Endless Harmony (The Runaway...

By kemekemelee

139K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... More

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 23

2.3K 61 42
By kemekemelee

Sa laban ng mga tsuper, kasama rin tayong mga komyuter! Patuloy nating ilaban ito! #NoToJeepneyPhaseout

-

Deal

I want to take down my story.

Hindi naman ako guilty pero parang hindi na ako mapakali lalo na ngayong isa si Simon sa mga unang viewer ng story ko. Sa totoo lang, wala namang masama sa picture. Kami lang naman ni Enoch iyon at wala rin namang malisya.

I remember that he mentioned it to me before na nainis daw siya dahil may lalaki raw ako. Is he pertaining to Enoch? Siya lang naman ang naging lalaki ko bukod sa kaniya. Hindi ko naman siya naging boyfriend pero at some point ay naglandian kami ni Enoch. Dinala ko pa nga sa birthday party ni Nathan.

Kapag binura ko naman ang story ko ay baka mas lalo akong magmukhang guilty dahil na-view na ni Simon iyon. Bahala na nga! Ano naman kung nasa story ko si Enoch? Kasama niya nga yung Ariel sa dinner na iyon!

Nakauwi na ako sa condo pero hindi pa rin nag-iwan ng mensahe sa akin si Simon. Paano niya nagawang mag-view sa story ko pero ni hindi man lang makapag-reply sa akin?!

Simon Griffin Benitez

hi
jgh
tulog ka pa ba

Sumimangot ako nang wala akong matanggap na message sa kaniya. Dumaan pa ang ilang mga oras pero hindi man lang siya nag-reply sa akin! Gabi na dito kaya siguradong umaga na rin doon. Masyado ba siyang nag-enjoy kasama yung Ariel kaya late na siyang nakatulog?

I sighed deeply. Katatapos ko lang sa skin care routine ko pero hindi pa rin siya nag-reply sa akin. Napasarap ba siya ng tulog o ano? Nagawa niya ngang i-view ang story ko kaya imposibleng tulog siya!

Simon Griffin Benitez

Sorry for the late response.
I am packing my things.

huh bakit
may outing kayo?

Nope

eh bakit

Uuwi na ako. Ngayon na.

huh akala ko sa next day pa
bakit biglaan anong meron

May pasaway habang wala ako.

oh sino

Uuwi na ako, Darlene.

bakit nga

Matulog ka na d'yan.

luh siya
bakit ka nga uuwi

Ayaw mo?

of course gusto ko!

Good.

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa nabasa ko. Anong ibig sabihin niya sa pasaway? Dapat nagpapahinga siya ngayon! Pero bakit biglaan naman siyang uuwi? Ang isang iyon! Imbes na magpahinga ay talagang pinagod pa ang sarili para lang makauwi dito.

Hindi ako mapakali hanggang sa sumunod na araw. Ang huling message niya lang sa akin ay nasa airport na raw siya. Almost 20 hours daw ang flight dahil may mga layover pa raw. Kagabi siya umalis kaya baka mamayang gabi rin ang lapag niya dito.

"Darlene, natatae ka ba?!" tanong sa akin ng ka-grupo ko. "Kanina ka pa palakad-lakad. Nahihilo na kami tumingin sa'yo!"

I shook my head. "Hindi ah. Sa kape lang yata ito. Nasobrahan ako kanina."

"By the way, need nating bisitahin ito sa Los Baños. Kasama siya dito sa objectives oh," turo ng kasamahan ko sa papel na binigay ng professor namin.

"Set lang kayo. Kahit ako na magmaneho," presinta ko. Hindi na rin naman bago sa akin na pumunta sa Laguna kaya mapapadali pa kami kung ako na ang magda-drive.

"Thank you, Darlene! Kami nang bahala sa sasakyan. Basta ayaw pa namin ma-meet si St. Ignatius ah!"

"Sure ba kayo na siya talaga ang mami-meet niyo?" humagalpak naman ako ng tawa.

Almost 17 hours na ang nakalipas. May meeting pa kami sa org pero parang gusto ko na lang iyon takasan. Hindi pa naman ako pwedeng sumayaw dahil first year pa lang ako. Priority pa naman nila yung mga higher year.

Wala namang kaso sa akin. Give way na lang muna dahil marami pa naman akong oras dito sa university. Sa ngayon ay kailangan ko na munang umuwi dahil kinakabahan ako para kay Simon!

"Hi, Darlene!"

A group of students suddenly approached me. Nakasabit sa leeg nila ang malalaki nilang ID. Sa unang tingin pa lang ay alam ko nang parte sila ng school paper.

Paano naman nila ako nakilala? Sobrang lawak ng school pero ang mga kakilala ko ay puro mga Biology student lang kasama na rin ang iilan kong kakilala sa org na sinalihan ko.

I smiled shyly. "Hello po?"

"Hello, we're from the broadcasting team, and we're here to conduct a quick and fun intervie-"

"Sorry for being rude. I'd love to entertain you, but I have an urgent matter. Can we do this next time?"

Nagkatinginan naman sila saglit. Pakiramdam ko ay nag-usap sila gamit ang mga mata nila bago sila sabay-sabay na tumango.

"Sure po. Salamat po!" they said in unison.

Kumunot naman ang noo ko habang nakatingin sa kanila. Umiling na lang ako at naglakad na papalayo. Ang weird naman.

Sa pagkakatanda ko sila rin yung grupo ng students na biglang nambubunggo ng mga estudyante para i-interview. Magugulat ka na lang na makikita mo na ang mukha mo sa Tiktok account nila.

"Uwi ka na?" Napahinto naman ako nang bigla akong salubungin ni Enoch. May hawak pa siyang bola na pinaikot niya gamit ang isang daliri. "Or kape muna tayo kung gusto mo?"

I nodded. "Oo, uuwi na ako."

"Free ka? Kape muna tayo."

"Next time na lang siguro, Enoch. Kailangan ko na kasing umuwi," mahinahon kong sagot.

Narinig ko naman ang pagbuga niya ng hangin. Ilang sandali pa ay pinatalbog niya ang bola sa sahig habang naglalakad. Nakasunod pa rin sa akin at mukhang wala siyang balak na lubayan ako.

"Pero okay ka na ba?" Tinitigan niya naman ako nang mabuti. "Last time kasi parang aligaga ka."

"Ayos lang ako. Huwag mo akong intindihin. Ang isipin mo ay yung team mo!"

He chuckled. "Nood ka, ha! Pampalakas lang ng loob." Kinindatan niya pa ako.

"Lakas ng loob my ass! Pangatlong taon mo na ito tapos ngayon ka lang nanghingi? Buti sana kung first year mo pa lang."

"Sungit talaga. Akala ko makakalusot!" sagot niya sabay kamot sa batok niya.

Inirapan ko na lang siya bago ko siya tinalikuran. Narinig ko pa ang halakhak niya habang naglalakad ako papunta sa parking area. Hindi ko namalayan na hinatid niya lang pala ako dito.

"Ingat sila sa'yo, Darlene!" pahabol pa niya.

I rolled my eyes. "Tarantado."

I spotted some students checking us out again. Agad naman silang nag-iwas ng tingin nang dumako ang tingin ko sa gawi nila. Anong problema nila? Kung makatitig naman akala mo inaagaw ko si Enoch sa kanila!

Nagkibit na lang ako ng balikat at pumasok sa sasakyan ko. Mas mabuti pa nga na umuwi na lang ako. Baka mahuli pa ako ng iba kong kasama sa org at malaman nila na tumakas ako sa meeting namin.

Pagkauwi ko ay agad akong nagbihis at nagluto. Hindi ko rin alam kung bakit naisipan kong magluto. Siguro ay nakutuban ko na lang din na pupunta si Simon dito kahit wala naman siyang sinabi.

Napuno ng pagkain ang maliit kong lamesa na sakto lang para sa apat na tao. May niluto akong hamonado at fried fish. Sakto na iyon para sa akin at para kay Simon kung pupunta man siya dito.

"Tangina nagluto ba talaga ako para sa kaniya?!" bulong ko sa sarili ko habang tinitikman ko ang hamonado na niluto ko.

Nilagyan ko muna ng cover ang mga ulam. Siguro ay nakalapag na siya dito. Malapit lang naman ang airport kaya sandali lang din ang biyahe. Hihintayin ko na lang siguro ang mensahe niya.

Kaya lang bigla kong narinig ang doorbell. Shit, ang bilis naman! Napaaga ba siya o mali lang ako ng calculations? Hindi rin naman kasi siya nagsabi ng oras ng flight niya!

Pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin. Saglit pa akong naglagay ng lip gloss sa labi ko. Nang maging satisfied ako sa itsura ko ay agad ko nang binuksan ang pinto ko.

"Anong oras lumapag ero- Kuya?!"

Kumunot naman ang noo ni Kuya Caleb. Mukhang kalalabas niya lang sa hospital. Medyo magulo pa ang buhok niya at mukhang stressed na stressed sa buhay.

"Anong sinasabi mo d'yan? Hindi ako galing sa ibang lugar. Sa hospital lang, Darlene!" sagot niya.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Agad naman akong gumilid para makadaan si Kuya. Wrong timing naman itong si Kuya Caleb! Bakit ngayon pa niya napiling bumisita dito?!

"A-ah! Oo nga. Anong sadya mo Kuya? Bakit bigla kang pumunta dito?"

"Are you expecting someone? Mukha kang disappointed no'ng ako ang nakita mo," tanong ni Kuya. Mariin ang tingin sa akin habang niluluwagan niya ang necktie niya.

Oh my God! Don't tell me dito siya makikitulog?! Paano na ang paglandi ko nito?!

"I thought dumating na yung friend ko galing ibang bansa. Bibisita raw kasi siya dito."

"Sinong kaibigan?" tanong ni Kuya.

"Someone I met lang sa ano doon sa may ano sa Pobla! Sa bar lang tapos schoolmate ko pala," mapakla akong natawa.

He nodded. "Can I sleep here? Malapit lang dito yung hospital. Sinabi rin ni Mommy sa akin na dito ka na nakatira kaya naisipan ko na ring dumaan."

"S-sure, no problem. Kumain ka na ba? May niluto ako. Baka nagugutom ka na."

"Nagluto ka na? Too early," tanong niya habang nakatingin sa wall clock.

Hindi ako sumagot. Sumunod naman sa akin si Kuya hanggang sa makarating kami sa dining area. Siya na rin ang nagtanggal ng cover kaya naamoy ko ang hamonado na niluto ko.

"Ang dami mo namang niluto! Mag-isa ka lang dito, ah?" may bahid ng pagdududa ang boses niya. "Sa dami nito parang dalawa o tatlong tao makakaubos."

"Napadami lang saka medyo malakas ako kumain ngayon. Alam mo na," palusot ko pa.

Nakahinga naman ako nang maluwag dahil hindi na nagtanong si Kuya. Pinaglaruan ko na lang ang daliri ko habang pinagmamasdan ko siya na umupo para kumain. Nag-angat naman siya ng tingin sa akin.

"Hindi ka sasabay? Kumain ka na rin."

"A-ah oo nga! Sandali lang po."

Pumunta muna ako ng living room para kunin ang phone ko. Binuksan ko iyon para tingnan kung may mensahe ba galing kay Simon.

Simon Griffin Benitez

Darlene.
Can I come over?

kailan
omg
nakauwi ka na?

Just got home.
Papunta na ako sa elevator.

hala shet
saan ka pupunta

Sa'yo.

hala huwag ngayon

Bakit?

may kasama ako

Who?

nandito si kuya
ako na lang pupuslit jan
dito siya matutulog eh

Alright.

tipid ng replies
galit ka?

Hindi.

basta punta ako later
message na lang ako

Ngumuso na lang ako habang dala ko ang phone ko sa hapagkainan. Sinulyapan naman ako ni Kuya habang palipat-lipat ang tingin ko sa kanin at sa phone ko.

"Sino iyang kausap mo? Hindi mo mabitawan phone mo," komento ni Kuya kaya naman bigla kong pinatay ang phone ko.

"Ano lang iyon chikahan lang namin. Nakakatawa kasi yung topic tapos ayokong ma-miss out kaya binabasa ko pa rin."

"How's school? Kaya pa ba ang Biology?"

Napahinto naman ako. "Bearable naman. Good thing na rin na mabait ang friends ko kaya nakakahabol naman ako."

"I see. How about your hobbies? Nagdo-drawing ka pa ba?"

Malungkot akong umiling. Sobrang tagal na rin yung last time na gumuhit ako. Sa sobrang occupied ko sa buhay ko, hindi ko na ulit siya nagawa. At kung gagawin ko man ulit ay hindi ko na alam kung saan ako mag-uumpisa.

It feels like a part of me is dying, and there's no way to revive it. I don't know if life is way more fun than before, or if I've just run out of ideas. Because, as far as I remember, I always drew whenever I needed a breather. But now that I am enjoying my life, I can't seem to find my way back to something that was once my comfort.

"Hindi na rin. Ang last kong drawing noong grade 11 pa yata ako," I truthfully answered.

My form of breather has changed. Kung dati ay drawing, notes, at mga lalaki sa dating site. Ngayon naman ay iba na. Alak, party, at si Simon. Siguro naging kuntento na rin ako kaya nakalimutan ko na ang mga dati kong ginagawa.

"Bakit hindi mo i-try ulit?"

I sadly smiled. "Ayan nga ang problema. Hindi ko na kasi alam kung paano."

"Simple lang iyan. Humanap ka ng inspiration. Doon ka magsimula," seryoso niyang saad.

Sana nga ay gano'n lang iyon kadali.

Pagkatapos kumain ni Kuya ay agad akong nagligpit ng pinagkainan. Mabuti na lang marami pang natirang hamonado. Ilalagay ko na lang siguro mamaya sa tupperware tapos dadalhin ko kay Simon.

"Dito ang guestroom, Kuya. May bathroom na rin d'yan kung gusto mo maligo."

He nodded. "Thanks, Darlene." Ginulo naman ni Kuya Caleb ang buhok ko. "Pasensya na sa biglaan kong pagdalaw dito. Hindi na kita kukulitin. Matutulog na rin ako pagkatapos nito."

"Anytime po! Hindi ka naman abala."

"Laki mo na talaga. Duda pa rin ako na wala kang boyfriend," humalakhak siya.

Sinapak ko naman ang braso niya. "Wala nga! Kulit nito. Kung meron naman syempre magsasabi ako sa'yo!"

"Alright. Dito na muna ako. You can do what you want na. Papahinga na ako," he softly said. Muli pang pinasadahan ang buhok ko bago niya ako matamis na nginitian.

"I hope you're getting enough sleep, Kuya. Pahinga ka lang po d'yan."

Halos isang oras pa akong naghintay bago ko muling nilabas ang phone ko para magsabi kay Simon.

Simon Griffin Benitez

tulog na si kuya
punta na me

Isinalin ko naman yung hamonado sa lalagyan para dalhin kay Simon. Ang sarap pa naman ng pagkakaluto ko kaya hindi pwedeng hindi niya matikman ito! Mabuti na lang din at marami akong naluto ngayon.

Nakasuot lang ako ng simpleng pink na shirt at maong shorts. Nasa condo lang naman ako kaya anong dahilan para magsuot ako ng bongga? Limang minuto lang bago ako nakarating sa tapat ng unit ni Simon.

Huminga muna ako nang malalim bago ko pinindot ang doorbell. Nginitian ko pa yung camera bago ako pagbuksan ni Simon. Kunot na kunot ang noo niya nang makita ko siya. Nakasuot lang siya ng black na shirt at black din na drawstring waist shorts.

"May dala ako!" Inangat ko ang tupperware na hawak ko. "Hamonado ito. Niluto ko kanina para sa'yo."

Inirapan niya lang ako. Mabilis niya na sinara ang pinto. Hindi pa rin siya nagsasalita kaya nilapag ko na lang sa lamesa yung tupperware.

"Kumain ka na ba? Anong oras ka lumapag dito kanina?" sunod-sunod kong tanong sa kaniya.

At wala pa rin akong nakuha na sagot. Ngumuso na lang ako at isinalin ang ulam sa mangkok.

"Ayaw mo ba tikman? Sabayan kita kumain! Dumating kasi si Kuya galing sa shift niya. Alam mo na doctor kasi tapos malapit dito ang hospital kaya binisita niya ako."

Tangina! Grabe naman ang silent treatment ni idol. Daldal ako nang daldal tapos hindi pa rin siya nagsasalita. So, ano ako dito? Kausap lang sarili ko?

"Uwi na lang ako. Wala rin pala akong kausap dito," bwisit kong sinabi.

Nagsimula na akong mawala sa pagiging in character ko. Dapat understanding akong girlfriend pero nakakainis naman kasi! Sino bang matutuwa kapag nagsasalita ka tapos hindi ka sinasagot?!

Inirapan ko siya bago ako naglakad palabas ng dining area. Hindi pa ako nakakalayo nang bigla niyang hatakin ang braso ko. Sinimangutan ko naman siya.

"Ano b-"

Naputol ang sasabihin ko nang maramdaman ko ang labi niya sa labi ko. Kunot na kunot ang noo niya habang marahan niya akong hinahalikan. What the heck?! Hindi niya na nga ako kinakausap tapos bigla siyang manghahalik?!

I closed my eyes. Hindi na rin napigilan ang sarili na magpaubaya sa mga halik niya. Masyadong malambing iyon at nanunuya. Ramdam ko rin ang kamay niya na nasa baywang ko. Mas lalo niya akong hinapit palapit sa kaniya.

"Simon..." I whispered in between our kisses.

"Fuck."

He closed the distance between us. Tila hindi pa nakukuntento sa lapit namin. Natagpuan ko na lang ang sarili ko na nakaupo sa mga hita niya. Si Simon na nakaupo sa sofa habang ako naman ay nakakandong sa kaniya.

I pulled his hair as we continued to exchange heated kisses. His tongue roughly played against mine urging me to open my mouth to welcome him. Mas lalo lang nag-init ang sistema ko dahil sa ginawa niya.

He nibbled on my lower lip. His free hand skillfully played against my skin. Hindi ko namalayan na nasa loob na pala ng shirt ko ang kamay niya. His left hand slowly caressing the skin under my boob.

Umawang ang labi ko dahil sa ginawa niya. Sandali kaming naghiwalay. Mapungay ang mga mata niya at tila nalalasing na iyon habang nakatingin sa labi ko.

"Tangina," namamaos niyang bulong. Ang noo niya ay nakalapat din sa noo ko. Parehas kaming hinihingal at parang hindi pa rin nakuntento sa ginawa namin.

It feels so hot. Ang marinig siyang magmura sa ganitong lenggwahe ay mas lalo pang nakapagpainit sa akin. Pinikit ko ang mata ko at marahan kong hinagod ang batok niya.

"Darlene..."

Hindi na ako nakapagsalita nang maramdaman kong hinalikan niya ang ibaba ng tainga ko.

"Nagseselos ako, Darlene."

Sandali akong humiwalay sa kaniya. Ang mga kamay ko ay namamahinga lang sa balikat niya. Hindi ko na magawang tingnan siya ng diretso dahil masyadong nakalalasing iyon.

"A-ano..." nahihirapan kong saad.

"I'm jealous, but now that things have changed, I can do whatever I want to you whenever I feel that way," he whispered with a sensual tone.

I breathed heavily. "H-huh?"

Para na akong nawawala sa katinuan! Puro ano at huh na lang yata ang kayang ilabas ng bibig ko. Nakakainis naman itong si Simon! Binabaliw niya talaga ako.

"Ang hirap magselos noon kasi wala akong magawa..." dagdag pa niya. Ang isang kamay niya ay pinaglalaruan ang buhok ko.

"Naiinis lang ako tapos hindi kita kakausapin," humalakhak pa siya.

Kumunot naman ang noo ko. Gusto ko siyang intindihin pero hindi ko magawa dahil sa posisyon namin.

"Now, I can kiss you until you lose all your senses. Show you that I'm the only man who can make you feel this way," he whispered before kissing me again, making me lose my sanity.

Pinahinga ko ang ulo ko sa balikat niya dahil masyado akong hiningal sa ginawa namin. Narinig ko naman ang mahina niyang paghalakhak habang hinahaplos niya ang buhok ko.

"Umuwi ka dito dahil nagseselos ka?" tanong ko.

"Oo."

Umahon naman ako sa pagkakayuko ko. He smiled playfully. Nakatitig lang siya sa akin habang may mapaglarong ngiti sa labi. Nakakainis! Ang gwapo niya talaga.

"You like me that much?" I playfully asked.

"And if I say yes, what will you do?"

Umiling ako. "Edi kiss ulit tayo."

Humalakhak naman siya. Tila hindi makapaniwala sa narinig niyang sagot galing sa akin.

"Ikaw naman kasi! Kung magseselos ka, magsabi ka na lang. Hindi yung para akong engot na kausap sarili ko. Nakakainis kaya!" reklamo ko.

Hinapit niya lalo ang baywang ko. Nanatili pa rin akong nakaupo sa mga hita niya kaya naman napahiyaw ako dahil sa ginawa niya! Sabay kaming natawa sa hindi malamang dahilan. I don't know. Natawa na lang din ako dahil nakita kong natawa siya.

He rested his head on my shoulder. "I have never felt this way before. Sa'yo lang talaga."

"Syempre ako pa. Baka Darlene ito. Ang dating sinusungitan mo lang, ngayon kinauululan mo na," humagalpak ako ng tawa.

"I am not a perfect boyfriend. May mga pagkakataon na baka masaktan kita, but I promise you that I am going to try my best to make this work."

Natutop ko ang bibig ko dahil sa narinig. Hindi ako makapaniwala na ganito siya ka-seryoso sa akin. I can't believe he used to see me only for convenience, but now he sees me as someone he needs every day-like water, like air, something essential for everyday life.

"I want you to be my last..." marahan niyang bulong.

Hindi naman mababaw ang luha ko pero bakit ang bilis kong maluha dahil sa narinig ko? Siguro dahil sa mga naranasan ko sa kaniya sa mga nakalipas na taon, masasabi kong sa wakas ay nagbunga na ang lahat ng iyon.

I did it. Sa akin na si Simon ngayon. Akin lang at hindi na makakawala pa.

"Sa'yo lang ako," bulong ko. "At sa akin ka lang din."

He nodded. "Only for you, love."

Tinakpan ko ang mukha ko gamit ang mga palad ko. Anong sabi niya? Love daw?! Tinawag niya ba akong love? Iyon ba ang gusto niyang callsign?!

"Bakit mo tinatakpan ang mukha mo?"

"Wala lang ito! Kinikilig lang ako," sabi ko pa.

Sinubukan niya namang tanggalin ang palad ko na nakatakip sa mukha ko pero nanlaban ako.

"Simon naman! Hayaan mo muna ako."

He chuckled. "What?"

Binaba ko naman ang kamay ko. Ngumuso ako sa kaniya.

"Love..." I called him.

"Hmm?" he responded.

Malakas ko namang hinampas ang braso niya.

"Ouch! Para saan iyon?" tanong niya.

"Parang tanga naman! Love daw?! Ayoko na nga, Simon. Kinikilig na ako dito."

Humiwalay na rin ako sa kaniya at tumayo.

"Kumain na lang tayo. Tikman mo yung niluto kong hamonado..." I paused for a second. "Love."

Humagalpak din siya ng tawa dahil sa nasabi ko. Nagmadali na lang ako maglakad papunta sa dining area. Nahihiya na natatawa dahil sa ginawa ko.

"Sure. Kakain na rin ako... love."

Ang hayop! Tumawa rin sa sinabi niya. Nahahawa na nga ito sa kalokohan ko. Umiling na lang ako habang hinihila niya ang upuan.

I love Simon. Iyon lang ang nasa isipan ko habang nanonood ako sa kaniyang kumain. Hindi ko pa nasasabi sa kaniya ang tatlong salita na iyon, pero ngayon sigurado na ako sa nararamdaman ko.

Mahal ko si Simon. Mahal na mahal.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 25K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
446K 6.3K 24
Dice and Madisson
2.9M 182K 60
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
16.8K 490 44
Clev Valle, an undercover agent, is tasked with finishing an operation, so he pretended to be an employee of a small company in a small town in the p...