Hidden Haven

By xynvri

1.1K 36 4

A Sequel of Agent Raven Six years later, after resigning as an agent and able to found the peace that she rea... More

Hidden Haven
Prologue
xynvri
01
02
03
04
05
06
07
09
10
11
12

08

62 2 1
By xynvri

Chapter 08


“MANANG, pabili pong bulaklak,” turo ni Haru sa maliit na bouquet ng mga puting tulips.

Kakagaling lamang ni Haru sa interview ng Go, Go, Go! Ship.

Syempre, kahit na inirekomenda siya ay kailangan niya pa rin namang maginterview upang mas makilala siya ng mga makakasama niya doon. Natanggap naman agad siya doon at sa lokal na cruise ship muna siya nagtatrabaho ng tatlong buwan bago siya makipagsapalaran internationally. Hindi rin biro ang sweldo doon. Mas malaki pa iyon kaysa sa magtrabaho ka sa mga restaurants.

Inabot naman ng ale ang mga bulaklak sa kanya at binayaran naman agad iyon ni Haru.
Napangiti naman si Haru noong mapagmasdan ang mga bulaklak na iyon. Iyon ay paborito ng kanyang ina noong bata pa lamang siya. Tanda tanda pa niya na laging may inaalagaan ang nanay niya ng vase ng mga white tulips.

Ngayon ay bumili siya ay ibibigay naman niya iyon sa isa pang babae na unang nagpatibok ng puso niya. Ang dalagang si Raven. Oo, bibisitahin niya ang dalagang iyon dala-dala ang mga bulaklak. Gusto niya rin kasing kamustahin iyon dahil mukhang wala talaga itong balak na magpakita sa ibang kakilala nila.

Mayamaya lamang ay nakarating si Haru sa Wei's Hotel. Agad siyang sumakay ng elevator at pumunta sa hotel room ng dalaga. Huminga siya ng malalim at pinalakas ang kanyang loob.

“Kaya mo 'yan, Haru,”

Aakmang kakatok na sana siya ngunit biglang bumukas ang pintong iyon. Subalit imbes na si Raven ang bumungad sa kanya ay isang babae iyon na may hawak hawak na sanggol.

“Sino po sila?” tanong ng babae.

“Hindi po ba nakacheck-in dito si Raven Mendez?”

“Raven? Wala po, baka ibang kwarto po iyon…”

Napatingin naman si Haru sa hotel number.
143.

Siguradong sa dalaga ito dahil bago pa man siya umalis noong araw na iyon ay tinandaan talaga niya ang hotel number na iyon.

“Ah sige po, sorry po sa abala,” yumuko si Haru dito bilang paghingi ng tawad at respeto na rin.

Posible kayang umalis na siya doon?
Ang sabi kasi niya ay hindi siya tatagal doon.

Bumaba na lamang ulit si Haru mula sa palapag na iyon at dali daling pumunta sa front desk. Tinanong niya kung lumipat ba ng hotel room ang dalaga, sinabi naman ng babae doon na two days ago na pa lang wala roon si Raven.

Bigla namang nanghina ang loob ni Haru.

Mukhang... iniwan agad siya ng dalaga.

Nagcommute siya papunta sa condo niya at dumaan muna sa malapit na convenience store. Bumili siya ng flavored beer at frozen pizza. Magcecelebrate na lamang siya ng mag isa dahil natanggap siya sa trabaho at isa ring way iyon para matanggal ang panghihinayang at sakit na nararamdaman niya sa dalaga.

Tuluyan na siyang umuwi sa condo niya. Inilagay niya muna sa ref ang beer at frozen pizza. Magaayos at maglilinis muna siya ng tinitirahan niya. Nagbihis muna siya at inuna niyang nilinis ang kanyang kusina. Sunod, ang kanyang CR. Pagkatapos, ay ang kanyang living room, at sa huli, ay ang kanyang higaan.

Di nagtagal ay pasado alas otso na ng gabi. Naging komportable na si Haru at sinimulan niya na ang selebrasyon mag isa. Kinuha niya ang beer at ininit ang pizza sa oven. Inayos niya na rin ang TV niya para manood ng mga palabas.

Umupo siya sa couch at nagtalukbong ng kumot. Nanood siya ng mga palabas hanggang hatinggabi. Ngunit hindi niya pa rin nauubos ang beer niya, tatlo pa ang natitira at limang beer ang binili niya. Sana pala ay kinunti niya lang ang biniling beer dahil mukhang hindi niya rin pala mauubos iyon.

Ngunit hindi pa naman siya nakakaramdam ng antok, siguro ay uubusin niya na lamang iyon. Sa susunod na martes na pa naman siya nagtatrabaho eh.

Sinamantala ni Haru ang oras na iyon upang manood ng mga R18+ movies. Nasa tamang edad naman siya at may trabaho na siya sa susunod. Wala siyang dapat na ikinatakot, lalo pa't siya lamang ang magisa ngayon sa condo.

Kumuha siya ng beer at dirediretsong ininom iyon. Kasabay ng pag inom niyang iyon ay bigla siyang nakaramdam ng init sa katawan.

Mukhang lasing na yata siya... o baka naman libog na ang nararamdaman niya?

Shit.

Napakagat siya na labi at itinabi ang kumot sa tabi. Dahil sa matinding init na nararamdaman ay hindi niya napigilang mapabukaka.

Mayamaya lamang ay nagulat si Haru noong may narinig siyang pagkalabog ng kanyang pintuan. Taranta naman niyang pinatay ang pinapanood niya.

Sino naman ang bibisita sa kanya, hatinggabi?

Daling Dali at walang takot niyang binuksan ang pinto. Ngunit pagkabukas na pagkabukas niya ng pintuan ay isang babae agad ang tumilapon papunta sa kanyang dibdib.

Nagulat siya.

Amoy na amoy ni Haru ang amoy ng alcohol mula sa babaeng iyon. Tinignan naman niya kung sino iyon at nagulat siya...

Si Raven iyon, at mukhang lasing na lasing.

“T-Teka? Paano ka napunta dito? Paano mo nalaman ang address ko?” tanong ng binata sa kanya.

Isinara ni Haru ang pinto ng kanyang kwarto. Kinuha ni Haru ang mukha nito at pinaharap sa kanya. Tinitigan ng binata ang mga mapupungay na mga mata nito.

Ganoon rin ang ginawa ni Raven sa kanya, at hindi naman mapigilan ni Haru ang makaramdam ng kaba sa ginagawa ng dalaga. Para kasing tinutunaw siya sa mga titig nito.
Ang mga titig na ibinigay ng binata at unti-unting bumababa papunta sa mapupulang labi ng dalaga.

Dahil sa init at temptasyong nararamdaman ay hindi napigilan ni Haru ang halikan siya sa labi nito. Napasinghap naman si Raven dahil biglang kinagat ng binata ang ibabang labi niya. Dahilan upang sakupin ni Haru ang buong bibig nito.

Napasandig ang dalaga sa pader at napakapit sa batok ng binata.

Parang nasa ulap ang dalaga dahil sa nararamdaman niyang sarap at satisfaction sa ginagawa ni Haru sa kanyang mga labi. Banayad ring napahawak ang binata sa kanyang bewang, at sa ginawa ng binatang iyon ay nakaramdam ng ligtas si Raven. Nakaramdam siyang ng safety sa paghawak ng binata. Sa bawat halik at hawak ng binata sa iba't ibang parte ng katawan nito ay gumagaan ang loob ni Raven dahil parang iniingatan siya nito, at sinasamba.

Napunta ang mga halik ni Haru sa pisngi nito, hanggang mapunta ito sa kanyang panga at ilalim ng kanyang tainga. Maliliit na mga halik ang binibigay ni Haru sa kanya. Napakagat ng labi si Raven at napapikit sa ginagawa ng binata sa kanya.

Di nagtagal ay napunta si Haru sa kanyang leeg. Binigyan niya rin iyon ng mga maliliit na mga halik ngunit nagulat si Raven dahil biglang naging marahas doon si Haru.

“Ang bango mo…” bulong ng binata sa kanya at sinipsip ang balat nito sa kanyang leeg. Dahilan upang mapaungol ang dalaga.

“Aah! Haru!” ungol nito sa pangalan ng binata.

Napakunot naman ang noo ni Raven noong tumigil si Haru at inilayo ang ulo niya sa kanya. Kitang kita ang gulat sa kanyang mga mata.

“R-Raven... S-Sorry! I shouldn't have done that!” biglang saad ni Haru. Mukhang bigla siyang nagising sa katotohanan. Rinig rin ni Raven ang pagmumura nito sa kanyang sarili. “Teka, paano ka ba napunta dito? L-lasing ka, iuuwi na kita, sa'n ka ba tumitira ngayon?”

“Dito,”

“Ha?”

“Dito mo ako itira ngayon,”

Napatigil naman si Haru sa sinabi nito. D-Double meaning 'yon ah!
Mas lalong napalaki ang mga mata ni Haru noong kumapit muli si Raven sa batok niya at aakmang hahalikan siya. Ngunit agad na iniwasan iyon ng binata. Kinuha niya ang mga kamay ng dalaga sa kanyang batok at hinawakan iyon nang mariin.

“R-Raven... not now. Ang tinatanong ko ngayon ay saan ka tumutuloy- where do you live?”

Kinuha ni Raven ang kamay niya sa binata at kumapit sa pader.

“Bakit mo ba sa akin 'yan tinatanong? Hindi ba condo ko 'to? Dapat ako nagtatanong niyan sa'yo-—” Tiningnan niya ang paligid. Napahinto siya noong makitang mukhang nag iba ang disenyo ng kanyang kwarto. Hindi ba ito ang ibinigay sa akin ni Ashton na condo? "Bakit biglang nag iba ang design?"

Maglalakad sana ito upang tuluyang tingnan ang kabuuan ng paligid ngunit napatigil siya noong bigla siyang nakaramdam ng pagsusuka. Nagulat naman si Haru noong makitang dumuduwal ang dalagang nasa harap niya ngayon.

“T-Teka! Wait, halika sa CR!” inakay niya ang dalaga papunta sa CR at doon pinasuka sa inidoro.

Itinali ni Haru ang kanyang buhok upang hindi sagabal sa kanyang pagsusuka. Mayamaya lamang ay napatigil sa pagsusuka si Raven, at tinanong ang binata. “I-Ikikiss mo pa rin ba ako, kahit ganito ako?” Halatang halata ang kalasingan nito habang sinasabi ang katagang iyon.

Hindi naman maiwasang mapangiti si Haru, “Oo... pero pag hindi ka na lasing,” sinserong sagot nito sa dalaga. “Teka, tapos ka na ba?” tanong ng binata sa dalaga kung magsusuka pa ito o kung hindi na.

Mabilis namang umiling ang dalaga. Aakmang uupo sana ito sa sahig ng banyo ngunit mabilis naman siyang hinawakan at pinatayo ni Haru. Kumapit at yumakap naman si Raven sa kanya.
Napakagat naman ng labi ang binata dahil sa kilig at tinugunan ang yakap na ibinigay ng dalaga. Mukhang inaantok na si Raven.

“R-Raven…” tawag nito sa kanyang pangalan at titignan sanang muli ang mukha nito. Magmumog pa kasi ito, ngunit biglang lumuwag ang kapit sa kanya ng dalaga. Muntik na itong mahulog ngunit buti na lamang ay mabilis ang reflexes ni Haru at muli siyang sinalo. Mukhang nakatulog na agad ito sa yakap na ibinigay ng binata sa kanya.

Binuhat ni Haru si Raven na pang bridal style at naglakad papunta sa kanyang higaan. Inilapag niya si Raven doon at hinayaang matulog.

Hindi naman mapigilang maalala ng binata ang mga nangyari noong gabing iyon. Halos magkatulad lamang ito sa naganap ngayon sa kanila.






























NAGISING si Raven dahil sa ingay na nanggagaling sa labas. Saan ba nanggagaling ang mga ingay na iyon? Aakmang bubuksan niya na sana ang kanyang mga mata ngunit napahawak siya sa kanyang ulo.

Hangover. Bwesit.

Dahan dahan siyang umupo sa kanyang higaan habang hawak pa rin ang kanyang ulo.
Unti-unti niyang binuksan ang kanyang mga mata at napakunot naman siya ng noo noong makitang hindi ito ang kanyang kwarto.

KANINONG KWARTO 'TO?!

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at binuksan ang pintuan, ngunit hindi pa man nabubuksan nang maayos ang pintuan ay muli itong nagsara.

“Uyy! Ano 'yan?!”

“Shit! Sino naman nandiyan sa kwarto mo?!”

“Aba! Binata na si Haru oh!”


T-Teka, Haru?!

“Grabe naman kayo magconclude, sinira ko lang kasi nakaawang,” rinig ni Raven na depensa ni Haru.

“Ah ganoon ba? Ba't ka namamawis?”

Tangina.

Ano naman ang ginagawa ko dito sa lugar ni Haru?!

“Hindi na talaga ako iinom kahit kailan!”




































Continue Reading

You'll Also Like

52.8K 2.7K 38
"Meron akong pusa. A very unique one. And I won't share. Nag-iisa lang to..........mainggit kayo." I'm inlove with my Pussy by EyefulAiry Genre: Fa...
Empty By Kai.kai

Teen Fiction

9.4K 394 62
This story isn't just a cheesy teenage love story, this is a story of how a simple girl changes their EMPTY lives, a story of how this simple girl te...
184K 1.4K 9
📌 Rank #3 in Werewolf Category 📌 #Wattys2018 Longlist✨ 📌 #Wattys2018 Shortlist✨ ✯ THE SUPERNATURAL TALES AWARD WINNER #WEREWOLF #WRS2017 ✯ As Alex...
15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...