Hidden Haven

De xynvri

1.1K 36 4

A Sequel of Agent Raven Six years later, after resigning as an agent and able to found the peace that she rea... Mai multe

Hidden Haven
Prologue
xynvri
01
02
03
05
06
07
08
09
10
11
12

04

74 2 0
De xynvri

Chapter 04



“TANGINA MO, HARU!”

Kinuha ni Raven ang unan na hinihigaan ni Haru at ginamit niya ang unan para ipalo sa binata. Agad namang napabangon si Haru mula sa pagkakahiga at umalis sa higaan. Napansin naman ni Raven na nakapantalon ito, ngunit wala pa ring damit na pang itaas. Umalis si Raven sa higaan at lumapit kay Haru.

Kinuha ng dalaga ang balikat nito at pinasandig ito sa pader. Mas lalo niyang binigyan ng masamang tingin ang binata. Napalunok naman ng laway si Haru nang malala. Mukhang mas nakakatakot ngayon si Raven kaysa sa noon.

“Anong ginawa mo sa akin?!” maawtoridad na tanong ng dalaga.
Wala siyang may natatandaan sa nangyari kagabi, at kung may nangyari man sa kanila ay wala rin siyang alam!

Pero isa lang ang alam niya... kasalukuyan siyang nakakaramdaman ngayon ng pagod at nangangalay 'yong dalawang paa niya.

Tinignan lamang ni Haru ang matalim na mga matang binitawan ni Raven at mas tinapatan ito. “Ano ba sa tingin mo?” balik na tanong ng binata. Hindi naman alam ni Raven kung anong emosyon ang nararamdaman niya ngayon. Unti unti niyang binitawan ang balikat ni Haru at binigyan siya ng makahulugan at 'di makapaniwalang tingin.

Kung gano'n... may nangyari talaga sa kanila?

“Grabe! Wow! Ganyan na ba ako sa tingin mo ngayon?” 'Di makapaniwalang saad din ni Haru na mas lalong nagpagulo sa isip ni Raven.

“Ginagago mo ba ako?! Baka gusto mong mawalan ng hininga ngayon?!” banta niya sa binata.

Si Haru naman ang humawak sa maliit na balikat ni Raven. “Wala, ok? Walang nangyari sa atin.” mahinang saad ng binata sa kanya.

Tinabig naman ni Raven ang kamay ni Haru na nasa kanyang balikat. “Kung ganon, bakit…” Hindi tinapos ng dalaga ang kanyang tanong at napatingin sa kanyang dalawang hita. Bakit nangangalay ang mga dalawang paa ko?!

“Masakit ba 'yong paa mo? Nakipaghabulan ka pa kasi kagabi eh. Akalain mo 'yon, tumalon ka rin galing puno do'n sa garden. Buti na lang walang gaanong tao, nakakahiya kaya!”

“What?” 'Di makapaniwalang tanong ni Raven.

“Last mo nang inom 'yon ah. Malala ka pala pag uminom. Sino ba nagsabi sa'yo na uminom ka?”

Oo, natatandaan niya 'yan. Pumunta siya sa bar ng hotel at doon uminom kagabi, pero wala siyang natatandaang nagkita at nagkausap sila ni Haru. Pero teka, eh bakit wala silang pang itaas ngayon?!

“Eh ba't nakahubad ka?!” tanong ng dalaga.

“Eh nakahubad ka nga rin eh!”

“Ano ba, Haru?! Nagtatanong ako ng matino, ok?!”

“Habang binubuhat kita papunta dito sa kwarto mo ay nagsuka ka, namantsahan ang damit mo. Hindi ka pa nga nakontento, umihi ka pa sa likod ko habang buhat-buhat kita,”

A-Ano?

“Nandoon sa CR 'yong damit mo, binabad ko na sa tubig para 'di mangamoy,” dagdag pa ni Haru.

Nagdadalawang isip man ngunit dali dali namang naglakad si Raven sa CR para tingnan kung totoo ang sinasabi ng binata at... totoo nga. Nakababad 'yong damit niya sa may sink, kasama yata 'yong 'di pamilyar na damit. Mukhang pagmamay-ari yata iyon ni Haru.

Lumabas siya sa CR at pinuntahan muli si Haru sa kanyang kwarto. “Umalis ka na dito,”

“Teka, ba't pinapaalis mo na agad ako? Parang kagabi lang ayaw mo akong pakawalan eh,”

“Are you taking advantage of me?” kunot noong tanong nito.

“Hala hindi ah!”

“Bakit mo ko hinalikan kanina?!”

Hindi naman makasagot si Haru sa tanong niyang iyon. Wala siyang maisip na sagot.

Hindi niya rin alam. Hindi niya alam kung bakit niya ginawa iyon. Maybe it was his instincts?

“Ano?!”

“A-Ang ingay mo kasi, hilig hilig mong magmura,” Kinamot niya ang kanyang kilay habang sinasambit ang mga katagang iyon.

“Leave.” Lumapit si Raven sa kaniya at pilit siyang pinaalis sa kwarto.

“Ha?”

“Lumayas ka dito!”

“Teka, wala akong damit!” sigaw nito pabalik sa kanya.
Kinuha ni Raven ang pink na hoodie niya at ibinigay sa kanya.

“'Yong gamit k—” Hindi na tinapos ni Raven ang sasabihin ni Haru at agad na hinanap ang gamit niya. Mayamaya lamang ay may napansin naman siyang black bag na nasa lamesa. Kinuha niya iyon at binigay kay Haru.

“Teka lang naman kasi! Why are you being so rude? Ni salamat wala akong natanggap, and we haven't seen each other for six years! Ayaw mo bang kausapin ako?”

“Hindi ako tatagal dito, Haru.” Binuksan ni Raven ang pinto noong makitang naisuot na nito ang hoodie niya. “Now, leave.” Tinulak siya ng dalaga palabas ng pinto ngunit kumapit si Haru sa pader.

“T-Teka, I'll leave. But I'm sorry, ok? I'm sorry kung hindi mo gusto ang tulungan ka. I'm sorry na hinalikan kita. Nabigla lang talaga ako, I'm sorry.” paghingi nito ng patawad.
Ngumiti nang mapakla sa kaniya si Haru, at binigyan siya ng makahulugang tingin. “Namiss kita, Raven.” Mahinang saad nito sa kaniya. “I hope we will meet each other again soon.” Muli siya nitong binigyan ng ngiti ngunit mas naging sinsero na ito. “I'll see you around, mag-iingat ka.” Tuluyan na itong lumabas ng pintuan at naglakad paalis. Unti unti namang sinirado ni Raven ang pintuan.

Ramdam na ramdam ngayon ni Raven ang panlalambot ng kaniyang mga tuhod kung kaya't hindi niya napigilang mapaupo sa sahig. Napakabilis ng tibok ng puso niya ngayon at napatutulala sa kawalan.

Heto na naman ang nararamdaman niya simula noong huli nilang pagkikita ni Haru. Akala niya mawawala lamang agad ito.

“Lintik, six years na lumipas pero ganito pa rin ang nararamdaman ko?”

Ano bang ginagawa mo sa akin, Haru?!

Nababaliw na ako dito oh!

























“SA'N ka galing?” bungad na tanong Shian sa kaibigan pagkapasok na pagkapasok nito sa condo. Sa itsura nito ay halatang uminom na naman ito, ngunit mas napako ang atensiyon ni Shian sa suot-suot nitong pink hoodie. “Where did that came from?” turo niya sa suot-suot na hoodie ni Haru.

Bigla namang may lumitaw na mga tao galing sa kaniyang kusina.

“Wow! Pink! 'Di ko akalain na mahilig ka pala sa pink, pre!” ngising komento ni Bryce.

“‘Wag niyo nga akong asarin, binili ko 'to.” depensa ni Haru. Inilagay niya ang bag sa upuan at umupo sa couch. Tinabihan naman siya ni Bryan.

“Binili pero amoy pabango ng babae!” komento nito.

Kita niya naman ang ngisi ng ibang mga kaibigan niya.

“Anong bang ginagawa niyo rito?” Iritang tanong ni Haru. Nandoon kasi ang lahat. Lahat ng mga ka-gang at kaibigan niya na hindi siya iniwan.

“Tinatanong pa ba 'yan? Syempre, tumatambay!” sagot naman ni Ivan.

“Wala ba kayong mga pasok at trabaho?”

'Yong iba kasi sa kanila ay nagaaral pa.

“Wala,” - Dash.

“Meron,” - Evan.

“Lunch time naman eh, ok lang 'yan!” - Ivan.

Lahat sila ngayon ay naiba na ang mga hubog ng katawan at mas naging matured na ang mga itsura nila. Halos lahat sila ay naging fit dahil hindi sila magpapatalo sa pagfle-flex ng sari-sarili nilang mga katawan. Siyempre apaka competitive nilang lahat edi naging macho, at nagkaroon ng big biceps ang lahat. Buti na lang hindi maliit ang condo ni Haru, kung hindi ay para silang mga isdang nasa delata na nagsisiksikan.

Ngunit ang pinaka healthy at fit talaga ngayon sa kanila ay si Bryce. Pagkatapos ng operasyon niya sa Canada ay pinangako niya talaga sa sarili niya na maging healthy at fit para mas mabuhay ng matagal. Para makasama niya ng matagal ang magiging asawa niya at mga anak niya.

“Buti pa kayo mga 'di na busy,” sagot ni Lance at umiling-iling. Nagaaral pa kasi ito at Ang kinuha niyang course ay Civil Engineering.

“Bakit ba kasi nag engineering ka?” ngiwing tanong ni Bryan.

“Pake mo ba?”

“Sabi ko nga,” pag surrender agad si Bryan at ayaw niyang magsimula ng gulo.

“Teka nga, Haru. Bakit hindi ka naglilinis ng condo mo?” naiiritang tanong ni Tungsten na kasalukuyang nakaapron ngayon at kasama kanina sa mga lumabas galing sa kusina.

Mukhang, naglinis ito ng kusina niya. Ayan na naman siya sa sakit niyang may takot sa germs.

Kasalukuyang nagaaral rin ngayon si Tungsten bilang isang architect.

“Hays, wala na akong time maglinis kakahanap ng trabaho eh.” Huminga ito ng malalim. “Akala ko gagaan ang buhay ko pag nakapagtapos na ako, 'yon pala easy mode level pa pala 'yon ng life ko. Hirap maghanap ng trabaho,” Humiga siya sa couch at napatingin naman ang mga walanghiya sa isa't isa.

“Hindi ka pa ba natanggap sa hotel?” tanong ni Shian. Si Shian naman ay nagaaral pa rin hanggang ngayon. Kasalukuyang nagta-take ng CPA prep course, at pagkagraduate ay mamanahin niya rin ang kompanya nila sa China.

“Tatawagan naman daw ako eh, at pinaluto nila ako ng mga Filipino cuisine.”

Napatahimik naman ang lahat at napatango na lamang.

“Hoy, Evan. Tama na nga 'yang pagtitingin mo sa papel mo. Ano ba 'yan?” tanong ni Bryce. Napansin niya kasing kanina pa ito nakatutok sa isang papel na hawak-hawak ngayon ni Evan.

Kasalukuyang isang CEO na ngayon si Bryce. Business Management ang kinuha niya at minana niya agad ang real estate company nila. Nakapagopera na rin siya sa sakit niya sa puso sa Canada at agad naman siyang bumalik dito sa pilipinas.

Kinuha naman ni Ivan ang papel na hawak-hawak ng kambal. Ngunit agad na kumunot ang noo niya noong makitang puro mga shapes, linya, at dots iyon.

“Ano 'yan? Sinulat ng alien oh ano?” komento ni Ivan.

“Patingin!” Biglang tayo ni Bryan at aakmang lalapit sa kanila ngunit agad na kinuha ni Evan ang papel kay Ivan. “Wow ah? Nakakahurt ng feelings! Ganyanan pala tayo ngayon ah!” Iling-iling ni Bryan. Si Bryan naman ay isang ganap na police ngayon, kasama nina Vincent at Dominic.

“No, I'm sorry. It's just that, this is written via cipher text. And since you are a professional, I'm afraid that you will have knowledge about the words written here.” depensa naman ni Evan.

Napataas naman ng kilay si Bryan sa sinabi ni Evan.

Ba't ba englishero 'to?

“Ok,” nasaad na lamang niya at tumabi sa pwesto ni Ivan na nakaupo sa sahig.

“Love letter yata 'yan, kaya ganyan,” bulong ni Ivan kay Bryan. Tumango-tango naman si Bryan bilang pagsang-ayon.

Narinig naman iyon ni Evan dahil katabi niya lamang ang kapatid kung kaya't namula siya sa sinabi nito. Kasalukuyang nagaaral din si Evan ngayon, at law ang kinuha niya. Kaya yata medyo knowledgeable makipagusap.

“Hey, shall we eat? May klase pa kasi si Lance, hindi ba?” biglang tanong naman ni Dash.

“Klase ba talaga ni Lance ang problema mo o nagugutom ka lang?” asar na tanong ni Dominic.

“Both?” ngumiti ng malapad si Dash. After six years na iyon ay natutunan na ring ngumiti ni Dash. Mas lalong kitang kita na ang kagwapuhan nito dahil sa pagngi-ngiti niya. May dimples pala ang loko. Medtech naman ang course na kinuha ni Dash, at pagkatapos noon ay magpro-proceed siya sa pagdo-doctor.

“Ano pa ba hinihintay natin? Kumain na tayo,” saad naman ni Vincent at pumunta sa kusina, sumunod naman sa kanya si Bryan at Dominic.

Bigla namang naalarma si Haru at sumunod na rin sa kanila.

“Teka, wala akong dalang pagkain. Magoorde—” Hindi na natapos ni Haru ang kaniyang sasabihin noong makitang may anim na buong litsong manok pala na nakalapag sa lamesa. “Bumili kayo?” 'Di makapaniwalang tanong ni Haru, at lumapit sa kanila.

Napangiti na lamang ang tatlo sa reaksiyon ni Haru.

“‘Yon oh! Lechon!” sigaw ni Dash na nasa likod na pala ni Haru. Nandoon din ang lahat at nagaabang.

“Teka, wala akong kanin—” Hinawakan naman siya ni Tungsten sa balikat niya.

“Don't worry, I made saing and I think it's cooked na.” saad nito at pumunta sa rice cooker para icheck kung luto na ba, at mayamaya lamang ay bumaling naman agad siya at nag thumbs up na nangangahulugang luto na ang kanin.

“Yes! Kain na tayo!” excited na saad ni Bryce.

“Mukhang, sweldo niyo ngayong tatlo ah?” nakangiting hula ni Shian sa kanila. “Thank you for treating us,” pasasalamat ni Shian sa kanila.

“Ba't ba kasi kayo nandito? 'Di tuloy ako nakapagready,” reklamo pa ni Haru.

“Sus! Nakipagdate ka lang eh,” sabat naman ni Bryce.

“Binili ko nga ito kahapon!”

“Eh sa'n ka natulog kagabi?” ngising tanong ni Lance.

Napatahimik naman si Haru sa tanong nito. Kumuha na lamang siya ng isang pirasong manok at kinain iyon. Tinawanan naman siya ng mga kaibigan niya dahil sa reaksiyon niya.

“Teka, ayaw mo na ba kay Raven, Haru?” Biglang tanong ni Bryan na naging dahilan ng pagkaiba ng awra ng paligid at pagkabulunan si Haru sa kinakaing manok.

Dalidali namang kumuha ng baso si Haru, nilagyan niya iyon ng tubig at uminom. "Okay ka lang?" tanong ni Shian dito at tumango naman si Haru bilang sagot.

“Gago ka, Bryan!” - Ivan.

“Apakarandom mo naman!” - Bryce.

“Sorry naman!” - Bryan.

“Guys, sorry. Okay lang ako. Hayaan niyo na si Bryan, nagulat lang talaga ako.” pagdepensa ni Haru kay Bryan na ipinagsasalamat ni Bryan. Tumuloy naman sila sa pagkain.

Ang iba ay nakaupo, at ang iba ay nakatayo. Lima lang kasi ang upuan sa table, at labing isa silang lahat. Mayamaya lang ay lumipat naman si Dash, Evan, Ivan, Bryce, Dominic, at Lance sa couch at doon kumain habang nanonood ng TV.

Naiwan naman si Tungsten, Bryan, Shian, Vincent, at Haru sa lamesa.

“Sino ba 'yang babaeng iyan, Haru? Naku, after six years, nagkainteres ka ulit sa babae. We're proud of you!” ngiting saad ni Vincent.

Hindi naman alam ni Haru ang magiging reaksiyon niya ngunit siya'y ngumiti na lang din.
Baka maloko na pag nalaman nilang nagkita sila ni Raven at naigalaw niya na ang baso sa pamamagitan ng isang mainit na halik.

Mas lalong lumawak na lamang ang ngiti niya na mas ikinawindang ng apat na kasama niya sa hapag kainan.



















Continuă lectura

O să-ți placă și

12K 109 101
You can put these quotes in your stories.. Just made this to help yah guys
185K 4.7K 27
Samantha Lopez was describe by many people as dangerous, scary and heartless. According to them, she is the most dangerous person that they have ever...
15.6K 761 51
Rogue Constantine Montgomery the leader of Last Section, ang section na kung saan puno ng mga barumbado, tarantado, mahilig sa away at walang modong...
15.7K 729 40
First Elementa Series A coincidence, or not. Alexis Donn was very happy after receiving a letter of admission from FEUTERACRIA during her 18'th birth...