Embracing the Troublemaker

By itsaexwrsh

13.6K 691 145

Emrys Jael Travieso stands as an independent woman, striving to prove herself, not realizing that her journey... More

Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty One
Chapter Twenty Two
Chapter Twenty Three
Chapter Twenty Four
Chapter Twenty Five
Chapter Twenty Six
Chapter Twenty Seven
Chapter Twenty Eight
Chapter Twenty Nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty One
Chapter Thirty Two
Chapter Thirty Three
Chapter Thirty Four
Chapter Thirty Five
Chapter Thirty Six
Chapter Thirty Seven
Chapter Thirty Eight
Chapter Thirty Nine
Chapter Fourthy
Chapter Fourthy One
Chapter Fourthy Two
Chapter Fourthy Three
Chapter Fourthy Four
Chapter Fourthy Five
Chapter Fourthy Six
Chapter Fourthy Seven
Chapter Fourthy Eight
Chapter Fourthy Nine

Chapter One

945 24 0
By itsaexwrsh

Jael's Point of View

Hindi ko mapigilan mapa-tingin sa lalaking katabi ko. Grabe, sobrang lakas ng loob. Paano nya kaya nakakayang matulog ng mahimbing sa kalagitnaan nang discussion. Matatapos nalang yung oras na nakalaan para sa Oral Communication hindi pa rin sya nagigising.

"Matutunaw si Ross n'yan," ngising ani ng katabi kong si Ivy.

"Anong matutunaw, mukha ba s'yang ice cream?"

Binigyan nya lang ako ng nakaka lokong tingin at ngiti bago ibinaling ang atensyon sa guro na nasa harapan.

Muling napa baling ang tingin ko kay Ross. Naka tagilid ang ulo nya papunta sa gawi ko kaya kitang-kita ko ang ka-gandahan ng kanyang mukha. Mukha naman palang anghel 'to habang natutulog. Huwag nga lang magising.

"Okay class, dismissed. You may take your break."

Umiwas na ko ng tingin kay Ross nang makita kong palapit na sakanya yung mga barkada nyang nag hihintay sa labas ng room.

Pinasok ko lahat yung mga gamit kong naka labas sa bag habang tinitingnan sa peripheral vision ko ang pag gising ng tatlong lalaki kay Ross. Isang kalabit lang nung isa ay agad itong nagising at saka kinuha ang bag nya bago dere-deretsong lumabas ng silid.

Naka sunod lang ang tingin ko sakanya habang palabas sila ng room. Hindi ko pa rin mapigilan mamangha sakanya. He's really tall and well-built.

Nag g-gym kaya sya?

"Huli sa akto, pinag nanasaan si Ross!"

"Yuck! Paki-filter nga bibig mo, Theodora! Anong pinag nanasaan, kilabutan ka nga,"

"Mas yuck ka. Cypress nga, Jael. Cypress. Pucha, napaka bantot ng Theodora, di mo alam kung gaano nanginginig kalamnan ko sa tuwing naririnig ko yang pangalan na yan."

Tinawanan ko ang naging reaksyon nya, "Maganda naman ah? Ikaw lang na babantutan sa sarili mong pangalan." Ani ko.

"Pinag sasabi mo d'yan? Ew, yuck." Anas nya. "Tara na kase, naguguton na ako." Aya nya bago ako hilain papuntang canteen.

"Aray ko. Dahan-dahan naman," pag rereklamo ko nang muntik na ko madulas sa hallway.

Tanaw mula rito sa building namin ang isang napaka laking gymnasium kung saan natatanaw ko rin na doon papunta sila Ross kasama yung tatlo pang lalaki.

"Alam mo, sayang talaga 'yan si Ross. Complete package na sana. Mabait, gwapo, matalino kaso lang malapit sa gulo! Bully pa." Saad ni Cypress na nakapag bigay taka saakin.

I don't know Ross Alaric that much but I heard about him alot. Balita ko nga, grade 12 na sana sya this school year kaso bumalik aral lang dahil bumagsak sya kasama ang mga barkada na kasama nya kanina. Ang sabi, halos sa isang linggo isang beses lang daw pumasok si Ross. Pana'y ang cutting class, barkada at kung minsan pa ay laman ng away sa loob at labas ng school.

Matalino naman daw si Ross. In fact, he's an academic achiever since kinder garten, 'yon ang sabi saakin ni Cypress. Pride daw s'ya ng school dati kaya nakakapag taka kung bakit umabot sa ganitong sitwasyon si Ross. He's been my seatmate for almost a month na since the school started. Okay naman sya, maliban na nga lang sa palagi syang tulog sa klase.

"Ano sayo, Jael? Ano ba yan, pa ulit-ulit nalang yung pagkain dito sa canteen. Nag sasawa na ko."

Hindi ko napansin na nakarating na kami ng Canteen. Napa hawak ako sa sikmura ko nang bigla kong maalala na halos wala pa kong kain simula kagabi. Tanging kape at isang piraso ng pandesal ang nakakain ko.

"Ah, Wala. Busog pa ako. Kumain ako bago pumasok."

Tiningnan nya ako ng may pag tataka at mukhang hindi pa naniniwala sa sinabi ko. Nginitian ko si Cypress ng malapad na naging dahilan ng pag kibit balikat nito.

"Sige, antayin mo ako. Upo ka muna, bibili lang ako." Tumango ako saka umupo.

Sa loob ng canteen makikita mo ang mga estudyanteng nag tatawanan habang kumakain. Sa kutis at itsura pati na rin sa mga tatak ng dala-dala nilang bag at telepono ay alam mong galing sila sa mayamang pamilya. Yung isa nga'y parang ambassadress pa ng Louis Vuitton.

Hindi ko talaga mapigilang mamangha at mainggit sa mga estudyante dito araw-araw. Isipin mo 'yon, they are living their best life habang ako, mas mahirap pa sa daga at kailangan kumayod nang kumayod habang nag aaral para may pang tustos sa pang araw-araw dahil kung hindi ay mamamatay kaming mulat sa gutom.

Ganon pa man, kahit papaano ay naka hinga ako ng maluwag dahil ma-swerte pa rin ako dahil naka kuha ako ng magandang oportinidad na makapag aral sa pinaka maganda at pinaka prestihiyosong paaralan dito sa Pilipinas.

Hindi ko na kailangan mag bayad ng daang-daang libo para makapag aral dahil nakuha ako bilang scholar ng Azure Southridge College. Talino at sipag lang ang puhunan ko kaya kahit mahirap, kinakaya ko dahil may mga kapatid ako sa bahay na umaasa saakin.

Noong una nga ay nag dadalawang isip pa ako mag-aral dahil baka hindi ko kayanin at baka mag sayang lang ako ng oras kung pwede naman na ako mag trabaho dahil nakapag tapos na ko ng highschool, pero ayaw ko rin sayangin ang pag kakataon kaya mas minabuti kong mag aral.

"Jael, here, this is for you." Inabot saakin ni Cypress ang dala nyang pagkain.

"Hala, nag abala ka pa sabi ko okay lang eh. Napa gastos ka pa tuloy." Nakaramdam ako ng hiya dahil mahal pa ang binili nya.

"Ano ka ba, wala 'yon. Para saan pa na mag kaibigan tayo, diba? Kaya sige na, kain ka na bago pa lumamig yung pasta mo. I know it's your favorite!"

"Thank you, Cy. Babayaran ko 'to kapag nakuha ko sahod ko. Pwede bang utang muna?" Biro ko.

"Don't bother, Jael. It's my treat, you don't need to pay me back." Sagot nito.

"Salamat talaga."

She's Theodora Cypress Lucenzo, bestfriend ko. Nakilala ko sya nung first day of school. Akala ko nga sobrang sungit nya kase pag pasok palang nya ng room, may sinungitan agad sya sa hallway, naka harang daw sa dadaanan nya. Ang intimidating din kase nya, laging naka salubong ang kilay at ang tangkad pa kaya nakaka takot lapitan at saka mukhang mayabang. Sya yung unang nag approach saakin, akala ko pa nga ay may kasalanang ginawa ako sakanya pero yon pala ay nag tatanong lang sya kung pwedeng makipag kaibigan.

Doon na nag simula yung friendship namin, lahat ng akala ko kay Cypress ay kabaliktaran non. Sobrang down to earth nya. Nung nalaman ko ngang pamilya nya pala yung may ari ng biggest law firm dito sa Pilipinas ay sobrang nagulat ako dahil kapag may nag tatanong kung related ba sya sa may ari ng Lucenzo Prime Law Firm, tinatanggi nya.

"Naguguluhan ako sa Activity natin sa Pre-Calculus, wala akong naiintindihan sa pinag sasabi ni Sir Trey," nag salubong na naman ang kilay ni Cypress na nakapag patawa saakin. "Sis, same."

Maya-maya lang ay natapos na ang break time kaya bumalik na kami ng STEM Building. Sa sobrang laki ng Southridge naliligaw pa ako. Hiwalay kase ang department ng Elementary, Junior Highschool at Senior Highschool department pero halos malapit nalang din saamin ang College department, isang building nalang ang pagitan. Lahat ng yon sakop ng ASC.

Buti nalang talaga madalas kasama ko si Cypress, mas kabisado nya ang school, simula kinder garten kase ay dito na sya nag aaral.

Kawawa talaga ako kapag ako nalang ang mag isa, baka abutin na ko ng kinabukasan ay hindi pa ako makaka uwi pag naligaw ako kaya kailangan ko na aralin ang mapa na ibinigay saakin.

Pag dating namin sa room, wala pa yung iba kong kaklase kasama na roon si Ross kaya minabuti kong mag basa nalang muna ng notes ko para sa susunod na subject habang nakikinig sa mumurahin kong earphone at naka goma kong cellphone.

"You dropped your pen," nagulat ako sa baritonong boses na nag salita sa likod ko kaya tinanggal ko ang pag kakasalpak ng earphone sa mag kabila kong tainga. "Aren't you going to pick it up?"

Nataranta ako kaya agad kong kinuha yung ballpen na nahulog. "A-ah, sorry. S-salamat."

Hindi nya na ko sinagot at nag punta na sya sa kanyang upuan.

Sungit.

Umupo na rin ako sa upuan at napansin kong nandito na lahat ng mga kaklase ko.

"Good Afternoon, class. Haven't I discussed the cell cycle with you already? Can we now form groups for the group activity?"

"Yes, Sir."

"How many are you now?

"35, sir. The absent ones are included."

"Alright. Where is the President and Vice President? Come to me."

Tiningnan ko si Ivy na parang walang balak tumayo. "President daw," bulong ko.

Binigyan nya ko ng nakaka lokong ngiti. "Sa pag kakaalam ko, ikaw yung nanalo nung room election officer as President."

"Huh? Akala ko ba ikaw na papalit saakin? Ikaw na pumunta sa harap, please." Pag mamaka-awa ko kay Ivy.

Dalawa kase kaming na elect as President. Nag cr lang naman ako tapos pag balik ko naka sulat na ang pangalan ko sa pisara para mangandidato bilang Presidente ng room. Si Cypress ang may sala.

At kung mamalasin, ako pa ang nanalo. Isang boto lang naman ang lamang ko kay Ivy. Tabla sana at madadaan sa bato-bato pick kung hindi lang pumasok si Ross at binoto ako.

Ang ending 'non, kaming dalawa ni Ross ang nanalo. Na-nominate kase sya at bigla agad clinose kaya wala na ibang nanominate kung hindi sya.

"Don ka na, inaantay ka." Asar pa sakin ni Ivy. Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako at pumunta sa harap.

Tumabi ako kay Ross. Ano kaya height nya? 5'2 lang ang tangkad ko at hanggang baba lang ako ng balikat ni Ross.

"Choose three more of your classmates to be leaders for the group activity, " randam ko ang pag tingin saakin ni Ross sa gilid ng mata ko. "We will have five groups with seven members each. You can choose now."

I faced Ross and suggested Cypress. Ross nodded and mentioned Cypress. ""I will choose Radleigh Atienza and Cypress Lucenzo."

"One more," Ani ni Sir Sam.

Umikot ang tingin ko sa malaking sulok ng silid na ito nang may mapansin akong babae sa pinaka gilid sa bandang likod. "Who's that girl at the back, Ross?" Tanong ko sa lalaki.

He glanced at the girl on the side, almost next to the window. "Ah, ewan." I rolled my eyes.

"Do you know what her name is? Maybe we can get her as a leader," Sabi ko habang naka tingin pa rin sa babae.

"Are you deaf? Hindi nakaka intindi ng tagalog sa ewan?"

I hissed. Nakaka inis kung paano n'ya ako sagutin! Nag babaka sakali lang naman ako kung kilala nya!

Napakamot nalang ako sa ulo ko. Pwede bang mag volunteer nalang sila? Ang hirap kaya pumili ng kung sino magiging leader kung lahat sila mukhang deserving.

"You can also choose the girl in the middle who has braided hair, she looks confident," suhestiyon ni Ross na mukhang pati sya ay naiinis na.

"Damn, why do we have to choose? We can just group them and then let the members choose the leader so it's not a hassle. It's taking longer. I should be sleeping." Rinig kong bulok nito sa sarili. Napa sabunot nalang ang lalaki sa inis na nararamdaman.

"Sir, sila Lucenzo, Atienza.... at Quintanna po."

Natapos din ang mahabang diskusyon para sa mangyayaring groupings. Umupo na ko sa upuan habang si Ross ay nag paalam para mag cr. Bumalik sa isipan ko ang pag uusap namin kanina, ang garapal sumagot.

Hindi rin nag tagal ay bumalik na si Ross sa silid at muling yumuko para siguro matulog. Hindi ko na naman mapigilan mabigyan ng tingin ang mukha nito.

He had the kind of face that could make anyone stop and stare. His thick eyebrows framed his pretty eyes, which were a warm hazel brown color that contrasted with his fair skin. His high bridge nose and nice jaw gave him a handsome look, while his naturally pink lips added a touch of softness. His hair was styled in a way that suited him, not too long or too short, and complemented his feature with a confident posture and a charming smile.

If I'm mot mistaken, I heard that Ross Alaric was half Filipino and half British, and he looked like a perfect blend of both cultures. I think he's 17 years old, but he seemed older and wiser than his age. He was the kind of boy that every girl dreamed of, and every boy envied. He was close to perfect, physically and otherwise.

Bigla akong napa iwas ng tingin nang bigla itong dumilat. Nataranta ako, nakita nya ba akong naka titig sakanya? Baka isipin 'non na pinag nanasaan ko mukha nya katulad ng sinabi ni Cypress kanina.

Ngumisi ito at saka umayos ng upo. "What are you looking at?"

"Wala. Wala lang." Umakto akong nag babasa ng libro.

"Oh, come on. Don't be shy. You can tell me," Inilapit nito ang kanyang bibig sa aking tainga na naging dahilan ng pagka gulat ko. "Were you admiring my handsome face?"

Wow, ang kapal ng mukha.

Bahagya kong itinagilid ang mukha ko dahil sa sobrang lapit ng mukha ni Ross. Nakakainis, napaka gwapong gwapo sa sarili.

"Excuse me, hindi ka naman gwapo... average lang!"

Napa-hawak ito sa kanyang dibdib habang naka nguso, nag kukunwaring na offend sa sinabi ko.

"Average? Ouch. That hurts," suminghap si Ross at naging seryoso ang mukha. "Well, if I'm so average, why were you staring at me?" Pang hahamon nito habang nakipag titigan sa mata ko.

Parang may kabayong nag karerahan sa puso ko nang sandaling nag katitigan kaming dalawa. Parang ang hirap huminga. Nakaka lunod ang kulay tsokolate nyang mga mata.

"I-I wasn't staring. I was just... curious." Lumihis ako ng tingin at ibinaling sa pisara ang buong atensyon ngunit kita pa rin sa gilid ng mata ko kung paano umiling si Ross habang naka ngisi, binasa nito ang kanyang pang ibabang labi.

"Curious about what? About how I look when I sleep? About how I sound when I snore?" Kinalabit ako nito na naging dahilan nang pag lingon ko sakanya. "Or about how I taste when I kiss?"

Continue Reading

You'll Also Like

106K 8.4K 79
"It's you...the man from my dreams. You're real," Plagued with nightmares of drowning in lakes and being pushed from cliffs by mysterious men, Jimin...
3.5K 148 19
During after the events when Cat Noir was forced by Monarch to cataclysm him on the arm, it traumatized our poor kitty badly as he experience a lot o...
4.6M 136K 52
After her mother's death Lilith gets a new legal guardian, her older brother. With no knowledge of having four other older brothers, Lilith is send...
133 72 14
Yzah, A young woman sent by her parents to a province to live with her Aunt Adora. At first she was forced to live there because she grew up in the c...