Endless Harmony (The Runaway...

Por kemekemelee

142K 2.9K 1.9K

The Runaway Girls Series #3 All she ever wanted was his attention... that's what she initially thought when s... Más

Endless Harmony
Intro
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
The Lost Chapter
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Outro
Message
Playlist

Chapter 22

2.4K 51 19
Por kemekemelee

Adjustment

Kasalukuyan nang nasa Canada si Simon ngayon para sa isang araw nilang concert doon. Malakas din kasi ang demand nila doon dahil sa dami rin ng Pinoy na naninirahan doon. I can also say that they are also quite famous internationally. Unti-unti na rin silang nagkakaroon ng pangalan outside the country.

Ang hirap din pala ng ganito. I want to send him off, just like normal couples do. Gusto ko siyang mayakap at mahalikan bago ko siya panooring umalis pero hindi ko man lang magawa. Instead, pinili niyang umalis habang natutulog ako. Kahit paalam ay wala o halikan man lang!

“Kabisado mo na parts nito?” tanong sa akin ni Courtney habang pinapakita yung isang organ.

I shrugged. “Hindi pa. Tinatamad pa ako ngayon kaya saka na iyan.”

Panay sulyap naman ako sa phone ko dahil wala pa ring message si Simon sa akin. 18 hours ang flight mula dito sa pagkakaalam ko. Hindi pa ba sila nakakarating doon? Kanina ko pa chini-check kasi lagpas 18 hours na.

“Bakit ba panay sulyap ka sa phone mo? Para kang naghihintay ng update sa jowa kahit wala ka naman no’n!”

May jowa kaya ako kung alam niyo lang!

Ngumuso ako. “Oras lang binabantayan ko. Excited na ako sa next subject eh.”

“Kailan ka pa naging interested sa Theology? Kulang na lang nga ay isumpa mo ang subject na iyon!” Autumn chuckled.

Kanina pa ang huli kong message sa kaniya. I’m still figuring out whether I should bombard him with messages asking where he’s at or for updates. May parte sa akin na gustong gawin iyon pero may parte rin sa akin na iniisip na baka masakal siya kung gagawin ko naman iyon.

When I feel like asking him for something or an update, I always remember that he used to think relationships were about controlling and manipulation. The last thing I want is for him to feel that way in our relationship.

Simon Griffin Benitez

hiii good morning
nakaalis ka na pala
ingaaat

Sa huli ay mas nananaig sa akin na hayaan na lang siya na magkusa sa akin. Kung gusto niya na mag-update, ayos lang naman. Kung ayaw niya naman ay ayos lang din. Gusto kong iparamdam sa kaniya na libre niyang magagawa ang gusto niya kahit pa may girlfriend na siya.

I want him to understand that being in a relationship is about freedom. Like a bird with the ability to soar whenever it wished—this relationship isn’t a cage but rather wings guiding him to where he wants to be.

“Darlene, inom daw mamaya. Sama ka?” anyaya sa akin ni Autumn.

Umiling ako. “Pass muna ako. May gagawin ako mamaya.”

“Lagi na lang pass. Ano ba iyang ginagawa mo para ipagpalit mo na ang alak? Hindi ka naman dating ganiyan!” komento pa ni Courtney.

Humalakhak naman ako dahil sa narinig. Si Autumn naman ay humawak pa sa magkabila kong balikat habang niyuyugyog ako.

“Ilabas mo si Darlene. Ibang tao itong kausap namin!” sabi pa ni Autumn sabay yugyog sa akin.

“Babawi talaga ako next time. Promise ko na iyon! Kahit ako pa sumagot ng entrance fee at ng alak niyo just not now kasi busy pa ako,” I said while packing my things.

“Para kang may boyfriend. May kinikita ka every after class, ano? Umamin ka!”

Napahinto naman ako sa ginagawa ko. Halata ba sa akin na may boyfriend ako? Hindi ba ako magaling magtago?

I shook my head. “Kung may boyfriend ako edi sana sa inyo ko unang sinabi.”

“Sige na nga. Basta babawi ka next time, ha!”

“Promise talaga,” I said.

Agad akong lumabas ng room dahil kanina ko pa naramdaman na nagva-vibrate ang phone ko. Binuksan ko kasi ang do not disturb ko except lang kay Simon kaya alam kong tumatawag na siya sa akin ngayon.

Nilabas ko ang phone ko nang makapasok ako sa kotse. Pinatong ko iyon sa dashboard bago ko sagutin ang invitation ni Simon para makapag-video call kami.

Pinaandar ko ang kotse bago ko sinulyapan si Simon na nasa kabilang screen. Sa background pa lang ay makikita na kararating niya pa lang sa hotel na tinutuluyan nila.

“Are you driving?” pambungad niyang tanong.

“Ay, hindi. Nagsi-swimming talaga ako,” sarkastiko kong sagot.

Narinig ko naman ang mabigat niyang paghinga mula sa kabilang linya. Itinuon ko naman ang pansin ko sa kalsada. Oo, gusto kong lumandi pero syempre ayaw ko naman na mamatay dahil lang sa kalandian ko!

“Are you mad?”

I shook my head. “Bakit naman ako magagalit?”

“Sorry if I left without giving you a heads up,” he said, letting out a deep sigh.

I remained silent. Hindi pa rin makatingin sa kaniya dahil busy ako na magmaneho.

“I just don’t want to leave with the feeling that you were watching me,” dagdag pa niya. “Kasi baka hindi na lang ako umalis dahil maiiwan kita.”

Kinagat ko ang pang-ibabang labi ko dahil sa narinig. Balak ko sana na magtampo pero dahil sa sinabi niya, parang gusto ko na lang na paliparin itong kotse para makauwi na ako. Alam niya talaga kung paano ako kuhain!

“Hindi naman ako galit. Ang babaw ko naman para magalit sa bagay na gusto mong gawin,” sabi ko habang nakatitig pa rin sa kalsada.

“We can talk later. Magbibihis muna ako tapos magmaneho ka muna.”

Tumango ako. “Alright. Call me after 30 minutes.”

I remained focused while driving. Nasa Toronto sila Simon ngayon kaya kung tutuusin ay baka madaling araw pa lang doon. Maybe after this one, I’ll just have a quick chat with him. Mahaba pa naman ang flight nila kaya paniguradong napagod iyon.

10 minutes bago ako nakauwi sa condo. Halos alas siyete na rin ng gabi dito kaya mas lalong malapit na umaraw sa Toronto ngayon. Sandali muna akong nagbihis at naghilamos bago ko sinagot ang tawag ni Simon.

“Nakauwi na ako,” pambungad ko habang pinapakita ko ang kwarto ko.

Humikab naman si Simon habang nakatingin sa akin. Napansin ko rin na dim na ang lights sa kwarto niya. Halata ko rin ang pagod sa mata niya at para bang pinipilit niya na lang ang sarili na dumilat para makausap ako.

“What did you do today?”

“Nothing special. Lesson lang tapos may pupuntahan daw kaming pond para maghanap ng mga organism na related sa lesson,” yamot kong kwento sa kaniya.

He chuckled. “Bakit inis ka?”

“Because we have to go through all that trouble just to get a glimpse of what they look like under the microscope!”

“You have no choice,” iiling-iling siyang natawa.

I pouted. “How about you? Kamusta flight niyo? Umaga na d’yan diba?”

He grabbed his phone and showed me how he pulled up the blinds to give me a better view of what was happening in his place. The sun was already rising in Toronto. Inilipat niya ang view sa back camera niya at doon ko mas nakita ang kabuuan ng lugar.

Ilang minuto lang at kumalat na agad ang liwanag doon. Habang dito naman ay kalulubog pa lang ng araw. Isang araw pa lang pero pakiramdam ko sobrang layo na sa akin ni Simon. However, I don’t want to cause him trouble. I’ll just keep this feeling of longing to myself until he comes back.

“Umaga na dito pero yung katawan ko patulog pa lang,” sabi niya bago niya binaba ang blinds kaya dumilim ulit. “Gigising ako ng alas dose para sa rehearsal.”

“Let’s talk later. Umaga na d’yan kaya matulog ka na muna. Pwede pa naman tayo mag-usap ng ibang oras.”

“Alright. Matutulog muna ako. Magdi-dinner ka na ba?”

I nodded. “Oo, tapos magre-review ako mamaya kaya baka gabihin din ako.”

Agad kong binaba ang tawag para makatulog na siya. Ilang oras lang ang tulog niya tapos kinagabihan, concert agad nila? Hindi ba iniisip ng management nila na kailangan nila ng pahinga?

Kahit man lang sana dumating sila doon a day before the concert. Mabuti na lang ay may dalawang araw silang pahinga pagkatapos ng concert. Ayaw ko pa nga sana na pauwiin si Simon agad pero siya rin naman ang may gusto na umuwi sa ikatlong araw niya doon.

Ilang oras pa akong nag-review bago ako nakatulog. Nag-iwan lang ako ng mensahe kay Simon na matutulog na ako. Hindi ko na rin pinili pa na tadtarin siya ng message dahil baka maisip niya na ang OA ko na masyado.

Kahit hirap na hirap akong bumangon, pinilit ko ang sarili ko na magising ng 6 AM para lang makausap si Simon bago ang concert nila. Sinet ko na rin ang world clock sa phone ko kaya alam kong 5 pa lang doon ng hapon. 7 ang start ng concert nila kaya maaabutan ko pa siya.

Simon Griffin Benitez

Otw to arena
sent a picture

Rehearsal done
sent a picture

2 more hours before the concert
sent a picture

Me missing you:
sent a picture

I started to feel less sleepy as soon as I saw the pictures he sent while I was asleep. Hindi ko na rin napigilan ang sarili ko na mapangiti. Hindi nga gano’n karami ang message niya pero hindi niya pa rin nakalimutan na mag-update kahit hindi ko naman hinihingi.

Kung kusa naman niyang ginagawa ay sa tingin ko ayos lang naman. Hindi ko nga lang kaya na mag-demand pero kahit papaano ay napanatag ako dahil alam ko pa rin ang mga ginagawa niya.

“Just woke up?” I heard his soft chuckle.

Noo niya ang bumungad sa akin na agad niya rin namang binaba kaya ngayon ay kita ko na ang kabuuan ng mukha niya.

I nodded. “Nag-alarm ako. Can’t miss this event,” sagot ko habang kinukusot ang mata ko.

“Go back to sleep. I’ll send you some videos later, so you can watch them whenever you want.”

“Ayos lang ako. Magkakape na lang ako habang nanonood ng illegal livestream,” humagalpak ako ng tawa.

He raised his brow. “And you’ve got the nerve to tell the artist about the illegal livestreams? Sa akin pa talaga, Darlene?”

Mas lalo namang lumakas ang tawa ko. Iminuwestra ko ang laptop ko habang pinapakita ko sa kaniya ang mga link na nahanap ko online.

“Naka-bookmark na nga sa akin. Kayo na lang hinihintay ko bago ko simulan ito.”

“Unbelievable!” he shook his head while laughing heartily.

“Isusumbong mo ba ako? Huwag niyo ipa-take down ang link, ha!”

“That’s not acceptable... but just this once, I’ll let it slide since you’re watching,” he said before letting out a deep sigh.

I grinned wider, thinking he accepted my behavior because I am his girlfriend! Kung minsan ay hindi pa rin talaga ako makapaniwala pero ngayon? Parang sinampal na talaga sa akin na girlfriend nga ako ng nag-iisang Simon Griffin Benitez!

“Yehey, thank you! Sige na, doon ka na. Gusto ko na manood ng concert niyo.”

He rolled his eyes. “I’ll talk to you later.”

Ngumisi na lang ako habang kumakaway sa kaniya. Pagkatapos naming mag-usap ay agad akong nagtimpla ng kape at umorder na rin ng pagkain online. Hapon pa naman ang klase ko kaya marami pa akong oras ngayong umaga.

Kumakain ako ng burger at nuggets habang nanonood ako ng livestream. Nangunot ang noo ko nang mapansin ko na hindi naman sila Simon ang nasa stage. Sinipat ko naman ang ibang link dahil baka mali lang ang napindot ko pero wala pa ring pinagkaiba iyon.

Saka ko lang narealize na ito siguro ang opening act ng Equinox. Nag-iisa lang ang babae sa stage. May malaking piano sa harap niya at mikropono na sakto lang para maabot niya. Umawang ang labi ko nang makita ko sa screen ang itsura niya.

Her beauty is indescribable. Masyadong maamo ang mukha niya na tipong sa tingin ko ay hindi siya gagawa ng kalokohan. Bilugan ang mukha at maliit ang labi. She’s fair like an angel. Ang inosente niya tingnan!

“Good evening, Toronto!” she chuckled.

Nakaramdam ako ng kirot sa puso nang marinig ko ang mahinhin at malambing niyang boses. Sila Simon ba ang pumili sa kaniya? Kung sa gano’n edi magkakilala na sila? Parang pinipiga ang puso ko sa naisip.

“Hey, I’m Ariel! I started my journey last month. Today, I’ll be singing some tracks from my fresh mini album. Hope you enjoy them!”

She flashed a sweet smile after that. Hindi man siya kilala ng mga audience pero agad niyang nakuha ang atensyon nila dahil sa hiyawan na narinig ko.

Pretty privilege.

Kumirot ang puso ko nang marinig ko ang boses niya. I started to feel... small again. Na wala na naman akong laban sa mga babae na nakakasalamuha ni Simon. At itong si Ariel, sigurado akong mabilis siyang sisikat.

Maganda ang boses niya. Malambing at alam kong magiging kalmado ang kahit sinong makarinig sa kaniya. She’s just too perfect. At maisip ko lang na magkasama sila ni Simon ngayon ay para na naman akong dinudurog.

Kung siya ang opening act nila sa lahat ng tour nila, ibig bang sabihin ay magkasama sila palagi?

Bago pa man mag-perform sila Simon ay mas pinili ko na lang na isara ang laptop ko. Hindi ko na kayang panoorin yung Ariel dahil mas lalo lang akong nanliliit sa sarili ko. Pinamukha lang sa akin na magkaiba ang mundong ginagalawan namin ni Simon.

“Darlene! Darlene!”

Napahinto ako sa paglalakad ko nang marinig ko ang boses ni Enoch. Hinarap ko siya at napansin kong mukhang kagagaling niya lang sa practice nila.

“Ano?”

He frowned. “Galit agad? Wala pa nga akong sinasabi.”

“Papunta na kasi ako sa klase ko. Bilisan mo kasi nagmamadali ako,” I urged him.

“I just want to hang out you know kahit coffee lang? Ikaw naman! Sabi mo friends tayo pero kung makaiwas ka akala mo may baktol ako,” sabi naman ni Enoch.

Parang may bumara sa lalamunan ko habang nakatingin ako sa phone ko. I refreshed Ariel’s account. May bago siyang story sa Instagram at kitang-kita ko doon na nagdi-dinner siya kasama ang Equinox.

Magkatabi sila ni Simon sa picture. Huminga ako nang malalim para pigilan ang sarili ko na maluha dahil sa nakita ko. Tama pa ba itong mga desisyon ko sa buhay? Akala ko noon masaya ang magkaroon ng sikat na boyfriend.

But now I am starting to think that maybe this is not a good decision at all.

“Darlene!”

I snapped back to reality when I heard Enoch’s voice.

“S-sige, sasama ako.”

“Ano ba iyang tinitingnan mo sa phone mo? Para kang nakakita ng multo. Namumutla ka,” he pointed out.

“Wala naman. Sige, kita na lang tayo mamaya.”

Bahagya namang nanlaki ang mata niya dahil sa sinabi ko.

“A-are you sure?”

I nodded. “Sure ako.”

“Sunduin na lang kita mamaya. Hanggang anong oras ba ang klase mo?”

“5 pm,” I croaked.

Nauunawaan ko naman si Simon pero ngayon ay parang nagdududa na naman ako. Sa dami ng babaeng pwede niyang magustuhan, bakit ako pa ang napili niya?

I really want to lash out and ask him about his connection with Ariel, but that would just mean I’m making the same mistake as his ex. Bago pa man ako mapunta sa sitwasyon na ito, akala ko magiging madali ang lahat. Iintindihin ko lang naman si Simon at hindi ko ipaparanas sa kaniya ang naranasan niya noon.

But that was just words. Confident lang ako noon dahil wala pa naman ako sa sitwasyon. Ngayong ako na mismo ang nakararanas, masasabi kong mahirap pala talaga.

Hindi ko na alam. Sana nga ay sa una lang ito. Normal lang naman na magkaroon ng questions lalo na at nag-uumpisa pa lang kami. I just hope these questions won’t stay unanswered as time goes by.

“Nasa labas si Enoch. Sino kayang pinunta niyan dito?” tanong ni Autumn.

Nanatili ang tingin ko sa lesson namin. Mukha man akong nakikinig pero lumilipad pa rin ang isip ko.

“Baka si Darlene,” sagot ni Courtney.

I nodded. “Ako nga.”

Suminghap ang dalawa dahil sa sinabi ko. Napailing na lang ako habang nilalabas ang phone ko para silipin ang mga mensahe ni Simon sa akin.

Simon Griffin Benitez

Concert done. Natapos mo ba?
May dinner pala kami after nito.

Eating dinner atm
sent a picture

Nasa school ka na?
Kararating ko lang sa hotel.
Matutulog muna ako.
Stay safe, Darlene.

Mas lalong bumigat ang paghinga ko nang makita kong iyon lang ang mga message niya. Ang picture naman na pinadala niya ay picture lang ng pagkain. Hindi man lang pinakita kung sino ang mga kasama niya. Kahit pa alam ko na kasama si Ariel doon pero gusto ko pa rin na sa kaniya mismo manggaling.

Nagtipa na lang ako ng mensahe para sa kaniya. I have to let him feel that I am an understanding girlfriend. Na naiintindihan ko siya kahit pa sa loob loob ko ay selos na selos na ako.

Simon Griffin Benitez

sleep well 😙
pauwi na rin ako
you did well today ❤️
so you deserve to rest

Agad kong tinago ang phone ko. Hindi na siya mag-aalala dahil sa message ko. Mas mabuti na rin iyon dahil sa tingin ko ay kaya ko naman itong itago na lang sa sarili ko. Sa huli ay makakasanayan ko na lang din.

Sanay naman na akong magkimkim ng problema ko kaya maning-mani na lang itong sa amin ni Simon.

“Saan mo gusto?” bungad na tanong sa akin ni Enoch nang makalabas ako.

I shrugged. “Kahit saan na lang.”

“You decide. Please?”

Hindi ko na rin alam kung bakit bigla akong pumayag dito kay Enoch. Nakita ko lang yung post ni Ariel tapos um-oo na ako.

“Starbucks na lang sa Katipunan,” sagot ko.

He grinned. “Alright!”

Tahimik lang ako habang naglalakad kami patungo sa Katipunan. Panay sulyap din sa amin ang bawat estudyante na nakakasalubong namin. Of course, sikat ba naman itong kasama ko. Nalalapit na rin kasi ang UAAP season kaya mas lalong matunog si Enoch ngayon.

“You look bothered. Uwi na lang kaya tayo? Next time na natin ituloy,” sabi ni Enoch.

“Ayos lang ako. Huwag mo akong isipin masyado.”

Napairap naman ako nang huminto siya sa harapan ko. Tinitigan niya ako nang mabuti bago siya umiling.

“Hindi ka okay,” sabi niya sabay turo sa akin. “Kung ayaw mong umuwi, edi pag-usapan na lang natin iyan.”

I sighed. “Ang daldal mo. Bilisan na lang natin para may maupuan tayo.”

Sumunod ako kay Enoch hanggang makarating kami sa Starbucks. Mabuti na lang at hindi pa gano’n karami ang tao kaya nakahanap kami ng mauupuan. Siya na rin ang nag-order para sa akin kaya naghintay na lang ako sa kaniya.

Bumalik siya sa table habang hawak ang order namin. Napangiti naman ako nang maamoy ko ang kape.

“So, let’s talk about it. What’s bothering you?” dire-diretsong tanong ni Enoch.

“Huh? Sino ba may sabing may problema ako? Ayos nga lang ako.”

Pinitik niya naman ang noo ko. “Hindi ka magaling magsinungaling.”

“Aray ko. Punyeta ka!” reklamo ko sabay kurot sa kaniya. “Sino may sabing pwede mo akong pitikin? Bwisit ka!”

“Alright. If you don’t want to talk about it, then fine. Hindi na kita pipilitin.”

Sumimsim siya sa kape niya habang nakatitig sa akin. Ano bang pumasok sa isip ko at sumama ako sa isang ito?! Dapat pala umuwi na lang ako.

“Wala ka bang practice ngayon?” I asked him.

He smirked. “Meron.”

“So, bakit ka nandito? Mag-practice ka na doon! Baka mamaya ako pa sisihin kapag natalo school natin.”

“Saglit lang naman ito. Lagi na lang ako nagpa-practice!” reklamo niya.

Hindi rin kami nagtagal ni Enoch dahil talagang isiningit niya lang ito. May practice pala talaga siya kaya tinulak ko na siya paalis. Kung hindi ko pa pinilit ay baka nga tumagal pa kami doon. Team captain tapos pawala-wala?! Siraulo talaga.

Bumalik kami sa school nang magkasama. Siya na dumiretso sa basketball court, habang ako naman ay nagtungo na sa parking area. Ilang ulit kong pinakalma ang sarili ko bago ko kinuha ang phone ko.

Nakita ko naman sa notification ko ang story ni Enoch na naka-tag sa akin. Picture naming dalawa iyon habang nagkakape. I clicked the story and decided to share it on my story. Siguro naman ay hindi masama iyon dahil magkaibigan lang naman kami.

Bago ko pa tuluyang maitago ang phone ko, sinilip ko muna ang lahat ng nag-view sa story ko. Halos malaglag ang puso ko nang makita kong naka-view na si Simon sa story ko na halos wala pang isang minuto nang i-share ko!

Gising na siya?!

Seguir leyendo

También te gustarán

1.1M 21.3K 49
The Prestige Series 1 Layana never liked the idea that her first love suddenly left her without any warnings. For her, a demon is real. It has a face...
5.1K 1.4K 44
She woke up from the deep but uncomfortable sleep. The moment everybody's been waiting for, As the brilliant sun flashes through her gentle face. Her...
1.4K 47 4
WARNING: MATURE CONTENT || R18 || ON-GOING A virgin man and a liberated woman. Date Started: Date Ended: