My mouth twitched at the sight of her trying to help. Of course, she's no help. She knew that already.

Ibinalik ko ang mga mata sa mala-radyong telepono. When it connected, I stepped more into the darkness.

"Evening... Dionisio Cardinal."

Pareho ang pangalang binigkas ko ng gabing iyon sa isang pribadong meeting ilang buwan pa lang ang nakalilipas.

The Ferrer's headquarters in the mainland was bigger than ours, it could accommodate more people therefore we decided to have one of the top-secret meetings in the country right here. I didn't mind.

"Attorney Dionisio Cardinal," isang tango ko sa isang lalaking naka-Americano, halos kasing tangkad ko.

"So formal, Captain Alexine Lewis," he snickered. Sa gilid niya ay sumaludo sa akin ang dalawang naka-uniporme. "Or should I say... Lieutenant Colonel Alexine Lewis."

Tumango ako sa mga sumasaludo. Halos sabay kaming bumaling sa kadarating na Alfred Ferrer IV.

"Lex." We shook hands. "Fred."

Nang si Donny naman ang batiin niya'y bahagyang naging iritable ang mukha. The recipient only smirked.

"Thank you for answering the call, Alexine."

"I need to be here," iling ko.

Sa double doors ay isa-isa nang pumasok ang mga imbitado. Halos unipormadong militar lahat mula sa aming pamilya at sa mga Ferrer at Laguardia. Even the Evangelistas who commanded the seas were also summoned. Borris Devin escorted by the three Ferrers were the last ones to arrive, inaakay walang iba kung hindi ang isang ginang na kahit may katandaan na ay hindi pa rin maitatago ang angking ganda.

"Grand Duchess." Yumuko ako matapos magalang na tumayo gaya ng halos lahat ng tao sa conference table, kahit ang mga Cardinal.

Accompanied by a nurse, a secretary, and her favorite Devin, she walked towards me gracefully and touched my arm cladded in the long sleeves of my uniform.

"Sir, you have to stop calling me that," aniya at eleganteng humalakhak.

"Just out of habit, madame."

The grand duchess came from a noble family. It was her birthright to be called that ngunit matagal na panahon na rin mula nang gampanan niya iyon. Still, we all called her that.

"Congratulations on the promotion. You deserve it for your long and hard work. I can't thank you enough, Alexine, you know this."

Umiling ako sa ginang. "I did not aim for the rank, madame. All I want is justice... For all of us."

"Reason why you deserve it and more," aniya. "Huwag ka sanang maiinsulto sa alok ko kahit na alam kong paulit-ulit, hijo. I know men like you do not value material things or status in life but if there is anything, Lex, anything at all. Just to express my deepest gratitude, sabihin mo sa akin. Please."

Tipid akong ngumiti at umiling. "Wala po talaga, madame. Pasensiya na at...maraming salamat din."

And like always, she just sighed and smiled it off. Tinapik nito ang aking balikat bago nagtungo sa isa sa mga kabisera ng pinakamalaking table. Magalang siyang binati ng mga matataas na opisyal doon.

It was Borris Devin who then replaced her spot infront of me.

"Lieutenant Colonel Alexine Lewis," malalim niyang pagbati, may lamig pa rin sa mga mata.

I returned the greeting and was about to sit as well nang makitang nakatunghay pa rin ito. Halos magkasingtangkad lang kami at naglebel agad tingin. The arrogance he exuded was effortless and involuntary, like his aunt, the grand duchess.

"My...niece will try homeschooling. She is going to study soon. Maybe highschool where she left off." Bahagyang gumaan ang kaniyang tono.

"Tell her good luck." I couldn't hide my smile.

Kumunot ang noo ni Borris. "Tell that to her yourself. She wants to see you." Parang hirap pa sa kaniya ang indirektang pag-iimbita sa akin.

"Alright... I'd drop by soon."

"Thank you."

I shifted my weight to the other foot, already aware of the attention from some of the participants of the secret meeting.

"Si Lieutenant? Kumusta?" Pagkasabi ko noon ay napabaling sa akin ang isa sa mga Laguardia.

"She is fine as well. There is more progress on her last therapy."

"Mabuti. Salamat, Borris."

That ended our short conversation, and it seemed the meeting would start soon. The lights dimmed and the screen infront lit up. Umupo na rin ako sa pwesto, sa grupo ng mga Lewis, pero malapit din sa mga Cardinal.

Alfred Ferrer assumed the small podium, looking clean and proper. "Thank you all for answering our call. For the cooperation and for the few years of helping each other. I know our families have differences and... the things we did in the past we cannot undo today. But we all set it aside for no other than our own families as well."

Binilungan siya ng isa pang Ferrer kaya naman natigil ito. "Right, right."

I shifted in my seat. Ngumisi sa akin si Donny bago itinuon ang pansin kay Alfred na tumikhim.

"Ladies and gentlemen, Dukes and Duchesses... This is how we capture the del Valles."

Continue Reading

You'll Also Like

6.9M 140K 51
PUBLISHED UNDER POP FICTION (SUMMIT BOOKS) The Neighbors Series #2 Highest Rank: #1 in General Fiction ** Meet the rich, gorgeous, hot and sexy Sapph...
25.5M 908K 44
(Game Series # 2) Aurora Marie Floresca just wanted to escape their house. Ever since her father re-married, palagi na silang nag-aaway dalawa. She w...
264K 14.6K 36
"You're mine Pinky. Makipaghiwalay ka man sa akin ngayon pero sa akin pa rin ang balik mo.." -- Cedric Dalawang taon ng hiwalay si Pinky sa kanyang e...
32.1M 1M 48
(Game Series # 1) For as long as Katherine could remember, Juan Alexandro Yuchengco has always been her dream guy. He's smart, kind, and could be fun...