Oxford

By cultrue

37.7K 1K 78

Si Billie Areizaga ay isang single mother sa dalawang bata, walang kasing simple ang buhay nila kasama ang na... More

Oxford
Prologue
Chapter 01
Chapter 02
Chapter 04
Chapter 05
Chapter 06
Chapter 07
Chapter 08
Chapter 09
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Epilogue
Bonus Chapter
NOTICE

Chapter 03

913 27 0
By cultrue

Kinagat ko ang ibabang labi ko habang nakatingin sa labas ng bintana. Katahimikan ang bumalot samin ilang segundo lang ang nakalipas nang magtanong siya sakin kung saan ako galing. I just simply answered him about about my work but I didn't really tell him I was at work and I was going home.

"You're quiet. Are you okay? Masakit pa ba ang balakang mo?" Pagbasag niya sa katahimikan.

Agad akong umiling sa kanya at sinagot siya. "Hindi na masyadong masakit. At ganito lang talaga ako, tahimik." simple kong sagot.

He chuckled as he bit his forefinger in an appealing way. "That's good to hear." he answered. "Anyway, hindi mo ako tinawagan. Naaresto narin ang driver na nakasagi sayo. Buti nalang at hindi na yun maglalasing pa dahil nasa kulungan na siya. I didn't get your number, by the way."

"Ah sorry nakalimutan kong tawagan ka. Busy lang ako sa trabaho." sagot ko.

He slowly nodded. "Busy din ako pero may time parin akong makinig sa boses mo."

Nakapagtaas ako ng kilay sa sinambit niya. Parang may nagrambulan sa tiyan ko. Umiwas lang din ako ng tingin pero sumagot naman ako.

"Hindi ko dinadala ang calling card mo kapag nasa trabaho ako kasi kapag nasa trabaho na ako ay nandun na talaga ang atensyon ko."

I told him the half lie and half truth. I lied 'bout his calling card. Palagi yung nasa bag ko dahil doon ko sinuksok para hindi mawala. Baka kasi may importante akong kailangan sa kanya, tanungin o ano lang kaya tinago ko yun pero hindi ko talaga nahahawakan ang calling card niya kapag nasa trabaho na ako dahil kanina lang ay nasa monitor ang tingin ko.

Marami din akong customer na inentertain. Maraming nagpapatahi kaya paano ko nga ba maiisip yung calling card niya.

"I see. But call me when you have time. Let's have some nice dinner at the nearest restaurant nearby. May alam akong restaurant na magugustuhan mo." sabi niya.

Tumango ako. Dinner lang naman at walang malisya. "Kapag may free time ako."

"Kapag? Sa gabi kita susunduin."

Nag-isip ako. Kapag gabi kasi ay marami pagod na ako nun palagi at baka wala na akong time para icheck ang homeworks ng mga bata. Gusto ko kasi ay wala silang maiwan na homework para kapag pumasok ulit sila kinabukasan ay handa na nilang ipacheck yun.

"You know, may iba din akong ginagawa kapag gabi sa apartment namin. At hindi din ako pwedeng mahuli ng dating sa apartment."

Kumunot ang noo niya at kinagat ang labi niya. "Well then, sabihin mo nalang sakin kung kailan ka may free time. Kahit breakfast o lunch sabihin mo lang sakin basta may free time ka."

"Sure. Sasabihin ko agad sayo."

"Thanks." Malawak na ang ngiti niyang sagot.

Huminto siya sa pagmamaneho sa tapat ng gate namin. Agad akong bumaba para hindi na siya bumaba pa para pagbuksan ako. Dati ay okay lang yun dahil mayroon naman akong sakit sa bewang. Pero okay na ako. Sinarado ko ang sasakyan niya. He also got out from his car, leaving it open and he pocketed his hands in two pockets of his shiny gray slacks.

He really looked like a business man or a lawyer because of his suit. Sa ilalim ng suot niyang sleeveless cover na shiny gray din ay may puting long sleeves shirt siyang suot. And his shoes were so shiny black too.

"I'm sorry sa curiosity ko ha pero ano nga bang trabaho mo?"

Malutong siyang napatawa na parang nang-aakit, parang sinadya niya. Isang daliri ang ginamit sa pagkamot sa itaas ng kilay niya na nakatingin sa semento bago nagtaas ng tingin sakin at binalik sa loob ng bulsa ang isang kamay na inangat.

"I have a business." garalgal niyang sagot na parang bagong gising palang.

Napatango ako at nagparte ng kunti ang labi ko. "Ah kaya pala. Akala ko ay isa kang abogado o doktor dahil palagi kang nakasuot ng ganyan." Lahad ng kamay ko sa ere para imuwestra ang kanyang suot na formal suit.

"Kahit sino mapagkakamalan ang mga nakasuot ng ganito na abogado o doktor pero business man ako. But—"

Hindi natuloy ang sasabihin niya nang tumunog ang smart phone niya sa loob ng sasakyan. Hindi kasi nakasara ang sasakyan niya kaya narinig namin.

Inangat niya ang kanyang kamay para mag-excuse. Tumango lang ako at umiwas ng tingin para bigyan siya ng privacy na sagutin ang tawag.

"Hello Noe." he said to the other line. "Okay, I'll be there in ten minutes. I'm on my way." sagot niya ulit sa kabilang linya bago pinatay ang tawag.

Naabutan ko siyang malalim ang pagkakakunot ng noo at binaba ang telepono sa dashboard. Tipid ko siyang nginitian nang umayos siya ng tayo at inayos ang kanyang suot.

"I'm sorry I cut our conversation short but let's meet some other time. I'm expecting a call from you, anytime you want and whenever you're ready." he fore-named as he winked on me.

Ngumiti ako sa kanya at inayos ang dala kong bag. "Okay. I'll promise you that."

"Sure. Mauna na ako, Billie. Good night."

"Good night. Ingat sa byahe." I replied and he uttered as an answer.

Pag-alis niya ay saka na ako pumasok sa loob ng apartment. Naabutan ko si Nanay na nagluluto. Si Nillie ay nasa lamesa na at nakaupo sa silya at may hawak na Poppy troll toy. Pagkakita sakin ni Nillie ay sumigaw siya.

"Mama!" She raised her hands, I got my way to her and I hugged her.

"Hello baby." I said.

Lumingon si Nanay samin na may hawak na sandok. "Nakauwi ka na pala. Mabuti nalang at nandito ka na. Magbihis ka na at kakain na tayo. Magpahinga ka muna ng kunti." Agad na utos ni Nanay.

"Si Kamp, 'nay anong ginagawa niya?"

"Ay nasa likod ng sofa at naglalaro. Tapos na yan sa assignment niya. Ewan ko kung nakulayan na lahat yung pinapakulay sa kanya ng kanyang teacher." sabi ni Nanay sakin.

Inalis ko ang bag ko sa balikat atsaka hinawakan ang kamay ni Nillie dahil bumaba siya sa silya. "Kamp?" I called my son.

Nakita ko ang ulo niyang inangat. "Mama?"

"Anong nilalaro mo? Tapos ka na ba sa homework mo?" tanong ko nang lumapit ako sa kanya.

He nodded and he pointed his little finger to his book. May working book siya palagi na dapat kulayan ang mga images na nandun at yun ang assignment niya.

"Naubos mo ba ang isang page?"

"Opo." he softly answered.

Hinayaan ko siyang maglaro lang muna dahil nagbihis pa ako sa loob ng kwarto namin. Si Nillie ay hindi sumunod sakin dahil nakita niyang naglalaro ang kuya niya.

Tahimik kaming kumain sa kusina nang okay na ang pakiramdam ko at hindi na ako pagod. Nacheck ko rin ang homework ni Kamp, it's okay and I was satisfied with his work. Maganda yung pagkakakulay niya kasi ayaw niya ng hindi lahat ng parte ay makulayan kahit may kunting lagpas sa linya ay okay lang sa kanya.

Yung crayons nila ay nasa isang malaking crystal, pinaghalo ko lang lahat kasi ganun lang din naman ang nangyayari sa look ng bag nila, nagkakanda putol-putol dahil naiipit.

Nakatulog agad si Kamp at Nillie. Magkatabi na kaming natulog. I was still awake. I couldn't sleep. Hindi naman kumikirot ang bewang ko na natamaan ng nguso ng kotse. Bumuntong-hininga ako. Dahan-dahan akong bumangon at lumabas ng kwarto. But I left the door ajar for my kids to be able to walk out from our room just in case they'd find me missing in our room.

Gumawa ako ng tsaa para gumaan ang pakiramdam ko. Hindi ko alam kung makakatulog ako ng maayos nito pero gusto ko lang uminom ng tsaa. Nagpatuloy din akong naglakad hawak ang tasa ng tsaa papunta sa kusina. Dalawang ilaw ang nakabukas. Yung nasa kusina at sa sala lang.

Sumimsim ako sa tsaa ko. Binaba ko muna ang tasa sa lamesa at sinandal ang katawan sa sofa. Narinig ko parin ang mga sasakyan sa labas na dumadaan. Kunti lang ang mga dumadaan na sasakyan sa mga mga kanto dahil sa lugar namin ay puro na kabahayan. Sa street kung nasaan ang shop ko ay nandun ang maraming tao dahil malapit sa bar doon lalo na't maraming estudyante at iba pang may edad na nasa bar.

Napatingin ako sa pader na pinadikitan ko ng wallpaper para naman maganda. Napunit na ng bahagya ang wallpaper. Bumuntong-hininga ako. Nakalimutan ko lang yun padikitan ulit.

Pinalibot ko pa ang aking mga mata sa buong apartment namin. Ayaw kong iwan ang apartment na'to dahil marami akong alaala dito. My father left us in this world, he died because of working too hard. He died when I was so young to understand the whole situation that's why my mother was the one who raised me alone.

Hindi rin kaya ni Nanay na iwan ang apartment na matagal na naming tinirhan ng ilang dekada. Hanggang sa magpakasal sila ng Tatay ay dito sa apartment na sila nanirahan hanggang sa pinanganak ako at hanggang mayroon na akong mga anak.

Akala ko ay iniwan kami ni itay at nambabae dahil ang tagal niyang umuwi yun pala ay naaksidente siya. Isa siyang construction worker at ang Nanay ko ay isang mananahi dati pero nang magsara ang patahian ay naging waitress siya sa mga restaurant hanggang sa napunta siya kay Skan.

Gusto kong kausapin ang landlady na naging malapit na samin na bibilhin nalang namin ang apartment na'to. Kapag pumayag siya ay mag-iipon ako ng marami pang pera para mapasaamin ang apartment na kinalakihan ko. At gusto ko ay dito rin lumaki ang mga bata.

Umayos ako ng tayo at ininom lahat ang tsaa. Agad akong lumakbay papunta sa kusina. Hinugasan ko ang tasa na ginamit ko at pinatuyo gamit ang towelette na ginagamit naming pampatuyo ng mga nahugasan saka ko inilagay sa aparador para sa mga tasa.

Pumasok narin ako sa kwarto pero bago yun ay pinatay ko muna ang ilaw sa kusina at sa sala. May ilaw sa harap ng apartment at sa likod din para makita namin kung may tao ba sa labas.

Pagbalik ko sa kwarto ay nakita ko ang paa ni Nillie na nasa tiyan ng kuya niya at yung isang braso naman ni Kamp ay nakadantay na sa mukha ng kapatid niya. Inayos ko muna ang pwesto nila bago ako nahiga sa gitna.

Maaga akong nagising kinabukasan pero mas maagang nagising si Nanay para magtimpla ng gatas niya at ako naman ay nagtimpla narin. Kanya-kanya kaming trabaho sa gawaing-bahay. Habang si Nanay ay nasa banyo para maligo at para narin maglinis doon ay ako naman ang nasa kusina para maglinis at diretsong maghanda ng pagkain. Nang makaluto ako ay ginising ko ang dalawa.

"Nillie ready ka na bang kumain?" I asked her as I plated the rice.

She shook her head and pouted. Dala-dala niya ang kanyang teddy bear.

"Okay wait ka lang dito ha. Lalabas na si lola."

Tumango siya. Iniwan ko lang muna siya para ihanda ang mga gamit nila sa sofa. Si Kamp ay umupo na sa silya niya pero wala pa siyang ganang kumain dahil kagigising niya palang. I knew the feeling, hindi madaling kumain kapag kagigising lang dahil hindi pa yun matatanggap agad ng sikmura. Mabuti kong liquid ay pwede pa.

Si Nanay ang nagpakain sa dalawang bata habang ako ay pumasok sa banyo para maligo muna. Minsan lang kaming nagsasabay na apat na kumain lalo na kapag weekdays kasi para mapadali ang pagkilos namin at pag-alis. Pero kapag weekends ay kaming apat ay kompleto sa hapagkainan.

Huminga ako ng malalim at humarap sa salamin.

Kung buhay lang si itay ay lima sana kaming nasa hapagkainan at paniguradong hindi siya magtratrabaho dahil aalagaan niya ang mga apo niya.

Nang makapasok ako sa shop ko ay agad akong rumesbak sa trabaho sa maraming line ups na tatahiin. Kinuha ko agad ang safety pins at ang tela. Yung gunting ay binaid ko muna sa bairan para tumalim pa. Yung ginamit kong gunting ay yung pang-kusina dahil malaki.

"Ma'am may kumukuha ng pinatahi." sabi ni Rinda.

Umangat ang paningin ko sa kanya. "Ano bang pinatahi?"

"Yung may nagpaputol ng maong?"

"Ah, nandyan sa gilid nakaplastic na yun." sabi ko at inutusan ko siyang tanggapin nalang ang bayad.

Hanggang hapon ay nasa harap parin ako ng sewing machine. Pagkatapos kong magtahi ay ako na ang nagsara ng shop dahil ako narin ang huling lumabas. At paglabas ko ay nakita ako ni Skim.

Kumaway siya sakin. "Oy Bill! Tara sa bar! Maglilibre daw si Skan dahil marami ang kanyang kita ngayong araw." sagot nito.

Napailing nalang ako atsaka tumango. "Okay, pero saglit lang. Text ko pa si Nanay."

"Sure. Pasok ka nalang ha. Hindi naman tayo magtatagal. Isang shot lang." sagot nito.

Naglakad ako papunta sa harap ng Pinxto Alley at kinuha ang telepono ko para itext si Nanay. Ang tagal ng reply niya kaya nagpasya akong ipasok lang muna ito sa bag ko pero agad akong napatigil nang may kumalabit sakin.

Agad akong lumingon at napasinghap sa taong malaki ang ngiti sakin.

"Look who's here." he said with a morning voice.

"Oxford."

Continue Reading

You'll Also Like

74.7K 3.6K 37
Love, and ignorance of loving brought her inside the cold corners surrounded by bars. She was left alone with a growing life inside her womb she thou...
2.1M 41.2K 51
#3 IN ROMANCE [12•12•16] May kasabihan ngang masarap ang bawal. Kahit pilit mong labanan at itago ang nararamdaman mo hindi ka parin makakatakas. Ako...
2.3K 61 2
#DelMarBrides #Adam #Shayna
128K 5.4K 58
On the night of her wedding, Oshema Yzabella woke up next to a man who is not her husband. Gumuho ang mundo niya lalo na nang matuklasan niya kung a...