Hidden Haven

By xynvri

1.1K 36 4

A Sequel of Agent Raven Six years later, after resigning as an agent and able to found the peace that she rea... More

Hidden Haven
Prologue
xynvri
01
02
03
04
06
07
08
09
10
11
12

05

78 3 0
By xynvri

Chapter 05

PABALIK BALIK na naglalakad ngayon si Raven sa kaniyang kwarto, pilit na inaalala kung ano ba talaga ang nangyari kagabi. Uminom kasi siya noong gabing iyon dahil gusto niyang subukan. Oo, trip niya lang, and it was her first time drinking alone. Hindi siya umiinom noon na walang kasama ngunit noong mga panahong iyon ay sinubukan niyang uminom na mag isa.

Parang ang lungkot at nakakaawa para sa kaniya ang pagiinom ng mag isa. Ngunit sa mga oras na iyon ay wala na siyang ibang ginawa pa kung hindi ay uminom lamang ng uminom. Gulong-gulo ang isip niya ngayon ni Raven. Nagdadalawang isip siya kung ready na ba ulit siyang harapin ang lahat after six years.



"Kuya, isa pa nga," saad nito sa bartender.

Ngunit habang tahimik siyang umiinom doon ay namalayan niya na lamang na may katabi itong lalaki. Hindi niya alam kung kilala niya ba o kahit pamilyar man lang ang lalaki sa kaniya dahil Wala siyang pake at mukhang 'di nagana utak niya noon.

"Nakakarami ka na ah?" rinig na saad nito sa kaniya. Ngunit hindi ito pinansin ni Raven. Hays naghahanap lang ito ng kausap o mapunta sa kamang babae eh.

"Why are you wearing such simple clothes?" Oh kita mo, nilait niya pa ang suot ni Raven na simpleng t-shirt at pajama. "Are you staying here?" Staying? Anong staying? Matutulog siya dito sa bar oh ano?

Ibinigay naman ng bartender ang inumin niya at agad niya naman ang ininom iyon. "Isa pa!"

"Wow, ang lakas mo namang uminom," paghanga nito sa kaniya. Baliw ba ito?
Ba't 'di siya uminom mag isa? "Hmm, malakas ka rin kaya sa kama?"

Hindi naman na napigilan ni Raven at binalingan na ang pagmumukha noong lalaki. "What the hell?"

Narinig niya namang napatawa ito sa reaksyon niya. "Chill, I'm sorry. Kinukuha ko lang ang atensyon mo and I guess it worked?" ngumiti siya ng malapad.

Wow. Ang pogi naman nito. Pero halatang bata.

"I'm twenty-eight and has a four year old kid. What do you want?" diretsong tanong ng dalaga sa kaniya, at kita niya naman ang gulat sa mga mata nito.

"Oh cool," halos 'di makapagsalita ang binata sa sinabi niya. "But you're damn fine for a mother!" ngumiti ito ng malapad sa kaniya.

'Di naman mapigilan ni Raven ang mapangiti sa kalokohan ng batang nasa harapan niya.

"Ows? Ganon?" Tumango naman ang binata bilang sagot sa kaniya. "Gusto mo ba ng autograph?"

"Huh?"

"Picture?" dagdag pa nito. "Kung ayaw mo eto piso, bumili ka ng kausap mo," kumuha siya ng barya sa kaniyang bulsa at ibinigay iyon sa kaniya.

"Twenty pesos na barya 'to eh?" saad pa nito.

"Oh twenty pesos... Ayaw mo no'n? Ikaw na nga binigyan ng increase, ikaw pa nagrereklamo?" saad nito, at ininom ang ibinigay na inumin uli ng bartender.

Napatigil naman siya sa pag inom noong tumawa ito ng napakalakas.
Baliw na talaga yata to eh.

Hindi siya pinansin na lamang siya pinansin ni Raven at lumipat ng pwesto. Baka akalain pa ng iba eh, may kasama itong baliw. Hindi na niya pinansin muli ang lalaking iyon, at mas nagfocus sa pag iinom. 'Di nagtagal ay umalis na rin 'yong lalaki sa tabi niya.

"May bayad po ba kay-"

"Oo meron!"

"'Wag niyo na po siyang bigyan, manong," biglang saad noong isang lalaki sa kaniyang likuran. Sino na naman ba 'to? Bumalik ba 'yong baliw na lalaking iyon?

Lumingon naman si Raven sa kaniyang likod at may naaninag naman siyang lalaki, ngunit hindi niya nakikita ang pagmumukha nito dahil sa ilaw o against the light siya. Ano ba 'yan!

"'Wag mo siyang sundin 'di ko siya kilala," baling ni Raven sa bartender at pilit na ibinibigay ang baso sa kaniya.Totoo naman kasi, hindi niya naman kilala ang lalaking iyon.

"Asawa niya po ako, at may isang anak daw kami," saad naman ng lalaki.

Pota? Sino nagsabi?
Si Brandon ba 'to?

"'Wag mo siyang sundin, 'di ko talaga 'yan kilala!"

"Ma'am, nakarami na rin po kayo ng inom eh. Baka naman po pakitawag na lang po 'yong mga kasama mo or asawa mo po," pakiusap sa akin ng bartender.

"Hindi! Ayaw!" paguumangal niya.

"Babe, umuwi na tayo," Naramdaman ni Raven ang kamay noong lalaki sa kaniyang balikat kung kaya't hindi niya napigilan ang sarili at sumabog dahil sa inis.

Kinuha niya ang kamay nito sa kaniyang balikat at mabilis na tumayo. Pinaikot ang braso nito papunta sa likod at idiniin sa counter. "Alam mo ba ang ayaw ko sa lahat? Ang hawakan ako." maawtoridad kong saad.

Ngunit nagulat si Raven noong nakawala ang lalaking iyon sa pagkakadiin. Malakas na impact Ang muling pagtayo nito at muntik ng matumba ang dalaga dahil doon. Subalit mabilis ang kamay noong lalaki at agad na kinuha ang kamay ni Raven upang hilahin.

At sa mga oras na iyon ay biglang nahinto ang paligid ni Raven dahil kitang kita niya na ngayon ang itsura ng lalaking iyon. Sa mga mata pa lamang nito ay kilalang kilala niya na kung sino ang taong iyon. Kumikinang iyon dahil sa ilaw na nanggagaling sa disco lights. Talagang makinis na ang mukha nito. Hindi niya na gaanong naaninag ang mga marka ng mga sugat nito.

"Okay ka lang?" paunang tanong ng lalaki sa kaniya. Mukhang nagalala pa ito dahil muntik na siyang matumba.

"H-Haru?" sambit ni Raven sa pangalan nito. Ngunit imbes na sagutin siya nito ay tinignan lamang siya nang malagkit ni Haru. Kinuha nito ng dalaga ang mukha nito at mas pinalapit sa kaniya. Hindi naman umangal ang binata. "Ikaw ba talaga 'yan?"

Dahan dahang tumango si Haru.

Ba't 'di nakilala ni Raven ang boses niya? Mukhang naging fully grown man na ito.

"Ma'am, sumama na po kayo sa asawa niyo. Pag usapan niyo po 'yong problema niyo, kawawa naman 'yong anak niyo," sulpot ng bartender at kinuha ang baso sa counter.

"Teka-"

"Tama na," malumanay na saad ni Haru sa kaniya.

Agad niya naman itong binigyan ng masamang tingin.
Sino ba siya sa inaalala niya?

"Thank you po, manong. Mauna na kami ng asawa ko, bye!" paalam nito sa bartender, at nagbigay ito ng bayad. Binigyan din ni Raven ng masamang tingin ang inosenteng nagtatrabaho.

Agad namang kinuha ni Haru ang kanyang kamay at naglakad sila paalis sa lugar na iyon. Mayamaya lamang ay napadpad pala sila sa isang parke, malapit sa playground ng hotel.
Walang gaanong bata doon dahil gabi na ngunit may iilang tao na tumatambay doon para manigarilyo.

"Dito ka ba sa hotel tumutuloy? Hatid na kita," suhestiyon nito sa kaniya.

"P-Paano mo naman nalaman na nandito ako? Alam kong lasing ako ngayon pero gumagana pa naman common sense ni Raven,"

"Tsk. Lasing ka na nga," rinig niyang bulong ni Haru. Nakita niyang may dala-dala pa pala itong bag, at naka simpleng polo t-shirt lang din siya at trouser pants. "Hatid na kit-"

"Paano ka nga napunta dito?!"

Napakamot naman ng kilay si Haru dahil sa kakulitan ni Raven.

"May magic ako, ok? Alam ko kung nasaan ka pag alam kong malapit ka na sa akin,"

"Weh? Meron bang ganoon?" napaisip si Raven. "Niloloko mo lang si Raven eh!"

"'Di kaya," pagsakay ng binata sa kaniyang kalasingan.

"Sige nga, bigyan mo ko magic na pagpapatatag ng loob!" Mas inilapit ni Raven ang ulo nito sa kaniya at 'di nagtagal ay nabunggo na ito sa dibdib ng binata. "Aray!" Para itong batang nabunggo sa isang pader na napahawak pa sa kaniyang ulo.

Ang tigas naman ng katawan nito!
Tsaka, mas tumangkad ba ito?

Tinignan niyang muli si Haru, at bigla namang nanliit ang dalaga noong makitang naging makahulugan ang mga titig nito sa kaniya. Ngunit hindi ito pinansin ni Raven at mas nagfocus sa height difference nilang dalawa. Kung noon ay matangkad na si Haru sa kaniya, ngayon ay mas tumangkad pa siya dito at hanggang balikat na lamang si Raven sa kaniya.

"Ayaw mo pa bang umuwi?" biglang tanong ni Haru sa kaniya at agad naman umiling si Raven.

"Ayaw!"

Huminga naman ng malalim si Haru, at tinignan lamang nang maigi ang babaeng kaniyang minahal noon pa man. Akala niya ay naging okay at maganda na ang buhay nito dahil nagkaroon na ito ng anak at nagkaroon na ng pamilya. Ngunit sa sitwasyon nito, bakit parang hindi pa rin?
Bakit parang hindi pa rin siya handa?

"Raven," tawag nito sa kaniyang pangalan. "Naging okay ka ba sa lahat ng desisyon mo?" Hindi niya napigilang itanong iyon, dahilan upang matigilan si Raven.

Napayuko ito at hindi niya alam kung ano ang sasabihin. She want to lie, but it's hypocrite to say yes. Bakit pa ba niya lolokohin ang sarili niya?

She meet new friends, learn new things, and have enjoyed her life. Ngunit kahit anong gawin niyang gustong pagtakas sa mga suliranin niya sa buhay. It will always hunts her down at she will remain incomplete. Marami pa ring katanungan sa isip niya noon pa man, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa siya handa sa mga kasagutan.

How will she overcome this fear? How will she end this loop situation?

Sapat na kay Haru ang matagal na pagiging tahimik ni Raven. Inilapit niya ang dalaga sa kaniya at niyakap ito. "Nandito ako, Raven. I'm here for you,"

Hindi napigilan ni Raven ang umiyak at niyakap pabalik si Haru.






Napaupo si Raven sa kaniyang mama dahil sa natandaang alaala. Napakagat siya ng labi at kitang kita sa kaniyang mukha ang mukhang 'di mapakali. Bakit huling huli ng batang iyon ang nasa isip nito?

Bata pa ba 'yon?

Pero, teka nga! Ba't 'yon lang ang naalala niya? Ba't wala siyang naalalang tumalon, sumuka at umihi? Ano ba 'yan!

T-Tas bakit parang ang freely siyang halikan ng lalaking iyon kanina?






"Raven, t-tigilan mo 'to. Baka magalit asawa mo- think about your child."

"Baliw! Walah akong asawa! Wala rin akong anak-anak-anakan meron," wala sa sariling saad nito at kitang kita ang pamumula ng kaniyang mukha. "Now, let's make out." Mas inilapit muli ni Raven ang mukha niya sa mukha ni Haru upang magnakaw ng isang mainit na halik.

Dumampi ang mapupulang labi nito sa labi ng binata. Kinagat naman ni Haru ang ibabang parte ng labi nito, kung kaya't napasinghal ang dalaga dito. Ngunit kalaunan ay tuluyang bumigay na ito sa kaniya.







"Oh my..." Napatakip ng bibig si Raven sa naalala. Akala ba niya walang nangyari? Eh ano 'yon?! "AAAHHHH!"

Ginulo niya ang kanyang buhok at nagpagulong gulong sa kama.
"Ano ba kasi talagang nangyari noong gabing iyon?!"

"Meow~"

"B-Blake! Nakita mo ba 'yong nangyari?! AAHHH!"

Hindi iyon pwede! Nakipag make out siya sa isang bata!

Napatigil naman si Raven sa pagiging OA noong may kumatok sa kaniyang pintuan.
"S-Sino 'yan?" Naku, baka bumalik ang lalaking iyon.

"Cleaning service po!" rinig niyang sigaw sa kabila.

Hindi naman siya nagpatawag ah?

Kibot balikat niya na lamang binuksan ang pinto. Ngunit isang masamang galaw yata iyon dahil ang bumungad sa kaniya ang lalaking katunog na pangalang acetone. Nakasuot ito ng black hoodie at simpleng black pants. Para siyang emo sa itsura niya.

"Long time no see, Captain." Ngising bati niya sa dalaga.

'Yan na naman siya. Wala pa ring pinagbago.





























Continue Reading

You'll Also Like

9.9M 365K 53
I was called as the hummingbird with wings that could bring gorgeous chaos, a bird with sharpest beak and a bird with deceiving voice. I have the fea...
15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...
184K 1.4K 9
📌 Rank #3 in Werewolf Category 📌 #Wattys2018 Longlist✨ 📌 #Wattys2018 Shortlist✨ ✯ THE SUPERNATURAL TALES AWARD WINNER #WEREWOLF #WRS2017 ✯ As Alex...
4.3M 121K 110
Nemesis Louie Montero is a class S assassin who was given a mission to marry the mafia boss of a certain organization that would help them rise from...