Ditto Dissonance (Boys' Love)

Galing kay JosevfTheGreat

929K 31.9K 21.1K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... Higit pa

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)

Chapter 8

14K 447 122
Galing kay JosevfTheGreat

Chapter 8: Meeting with Hatred

#DittoDissonanceWP

How's the story so far? Vote for this chapter! Thank you :P

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Zern's Point of View (ᴗ͈ˬᴗ͈)

"Ang arte mo naman, Leroy! Bumalik pa talaga tayo dito sa school para lang makapagpalit ka ng damit," reklamo ko habang nasa elevator kami paakyat sa fourth floor.

Tinaasan niya ako ng kilay. "Okay lang 'yan, magpalipas muna tayo ng oras sa room ko. Maya na tayo umalis, ang aga pa. Wala pang pogi ro'n," sabi ni Leroy.

Napanguso ako nang na-realize kong kapapatak lang ng gabi. Mga ganitong oras, traffic pa lang dahil sa rush hour. May point si Leroy, pero ang arte niya pa rin. Puwede naman kami magpalipas ng oras sa Tafiti's Cafe.

"Maligo ka na rin. Balik ka rin ng room mo, tapos balik ka na lang din ulit dito," sabi ni Leroy at saktong kabubukas lang ng elevator.

Hanggang 'pagkarating namin sa tapat ng pinto ng room ni Leroy, iniisip ko kung maliligo ba ako o hindi. Naligo naman na ako. Mabango pa rin naman ako. At saka nakakatamad bumalik sa room, baka makasalubong ko pa 'yung tukmol na Caiden na 'yon. Mas maganda kung mas late na ako babalik sa room.

Binuksan agad ni Leroy ang air-con pagpasok namin. Prente kaming naupo ni Ashton sa sahig na nilatagan pa ni Leroy ng carpet dahil maarte siya. Since ayaw niyang umuupo kami sa kama niya, naglagay na siya ng carpet na uupuan at puwede rin naming higaan ni Ashton.

"Nasaan roommate mo?" sabi ko at nilingon si Leroy na nagkakalikot ng damit sa closet niya.

Nagkibit-balikat siya, "Malay ko. Hindi naman kami close. Siya ulit roommate ko. Hindi naman talaga kami okay no'n. Basta wala kaming pakilamanan, 'yon na 'yon."

Bumuntonghininga lang ako sa naramdamang inip. Matagal pa kaming mananatili dito sa room ni Leroy na walang ibang makukuha kundi lamig.

Inabala ko na lang ang sarili ko sa phone ko. Dahil 'yon din ang ginagawa ni Ashton. Habang si Leroy ay nagsimula ng maligo.

tite @zjoshvilla

Tangina mo caiden. Tangina din ng kaibigan mong ballpen yung pangalan. Mga supot naman kayo.

tite @zjoshvilla

Sana may pogi later sa night club. Please sana mapili yung prayer ko.

Nakapag-tour na ako sa buong social media ko, hindi pa rin tapos maligo si Leroy. Ang tagal! Alas-otso naman na. Baka puwede na kaming pumunta ro'n. Nabo-boring na ako. Sa tagal maligo ni Leroy, lipas na lipas na 'yung oras.

"Ang tagal naman maligo ni Leroy. . ." reklamo ko bago tumihaya ng higa at nilingon si Ashton na nakaupo't nakasandal sa kama ni Leroy.

Mula sa phone niya ay tiningnan niya rin ako pabalik, "Nire-ready niya siguro sarili niya. Gusto ata ng lalaki," sabi niya at mahinang natawa.

"Ikaw, hindi mo ba ipapakilala sa amin ang mga girls mo? Wala ka man lang pinapakilala sa amin. Or baka naman boys ka na rin," sabi ko at kinurot ang binti niya gamit ang daliri ko sa paa.

He chuckled and brushed away my foot. "Hindi naman kasi ako interesado sa mga flings, Zern Josh Villarama. At kung magkakagusto man ako sa lalaki, ikaw ang unang makakaalam," sabi ni Ashton.

Umakto akong napanganga sa gulat. "Gago. So, magkakagusto ka talaga sa lalaki? Bagay naman sa 'yo. Pero mag-ingat ka sa mga baklang abusado. Once is enough lang palagi! 'Wag kang uulit makipag-sex."

Humalakhak siya. "Wow, sa sinabi mo ngayon parang confirmed mo na na magkakagusto talaga ako sa lalaki," sabi ni Ashton.

"In case lang! At least alam mo, 'di ba? Siyempre, kaibigan mo kami ni Leroy. Parehas kaming bading. Kung sinuman ang magga-guide sa 'yo, kami 'yon," proud ko pang sabi.

Nangunot ang noo ni Ashton. "Ikaw ang unang makakaalam kapag nagkagusto ako sa lalaki. Hindi si Leroy, ikaw," pagka-clarify niya sa akin.

Nanliit ang mga mata ko sa kaniya. "Ikaw, ha! Baka naman may kinikita ka ng cute na maputing guy, ha? Type mo pa naman sa mga girls 'yung mapuputi."

Ngumisi lang siya at umiling bago binalingan ang phone niya. Dahil do'n, mas lalong nanlaki ang mga mata ko. Hindi kaya, bading na rin 'tong si Ashton? Okay lang naman kahit ano siya. Kung kailan niya gustong sabihin sa amin, okay lang din. Baka mini-make sure niya pa kung ano ba talagang nararamdaman niya.

8:45 p.m. nang natapos si Leroy maligo. Nakabihis na siya at nakapag-ayos na rin. Parehas kaming nakangiwi sa kaniya ni Ashton. Siya, ayos na ayos. Tapos kami ni Ashton, simple lang. Mukha ko lang ang puhunan ko, kakatamad pumorma. Likas na maputi ako, gwapo and cute at the same time, at mabango ang hininga. Check na check na 'yon.

"Putangina mo, Leroy. Mukha naman kaming alalay sa suot mo," singhal ko sa kaniya at napabangon habang siya ay abala sa paglalagay ng kung anong cream sa tapat ng salamin.

Leroy chuckled. "Mukha ka naman talagang alalay, Zern. Hindi mo matanggap na mas cute at sexy ako sa 'yo," sabi niya at mas natawa.

Hindi ko siya pinansin kasi silence is the greatest rebellion. Charing. Naiinip na kasi ako. Nakakaramdam na rin ako ng antok. Ang lamig pa sa room ni Leroy. Na-scroll ko na ata 'yung kalahati ng catalog ng buong Twitter sa sobrang tagal ni Leroy kumilos.

"Naiinip na 'yan si Zern, Leroy. Ang tagal mo maligo kasi," sabi ni Ashton.

Katatapos lang maglagay ng cream ni Leroy bago hinarap si Ashton, "Guys, mag-night club tayo. Kailangan kong makakuha ng lalaki. Kaya kailangan mabango ako," sabi ni Leroy.

Hindi namin siya pinansin ni Ashton. Sa tagal niya nakatatamad na mag-night club. Parang gusto ko na lang matulog sa kwarto ko. Mag-advance study na lang siguro, gano'n. Kakainip amputek! Kaartehan nito ni Leroy.

"Ako ngang kulang sa dilig, hindi na magbibihis masyado. Gusto ko lang mag-night club kasi nami-miss ko na. At may pasok na bukas. Baka marami na naman agad ipagawa," sabi ko.

"Ikaw 'yon, beh. Ako hindi," sabi niya at inaayos naman ngayon ang bag na dadalhin niya.

Umirap lang ako sa ere sa sobrang inip. Napatingin ako sa phone ko nang tumunog 'yon. May chat si Mama sa GC namin nina Papa at Kuya.

Villarama's Household

M4M4 B34R:

@Zern nak,? kmain kna?

CUT3 BUNS0 B34R:

Yes, Mama. Kumain kami ng ramen nina Leroy. Mag-night club din kami bago magsimula ang klase bukas. Kayo po ni Papa?

M4M4 B34R:

Kumain n kmi d2. nag aaya na nga matulog papa mo...

CUT3 BUNS0 B34R:

Maglalampungan lang kayo ni Papa, e. Si Kuya ata hindi uuwi. Maghohotel ata sila ni Katie. Maglalandian din. Sana all diba may kalandian. Mga mapanlamang kayong mga Villarama kayo.

P061 P4NG4N4Y B34R:

Inggit pikit na naman ang bading kong kapatid. :)

P4P4 B34R:

Ma2l0g kna, zern. maaga pa paxok mo bkas. puro ka kabadingan dyn

M4M4 B34R:

Pnagka2isahan nyu nnman si zern. hayaan nyu sya mag club. bu0ng bkasyon nyu siya hnd pinayagan...

CUT3 BUNS0 B34R:

Kausapin mo nga 'yang asawa mo, Ma. Ang lakas na naman ng amats. Nasobrahan na naman ata 'yang asawa mo sa kakanood ng sabong sa phone niya.

P4P4 B34R:

Huy! exqs me, nak. yung ky coc0 m4rt1n pinapanuud q. aksyon star kc papa mo :)

CUT3 BUNS0 B34R:

Walang nagtatanong, Papa. Sleep ka na po, baka ikaw po ang barilin ni Mama diyan.

M4M4 B34R:

Hahahaha... asar talu nnman papa mu d2. binbas2s mo dw siya... hahaha. binaba n yung phown nya! hahaha

CUT3 BUNS0 B34R:

HAHAHAHA buti nga. Manood ka na diyan ng coco martin, Pa.

P061 P4NG4N4Y B34R:

Grabe, bastos na anak. Dapat diyan tinatakwil, @P4P4 B34R.

CUT3 BUNS0 B34R:

Isa ka pang baliw. Asikasuhin mo si Katie diyan. Parang siling tiririt na nga lang 'yang ano mo, ampangit pa ng performance mo.

P061 P4NG4N4Y B34R:

Kita mo na? Pati ba naman ako sinisilipan mo. Kapatid mo ko, Zern. Grabe ka.

CUT3 BUNS0 B34R:

Basahin mo yang sinabi mo at mangilabot ka mag isa mo. Kadiri ka. Dugyot.

"Tara na, Zern. Kanina ka pa nakatutok sa phone mo," napatingin ako kay Leroy na kakakuha lang ng susi ng room niya at ready na umalis.

Kinunotan ko siya ng noo. "Baliw ka ba? Kanina pa kami naghihintay dito ni Ashton. Pa-toothbrush muna ako! Pahiram ako ng extra toothbrush mo."

"Kuha ka ro'n sa CR," sabi ni Leroy at siya naman ang tumutok sa phone niya.

Tumayo na ako at saktong kalalabas lang din ni Ashton ng CR. Nag-CR pala siya. Mukhang naghilamos siya at nag-toothbrush din. 

Nag-ayos lang ako kaonti ng buhok ko matapos kong maghilamos at mag-toothbrush. Napanguso na lang din ako sa simple kong outfit. Closed-neck plain white shirt na hanggang crotch at ripped jeans along with sandals.

'Pagkalabas ko ng CR ay nasa labas na sila at hinihintay na lang ako. Quarter to ten na agad. Sakto lang din pala 'yung alis namin. Mga 10 p.m. ando'n na siguro kami.

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

After filling ourselves with ramen, we went out to get coffee at Ginto's Coffee. Ililibre kami ni Titus dahil kanina pa kami nabibuwisit sa kaharutan niya. Kaya kahit ayaw kong magkape, pumayag ako. Perhaps we can kill some time. It's too early for nightclubs. And maybe I'll take a shower first.

Titus ordered for us. By the time our coffees were done, he also got it for us. Magnus and I got Americano. Echo and Titus got Caramel Macchiato.

"Dito muna tayo. Ang aga pa pala. Baka bumalik din ako sa dorm, para maligo," sabi ni Echo at sumimsim sa kape niya.

"Me, too. Baka mamaya maamoy ako ng mga girls na amoy ramen," sabi ni Magnus at mahinang natawa.

Nakitawa lang din ako habang hawak ang kape ko habang kinakagat-kagat ang straw. Lumipat ang mga mata ko kay Titus na tahimik lang na umiinom ng kape niya. Hindi siya gaano nakitatawa kaya nangunot ang noo ko.

"Pre, 'wag mong sabihing nagtatampo ka dahil pinagsabihan ka kanina ni Magnus?" Sabi ko kay Titus kaya napatingin siya sa akin.

Lumipat na rin ang tingin nina Magnus at Echo kay Titus. Nilapag niya ang kape niya at umiling. Usually kasi, tahimik lang si Titus. Maingay lang siya kapag nang-aasar at kapag kasama nga kami. Okay lang sana maging maharot siya, sobra lang kasi. Para na siyang babaeng nag-iinarte at malakas 'yung topak.

"Hindi, ah. Naubos lang social battery ko. Nagre-recharge lang ako para mamaya sa club. Pero baka hindi muna ako makisali sa inyo maghanap ng babae. Gusto ko lang mag-inom. Wala ako sa mood makipag-make out," sabi niya at mukha ngang ubos ang social battery niya.

Nagkatinginan kami ni Magnus at sabay na napabuntonghininga. We got probably too harsh on him.

"Sorry, pre. Baka masyadong harsh 'yung mga words ko kanina. Okay lang naman na magligalig ka, sinasabayan ka naman namin asarin si Caiden. Pero nakita ko kasi 'yung mukha ni Caiden kanina. Hindi na siya natutuwa. Hinahayaan ka lang din naman niya asarin siya. Pero sobra kasi," sabi ni Magnus.

"Okay lang 'yon. Kasalanan ko rin naman. Pero siyempre, kapag bumalik na 'yung social battery ko. . . aasarin ko pa rin si Caiden," sabi ni Titus at malokong ngumiti sa akin.

I hissed. "Ayusin mo lang pang-aasar mo. Baka hindi kita matantiya at pataubin kita bigla," sabi ko.

"Kiss nga kayo kung bati na," sabi ni Echo.

"Mamaya na. Sabay kami maliligo niyan ni Caiden. Kukuskusin niya pwet ko," sabi ni Titus at nagiging maloko na agad 'yung mukha. Parang kani-kanina lang ubos na 'yung social battery niya, ngayon ready na naman mang-asar.

He probably got offended, too. Although, wala siyang karapatan dahil kasalanan naman niya. Kaso ayaw ko ng dagdagan 'tong nararamdaman ko. Mas mabuting maging clear ang hangin sa paligid ko para mas makatulong 'to sa pag-regulate ng emotion ko.

"Kiss kita while the shower is running. Passionate kisses only," sabi ko para sakyan ang biro niya.

"Nakaka-excite naman 'yan," sabi ni Titus sa akin kaya nagtawanan kaming apat.

"Sus, bumalik na agad 'yung energy mo. Sorry ko lang pala ang way para bumalik energy mo, e," sabi ni Magnus.

"Na-offend ata siya sa mga sinabi mo, e. Grabe 'yung mga sinabi mo, Mags," sabi ni Echo at humalakhak.

"Dapat lang. Para matauhan at alam 'yung limits," sabi ni Magnus.

Nagtawanan lang ulit kami. Ang mahalaga naman napagsasabihan din pero hindi nawawala 'yung pag-aayos. Mabait naman 'yan si Titus, sobrang ligalig lang talaga at nakakasagad ng pasensya.  

Nag-stay lang kami ro'n until quarter to eight, bago kami bumalik sa mga dorm namin para mag-prepare. Magkikita-kita na lang ulit kami sa tapat ng building ng dorm nina Magnus at Echo.

'Pagkalabas ko ng CR, chineck ko agad ang phone ko dahil puro sila mention sa akin sa group chat. Natagalan ata ako maligo, I enjoyed the cold water.

4TEMC

Joey De Leon:

@Cardo Dalisay Asan kana gago. Ang tagal mo. Nasa labas na kami ng building mo nina Magnus at Titus.

Aiza Seguerra:

@Cardo Dalisay Pre, gusto mo ata asarin na naman kita para bilisan mo kumilos e no? Mag alas-diez na. Ano na!

Jake Zyrus:

@Cardo Dalisay Kakampihan ko ngayon si Titus, pre. Bilisan mo gago.

Cardo Dalisay:

Hintayin ninyo ang pinaka gwapo. Pababa na ako.

Binitiwan ko na agad ang phone ko habang natatawa. Fuck those nicknames Titus set up. Magnus set his nickname, so Titus changed Magnus' nickname from Tito Sotto to Jake Zyrus. Tanginang mga trip 'yan.

Nagmadali na rin akong magbihis dahil baka iwanan nila ako. Alam kong kaya nila ako iwanan kaya kahit papaano ay nagmadali akong magbihis. Pero sinigurado kong magiging guwapo ang look ko ngayong gabi.

'Paglabas ko ng room ko ay kusa akong napangiwi nang napatingin ako sa pinto ng bading na 'yon. Pinto pa lang nakikita ko, naaamoy ko agad 'yung gay spirit niya. Kinilabutan ako nang tiningnan ko ang doorknob, I wouldn't dare to touch that. 

'Paglabas ko ng room, kusa akong napangiwi nang napatingin ako sa pinto niya. Pinto pa lang niya nakikita ko, nagsisimula na naman ako agad mairita. This will fucking haunt me everytime. 

Umiling-iling na lang ako at nagmadali ng bumaba. Walang mangyayari kung patuloy ko lang ii-stress-in 'yung sarili ko. Mas magandang ituon ko na lang ang sarili ko sa ibang bagay. 

Sinalubong nila akong tatlo na naka-middle finger. Tumawa lang ako at sumakay na sa passenger seat.

"Ang tagal mo!" singhal ni Titus sa akin mula sa front seat.

"Ang mga gwapo, matagal mag-prepare. Mababahong katulad mo, mabilis lang," sabi ko.

"Nainip na kami kakahintay sa 'yo!" sabi ni Echo at mahinang natawa.

I hissed. "Saktong 10 p.m. nando'n na tayo. Chill lang kayo. Magsisimula pa lang ang gabi," sabi ko at mahinang natawa.

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Ipagpatuloy ang Pagbabasa

Magugustuhan mo rin

349K 9.7K 39
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
154K 2.8K 81
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
4.7K 173 32
When carefree Nicolas Florentino surprises his best friend with his early departure to Australia, he expects Saint Rodriguez to hate him for two mont...
3.3K 316 129
A minsung au . . . Wherein Aro, who has insomnia, only gets to sleep when he listens to Kier's podcast every Saturday night. But then Kier decided to...