Oxford

By cultrue

38.5K 1.1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 08

727 24 1
By cultrue

Halos matawa ako kay Kamp nang ipakita niya sakin ang picture ni Easton sa magazine ng Forbes. Halos lahat ng makikita niya sa isang magazine o sa TV ay tinatanong niya sa amin ni Nanay kung yun ba tatay niya.

"Halika ka nga dito, Kamp Ysmael." sabi ko saka nanghahalukipkip siyang lumapit sakin. Nakanguso siyang tumabi sakin.

Tumagilid ako ng pwesto, nasa likod ko si Nillie dahil natutulog siya at ayoko siyang maistorbo sa pagtulog niya. Kapag pa naman naiistorbo siya sa kanyang tulog ay matindi ang tantrums niya kaysa sa Kuya niya.

Kinuha ko mula kay Kamp ang magazine. Yung seryosong mukha ni Easton ang nasa magazine pero nang-aakit ang kanyang mga mata na hindi naman tumabla sakin. Pero kapag siguro si Oxford ang nasa cover ay mapapangiti yata ako.

Pinilig ko ang aking ulo.

Huminga ako ng malalim at nakangiting binalik ang atensyon sa anak na pokus ang mga mata kay Easton.

"May Papa ka pero hindi ito ang Papa mo. Hindi lahat ng makikita mo Kampy na ganitong lalaki ay tatawagin mo nalang na Papa."

"But where's my Papa?"

"Nasa malayo pa—siguro naman ay pwede ka ng matulog. Itong lalaki sa picture hindi mo ito Papa, remember that okay?" Baka kasi hanggang sa panaginip ay maalala niya ang mukha ni Easton at sabihing Papa ulit.

He frowned, bulging his lips. "Pero bakit yung Papa ni Caleb ay umuuwi pero yung samin ni Nillie hindi."

Bumuntong-hininga ako at niyakap siya atsaka hinalikan ang kanyang noo. "Eh kasi po hindi pa time ni Papa na dumating siya. Kapag okay na siyang umuwi, magpapakita din siya." I knew this was lie, but I couldn't find a right word to say to my child. "Be patient." I gently pressed my forefinger on the tip of his nose.

"Okay." he said almost like a whisper.

Pinatulog ko na siya at hindi ako umalis sa tabi nila nang hindi ko masiguro na hindi pa natutulog si Kamp. Tinago ko ang Forbes magazine, mahal ang pagkabili ko nun pero sa ibang pagkakataon ko na siguro yun babasahin. Umupo ako sa tabi ng bintana. Binuksan ko ang lumang laptop ko na binili pa ni Nanay sakin noong senior year ko na sa kolehiyo.

Agad ko itong kinonekta sa wifi at diretso ako sa Google. I typed Oxford G. Bullecer. Sinubukan ko lang dahil kung si Easton ay nasa Forbes magazine, baka malaking tao din si Oxford. Nahinuha kong tama ang hinala ko dahil pagpindot ko palang sa pangalan niya ay marami ng lumabas na mga artikulo na tungkol sa kanya.

I chewed my lower lip and raised my brows to read closely the facts about Oxford Bullecer. Oxford Daniels Gascon Bullecer, Oxford jewelry owner, pinsan niya ang Phoebian at ang isa pang tao na si Phinneas. Yung Phoebian at Phinneas ay magkapatid , magpinsan sila ni Oxford sa Bullecer side.

Tinuon ko ang aking mga mata sa laptop ko para basahin ang lahat tungkol kay Oxford. Namangha ako dahil lahat ng mga kaibigan niya ay mga bilyonaryo. Nakita ko rin si Noe, isa pala siyang owner ng isang publishing house. Ang haba din ng apelyido niya na ang hirap kong mabasa.

Pero seryoso kong tinuon ulit ang aking tingin kay Oxford. Maraming babaeng nalink sa kanya at isa na dun ay ang anak ng senador na socialite, mayroong larawan na hinahabol ni Oxford ang babae. Morena ang babae. Cassidy Reyes ang pangalan ng babae at hindi pa ako—inistalk ko siya. Anak mayaman at may sinasabi ang pamilya. Isa siyang modelo kaya pala ang ganda ng balat sa larawan pero kapag anak mayaman ay talagang maganda yung balat.

Napatingin agad ako sa sarili kong balat. Maputi nga ako, matangkad, pero may mga nunal ako sa balat, hindi buhay kasi may nunal naman na umuumbok at yun ay tawag na buhay. Ang balat ko ay parang papel na tinulduk-tuldukan, hindi naman madami at nabibilang ko lang pero nakaka-insecure. Mabuti nalang at wala akong freckles sa mukha pero may mga nunal naman ako sa braso at may peklat ako sa kanang binti sa gilid ng itaas ng tuhod ko.

Kinapa ko ang suot na maong kung nasaan nakahimlay ang aking peklat sa kanang binti. Nagkaroon ako ng peklat nang gabing makilala ko ang tatay ni Kamp. Nalasing ako noon at hindi sinasadyang mabangga ang binti ko sa isang matulis na bagay na hindi ko matandaan kung ano yun kasi lasing ako at madilim ang lugar.

Paggising ko nalang ay wala na akong kasama kaya hindi ko nakita ang lalaking yun. Maliwanag sa kwarto na yun pagkagising ko at makakausap ko sana siya kung hinintay niya lang akong magising o kung ako man ang naunang magising ay hihintayin ko siya. Ayoko ng hindi kami magkakilala kasi nahihirapan akong mag-explain kay Kamp kung sino at nasaan ang Papa nila ni Nillie.

Nillie had a father but he's already out of the picture because he abandoned his daughter. Kahit suporta nalang sa pera sana kay Mariza ay hindi ginawa ng Britanyo kaya nasa akin ang bata.

Ayokong lumaki ang mga bata na walang ama dahil naranasan ko na rin ang lumaki na wala ang tatay ko pero sino nga ba ang tatanggap sakin na lalaki na may dalawang anak? Subagay may trabaho ako dahil yung ibang mga lalaki ay pera ng babae ang habol pero paano ang mga anak ko? Gusto ko ay yung lalaki na tanggap ako bilang single mother at pati na ang mga anak ko at hindi rin tamad na lalaki.

Bumuntong-hininga ako at inisang tingin ang larawan ni Oxford na kasama si Cassidy Reyes, pinatay ko ang laptop atsaka sinuklay ang aking buhok.

Matagal ng nagkaroon ako ng one night stand sa isang lalaki, bibihira lang mangyari yun pero naging isa pa talaga ako sa mga naging biktima na yun. Kahit matagal na ay hindi ko parin makakalimutan yung lalaki kasi lumalaki si Kamp, madidismaya siya sakin kapag nalaman niya na isa siyang bunga ng one night stand.

Duwag din ang lalaking yun, hindi manlang ako hinanap o ginising para kausapin yung tungkol sa nangyari. Hindi niya alam na may anak siya sa ibang babae.

Nagkibit-balikat lang ako. May mga anak na hindi na kilala ang kanilang mga magulang at hindi naman nila iniisip yun ng malalim, pero si Kamp... talagang nagtatanong siya sakin kung sino ang ama niya at wala palagi akong naisasagot sa kanya tungkol sa ama niya dahil hindi ko nga siya kilala.

Dalawang linggo na ang nakalipas at nagkaroon na ako ng kaluwagan sa trabaho sa shop. Yung ibang naitahi kong damit ay kinuha na ng may-ari. Mga nirerepair nalang ang akin at yung mga emplayado ko ay sila ang nagtatahi ng mga damit na pinapagawa gaya ng jerseys, formal dress ng mga babae at iba pa. May mga uniporme akong nirerepair kasi yun talaga ang hindi matpos-tapos naming pagtahi, yung iba ay nasisira dahil sa mga malilikot na estudyante.

Nang tanghali ay pumasok si Skim sa shop. Pareho kaming nagpahinga mula sa trabaho namin.

"Si Santi muna ang bahala sa shop ko bukas hanggang sa susunod na linggo." banggit nito saka humikab pa.

"Bakit naman?" taka kong tanong bago binuksan ang soda na binili niya bago siya pumasok sa shop ko.

Pinag-dekwatro ni Skim ang kanyang mga binti. "Kasi may asikasohin pa ako. May another raket ako."

"Paano na yan kung wala ka dito eh alam mo naman na busy ang mga kapatid mo."

Nagkibit-balikat siya. "Okay lang dahil minsan kapag wala sila ay ako ang nag-aasikaso. So ako naman ang kailangan nilang tulungan."

Hindi ako naniniwala sa 'raket' niyang yun. Alam ko na may hindi siya sinasabi sakin pero bahala siya kung ano ang gawin niya. Malaki na siya para alagaan ang sarili niya. Mas maingat din siya kaysa sakin.

Binaba ko ang lata ng soda sa lamesa ko na malinis. "Ikaw ang bahala." usad ko at tinignan siya.

She was pouting and she's in a deep thoughts.

Tama nga ang hinala ko. May problema siya.

She sighed and drank her soda.

"Nga pala. Wala ka parin bang balita tungkol kay Kamp Sr.?" Tukoy niya sa ama ni Kamp. Inimbento lang ni Skim ang pangalan na yun dahil hindi ko alam ang pangalan niya. Yung mukha nga ay hindi ko nakita, yung pangalan pa kaya.

"Hindi ko naman alam kung paano siya hahanapin dahil hindi ko siya kilala."

"Si Farren ang nakamulkha sa kanya dahil nakita niya ang lalaki na yun bago pa may mangyari at kapag talaga makita ni Farren ang lalaki na yun sa mga club ay talagang malalaman niya dahil matalas ang memorya ng babaeng yun."

"Sana nga pero alam natin na hindi palaging nagpupunta si Farren sa mga club dahil busy ang tao sa paghahanapbuhay."

Yung pinarepair sakin ni Farren na slacks niya ay sinadya ko pa talaga sa apartment nila dahil hindi siya nakapunta sa shop ko kinabukasan para kunin.

"Pero inisip ko na baka hindi na kami magkita. Imposible na kasi yun, Skim. Maliit man ang mundo pero hindi ibig sabihin nun ay talagang magkikita pa kami." sambit ko.

Bumuntong-hininga siya at linubog ang sarili sa upuan. "Kung hindi mo na siya makita pa ay paano si Kamp? Siguro sign na ito na may-aasawa ka ng ibang lalaki at iba ang magiging tatay nina Kamp at Nillie." She paused then she continued. "Pero nandyan naman si Romer na nanliligaw sayo noon. Single pa yun hanggang ngayon at maganda pa ang trabaho."

"Si Romer na mas matangkad pa ako sa kanya?"

Pinanlakihan niya ako ng mga mata. "Eh wala ka ng choice no'n." Natatawa niyang sagot.

Umiling ako sa sinabi niya. Kahit may magandang trabaho pa si Romer ay hindi parin ako magkaka-interes sa kanya dahil hindi maganda ang ugali ng tao na yun. Mahilig makipag-basag ulo at mahilig din uminom. Kapag siya ang maging asawa ko ay baka hindi ako makatulog sa kakaisip, kapag lasinggero ay mahilig manakit kasi palaging dinadaan sa utak ang ang alak. Kawawa kami ng mga anak ko kung may maasawa akong lasinggero.

Skim uncrossed her legs and then she balanced her face on her arm sitting on the table.

"Pero alam mo ba na ang sabi ni Farren gwapo at matangkad daw ang tatay ni Kamp? Tignan mo nalang ang anak mo, ang gwapo. Paglaki niyan ay magiging habulan ng mga babae. Mga kabataan pa naman ngayon ay malulupit kaysa satin noon." ani Skim.

"Hmm." I agreed with a smile. My son got his father's features. And every time I looked at him sleeping, I saw a familiar face. But I wasn't certain. And I didn't want to assume a lot. I didn't want to end up having a broken expectations.

Paglabas ni Skim para magpaalam sakin na babalik na ulit siya sa shop niya ay bumalik na ako sa pagtatahi. May dalawa nalang akong nirerepair at madali nalang yun matapos dahil puro pinapaputol na pants lang yun.

Ako na ang huling lumabas sa shop ko dahil naglinis pa ako at inayos ang mga gamit sa opisina. Naglinis naman ang mga emplayado ko pero pinauwi ko na sila para hindi sila magabihan sa daan. Yung iba kasi sa kanila ay naglalakad lang pauwi, sakin ay okay lang naman na magabihan sa daan kasi pwede akong sumakay ng taxi pauwi.

Paglabas ko ng shop ay may iilang mga tao ang nag-iinuman at nagkukwentuhan. Tahimik lang akong naglakad papunta sa kabilang side ng kalsada para maghintay ng taxi, sa may gilid ng restaurant ako naghintay kasi may iilang tao lang ang nakatayo at nag-uusap.

May mga nakatayo din na malapit sakin na mga university students, lasing na sila kasi ang ingay at parang inaantok na ang kanilang mga boses at parang magulo yung usapan nila. Umatras lang ako ng kunti para hindi makinig sa kanila pero nagulat ako at napasinghap nang bigla silang nagkagulo.

"Wala kang respeto!" Yun ang narinig ko sa isang lalaki bago niya sinuntok ang isang lalaki na may pulang polo shirt ang suot.

Pagsuntok ng lalaking nagsalita ay napaatras ang isa at natumba. Wala na akong maiaatras pa kaya yung lalaking natumba ay tumama sakin. Napapikit nalang ako at binaling ang mukha ko sa kabila. Masakit ang tuhod ko pero agad na may humawak sa braso ko para alisin sa may pader.

Pagdilat ko ay nakita ko ang malalim na kunot-noong mukha ni Oxford. Hinila niya ako paalis sa mga nag-aaway. May mga dumating naman na umawat sa kanila at may narinig akong may tumawag ng pulis.

"Oxford." sambit ko sa pangalan ng taong humila sakin pabalik sa harap ng shop ko.

Hinarap niya ako sa kanya pero hindi niya tinanggal ang kanyang pagkakahawak sakin. "Ayos ka lang? Masakit ba ang pagkakatama ng lalaking yun sayo?" Nag-alala niyang tanong.

"Hindi siya masyadong masakit." sagot ko.

Napatango siya napahinga ng malalim. My eyes bulging out from their sockets when he kneeled down in front of me and dusted my knees. Wala naman yung dumi.

"Anong ginagawa mo?" I asked like hush tone.

"Don't mind me." sagot niya nang nakatingin sakin.

Unti-unti siyang tumayo mula sa pagkakaluhod. "Pangalawang beses mo na yung aksidente. Sana naman sa susunod ay mag-iingat ka na." Garalgal niyang sambit.

Humugot ako ng malalim na hininga at tipid siyang nginitian. "Pangako yan."

Mataman niya akong tinignan gamit ang kanyang tsokolateng mga mata sa ilalim ng kanyang makakapal at itim na pilikmata. Napansin ko na hindi pormal ang kanyang suot. Ang suot niyang itim na t-shirt ay masyadong hapit sa kanyang matipunong katawan. Pinaresan din niya ng itim na pants at itim na sapatos.

Naglabas siya ng buntong-hininga at hinawakan ang braso ko.

"Let's get you out of this place, Billie." sabi niya na may halong ibang ibig-sabihin pero binalewala ko yun at nagparaya sa ginawa niya.

Continue Reading

You'll Also Like

3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
1.4M 21.7K 50
WARNING: R18!! Callum was against his father's marriage to Katharina, who was nearly his age, or worse, much younger than him. He suspected Katharina...
14.7K 757 15
The God of Five Worlds decided to give five different girls the experience of a new life in the world of men. What would happen if all five of them t...
28.9M 742K 46
Five years have passed and finally, Timi is back in the Philippines. Being away and studying culinary abroad, Timi thought she've finally moved on fr...