JHOANA
At the office
"Baham"
"Op?" Baham
"Balita ko may game tournament si Nics bukas ah"
"Ah oo, tara nood tayo?" Baham
"Pwede naman, Carly tara? Sa'kin na tickets hehe"
"Hindi, akin na tickets, Jho! Akong bahala sainyo" Baham
"Ayoko umabsent sa work, umabsent nalang kayo kung gusto niyo" Carly
"Holiday bukas, hello"
"H-holiday? Oh edi makipag bonding ka sa pamilya mo, Jho. Ba't lalabas ka pa" Carly
"Minsan lang naman 'to" Baham
Isusuggest ko sanang isama nalang si Bea at mga bata pero for sure iccriticize niya lang mga players hay nako. At magulo mga anak ko huhu
"May time naman kami for bonding, gusto ko lang manood"
"So pupunta ka pa rin" Carly
"Pupunta tayooo. Please say yes naaa"
"Sige na nga" Carly
"Yes!" sigaw namin ni Baham haha
BEATRIZ
Night time
Katatapos lang ni Jho mag half bath at nagbibihis siya sa may closet namin, habang ako nag rerelax sa bed
"Love, nood lang ako tournament bukas ha?" Jho
"Golf?"
"Mm mm" Jho
"Ikaw lang?"
"Nope, I'll be with Carly and Baham" Jho
"Himala love ah, parang bigla ka yata nagka interes sa golf?"
"Soooo pwede po pumunta? You can't say no na, kasi may ticket na ako" Jho
"In one condition" umupo ako and I wiggled my brows
"Hay nako, Beatriz ha. Ginagabi-gabi mo na" Jho at nang makabihis siya ay pumwesto na siya sa tabi ko
"Ayaw mo talaga?"
"Pass muna hehe" Jho
"Ok ok, cuddle nalang tayo"
"That's better" Jho
CARLY
New day
Nandito na kami sa place ng tournament
"Oh wow, vip?" Jho
Kinindatam ni Baham si Jho, aba lumalandi
VIP kasi kaming tatlo, napansin kasi namin na separate kami sa ibang manonood
"Hindi bagay, Baham haha" Jho
Ayan buti nga sa'yo
"Luh, pasok na nga tayo" Baham
Then ginuide nila kami sa pupwestuhan namin, as in mapapanood talaga namin nang malapitan and clear. Ganda pala 'pag VIP. Nagsilabasan na rin yung mga players wherein nakikita naming nag-uusap usap sila
"San na si Nics?" Jho to Baham
"Hey guys" Nico?
Nagulat ako nang nasa likod pala namin si Nico
"Uy Nicssss" masayang bati ni Jho
"Ok ba kayo dito? Gusto niyo ba other spot?" Nico
"VIP tingz, thanks bro! Oops" Baham at napa cover siya ng bibig
"Sa'yo ba galing tickets namin, Nico?"
"Uhhh hehe" Nico at napakamot siya sa ulo
"Awww thanks, Nics" Jho at hinawakan niya biceps ni Nico
"Jho wait!" bigla kong tinampal yung braso ni Jho
Agad siyang napabitaw kay Nico 😏
Although mannerism naman ni Jho na humawak sa biceps nang friend niya, pero ayoko lang na humahawak siya 'pag kay Nico ugh
"Ouch" Jho
"May lamok"
Nag step back naman si Nico kaya napalayo siya konti kay Jho
"May magdadala pala ng drinks niyo mamaya, tapos pag gutom kayo may resto diyan lang din, and yeah sige guys una na ako" Nico at hindi na niya hinintay na makasagot pa kami
"Good luck, Nics! Galingan mooo!" Jho shouts
"Isipin mo lang para kanino ka lumalaban, bro! Haha" Baham
"Huy, kayo lang maingay dito"
Kinawayan naman kami ni Nico nang nakangiti
JHOANA
Hapon na ng matapos ang tournament, and thankfully, Nico won the championship! Gold medalist siyaaaa! Galing talaga
Nandito kaming tatlo sa lobby hinihintay si Nico na lumabas
Then suddenly lumabas na yung mga players with their casual aattires
"Sure, see you!" sabi ni Nico sa mga kausap niya
Then nang makita kami ni Nico ay agad siyang lumapit sa'min
"Congrats, champ!" sabi ko
"Congrats, master! Galing mo!" Baham
"Congrats, Nico" plain na sabi ni Carly hmm 🤔
"Thank you thank you. May konting celebration pala kami mamaya, sama kayo sa'kin" Nico
"Uhhh saan ba? Pagabi na kasi, hindi pa kami nag ddinner"
"Dinner yun tapos may konting inuman after. Pero ok lang kung hindi kayo uminom, Jho, Carly, in fact kung gusto niyo na umuwi after dinner pwede na kayo umuwi" Nico
"Ayown tara naaa" Baham
"Hindi ba nakakahiya? Eh mga players kasama mo. Wag nalang" Carly
"No no, it's totally fine with them. Mababait sila" Nico
"Ok! Sama kami hehe. Ow Carly, g ka naman right?"
"Ano magagawa ko, nandon ka eh" Carly
"Yess! Love you talaga bff haha"
BEATRIZ
Wife: Love, I might be home a little bit late. Mag ddinner kasi kami, kain na rin kayo dinner ha? Wag magpapagutom
Bea: Where are you having dinner?
Wife: *name of restaurant*
Bea: They offer alcoholic drinks there. May kasama pa ba kayong iba nila Carly at Baham?
Bea: I'll call
Sinagot naman ni Jho phone call ko
*Jho and Bea's phone call*
"Love, si Nico kasi nag-invite samin. He won kasi the tournament, so basically, kasama siya sa dinner and other players" Jho
"Is he the reason why you were in that tournament?"
"Partly yeah, pero love, it's for experience" Jho
"Jho, kailangan ba talaga pumunta ka pa?"
"Minsan lang naman 'to, love. Please?" Jho
I sighed
"Basta mag-ingat ka and never drink alcohol, okay? Update me from time to time"
"Okayyy, thank you love" Jho
"Enjoy, I love you"
"Love you, bbye" Jho ended the call
JHOANA
"Burp" Baham burps
Grabe sobrang nakakabusog yung food dito
"May gusto pa kayo, Jho? Carly?" Nico
Magkakatabi kaming apat, Carly, ako, Baham, tapos Nics
"Nics, I'm so full. Si Carly baka may gusto pa"
"Isang bottle nga, Nics" Carly to which she refers to beer
"Sure hehe" Nico
Inalis na ng mga staff yung pinagkainan namin and they started serving inuman and pulutan na. May one whole bottle ng liquor sila tapos kinuhanan kami ni Nico ng tig dalawang beer ni Carly
"Nics, hindi ako iinom" sabi ko nang iabot na sa'kin ni Nico yung beer ko sana
"Ahhh ok ok. Waiter!" Nico calls the waiter
Then I was suddenly given a bottomless juice by the staff
"Mag juice at pulutan ka nalang, Jho, ok ba?" Nico chuckles
"Nako Nics, salamat"
"No worries" Nico
"Eh kung kayo nalang magtabi, para akong hangin dito ah" Baham
Napagitnaan kasi namin siya ni Nico
"Bro, halika ditoooo" Marci the silver medalist
And Baham left his seat and took his chair with him
"Uhhh" Nico looked at me, parang tinatanong kung pwede bang lumapit siya
"Dito kaaa"
THIRD PERSON
"Tayo'y magsayawan eyyyy, sumabay sa takbo ng tugtugan!" Carly at lasing nang sumasayaw
Jho ended up drinking beer na rin, but she's sober naman at alam pa niya ang ginagawa niya
"Si mama at papa nasa Batangas. May business sila don" Jho to Nico
"Ahh family business naman yun, like namana pa sa lolo at lola mo? Or silang mag-asawa lang nag tayo" Nico
"Sila lang.......Ikaw, nag-aral ka raw abroad nung high school ka?" Jho
"Oo, don ako natuto talaga mag golf at natuto mag hmmm basta" Nico
"Yuck Nics, kadiri ka" Jho unintentionally hit Nico's arm pero mahina lang naman
"Huy hahaha hindi ah, iba iniisip mo. Nakakahiya kasi sabihin" Nico
"So ano nga? Bulong mo nalang" Jho at inilapit niya ang ears kay Nico
"Natuto magmahal" Nico whispers
"Awwww, sige ngaaa kwento mo sa'kin ano nangyare" Jho faces Nico at talagang nag fofocus sa kung ano man ang sasabihin ni Nico
"Jho ayoko, nakakahiya" Nico
"Sige naaaaa, ako lang naman eh" Jho
"Excuse me po, mga ma'am, sir. May naghahanap kasi kay Mrs. Jhoana de Leon, Bea de Leon daw po" staff
Napatigil si Jho at napatingin sa waiter
"Saan siya?" Jho
"Ayun po oh" waiter pointed at Bea who was looking at them sa 'di kalayuan
~~~~~
A/N: I apologize for any grammar errors you may have noticed. :)