Second Time Around • SB19 Ken...

Nahhhlia द्वारा

29K 1.3K 3K

As a combative return to her cheater ex-fiancé, she sent him a video of herself shaking sheets for the first... अधिक

Second Time Around
SYNOPSIS
PROLOGUE
CHAPTER 1
CHAPTER 2
CHAPTER 3
CHAPTER 4
CHAPTER 5
CHAPTER 6
CHAPTER 7
CHAPTER 8
CHAPTER 9
CHAPTER 10
CHAPTER 11
CHAPTER 12
CHAPTER 13
CHAPTER 15
CHAPTER 16
CHAPTER 17
CHAPTER 18
CHAPTER 19
CHAPTER 20
CHAPTER 21
CHAPTER 22
CHAPTER 23
CHAPTER 24
CHAPTER 25
CHAPTER 26
CHAPTER 27
CHAPTER 28
CHAPTER 29
CHAPTER 30
CHAPTER 31
CHAPTER 32
CHAPTER 33
CHAPTER 34
CHAPTER 35
CHAPTER 36
CHAPTER 37
CHAPTER 38
CHAPTER 39
CHAPTER 40
CHAPTER 41
CHAPTER 42
CHAPTER 43
CHAPTER 44
CHAPTER 45
CHAPTER 46

CHAPTER 14

485 23 95
Nahhhlia द्वारा

Chapter 14

"Kamusta naman ang sikat kong frenny, huh?"

Iyon kaagad ang bungad sa 'kin ni Nads, ipinatong ko pa lang ang mga gamit ko sa table. Ngumiti lang ako at umiling.

"My gosh, dumb bitch, you're so famous na on social media. I'm so proud! Your videos have lots of engagements, ha. Tapos iba't ibang creator pa ang nag re-upload ng video mo." Mangha niyang saad.

"Oo nga eh, nakakagulat." Wala akong masabi. Hindi pa rin nag si-sink in sa akin ang lahat hanggang ngayon. Parang ang bilis kasi ng mga nangyayari.

"You're the talk of the town, dumb bitch. Ay, hindi na pala bagay sa'yo yung dumb bitch. Palitan na natin ng... Famous bitch." Dramatic niyang saad.

Mahina akong tumawa at umiling ulit. Daming sinasabi.

"Pero totoo nga, nakakatuwa ka, Els. Nakaka proud. Ahh, I'm so happy for you. Na-recognize na ang talent mo." She put her palm on her left chest and pouted a bit.

I smiled. "Thank you, dumb bitch."

Siya naman ang natawa sa itinawag ko sa kaniya.

"Trending nga rin pala yung duet niyo ni Ken, hindi lang yung video mo na sumasayaw. Alam mo ba sobrang daming naiinggit na fans sa'yo? Grabe, ikaw na ang babaeng pinagpala sa lahat." Kwento niya. "Yung mga fans ni Ken? Ay, grabe ang ingay sa social media! Yung iba inggit, yung iba nagseselos, yung iba shini-ship kayo. Hinahanap na nga yung pangalan mo eh!" Tumaas-taas pa ang kilay niya habang tinutukso ako.

"Sus," I can't think of anything to say. I'm feeling a bit embarrassed without them knowing since Ken and I knew each other.

"Paano na 'yan pag sumikat ka pa lalo? Mag a-artista ka na lang din ba?" Tanong niya.

Sumeryoso ang tingin ko sa kaniya bago ako huminga ng malalim. Kalaunan ay umiling ako.

"Ayoko," sagot ko.

"Ha?! Eh bakit?" Gulat niyang tanong. "Alam mo, mas malaki ang kita sa pag aartista lalo na kung sikat ka. Mas yayaman ka dun, dumb bitch!" Pangungumbinsi niya sa 'kin.

May point naman siya pero umiling ulit ako. "Ah basta, ayoko. Hindi ko naman intensyon na sumikat yung video ko sa social media eh. Hindi ko naman ginustong mag viral. Wala naman kasi sa isip ko yung mga bagay na yun."

"Eh bakit naman? Yung iba nga diyan nagpapakahirap gumawa ng content para lang sumikat."

I sighed. "I just don't like the attention." I answered honestly.

Bumuga din siya ng hangin at sumang-ayon. "Sabagay, may mga ganung tao nga naman."

Natahimik kami pareho saglit habang nakatitig sa kaealan.

"Pero basta, proud pa rin ako sa'yo, dumb bitch!" Aniya tsaka niya ako niyakap at niyugyog kaya natawa na lang ako.

"Good morning, ma'am! Congrats po! Ang galing niyo po kahapon!"

"Good morning po, ma'am! Congrats po sa viral video! Ang galing galing niyo, ma'am!"

"Ma'am, congrats po! Ang galing niyo po kahapon! Nakikita ko po yung videos niyo sa TikTok!"

Hindi ko na alam kung ilang beses ko na bang narinig ang mga pagbating iyon mula sa iba't ibang estudyante. Nginitian ko naman sila at nagpapasalamat din. Pati mga ang ibang teacher ay binabati rin ako. Aaminin ko na sa kabila ng nararamdamang pangamba ay natutuwa rin ako dahil nare-recognize nila ang talent ko.

"Ma'am,"

Nilingon ko ang pamilyar na boses na tumawag sa 'kin.

"Oh, Jom." Tawag ko sa kaniya.

"Tulungan ko na po kayo." Tukoy niya sa mga jersey na bitbit ko.

I smiled. "Ah, salamat."

He smiled back and carried both of the jerseys.

"Para sa mga athlete po ito?" Tanong niya habang umaakyat kami sa hagdan patungong second floor.

Tumango ako. "Yes, ipapamigay na sa kanila ngayon para magamit sa Thursday."

Natahimik kami pareho hanggang sa makarating na kami sa ikalawang palapag. Ngayon na lang ulit kami nakapag usap ni Jom, ngayon ko na nga lang ulit siya nakita eh. Sobrang busy kasi ako kahapon kaya wala na akong oras para gumala-gala sa campus.

"Uhm, congrats nga po pala." Basag niya sa katahimikan.

I smiled at him again. "Thank you,"

"Ang galing niyo nga po pala kahapon. Kahapon ko lang po kayo narinig kumanta, ang ganda po pala ng boses niyo. Tsaka ang galing niyo rin po sumayaw, as always." Dagdag pa niya.

I chuckled. "Thank you, Jom."

Ngumiti lang din siya.

"Tsaka... a-ang ganda niyo rin po pala kahapon." Mahina niyang sabi.

I smiled a bit. "Masyado mo naman na akong pinupuri niyan." Biro ko.

Umiling siya. "Hindi po. Totoo naman po eh." Sagot niya agad. "Ilang videos mo na po sa social media yung nakikita ko. Whenever I check the comments, I feel pressured. I saw a lots of guys admiring you. I feel threatened." Papahina niyang sabi, yumuko pa siya ng bahagya.

I chuckled again and didn't respond. I actually don't know what to say, kaya idinaan ko na lang sa tawa. I don't want him to misunderstand my words so I always try to keep my thoughts private instead of blurting them out.

I am aware of that, and I am delighted to receive such compliments from strangers. Stranger's compliment really hits differently.

But as it went by, it started to feel uncomfortable. Hindi na ako natutuwa sa mga pagbati nila sa akin. I feel scared. This isn't the college professor life that I'm used to. I want it all back to normal!

Nakakatakot ang dami ng engagement ng tao online. I can't put it into words but I don't really like it much now.

Pagkarating ko sa apartment ay laking ginhawa ko dahil wala ng tao sa paligid ko. Ibinaba ko ang bag ko sa gilid ng kama at binagsak ang katawan sa kutson. This was a tiring day.

My phone suddenly rang. Bumangon agad ako at kinuha iyon sa bag para sagutin. It was my one and only little sister.

[Ate! Sikat ka na ah! Lagi kong nakikita sa TikTok at Facebook yung video mo! Pati yung mga kapitbahay dito nababanggit sa amin ni mama yung video mo eh!]

Napakamot na lang ako sa batok. Yun na naman?

"Hmm, oo nga." Walang gana kong sagot.

[Edi pwede ka na mag artista niyan? Yayaman na tayo?!] Excited niyang bulalas.

Umirap ako at umiling. "Nananaginip ka ng gising, Mich."

[Tangek! Since viral ka na, for sure may mga gustong mag interview sa'yo na TV show o kaya naman content creators! May bayad yun, 'te!]

"Shabu pa," sagot ko na pang bago ako nahiga ulit sa kama.

[Si ate, parang tanga.] Naiimagine ko siya ngayong umiirap. [Dapat nga masaya ka eh. Ipakita mo sa ex mo kung ano yung sinayang niya, ganon! In your face! Lalo na at sikat at gwapo pa yung ka-love team mo ngayon!] Kinikilig niyang saad.

"Tss. Nananaginip ka lang, Mich. Anong love team love team?" Huminga ako ng malalim. "Hindi ko naman ginustong mag viral yung mga video na 'yon." Ipinikit ko na ang mga mata ko na kanina pa bumibigay.

[Hay naku, ate. Kung ako 'yang nasa posisyon mo ngayon, itatake ko na talaga yung opportunity! Hindi madaling madiscover 'no! Buti nga ikaw ilang araw lang viral na agad eh. Kung ako sa'yo mas pipiliin ko na lang sumikat, mas madaling magkapera.] Daldal pa niya.

Hindi na ako nakasagot dahil sa pinaghalong antok at pagod pero naiintindihan ko pa rin naman ang sinasabi niya. Kung alam mo lang, Mich, walang madali sa buhay. Lahat pinaghihirapan, lahat may kapalit.

[Kung ayaw mong sumikat, ate, sabihin mo na lang na may kapatid kang maganda na talented din! Ako na'ng bahala!] Mayabang niyang salita.

Mahina akong natawa. "Baliw. Bawas-bawasan mo nga yung paggamit ng katol, ha? Napapasama ka na."

[Ewan ko sa'yo, ate!] Naiirita na siya.

"Sige na, may mga gagawin pa 'ko. Tulungan mo si mama sa mga gawaing bahay." Bilin ko.

[Hmm,] at galit na nga siya.

"Sige, bye."

[Bye. Pangit mo.]

Natawa na lang ako sa huli niyang sinabi. Baliw talaga ang isang 'yon.

For the whole week, my life at school was like that. Pagpasok ko pa lang ay may babati na agad sa akin at babanggitin ang tungkol sa viral video ko. Hindi iyon titigil hanggang sa matapos na ang araw. Even on the events, the hosts were updated about it. Kalat na kalat na sa buong university ang tungkol doon. And I'm not that happy about it.

Every night before I sleep, I check the views and likes of my video posted online. Kada araw, nadadagdagan ang views at likes no'n. Kada araw, mas dumadami ang mga taong nakakakita no'n. Alam kong parang ang praning ko na, pero ayaw ko talaga ang pakiramdam ng maraming tao ang may kilala o pamilyar sa akin. It feels very uncomfortable.

It was eleven in the evening. My phone beeped when it received a notification. May ginagawa pa ako sa laptop ko kaya hindi pa ako natutulog. So I grabbed my phone to see what it was.

My eyebrows furrowed when I saw what it was. It was a message from Instagram. Since naka hide ang notifications ko ay kinailangan ko pang i-type ang password ko para makita kung sino iyon.

And to my surprise, the person who I didn't expect to message me, sent me a message.

felipsuperior
felipsuperior sent an attachment.

Sikat ka na ah

Well, that was new. It was the first time he sent a message first.

It was a clip of my viral video that has 200k likes and around 2k comments. Not to brag but, am I really that famous?

Me
Nanonood ka pala ng IG reels?

I was confused and a bit shocked, knowing that He's not that active on Instagram. May time pa pala siyang manood ng reels?

felipsuperior
Dumaan lang sa feed ko mismo

Me
Ahh

When he seenzoned me and didn't even react to my last message, that was the end of our conversation.

I tried checking other social media platforms like X, the new Twitter. I checked the trend list in the Philippines and Ken's name was there. When I clicked it, a bunch of his photos and videos on our university's event popped up. May mga video rin akong nakikita ng duet namin at ilang video na sumasayaw ako at fino-focus sa reaction ni Ken ang video. Puro matataas ang engagement ng posts dito.

Iba-iba ang caption at atake ng posts na nakikita ko. May mga proud kay Ken, may mga nababaliw at halatang nauuhaw sa kaniya, may mga kinikilig sa duet naming dalawa at sa reaction niya habang nag pe-perform ako, at meron ding mga kinikilig 'daw' sa aming dalawa.

Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang takot at kaba sa akin. Yes, I love performing. But I didn't like the fame.

As I scrolled through the comments, I saw nothing but positivity. Napapangiti tuloy ako dahil mukhang napaka supportive naman ng fan base ni Ken at nilang lima bilang grupo.

But negative minded people are really inevitable. I just passed by a comment, it wasn't that negative to me though, but it just felt off.

Lily @lilyyyyyyyyyy kaya pala kakaiba ang tinginan kanina kasi magkakilala na even before guesting pa lang.

Nagsalubong ang kilay ko nang mabasa ang reply ng taong 'yon. At first, I was shocked of course. How did this person know? Kilala ba niya kami? Kilala ko ba siya? Is someone spying Ken? Ang maliit na kaba na nararamdaman ko ay unti-unting napunta sa takot.

Wala iyong likes pero may iilang quote repost galing sa mga fans nila, pare-parehas lang ang sinasabi ng mga ito, na wala naman daw masama kung magkakilala nga kami ni Ken o 'di kaya ay ano daw ang proweba niya para masabi 'yon.

Kakaiba din naman tingin ko kay Ken pero di niya ko kilala.

Natawa ako sa isang quote repost na nabasa ko habang umiiling. Nawala tuloy ng bahagya ang kaba na nararamdaman ko kanina. Ang iba sa kanila, madalas mang dog show.

Out of curiosity, I clicked on that account with the name Lily. She might be a basher or just someone who's bitter for Ken's achievements, or maybe both.

May isa pa siyang tweet na posted ilang oras pa lang ang nakaraan.

Lily @lilyyyyyyyyyy galing naman magtago ng love birds. 😆 Distansya, ma'am. Akin 'yan.

I looked at my phone screen with disbelief. Tanginang 'to? Issue. I mean, yes, magkakilala kami ni Ken in real life. But that doesn't mean that there's something going on between us just like what this user is saying. Mga bitter nga naman.

Lily @lilyyyyyyyyyy syempre, asawa ko yan eh. 😛

My eyebrows furrowed when I saw one of her repost on Ken's photo. Wait, so she's not a basher. Is she a fan? Eh bakit niya sinisiraan si Ken? Halos lahat ng repost niya ay puro photo ni Ken, ang mga post at quote repost niya naman ay puro tungkol sa kung gaano niya kamahal si Ken.

Umayos ako ng upo at nag isip. Wait, if she's a fan, then maybe she's being bitter because she wants Ken for herself. Is she that into Ken?

Umiling na lang ako at pinatay ang cellphone. Hindi naman kasi talaga mawawala ang mga taong gaya niya sa buhay ng mga sikat na tao. Those people that are too in love with their idols to the point that they already look delusional. Though tama naman siya sa part na magkakilala nga kami ni Ken.

I don't know how, but after ten days, my performance video posted on TikTok has now officially gathered one million likes. The comments were mostly from Filipinos but I also see different nationalities praising me. Putangina, hindi ako makahinga. Hindi dahil sa saya kundi dahil sa kaba.

My heart is wilding inside my rib cage, hindi ako mapakali. Ngayong gabi ko lang ulit na-check ang social media ko dahil busy ako nung weekdays. Gumawa naman ako ng papers ngayong araw. I was just about to sleep after checking the views, pero mas nagising pa ang diwa ko dahil sa nakikita at nababasa.

Napabangon agad ako nang makita ang mga request message at email sa akin ng mga sikat na live morning show, isang sikat na weekend evening show, at pati ilang content creators. They are all asking for the same thing, an interview.

Tangina! Paano ba 'to?! I don't know how would I respond to these messages. Ito na ang kinatatakutan ko. Alam kong maraming beses ko nang sinabi 'to pero hindi ko naman talaga gustong sumikat.

Bigla na lang pumasok sa isip ko ang imahe ni Ken. Siya agad ang naisip ko dahil siya lang naman ang bukod tanging sikat na kilala ko. I don't know how to handle this stuff and he surely knows.

Me
Ken?

Pano ba 'to? 😭

Ayokong sumikat please😭 nananahimik lang ako dito oh. Gusto ko lang naman maging simpleng professor. 🥲

May mga gustong mag interview sa akin sa TV, even mga content creators. Anong gagawin ko? Hindi ko alam kung pano 'to. 😭 Wala akong alam sa ganito pls. 😭

Binagsak ko ang phone ko sa tabi ko at huminga ng malalim sabay hagod sa sariling buhok. Hindi nga pala mabilis mag reply ang isang 'to, lalo na at 8 hours ago na nung huli siyang naging active. Kanino ko ba ilalabas 'to?

Lumingon ako sa phone ko nang tumunog iyon. When I checked, it was Ken's reply.

felipsuperior
Ano ba sabi?

Hindi ko na pinansin kung mabilis man siyang mag reply ngayon. Dali-dali na lang akong nagtipa ng reply.

Me
Gusto nga ako interviewhin eh ayoko

felipsuperior
Edi idecline mo kung ayaw mo

Me
Pano ba?

felipsuperior
Gawa ka lang ng apology letter lagay mo yung reason kung bakit mo dinedecline yung offer pero mag pasalamat ka pa rin sa opportunity

Alam mo naman siguro gumawa ng letter

Napakamot ako sa ulo. Sa sobrang aligaga ay parang wala na ako sa tamang pag iisip. Nabablangko ang utak ko. Alam ko namang gumawa ng letter pero wala ako sa tamang huwisyo para mag isip!

Me
Di ko alammm pano ba? 😩

Sobrang dami nila di ko na alam kung among uunahin

😭😭😭

felipsuperior
Kumalma ka kasi

Ayaw mo ba talaga?

Me
Oo

felipsuperior
Mag send ka lang sa kanila ng formal letter, maiintindihan naman nila yun.

I sighed and replied 'sige'.

felipsuperior
Bakit ba kasi ayaw mo? Eh may TF yun

Baka mas sumikat ka pa pag nag appear ka sa mga platform na yan, instant celeb ka

Me
Eh hindi ko naman kasi gustong sumikat

Kahit mas madaling yumaman sa industry niyo, mas pipiliin ko pa rin maging normal na teacher. Mas pipiliin kong magtiis, atleast mas tahimik sa path na 'to at walang maraming tao na nag eexpect sa 'kin na tama lahat ang gagwin ko.

Kahit wala ako sa industry niyo, I see how it works. Kaunting mali mo lang, huhusgahan ka agad. Gagawan ka pa ng issue.

Dito pa nga lang sa school, naiissue na ko. Pano pa kaya pag sumikat ako? My gosh, cancelled agad ako ganon? Sira na pangalan ko tapos wala nang matitira sa dignidad ko at hindi na ako makakapag trabaho nang maayos? Wag na, mas gugustuhin ko pa maging normal na tao, yung hindi pinapakialaman yung buhay ko ng mga taong hindi ko naman kilala.

felipsuperior
Okay sabi mo eh

Huminga ako ng malalim at hindi na nag reply. Atleast may napagsabihan pa rin ako kahit papaano. I don't know how am I not afraid of performing in front on so many people, but scared of fame at the same time.

After calming myself, humiga na ulit ako sa kama para matulog. But before sleeping, I sent Ken a last message that he also saw immediately, but didn't reply.

Me
Thank you

"Ay, kayo po ba yung sumasayaw sa TikTok? Yung teacher po?" Tanong ng cashier.

Here we go again.

Ngumiti ako at umiiling. "Ay, hindi po. Hindi po ako nag ti-TikTok." Tanggi ko.

"Ahh, kahawig niyo po kasi." She doesn't look that convinced.

I forced a laugh. "Ahh, hindi po. Baka nga po kahawig ko lang." Pagsisinungaling ko.

Hindi ko na mabilang sa daliri kung ilang beses na ba akong nakasalamuha ng taong hindi ko naman kilala na iisa lang ang tinatanong sa akin. Dumating na ako sa point na itinatanggi ko na ang sarili kong katauhan sa mga tao, just to avoid further conversations.

Kaya ngayon, hindi ko na gugustuhing lumabas sa public na suot ang uniporme ko. Nagsusuot na rin ako ng mask tuwing mag co-commute ako at suot ang uniform. Parati na tuloy akong may baon na damit pamalit para lang makapag grocery pag Friday. I don't like attention, pwera na lang kung sa classroom o tuwing nag pe-perform ako.

Ilang araw ko rin pinag isipan 'to. Nanghihinayang kasi ako, pero inisip ko na lang na para naman mabago ang style ng buhok ko. Ginagaslight ko na lang ang sarili ko na tutubo rin naman 'to.

So I went to the salon and got a haircut and hair color. Ang dati kong plain ash brown na buhok na hanggang puwitan ay pinabawasan ko ng isang dangkal kaya naging hanggang likod ko na lang. I also asked to color my hair in red brown.

Nakangiti lang ako habang tinitingnan ang straight kong buhok na bago ang kulay sa harap ng salamin. Well, it still suits me. Bumagay ang kulay ng buhok ko sa morena kong balat.

Upon leaving the salon, I felt like a new person. Syempre, gandang ganda na naman ako sa sarili ko kaya nag selfie rin ako, pero hindi ko inupload. Baka kasi makita ng mga nang i-stalk sa account ko. Kaya nga ako nag iba ng hairstyle para hindi gaanong makilala ng tao.

"Wow, new hairstyle." Iyon agad ang bati sa 'kin ni Nads nang magkita kami sa hallway ng building.

Niyabangan ko siya ng tingin at nag hair flip pa.

"Bagay," nakangiti niyang sabi habang sinusuklay ang buhok ko gamit ang daliri.

"Bagay naman sa 'kin lahat eh." Mayabang kong saad.

"Ay, wow." She said sarcastically.

I chuckled. "Pakulay ka na rin!"

"Sa weekend,"

"Sige ah, wait ko 'yan next week."

I was checking the letter that I made again and again just to make sure that I stated everything carefully in a polite way. Nang masiguro kong wala na akong nalimutang detaly na ilalagay sa letter ay isa-isa ko na iyong sinend sa mga show at content creators na nag invite sa akin.

I sighed and rested my back on the monoblock before cracking my fingers. It's finally done.

Nag handa rin ako ng isa pang letter for public para magpasalamat sa mga taong nagpakita sa akin ng suporta, at para na rin humingi ng paumanhin. I am really thankful for them, and for the opportunity that is coming to me one by one, but this isn't the life that I wanted.

Els @els_c I am deeply thankful to everyone who showed support and are rooting for me in the idol industry. I appreciate the people who believed in me when they saw my talent. I love performing, however, entering the music industry is not in my heart.

I am very committed to my work as a teacher since I dreamed of being one as a kid. Teaching is my passion and I just can't leave it behind.

I apologize to all the people who are rooting for my talent to be acknowledged in the music scene. I am very happy to be given a chance to take good opportunities. But I am also happy and satisfied with who I am right now. I will never forget this moment and I will treasure this memory forever.

Thank you. ❤️

Hindi naman ganun karami ang followers ko sa X, ayaw ko naman mag post sa Facebook dahil maraming makikitid ang utak doon. Kaya sa X na lang ako nag post. Mga kakilala ko lang ang followers ko doon at ilang mga random people at fan account na fans ni Ken at nilang grupo.

Hindi ganoon kabilis ang pagdami ng likes at repost ng post ko. But after an hour, sunod-sunod na ang naging likes, replies, at quote post ng mga tao doon. Saying that they are also happy for me and they are thankful for having a committed teacher like me in the country.

Dito lang ako nakahinga nang maayos habang nakangiti na binaasa ang opinyon ng mga tao ukol sa post ko. My intention is to thank those people who believed in me, also to apologize for not entering the music scene like what they hoped for me to do.

felipsuperior
Ano? Okay na?

Jomari Eleazar
Good evening, ma'am. I saw your post on X. Don't worry, we will still support you no matter what your decision might be. You're still the best performer slash professor for me, for us. I, we, are proud of you. ❤️

Napakagat ako sa labi ko nang sabay kong matanggap ang chat ni Ken at Jom sa magkaibang platform. Pinindot ko muna ang message ni Jom at nag react ng puso sa message niya tsaka ako nag reply ng thank you. Muntik ko pa malagyan ng nak sa dulo, buti na lang hindi ko pa nasesend. Mabilis na nag seen at nag reply si Jom ng you're welcome.

Gaya ng dati, kunot ang noo ko na habang binabasa ang chat ni Ken. Hindi talaga ako sanay na siya ang unang nag cha-chat at mabilis pa siyang mag reply. It was like, it wasn't him. Feeling ko ibang tao ang kausap ko. Hindi ko na nakikita ang berdeng bilog sa icon niya.

Me
Hello. Yes, okay na. Salamat ulit.

Wow, from being active 13 minutes ago, the green circle is back.

felipsuperior
Kita ko tweet mo

Me
Ahh

felipsuperior
Daming likes

Me
Oo nga eh. Buti walang basher.

Pagka-send ko ng reply at dumiretso agad ako sa X para tingnan ang mga bagong komento ng mga tao sa post ko. Hindi na rin naman nag reply si Ken kaya scroll nalang ang ginawa ko.

I saw a familiar name that quoted my post, that Lily again.

Lily @lilyyyyyyyyyy Layuan mo na lang si Ken, daming ebas. Di kayo bagay. 🤢

Kasasabi ko pa lang na walang basher eh.

As usual, dinumog na naman ng mga fans ni Ken na tinatawag niyang sisiw sa hindi ko malamag dahilan, pati yung A'TIN na tinatawag nila ay rumesbak ng sagot.

Lily @lilyyyyyyyyyy gusto mo lang kamo maging non showbiz gf para di ka pag interesan, kaya mo nilalandi si Felip ko. Di bagay. 🤮

At talagang dumalawa pa siya. What is wrong with this person and her bitterness? At paano naman niya nasabing nilalandi ko si Ken? At ano naman sa kaniya kung nilalandi ko man si Ken? May magagawa ba siya? Wala.

Meron pala, tatahol at iiyak sa social media. Tss.

Hindi na lang ako sumagot, hindi rin ako nag like ng kahit anong comment. Sapat na sa 'kin na mas marami ang nakakaintindi sa gusto kong iparating kahit na ang iba ay sinasabing mali daw ang naging desisyon ko.

It's my life naman, so it's my decision.

"Tao po? Deliver po, Shopee."

"Wait lang po, kuya!"

It was five in the afternoon, halos kauuwi ko lang galing sa school. Iniwan ko ang pag aayos ng gamit sa mesa nang marinig ang katok at boses ni kuya rider sa labas para kumuha ng pambayad. Baka 'yon na yung inorder kong mga clear book.

"Bayad na po, ma'am."

Nagsalubong ang kilay ko. "Huh? Puro COD yung order ko, kuya."

As I checked the parcel, it was too small to be a clear book. Ano 'yan?

Tiningnan ni kuya ang parcel. "Mikaella Castillo, kayo po 'to 'di ba?"

Tumango ako. "Opo,"

"Eh sa inyo po ito. Tsaka bayad na rin po eh. Baka po nakalimutan niyo lang."

Tumango na lang ako. "Baka nga po." Then I accepted it. "Thank you po."

"Sige, ma'am."

Kumuha agad ako ng gunting at naupo sa monoblock tsaka ko iyon binuksan. Ano naman kaya ang inorder kong 'to? Lasing ba ako nung inorder ko 'to? Magkano naman kaya 'to?

When I opened it, it was a small box. Magaan lang at mukhang walang laman. Sinubukan ko pang alugin pero wala namang tunog. Nang buksan ko ang kahon ay tumambad sa 'kin ang isang maliit na envelope. I took it and opened it just to see a letter inside.

You're the worst one so far. Many have tried, no one succeeded. If you won't back out, I won't stop either.

You won't find me. You won't know me. You can't sue me. I know better.

Don't blame me, I already warned you, Mikaella Castillo.

____________________

Eto na, pasensya na, daming nangyari nung mga nakaraang araw eh.

Happy new year again!

- Nath(Nahhhlia)

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

128K 7.1K 83
"Everything" that's the one word that can describe Venice Zóbel cause she had everything. The money, beauty, brains, and everything that a woman coul...
873K 13.2K 52
*Please note that this story was written in 2013-2014. Sobrang daming typos and grammatical error because I never update it. Publishing it now becaus...
28K 915 32
After Justin got married, an unexpected accident occured that made him lost contact with his wife for several years. One day at their fanmeeting even...
224K 13.4K 11
Athena wants to be an architect to fulfill her late father's dream, but she secretly loves music and wants to be a composer. At West Town University...