The Forgotten Heiress

By Chumalan_Bch

247 104 0

I have no desire to be an heiress, living a life of extravagance and possessing things that most people canno... More

chapter 1
chapter 3
chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13

chapter 2

17 9 0
By Chumalan_Bch

"there's a time when you have to stop crossing oceans for people who wouldn't jump a puddle for you."

.
.
.
.
.
.
.

Nang aalis na ako para maghanap ng bagong libro babasahin ay muli siyang nagsalita.

“panyo mo.” Saad niya.

Nilingon ko ang inupuan ko kanina at nandon nga ang panyo ko.

“babalik pa naman ako.”

Hindi na siya nagsalita pa pero alam kong narinig niya ang sinabi ko. Sineryoso na yata niya ang pagbabasa don. Siyempre interesting naman talaga basahin ang librong iyon. Hindi pa ako nakakalayo sa pwesto ko nang makita ko si Mark doon sa malaking table, marami siyang kasama. Lumipat sila doon para mas malaki ang space kasi marami sila. Yun ilan don ay mga kakilala ko, mukhang mga kasama niya sa research group mga yan. Nagdidiscuss sila tas ilan ay busy sa laptop. Mga apat na table lang pagitan namin dito sa table namin ni Hanimark. At madadaanan ko ang table nila para pumunta sa book section. Matapang lang akong landiin si Mark pag mag-isa siya. Pero pag ganyan na may kasama siya ay natatanggalan ako ng buntot.

Tatalikod na sana ako nang tinawag ako ni Melody. Yung isang kasama nila. Kaklase ko rin siya noon last year at medyo naging kaibigan ko rin. Mukhang masungit pero sadyang prangka lang talaga at mabait naman.

“Amara! Amara Magastino!” medyo sigaw pero pabulong. Basta ganon hahaha. At dahil tahimik sa library talagang maririnig ko yun. Wala rin naman sumita sa kanya kasi lumabas yung librarian. Napilitan akong lumingon sa kanila at hinanda ang pilit na ngiti para magmukhang masaya ako na nakita ko sila, kunwari pang wala lang na wala akong ginagawang kalandian dito sa isang kasama nila na ramdam kong nakatingin sa akin. Pangiti-ngiti lang din at minsan ay nagtatanong sa mga kasama niya about sa diko alam na bagay. Nang makalapit ako sa kanila ay ako na agad ang nagsalita. Mukang cool lang pero deep inside hiyang-hiya na. Hindi kasi alam ng mga ito ang kagagahang ginagawa ko, pangungulit ko kay Mark. Nasa iisang circle lang kami kasi dati. Pero dahil irreg ako at minsan pa silang makasalubong man lang sa school ay kinalimutan na ako sa circle nila.

“kamusta third year?” tanong ko sa kanila. Pangit-ngiti lang naman sakin ang isang lalaki at dalawa pang babae na kasama nila na hindi ko kilala.

“Eto hirap nga sa research eh. May isa pa na case study.” At doon nagstart ang kamustahan when in fact gustong-gusto ko ng umallis dito. Pero mukang nagbago yata ang mood ko nang tinabihan ako ni Mark at casual na nakipag-usap. Na parang hindi ko siya kinukulit sa messenger, nagsesend ng mga lyrics video about love, eww. Corny ko talaga pag iniisip ko yun pero natatawa na lang ako habang sinesend sa kanya. Sineseen niya lang yun at wala siyang respponse kahit emoji man lang.

“second year ka ngayon diba?” tanong niya sakin.

“oo, second year regular. Tas next sem magiging irreg third year na naman.” Sagot ko.

Kating-kati akong tanungin sa kanya ng personal kung totoo bang may girlfriend na siya. Kasi nasabi niya sakin yun dati eh nung umamin ako sa kanya eh.

Flasback

Bakasyon ng time  na yun nang may nakita akong video sa tiktok. Edit siya kung saan may nakasulat na “kunwari hindi kita pinapansin sa school pero deep inside pinagmamasadan talaga kita” with music. Sinend ko sa kanya yan sa messenger. Natatawa pa nga ako eh at wala lang sakin yan, trip trip lang sana dapat yan kaso totoo naman na crush ko siya non pero medyo mababaw lang. Nung dipa siya nag seseen ay inisip kong pahabulan yun ng jokes like nang-aasar lang pero ewan ko ba ano inisip ko nung time na yun at medyo sineryoso ko. Like, nandito na bat diko na lang totohanin ang pag-amin ko sakanya.

Reply niya: bakit naman

      May crush ka sakin? With emoji laughing emoji.

Me: meron hahaha

Him: why naman

Me: basta first day of school hahaha

Kaming dalawa ay natatawa na lang pero seryoso ako sa pag-amin kong yun. Pero ayos nga yun para di masyadong seryoso. Ayos lang din naman sakin na hindi niya ako tanggapin or icrushback, ang importante ay nasabi ko sa kanya ang nararamdaman ko. Tsaka wala rin ako paki if ic-crushback ba niya ako o hindi.

Him: seryoso[insert laughing emoji] diko maalala HAHAHA

Me: nung ano…pre-test sa arts hahaha

Him: HAHAHA sus.

That ends the conversation. Ayoko nang patagalin kasi sobrang kilig ko nang time na yun. Ayokong mag start ng convo kaya send ako ng send ng mga videos galing tikotk na quotes about love. Umabot yun ng ilang araw. Nagseen lang siya hanggang sa nainis na yata siya at nag reply ng “lakas ng tama mo ah with laughing emoji” minsan napapaisip pa nga ako na baka pinapabasa niya pala yung convo namin sa mga kaibigan niya. Pero hindi ko na yun pinagtuunan ng pansin at nagpatuloy sa pagsesend ng video.

Until one day na hindi na yata niya natiis yung kakulitan ko. Nag chat siya.

Him: may gf na ako. Malapit lang. you’re too late hahaha. Malay ko ba na may something ka sakin.”

Me: ang tanga ko talaga.

Him: hindi ka naman tanga. Instead, you’re brave.

Brave? Me? Wtf? So he means I’m brave kasi nagawa kong umamin sa crush ko?

Hindi ako tumigil sa pagsesend sa kanya ng mga videos kasi hindi ako naniniwala na may gf na siya.

Nagchat ulit siya.

Him: I really appreciate your feelings towards me, I apologize kasi diko maibabalik yan.

That’s the reason why I even like him more. He’s too kind. Kung ibang lalaki lang siguro baka they grab this opportunity na gusto ko siya kahit hindi niya ako gusto para lang may paglibangan ng oras. At yun nga, kahit anong sinabi niya ay kinukulit ko parin siya, mas lumalim lang lalo ang pagkagusto ko sa kanya dahil dito, when in the first place is dapat trip trip lang.

Me: i am not expecting anything in return. Just let me…..

Him: let you what?

Me: let me pester you hahaha

Him: hahaha No. wala akong space para diyan. [with laughing emoji]

And that ends everything. Actually pinagpatuloy ko parin na kulitin siya. Ayoko ko lang alalahanin muli ang mga napag-usapan namin pagkatapos nito. Masakit na matatawa na lang ako.

End of flashback

[back to reality]

Dahil magkatabi kami ay nakakaramdam ako ng awkwaradness. At para patayin ang awkwarness na yun ay sinusuukan kong mag-isip ng topic namin kasi busy na ang ibang kasama namin sa ginagawa nila.

“ilan pala subject mo ngayon.”tanong ko.

“apat. Irreg parin pero halos mga major na subject ko ngayon.”

“ahh, kaya pala bihira na lang kita makita dito sa campus kasi busy ka lagi sa mga subject mo.” Obvious na sagot ko.

Napangiti na lang siya kasi alam niya ang ibig kong sabihin.

“ang hirap nga eh, yung gusto mong magpabigat lang sana dapat sa grupo pero hindi pwede” said and laugh.

“nahihirapan ka ba? Pwede naman akong tumulong.” Nasabi ko ng diretso at seryoso na imbes gawin kong jokes lang. Natigilan siya at alam kong may naala siya. Minsan ko rin kasi nasabi sa kanya na kung nahihirapan siya ay imessage lang ako, I can help if alam ko. Yun yung time na umaasa ako na kahit gamitin pa niya ako or magpagawa or magpatulong sa akin sa mga acads niya ay ayos lang kasi gusto kong kinakausap niya ako palagi at iba yung feeling na kailangan ka niya. Pero gaya ng inaasahan ko, he’s such a kind man. He won’t take advantage of me kahit gusto ko, kahit ako na ang lumalapit.

Ilang saglit pa ay ngumiti siya. “kaya ko pa naman. Tsaka may internet naman eh.” He laughed.

Medyo kinakausap din ako ni Melody at lagi niyang pinapagalitan si Mark kasi wala na siyang na ambag sa discussion nila. Minsan nagtatanong din si Melody ng opinion sakin. Nag-uusap sila nang magvibrate ang phone ko dahil sa messenger. Nang icheck ko ay saka ko lang naalala na may iniwan pala akong kasama sa table ko.

HaniMark: how long have you been looking for a book there?

First chat niya sa messenger.

Nag chat ulit.

HaniMark: kinain ka na ba ng libro diyan kaya dika na nakabalik.

Natawa ako sa chat niyang yun. Ayos ah. May humor din pala ang lolo niyo. Kala ko puro na lang siya seryoso sa buhay. Close kami? close? Kakikilala pa lang namin eh kung makapagsalita parang boyfriend na pinaghihintay.

Sumilip-silip pa si Melody sa phone ko, curious kung ano yung tinatawanan ko.

“Hani…?” hindi niya nabasa ng buo ang pangalan ni HaniMark kaya nagconclude agad siya.

“sana all may honey!” pang aasar niya sakin. Sinenyasan ko siya na tumahimik kasi nasa library kami. Tumayo na ako para puntahan yung taeng naiwan ko don. Napalingon pa ako kay Mark bago umalis, nag ka eye to eye kami. May emosyon sa mga mata niya na hindi ko mabasa. Nakaakbay siya sa don sa isang lalaki na nakatingin rin sa akin. Nang magkatinginan kami ay nginitian ko siya. Pagkatapos ay muli akong tuminigin kay Mark para bigyan siya ng tango bilang paalam na aalis na.

“sige, may pupuntahan pa ako,” paalam ko.

Tumugon naman si Melody at muling nang-asar pa.

“hinihintay yan ng honey niya. Sama kami. Saan siya?”

Pero nagsalita ang isang babae na kasama nila.

“Tama na yan. Hindi pa natin to nakakahalatian oh.” Saad niya.

Napasimangot si Melody at muling pinagpatuloy ginagawa nila.

Tumawa ako. “doon lang ako sa pinakadulo,” sabi ko.

Naglakad na ako para bumalik sa pwesto ko kanina. Medyo nakahinga hinga narin ng maluwang. Nang makarating sa table ay taas kilay na nakatingin sa akin si Hani. Bumaba ang tingin niya sa kamay ko at muling tumingin sa akin na medyo lukot ang mukha. Inayos niya ang kanyang salamin gamit ang kanyang gitnang daliri. At doon na naman nabaling ang tingin ko. Naupo ako sa upuan ko habang siya ay humugot ng hininga. Pansin ko yun kaya tinanong ko siya.

“problema mo?” tanong ko at binigyan siya ng taas kilay pero yung nagtatakang expression.

“namili ka ng libro?” tanong niya sa tanong ko.

“huh?”

“slow naman neto.” Bulong niya pero rinig ko.

Nainis ako kay tinapon ko sa kanya ang panyo sa kakapulot ko lang sa upuan ko. Sinalo lang niya.

“sinong slow ha? Grabe naman neto. Ikaw nga itong tinanong ng tanong tapos sasagot ng tanong? Matalino ka ba talaga?”

“hindi ako matalino….magaling lang.”

“ang hangin. Taga Siargao ka diba? Nakita ko sa facebook mo. Ba’t pala dito ka nag-aral sa IFSU?” direstong tanong ko.

“saan muna yung librong pinili mo?”

“huh? Anong libro?”

Napapikit siya at napahilot pa sa noo. Napangiwi na lang ako kasi para siyang ama ko na konti na lang ay sasabog na sa galit dahil may mali akong nagawa na hindi ko alam.

“you said you’ll find a book to read so you left. You left your handkerchief beacause you said you’ll comeback.” Sabi niya sa malalim at mukang naghihingalong tono at dahan dahan pa habang hawak-hawak ang panyo ko.

“that’s why I didn’t let those girls who wanted to sit there earlier.” Pagpapatuloy niya.

I was like, starstruck. So galit siya dahil lang don? At galit nga talaga siya. At oo nga noh? Bakit nga ba nakalimutan ko yung purpose kong hahanap ng libro, at bumalik ng walang dala.

I pouted.

“okay fine sorry na. Ako na ang lutang, slow na ako. So about sa girls na gustong umupo kanina, baka may gusto sayo kaya gusto ka nilang tabihan. Ang gwapo mo ba naman kasi at ang hot bagay sayo yung salamin, sinong hindi ka gustong tabihan?” pang aamo ko sa kanya. Pero totoo naman lahat ng sinabi ko.

He just ‘tsked’ at tinignan ako ng masamang tingin like, isa pang pangloloko mo sakin sakalin na kita. Hahaha…

“so what did you really do nung umalis ka?” normal na tanong niya. Mukang nahimasmasan na. wow close na kami neto ah.

“I just met some old acquaitances. Imbes na pupunta sa book section, nasabit ako sa table nila tuloy nakipagchismisan na.” hindi kita rito yung sa table nila Mark kasi medyo maze ang style ng library.

“ahh” tanging sagot niya at tumango-tango.

“wala kang susunod na klase?” tanong ko. Tinignan ko ang oras at nakitang 2:45 na. Pumasok lang naman ako dito sa school kasi gusto kong makita kanina si Mark, pero itong lalaking ‘to, wala ba ‘tong klase?

Binaba niya ang binabasa niyang libro at tinignan ang relo niya. Nang makita kung anong oras na ay inayos niya ang mga gamit niya. Mukang may klase siya ng alas tres.

“ikaw, don’t you have class?” tanong niya sakin habang nag-aayos at naglalagay ng bookmark sa huling part na binabasa niya. While me ay aliw na pinapanood siya. Ang seryoso ng mukha niya talaga at sinong hindi mag kaka crush sa lalaking ‘to. Papasa na siyang model. Halatang laking mayaman ngunit nag-aaral sa isang mountainous part ng luzon. Naguwaguwapuhan lang ako pero hindi naman yung tipong gusto ko na agad siya. Kakikilala pa nga lang namin eh. Tsaka I don’t know pero ang gaan ng loob ko sa kanya. Diba we have this feelings or ugali na hindi natin maipakita sa ibang tao kahit pa sabihin nating close or kaibigan natin sila. Medyo stiff pa ako sa ibang tao or sa mga kakilala ko. Pero with him, this guy, I can show the things I can’t open to others.

I was snap back to reality nang may pumitik sa noo ko. Natulala na yata ako sa kanya, tanginess.

Nakangiwing hinawakan ko ang noo kong pinitik niya. Hindi naman malakas pagkakapitik niya pero umarte akong parang nasaktan.

I pouted sabay ngiwi.

“masakit. Close ba tayo?” pang-aasar ko.

“hindi.” Seryosong sagot niya.

Inirapan ko siya at sumunod nang tumayo para sundan siya.  “tsk. Boring” I mumbled.

Nakabuntot lang ako sa sa likod niya.  Nakita ko pa yung panyo ko sa bulsa niya na hindi na niya binalik sakin. I was about to get it habang magkasunod kaming naglalakad nang nadaanan namin ang table nila Mark. Napansin kong dadalawa na lang silang naiwan. Yung babaeng diko kilala, nagdidiscuss sila at medyo magkadikit kasi nakatingin sila sa iisang phone. Napalingon sa amin si Mark kaya imbes na kunin ko yung panyo sa ko sa bulsa ni Hanimark ay binilisan ko na lang ang paglakad ko para sumabay sa kanya. lumingon lang sakin si Hanimark with matching ayos ng kanyang eyeglass at inayos na hawakan yung librong bitbit niya. Grabe ang tangkad pala, gang balikat niya lang ako. Isang mapang inis na ngiti ang binigay ko sa kanya bago muling binalingan ng tingin sina Mark. Kay Hanimark na siya nakatingin at mukang hindi na nakikinig sa sinasabi ng kasama niya.

Sinundan ko lang si Hanimark hanggang sa tumapat kami sa registration area.

“can I borrow this book, ma’am?” tanong niya gamit ang malalim na boses pero may paggalang parin.

Napataas ako ng kilay. Diba IT siya? Bat yan babasahin niya, anong connect yan sa course niya. Theories of personality?

“diba IT ka? Anong kinalaman ng book na yan sa course mo?” tanong ko sa kanya pero hindi niya ako pinansin kasi kausap niya yung librarian.

“may library ID ka ba?” tanong ng librarian.

Natigilan pa saglit si Hanimark and suddenly he snap out na parang may narealize siya.

“saan ba mag papa-ID?” tanong niya sa librarian.

“may 1x1 picture ka ba diyan? Para yung card na lang gagawin.” Sagot nang librarian.

Napailing si Hanimark. Hinila ko konti yung laylayan ng shirt niya para ako na ang kumausap sa librarian. Alam kong malalate na ang lalaking ‘to kung mag papa-ID pa siya.

“pwede na lang kaya ma’am na itong sakin na lang muna gagamitin?” may library ID na ako kasi siyempre laman ako ng library at dati na akong studyante rito. Samantalang siya ay mukang transferee. Tsaka kilala na ko ni ma’am kaya hindi na mahirap pakiusapan.

“sige, pero sayo ipapangalan ang borrower, akin na. tas ikaw rin pipirma dito.” Binigay ko yung lib. ID tsaka pumirma na.

Pagkatapos ay hinila na siya palabas. Nang makalabas kami ay sumabog na naman sa mukha ko ang init. May aircon kasi sa loob ng lib. Malamang.

“thank you.” Maikling saad niya habang inaayos ang kanyang bag.

“no worries. Pero interesting yang libro na yan diba? Hahaha.”

“hm. Interesting nga. Pero hindi ako IT.” Maikling sagot niya at magaan na tinuktok sa ulo ko yung libro na hawak  niya tsaka naglakad at iniwan ulit ako sa kinatatauyan namin.

I was left dumbfounded. Huh? Hindi siya IT pero nakauniform siya pang IT? Ako ba’y ginagago niya?

Hinabol ko siya.

“kung hind ka IT eh ano? Tsaka bat ka naka IT uniform t-shirt ng mga IT?”

Ambilis niya maglakad. Halos tatlong hakbang na yata sakin yung isang hakbang niya lang. tsk, perks of being tall. Sinundan ko siya ng sinundan hanggang sa nainip na ako kasi di niya ako sinasagot. Tumaas yung sulok ng labi niya na parang nangingiti na ewan habang ako eh hirap na hirap sumabay sa lakad niya. Hinablot ko ang school ID niya at binasa ang nakagalay don.

“bachelor of Science in Biology major in Botany. “ pagbabasa ko ng malakas.

“botany? Diba study of plants yan? Parang Agri lang din?” tanong ko.

“They are closely related pero magkaiba.”

May offer palang course na Botany ang school namin? Maliit lang ang university kaya konti lang ang offer courses pero ngayon ko lang nalaman na may ganito pala.

Napansin niya yata na natahimik ako kaya nagsalita siya.

“I am one of the 20 student na pindala ng Dasma dito to study plants. Your school is planing to offer a Botany course, so they appraoch our school for collaboration. We are volunteers na gustong maipatapon dito. Of course I researched about your place and found out that there’s so much interesting plants that makes us dig more deeper about it.” Mahabang explanation niya.

Tumango-tango na lang ako kahit lutang ang utak. Namalayan ko na lang na nasa harap na kami ng classroom ng mga IT. Nasa computing science building na pala kami.

Iniwan niya ako dito sa labas at pumasok siya sa loob. May tinawag siyang kakilala niya at doon ay natatawang lumapit sa kanya ang isang naka IT uniform din. Nilabas niya sa kanyang bag ang isang white uniform at binigay iyon kay Hanimark. Pagalit na binatukan ni Hanimark ang lalaking yun at hinablot yung white unifrom. So pinagtripan siguro siya kaya IT uniform ang suot niya kasi yun na lang ang meron.

Continue Reading

You'll Also Like

10.7M 182K 92
[COMPLETED] Naging MAGULO ang BUHAY ko ng makilala ko ang mga MAAANGAS na to pero aaminin ko naging MASAYA ko ..may POSSIBILITY kaya na MAGUSTUHAN ko...
5.9M 182K 38
Completed [Book 2 of HGP] || Tyler was not Adrienne's star but her whole sky. Everything was flawless for the both of them but what if "Tragedy" will...
6.8M 214K 93
Book 1 of Second Generation. Highest Rank Achieved: #2 in Teen Fiction as of 2019. #4 in Teen Fiction as of 2016 by MsjovjovdPanda. These seven guys...
86.8K 138 45
I don't own this story Credits to the rightful owner 🔞