THE NIGHT WITH PSYCHOPATH (ON...

By Rxouse_zzxxxy

3.1K 13 2

"tulong tulong please!" Umiiyak ako habang tumatakbo palayo kung saan may lakaking masama ang humahabol sa'ki... More

DISCLAIMER
chapter 1
chapter 2
chapter 3
chapter 4
chapter 5
chapter 6
chapter 7
chapter 8
chapter 9
chapter 10
chapter 11
chapter 13
chapter 14
chapter 15
chapter 16
chapter 17
chapter 18
chapter 19
chapter 20
chapter 21
chapter 22
chapter 23
chapter 24

chapter 12

103 1 2
By Rxouse_zzxxxy

~~~~

Nagising nalang ako nang parang ang ingay sa may baba kaya tinignan ko kung anong oras na umaga na pala. Kaya bumaba na muna ako para tignan kung ano yung ingay na 'yon pagka kita ko ay nakita ko si eli at naya sa kusina na nag luluto habang nagku kwentuhan.

"Ay gising na pala ang mahal na hari, good morning po mahal na hari" natatawang sabi ni naya, kaya tinaasan ko lang siya nang kilay siya pala yung maingay yung bunganga niya rinig na rinig hanggang kwarto ko.

"Good morning.."

"Good morning felix." Nginitian ako ni elizabeth kaya nginitian ko rin siya.

Lumapit sa'kin si eli at nilagay sa gilid ko yung iinumin kong gamot. "Pag tapos mong kumain uminom ka na nang gamot mo malapit naman na tong matapos yung niluluto namin ni naya." Tumango nalang ako kay eli at sinilip kung ano yung niluluto nila adobo pala 'yon.

"Huy felix alam moba si eli yung naging tutor natin noon nung college tayong dalawa nagulat nga ako nung kinuwento niya sa'kin. Hindi ko man lang siya na mukhaan kung hindi pa niya iku kwento!" halos magulat naman ako sa sinabi ni naya at napatingin kay eli na nakangiti lang.

Si elizabeth yung tutor ko noon nung college pa ako? Siya nga yung tutor ko. "I-ikaw 'yon elizabeth?"

"Oo ako yung tutor niyong dalawa nung college kayo nakalimutan mona ata felix. Ngayon ko lang din naalala kahit ako nakalimutan ko.." sabi ni eli. Nakalimutan kona talaga wala talaga akong maalala nung mga nangyari sa'kin nung past ko.

"Ah oo nakalimutan kona, sorry.."

"Oo elizabeth mabilis maka limot 'yan si felix tamo hindi niya matandaan hahaha pero nurse kana pala ngayon noh? Ilan taon ka nang nurse?" Tanong pa ni naya kay elizabeth.

"Ah one year palang naman ikaw ilang taon kanang lawyer? Hindi nag bago yung itsura mo simula dati pa maganda kana dati pa." Nakangiting sabi ni eli kay naya.

"Isang taon palang akong lawyer, ano kaba elizabeth maganda ka rin dati kaya nga ay pinag aagawan ka nang ibang section kasi magaling ka mag tutor pero kami pinili mo ni felix non hahaha" natatawang sabi ni naya, habang hinahalo yung pinapa kulo nilang adobo.

"Naalala mopa 'yon kaya lang naman kayo inuna ko non kasi nag bigay ka sa'kin nang chocolates non hahaha" natatawa ring sabi ni eli kay naya.

"Hays oo nga pala pero nahihiya parin ako kasi ginagawa ko 'yon, pero kain na tayo luto na 'to mamaya na tayo mag kwentuhan." Sabi ni naya at pinatay na yung kalan.

Sabay na kaming tatlo kumain habang kumakain kaming tatlo ay nagku kwentuhan parin si naya at eli, habang ako nakikinig lang sakanilang dalawa pero minsan nag sasalita rin. Nagku kwento kasi si naya yung tungkol nung college kami.

Same school pala kami ni eli nag aral nang college noon pero hindi kopa rin matandaan ewan koba bakit hindi ko matandaan. Si eli pala talaga yung tutor ko nung college hindi ko lang talaga matandaan.

Pag tapos naming kumain ay ako na ang nag hugas nang pinggan sila na kasi yung nag luto kaya ako na ang mag huhugas. "Uy felix uwi na ako ah nandiyan na sina mommy, thankyou nga pala eli sa pag tulong mag luto sa'kin nang adobo kahit medyo hindi perfect nice to meet you ulit." Lumapit si naya kay eli para yumakap.

"Nice to meet you rin naya, ingat ka sa pag uwi mo." Nakangiting sabi ni eli kay naya.

"Hoy bye na felix thanks sa pag papatuloy sa'kin." Bakit parang galit pa siya? Hindi man lang maayos yung pagka sabi niya siya na nga pina tulog ko dito eh.

"Bye." Sabi ko.

"Kapag gusto mo akong puntahan eli malapit lang bahay namin kina felix tuturo niya nalang sa'yo, baka kasi ma miss mo ako ka-kwentuhan hehehe" sabi pa ni naya kay eli kaya tumango nalang si eli habang nakangiti sakanya.

"Hindi ko ituturo kay eli yung bahay niyo." Sabi ko baka kasi anong sabihin ni naya kay eli pasmado pa naman yung bunganga niya tapos madaldal pa.

"Hoy grabe ka! Basta ituturo niya nalang eli sige una na ako bye bye!" Lumabas na nang bahay si naya pero si eli nakangiti parin kay naya at kinakawayan niya si naya pa alis.

Sinarado kona yung pintuan kaya biglang nawala yung ngiti ni eli. "Grabe ka sa kaibigan mo ang bait naman ni naya eh ang sarap niya kayang kadaldalan atsaka masarap siyang maka bonding.." sabi ni eli kaya napatingin ako sakanya.

"Madaldal 'yon si naya eli."

"Okay lang naman 'yon nga gusto ko eh atsaka lalo pa nalaman ko na kayo yung tinuturuan ko nung college tayo tapos same school pa tayo, pero bakit hindi mo matandaan felix? Kahit nung playmates pala tayo dati hindi mo matandaan hahaha" parang malungkot na sabi ni eli.

"Nakakatampo kalang kasi hindi mo naalala hindi tulad ni naya isang beses kopa lang siya nakita pero tanda niya.." sabi ni eli.

"Sorry elizabeth wala talaga akong maalala noon.." sabi ko kay eli.

"Pero ayos lang yung sa hindi mo ako maalala nung mga bata pa tayo atsaka hindi rin kita na mukhaan na ikaw pala yung ni tutor ko noon. Sorry rin ah nakalimutan ko..." Kamot ulong sabi ni elizabeth.

"Pero totoo nag aral ka nang law? Kaso hindi mo tinuloy?" Biglang sabi ni eli. Paano niya nalaman? Sinabi ba ni naya?

"H-huh paano mo nalaman? Sinabi ba ni naya sa'yo ang daldal talaga niya." Sabi ko.

"Oo pero wag kang magalit kay naya ako naman nag tanong sakanya pero bakit hindi mo tinuloy yung pag aaral mo nang law? Sayang naman.." sabi ni eli kaya tinignan ko siya sa mata. Elizabeth kung alam mo lang kung bakit hindi ko natuloy yung pag aaral ko noon.

"A-ayokong pag usapan 'yan eli." Sabi ko sakanya at umakyat sa kwarto ko.







ELIZABETH POV:

Kanina pa ako pa lakad lakad dito sa may sala nag sisi ako kasi parang nagalit si felix sa tanong ko sakanya kanina hindi ko naman alam eh pero alam ko galit siya sa'kin. Kanina pa hindi bumaba si felix sa kwarto niya baka nga galit talaga siya sa'kin.

Hindi na ako naka tiis at inakyat kona si felix sa kwarto niya dahan dahan akong kumatok sa kwarto magso sorry ako kay felix. Binuksan naman agad ni felix yung pintuan niya at nakita ko siyang walang damit pero naka short lang siya.

"Why?"

"F-felix sorry kanina hindi ko naman alam n-" hindi na natuloy yung sinabi ko nang hatakin niya ako papasok nang kwarto niya.

"Shh ayos lang wala ka namang kasalanan." Tipid niya akong nginitian.

"Pero alam kong hindi okay yung tanong ko sa'yo felix, sorry parin talaga wag ka sana magalit sa'kin." Naka yuko kong sabi kay felix.

Inangat ni felix yung mukha ko sakanya hindi ko kayang tignan si felix sa mata kasi alam ko hindi okay sakanya 'yon. "F-felix..."

Nanlaki yung mga mata ko nang bigla akong halikan ni felix kahit simpleng halik lang 'yon. "Sabi ko sa'yo ayos lang sa'kin 'yon, wag mo nang isipin kung galit ako kasi hindi ako galit sa'yo eli.." mahinhin na sabi ni felix habang nakangiti siya sa'kin.

"Hindi ako galit sa'yo elizabeth, kung ayon yung akala mo hinding hindi ako magagalit sa'yo." Ulit pa nasabi ni felix at hinimas himas yung pisngi ko.

"Akala ko galit ka sa'kin, sorry ulit felix promise hindi na ako mag tatanong nang ganon ulit sa'yo.." sabi ko sakanya.

gumaan na yung feelings ko kasi napatawad naman na ako ni felix alam kong hindi pa rin okay yung ginawa ko sakanya alam ko mali parin 'yon. Gabi na at nag gabihan na rin kaming dalawa ni felix nag order nalang ako nang pagkain sa fast food tinatamad narin kasi ako mag luto.

Pag tapos namin kumain ay pina inom kona si felix nang gamot at vitamins niya pagka tapos niyang kumain. "Akyat na ako eli, good night." Ngumiti lang ako kay felix at umakyat na siya sa taas maya maya rin ay aakyat na ako hindi pa ako tapos kumain nang ice cream.

Sabi ko kay felix ay kumain rin siya nang ice cream pero sabi niya ay bukas nalang daw siya kakain kasi napa rami yung kain niya ngayon. Habang kumakain ako nang ice cream ay naalala ko yung pag halik na ginawa sa'kin ni felix kanina ewan ko bakit hindi ko siya tinulak o pinigilan man lang nung hinalikan niya ako. Kasi it's means nagugustuhan ko rin yung ginawa niya sa'kin.

Pag tapos kong kumain ay umakyat na rin ako pero naka rinig ako nang ingay galing sa kwarto ni felix kaya agad agad akong nag punta sa kwarto niya at pagka bukas ko nang kwarto ay nag wawala nanaman si felix.

Ang gulo nang kwarto niya nakita ko si felix sa sulok na umiiyak habang takip takip niya yung pagka bilang tenga niya. "F-felix.." lumapit ako sakanya. Umiiyak parin si felix habang takip takip yung tenga niya.

"U-umalis ka dito baka saktan mo ako, sasaktan mo rin ako katulad ka lang nila!" Sigaw na sabi ni felix, at tinulak ako kaya napa upo naman ako sa sahig anong nangyayari kay felix bakit nanaman siya nagkaka ganto? Kanina ayos lang naman siya eh.

"F-felix hindi kita sasaktan please ano bang nangyayari sa'yo?" Tumayo si felix at may kinuha sa may cabinet niya nagulat ako nang kung ano 'yon at pagka kita ko ay kutsilyo.

"Umalis kana! Lumabas kana iwan mona ako dito kagaya kalang rin nila sasaktan mo lang din ako diba? Kaya umalis kana!" Naka tutok yung kutsilyo na hawak ni felix sa'kin.

"Felix please hindi kita sasaktan bitawan mo 'yan!" Pilit ko siyang pinapa kalma pero ayaw ni felix, akala ko hindi ma mauulit 'to pero naulit parin pala.

Binitawan ni felix yung kutsilyo at lumabas siya nang kwarto sinundan ko si felix pa labas pero sobrang bilis niya tumakbo kaya hindi ko alam saan na siya pumunta madilim na sa labas at saan naman pupunta si felix delikado na ngayon.

"Felix! Felix!" Sigaw ko baka sakaling marinig ako ni felix tapos bumalik siya.

Kahit anong sigaw ko ay walang felix na bumalik kaya bumalik ulit ako sa loob nang bahay napa upo nalang ako sa may sofa habang naka hawak sa may noo ko. Nag aalala ako kay felix hindi ko alam saan siya nag punta baka may mangyaring masama sakanya.

Bakit ganon si felix hindi kona rin siya minsan maintindihan kung bakit siya nagkaka ganon kanina sobrang okay naman niya nagku kwentuhan pa nga kami habang kumakain eh tapos biglang naging ganito nanaman.

Hindi ko mapigilang hindi umiiyak kasi nag aalala ako kay felix hindi ko alam saan siya nag punta baka may mangyaring masama sakanya kapag may nangyaring masama kay felix ay panigurado ako ang sisihin nang parents niya, ayoko rin naman may mangyaring masama kay felix hindi ko alam saan siya nag punta wala rin naman kasi akong contact nila mrs. Dawson para sana alam nila yung nangyayari kay felix.




kina umagahan...

Nagising nalang ako bigla hindi ko namalayan na naka tulog na pala ako kaka iyak dito sa may sofa kaya dali dali akong tumayo para lumabas hahanapin ko ngayon si felix. Hindi ko alam yung bahay nila naya para sana maka hingi ako nang tulong sakanya para tulungan niya akong hanapin si felix.

Kasi nag aalala ako para kay felix pagka labas ko nang bahay ay hindi pa ako nakakalayo nakita ko agad si naya kaya agad akong tumakbo sakanya. "Naya!"

"Eli..."

"Tulungan mo ako naya hanapin natin si felix please kagabi pa siya nawawala tapos ngayon hindi pa siya umuuwi please tulungan mo ako naya hanapin natin siya..." Umiiyak kong sabi kay naya at hinawakan ko siya sa kamay.

"O-oo eli hahanapin natin si felix nakita ko kagabi tumatakbo siya palabas nang bahay niyo, ano ba ang nangyari eli?" Tanong naman ni naya sa'kin habang pinupunasan niya yung mga luha sa mata ko.

"H-hindi ko alam bigla nalang siya nag wawala kagabi tapos natatakot siya naya hindi lang isang beses 'yon nangyari, maraming beses na naya kaya nag aalala ako kay felix hindi ko alam saan siya nag punta kagabi.." umiiyak kopa ring sabi kay naya. Hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyaring masama kay felix.

"Halika hanapin na natin si felix huwag ka nang umiiyak eli, makikita rin natin si felix baka nandiyan lang siya.." niyakap ako ni naya para pakalmahin pero umiiyak parin ako.

Hinanap na namin si felix pero wala parin mag iisang oras narin siguro kami nag hahanap ni naya kay felix pero walang felix na nagpa kita samin ni naya.

"Nasan kaya si felix hindi natin siya makita eli may alam kabang pinupuntahan ni felix? Baka kasi nandon siya.." sabi ni naya kaya napatingin ako sakanya naalala ko yung sa bahay nung pinag bilhan namin nang libro ni felix noon yung si lolo joey.

Agad naming pinuntahan ni naya yung bahay na 'yon hindi naman malayo 'yon sa bahay ni felix malapit lang kaya nag taxi kami papunta doon. Nang nasa harap na kami nang pinto ay kumatok na agad ako pinag buksan agad ako nang pinto ni lolo joey.

"N-nandiyan poba si felix?" Deretso kong tanong kay lolo joey sana nandito lang si felix.

"Sundan niyo akong dalawa." Sinundan naming dalawa ni naya si lolo joey akyat at nahinto kami sa may pinto na kulay asul binuksan 'yon ni lolo joey at nakita nga namin si felix na nandoon nakahiga at mahimbing na natutulog.

Lalapit na sana ako kay felix nang biglang nawalan nalang ako nang malay.







































































Continue Reading

You'll Also Like

119K 24.7K 74
Arc(9)-Arc(14)+Real World+Extra အာဏာရှင်ကုန်းvsနတ်ဘုရားရှို့
699 70 2
❝ and then i go and spoil it all, by saying somethin' stupid like i love you. ❞ ( somethin' stupid, frank sinatra ) ━━ Lenore Hastings and Drew T...
4.4K 50 11
What happens with chenford after the wedding of John and Bailey. The almost proposal and the detective test results. They will get some obstacles, bu...
71.7M 2.3M 52
To the world he was a beast but for her he would do anything. He could have the world but all he wanted was her. They say the things we want most are...