Oxford

By cultrue

82.6K 1.8K 82

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 03
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 06

1.8K 46 1
By cultrue

Tumunog ang bell sa pinto nang pumasok ang customer namin. Mula sa ilalim ng aking pilikmata ay nakita ko kung sino ang pumasok. Napangisi ako sa babaeng pumasok. I turned off the machine and then adjusted the cloth on the table.

The woman was wearing a beautiful pencil cut style red dress and a red heels. Her hair was tied in a clean bun. She looked like a rich woman but we knew that she's not wearing an expensive dress.

Nang makita ako ni Farren ay agad siyang lumapit sakin. Farren was Santina's schoolmate and friend pero hindi sila minsan nagbabonding dahil may trabaho siya na medyo malayo sa tinitirahan niya, kapitbahay ko siya pero hindi kami madalas magkita. May binaba siyang plastic bag na ang laman ay ipaparepair yata.

"Hi Farren, anong atin?" tanong ko na sumandal sa monoblock chair na kinauupuan ko. "Tin bigyan mo nga kami ng isa pang monoblock, salamat." sabi ko kay Tin na nakatayo sa tabi nito ay may isa pang monoblock chair na bakante at binigay yun kay Farren.

"Hay salamat." sabi ni Farren at umupo. "Slacks ko yan na hindi na nagagamit. Papagupitan ko sana yan yung hanggang tuhod lang para maging pambahay ko, sayang kasi." sagot niya.

"Oo naman. Ilang piraso ba ito?" tanong ko saka kinuha ang plastic bag na may laman. Ako na ang nagbukas para kunin ang slacks niya na pinapaputol.

"Dalawa lang yan pero bukas ko na sana kukunin kasi may interview pa ako."

"Interview? May bago ka namang trabaho?" Nakakunot-noo kong tanong.

She sighed dramatically, her hand clasped upon her chest. "Oo. Yung una ko kasing trabaho ay biglang nagsara ang factory, tapos yung sideline ko sa Avon ay hindi gaanong malaki ang sweldo, kakalas nga ako sa membership kasi ako na halos ang nagbabayad ng mga hindi marunong magbayad. Hay, naku ang hirap na talaga ng buhay ko ngayon." saad niya na halos mamroblema na sa paghahanap ng trabaho.

"Eh yung trabaho mo sa call center, ano bang nangyari." tanong ko habang itinataas ang slack niya para tignan agad yung dapat putulin.

"Apat na buwan lang ako doon dahil ang manyakis ng isang kasamahan ko doon na lesbian."

"Ang ganda mo kasi—gusto mo lagyan natin ng maliit na slit sa gilid sa bawat legs part?"

"Huwag na close lang yan" sagot niya tungkol sa slacks. "Pero alam mo naman na ganito ako manamit at syempre maganda ako." May halong pagyayabang niyang sabi.

Lahat ng kababaihan sa loob ng shop ay napatawa sa sinabi niya, pati yung naunang customer na pumasok ay napatawa sa kanya.

"Oo na. Pero ganyan talaga ang panahon ngayon, ang hirap na. Kapag makapasa ka sa interview mo ngayon ay bumalik ka ulit dito para may maibilita na may trabaho ka na ulit."

"Sure babe." she said and standing up from her seat. "Mauna na muna ako, bukas ko na yan kukunin." sagot niya at binuksan ang bag na dala. "At babayaran ko na yan ngayon bago ko pa magastos ang pera ko, magkano bang dalawa?"

"Bigyan mo nalang ako ng sixty." Mabilis kong sagot.

Gulat siyang napatigil sa paghulakay ng wallet niya. "Seryoso ka?"

"Oo okay na yan."

"Siguro ka ha, salamat Bill." sagot nito at binigyan ako ng sixty pesos para sa bayad niya.

Umalis na siya nang makabayad siya dahil may lakad pa pala siya. Inilagay ko lang muna sa tabi ang kanyang pinapaputolan na slacks para tapusin ang una kong ginagawa. Alas dos ay nakatapos ako sa tinatatahi ko. Uminom muna ako ng tubig bago sumabak ulit sa panibagong tinatahi. Mabilis ko lang pinutulan ang slacks ni Farren at mabilis na tinahi, linagyan ko ng butones sa gilid para may desinyo at para magandang tignan.

Sa araw-araw na pagtatahi ay nagiging mabilis na ako, parang makina ang mga kamay ko sa bilis kaya yung araw ko ay marami din akong ginagawa. Pwera nalang kung uniporme ng mga estudyante ang gawin ko kasi kailangan ay perpekto ang pagkakatahi, marami kasing mga estudyante ang panay reklamo dahil sa size na hindi sila nagkakasya kaya yun ang talaga ang tinutuan ko ng maraming oras para maging maayos ang pagtatahi.

"Madam nandito na yung nagdedeliver ng tela." Sandy announced.

Natigil muna ako sa ginagawa ko para lumabas at asikasohin ang inorder kong tela. Nang matapos din agad sa pagkuha ng inorder ay binayaran ko na, saka pumasok si Sack nang makapasok din ako sa shop.

"Mayroon ka ba diyang extra measuring tape? Yung sakin ay nakalimutan ko sa bahay, wala na kaming extra sa loob kasi yun ang palagi kong hindi nabibili." sambit ni Sack nang sumunod siya sakin.

Pumunta kami sa kabinet kung saan nakahilera ang aking mga gamit sa pagtatahi. Kumuha ako ng measuring tape. "Bukas pa ako mamimili ng ibang gamit ko para hindi na ako mamili pa sa susunod na linggo."

"Ay ako sa kung bakante lang ako bukas ay mamimili na ako pero may pupuntahan pa akong importanteng lakad at hindi dapat ako mahuli." saad nito.

Bumuntong-hininga ako sa pagod at puyat. Gusto kong matulog sa opisina pero hindi ko kayang matulog na tambak araw-araw ang trabaho. Pag-uwi ko sa bahay ay pinilit ko na maging mukhang masaya nang magkwento ang mga bata sa ginawa nila nang araw na hindi ako nakabantay sa kanila. Si Nanay ang nag-asikaso sa kanila dahil hindi siya pumasok dahil sumasakit daw ang kanyang ulo. Siguro sa lagay yun ng panahon kaya hindi ko nalang siya pinapasok sa restaurant.

"May binili akong fried chicken 'nay kay Skan tapos may binigay siya sakin na sabaw ng nilaga kaninang umaga. Painitin niyo nalang ho." sabi ko bago pa ako makapasok sa kwarto para magbihis.

Si Nanay kasi ay nakatayo sa may kusina at naghuhugas ng baso na ginamit ni Nillie. "Ako nalang ang bahala." Narinig kong sagot ni Nanay.

Pumasok na ako sa kwarto ko at nagbihis. Sinuklay ko ang buhok na hanggang dibdib lang. Ang buhok ko ay tuwid pero kapag hindi siya linalagan ng conditioner ay nagkakalat ang baby hair sa itaas ng noo ko na parang antena. Sinuklay ko ng mabuti bago lumabas para tumulong sa pag-aasikaso sa mga bata para kumain na sila.

"Kamp, wash your hands first." I commanded to my son when he got the spoon first.

Nakasimangot siyang bumaba sa kinauupuan niya bago lumakad papunta sa lababo at tumuntong sa attached mini stairs nilang dalawa ni Nillie, pina-attach ko sa kabinet yung mini stairs nila para madali ang kanilang pag-akyat. Pero kaming dalawa ni Nanay ay minsan kapag nakakalimutan na may mini stairs ay nababangga namin yun lalo na kapag nagmamadali. Pero di bale na kasi ang mahalaga ay may gamitin ang mga bata para sa paghuhugas nila ng kamay.

"Mama wala kang work bukas?"

Umiling ako. "Wala na Nillie, hindi muna magwowork si Mama bukas."

"Okay." she answered smilingly.

Except lang ang nangyari kanina kasi pumasok ako sa trabaho kahit weekend, hindi ako pumapasok ng weekend pero kapag maraming trabaho sa shop na kailangan matapos agad ay tumutulong ako. Para rin yun sa image ng shop ko para hindi mabawasan ang customers.

I tucked the kids to bed when it's time for them to sleep. Lumabas muna ako sa kwarto ko at pumunta sa sala at tumabi kay Nanay na prenteng nakaupo sa tabi ko at nanunuod ng drama sa TV.

"Bukas 'nay ay maaga akong aalis para mamili ng kakailanganin sa shop. Marami na ang nauubos na gamit at kailangan ko ng istock ulit bago pa maubos." sambit ko na nakatingin sa telenovela na nasa TV.

"Eh ikaw lang, wala naman akong ipapabali sayo dito sa bahay dahil nagpasuyo ako kanina kay Georgie na ipaggrocery ako."

"Nagpasuyo ka? Bibigyan niyo ho ba ng panggasolina sa scooter niya?"

"Ay oo naman, binigyan ko siya ng dos sientos kanina, hindi ko nga tinatanggap pero kawawa naman ang bata, para na yun sa panggasolina niya bukas kapag pumasok siya."

Si Georgie ay yung pamangkin ni Farren na ginagastosan niya sa pagpapaaral. Nasa huling taon na siya sa high school at malapit naring magkolehiyo sa susunod na pasukan kaya nararamdaman ko kung gaano ka-busy ni Farren na maghanap ng matinong trabaho para sa pamangkin.

Farren had the nicest job five years ago but she got fired and became blacklisted of all the air flight companies in the country. Nang dahil lang yun sa pagmomolestya sa kanya ng owner ng kompanya niya na trinatrabahoan niya. Like she said, she's gorgeous but her beauty was attacked by some maniac. Siya pa ang naagrabyado, siya pa ang tinanggalan ng trabaho.

"Aaga lang ako 'nay kasi masyadong mainit na sa labas kapag tanghali na ako umalis dito sa apartment." saad ko saka huminga ng malalim.

Binaba ni Nanay ang iniinom niyang tsaa. "Pag-uwi mo bukas galing sa pagbili mo ng supplies ay ako naman ang aalis."

"Saan naman kayo pupunta?" Taka kong tanong.

"Sa bahay ng kumare ko, gusto niyang umorder ako ng ginagawa nilang kutsinta. Ewan ko ba doon kay Mareng."

"Nanay isang box lang kung nakabox, hindi naman yun mauubos natin."

"Ako na ang bahala." Kampanteng sabi niya.

Pagkatapos ng mahinahon naming pag-uusap ni Nanay tungkol sa mga pangangailangan namin sa apartment ay pumasok ako na ako sa kwarto para magpahinga. Pero hindi agad ako nakatulog dahil ang likot ng mga katabi ko sa higaan.

Alas syete na ako nakaalis sa apartment at kagigising palang ni Nillie nang umalis ako. Umiyak pa nga nang iwan ko kasi gustong sumama pero hindi ko siya pwedeng isama dahil hindi ako makakalakad agad kapag kasama ko siya, at hindi lang iisa ang bibilhin ko kundi lahat ng supply na kailangan sa patahian.

Mga supplies sa shop ang una kong binili. Ang dami ng binili ko kaya ipapadeliver ko nalang sa apartment. Dumaan ako sa isang shopping mall dahil naalala ko yung dalawang bata na wala na palang sapatos. Hindi na mairerepair pa yung isang school shoes ni Kamp kasi nabalatan na yung  sapatos niya.

Dalawang school shoes ang binili ko, tig-isa sa dalawang bata. Napabili na rin ako ng medyas kasi may nakita akong cute na desinyo na hindi ko kayang lubayan. Paglalabas ko sa store na yun ay may nakita akong bookstore. Pumasok ako at agad na pupunta ako sa children's book section nang makita ang isang magazine.

"Pamilyar ka ah." bulong ko sa sarili nang makita ang mukha ni Easton sa Forbes magazine.

I became distinctly curious about Oxford and how rich he was. His friend, Easton just became listed on Forbes as one of the billionaires of the world. I sighed. I got the magazine, I decided to buy the magazine to read later at home, kumuha din ako ng ibang coloring books at story books na para sa mga bata.

"Four thousand and six-hundred po, ma'am." sambit ng kahera. Nagbayad ako at inabot sakin ang paper bag.

Paglabas ko ay napadaan ako sa isang cosmetic store pero sa labas lang ako tumingin dahil may nakadisplay sa gilid ng glass wall. May mga pampaganda pa ako sa bahay at hindi ko naman na naisip na bumili pa rin ng bago, noong wala pa si Kamp ay marami akong biniling make-up sets. Yung ibang allowance ko dati ay napupunta sa damit, pabango, sapatos, at cosmetic products pero yung ibang pera ay iniipon ko para sa eskwelahan.

But after birthing Kamp and when Nillie came to me, things totally got changed. Yung para sa sarili minsan ay para nalang sa mga anak. May karapatan naman akong maging masaya para sa sarili ko pero mas masaya kapag may pinapangiti kang tao kasi para na akong nanalo sa isang palahok o ano pa man yan.

Aalis na sana ako sa harap ng store nang pag-atras ko ay tumama ang likod ko sa matigas na bagay. Agad akong lumingon at napasinghap nang hindi pala pader o poste ang natamaan ko. Nahawakan niya ako kaya hindi na ako napaatras ulit.

"Hello lady." The man was smirking down at me.

"Oh gosh, I'm sorry—"

"It's okay, it's my fault because I was trying to talk to talk to you but you seemed busy earlier so I just stayed behind you." he replied with a firm and husky voice.

He didn't seem familiar to me but I could smell he's rich and women's favorite too like Oxford. Hindi ko nga nakita si Oxford ng ilang araw kasi busy daw siya at syempre sa tingin ko ay hindi naman siya yung tipo na pababayaan niya ang negosyo niya.

"Do you want to go inside the store to check the products? I knew the owner but he's not here." he suggested but I quickly shook my head.

"No it's alright, tumingin lang ako." sabi ko.

Napatango siya pero parang hindi siya naniniwala sakin. Binuka niya ang kanyang bibig para magsalita ulit nang may magsalita sa likod niya at doon ko narinig ang isang pamilyar na boses.

"I see you'd already met her, but I met her first."

I slowly got the glimpse of Oxford when the man in front of me turned his body to face him. Oxford's eyes quickly darted at me. He's wearing turquoise suit and a white shirt underneath his suit.

Lumapit ng isang hakbang lang ang lalaki sa kanya at mahinang sinuntok ang braso ni Oxford. "Chill dude, curios lang ako kay miss. Wala naman siyang label na—"

"Shut up or else—"

The huge man rolled his eyes and raised his brow. "I hate bullies." he murmured but instead na mainis si Oxford ay wala siyang emosyon na pinakita sa kakilala tapos ay binalik ulit ang tingin sakin. Hindi na yun tinanggal pa kahit may tinanong sa kanya ang lalaki.

Nilagpasan niya lang ng tingin ang lalaki at dahan-dahang lumapit sakin. He towered me with his built, his height was so intimidated. "You're here." he ushered.

I just nodded without spitting any words. Na-starstruck ako sa kanya pati ang kasama niya na nanunuyang nakatingin saming dalawa, I thought he's flirting with me but I was wrong. Dahil nakatingin ako sa lalaki sa likod ni Oxford ay naiinis nitong liningon.

"Umalis ka na nga."

The man sighed dramatically and animatedly showed his fake hurt face. "You're such a sweetheart, dude. I hate you." he sarcastically said before winking at me and walked away.

Bumalik ang tingin ko kay Oxford na seryosong nakatingin sakin. Parang may kasalanan ako sa kanya pagtingin ko.

"B-Bakit?" I stuttered.

He took a huge deep breath before answering me. "May binili ka ba dito?" he asked once again.

Napatango ako at yumuko sa mga pinamili ko. Napatingin din siya do'n pero hindi lang nagtagal.

"Akala ko busy ka?" tanong ko.

He scratched his forehead in a sexier way. "May flight ako mamaya papuntang Japan pero mamaya pa." bored niyang sagot at agad na sinundan ng tanong. "Gusto mo bang kumain? Let's grab some nicest breakfast this morning, baka matagal pa tayong magkita."

Wala naman akong iba pang bibilhin kaya okay lang na sumama sa kanya at nagkape lang ako bago umalis sa apartment. "Okay lang." Pagpayag ko.

"Let's go." Nagmamadali niyang sagot at ginayak niya ako papunta sa entrance ng shopping mall pero bago pa kami makaalis ng cosmetics store ay sinamaan niya ng tingin ang lalaki na hindi pa pala umalis, nakasandal lang sa pinto ng store at kunwaring nagbabasa ng likod ng pabango pero hindi naman dahil panay ang tingin samin. "Huwag kang susunod, Noe."

Noe the stranger just rolled his eyes for the second or third time. He mouthed a curse to his friend. Then someone from the store just got out to see us stormed out.

"Phoebian, alam mo na ang gagawin mo sa taong yan. Ang tsismoso talaga."

"Hey! I am not!" Pagtanggol ni Noe sa sarili.

Yung Phoebian ay nakangising tumango kay Oxford. "I got him." sagot nito atsaka tinapik ang balikat ni Noe.

Inakbayan ako ni Oxford papalabas na ng shopping mall, nakakulubot ang kanyang noo siguro ay nainis sa kaibigan niya. Hindi na ako nagsalita pa at tahimik na naglakad palabas.

Continue Reading

You'll Also Like

3.3M 29.7K 6
List of my WORKS. On-Going, Completed and Published. - CECELIB | C.C.
5.3M 129K 37
Amelia Montgomery is one of Rosewood High's cheerleaders along with her best friend Stella Hayes. Her and Stella have been friends ever since kinderg...
13.8M 505K 67
Book 1 in the "Life in-" series Scarlett Rain Rhodes is just like every other 17 year old high school Junior. She goes to school, makes good grades...
12.6M 416K 39
#1 in romance genre (1stJan - 8th Jan.) ( Again placed #1 in romance in Feb) Aaron got up from his seat and walked round the table towards her while...