See You At The Studio

By Jaypee21qt

2.2K 182 6

Shanaiah's life has been fine for many years but she and her ex-boyfriend Genji met again at the photo studio... More

Disclaimer
See You At The Studio
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61

Chapter 50

31 2 0
By Jaypee21qt

#SYATSArtista

"SI ANO, beh! Artista na!"

"Sino?!"

"Si Crystal Anderson!"

Napatigil naman ako sa paglalakad nang marinig ko ang usapan ng mga babae na kapareho namin ng aming course, kasama ko si Genji. Hindi ko inakala ang pangalan na maririnig ko.

Nagkatinginan kami ni Genji roon nang makalayo na ang mga babae.

"Artista na pala sino?" tanong ko. "Si Crystal?"

"Hindi ko rin alam... Bahala siya sa buhay niya. Huwag mo na lang siyang intindihin, baby."

Tumango na lang ako dahil tinawag niya na naman akong 'baby', este dahil sa hindi ko na lang iintindihin 'yung Crystal na 'yon.

Anyway, first day pa lang ng aming face to face at nagsimula lang ang aming klase last week kaso online lang 'yon because that is just adjustment week. Bale ngayon lang ang face to face, and 'yung araw ng face to face naman namin ay tuesday, wednesday and thursday.

Nasa third floor naman kami, hindi katulad nung second year college ay sa second floor. Umaga pa rin ang class namin at kalalabas lang pala ng mga ka-share naming ibang section sa aming classroom.

"May umagang tsismis!" bungad ni Jacques sa amin, katabi niya si Peter.

"Bakit?" tanong ko at parang may idea na 'ko kung ano'ng tsismis 'yan.

"Si Crystal, artista na!" sabi ni Peter sa amin. Umupo na nga kami ni Genji sa aming magiging upuan.

"Artista na?! Weh?!"

Napalingon kami kay Yael na kararating lang at ayan kaagad ang nasabi. Inilapag niya 'yung bag niya sa kanyang magiging upuan.

"Oo! Nagulat nga 'ko eh, nagulat pa ako kasi 'yung Clif na kinekwento ko sa inyo, artista na rin!" sabi pa ni Peter.

"Narinig nga namin 'yung mga babaeng nag-uusap kanina, pinag-uusapan si Crystal," kwento ni Genji.

"Bakit nag-artista? Papansin ba siya? Joke lang!" Natawa naman kami sa sinabi na niyan ni Yael.

"Totoo naman! Kaya nag-artista siguro 'yan para mas makapaghindot siya," sabi naman ni Jacques at umirap pa.

"Sino'ng pinag-uusapan niyo?" sulpot na tanong bigla ni Pres. "Sino'ng artista pinagkukwentuhan niyo?"

Nagkatinginan naman kaming lima roon at sa tinginan naming lima ay sinasabi naming huwag na lang ikwento si Crystal sa iba, kami na lang makakaalam ng tungkol kay Crystal, hindi naman nila kilala 'yon.

Si Yael naman kasi ay naging witnessed siya ng kasalbahehan ni Crystal kaya nakilala niya 'yung babae na 'yon.

"Wala 'yon, beh!" sabi ni Peter. "Wala pa bang prof?" tanong niya na nakapagpaiba ng topic.

Sumagot si Pres, "paakyat na raw siya, sabi niya sa g.c."

Dumating na nga 'yung professor namin sa major subject namin na 'to kaya nakinig na lamang kami sa discussion niya.

1 PM na natapos ang class namin kaya diretso uwi na kaming lahat dahil nakakapagod. Nakaka-drained agad, grabe talaga kasi three hours mahigit ang pagtuturo ni Sir nang dire-diretso tapos masyadong elaborate pa!

"Ingat ka, Genji," paalam ko kay Genji. "See you tom!"

"See you tomorrow, baby," paalam niya rin. "Dito na 'ko, bye."

Umalis na nga ang boyfriend ko kaya pumasok na ako sa loob ng bahay saka dumiretso ako sa kwarto upang magpahinga na.

Sa buong linggo ng klase namin ay medyo adjusting pa rin kasi 'yung ibang professors namin at medyo nagkakaroon pa nga nf problema, pero okay naman. Mga minor subjects ang may ganiyan at ewan lang talaga sa mga minor subjects.

Ngayong lunes, habang nagsi-scroll ako ng mga maishe-shared post ko sa Facebook dahil si Genji ay mamaya pa raw magcha-chat sa akin kasi may trabaho siya nang biglang nag-pop up 'yung announcement message ni Pres sa group chat.

BSBM 2A:

Wattine Austin:
- @everyone May inannounce po sa amin na next week, wednesday kung sino po ang mga face to face ay maging parang banal daw po ang kilos natin, in short maging mabait tayo dahil ang school natin ay pagshoo-shootingan para sa isang movie ng channel 8🥰💖

Then dahil doon ay may pasok tayo ng wednesday kaya makikita natin mga artista

Jeymar:
Halaaa sinong mga artista mhie?? hahahahahaha

Austin:
Makikilala natin mhieee

Bigla namang sumulpot 'yung chat ni Peter sa aming group chat na sese.

Peter:
feeling ko talaga si Crystal yang isa sa mga artista na pupunta rito

Yael:
- hindi yan sus
- dami-daming artista eh

Hindi nga 'ko naniniwala na isa si Crystal sa mga artista... Subalit nung dumating na nga ang araw ng miyerkules kung saan ang araw ng shooting daw nung mga artista sa school namin ay nakilala na nga namin ang mga artista.

"Si Crystal nga!" salita ni Yael habang nakatingin sa lugar kung saan nagsho-shoot ngayon ng movie.

Nandito kaming lahat sa may labas ng building namin, kasama ko sina Yael maging ang mga kaklase ko pati na rin 'yung ibang mga section ay nandito rin. Tinitignan namin ang naglalakad na si Crystal at 'yung lalaki na kasama niyang kapwa artista niya rin. Nanlaki nga ang mata ko nang mapagtanto kong familiar iyong lalaki!

"Putangina! Si Cliford 'yun ah!"

Napatingin nga 'ko sa sigaw ni Peter nang banggitin niya ang 'Cliford'. Napagtanto ko kung sino 'yung tinutukoy niyang 'Cliford'.

"Cliford nga pangalan niya, natandaan ko na," salita naman ni Genji kaya napalingon ako sa kanya.

"Kilala mo pala? 'Di ba, ayan 'yung nag-picture sa atin?" tanong ko kay Genji at tumango-tango lang siya.

Pinanood na nga namin ang shooting scene nila at naglalakad lang naman sila tapos may pinag-uusapan na sa palagay ko'y dialogues nila. Ang mga camera man ay kinukuhanan sila sa iba't ibang pwesto para may mga angle.

Matapos nga nung scene ay umalis si Peter dito sa puwesto namin para lumapit doon sa puwesto sa parang mga production team yata 'yon. Nakita kong papalapit siya roon sa artistang lalaki.

"Gago, ano'ng ginagawa ni Dean doon?" tanong ni Jacques na tinuro si Peter.

"Kilala niya 'yung artista," sagot ni Genji. "Kaibigan niya yata 'yan."

"Kaklase niya nung senior highschool siya, sinabi niya sa akin kanina," sabad naman ni Yael na siyang kapwa ikinagulat namin.

"Weh? Kaklase niya pala 'yung artistang lalaki?!" gulat kong tanong.

Nagkatinginan naman kami ni Genji roon. Kami na lang dalawa nakakaalam nung nangyari sa lumang UST noon kasi ang habang kwento no'n. Grabe, sa nakikita ko sa Cliford na 'yan ay sisikat nang grabe 'yan. Aabangan ko talaga 'yan.

Nagsi-akyatan na nga ang ibang section dahil may mga klase na sila, at mayamaya'y sumunod na rin kami sa pag-akyat dahil oras na ng klase namin. Alas nuwebe na.

"Ang pogi nung artista na 'yon! Nakakamasa ng kiffy, charot!" rinig ko pang sabi ni Jeymar doon.

Pagkapasok namin sa classroom ay pumaroon na nga kami sa aming mga upuan at ang tanging gagawin na lamang namin ay maghintay sa professor namin ngayon.

"Beh! Bakit ka pala lumapit doon?" tanong ni Pres kay Peter. "Kilala mo 'yon?"

"Kaklase ko dati nung senior highschool ako," sabi ni Peter na ikinagulat din nina Pres at Jeymar.

"Ay ganoon?!" gulat na nasabi ni Pres.

"Pakilala mo naman ako! Sabihin mo, ako na ang future niya," natatawang sabi ni Jeymar sa kanya.

Natawa si Peter at sinabing, "may future na 'yon si Cliford!"

"Che..! Pero 'yung girl ah, maganda rin... Parang malayo ang mararating. Tinignan ko 'yung Instagram no'n, ang ganda like me," sabi pa ni Jeymar.

"True! Bagay sila maging loveteam nung Cliford! Crystal pangalan no'n, 'di ba? Balita ko nag-aral dito 'yon kaso nag-transfer and then tumigil na sa pag-aaral kasi nag-artista."

"Update na update ka, Pres, ah!" asar ni Peter kay Pres saka natawa.

"Ang ganda kasi, mhie!" saad pa ni Pres.

Nagkatinginan naman kami nina Jacques, Peter, Yael at Genji... Wala silang kaalam-alam sa tunay na ugali niyang Crystal na 'yan. Kung alam lang talaga nila.

Pagkapasok nga ng Professor namin dito sa classroom ay nakinig na kami. Three hours din siyang nagturo until dismissed na. Mabuti na isang subject lang 'yung class namin ngayon at bukas ay dalawa, pero face to face pa rin.

Dumiretso kaming lahat sa cafeteria dahil kakain kami at lunch ngayon. Pagkalapag ni Genji ng pagkain naming dalawa dito sa lamesa ay umupo na siya sa harapan ko.

Nasa two seater table kami na nasa gilid kaya solo kaming dalawa rito. Saka lang kami nagkakwentuhan ni Genji nang matino tungkol do'n kay Cliford pati na nga rin si Crystal ay nasama pa sa kwentuhan namin.

"Hindi ko lang in-expect ang pangyayari na 'to... Hindi ko inakala na magiging artista 'yon si Crystal, kaya pala nawala," sabi ni Genji.

"Ako nga rin eh, grabe 'yung panggugulat niya! May paganoon pala ang Ate mo!" natatawa kong sambit.

"Panigurado sa wanbee, fiesta na 'yan!"

"Crush ka nga niyan dati eh!" pagsusungit kong sabi sa kanya, yumuko ako at saka kumain.

"Hala, Naiah ko! Bigla ka namang naggagaganyan!" Natawa pa nga siya.

"Totoo naman! Ngayon, gandang-ganda ka na roon... Edi ituloy mo na lang pagmo-model mo, 'di ba bagay sa 'yo ang pagmo-model?"

"Hindi ako gandang-ganda kay Crystal, sa 'yo ako gandang-ganda."

Bigla naman akong napatigil sa pag-kain at saka napangiti. "Gusto mo ng juice, Jiji ko? Bilhan kita."

"Ang sweet naman bigla!" natatawang aniya.

"Joke lang naman 'yon eh, huwag ka sa Crystal na 'yon kahit artista na, Jiji ko."

"Hindi talaga at hinding-hindi."

Napangiti na lang ako. "Nga pala, 'di ba sabi mo sa akin, sabi ng Mama mo na ikaw dapat ang maging model sa mga ide-design ni Edzel? Tapos ganoon din 'yung Lola niyo, gusto ka maging model."

"Hindi ko alam, Naiah ko... Ayaw kong isipin iyan. Hindi bale na lang muna."

"Willing akong maging Photographer mo, Jiji ko."

Napatigil nga siya saglit at ilang segundo pa'y natawa siya. "Sige ba, sabi ko nga pala noon sa 'yo ay papayag akong maging model basta ikaw ang photographer... Tapos palagi ko pa ngang sasabihin sa 'yo 'yung ano... Ah nakalimutan ko! Ikaw, tanda mo ba?"

Inalala ko nga 'yung palagi raw sasabihin sa akin ni Genji, kahit ako'y hindi ko alam kung ano 'yon... Hindi ko na matandaan.

"Hindi rin eh," natatawa kong sagot.

"Okay lang... Basta kapag nangyari 'yon, ikaw ang photographer ko ah!"

"Oo naman!"

Nagpatuloy na lamang kaming kumain ni Genji rito. Nakita ko 'yung mga kasama namin na parang may sari-sariling mundo, nagkakatawanan sina Peter, Pres tapos si Jeymar, habang si Yael naman ay naroon sa mga kaibigan niya kasi nandito rin sila sa cafeteria na 'to at kumakain, tapos si Jacques naman ay may binibili sa tindahan.

"Gusto niyo, lovebirds?" tanong ni Jacques nung lumapit sa amin ni Genji, inaalok niya sa amin 'yung biscuits.

"Thank you!" pagpapasalamat ko.

Napagdesisyunan na nga naming umuwi nang pagkalabas namin ng cafeteria. Nagkaayaan pa nga sina Peter na gumala sa mall kaso sabi ko ay sa susunod na lang ako sasama kaya ito namang si Genji ay hindi na rin sumama kasi hindi raw ako kasama.

"Una na kami! Ingat kayo, text kayo sa g.c kapag nakauwi na kayo," sabi pa ni Yael bago sila naglakad palayo sa amin.

Mabagal ang paglalakad namin ni Genji dahil basta automatic na lang. Nakatingin kami pareho sa bagong puwesto ng production team doon sa shooting pa rin nila, medyo nagitla pa nga 'ko nang bumaling ang tingin ni Crystal mula sa amin.

Hindi na lang namin pinansin 'yon at nagpatuloy na lang kami ni Genji sa paglalakad hanggang sa...

"Hey!"

Napalingon kami ni Genji sa lalaking may edad na lumapit sa amin. "Yes po?" tanong ni Genji.

"Pwede ba kayong um-extra sa amin? Don't worry, may tip naman kaming ibibigay sa inyo... Need lang talaga namin ng isang mag-jowa."

Nagkatinginan kami ni Genji sa tanong ng lalaki na 'to, nung hindi kami nagsalita ay nagsalita muli siya.

"Kailangan lang talaga namin," aniya pa.

Wala akong masagot sa lalaking ito kaya tinignan ko muli si Genji at pinahiwatig ko sa kanyang siya na ang sumagot dito.

"Ah, sige po."

Hindi ko naman inaasahan na papayag si Genji roon kaya napilitan na lang din ako na magpunta roon sa set ng scene na 'yon. Nandito kami ni Genji sa set at may ginawa silang halamanan, tapos ang set up namin ay mag-uusap lang daw kami ni Genji tapos may dialogue si Crystal, ang awkward pa nga kasi nagkakatinginan kami ni Crystal at pansin ko pa nga na napapatingin siya kay Genji.

"Ready na, Ms. Crystal?" tanong nung direktor yata nila rito.

"Ready na po, direk!" mahinahong sabi ni Crystal.

Ang suot ni Crystal ay naka-decent civilian attire lang, plain black t-shirt at blue jeans tapos naka-rubber shoes. Sakto 'yon kasi ang mga estudyante sa school namin na 'to ay hindi uniform na suot.

"One, two, three, action!"

Nagkatinginan na nga kami ni Genji roon nang sabihin na 'yan ng Director. Sa tingin sa akin ni Genji ay kita kong tunay na tunay 'yon kaya napangiti na lang ako. Sabi naman sa amin diro sa set ay kahit wala kaming dialogue ay okay lang.

"Ganda ba rito?" tanong ni Genji sa akin. Ramdam ko ang pagtutok ng camera sa amin with pailaw effects at hangin pa.

Tumango-tango ako. "Ganda nga," natatawa kong sabi.

"Sana all naman may jowa! When kaya ako, Lord?..." Nagsimula na si Crystal sa dialogue niya, malakas iyon. "Pero okay lang, magkaka-jowa pa naman ako. Kaso tingin ko... Inagaw ni ate girl si kuya boy sa nararapat sa kanya, 'no? I think lang? Sana maghiwalay na lang sila, eme lang! Sana all kasi may jowa eh."

"Cut!"

Natigilan naman kami roon sa malakas na sigaw ng Director sa mga dialogue ni Crystal.

"Hindi ganiyang klaseng dialogue ang pinapagawa ko sa 'yo, Crystal! Masyadong pangit 'yan! Mag-sana all ka lang habang nakatingin sa taas tapos kausap ang sarili mo na humihiling sa itaas na sana'y bigyan ka ng jowa, understood?"

"Yes, Direk, sorry po..." sambit ni Crystal sa Direktor at saka siya tumingin sa amin at palihim pang umirap.

Wala na nga kaming naging dialogue ni Genji sa pangalawang take hanggang sa maging okay na 'yung scene kasi okay na raw talaga pato kami at sa next scene na sila.

Nasayangan tuloy ako kasi ang ganda ng tinginan namin ni Genji na makikita rin sa movie na ginagawa nila. Epal kasi masyado ni Crystal, ang bitter!

Aaminin kong gumanda siya lalo kaso ang pangit ng dialogue niya sa set! Halatang-halata!

Lumapit na nga kami ni Genji sa lalaking kumausap sa amin kanina. Inabutan naman niya kami ng puting sobre at saka kami nagpasalamat sa kanilang ibinigay sa amin. Matapos ng sandaling iyan ay umalis na kami sa set dahil tapos naman na kami. Mukhang romcom movie pala ang gagawin nina Crystal.

Sayang lang pala kasi hindi namin naka-eksena si Cliford, si Crystal lang pala ang need kasi scene niya raw 'yon sa movie.

"Easy money! 500 pesos!" malokong sabi ni Genji pagkarating namin dito sa labas ng gate. "Ganito pala kapag artista, 'no? Kahit sa extra lang... May tip na binibigay na ganito kalaki."

"Kaya nga eh, natawa ako," sabi ko naman. "Kaso 'yung sinabi ni Crystal, nakakainis! Sayang tuloy 'yung tinginan natin."

"Hayaan mo na siya," natatawang sabi ni Genji. "Huwag mo na lang pansinin 'yon at intindihin kasi artista na 'yon. Nasa ibang level na siya."

"Nakakainis naman kasi 'yung sinabi niya," sabi ko pa at saka umirap.

"Huwag ka nang mainis! Artista na nga rin tayo eh, kaso extra!" natatawang aniya.

"Oo, hindi na nga at saka abangan na lang natin 'yung movie kapag na-release na."

Matapos kong sabihin 'yan ay sumakay na kami ni Genji sa kanyang motor. Kahit na nakakainis 'yung babae na 'yon ay natutuwa pa rin ako kasi naging extra pa kami ni Genji roon.

Download-in ko na lang 'yung clip namin na 'yon kapag naipalabas na ang movie. Katuwa lang!

Continue Reading

You'll Also Like

2.7M 169K 57
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
133K 4.1K 33
They break all the rules and let's discover what they don't. "Maniego"
1.3K 60 10
Collection of my Feature (News or Science) stories since my high school years and my one shot stories. May purong Tagalog at pure English. Meron ding...