Luxious Academy 1: Realm Of T...

De Arcanum_Writes

29.3K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... Mais

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
55 | Awake
56 | All Together
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

57 | Euphoria

196 10 0
De Arcanum_Writes

❝ 𝑻𝒉𝒆 𝒈𝒍𝒆𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒇𝒐𝒖𝒏𝒅
𝑰𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝒕𝒓𝒆𝒂𝒔𝒖𝒓𝒆 𝒕𝒉𝒆𝒚 𝒌𝒆𝒑𝒕
𝑹𝒆𝒎𝒐𝒓𝒔𝒆 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒂𝒔𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒎𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒇𝒐𝒓𝒈𝒆𝒕
𝑺𝒉𝒐𝒖𝒕 𝒐𝒖𝒕 𝒍𝒐𝒖𝒅
𝑻𝒉𝒆 𝒉𝒆𝒂𝒓𝒕'𝒔 𝒇𝒖𝒍𝒇𝒊𝒍𝒍𝒎𝒆𝒏𝒕
𝑨𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒆𝒏𝒅 𝒐𝒇 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒂𝒚
𝑴𝒆𝒎𝒐𝒓𝒊𝒆𝒔 𝒔𝒉𝒂𝒍𝒍 𝒓𝒆𝒎𝒂𝒊𝒏 ❞
_________








←----• 57 •----→

"Euphoria"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —








Naging mabilis ang sumunod na oras at huminto na kami sa tarangkahan. Bumaba ng karwahe si Light na ipinagtaka namin.

"Aano ka, Light Thunderous? Don't tell me umaatras ka na?" Taas kilay na sabi ni Firexia.

"No one will drive when the soldier leave," inosenteng sabi ni Light kaya napatawa na lang ako ng napapahiyang napatango-tango si Firexia.

"Sabi ko nga."

"Mag-iingat po kayo. Kapag umabot ang kalaliman ng gabi at hindi pa ho kayo nakakabalik ay pupuntahan ko kayo sa lugar na sinabi niyo," sabi ng kawal sa amin bago umalis at pumasok ng tarangkahan. Kailangan din kasi niyang malaman kung saan ang lugar para kung may mangyari man ay mapupuntahan kami kaagad.

Walang patid ang pagpalakpak ni Firexia habang nilalakbay namin ang daan.

Tinuro ni Lucas ang direksyon papunta sa kanila ng makatapak ang karwahe sa Sentro ng Bayan. Binuksan ko ang bintana para makita ang lugar ngunit agad na napawi ang ngiti ko ng makita ang lugar. Ang ilan sa tindahan ay may bakas na sinira at ang ilan ay nangingitim pa na mukhang nasunog.

"Dito yata may nangyaring gulo," sabi ni Firexia ng mapansing binabati ng mga taong napapadaan si Light.

"Kamusta na kayo, Prinsipe Light?"

"Salamat sa pagtatanggol nyo sa amin!"

"Mabuti na ba ang lagay ninyo?"

"Kamusta ang Prinsipe ng yelo? Anong lagay niya?"

"Si Prinsesa Arine? May bahid pa rin ba ng itim na mahika?"

"Maayos na po kaming apat. Ang dalawa po ay tulog pa rin sa pagamutan," rinig kong sagot ni Light. Nang makalagpas sa tarangkahan papasok ng Cerban ay doon ako napatanong.

"May bahid pa rin ng itim na mahika? Si Arine?" tanong ko. Agad akong napapikit ng biglang parang pinupukpok ang ulo ko sa sakit.

Heto na naman.

"S-sam, k-kaya mo pa?" tanong ni Firexia. They're all aware na sasakit din ang ulo nila. Mabuti at hindi pa nga sumasakit ang kanila.

Hindi ko siya nasagot ng sunod-sunod na pumasok sa utak ko ang malinaw na imahe.

Nang gabing 'yon.

Ang uwak.

Ang mga maestro at headmasters.

Ang asul na cloak.

Si Arine na nawawala.

Biglang tumigil ang mga imahe at nawala ang sakit ng ulo ko.

"Anong nakita mo, Sam?" tanong ni Firexia na nag-aalala. Umiling ako at nagsinungaling.

"W-wala, malabo. . ."

"Gano'n?" aniya at napaayos ng upo. Mas mabuti ng magsinungaling kaysa biglang sumakit ang ulo nila.

"Nandito na tayo—"

"INA! LUCY!" Napaurong na lang ako sa kinauupuan ng biglang mabilis na lumabas si Lucas ng karwahe. Naiiling na lumabas na lang din ako at sinalubong ang mga tingin ng taga Cerban. Mga nakangiti ito at tinatanguan kami kaya naman nginitian ko ang mga ito at tinanguan din.

"INA! INA! LUCY!" muling sigaw ni Lucas at patakbong pumasok sa tahanan nila.

"Lucas?! Lucas, anak?!"

"Ina, si kuya! Nandito na si Kuya!" Ang pamilyar na boses ng mag-ina ang narinig ko.

"Tuloy kayo. . ." sabi ko kay Light at Firexia at nauna ng pumasok sa kanila.

Nakita ko ang mag-iina na nasa sala at magkayakap. Biglang binalot ng lungkot ang puso ko ng makita ang senaryo.

Matagal na rin noong maramdaman ko ang yakap ni mama at papa. . . Sobrang tagal na din pala.

"Samantha! Iha! Halika rito!" naiiyak na sabi ni Tita Liza sa akin habang yakap pa rin ang magkapatid.

"Ate!" Humahagulgol na sabi ni Lucy kaya agad akong lumapit at nagpatianod ng isama ako ni Tita Liza sa yakap nilang mag-anak.

Naramdaman ko ang panunubig ng mata ko at hindi ko ito pinigilan. Si Lucas naman ay umiiyak na talaga.

"Kamusta kayong dalawa? Sobrang nag-alala talaga kami sa inyo. Dadalawin na sana namin kayo ngayon ngunit nabalitaan kong nandoon ang mga h-hari at reyna kaya hindi muna kami tumuloy," sabi ni Tita Liza matapos niya kaming mayakap.

"Maayos na kami, ina. Si Prince Azriel, Aeros at Princess Arine na lang ang di pa nagigising."

"Ano ba kasing nangyari? Narinig ko na may gulong nangyari noon sa Sentro. Balita ko ay—"

"Tita, 'wag nyo po munang i-kwento. Wala pa po kaming maalala. Baka po sumakit ang ulo namin," sabi ko rito kaya napatango-tango ito at muli na naman kaming niyakap.

"Mabuti't hindi gano'n kalala ang natamo ninyo." Lumayo na kami sa isa't isa. Si Lucy naman ay namumugto ang mata kaya binuhat ko ito.

"Ate. . . Na-miss kita," aniya. Napailing na lang ako ng magsalita ito ng Ingles.

"Gano'n din ako, Lucy. Pero 'wag kang mag-Ingles," natatawang sabi ko kaya napanguso ito.

"Prinsesa Firexia, Prinsipe Light. Magandang araw sa inyo. Kamusta ang inyong pakiramdam?" tanong ni Tita na agad nasagot ni Firexia.

"Maayos na maayos na po."

"Maayos na po kami."

"Mabuti naman. Hali kayo. Dito na kayo maghapunan."

"Ma, ang balak namin sa kakahuyan kami pupunta. Doon na lang siguro tayo maghapunan?"

"Hindi ba't delikado roon?"

"Hindi naman po." Magkapanabayan naming sagot nina Lucas at Lucy. Mapanuri kaming tiningnan ni Tita Liza bago naiiling na sumagot.

"Oh, siya sige. Mauna na kayo roon. Maiwan ka muna dito Lucy para matulungan mo ako sa lulutuin."

"Tulungan ko na kayo, ina," sabi ni Lucas na mabilis inilingan ni Tita Liza at tinulak ang anak maging ako palabas ng pinto.

"Hindi na, mauna na kayo roon. Sulitin niyo ang pahinga ninyo rito sa labas ng academia. Minsan lang 'yan kaya sulitin nyo na." Ani Tita sa amin kaya nagpaalam na kami sa kanya at nauna.

"Puntahan nyo na lang po kami sa may dagat. 'Wag po kayong mag-alala. Ligtas po sa kakahuyan," nakangiti kong sabi kay Tita Liza bago niya ako paalisin.

Nang makalabas ay naroon pa rin ang ilan sa mga Cerbanian na nakamasid sa amin. Mga nakaguhit pa rin ang ngiti sa kanila na malugod naming sinusuklian.

Pagkalabas namin ay saktong pagdaan ng mga batang nagtatakbuhan na tila nagmamadali at huminto ang mga ito sa amin.

"Ma. . . Mahal na. . . Prinsesa. Para po s-sa inyo," sabi ng isang batang lalaki na hinihingal. Nasa maliit na palad nito ang isang pulseras na gawa sa halaman na talaga nga namang kamangha-mangha dahil mukhang matibay.

"Talaga? Salamat! Salamat!" Tuwang-tuwa na sabi ni Firexia. Umupo pa ito at iniumang ang palapulsuhan niya para ang bata mismo ang magsuot.

Nanginginig ang bata na isinuot sa kaniya ang gawang pulseras. Mukhang unang beses nitong makasalamuha ng malapitan ang maharlika.

"Salamat!" sabi ni Firexia at ginulo pa ang buhok ng bata. Namula ang pisngi nito at napangiti.

Ang cute.

"Kayo rin po, meron!" ani nga bata at mayamaya nga ay nasa palad na ng tatlong bata ang mga gawa nilang pulseras na magkakaiba ang kulay.

Binigay nila ito sa amin at sila pa mismo ang nagsuot na masaya naming tinanggap at pinasalamatan.

Kulay pula ang kay Firexia, abuhin kay Light, brown kay Lucas at White sa akin.

"Maraming salamat!" sabi ko sa kanila.

"Maraming salamat din po! Mauna na po kami!" sagot ng mukhang nakatatanda sa kanila bago tumakbo na ulit paalis.

Nangingiti naman kaming sumakay ng karwahe at umalis papunta sa kakahuyan.

Masaya kong pinagmasdan ang lugar habang binabaybay namin ito. Alam naman na rin ni Light paounta sa dalampasigan dahil nagawi na sila doon noong hinarap namin ang mga bandido.

Nakaka-miss talaga.

Dumaan ang ilang minuto at narinig namin ang pamilyar na tunog ng dalampasigan. Agad na bumaba kami at tumakbo sa buhanginan.

"Yey!"

"Ahh! Ang sarap ng hangin!"

Tuwang tuwa sina Lucas at Firexia na nagtampisaw sa dalampasigan. Parang mga bata na nagsasabuyan ng tubig kaya basang basa na.

Ako naman ay hindi makuhang makapagsaya tulad ng kanila.

"Why not join them?" Napalingon ako sa tumabi sa akin mula sa panonood sa dalawa. Napahinga ako ng malalim.

"Iyong alaga ko. Hindi ko nakita kahit bakas man lang. Nag-aalala ako."

"Alaga? You mean, the white tiger?"

"Hmm." Simple kong sagot at tiningnan ang kalmadong sagat. "Hindi ko siya nakita noong papunta tayo rito."

"Wag kang mag-alala. Malamang ay nasa lugar siya kung saan siya galing," sabi ni Light kaya nagtaka ako.

"Kung saan galing? Dito siya galing, ah? Wait, you mean, sa magulang niya? Sa lugar kung saan talaga siya pinanganak? How did you know?" tanong ko sa kaniya.

Nakangiti niya akong nilingon habang nakapamulsa. "Don't tell this to others, even to them," aniya habang nakatingin sa dalawang naglalaro sa tubig. Mataman akong tumango at nakinig, "Well, sa nabasa kong libro noon sa silid aklatan tungkol sa mga hayop dito sa Luzarcia, ang white tiger ay isa sa mabangis na hayop kaya nga nagtaka ako na may alaga kang gano'n. White Tigers are also know as protectors of the woods and forest kaya siya naglalagi rito. Siya ang taga protekta sa mga may balak na mali sa lugar na pinoprotektahan niya. And also, white tigers are not just tigers. They are also referred as the special ones. Ang nakalagay lang sa libro ay iyon at wala ng kasunod," paliwanag niya.

"Kaya wag kang masyadong mag-alala sa alaga mo dahil kaya niyang protektahan ang sarili nya higit pa sa akala mo."

"Pero may nakita akong nadakip na white tiger ng mga bandido noon. Paano mo maipapaliwanag 'yon?"

"Hmm, ibang tigre ang nakita mo. Maraming klasipikasyon ang white tigers at sa tingin ko'y sa protectors ang tiger mo kaya siguro akong kaya niyang protektahan ang sarili niya," sabi ni Light.

Medyo gumaan ang pakiramdam ko sa sinabi niya kaya maluwag na pinanood ko ang payapang tanawin. Nang may maalala ako.

"May nawawala nga pala sa aking importanteng bagay."

"How important?"

"Sobra. Bigay sa akin ng mama ko 'yon."

"You remember now? May naalala ka na?" tanong bigla nito kaya nabalik ako sa isip ko.

"A-ahh siguro? Paunti-unti na."

"Magaling. Mabuti naman," sabi nito na nakangiti pa rin. "Back to the topic. What thing is that?"

"Kwintas. Kwintas na may buwan na pendant. Nawala siya rito sa dagat. Basta, pagkagising ko, wala na. . . Mukhang nand'yan lang naman 'yon. Sana. . ." sabi ko. Hindi ko rin naman sigurado kung nand'yan nga dahil baka sa ilog kung saan ako nahulog naiwan ang kwintas ko. "Gusto ko sanang hanapin kaso, sa lawak pa lang ng pampang, imposible na. Baka natabunan na 'yon ng buhangin 'tsaka bato."

"Malay mo naman nasa tubig pa. Don't lose hope," ani Light at tinapik pa ako sa balikat.

"At kung meron kang kaibigan na kayang makahanap sa ilalim ng tubig, syempre kaya!" Natigilan ako ng makarinig ng boses na hindi galing kay Light kaya naman lumingin ako sa likuran at nanlaki ang mata ng makita si—

"ARINE!" mabilis pa sa alas-kwatro na niyakap ko siya na agad niyang nasuklian. Para namang di kami nagkita ng isang taon.

"Mabuti at nagising ka na!" masaya kong sabi bago bumitaw at nilingon ang mga parang batang nagtatampisaw sa tubig.

"Lucas! Fire! Si Arine nandito!" masayang sigaw ko sa dalawang nasa dalampasigan.

Continue lendo

Vocรช tambรฉm vai gostar

14.4K 779 65
KINGDOM SAGA CHRONICLES ๐ŸƒEZORA KINGDOM: THE CURSE OF THE DEVIL ALTAR๐Ÿƒ Sera and Hiro are best of friends, growing up with each other and holdin...
29K 1.6K 50
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
104K 3.8K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
321K 11.6K 40
She's neither a princess or a noble. She is chosen to be a vessel to hold a power that humanity don't know. A power that will change the world.