Until The Sunrise|BL

By enzowizard

224 15 2

Two paths, two different directions Kreid Nickzen Lewiz, a kind and soft hearted person on his patients that'... More

DISCLAIMER!
Synopsis
Chapter 1 - sunflower

Chapter 2 - Sparks

12 2 2
By enzowizard

Matagal kaming nagkatinginan ng matipunong lalaki nang biglang magsalita si Ran.

"Ahh Doc, si Chief po" saad nito habang nakatingin pa rin ako sa mukha ng lalaki.

"Maganda araw Doc, Chief Napoleon Harris" saad nito at inabot ang kanyang kamay.

"Doc. Kreid Lewiz"

Lumipas ang ilang sigundo ay hindi nya pa rin binibitawan ang kamay ko. Nanatili kaming magkatitigan hanggang sa ako na ang sumuko at tumingin palayo.

"Ah Chief Harris, I'm Nurse Cain Ichiru Hayashi--Assistant ni Doc. Kreid" saad ni Cain at hinawi ang kamay naman para sya ay makipagkamay rin sa kanya.

"Tayo na ay maupo at baka lumamig na ang pagkain" sabi naman ng isang lalaki na naka-uniporme ring sundalo.

"Ah Doc, Si Chief Rexo po pala" saad ni Ran at nakaipagkamay rin kami sa kanya.

Umupo na kami at nagsalin ng mga pagkain sa kanya kanya naming plato.

Medyo akward ang paligid dahil sa mga nangyari at katahimikan lang ang namayani hanggang sa magsalitang muli si Ran.

"Ah Doc, Kamusta naman ho pala ang byahe? Hindi po ba nakakapagod dahil malayo-layo rin ang baryo namin sa bayan?"

"Medyo nakakapagod pero nang makarating ay medyo naginhawaan rin dahil ngawit sa pag umupo sa sasakyan at tsaka pala, may mga dala kaming pagkain galing sa bayan para ibagay sa inyo mamaya."

"Talaga po ba? Naku nag-abala pa kayo, Maraming salamat Doc!" si Ran.

Habang kumakain kami ay napag-usapan ang lugar na tutuluyan namin ni Cain.

"Ihahatid ho namin kayo sa bahay na matutuluyan nyo mamaya, bale dalawa pong kubo iyon" saad ni Chief Rexo.

"Ha? Ayos na sa amin ang isa, kasya naman ho ata sa amin yon," si Cain sabay tingin sa akin at nagtaas baba pa ng kilay.

"Hindi ayos ang magsiksikan kayo sa iisang kwarto dahil bisita namin kayo, masyadong maliit kung magsasama kayo sa isang kwarto lamang dahil sa katunayan ay pang-isahang tao lang yon. Wag kayong mag-alala at magkalapit lang naman yung bahay na tutuluyan ninyo at malapit rin si clinic kung saan kayo ay magtatrabaho." Gulat ako nang magsalita si Chief Harris. Medyo natahimik ang lugar at akward uli ang paligid.

"Mauna na ako, may mga kailangan pa akong gawin." Sabi nyang muli sabay tayo at umalis.

Dahil tapos na rin naman kaming kumain ay napagpasyahan nila Chief Rexo at Ran na ilibot kami sa lugar.

May mga bata kaming nakakasalubong na naglalaro ng habulan at turumpo. Hindi pa ako nakalaro non pero napapanood ko naman dati nung elementary ako. May mga residente rin na nakakasalubong kami at nagb-bow ako bilang paggalang at pagbati sa kanila.

"Ahhh Doc, Mauna na po muna kami at kailangan na po naming magreport sa Headquarters. Malaya po kayong mag-ikot-ikot--babalikan nalamang po namin kayo," Paalam ni Chief Rexo.

"Ayos lang Chief, kaya na namin to," saad ko at umalis na rin sila.

"Uy Kreid, bebetime na pala natin"

"Tumigil ka Cain, baka masapak kita!" saad ko at tumakbo naman ito.

"Lalabs punta lang ako don, babye!"

Mas gugustuhin ko pang makasama sila Chief Rexo at Ran. Dapat pala pumayag na ako agad para di ko na nakasama yung mokong na yun.

Naobserbahan ko mula sa aking paglilibot na mababait ang tao dito. Kada may nadadamaan akong residente ay bumati sa akin. Simple ang kanilang pananamit na pang sila rin gumagawa non at ang bahay ay bahay kubo. Maaliwalas ang lugar dahil sa malinis na lugar at mga punong nakapaligid rito.

Sa aking paglalakad ay di ko namalayan sa nandito na pala ako sa iaang maliit na lawa. Mayroong tulay patungo sa isang maliit na masisilungan sa gitna nito na kasya ata ang limang tao.

Naglalad ako patungo roon at dahan dahan na inobserbahan ang mga yapak ko at baka mahulog ako, di ko pa naman alam kung malalim ba ang lawa na ito. Nang makarating na ako sa gitna ay naramdaman ko ang medyo malamig na simoy ng hangin na dumampi sa aking balat. Napakaganda rito.

"Doc"

"Ay kabayo-"

Nagulat ako nang may magsalita sa likod ko. Kita ko si Chief Harris na naglalakad patungo sa akin.

"Kayo po pala Chief, ano pong sadya ninyo?"

"Wala, gusto ko lamang lumanghap ng sariwang hangin dito" saad nito.

"Ganon po ba? Sigeh lang po Chief" saad ko.

Namayani uli ang katahimikan nang bigla nya itong basagin.

"Doc, ilang taon ka na?"

Rinig kong pagbulong nya pero di ko maintindihan.

"Ha?"

"Ilang taon ka na?" saad nito.

His voice was like an ice na sobrang lamig at kung sisisirin ang dagat, baka matalo pa yon dahil baka mas malalim pa boses nya. Medyo nakakatakot.

"I'm 26, kayo po ba?" tanong ko pabalik.

"30 na ako, mas matanda pala ako sayo ng apat na taon"

Namayani uli ang katahimikan sa pagitan namin---Akward.

"Ang presko po dito sa lugar ninyo"

Ako na ang nagsalita baka mamaya, bumunot sya ng baril kasi di ko sya kinakasap.

"Oo naman---pinapangalagaan ng mga tao dito ang lugar at ito lang ang lugar na kanilang matitirahan" saad niya.

Malayong-malayo pala ito sa lugar na kinalakihan ko na puno ng tao, mausok dahil sa mga sasakyan at kumpulang mga bahay. Hindi ka makakalanghap ng ganitong presko at masarap na hangin.

This place make you feel safe and peaceful.

Nag-usap pa kami ng medyo may katagalan hanggang sa dumating si Ran at inanyayahan na kami para bisitahin yung medical center na pagtatrabahuhan namin.

"Myloves, bat ka pala nawala kanina? Akala ko ay hihintayin mo ako habang nagpipicture ako sa mga paligid, nagulat nalang ako na wala ka na sa kinatatayuan mo" Si Cain habang nagkakamot ng ulo.

"Pasensya na,di na ako nakapagpaalam"

"San ka ba kase nagpupupunta?"

"Sa lawa, maganda don at presko ang hangin" saad ko.

"Talaga!? Tara puntahan!" excited na sabi ni Cain habang niyuyugyog pa ako.

"Baliw, Kagagaling ko lang don at baka bukas o sa susunod na araw na tayo pumunta tsaka ginigatekeep ko yun" pabiro kong saad at napasimangot ito.

Sa aming pag-uusap ay di namin namalayan na napadpad na pala kami dito sa kung saan kami magtatrabaho. Medyo maliit lang ito na parang tree house dahil nakadikit ito sa puno pero parang hanggang waist ko lang ang taas at may hagdan ito pataas. Maayos naman sya at mukhang matibay naman ang kahoy na ginamit nila at may karatulang nakasulat na "Bahay Pagamutan".

"Doc. Kreid, eto po ang Bahay Pagamutan at mayroon na pong mga medical supplies na prinovide ni Mr. Pysolovich," si Ran habang umaakyat kami.

Kumpleto nga ang mga gamit dito. Merong Medical Bed, aparador na may mga gamot, First Aid Kits, BP Monitors at dalawang medical gown na bago. Pumunta ako sa may lamesa at pagbukas ko ay nakita ko ang bagong Stethoscope, Preskript Pad at kung ano ano pa.

"Doc, bukas po ang umpisa ng inyong trabaho--- at maari na po muna kayong magpahinga dahil may salo-salong inihahanda ang mga mamamayan rito para sa inyong pagdating mamayang gabi,"

"Maraming salamat"

Naglalakad-lakad pa kami hangang lumipas ang oras. Naituro na din nila Ran at Chief Rexo kung saan kami tutuloy kaya dumiretso na kami doon pagkatapos na maglakad.

"Cain, tapos ka na ba magbihis?"

"Sandali, magpapabango lang" saad nito.

Ilang sandali pa ay lumabas na ito at bumungad agad ang amoy ng pabango nya.

"Napakatagal mo, dami kasing arte sa katawan" medyo inis na saad ko dahil kanina pa nya ako pinag-iihintay.

Nagsimula na kaming maglakad at sakto namang nakasalubong namin sila Ran, Chief Rexo at Chief Napoleon.

"Bihis na bihis Doc ah" saad ni Ran.

"Saktong bihisan lang. Ikaw Ran, ayos na ayos ang porma ah, pogi mo tignan." saad ko at napakamot naman ito ng ulo.

"Baka pinopormahan naman pinopormahan mo ang Kreid mahloves ko Ran ha, back off," saad ni Cain at napatawa nalang kami.

Medyo makapal ang mukha nyang angkinin ako ha, sarap sapakin.

"Hayaan mo yan Ran, medyo baliw lang talaga yan" bulong ko rito.

"Andito na pala tayo. So, Tara na?"

Andito na kami sa pinakasentro ng baryong ito at nagsisipuntahan na rin ang mga mamayan rito para makisalo. Karamihan rito ay nga matatanda na at yung iba naman ay parang nasa middle age na at kasama rin ang kanilang mga anak.

"Maligayang pagdating po sa inyo at nakarating kayo ng ligtas rito" saad ng lalaking may katandaan na sa tingin ko ay 50+ na ito.

"Ako si Julio, ang Pinuno sa lugar na ito at namamahala na rin sa mga nasasakupan."

"Salamat po Mr. Julio sa paanyaya, maahasan nyo po ba tutulungan namin kayo sa abot ng aming makakaya para sa kalusugan ng mga nakatira rito" saad ko at nakipagkamay sa kanya.

"Papa Julio nalang, yan din naman ang tawag nila sa akin dito"

Nag-umpisa na ang kainan at ang sa-sarap ng mga pagkain na hinanda nila. Ang iba ay hindi pamilyar na putahe sa akin pero masarap rin,

"Kamusta naman po ang paglilibot nyo kanina? nakuwento ni Chief na namasyal daw kayo?" saad ni Papa Julio.

Tumingin ako kay Chief ngunit umiwas lang ito ng tingin.

"Ahh, mabuti naman po at sa katunayan ay namangha ako sa lugar nyo dahil malinis rito at namangha rin po ako sa malinaw na lawa" saad ko.

"Alam mo ba na paboritong tambayan iyon ni Chief, kung minsan ay dun ito nagkakape at nagpapahangin. Tama ba Chief" saad uli nya at kita ko naman ang pagtango ni Chief.

Lumipas ang oras at unti-unti nang nag-alisan ang mga tao dahil na rin sa pagod at mahabang gabi. Kahit ako ay pagod rin dahil sa masaya at overwhelming nilang pagsalubong.

"Matulog  kayo ng mahimbing dahil bukas ay napakahabang araw para sa inyo" saad ni Papa Julio.

"Sa inyo rin po, paalam po!" saad ko. Tumango naman ito at nagsimula na kaming maglakad.

Habang naglalakad kami ay panay kuwento ni Cain ng mga pagkain na nagustihan nya kanina katulad ng adobong bibe at pritong palaka na ngayon nya lamang daw iyon natikman.

"Sa una parang ang weird nung pritong palaka pero ang sarap pala, parang chicken sa jolibee"

Masarap naman talaga lahat, exotic but delicious. Gusto ko rin nung pritong palaka, mapagluto nga sila mama pag uwi ko.

"Oo na, punta ka na sa kwarto mo, papahangin lang ako sandali" saad ko.

"Gusto mo samaha-"

"Mag-isa" saad ko at tumango nalang sya.

"Sigeh Goodnight, loveyou" saad nito patakbo sa kwarto nya.

Andito na ako sa harap ng bahay kubo at umupo ako sa may umupaan sa tapat nito.

Nakatingin ako sa langit habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit. Ganto pala kaganda ang alangit sa probinsya noh? ang liwanag at makikita mo ng malinaw.

"Bakit hindi ka pa natutulog?"

Napabalingkwas ako nang marinig kong magsalita ang taong nasanlikuran ko.

JUSKO PAPATAYIN NYA BA AKO SA GULAT?

"Bakit bigla-bigla ka nalang sumusulpot?" saad ko habang hawak ang aking dibdib.

"Bakit, bawal ba?"

Aba, sya na nga may ganang manggulat, sya pa umaangas.

"Oo bawal at baka atakihin ako sa puso, jusko my heart"

"Kung ganon, gamutin mo sarili mo tutal doctor ka naman" saad nito at biglang umalis sa harap ko.

Ewan ko ba kung matinong heneral ba tong kasama namin dito sa baryo, parang bata mag-isip. Seryoso sya pero minsan hihintayin mo nalang na magsabi sya ng joke kung totoo ba talaga sinasabi nya. Nakakastress!

Andito na ako ngayon sa aking tinutuluyan dahil nabagot na akong tumambay, kinuha ko ang mugwort mask ko sa aking bag at nilagay iyon sa aking mukha. Syempre para fresh parin kahit nakakastress and heneral na yon.

Kinuha ko phone ko matapos kong maapplyan ang mukha ko nung mask at tinipa-tipa iyon. Wala akong makakachat dahil wala namang signal dito tsaka nakakasawa na rin na kausapin yung isang mokong.

Nakaramdam ako ng ihi kaya agad akong lumabas sa kwarto.

"Ay multo!"

Nakita ko ang heneral na hawak ang kanyang dibdib dahil sa takot.

"Oh anong problema mo Chief?"

"Ano yan? bat may ganyan ka sa mukha? alisin mo nga yan, nakakagulat eh---akala ko multo" saad pa nito at naghahabol ng hininga.

Ayan naback-to-you tuloy panggugulat mo sa akin, karma's gonna track you down talaga.

"General ka pa naman, mabilis ka pa matakot. Skincare to, kahit papaano naman ay fresh pa rin mukha ko dahil sa stress na binibigay mo" syempre hinanaan ko bandang dulo,baka bumunot ng armalite at pagbabarilin ako, wag naman sana lord.

"I command it, wag ka na maglagay ng ganyan" angas pa nito. Aba ginagamit ang general card.

"Ang oa naman, o sya ano bang kasing ginagawa mo dito jusko"

"Bukas agahan mo, ayaw ko ng nal-late, pag sinabing 7:30 dapat ay andun ka na kundi irereport kita, naiintindihan mo?" saad nito.

Nyenyenye alam ko naman na strict talaga ang mga sundalo when it comes to time kasi parang time is gold nga sa kanila. Masanla nga.

"Oo na, umuwi ka na. Sana makakita ka ng multo" saad ko sabay sara ng pinto.

Ang heneral na yon ata ang magbibigay ng sakit sa akin, parang mas aalagaan ko pa sarili ko kaysa sa mga residente dito but anyway matulog nalang at baka sniperin ako nun bukas pag di ako nagising.







Continue Reading

You'll Also Like

376M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
273K 9.7K 83
The S's #5 Z
351M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...