Luxious Academy 1: Realm Of T...

By Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

š’š­ššš­š®š¬: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION š‡š¢š š”šžš¬š­ š‘ššš§š¤ š‘šžšššœš”šžš: ... More

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
57 | Euphoria
59 | Already
60 | E P I L O G U E

58 | Luminous Light

220 10 0
By Arcanum_Writes

❝ 𝑻𝒉𝒆 𝒇𝒂𝒔𝒄𝒊𝒏𝒂𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒎𝒐𝒐𝒏
𝑺𝒉𝒂𝒓𝒆𝒔 𝒉𝒆𝒓 𝒃𝒓𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑩𝒓𝒊𝒏𝒈𝒊𝒏𝒈 𝒚𝒐𝒖 𝒊𝒏𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝒏𝒆𝒘
𝑨𝒏𝒅 𝒂𝒍𝒍𝒖𝒓𝒊𝒏𝒈 𝒏𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑷𝒖𝒓𝒆 𝒂𝒏𝒅 𝒍𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑨𝒕𝒕𝒓𝒂𝒄𝒕𝒊𝒏𝒈 𝒕𝒐 𝒕𝒉𝒆 𝒔𝒊𝒈𝒉𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒄𝒐𝒎𝒇𝒐𝒓𝒕 𝒊𝒕 𝒈𝒊𝒗𝒆𝒔
𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒆𝒗𝒆𝒓𝒚𝒐𝒏𝒆'𝒔 𝒘𝒊𝒔𝒉 ❞
_________





←----• 58 •----→

"Luminous Light"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —






"Hah? Sino?"

"Si Arine?! Si Arine ba kamo?!" tili ni Fire at biglang tumakbo papunta sa amin. Natatawang sinalubong siya ni Arine kahit na basa ito. Masayang nagbatian ang dalawa.

"Ah! Sa wakas! Hangin! Ang sarap ng hangin!" Naagaw ng pansin ko ang maingay na lalaki na nasa likod ilang metro ang layo kay Arine. Si Aeros na parang baliw na nakabuka ang bibig maging ang kamay at parang ngumunguya.

"Aeros!"

"Babe!" bati nito kaya natatawang naiiling na lang ako.

"Siraulo."

"Nasira ang ulo dahil sayo. Naks!" sabi nito na binuntutan ng tawang parang walang bukas.

"Tsk, ang ingay."

"Ano ba naman 'yan, prince! Kaya nga tayo lumabas para makalanghap ng ingay! Nakakaboryo doon sa hospital! Namanhid likod ko kakahiga!" angil ni Aeros sa lalaking lumitaw mula sa likod 'nya.

Parang biglang tumigil ang oras sa dahan-dahan niyang paglitaw. Ang kaninang hangin ay parang lumakas bigla at ang kabig ng dibdib ko ay hindi maintindihan.

Walang nagbago. Suot niya pa rin ang malamig niyang ekspresyon ngunit hindi na ramdam ang pagiging yelo niya. Prente itong tumayo sa may harap ko.

Para akong kinakapos ng hininga. Ang tahip ng dibdib ko ay di ko malaman kung bakit nagkakaganito. Sa loob siguro ng isang minuto ay aabot na ng dalawang daan ang pulse rate ko kung meron mang gano'n at kung normal pa ba.

Para akong tumakbo ng milya-milya.

"Kamusta? Kamusta pakiramdam mo?" Sa tanong niya ay kakapusin na talaga ako ng hininga. Mapapaluhod pa sana ako ng samahan niya ito ng isang ngiti. Hindi man ganoon kalawak na ngiti, maituturing pa rin na ngiti.

Ngiting madalas lang masilayan!

Bathala ng mundong Luzarcia. Anong ginawa ko at nangyayari sa akin to?

"A-ayos naman. . . ako." Hindi ako ayos! Ano 'tong nararamdaman ko? Iyong puso ko, parang lalabas na sa katawan ko! Normal pa ba to?

Ah, I know, this is one of the side effects ng blue med. Yes, that's it.

"Mabuti. Ako, hindi mo tatanungin?" tanong niya sa akin at para akong naputulan ng dila.

Teka, si Azriel ba 'to?

"Samantha?" Isa pang ulit. Ang ganda ng pangalan ko sa bibig mo.

ANO?!

"HAH?!"

Nagulat pa yata ito sa sinabi ko. Napakagat naman ako sa labi ko.

Ang tanga Samantha. Dapat sa isip mo lang 'yon!

"Kailangan mo yatang bumalik sa pagamutan. Naapektuhan yata ang utak mo," sabi nito at ang kakaibang nararamdaman ko kanina ay mabilis na naglaho at napalitan ng pagkainis.

"Alam mo, bwisit ka!" inis na sabi ko rito at walang paalam na nagmartsa paalis. Hindi pa man ako nakakalayo ay narinig ko ang mahina nitong tawa na kung nasa harap niya lang ako ay mapapaluhod na ako sa panghihina.

"Ano bang nangyayari sakin?" Tanong ko nang makahinto sa harap ng dalampasigan kung saan tanaw ang kalawakan ng dagat at ang papalubog na araw.

Ang ganda. . .

Ang inis ko ay biglang nawala. Napalitan ito ng pagkamangha dahil sa natural na senaryong nakikita na gawa ng kalikasan. Nakakakalma ang ganitong oras.

Sana maulit. . .

"Ang bilis mo namang mapikon. Binibiro lang kita," rinig kong boses na alam ko kung kanino galing. Nilingon ko siya at nakitang walang pag-aalinlangan na umupo sa buhanginan di kalayuan sa paa ko.

Nakadiretso ang mga paa niya at ang dalawang kamay ay nasa likuran, payapa niyang pinagmamasdan ang ang dagat.

"Tsk."

"Simple lang naman," aniya. Malayo sa sinagot kong singhal.

"Ano naman ang simple?"

"Simple lang naman na magtanong ng pabalik. Kung kamusta na rin ba ako," aniya at nang makitang titingalain niya ako ay mabilis akong nag-iwas ng tingin.

Hindi ko alam. Basta, natatakot na akong tumingin sa kaniya ngayon ng diretso.

"Bakit ba? Para saan? Halata naman ayos ka na. Pinalabas na nga kayo eh—"

"Tumakas lang kami. Gumamit ako ng teleportion para makalabas." Mabilis sa alas kwatro na napalingon ako sa kaniya at nanlalaki ang mata na napahawak sa balikat niya.

Nagulat naman siya sa ginawa kong sapilitang pagpapaharap sa kaniya sa akin.

"Nababaliw ka na ba?! Bakit mo 'yon ginawa?! Paano kung tuluyan pa kayong hindi maayos?! Paano kung kailangan niyo pa pala ng ilang oras na pahinga? Azriel naman! Bumalik na kayo!" sigaw ko mismo sa harap niya. Nakakataranta! Malamang sa malamang pinaghahahanap na sila ngayon!

"Bumalik na kayo!"

"No."

"Isa!"

"Dalawa ang kasunod."

"Azriel!"

"Prince Azriel."

"TATADYAKAN KITA!"

"Go. So you can know that I'm no longer weak. And to answer your tantrums, maayos na ako. Maayos na maayos na," sagot niya habang nakangiti.

Ako naman ay napaayos ng upo habang inis pa rin na nakatingin sa kaniya.

"Bumalik na kayo sabi, eh!"

"Kanina ka pa namin naririnig na sumisigaw, Sam. Sino ba ang pinapabalik mo?" Mayamaya ay narinig ko ang boses ni Arine na papalapit pala sa amin kasama sina Aeros, Lucas, Light at Firexia.

"Kayo! Ikaw, si Aeros at ang bwiset na prinsipeng 'to na nasa harap ko!" sabi ko sabay turo sa mukha ni Azriel na napaatras pa at iniurong ang daliri ko na inis kong ibinalik sa harap niya kaya umatras na lang ito.

"Sam? Bakit? Kita mo namang kalalabas lang nila! They need to have some chill too like us!" sabi ni Firexia na hinarap ako.

"No! Hindi sila pinalabas! Lumabas sila Fire without the approval of the doctors!"

"Wait, what? Nag-teleport kayo, prince?" Si Light na ngayon ay kinukwestyon si Azriel na simpleng tumango.

"Oh my effin' gosh." Si Firexia na napatakip sa bibig. Si Lucas naman ay bumadha ang pag-aalala sa mukha.

"Bakit kayo lumabas? Sana sinunod niyo na lang ang mga doktor. Baka hindi pa kayo ayos—"

"Please! Let us stay. Nakakain na rin naman kami and already had taken our meds!" nangungusap na sabi ni Arine. Her eyes were sparkling, meaning, she's about to cry. "J-just today! W-we want to have some fresh air and do enjoy outside after being at the hosp for days! And I want to hang with you guys! Promise! Babalik din kami when you guys decided to head in the Academy!" she said pleading on us.

Arine's really near to cry so I hug her. I don't like seeing her like that. "Okay, okay. Just this one."

"T-talaga?!"

"Pero, Sam, they need to have a rest—"

"Hayaan mo na, Light. Just this one, let them. Alam naman din natin ang pakiramdam na manatili sa loob ng hospital ng wala ka man lang na makikita kundi mga dingding at nakakabinging katahimikan," sabi ko kay Light na napatango-tango na lang.

"Dahil d'yan, tutulungan kitang hanapin 'yong bagay na gusto mong mahanap dito sa dagat," ani Arine na maliwanag na ang mukha.

"Talaga? Paano naman natin magagawa 'yon? Kwintas 'yon at ang lawak nitong dagat? Mapapagod ka rin."

"Uhm," she said while thinking, "I guess, we can drain the sea?"

"What? Drain?" taka kong tanong. Simpleng tumango lang ito.

"Goodness! Naalala ko noong din-rain niya 'yong ilog dati sa may Hori!"

"Hori? Saan 'yon?" tanong ko kay Aeros na tila amaze na amaze sa naalala.

"Hori! Sa may silangang tarangkahan!"

"Teka, ano ulit kamo yung dinrain? Drain as in tinuyo? Tinanggalan ng tubig?"

"Oo! Si Arine! Tinanggalan ng tubig yung ilog kaya puro bato at isda lang ang natira!"

"A-ano?" Gulat na sabi ko at hinarap si Arine na bubungi-bungisngis.

"P-paano?!" tanong ni Lucas na nagugulat din.

"Of course, using her elemental power," manghang sabi ni Aeros.

"But she collapse after that," paniningit ni Azriel na nasa tabi ko na pala.

"We're still young that time and in so much excitement, she did what she had read in a caspel book not knowing that it can do drain her energy. She was asleep for about three days before regaining her energy," mahaba niyang paliwanag.

"Yup! Tama si Prince! At iyon din ang una't huli kong ginawa 'yon! At baka gawin ko ngayon—"

"NO!" Agaran kong di pagsang-ayon.

"'Wag kang mag-alala, Sam! Bata pa naman ako noon eh!" aniya at hinila pa ang kamay ko bilang pamimilit. Umiling naman ako.

"No, and that's final. 'Wag mo nang ipagpilitan, Arine Watre."

"Eh paano natin mahahanap?" tanong ni Firexia.

"Ako! Alam ko na!" Si Aeros na parang bata na alam ang sagot sa teacher niya na mabilis nagtaas ng kamay. "Tayong lahat ang maghahanap sa ilalim ng tubig!"

"Hindi natin kayang makahinga ng matagal sa ilalim ng tubig," sabi ni Light na sabay-sabay naming tinanguan maliban ni Azriel, Arine at Aeros.

"Hindi! Ang alam ko may alam na water mixture si Arine na kapag ininom—"

"Makakahinga na kayo sa ilalim! Oo nga! Naalala ko!" Pagpapatuloy ni Arine na napapalakpak pa.

"Gawin mo na! Dali! Gusto kong lumangoy na parang sirena sa ilalim ng tubig!" ani Lucas na parang batang napapalakpak din.

"Sige pero pagka-inom niyo nito, makakaramdam kayo na parang may umaakyat na tubig sa ilong niyo, medyo masakit. Medyo lang naman," ani ni Arine na tinanguan namin.

Pumorma na siya para sa gagawing water mixture. Nasa harap ng dibdib niya ang kamay niya na naka-relax na nakapabilog at unti unting lumabas doon ang maliit na tubig na lumaki kasing-laki ng bilog na ginawa niya sa kamay.

Habang nakatingin doon si Arine sa ginagawa ay kulay asul ang mata niya na ang gandang tingnan. Ang transparent na tubig na nasa kamay niya ay naging asul ang gitna hanggang sa kumalat ito.

"Ito na!" masayang sabi niya at ibinuka ang kamay. Nagkawatak-watak ang tubig na kahanga hangang pare-pareho ang laki.

"Say 'ah'," sabi ni Arine. Masunurin namang kaming ngumanga at isa isang nilunok ang tubig.

"Prince, ikaw? Di ka sasama?"

"Susunod na lang ako," ani Azriel na kinuha sa pagkakalutang ang tubig niya na naging yelo. Binitawan niya rin ito ulit at nakalutang na sumunod sa kaniya. Naupo itong muli sa dating puwesto.

"Uh? Okay," sabi ni Arine at magsasalita sana ako ng makaramdam ng kakaiba.

Tama nga siya. Parang may umaakyat na tubig sa ilong ko. Alam nyo 'yong kapag nagsusuka kayo tapos may umaangat din palabas ng ilong niyo?

"Aray ko, ang sakit," si Lucas na hinihimas-himas ang ilong niya.

"Ayos na!" agad na sabi ni Aeros na nauna pang tumakbo sa dagat at walang alinlangan na lumangoy na. Mayamaya ay umahon ito.

"Ano?! Gumana ba?! Gumana ba?" Excited na tanong ni Firexia na lumapit na sa tubig. Nagsisunuran narin kami.

"Oo! Gago nakakahinga ako sa tubig!" at bumulalas ito ng tawa sabay tampisaw.

"Nakakahinga na tayo sa tubig. Ang problema natin ngayon ay ang dilim. Malapit nang lumubog ang araw," sabi ni Light na nakatingin sa papalubog na ngang araw.

"No problem! The fire is here!" Energetic na sabi ni Firexia habang nakataas ang hintuturo na nagmistulang kandila dahil sa apoy na nasa tuktok nito.

Ang astig!

"Fire, lulusong tayo sa tubig. Sa ilalim ng tubig," sabi ni Light na ipinupuntong hindi ito magagamit kaya mabilis na nawala ang apoy ni Firexia.

May panghihinayang sa boses nito ng sunagot, "Ay, oo nga,"

"Try asking Aeros to make a bubble under the water. Problem solve," suhestiyon ni Azriel na ngayon ay nagmamala sculptor. Hawak nito ang isang di kalakihang bloke ng yelo at gamit ang kamay ay tinutunaw ang ilang parte para makahulma ng pigura.

"Ang talino talaga, prince!" sabi ni Arine na agad tinakbo si Aeros na panay ang lundag sa tubig.

"Tara na guys! Ihanda mo na raw ang apoy, Firexia!"

"Nag-aalab na!" Sigaw ni Firexia na nag-aapoy na rin ang mata.

This gonna be a fun search for my necklace!





- Ikatlong Persona -

TULUYAN NG NAKALUBOG ang araw. Nasa ilalim pa rin ng katubigan ang magkakaibigan na nagkakatuwaan habang naghahanap. Ang gandang pagmasdan ng dagat dahil sa apoy na dala nila. Nagmistula itong tala sa kailaliman.

Lumutang naman ang isang apoy na nasa bula ni Aeros paangat sa katubigan. Kusang pumutok ang bula at ang apoy ay papalapit sa Prinsipeng naghuhulma sa yelo ng isang pigura.

Ano ba ang hinuhulma niya?

Ang apoy na pinaangat mula sa kailaliman ay galing kay Firexia para may ilaw ang naiwang prinsipe. Napahinga na lang si Azriel nang maging malinaw ang ginagawa niya.

Good that they already know I need light.

Sa kailaliman, masusing iniisa-isa ni Samantha ang mga batuhan. Magkakahiwalay sila ng lugar ngunit hindi sobrang layo sa isa't isa. Hindi naman sila nagmamadali sa ginagawa, naeenganyo sila sa ginagawang paghahanap lalo na sila Lucas at Aeros na nilalaro ang mga isdang nalapit.

Nasaan na kaya?

Tanong ni Samantha sa isipan. Ayokong mawala ang bagay na yon sa totoo lang. Pero kung di na mahahanap pa ay 'wag na lang . Pero mas gugustohin ko pa ring mahanap dahil nga galing 'yon kay mama.

Importante talaga para sa akin.

Bumuntong hininga ito at nagpatuloy. Biglang naagaw ng paningin ni Samantha ang isang bagay na kumikinang sa may kailaliman pa ng batuhang kinakalkal niya. Nagniningning ito dahil sa apoy na katabi niya.

Malakas ang pintig ang puso niya na mabilis kinalkal ang batuhan.

Sana ito na. Sana!

Ang kaninang kabadong dibdib, napalitan ng galak.

Ito na! Ito na nga! Naisigaw niya sa isip ng makita ang isang pendat na buwan. Dali-dali pa niyang pinag-igihan ang pag alis sa mga bato hanggang sa makuha na niya ito.

Naiiyak na iniangat nya ito. Mama. . .

Tinulak niya ang apoy na nasa bula na mabilis umikot sa mga kasama niya. Agad naglapitan ang mga ito at natutuwang nakita ang bagay na hawak niya. Napagkasunduan ng mga ito na itulak ang bulang may apoy kapag nakita na ang sadya.

Parang mga sira silang napapapalakpak. Mga gustong magsalita ngunit hindi maari dahil nasa ilalim sila ng tubig. Sa inis ni Aeros ay gumawa sya ng malaking bula na agad silang nilamon papaloob. Naiwan sa labas ng malaking bula ang mga apoy nila.

Mabilis na umingay sa loob ng malaking bula.

"Omg! Nahanap na ni Sam!" namamamghang sabi ni Firexia.

Si Arine naman ay agad na inilapit ang mukha sa hawak na kwintas, "Ang ganda!"

"Indeed an important thing," nakangiting sabi ni Light habang inaayos ang buhok nitong basa.

"I-celebrate na 'yan!" at bumulalas ng malakas na tawa si Aeros.

"Buwan! Ang ganda ng pendant!" ani Lucas na tiningnan rin ng malapitan ang kwintas. Nasulit ang pagod nila sa paghahanap.

Napatango-tango si Samantha. "Salamat sa tulong niyo."

Sa ibabaw ng tubig, sa dalampasigan, nandoon pa rin ang prinsipe na ngayon ay tapos na sa ginagawa.

At last, I did had a time to finish this.

Sa isip-isip niya pa ay iniisip niya kung ano nang nangyayari sa mga doktor na naghahanap sa kanila. Ang totoo ay kaya hindi pa sila natutunton ng sinuman ay dahil sa may ginawa siya sa kakahuyan. Binakuran niya ng mahika ang palibot ng dagat upang hindi matagpuan ng sinuman. Iyan ang rason kaya wala pa ang ina at kapatid ni Lucas na ngayon ay kababalik lang sa bahay nila na nag-aalala.

Its time to help them find that necklace of her. Why is it really important? Is it given by her lover?

"Huh, cringe," ani Azriel na napapaismid sa sariling naisip. Saktong pagtayo niya ay nanindig ang balahibo niya sa nakita.

Ang kalangitan na walang ka buwan-buwan na puno lang ng bituin ay biglang nagkaroon. Isang full moon na lumalabas lang tuwing espesyal ang araw.

Ano 'to? Kailan pa nagkamali ang buwan?

Takang tanong ni Azriel habang nakatingin sa Buwan na talaga nga namang napakaganda.

"Hindi. Ano 'tong nangyayari? Malayo-layo pa ang kaarawan ni—" ani Azriel at naputol ang iniisip ng makitang ang tubig ay biglang nagliwanag. Hindi normal katulad ng kanina. Ngayon ay mas sobra pa na kahit sa ibabaw ng katubigan ay kitang kita ito.

The part of the sea where his friends are swimming enveloped by a luminous crystally light. Worried consumed him.

"What the hell is happening?" taka niyang tanong. Agad na nilunok niya ang iniwang tubig ni Arine para makahinga sa ilalim ng tubig at walang pag-aalinlangan na lumusong at nilangoy ang lugar kung saan naroon ang mga kaibigan niya. Iyon din ang lugar kung saan nagliliwanag ng husto ang kailaliman.

Ngunit, kataka-taka.

Ano ang sunod na nangyari pagkatapos niya marating ang parte kung saan nanggaling ang liwanag?

Continue Reading

You'll Also Like

29.2K 1.6K 51
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
32.5K 1.6K 42
Will Chevy finally able to find her way back into her true world after the return of the dark lord and darkians, or will she be more trapped in this...
173K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...