Second Time Around • SB19 Ken...

Oleh Nahhhlia

29K 1.3K 3K

As a combative return to her cheater ex-fiancé, she sent him a video of herself shaking sheets for the first... Lebih Banyak

Second Time Around
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 14
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46

CHAPTER 17

583 35 29
Oleh Nahhhlia

Chapter 17

Ken's POV

Maverick
Oks lang, wag mo na isipin yun. Kamusta naman emergency mo?

Me
Ayos lang settled na

Pakisabi pala kala tita at tito pasensya na ulit. Ang mahal pa naman dun🥲 bawi ako next time🤞🏻

Maverick
Sige lang, no prob.

Ano ba yung emergency mo? Need mo ng help?

Me
Di okay na, thanks bro

Maverick
Yan ka na naman

Magsasabi ka kasi pag may problema

Me
Okay na nga promise kasama ko naman si ate Leah kanina

Nahihiya pa rin ako kina kuya Mav lalo na sa parents niya sa biglaang pag alis kanina. Knowing na mahal sa resto na yun at hindi ko man lang naubos ang pagkain ko, nakakahiya talaga. Buti naman inassure ako ni kuya Mav kasi hindi talaga yun mawawala sa isip ko.

Nag scroll lang ako saglit sa social media bago ko pinatay ang phone ko at pinatong sa clear glass center table. I sighed heavily and settled on the couch. Tumagilid ako ng higa at pinatong ang kaliwang binti sa unan tsaka ko hinatak ang kumot hanggang sa bewang ko.

I can't sleep. I'm still thinking about everything that happened earlier. It's weird that me and Kael stays on the same unit since we barely know each other. Pero hindi kinaya ng konsensya ko ang nangyari sa kaniya kanina. I'm still blaming myself for the trauma that she probably had earlier. Kaya ang nasa isip ko na lang ngayon ay bumawi sa kaniya sa pamamagitan ng pagtulong.

Bumangon ako at walang ingay na naglakad papunta sa kwarto. I quietly opened the door and peeked inside. Nakayakap siya sa isang unan, ang kumot niya ay hanggang sa dibdib, at nakapikit na rin siya, tulog na.

Maingat akong pumasok sa kwarto at sinara ang sheer curtain. Pagkatapos ay pumunta ako sa gilid ng kama at pinatay ang lampshade. Liwanag ng buwan na lang ang nagsisilbing ilaw sa madilim na kwarto.

I stared at her face, shined by the moon's light. Her hair is really long and it's all around the pillow but she seemed unbothered by it. My hand automatically moved on its own and fixed her hair. Nang gumalaw ang kamay niya para kamutin ang braso niya ay dali-dali kong binawi ang kamay ko sa kaba.

I sighed in relief. Buti na lang at malalim na ang tulog niya. Walang ingay akong lumabas sa kwarto at sinara ang pinto. Tsaka lang ulit ako nahiga sa couch at pumikit.

I sighed and concentrated to calm the organ on my chest.

...

Kael's POV

Nagising ako dahil sa liwanag na nagmumula sa bintana. Sa totoo lang, pang ilang beses ko nang nagising pero itinutuloy ko ang tulog ko dahil inaantok pa 'ko. I still wanted to sleep but my bladder is keeping me awake.

Nag stay muna ako sa kama ng ilang minuto bago ako bumangon. Naghikab muna ako at tumunganga saglit hanggang sa ma-feel ko nang bumangon.

Inamoy ko muna ang mga unan na ginamit ko. Baka kasi natuluan ko na pala ng laway. Nakakahiya naman kay Ken pag nahiga siya dito. Okay naman, mabango pa rin. Kaya tuluyan na akong tumayo at inayos ang kama.

After fixing the bed, I checked my phone to see the time. Wow, it's already 10:30. Mag tatanghalian na pala. Kaya pala iba na ang sikat ng araw.

Nagsuot muna ako ng pantaas na panloob dahil inaalis ko iyon bago ako matulog. Pagkalabas ko ay tulog pa si Ken sa sala. Nakasiksik ang mukha niya sa unan na yakap niya kaya tanging gulo-gulong buhok, mata, at kilay niya lang ang nakikita ko. Nakasara ang itim niyang kurtina sa veranda kaya siguro masarap pa ang tulog niya. He doesn't seem uncomfortable sleeping on that small couch.

Napansin ko ang pusa niya na nag iinat sa cat tower, mukhang kagigising lang din. Nilapitan ko si Kuro at hinimas ang tiyan, gustong gusto niya naman. He stood up and stretched his back, forming a letter C. Then he jumped off the tower and went straight to his feeding bowl where there are no cat food left.

"Oh, gutom ka na ba?" Tanong ko sa kaniya. "Wait, hanapin ko cat food mo."

I tried searching the cabinet below the sink and there was his cat food on one of those. Binigyan ko siya ng dalawang scoop na agad naman niyang kinain. I'm trying so hard not to make so much noise so that I won't wake Ken up.

Pagkatapos kong pakainin si Kuro ay dumiretso naman ako sa banyo para umihi at mag toothbrush. Naghilamos na rin ako bago ako pumunta sa kusina para magluto. He told me that I could use anything here so I didn't have to wake him up to ask if I could cook breakfast.

Niluto ko na lang yung marinated tapa na nakita ko sa fridge. Nagsaing na rin ako dahil walang kanin. I also found a few tomatoes so I sliced them in pieces. Gusto ko kasi ang lasa ng kamatis sa tapa. Lalo na kung matabang yung timpla, ilalagay ko pa sa toyo yung kamatis.

Once I'm done cooking the tapa, I waited for the rice to cook. Nang maayos ko na ag mesa, tsaka ko lang nilapitan si Ken para gisingin. Magtatanghalian na rin naman kaya ginising ko na siya.

"Ken, gising na. Kain na tayo. Tanghali na." Mahina kong sabi habang niyuyugyog ang balikat niya.

He didn't budge. He seemed to be in deep sleep.

"Ken, Ken," nag squat ako sa gilid ng couch tsaka siya muling niyugyog. "Gising na, Ken. Tanghali na. Sasakit na katawan mo niyan." Tinusok-tusok ko na ng daliri ang tagiliran niya nang hindi gumana ang pagyugyog. And it seemed to be working.

He hummed irritably and scratched his neck. Salubong ang kilay niya at nakapikit pa rin. Tumihaya lang siya ng higa at natulog ulit. Ayaw mo ha.

Tumayo ako at binuksan ang itim niyang kurtina. Nakaharap siya sa glass door kaya napakunot siya ng noo nang sobrang liwanag ang bumungad sa kaniya. Tinakpan niya ang mukha niya ng unan.

"Bangon na, nagugutom na yung alaga mo, nanghihingi na sa 'kin ng cat food."

Nagkamot siya sa ulo at sumilip sa unan. Kung hindi kami magkakilala, malamang inisip ko nang galit siya sa 'kin dahil sa itsura ng mga mata niya. Nang nagsalubong ang mata namin ay nagsalita ulit ako.

"Nagluto na 'ko ng pagkain. Eleven na. Bangon ka na diyan." I said casually before going to the dining and fixing the plates.

I can see him from my peripheral view. He reached for his phone on the center table, perhaps to check the time and his messages. After a minute, he sat on the couch and stared at nothingness for a while before joining me here on the table.

He was about to sit when he looked like he remembered something.

"Banyo lang pala muna ako." Paalam niya.

I waited for him while sitting on the chair. Based on what I hear, he emptied his bladder, brushed his teeth, and washed his face before returning here.

"'Di ka pa kumain?" Taka niyang tanong.

"Hinintay kita." Sagot ko.

Hindi na siya nagsalita at naupo nalang ulit.

"Sorry, hindi na ako nakapag paalam bago ako magluto. 'Yan yung nakita ko sa ref kaya 'yan na lang yung niluto ko."

Tumango siya. "Okay lang,"

We began eating quietly. We're still awkward with each other. Sino ba naman ang hindi? Eh hindi naman kami ganun magkakilala tapos bigla na lang kaming nag-share sa isang unit. Nakaka-conscious tuloy kumain na kasama siya.

"Wala ka bang pasok? Weekday ngayon ah." Tanong niya bigla.

Umiling ako. "Hindi na muna ako pumasok, sinabi ko kasi kay dean yung nangyari kagabi, she told me to rest for a bit. Tinulungan din ako ni Nads sa pagpapaalam."

Tumango siya. "Ahh,"

"Ikaw? Wala ka bang lakad?"

"Wala naman," inubos niya ang nginunguya niya. "Pero may gagawin ako."

Tumango lang ako.

After eating, I volunteered to wash the dishes but he insisted on washing them. Ako na nga raw ang nagluto eh, kaya siya naman daw ang maghuhugas. Pumayag na lang din ako at pinunasan na lang ang mesa.

I was sitting on the couch while playing with Kuro. Napansin ko ang acoustic guitar na siyang ginamit ko noon. Kinuha ko iyon at tiningnan kung nakatono ba. Then I tried playing random songs that comes up in my head.

I tried plucking the intro of Kundiman by Silent Sanctuary. I remember the times that I used to learn difficult songs to play because I wanted to challenge myself. Naaalala ko pa naman pala ang mga pinag aralan ko noon.

Nang mapansin kong naglalakad palapit si Ken ay huminto ako sa pagtugtog at nilingon siya. He sat on the single couch and looked at the guitar I'm holding.

"Marunong ka rin pala mag instrument." Aniya.

Tumango ako. "Hmm,"

"Gitara lang alam mo?" Tanong niya.

"As of now, yes."

"Eh piano?"

"Gusto ko matuto, pero walang time. Tsaka wala rin pag pa-praktisan." Sagot ko.

Tumango siya. "Hmm. Saan ka natuto?"

"Self-taught," I answered.

Tumango lang ulit siya at tiningnan ulit ang gitara.

"Kumakanta, sumasayaw ka rin 'no?"

Tumango naman ako.

"Ano mas prefer mo?"

"Uhm," sandali akong nag isip. "Dancing siguro. Feeling ko kasi mas nailalabas ko yung emotions ko through dancing kaysa singing. Tsaka hindi naman kasi ako biritera."

"Hmm, ako rin. Ayaw ko rin sa boses ko dati. Pero ngayon since nahilig ako sa songwriting and producing, nagustuhan ko na rin yung boses ko kahit hindi mataas yung range." Kwento niya. "Ikaw? 'Di mo pa na-try magsulat ng kanta? Marunong ka naman mag gitara."

Umiling ako. "Walang time,"

He nodded and hummed again. "Pwede ka mag PPOP idol. Maraming entertainment na tatanggap sa'yo."

I chuckled before shaking my head. "Nako, ayoko. Nasabi ko naman na sa'yo nung nakaraan."

"Sayang,"

"Walang sayang dun. Nakakapag perform pa rin naman ako kahit hindi ako maging idol."

He shrugged. "Sabagay,"

Natahimik kami pareho saglit bago siya muling nagsalita.

"Dito lang pala ako sa studio. Katok ka lang pag may kailangan ka." Turo niya sa pinto na katabi ng kwarto. "Pwede mo gamitin yung TV kung nabo-bored ka, eto yung remote." Pinatong niya iyon sa center table.

Tinanguan ko siya.

Kinuha niya ang mga unan at kumot na ginamit niya kanina sa pagtulog at sininop muna iyon sa kwarto bago siya pumunta sa studio niya. Naiwan naman ako dito sa sala na nag gigitara. Ngayon, kailangan ko lang libangin ang sarili ko.

I could hear Ken's music from the studio. I could also hear him singing or humming some song. Perhaps he's trying to finish a song. Hindi siya lumalabas doon, lalabas lang siya pag pupunta siya ng banyo o 'di kaya ay iinom.

While me, I've tried scrolling on Facebook, with my active status off of course. I tried watching TV, I tried learning new songs to play on the guitar, I played with Kuro, naglinis din ako sa paligid. When afternoon came, I took a bath and prepared some snacks for me and especially, Ken.

I knocked three times. "Ken?"

"Oww?" I heard his voice from the inside.

"Uhm, merienda?" Alok ko sa kaniya.

After a few seconds, the door opened. Bumaba ang tingin niya sa hawak kong toasted bread at mainit na kape. No coffee mate or anything. Just a lot of sugar.

"Uy, thanks." From the sound of his voice, I can tell that he likes it. "Ikaw?"

"Meron na ako."

"Sige, thank you. Pasok ka na lang pag may kailangan ka." May ngiti niyang saad. Inangat pa niya ng bahagya ang pagkain na hawak.

Nginitian ko na lang din siya bago sinara ang pinto. Ngayon ko lang nakita ang loob ng studio niya. It has those kinds of fluffy things to soundproof the room and for better recording. The walls are dark in color. Hindi ko na nagawang tumingin sa buong paligid pero ang pinaka napansin ko ay ang PC, speakers, keyboard, mic, at iba't ibang uri ng gitara na malamang ay ginagamit niya sa paggawa ng kanta.

I specially looked at the white electric guitar that he has. Matagal ko nang gustong matuto gumamit no'n. At since wala naman akong electric guitar, hindi ako nakakapag practice. Isa pa, sa pagkakaalam ko ay mas mahal ang electric guitar.

At dahil tanghali na nang magising kami pareho, mabilis lang dumaan ang araw. Hindi pa rin siya lumalabas sa studio. Buong araw ko nang naririnig ang kantang paulit-ulit niyang pinapatugtog.

So, I checked for some ingredients to decide what food am I going to cook for dinner. I saw cans of corned tuna inside the cabinet. Nag search ako sa YouTube ng mga luto na pwedeng gawin dito until I found the best one, yet, the easiest. Tuna sisig. I chopped some red chilis and put it on top. Done! Amoy pa lang, nagugutom na ako. Naaamoy din kaya 'to ni Ken sa kwarto?

I knocked three times. "Ken?" Maliit kong binuksan ang pinto.

"Hmm?" He answered while writing something in his notebook.

"Uhm, kakain na." I informed him.

"Hmm, naamoy ko nga." Ibinaba niya ang ballpen sa mesa tsaka tumayo at hinarap ako. "Ano 'yon? Adobo?" Tanong niya.

Umiling ako. "Tuna sisig."

"Tuna sisig?" Gulat niyang tanong. "May ganun pala."

Tumango ako at hinayaan siyang sumunod sa 'kin sa hapag.

"Wow," may ngiti niyang saad habang nakatingin sa ulam. "Ang bango."

"Tara, kain na tayo." Aya ko sa kaniya.

Pagkaupo niya sa silya ay kumuha na agad siya ng ulam kaya ako muna ang nag sandok ng kanin.

"Sorry pala ah, ikaw pa yung nagluluto. 'Di kasi talaga ako masiyadong nagluluto. Minsan kasi walang time, minsan nakakalimutan." Aniya.

"Okay lang. Kahit na sa pagluluto man lang, makatulong ako. Pinapatuloy mo na nga ako sa condo mo eh." Sagot ko naman.

Naghanda ako ng toyo na may kalamansi at sili incase na natatabangan siya. In fairness, sarap na sarap ako sa luto ko. Kahit hindi sabihin ni Ken, halata naman sa dami ng nakain niya na nagustuhan niya ang luto ko.

"Solid," aniya pagkatapos niyang uminom ng tubig.

I chuckled. "Thanks,"

"Specialty mo 'yan 'no?"

Umiling ako. "It's my first time cooking this, actually."

"Talaga? Angas," napatitig siya saglit sa mesa. He was like zoning out. "Sige, kain ka lang diyan, ako na maghuhugas."

While he was washing the dishes, I was taking a short shower. Pagkalabas ko sa banyo ay bihis na ako. Naabutan ko siyang nakaupo sa carpet sa sala at nakikipaglaro kay Kuro. Dumiretso ao sa kwarto para doon ipagpatuloy ang mga ritwal ko bago matulog.

Even though this was his bedroom, he still knocked before entering. Kumuha lang siya ng damit sa closet niya dahil maliligo na siya. Oo nga pala, I almost forgot that he didn't went out of his studio for the whole day. Hindi rin naman kasi halata na hindi pa siya naliligo. He didn't smell or anything.

Pagkatapos niya sa banyo ay narinig ko ang pagpasok niya sa kabilang kwarto, nasa studio na naman siya. I was putting on some lotion on my arms when I suddenly heard knocking. It was from the outside. Was that Ken?

Tumigil pa ako sa paggalaw para marinig ng maigi kung saan iyon nanggagaling. And I was certain that it was coming from the main door. Out of curiosity, I went out the Ken's room. Nakapatay na ang ilaw sa sala at tanging ilaw na lang sa kusina ang nagbibigay liwanag dito. I quickly looked at the main door when someone knocked again. Is Ken expecting a visitor at this hour?

The door was located on the left side of the small kitchen. May maliit na daanan papunta sa pinto. Dahan-dahan at isa-isa lang ang ginawa kong paghakbang palapit. At habang naglalakad ako ay patuloy pa rin ang pagkatok ng kung sino mang tao na nasa pinto.

I was about to take another step when a hand on my wrist stopped me. Mabilis akong lumingon kay Ken na siyag pumigil sa 'kin. Nakatingin lang siya sa pinto ngunit inangat niya ang isa niyang kamay at tinutok ang daliri sa labi para senyasan ako na tumahimik.

"Diyan ka lang." Bulong niya.

Patuloy pa rin ang pagkatok, medyo kinakabahan na ako. Pinatay ni Ken ang ilaw sa kusina kaya tanging ilaw na lang na nagmumula sa kwarto ang liwanag namin. The knocking suddenly stopped. Napuno ng nakakabinging katahimikan ang buong unit. After a minute of silence, he squatted and began walking carefully not making a sound. Inangat niya ang kamay niya at tinakpan ang peephole bago siya tuluyang tumayo. Gamit ang isa niyang kamay ay sinenyasan niya ako na lumapit.

I walked without making a sound. Nakatakip pa rin ang kamay niya sa peephole habang nakadikit ang tenga sa pinto. He listened to the sound outside for a while before sighing.

"Buksan mo na yung ilaw." Mahina niyang saad.

I turned on the light just like what he said. His hand was still covering the peephole. Huminga siya ng malalim at luminga sa paligid.

"Pakitakpan nga 'to saglit. May kukunin lang ako."

Sumunod na lang ako sa kaniya at hindi na nagtanong pa. Pumunta siya sa studio room niya at paglabas niya ay may dala na siyang screwdriver, electrical tape, at gunting. Gamit ang screwdriver, tinusok niya ang peephole hanggang sa masira iyon. Kumuha siya ng tissue at nirolyo iyon tsaka pilit na pinagkasya sa butas ng peephole. Ginamit naman niya ang electrical tape para takpan ang peephole. Hindi lang isang gupit kundi tinadtad niya talaga iyon.

"Bakit mo sinira?" Tanong ko.

"Baka mamaya may nilagay siyang camera o kung ano diyan, para sigurado." Sagot niya.

"Siya ba yung nasa video na pinakita mo?"

He simply hummed.

"Does she always do this?"

He sighed again. "Kumakatok lang siya madalas. Naisip ko lang na baka may nilagay siya dito or something, para sigurado."

"It's creepy."

"At first, oo. Pero nasanay na rin ako. Wala naman siyang ginagawa bukod sa kumatok, thouggh nararamdaman ko rin siya minsan na sumusnod sa 'kin. Wala naman siyang ginagawa na nakasakit sa 'kin or what." He turned to me. "Not until nandamay na sya ng ibang tao."

I just sighed too. Tinalikuran niya 'ko at binuksan ang mga lock ng pinto. He slowly opened the door so I hid on the wall. Nang maisara na niya ang pinto ay tsaka ko lang siya ulit nilapitan. He's now holding a small black, cylinder thing with something like camera lenses.

"I told you." He said while staring at the mini camera.

Tinago niya iyon sa kamay niya at dumiretso sa lababo tsaka iyon binasa para masira. Pagkatapos at binalot niya ng tissue paper tsaka nilagay sa plastik ng yelo.

"Pwede natin 'tong ibigay sa pulis." Aniya.

I nodded in agreement.

I was speechless. He seemed calm but his face screams anger. I don't know how this kind of people have the guts to spy on someone like that. That's creepy as hell.

"Tara, okay na 'yan. Sabihin ko na lang kay ate Leah bukas."

Tumango na lang ulit ako.

"Uhm, diyan ka ba ulit matutulog?" Turo ko sa sala.

Tumango siya.

"Ahh, palit naman kaya tayo? Salitan, ganun." I suggested.

"Wag na, ayos lang ako dito." Tanggi niya agad.

"Ehh," nakaka-guilty na kasi. Siya yung may ari ng condo, siya pa yung natutulog sa couch.

"Okay lang, sa kwarto ka na lang."

I sighed, still unconvinced and guilty.

"Okay lang, promise." He insisted. "Tsaka, nga pala,"

"Ano 'yon?" I gave him a questioning look with a slight smile.

"Uhh," umiwas siya ng tingin at napakamot sa ulo. He's looking hesitant to answer. A minute after, he shook his head. "Nevermind."

"Eh? Ano nga 'yon?" Tanong ko ulit.

"Wala, wala." Nakaiwas siya ng tingin.

Naiintindihan ko na hindi siya palasalita, and that hinders him from expressing himself effectively. Tumingin ako sa LED clock sa tabi ng TV.

"10 PM," banggit ko sa oras. "Freedom of speech hour."

"Ha?" Nalukot ang mukha niya sa pagtataka.

"Freedom of speech, sasabihin mo yung mga bagay na hindi mo pa nasasabi and I'll listen. No judgements." Tinaas ko pa ang parehas kong mga palad.

"Para saan?"

"To help you." I answered. "I mean, ayokong mag mukhang pakialamera pero gusto lang kitang matulungan ilabas yung mga hindi mo nasasabi, kahit paunti-unti." Then I shrugged.

"Ano namang sasabihin ko?"

"Something that you wanted to say but didn't get the chance to, or you don't have enough courage to say before." I explained. "O 'di kaya, something that made you happy today, made you sad, made you angry, or something memorable. Anything that you wanted to share."

He sighed and looked away, still unsure about it. So I took the initiative.

"Sige, ganito. Mauuna na akong magsabi ng kwento." I crossed my arms on my chest. "Wala pang nakakaalam nito, wala akong pinagsabihan. Though naging chismis na 'to sa school, hindi ko naman kinonfirm or dineny." I sighed. "Tom's mistress, my ex-fiancé, was one of my students." I confessed.

Napalingon siya sa 'kin na nanlalaki ang mga mata.

"Estudyante mo?"

Tumango ako.

He tilted his head like he was cracking it. "Damn," he whispered.

"Hmm-mm, same reaction." I said while nodding. "Ikaw naman."

He's the one who's sighing now. "Okay," tumayo siya nang maayos at tumingin sa 'kin. "Sa totoo lang, nagi-guilty ako sa nangyari sa'yo. Ikaw pa tuloy ang nahihirapan ngayon dahil sa 'kin. Gusto ko lang mag sorry ulit, again and again. I know this help isn't enough para sa mga poproblemahin mo pa sa mga susunod na araw but I hope in some way, it helps. I'm really sorry." He said with sincerity.

"Hindi mo naman kasalanan yun eh." Tanggi ko.

"Ako pa rin yung dahilan kung bakit nangyari sa'yo 'to."

Bumuga ako ng hangin at nag pamewang. "Ikaw ba yung sumunod sa 'kin sa apartment?"

Hindi agad siya nakasagot. "Hindi,"

"Ikaw ba yung nanutok ng kutsilyo sa 'kin? Yung pumilit sa 'kin na kuhanin yung jacket?"

"Hindi,"

"Then, wala kang kasalanan."

"Hindi naman kasi ganun 'yon, eh. Hindi man ako yung mismong gumawa sa'yo no'n, ako pa rin yung dahilan kung bakit ginawa yun sa'yo. I can't imagine the trauma that it brought you."

"Ken, it's not your fault. Tsaka parehas lang tayong namomroblema at natatakot ngayon. Parehas tayong biktima dito. Stop blaming yourself." Tinapik ko ng dalawang beses ang balikat niya. "Wag mo na ulit sasabihin 'yan, hm? Hindi nga kita sinisisi eh. Isa pa, letting me stay here is a big help already. Pinapakain mo pa nga ako eh, without pay. And I also want to thank you for that."

Bumuga ulit siya ng hangin at tumango.

"Gabi na, tulog na tayo. Thank you for sharing your thoughts, Ken." I said with a smile.

He just hummed again and smiled a bit. Pumunta na ako sa kwarto at dumiretso sa kama. Tumagilid ako ng higa, nagkumot, at niyakap ang isang unan. It feels somewhat happy to hear him talk that way earlier. Kaunting push pa, Ken. Makatutulong din naman sa'yo yun.

...

Ken's POV

Hindi ko alam kung ilang beses akong nagising sa buong magdamag. Natatakot kasi ako na baka bumalik na naman siya at may gawin na kung ano sa pinto ko. Hindi lang ako ang nandito ngayon, kasama ko si Kael kaya mas kinakabahan ako. I was even checking on her every time I wake up. And because of that, I didn't get to sleep enough.

Nagising ako dahil sa mga kalansing na naririnig. Nang makita ko kung ano iyon ay si Kael pala, naka pang-alis siya at basa ang buhok. Saan siya pupunta?

"San ka punta?" Tanong ko habang nakahiga pa rin. If my voice was normally low and deep, it was even deeper now that I just woke up.

She looked at me with a bit of shock. "Uy, bakit nagising ka na? Maaga pa."

Dahan-dahan akong bumangon at naupo. "Alis ka?"

"Papasok na ako sa trabaho. Hindi na ako pwedeng umabsent, matatambakan ako ng gawain." Nag aayos siya ng mesa, kakain ata ng agahan.

Pagtingin ko sa LED clock, alas sais pa lang ng umaga. Kaya pala antok na antok pa ako. Usually, hindi naman ako madaling nagigising sa simpleng kalansing lang. But ever since the incidents continued happening, I became cautious.

"Sige, hatid na kita." Tumayo na ako para maghanda rin.

"Ha? Wag na,"

"Hindi pwede. Kailangan kitang ihatid. Paano kung guluhin ka na naman nun? Mas mabuti na yung sigurado."

Wala na siyang nasabi, she just shrugged. Habang kumakain siya, inayos ko naman ang sarili. Nagsuot ako ng dilaw na hoodie, itim na sweatpants, at puting cap. She told me to eat first but I declined. Uuwi rin naman agad ako kaya pwede lang ako kumain mamaya.

"Baka nasa paligid lang siya kaya hindi dapat tayo magkasabay na pupunta sa parking. Mauna ka, dumiretso ka sa entrance sa labas at hintayin mo 'ko do'n. Kukunin ko yung kotse, dadaanan kita. Tawagan mo 'ko pag may napansin kang kakaiba." Paliwanag ko.

Tumango naman siya.

"Wear this," I gave her a black mask. "Akin na yung gamit mo, ako na magdadala."

"Sure ka?"

I nodded and offered my hand. Binigay naman niya sa 'kin ang may kalakihang handbag at laptop na nakalagay sa itim na bag.

"Thank you," she said with a smile.

I smiled back though I'm already wearing a mask.

And so, we did our plan. I was very cautious around my surroundings. Nag aalala na nga agad ako kay Kael pagkaalis niya pa lang. Pag wala ako sa tabi niya, hindi ko alam ang nangyayari sa kaniya. She might be in trouble and didn't have enough time to tell me. Kaya bawat galaw ko ay minadali ko para madaanan na agad siya.

Laking ginhawa ko nang makita ko siyang mahihintay sa entrance. Hinintuan ko siya at agad naman siyang sumakay sa shotgun seat.

"Nasa backseat yung mga gamit mo." Sabi ko agad bago pa siya magtanong.

"Salamat," huminga rin siya ng malalim.

"Ano nga pala number mo?" Tanong ko. "Baka kasi makalimutan kong kunin kung mamaya ko pa itatanong."

"Give me your number, I'll save it."

I recited my number and she saved it. Sinubukan pa niya iyong tawagan. Nang mag vibrate ang cellphone na nasa bulsa ko ay pinatay na niya ang tawag.

"Done," she said with a smile.

Nang malapit na kami sa eskwelahan ay bigla siyang nagsalita.

"You can drop me off there, wag sa mismong university." Turo niya sa paradahan ng mga jeep, ilang metro ang layo sa entrance.

"Sigurado ka?"

Tumango siya. "Ikaw naman yung mai-issue pag nalaman ng mga tao na ikaw ang naghahatid sa 'kin."

I nodded in agreement.

"Sabihan mo pala ako pag uuwi ka na, susunduin din kita dito rin."

"Huh? Eh, baka nakakaistorbo na 'ko niyan." May hiya niyang saad.

Umiling ako. "You're not. We have to be careful to avoid another incident."

She smiled. "Thank you,"

Tumango lang ako. Just like what she said, I dropped her off meters away from the university. Bago ako umalis, pinanood ko muna siyang maglakad palayo hanggang sa makapasok na siya at mawala sa paningin ko. Then I took my phone from my pocket and saved her contact before sending her a message that I forgot to tell her earlier before driving back.

To: Kael
Contact me if something happens and you need help ingat

...

Kael's POV

"Kamusta na? Okay ka na ba?" Si ma'am Nads agad ang sumalubong sa 'kin pagpasok ko sa faculty.

"Hmm, okay lang ako. Nakapag pahinga naman na ng maayos."

"Buti naman. Basta sabihan mo ulit ako pag kailangan mo ng tulong ah."

I nodded with a smile. Nginitian niya 'ko pabalik tsaka namin niyakap ang isa't isa. I missed this friend of mine.

Bago ako pumasok sa first class ko, chineck ko muna ang phone ko. I saw a message from the contact that I named Chicken. Baka kasi bigla nalang siyang tumawag o mag text at may makakita.

I smiled while reading his text. Then I replied.

To: Chicken
Thanks for dropping me off. I'm about to start my first class. Ingat ka rin.

"Okay, good morning, class."

Wala naman akong naramdamang kakaiba buong araw. Habang nag aayos ako ng gamit, sinabihan ko na si Ken na uwian ko na. Magmamaneho pa kasi siya kaya sinabihan ko na agad siya para paglabas ko ay saktong nandoon na siya.

Our plan worked today. I safely went to school, and we safely got to his condo. It's a relief.

"Freedom of speech hour," I told him upon sitting on the single sofa while he was sitting on the longer one and using his phone.

Kinunotan niya 'ko ng noo. "Huh?"

"Ten na," I told him.

"Oh?" He tilted his head. "Freedom of speech ulit?"

Tumango ako. "Paano ka masasanay kung isang beses mo lang gagawin?"

He sighed before turning off his phone and sitting comfortably.

"Sige, ako ulit mauuna." I volunteered. "I want to thank you for your effort, for keeping me safe, both of us safe." I smiled.

He looked down a bit and nodded.

"Uhm,"

It took him a while to think. Hinayaan ko lang siyang mag isip, hindi ako nagsalita para hindi siya maguluhan.

"Nagustuhan ko yung niluto mo kagabi, masarap." He looked at me. "Gusto ko ulit sanang makakain nun next time." May bahid ng hiya niyang saad.

I smiled. "Sure. Magsabi ka lang."

He nodded while smiling a bit. I'm glad he got to say it to me personally.

"Okay, thanks for your time and courage." I told him before standing up. Dumiretso na 'ko sa kwarto, pero bago ko tuluyang isara ang pinto ay sumilip ako saglit. "Goodnight, Ken." I whispered with a smile.

Nang wala akong narinig na sagot mula sa kaniya ay tuluyan na akong pumasok. Maliit na lang ang awang ng pinto nang narinig ko siyang magsalita na nakapag pangiti sa akin.

"Goodnight,"
____________________

Belated happy birthday sa nag iisang Ken Suson! January 13 pa lang naman ngayon. Dapat kahapon ako mag uupdate kaya lang hindi kinaya.

I hope y'all enjoyed the update!

- Nath(Nahhhlia)

Lanjutkan Membaca

Kamu Akan Menyukai Ini

"SOULMATES" Oleh j.sp

Fiksi Penggemar

114K 3.6K 57
There's one person who are meant for us ... One person that will let us feel how perfectly imperfect we are. When Mikha met Aiah's eyes she knew at t...
59.2K 2.4K 50
Simon doesn't make friends with women, until Liv, a girl who's similar yet opposite of him, comes. Are their strings strong enough to bond? --- This...
873K 13.2K 52
*Please note that this story was written in 2013-2014. Sobrang daming typos and grammatical error because I never update it. Publishing it now becaus...
HTDOSM Oleh Lilacxxx

Fiksi Penggemar

1.1M 36K 92
Meet Laine, isang masipag at madiskarteng Fresh Grad mula sa La salle. she has a lot of dreams, specially to make her Mom"s life stable not until she...