Ditto Dissonance (Boys' Love)

By JosevfTheGreat

983K 33.8K 22.6K

[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but... More

DISCLAIMER
Ditto Dissonance
Characters
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 48
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Special Chapter 1
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Chapter 64
Chapter 65
Chapter 66
Chapter 67
Chapter 68
Chapter 69
Chapter 70 (Part One)
Chapter 70 (Part Two)

Chapter 7

14.8K 479 93
By JosevfTheGreat

Chapter 7: Skirmish Territory

#DittoDissonanceWP

Pasensya na po sa mga mura :< pala mura talaga ang mga characters ko dito. Okay lang, para ramdam talaga ang galit ^-^v

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

[REVISED VERSION: MAY 2024]

.・゜゜・・゜゜・..・゜゜・・゜゜・.

Caiden's Point of View

'Pagbalik ko sa table namin, nakakunot ang noo ko kay Titus dahil hindi niya mapigilan ang pagtawa niya. Sisimulan na naman talaga niya ako. Grabe na nga 'yung ginawa kong pagpipigil kanina para lang hindi bulyawan 'yung bading na 'yon. 

Tama nga ako, gano'n nga ang inaasahan kong salitaan niya. At saka bakit niya ako in-approach? Walang kahit na anong dahilan para i-approach niya ako. Siya na rin mismo nag-reveal ng guts niya sa akin. Ano bang ine-expect niya, magiging magkaibigan kami kaya niya ako in-approach? At kung may concern man siya, 'yon ang bungad niya. 

Hindi rin talaga ako makapaniwalang inamin niya na nagkaroon siya ng dirty thoughts tungkol sa akin. I mean, I get it. May mga gano'n din akong instances kapag type ko 'yung tao. Pero kakausapin ko muna 'yung taong 'yon 'saka ko lang eventually mafi-feel na magki-click kami at puwede kaming mag-hook up. Bago ko talaga maisip 'yung mga gano'ng thoughts.

Pero siya. . . the fuck. 

Nginiwian ko si Titus nang tuluyan na siyang humalakhak. Nangunot ang noo nina Magnus at Echo sa kaniya dahil nagsisimula na namang mabaliw si Titus. Hay nako. Putangina talaga.

"Ano na naman 'yon, Titus? Pinakuha ko lang 'yung wallet ko sa 'yo sa kotse, tawa ka na naman nang tawa agad. Nababaliw ka na naman," bahagyang iritableng sabi ni Magnus.

"Si Caiden kasi," sabi ni Titus at halos hindi na makapagsalita dahil sa pagtawa.

"Fuck you, Titus," I said in full of silent rage. Kanina pa ako nagpipigil ng galit. Mabuti nga hindi ko fully nabuhos kanina sa bading na 'yon.

"Nakita kasi namin 'yung kinikwento ko sa inyo na bading na ayaw ni Caiden. Nakasalubong namin tapos ang nakakatawa pa, tinawag pa kami at natandaan niya si Caiden. Tapos iniwanan ko na si Caiden do'n para kausapin 'yung prince charming niya," sabi ni Titus.

Natatawang lumingon sa akin si Magnus at Echo. Napapikit ako sa inis. Hinilot ko ang pagitan ng kilay ko pababa sa aking nose bridge. I don't have time for this. Hindi ko nga dapat 'to dini-deal. That fucking gay twat. Tangina. This is so frustrating.

This is hell for me. At ang pinaka problema ko pa, hindi ko alam kung paano ko 'yon mapapalayas sa paligid ko. Hangga't nasa tabi siya ng room ko, palaging magiging delubyo 'yung buhay ko. Kasabay pa no'n ang walang tigil na pagpapaalala sa akin tungkol do'n ng mga kaibigan ko, lalo na si Titus. Tangina naman.

Mas lalo tuloy akong naiirita at nati-trigger. Nababalisa ako lalo na hindi ko maintindihan. Alam ko naman kasi wala akong magagawa para mapaalis siya ro'n. Ang hindi ko alam kung paano ako magco-cope up sa emotion kong 'to sa tuwing makikita ko siya or kahit 'yung thought lang na malapit siya sa akin. 

"He talked to you, man?" Natatawang tanong ni Magnus.

Naiinis akong tumango bago binalingan si Titus. "Puwede ba, Titus, tigilan mo na 'yung pagpapaalala sa akin no'ng bading na 'yon, okay? Tangina ka. Hindi ko na alam kung paano ko aayusin 'tong nararamdaman ko. Naiirita ako na ewan. Gusto kong magalit nang magalit. Ang hirap na ngang alisin sa isip ko, pinapaalala mo pa nang pinapaalala," sabi ko.

Bahagyang humupa ang tawa ni Titus. "Nakakatawa kasi, pre. Inis na inis 'yung mukha mo. Ang sarap mo lalong pagtrip-an. Sirang-sira agad 'yung expression mo kapag binanggit ko na siya. Inaaya ka pa ata maging kaibigan no'n? Payag ka?" Sabi niya at unti-unti na namang natatawa.

Napangiwi ako nang malala. "Fuck you, man. Can you just stop? Nakaka-frustrate isipin 'yung bading na 'yon. Nakagagalit ng pakiramdam lalo," iritado kong sabi.

"Baka naman. . . wala naman siyang masamang intensyon sa 'yo? Tapos jinudge mo agad siya dahil bading siya?" Sabi ni Echo sa akin.

I shook my head while trying to contain my irritation. Fuck this topic. Bakit ba namin topic na naman 'yung taong 'yon? Ano bang relevance niya sa buhay ng mga 'to at curious na curious sila kung sino 'yon. Lalo na 'tong Titus na 'to, hindi matigil. 

Tangina talaga. Hindi ba nila napapansin na nati-trigger ako. Tapos tuloy-tuloy lang sila, kaya malamang hindi rin ako matatahimik at mas lalo lang lalala 'yung nararamdaman kong inis.

Bumuntonghininga ako. "Hindi, pre. Inamin niya kanina sa akin na nagkaroon siya agad ng dirty thoughts no'ng unang beses niya akong nakita. Sinabi niya na lahat naman daw ng tao nagkakaroon ng dirty thoughts. Kaya bakit niya ako in-approach kanina? Para saan? Halata naman siya," galit kong sabi 'saka napailing-iling.

"Totoo namang nagkakaroon tayo lahat ng dirty thoughts, ah? Ikaw rin naman. Judger ka lang, e. Baka mamaya the more you hate, the more you love ka, pre? Kagagalit mo sa kaniya, magkagusto ka bigla," Sabi ni Titus at umaktong kinikilig.

Iritable akong humugot ng malalim na malalim na paghinga para pigilan ang sarili kong pagsasasapakin na lang 'tong si Titus sa mukha niya. Hanggang sa mapunta 'yung ilong niya mapunta sa bibig niya at 'yung mga mata niya ay putok sa maga. 

He doesn't know when to stop, and he fucking thinks this is all joke for me. Hindi magandang naiipon sa akin 'yung galit ko, dahil baka may magawa akong hindi maganda. Putangina talaga.

"Tangina nito ni Titus. Pumunta nga tayo dito para mag-usap sa magiging night out natin mamaya, tapos ikaw naman 'tong si asar kay Caiden," sabi ni Echo.

Humalakhak si Titus pero mukhang nahiya dahil sa tingin naming tatlo sa kaniya. Unti-unting tumikom ang bibig niya pero nananatiling pangiti-ngiti kasi napahiya ata 'yung gago.

"Kapag sinuntok ko 'yang mukha mo, Titus, 'wag kang maninisi ah? Kasi kapag sinuntok kita nang isang beses, tuloy-tuloy na 'yon. Ituloy mo lang para tumaob ka ngayon din diyan sa kinauupuan mo. Tangina ka. Alam mo namang iritang-irita ako sa mga bading. Simpleng asar, okay lang. Pero tangina mo, ang lakas ng trip mo. Hindi ka masabihan na tama na. Gusto mo alugin ko 'yan ulo mo?" Sabi ko sa sobrang irita ko.

"Pre, tama na 'yan. Pabayaan mo na si Titus. Nasobrahan lang sa pagiging maharot," sabi ni Magnus sa akin pero hindi ko siya pinapansin.

Matalas at madiin lang ang tingin ko kay Titus na nakangiti sa akin. Mukhang natatawa na naman si Gago dahil nagagalit ako. Tangina talaga. Kapag inisahan ko 'to, tatabingi 'yung panga nito. Kahit kaibigan ko 'to, sasapakin ko 'to. Hindi masabihan. Akala mo palaging joke time. Tanginang 'yan.

Inis na inis na ako sa naging eksena kanina, na kagagawan din ni Titus. Hanggang pagbalik ko rito, 'yon pa rin bukambibig niya. Sobrang kapal na nga ng mukha no'ng bading na 'yon, may nakakairita pa dito pagbalik. Tanginang 'yan. 'Yung galit ko gusto kong pataubin lahat ng mahawakan ko.

"Umayos ka, Titus. Iniintindi ka palagi, tangina ka. Umayos ka rin minsan," sabi ko at pinagtiim ang panga ko sa pagpipigil na mas lalong magalit dahil nakangiti pa 'tong gagong 'to.

"Ang arte naman nito ni Caiden. Inaasar ka lang, e! Kasi nakakatawa naman talaga. Ang lakas ng loob niyang tawagin tayo para lang sabihin kung ikaw ba 'yung neighbor niya," aniya at nagsimula na namang matawa.

"Anong nakakatawa ro'n? Crush mo ba ako? Napopogian ka sa akin kapag naiinis ako? You fucking ass-wiper. Nagpapapansin ka sa akin?" Nakakunot-noo kong sabi.

He bit his lower lip to stop himself from laughing. "Oo na, sige na. Sorry na, my baby loves Caiden. Hindi na. Ang sobra na ng asar ko. Baka mamaya itakwil mo na ako bilang kaibigan mo, e."

"Fuck you, man," maagap kong sabi 'saka nag-iwas ng tingin.

"Tigil na 'yan. Tigilan mo na kasi, Titus. Hindi ka maka-move on do'n sa bading na 'yon. Alam mo namang galit si Caiden sa bading dahil sa experience niya before. Palibhasa wala kang trauma," sabi ni Echo.

"Crush mo ata si Caiden, Titus, e? Papansin ka, e. Hindi ka matigil kaka-mention ng bading sa kaniya. Ikaw ata 'yung bading," iritadong sabi ni Magnus.

Now he feels how I felt. Nakakairita kaya 'yung pinu-push ka nang pinu-push sa limit mo. Okay lang sa akin pagkaisahan at pagtrip-an ng mga 'to, pero may limitation naman. Tanginang 'yan. Hindi 'yong pinatigil mo na, hindi pa rin tumitigil. Akala mo palaging nakikipagbiruan.

"Sorry na. Gagalit naman kayo agad sa akin. Natatawa lang naman ako sa reaction ni Caiden," sabi niya sa kalmado at casual na boses.

"Pinatigil ka na ni Caiden, 'di ba? Para ka pa ring tangang nakangiti diyan kahit pinagsasabihan ka na. Hindi ka pumirmi. Para kang bading. Ang ligalig mo masyado," sabi ni Magnus.

"Imbis na mga babae topic natin, topic ka nang topic do'n sa taong 'yon. No'ng una nakakatawa dahil kakasimula pa lang ng semester, 'yon agad bungad kay Caiden. Pero ngayon, parang tanga na. Ang corny," sabi ni Echo.

Nakahalukipkip lang ako habang seryosong binalingan ulit si Titus na natatauhan na sa mga pinaggagawa niya. Bahala siya diyan. Kung ikukumpara sa akin, mas hindi maganda magsalita si Magnus. Tanggapin niya 'yan lahat. Hindi matigil, e.

"Sige na, hindi ko na nga aasarin si Caiden tungkol do'n. Minsan na lang. Sensya na. Baka over 'yung asar ko ngayon at hindi ko na iniisip si Caiden," sabi niya habang nakatingin sa akin.

"You should fucking stop mentioning that prick to me, Titus," madiin kong sabi.

Napatingin kami sa server nang ihatid na niya ang order naming ramen na natagalan dahil sa order ata ni Titus din. Nadamay na 'yung sa amin dahil sa dami niyang request kanina sa cashier para sa ramen niya.

Tahimik kaming nagsimula kumain. Mainit ulo namin ni Magnus kaya hindi lalong magsasalita 'tong si Echo. At kapag sinubukan magsalita ni Titus ibubuhos ko sa mukha niya 'yung ramen niya.

Sabay naming naubos ni Magnus ang ramen namin. At saka lang siya nagsimula ng topic, "Night club tayo mamaya. Gusto ko ng babae. Naiirita ako sa pinagsasasabi ni Titus. Palagi ko na rin tuloy naiisip 'yon kahit hindi ko naman 'yon kilala at wala akong pakialam." Lumiko ang mga mata ni Magnus sa katabi niyang si Titus na katatapos lang din kumain.

"Sorry na nga, e. Nakatatawa lang kasi 'yung reaction ni Caiden. Natatawa ako na nagagalit kayo sa asar na 'yon. Mas nakatatawa kapag napipikon 'yung inaasar mo," sabi ni Titus na parang may na-justify siya sa sinabi niya.

"Kapag sinapak ka ni Caiden, 'yon ang nakakatawa," sabi ni Magnus.

"Hindi na nga, e! Ito si Magnus. Bakit ka ba galit na galit din? Ikaw ata may gusto kay Caiden, e," pagsisimula na naman ni Titus na pang-aasar.

Magnus scoffed of disbelief and clenched his jaw. "Wag kang sumama mamaya sa night club, ah? Hindi ko kayang makita 'yung mukha mo. Gusto kitang sapakin. Hindi ka matigil. Para kang nakainom ng sangkatutak ng gamot."

"Tigil na kasi, Titus. Kapag nagalit 'yang dalawa sa 'yo, bahala ka. Out ako sa 'yo. Nakakairita ka, e. Pinipigilan ko lang na 'wag din magalit sa 'yo kaya tigilan mo na. Para kang gago," sabi ni Echo.

"Oo na, tangina. Ang OA naman ng mga 'to. Parang hindi naman tayo palaging nag-aasaran. Bonding nga natin 'yon. Sama ako mamaya! Hindi puwedeng hindi ako kasama sa unang night club ngayon semester!" Sabi niya pa at nilagok 'yung isang basong tubig.

Hindi kami sumagot sa sinabi niya. Siya lang 'yung may energy. Sinira niya 'yung mood naming tatlo. Magnus is right, I have to fucking unwind. I want to make out. Baka kapag nakapag-hook up na ako, matigil na 'tong inis na nararamdaman ko. Ayaw kong masira 'tong semester na 'to dahil lang sa bading na 'yon.

Fuck. . . naiinis na naman ako agad. Naalala ko na naman 'yung mga sinabi niya kanina.

Don't forget to vote for this chapter! Thank you :)


Continue Reading

You'll Also Like

797 56 19
Part 2 of Ang Kasarian ng Pag-ibig We've met Josh and Dudoy in Ang Kasarian ng Pag-ibig, so it's their friends' turn to tell their story. All Bodj an...
206K 6.6K 48
Nick & Van Even if we ended up apart, at least, for a while... you were mine.
13.6K 590 14
Society says men aren't supposed to show any affection towards each other, but if love has been created and if it's really him, it can't be contained...