Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
60 | E P I L O G U E

59 | Already

241 10 0
By Arcanum_Writes

❝ 𝑩𝒂𝒄𝒌 𝒕𝒐 𝒘𝒆𝒓𝒆 𝒘𝒆 𝒖𝒔𝒆𝒅 𝒕𝒐 𝒃𝒆 𝒊𝒔 𝒘𝒉𝒂𝒕 𝒎𝒂𝒌𝒆𝒔 𝒖𝒔 𝒇𝒆𝒆𝒍 𝒄𝒐𝒎𝒇𝒐𝒓𝒕𝒂𝒃𝒍𝒆, 𝒔𝒐𝒎𝒆𝒕𝒊𝒎𝒆𝒔. 𝑰𝒕 𝒊𝒔 𝒂 𝒎𝒖𝒔𝒕 𝒕𝒐 𝒄𝒉𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚 𝒎𝒐𝒎𝒆𝒏𝒕 𝒘𝒆 𝒉𝒂𝒗𝒆, 𝒃𝒆𝒄𝒂𝒖𝒔𝒆 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒄𝒂𝒏 𝒐𝒏𝒍𝒚 𝒃𝒆 𝒓𝒆𝒄𝒂𝒍𝒍 𝒃𝒖𝒕 𝒄𝒂𝒏𝒏𝒐𝒕 𝒃𝒆 𝒓𝒆𝒕𝒖𝒓𝒏, 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒂𝒎𝒆 𝒂𝒔 𝒊𝒕 𝒊𝒔 𝒂𝒈𝒂𝒊𝒏. ❞
_________






←----• 59 •----→

"Already"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —





Ano na namang problema nito?

Busangot na naman ang mukha ng minamahal na prinsipe ng Luzarcia. Matalim ang pagkakasalubong ng mga kilay nito na tila ga-tuldok nalang3 ang natitirang puwang sa gitna.

Ang natitira namang tatlong lalaki ay prenteng nag-uusap. Nagkakahampasan pa sina Lucas at Aeros at mapapangiti lang naman si Light sa dalawa.

Si Arine at Firexia naman ay nasa kabilang mesa at kausap 'yong grupo nina Ainyd at Shia. Mukhang nagkakatuwaan pa nga. Himala at wala na naman si Lexcey. Walang panira ng araw.

Teka, may klase ba? Nasaan na ba si maestro? Na-late ata 'yon?

"Bakit na-late yata si maestro?" tanong ko sa sarili at tiningnan ang nakasara pa ring pinto ng spelling room. Baka bigla itong bumukas at iluwa ang maestro namin para sa oras na ito ngunit wala. Mukhang nakikigaya na rin kila Shela na late, ah? Hanggang ngayon wala pa rin ang tatlong coloring book na 'yon eh.

Nanindig naman bigla ang balahibo ko ng maramdamang sobrang lamig sa may paahan ko.

"Woy! Ano ba naman yan, Azriel! Mamamanhid sa lamig ang mga paa namin dahil sa 'yo !" Bulalas ko at napatayo. Sila Lucas naman ay nakataas na ang paa. Gano'n din sana gagawin ko eh ang kaso naka skirt ako.

Duh.

"Prince Azriel. Prinsipe ako. Kung makabanggit ka ng pangalan ko parang close na close tayo ah?" sabi nito na gano'n pa rin ang postura. Nakaupo habang nakasandal sa upuan. Ang isang kamay ay nasa mesa at ang isa ay nasa hita nya.

"Teka nga, akala ko ba kapag nasa loob nitong academia eh pantay pantay ang ranggo ng lahat? Walang mayaman at mahirap, walang mataas at mababa, walang prinsipe at prinsesa sa madaling salita! Lahat pantay pantay ng antas! Dahil iisa lang naman tayo sa loob nitong academia! Es-tud-yan-te!" Pagdidiin ko sa huling salita.

"Away 'to."

"Bakit ba kasi mukhang cold na naman si Prince?"

"Lagi naman yang cold, ah?"

"Malamang! Prinsipe ng yelo 'yan, eh. Mga tulok 'to."

"Kadiri ka naman!"

"Hoy, bakit ba ganiyan na naman ang mahal na prinsipe?" tanong ni Firexia habang nakatingin sa tatlong lalaki na nakataas pa rin ang mga paa sa kani-kanilang upuan. Mukhang natutuwa pa nga sa pwesto nila eh.

"Masama ang gising." At hayun ang iilang salitang sagot ni Light.

"Lagi namang iyon ang dahilan kapag ganiyan 'yan sa umaga, what I mean is ano ang pinaka rason?" Dagdag ni Firexia.

"Prince, sobrang lamig na ng sahig," sabi ni Arine habang nakatingin sa sahig na binabalot na pala ng usok dahil nga sa lamig. Nagtaasan na rin ng paa 'yong iba dahil sa lamig.

"Uy, ang dulas ah?" ani Ainyd at tumayo sabay slide sa sarili. Natatawa naman ito sa sarili. Sinundan pa ito ng ibang lalaki.

At hayonn na sila sa maluwag na espasyo sa likod. Nagmamala figure skater. May magkahawak pa ng kamay at akala mo magjowa na naglalampungan habang umiikot.

"Dahil na naman kay Fier. Ginising ni Fier gamit yung heater spell. Naging sobrang init siguro sa kwarto niya," sabi ni Aeros at ini-slide ang isang paa na nakababa.

"Tulog mantika kasi," sabi ko rito at nag-slide na lang papunta sa mga book shelves para magtingin-tingin ng mga spell na puwede kong matutunan.

Nagpatuloy na ulit ang sari-sarili naming mundo. Bakit kaya wala si maestro? Halata namang wala ng klase dahil wala pa siya.

Mula baba ay tiningnan ko papataas ang naturang shelves. Nakanguso kong ini-scan ang mga libro base sa pangalan na nakaukit sa pabalat nito.

Ang kaso di ko rin maintindihan dahil mala word of spell ang mga kataga.

Nahagip ng mata ko ang isang libro na nauukitan ng pulang letra. "Fierolimpus spelaria." Basa ko sa pamagat ng book of spell.

Napatango-tango na lang ako at mabilisang binuklat ang aklat. Nang bumagal ay hininto ko ito sa isang page at di sinasadyang mabasa ang spell.

"Hifiero quar toen mo re." Para saan 'tong spell? Wala ng ibang info eh.

"Hala! Bakit nawala na 'yong pagkadulas? Nabasa na 'yong sahig!"

"Bakit parang uminit bigla?"

"Fire! Bakit mainit?!"

"Por que uminit sa akin niyo na agad isisisi?! My feels!"

"Eh, sino?!"

Napakagat labi na lang ako ng lahat ay maglinunan sa akin. Ang nag-iisang tao lang na hindi lumingon ay mas nagsalubong ang kilay at biglang nabalutan ng asul na enerhiya.

Di ko naman alam na spell to na tungkol sa apoy!

"S-sam! Anong ginawa mo?!" sabi ni Aeros na di magkanda-ugaga sa paghahanap ng solusyon sa hawak kong book of spell.

"Anak ka ng yelo, ano bang pumasok sa kukote mo at naisipan mong magbasa ng spell?!" dagdag pa nito at naghanap ng solution book sa shelf. Ang iba naman ay tahimik lang na pinapakiramdaman ang mainit na kwarto. Si Lucas at Light naman ay napalayo na kay Azriel.

Lalo akong kinabahan ng makitang nagyelo na ang parte ng mesa kung saan nakapatong ang kamay ni Azriel.

Wala akong kasalanan!

"B-baka ito!" sabi ko kay Aeros at agad na binasa ang nasa baba ng spell.

"Mo re!"

"Wag! Anak ka ng kagang! Bakit kasi basta-basta ka banggit ng spell?!" kabadong sabi nito at naramdaman ko na lang ang pag-init pa lalo ng kwarto. Mas lumaki naman lalo ang asul na enerhiya ni Azriel.

"Huy! Baka naman alam niyo kung paano mag diffuse!" Si Shia na kinakabahan na.

"Hindi pa natin alam kung paano mag-deffuse ng heat! Pinaka apoy pa lang !" sabi ni Ainyd na nasa dulo ng room kasama pa rin ang mga lalaki.

Ako naman na may kasalanan ay agad naglakas ng loob na lapitan ang malamig na si Azriel.

"A-az— I mean Prince. S-sorry! Di ko naman alam na—"

"You really want to know my limits, huh?" Sa isang iglap, naurong niya ang mesa paalis sa harap niya kaya ngayon ay nakatayo na siya sa harap ko mismo.

Siyang paglakad niya ay siya namang pag-atras ko.

"What a stubborn brat do we have here," aniya ng mahawakan ang braso ko para hindi ako bumagsak ng tumama ang paa ko sa elevated floor.

"N-nagsosorry na nga eh!" sabi ko qt nagsalubong na rin ang kilay. Pilit ko namang inagaw ang braso ko sa kaniya. Akmang aalis na ako sa harap niya ng pinaharap niya ako sa kaniya at biglang itinulak.

"Prince!" gulat na sigaw ng iba sa ginawa ng prinsipe. Napasandal na ako ng tuluyan sa pisara ng kwartong ito dahil sa pagkakatulak niya.

Prente siyang tumayo ilang dipa ang layo sa harap ko.

"You messed up with a wrong person, brat."

"What the hell?! Can you stop calling me brat!? I am not a brat!" sigaw ko sa kaniya at akmang dadaan na sa kanan para makaalis ng bigla nyang iniharang ang kamay niya.

"And where do you think you're going?"

"Malamang aalis sa harap mo! Nilalamig na ako!" sabi ko sa kaniya at akmang sa kaliwa naman dadaan ng iharang nya ulit ang libre niyang kamay.

"Not again."

"Ano ba prince?!"

"Now, you're calling me Prince huh?"

"Nilalamig na ako!"

"But I am damn feeling so f*cking hot because of what you have done."

"W-wala akong paki! Mapapalamig mo naman 'tong kwarto eh!"

"Hmm," aniya. Tumango ito at biglang ngumisi. "So, I will be the one who you want to diffuse this damn spell? Okay."

"Oh no. . ." sabi ni Firexia at napapailing na umatras.

"Oh my gush. Oh my gush!" sigaw ni Arine at napasunod na agad kay Firexia sa sulok.

"Magsipaghanda kayo! Uulan ng yelo!" sa sigaw na 'yon ni Aeros, napapikit na lang ako sa biglaang pagsabog.

Pagsabog ng sandamakmak na nyebe!

Pagdilat ko, ang kwarto ay puno na ng snow! Ang kapal nang snow sa sahig! Ang bubungan ng kwarto ay puro na yelo! Lalo na 'yong chandelier!

NAGING YELO ANG KWARTO!

"Already diffused," sabi ni Azriel at nakangisi akong iniwan sa harap na nilalamig dahil sa snow na nasa katawan ko.

"Pasensiya na kung nahuli ako sa klase—" naputol ang linya ni Maestro Nate at nanlalaki ang mata na tiningnan ang kabuuan ng kaniyang spelling room.

"A-anong nangyari rito?!"

"Si Azriel po ang may kasalanan," sakubong ang kilay na sagot. Napabaling na lang ako ng higa habang pinapakinggan ang tantrums ni Teacher Nate.

Please, open your eyes,
Wake up from your dream. . .

Pagkamulat ko, kisame agad ang bumungad sa akin. Nagising ako sa init ng araw na tumatama sa paa ko. Kinukusot ko ang mata ko na bumangon at lumingon sa kanan.

Nakakatawa naman 'yong panaginip ko.

"Fire, Arine, hintayin nyo ulit ako sa bench. Mukhang late ako nagising. Ang ganda nang panaginip ko." Inaantok at nagkakamot ng mata na sabi ko. Katahimikan ang sumagot sa akin. Wala ni katiting na 'oo' na kadalasan kong naririnig.

"Fire? Arine—" natigilan ako ng makita kung anong nasa kanan ko. Dapat ay kulay pula at asul na higaan ang naroroon ngunit isang malaking sliding door na bukas ang nandoon at ang kurtina ay bukas din kung saan nanggaling ang sikat ng araw.

"Hindi. . ." sabi ko ng mapagtanto kung nasaan ako. W-wag mong sabihing. . .

"Iha? Samantha?" Isang katok sa pinto ang gumising sa diwa ko. "Gising ka na ba? Maghanda ka na, handa na ang kotse sabi ni Dwain. Baka ma-late ka sa pasok mo at tuluyan ng ma-expell!"

Boses 'yon ni Nanay Dwen. Anong ibig sabihin nito?

Continue Reading

You'll Also Like

173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
628K 16.5K 70
Old title: Dream Academy Dream Saga #1 Sienna Serรฉna was born to become like them- a mage- although she holds nothing but herself. She lives in a wor...
98.9K 4.1K 63
โ—ˆโ—ˆBOOK II of Curse Sagaโ—ˆโ—ˆ At this time, I'm desperate to resurrect the curse of mine, my Cursed Guardian. Kim Dwight who had been known as the reinca...
229K 7.8K 51
Fialkka Alalia Sarette Morgan together with her childhood friends went to the Academia de Mythra to save themselves from the destructive attack on Te...