Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

926K 31.8K 20.9K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 18

11.1K 390 149
By JosevfTheGreat

Chapter 18: Quarrel's Over?

#DittoDissonanceWP

Don't forget to vote and enjoy! Thank you 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024] 

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

The air was gentle as we sat at the tables outside near the BSFA and BS Architecture building. I didn't know what to feel about the situation that happened a while ago. Though it was fucking funny and at the same time terrifying. Did I just include myself again with that prick?

I can't believe that I'm having my lunch thinking about that. Ni hindi kami nag-uusap-usap dahil may kaniya-kaniya kaming iniisip. Busy din sila sa phone nila habang ako ay dahan-dahan lang ngumunguya at natutulala. Hindi ko alam kung matatawa ako o makikipagkwentuhan sa kanila.

Napailing-iling ako at binalingan si Titus na saktong napatingin din sa akin. Nag-angat siya ng kilay pero natawa lang ako bago umiling. Nangunot ang noo niya at bigla ring natawa. Mukhang alam ko na kung anong nasa isip nito.

"Taena ka talaga, Caiden. Dahil natawa ka, naalala ko na naamn 'yung kinuwento mo kanina," sabi ni Titus at nagsimula ng humalakhak.

Unti-unti na rin akong natawa. "Natatawa kasi ako sa mukha niya. Halatang napipikon na siya," sabi ko.

Binitiwan na rin nina Magnus ang phone nila at nakikitawa na rin sa amin ni Titus. Dahil kanina tawa kami nang tawa nang na-elect si Zern bilang president. Bukod pa ro'n, tawang-tawa sila sa sinabi kong hahabulin siya ng mga girls. Hindi rin sila maka-get over sa tawa ko kaya sa tuwing naalala namin, kusa kaming nagtatawanan. 

"Bwisit ka, Caiden. Tangina. Tawang-tawa ako sa kaniya kanina. Natatawa ako sa mukha niya. Mukha siyang mochi na pinisa kasi galit na galit 'yung titig niya sa 'yo. Parang ang squishy no'ng pisngi niya," sabi ni Magnus habang humahalakhak.

Kusa lang bahagyang humupa ang tawa ko nang bigla kong naalala 'yung sinabi niya kanina sa akin kaya bigla akong napangiwi. Talagang ginagamit niya 'yung term na 'bading' para gumanti sa akin, ah? He really knows how to get into my nerves.

"Pero nagbulungan kayo banda sa gitna, Caiden, ah?" Sabi ni Titus sa akin at bahagyang humupa na rin ang pagtawa.

Tumango ako habang magkasalubong kilay. "Oo, alam na alam niya kung paano ako bibuwisitin. Sabi niya, papatawag niya raw lahat ng bading na kakilala niya at uutusang magpa-picture sa akin," sabi ko at umiikot na agad ang tiyan habang iniisip ang sarili ko kung mapunta man ako sa gano'ng sitwasyon.

Nangunot ang noo ni Magnus. "Ngek. Hindi na dapat siya nagjo-joke tungkol sa ganiyang matter. Kung talagang gusto niyang makaganti sa 'yo, makipag-asaran siya sa 'yo nang maayos. Tutal mukhang ayaw ninyo talaga tumigil sa bangayan ninyo, e," sabi ni Magnus.

"Oo nga, feel ko hindi 'yan matatapos. E 'di galingan mo na lang din makipag-asaran sa kaniya. Ang hirap din hindi gumanti dahil nakakapikon din siya mang-asar, e," sabi ni Echo.

"Kahit gusto ko man din siyang hindi pansinin, palagi akong naba-bother sa kaniya. Kung hindi niya ako titigilan, hindi ko rin talaga siya titigilan. E 'di mag-asaran kami nang mag-asaran. No'ng una, puro inis lang nararamdaman ko, ngayon natatawa na rin ako. Natatawa ako sa mukha niya kapag napipikon siya, mukhang marshmallow na malungkot eh," sabi ko.

Natawa si Echo. "Oo, pre. Nakabawi ka na sa kaniya sa ginawa niya sa 'yo sa CR. Tapos nakabawi na rin siya sa 'yo sa pag-nominate sa 'yo bilang representative no'ng pageant. Bawian mo na lang ulit, asarin mo nang asarin. Sabi nga ni Magnu, parang hindi naman talaga titigil 'yang bangayan ninyo, eh," sabi ni Echo.

"Talaga! Hindi ko rin siya titigilan. Wala namang problema sa akin kung ako maging representative. Puwede ko naman 'yon mapag-aralan, kaya hindi naman siya nakabawi. Nagulat lang ako, pero hindi ako nainis sa ginawa niyang 'yon. Nainis lang ako no'ng tinakot na naman niya ako. Gusto pa niya akong batuhin ng mic. Halatang napipikon na, e. . ." sabi ko at sarkastiskong natawa.

Napangiwi si Magnus. "Nakakainis 'yung part na ayaw niyang ginagamit against sa kaniya 'yung sexuality niya, pero ginagamit niyang pang-asar sa 'yo," sabi ni Magnus at umiling-iling.

"Wala naman kasi siyang maiaasar sa akin. Kaya 'yon ang ginagamit niya para mabwusit ako. Siya na nga nagsimula ng lahat, siya pa may ganang magalit. Tapos mukhang kinilig pa ata siya sa akin kanina dahil nakangiti ako sa kaniya at sinabihan kong siya ba ang ka-partner ko," sabi ko at mahinang natawa.

"Tangina! Tawang-tawa ako no'ng sinabi mo 'yon. Pikon na pikon na siya, eh. Tumutulong pa 'yung audience sa pang-aasar sa kaniya. Napipikon na 'yon no'ng napilitan siyang mag-president, kaya mas lalong napikon no'ng inasar mo pa," sabi ni Titus 'saka bahagya ring natawa.

"Nga pala, club ulit mamaya, ah? Papayag ba 'yung isa diyan na wala siyang naka-hook up kahapon?" Sabi ni Echo.

Napatingin silang tatlo sa akin habang nakangisi nang nakaloloko. Kusang naglaho lahat ng iniisip ko at natuon lahat sa sinabi ni Echo. Tangina talaga no'ng bading na 'yon. Ngayon kailangan ko ng palaging i-distract 'yung sarili ko o libangin para mawala siya sa isip ko.

Tama, hindi talaga ako papayag na wala ako makahu-hook up ngayon. Fuck. Hindi ko dapat bini-busy at sinasayang ang oras ko sa pag-iisip sa buwisit na 'yon.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

Hindi gaano maingay at matao sa cafeteria ng BS Engineering kaya rito kami nag-lunch nina Ashton. At saka nakita namin 'yung mga kumag na kumakain sa labas, malapit sa department building ko. Picnic sila accla. Putangina ni Caiden. Nabibwisit ako sa kaniya.

"Ang akin lang, Leroy, tangina niya. Although kahit expected ko ng gaganti siya, sana man lang hindi na, 'di ba? Para matapos na 'tong bangayan namin. Dahil hindi rin ako titigil gumanti kung hindi siya titigil. Ang nakase-stress do'n, ayaw kong gumanti para matapos na lang pero kapag hinayaan mo naman, naiipon sa akin at mas lalo lang akong nabubuwisit. Paano na 'yung mga iba kong gagawin kung bad trip na ako," singhal ko bago uminom ng iced tea para pakalmahin ang sarili ko.

Mahinang natawa si Leroy. "Beh, kung gaganti ka ngayon sa kaniya. Malamang hindi ka rin niyan titigilan. Tama na 'yong away ninyo kanina. Siguro sa final mong statement, manginginig na 'yung kalamnan no'n. Ewan ko na lang kung hindi pa siya tumigil do'n," sabi ni Leroy.

Napatingin ako kay Ashton na nakatingin sa akin at wala pa rin siyang sinasabi mula kanina. Kanina pa siya tahimik. Kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"Ash, bakit ang tahimik mo kanina pa?" Concern kong sabi.

Umiling siya. "I just hate that topic. Naalala ko 'yung inis ko kagabi sa kaniya. How he called you names and pushed you down kahit kagagaling mo lang no'n sa isang pangit na pangyayari. And now, he humiliated you in front of every one. I just don't understand his fucking logic, Zern. Kung ayaw niya sa 'yo, then he should stay away from you, right? He should just avoid you. Pero parang nage-enjoy pa siya sa feud na nangyayari sa inyo. Parang pinagti-trip-an ka na lang niya," sabi ni Ashton at umigting ang panga.

Bumuntonghininga siya at umiling bago binalingan ang pagkain niyang ngayon niya pa lang gagalawin. Nagkatinginan kami ni Leroy dahil sa sinabi ni Ashton. Sobrang bait kasi ni Ashton, kaya natatakot kami kapag ganito siya kagalit. Marami siyang kayang magawa if galit siya. Natatakot lang ako na baka lumala nga 'tong away namin ng buwisit na 'yon.

Tumango at napasinghap. "Okay, Ash. Ako na lang 'yung iiwas sa kaniya. As much as possible, lalayo na lang ako. Para ma-feel niyang wala na akong pakialam kung anong gagawin niya," sabi ko.

Tipid kong nginitian si Ashton nang nag-angat siya ng tingin sa akin. Saglit pa siyang napatitig sa akin kaya mas nilawakan ko na ang pagngiti ko. Bumuntonghininga siya 'saka mahinang natawa.

"I think that's better, Zern. Ayaw kong ini-include mo 'yung sarili mo sa kaniya. Marami na akong naging kaibigang katulad niya at ng mga kaibigan niya. It's hard to associate yourself with those kind of people," sabi ni Ashton.

"Random thought lang," sabi ni Leroy kaya napatingin kami sa kaniya ni Ashton, ". . . Paano kung bading pala si Caiden tapos mina-mask niya lang as pangbu-bully 'yung pagkagusto niya sa 'yo?" pagpapatuloy ni Leroy.

Automatic akong napangiwi nang malala, as in malalang ngiwi, "Yuck, Leroy. Pakinggan mo naman 'yung sinasabi mo. Kadiri. Kinikilabutan ako, iniisip ko pa lang na may gusto siya sa akin at 'yon ang ginawa niyang way para magpapansin sa akin. Yuck. Kasi hindi mo naman gano'n ipakita ang pagkagusto mo sa tao. Ano ba 'yan, Leroy. Kung ano-anong pinag-iiisip mo," sabi ko.

Ngumuso naman si Leroy sa sinabi ko. "Wala lang, naisip ko lang 'yung kasabihan na 'the more you hate, the more you love'. Kasi sobrang lala ng hate niya sa 'yo, or gano'n lang talaga kalala 'yung hate niya sa mga bading? Baka may experience before?" sabi ni Leroy.

I hissed. "Kung may bad experience man siya sa mga bading, hindi dapat niya nilalahat. Ang kinaiinisan ko kasi lalo kung paano niya ako tingnan, na parang dumi-dumi ko. Inaamin ko naman na nagkaroon nga ako ng dirty thoughts sa kaniya dahil type ko siya. Pero hindi ko siya kinausap kahapon para magkaroon ng chance sa kaniya or may balak ako. Kaso 'yon ang pinipilit niya nang pinipilit na argument," sabi ko.

Mahinang natawa si Leroy. "Kaya nga. Pero anyway, tama ka kanina sa sinabi mo. Ipakita mo na lang na wala kang pakialam sa kaniya. 'Pag hindi pa siya tumigil, eeksena na kami ni Ashton. 'Yan ang usapan. Hindi naman din kasi kayo puwedeng magbangayan nang hindi ninyo naman alam kung bakit kayo nag-aaway. Unang-una ro'n, kasalanan ng Caiden na 'yan lahat ng 'to. Siya nagsimula niyan. Pero dahil angel in disguise ka na bading, ikaw na lang ang mage-end ng feud na 'yan," sabi ni Leroy at ngumiti pa nang pure

"Tama ka diyan. Though tama ka rin sa sinabi mo kanina. Ipakita mo na lang na wala kang pakialam sa kaniya. 'Pag hindi pa siya tumigil, eeksena na kami ni Ashton. 'Yan ang usapan. Hindi naman din kasi kayo puwedeng magbangayan nang hindi ninyo naman alam kung bakit kayo nag-aaway. Unang-una ro'n, kasalanan naman ni Caiden ang lahat ng 'yan. Siya ang nagsimula. Pero ikaw na lang ang maging bigger person, ikaw na lang ang mag-end ng feud na 'yan," sabi ni Leroy at parang anghel na ngumiti.

Nagkatinginan kami ni Ashton dahil parang host si Leroy sa Rated K dahil sa tono ng boses niya. Sabay kaming natawa ni Ashton kaya kinunotan kami ng noo ni Leroy.

"Para ka namang nagco-commercial ng mga propaganda ng mga tumatakbong politicians sa tono ng boses mo," sabi ni Ashton at natatawa pa rin.

"Bakit ba? May maganda akong hangarin, e. At ako naman kasi 'yung pinakamabait dito sa atin. Hindi ninyo ba nahahalata? Ako 'yung good influence compare sa inyong dalawa," sabi ni Leroy at nangingiting binalingan ang pagkain.

I hissed and scoffed loudly. "Mukha mo. Pare-parehas lang tayong mga mahaharot, Leroy. Ayan si Ashton, malandi din 'yan. Professional 'yan makipaghalikan," sabi ko at bahagyang masamang tiningnan si Ashton na ngayon ay nakakunot ang noo sa akin habang natatawa na naman.

"Ikaw, ah. Bukambibig mo talaga 'yang paghalik ko, gusto mo ata ma-try, e," sabi ni Ashton sa akin at ngumisi nang nakakaloko.

"Siraulo ka! Alam ko magaling ka humalik, at gusto ko ring mahalikan nang kasing galing mo. Pero hindi ikaw ang gusto ko humalik sa akin!" Sabi ko.

Humalakhak si Ashton. "Bakit ka pa maghahanap ng iba, puwede mo naman na i-try sa akin," sabi ni Ashton habang nakangisi pa rin nang nakakaloko.

"Basta kapag pina-try mo si Zern, ako rin dapat," biglang sabat ni Leroy.

Nalaglag ang panga kong tiningnan si Leroy. The horror in my face! Gago talaga 'to si Leroy. Ang cringe. 

"Leroy? Yuck? Tangina ka, napakadugyot mo talaga," I said in disbelief kaya nagtawanan silang dalawa ni Ashton.

I swear this circle. Shuta. Nag-suggest-an ba naman maghalikan. Mga baliw talaga. Hindi ko kinaya 'yung sinabi ni Leroy. Kanina pa kung ano-anong lumalabas sa bibig ni Leroy.

"Ang OA naman nitong bading na 'to," sabi ni Leroy at humahalakhak na naman silang dalawa ni Ashton.

"Grabe 'yung pandidiri sa mukha mo, Zern. No'ng sinabi kong i-try mo sa akin, hindi ka nandidiri pero no'ng sinabi ni Leroy na siya rin magta-try, grabe 'yung mukha mo gagi," sabi ni Ashton at para silang nasa choir ni Leroy sa sobrang magkatunog at synchronize ng halakhak nila.

I rolled my eyes and shook my head. Putangina talaga nito ni Leroy. Bilang isang main character, I revoke that privilege away from him. What's mine is mine, chariz lang po.

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

9.4K 342 115
I'amore Dello Scrittore Epistolary Series #5 The writer's twisted words of love.
Cruel Summer By j

Teen Fiction

4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
347M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...