Hidden Haven

By xynvri

1.1K 36 4

A Sequel of Agent Raven Six years later, after resigning as an agent and able to found the peace that she rea... More

Hidden Haven
Prologue
xynvri
01
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12

02

90 2 0
By xynvri

Chapter 2


"Pero next time, don't do that again. Delikado 'yang ginawa mo, hindi ka si superman. Baka masaktan ka next time," payo nito sa kanya.



At napatahimik naman siya.



Naku 'tong batang 'to! Naging police lang, gumaganyan na. Parang bulinggit lang to eh. Nakulong pa nga ito sa kalokohan niya eh. Tas ngayon, parang ang matured ng magisip.




Pagkatalikod sa kanya ng binata ay agarang umiling si Raven sa kanyang naiisip. Mas mabuti pang umalis na lamang siya sa doon. Mukhang 'di naman siya nakikilala eh.





Bumalik siya sa posisyon niya kanina at kinuha ang maleta. Habang busy ang lahat sa pag accompany sa foreigner at girlfriend nito ay tahimik na naglakad si Raven palabas ng airport na animo'y parang multong biglang nawala.



Ano na kaya ang gagawin niya ngayon na nandito na siya ulit sa Manila?



Iprank call niya kaya 'yong mga kilala niya? Hays. Masyadong matagal 'yong pahinga niya ah. Six years.



Pero sa six years na iyon ay marami naman siya ulit nakilalang tao at nagawa.










"Sino hinahanap mo?" natanong ni Bryan kay Vincent. Kanina pa kasi ito palingalinga sa loob ng airport, eh halos lahat ng tao ay nasa labas.



"'Yong babae kanina na tumulong sa atin," sagot ni Vincent.



"Bakit? Kilala mo?" Biglang tanong naman ni Dominic, hawak-hawak sa kanyang baril sa kanyang bewang.



"Hindi ba siya pamilyar sa inyo?"



Lahat sila ay napakunot ang noo. Sino ba ang babaeng 'yon?



"Well, pamilyar siya. Parang nakita ko na siya dati. Pero hindi ko na talaga maalala eh," saad ni Bryan.



"Pamilyar din 'yong mga galaw niya, nakita ko na 'yon kung saan eh. 'Yong pagkaangas gano'n," dagdag naman ni Dominic. "Baka isa sa kaklase natin noon no'ng highschool-" napatigil siya sa kanyang sinabi.




"Hindi, puro mahinhin do'n eh- teka," napatigil din si Bryan sa sasabihin no'ng may naalala.



"Si Raven!" - Vincent, and Dominic.

"Karen!" - Bryan.



"Tanga! Raven ang pangalan no'n!" sabat ni Dominic dito.



"Eh mas sanay ako sa Karen eh," saad naman ni Bryan. "Pero teka! Teka! So kung ganoon, n-nandito na siya?! Nagpakita siya ulit!" Lumaki ang kanyang mga mata. "Guys! Nagpakita ulit si Raven! Nahanap natin siya!" Tumalon talon ito sa tuwa.



"Oo nga, nahanap natin siya pero pinakawalan mo naman agad." saad naman ni Vincent.



"Eh ginawa ko lang naman 'yong trabaho ko eh! Dapat maging professional ako at istep aside ang mga personal factors!"



"Wala na tayong magagawa, guys. Mukhang hindi natin siya nakilala kasi maikli na 'yong buhok niya. Pero teka, kailan ba 'tong malaman ni Haru?" tanong ni Dominic.




"Hindi, hindi natin dapat sabihin sa kaniya. Ok pala 'yon na hindi natin siya nakilala kanina." saad ni Vincent.





"H-Ha? Pero bakit? Nakakalungkot naman..." napakagat labi si Bryan.




"Hindi sila dapat magkita, baka kung anong magawa ni Haru sa kaniya.










Sa kabilang banda naman ay sumakay si Raven sa isang taxi. Pupunta siya ngayon sa chineck-in niyang hotel. Doon muna siya lilipas ng oras.


Huminga siya ng malalim.



Wala na siyang alam sa kung ano ba talaga ang ganap ngayon. Ngunit isa lang talaga ang alam niya.



Nagbayad na talaga ang may sala at nalaman na ng lahat ng tao ang totoo.



Nahuli ng mga police ang master mind sa nagpabomba ng Manaturi Mall, it was a drug lord. At bakit niya binomba ang Manaturi Mall? May utang ang Manaturi sa kaniya at hindi ito nabayaran ng Chairman Manaturi.



And what happened to Manaturi group? A sudden bankruptcy. Nawala ang lahat sa kanila. Maliban na lamang sa school. 'Yan na lamang ang lugar na tanging pinanghahawakan nila.




Tinitignan lamang ni Raven ang tanawin sa labas ng bintana. Maraming mga nagsi-tayuang building, at hindi na halos makita ang langit.




Maya-maya lamang ay naumay siya sa pagtitingin dahil hindi umuusad ang kotse. Mukhang traffic.




"Ano ba 'yan! Traffic!" biglang saad no'ng driver.



Sinulyap lamang ni Raven ang driver, at muling tumingin sa bintana. Aakmang kukunin niya ang phone niya para maglibang ngunit napatigil siya noong makitang may itim na kuting pala na palaboy laboy sa daan.




"Ang cute," Bulalas ni Raven.



"Ma'am?" takang tanong no'ng driver.



"Manong, wait lang po. May kukunin lang po ako," saad nito sa driver. Mukhang traffic naman eh, at mabilis niya namang makukuha ang kuting na iyon.



Bumaba siya sa sasakyan at maingat na pumunta sa kuting. Kumuha siya ng 'di niya maubos na biscuit sa bulsa at ibinigay niya ito sa kuting.




"Mingmingming," tawag nito sa pusa, at inilapag ang biscuit.



'Di nagtagal lumapit ang pusa sa kanya at unti unting kinain ang biscuit.




"Wow, blue pala 'yong mga mata mo." manghang saad nito. "Sumama ka sa akin, mas marami pa akong biscuit do'n sa pupuntahan natin."




"Meow~"




Parang kinikidnap niya na 'yong pusa at 'yong bait niya ay biscuit.




Dahan dahan niyang hinimas ang pusa.




"Miss! Gumagalaw na! Bumalik ka na sa loob!" sigaw no'ng driver.



"Mingming, sumama ka sa akin, please. Para may kasama ako,"



"Meow~"



"Bubuhatin kita ah, 'wag mo 'kong sugatan." babala niya dito.



At sa isang iglap lang ay madali niyang binuhat ang kuting at dali dali siyang tumakbo pasakay ng taxi muli.













Nagising si Haru dahil sa tunog ng cellphone niya. Naku naman, nakatulog pala siya sa couch. Pero teka, baka 'yong magiinterview ang tumatawag sa kaniya!



Mula sa kanyang pagkakahiga ay bumangon siya at inabot ang cellphone na nasa tabing mesa. Tinignan niya ang caller ngunit walang pangalang nakaregister doon.
Sana ay ang Wei Hotel ito.




"Hello?" Paunang bati niya dito.




"[Hello? Is this Mr. Zamora?]"



"Yes, yes po." sagot nito sa caller.





"[Ah hello, Mr. Zamora. I'm Derek, from Wei Hotel. Do you have some spare time for an interview?]"



"Ah yes, yes sir. When is it, sir?"



"[Can you come over later? 1 pm?]"




"Sure! Sure, sir! Highly appreciated, thank you," pasasalamat nito sa caller, at tuluyan ng natapos ang call.



Ibinaba ni Haru ang kanyang cellphone, kasabay nito ang paghinga niya ng malalim. Muli siyang humiga sa couch at pumikit.



Sana ay makapasok siya dito.




Ayaw niya naman gamitin si Shian, para lang makapasok sa hotel nila. Kailangan niyang masikap. Mas nakakasatisfy ang isang bagay kapag pinagsisikapan mo ito.



Pero sa totoo lang, hindi lang dapat sapat na pagsisikap ang bubuuin ni Haru. Kailangan niya talagang magsikap ng magsikap. Ito ay dahil hindi siya agad agad natatanggap sa mga trabaho. Hindi dahil hindi siya magaling. Ang totoo ay alam ng iilan na anak siya ng mga Manaturi. Lalong lalo na ang mga business owners. At sa panahong ito, basura na ang tingin ng mga tao sa pamilya nila.




Muli siyang dumilat noong matandaang kailangan niya nang kumilos.



Naligo na siya at nabihis, dala dala ang requirements niya. Nakasuot siya ng long sleeve shirt at trousers. Sumakay siya ng jeep papunta sa hotel na iyon. Buti na lamang ay sinanay niya ang sarili niyang magpakumbaba.




"Ano ba 'yan, ba't ang traffic ngayon?" reklamo ng isang pasaherong nasa harap niya.




Buti na lamang ay hindi siya malalate dahil alas onse pa lamang ay umalis na siya sa condo niyang iyon.




Hindi bahala kay Haru ang traffic at tinignan na lamang ang tanawin sa paligid.



Ngunit napatigil ang pagiging malikot ng mga mata niya noong makitang may isang babaeng maikli ang buhok na nakaupo sa gilid ng daan.




Hindi niya alam kung anong ginagawa niya room pero mukhang may kausap ito. Baliw ba ito?


Maya-maya lamang ay kumilos na ang mga sasakyan, at sinigawan siya noong driver sa taxi. Ngunit 'di niya maintindihan kung ano ba sinisigaw no'ng driver. Magulo kasi.



Hindi nagtagal ay tumayo na 'yong babae, at may hawak hawak itong itim na pusa. Ngunit mas nabigla si Haru noong makita ang mukha no'ng babae.





"R-Raven?"









































Continue Reading

You'll Also Like

20.4M 704K 28
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as self-harm, physical violence, emotiona...
17K 851 53
"It's not just you.. humans, this world has other creatures who live for hundred of years" It's summer vacation, Elizabeth with her mother decided to...
15.7K 729 40
First Elementa Series A coincidence, or not. Alexis Donn was very happy after receiving a letter of admission from FEUTERACRIA during her 18'th birth...
15.6K 262 183
Bible Verse that gives us motivation. 😇❤ Our day by day bible verses ❤ It also indicates my personal thoughts and opinion about what the bible verse...