Luxious Academy 1: Realm Of T...

Por Arcanum_Writes

29K 1.3K 89

๐’๐ญ๐š๐ญ๐ฎ๐ฌ: COMPLETED (BOOK 1 of 2) SOON UNDER REVISION ๐‡๐ข๐ ๐ก๐ž๐ฌ๐ญ ๐‘๐š๐ง๐ค ๐‘๐ž๐š๐œ๐ก๐ž๐: ... Mรกs

i | Letter & Disclaimer
ii | Portrayer
iii | Luxious Academy
iv | Teaser
0 | P R O L O G U E
01 | Cheater
02 | Suicide
03 | Everything Had Change
04 | Drown
05 | Lucy and Lucas
06 | Enchanted
07 | Impressed
08 | Elemental Game
09 | Elemental Game 2 (Pag-aanunsyo)
10 | Elemental Game (Pagkalito)
11 | Elemental Game 4 (Simula)
12 | Elemental Game 5 (Mental Power)
13 | Elemental Game 6 (Stage 2)
14 | Elemental Game 7 (Leious and Dieous)
15 | Elemental Game 8 (Facing Fears and Forlorn)
16 | Elemental Game 9 (Last Stage)
17 | Academy
18 | Preparing
19 | Late night at Lake
20 | Headmasters
21 | Intimidating
22 | First day
23 | Shela
24 | Breakfast
25 | Cast a Spell
26 | Owe
27 | Dumpy
28 | Parents
29 | Unexpected Situation
30 | Hard
31 | Reason
32 | Helping
33 | Owe Him Again
34 | Maid for a day
35 | Battle In Between
36 | Who Won
37 | An Event
38 | That Girl Again
39 | Unusual Lady
40 | Naghihintay
41 | Poisoned
42 | Dance with the Princes
43 | Zeban's Palace
44 | Confusions
45 | Eroplanong Papel
46 | Alive
47 | The Weapon Choose Her
48 | Reason Behind It
49 | An Apple For Snow White
50 | They're Just Here
51 | Heard
52 | Chaos
53 | In Black
54 | Once Again
56 | All Together
57 | Euphoria
58 | Luminous Light
59 | Already
60 | E P I L O G U E

55 | Awake

196 11 0
Por Arcanum_Writes

❝ 𝑻𝒉𝒆𝒚 𝒓𝒆𝒔𝒆𝒎𝒃𝒍𝒆𝒔 𝒕𝒉𝒆 𝑺𝒖𝒏
𝑨𝒘𝒂𝒌𝒆𝒏 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒐𝒘𝒏𝒇𝒂𝒍𝒍
𝑳𝒖𝒎𝒊𝒏𝒐𝒖𝒔 𝒂𝒏𝒅 𝒇𝒊𝒓𝒎
𝑹𝒊𝒔𝒆𝒏 𝒇𝒓𝒐𝒎 𝒕𝒉𝒆 𝒅𝒂𝒓𝒌
𝑭𝒐𝒓𝒈𝒐𝒕𝒕𝒆𝒏 𝒑𝒂𝒔𝒕
𝑪𝒉𝒆𝒓𝒊𝒔𝒉𝒆𝒅 𝒕𝒉𝒆 𝒑𝒓𝒆𝒔𝒆𝒏𝒕
𝑻𝒉𝒆 𝒕𝒉𝒓𝒐𝒆𝒔 𝒊𝒏 𝒕𝒉𝒆 𝒇𝒖𝒕𝒖𝒓𝒆
𝑩𝒆𝒂𝒕 𝒕𝒉𝒆 𝒐𝒑𝒑𝒐𝒔𝒊𝒕𝒆 ❞
__________





←----• 55 •----→

"Awake"
❅────────❅•°•°•❅────────❅
— Samantha's POV —





Rinig ko ang huni ng ibon at lagaslas ng mga dahon na sa tingin ko'y galing sa mga puno na nasa paligid. Ang sarap sa pakiramdam.

Tahimik at payapa.

Dahan-dahan, minulat ko ang mata ko na nasilaw pa sa liwanag. Napapikit-pikit pa ako bago nalinawan sa paligid.

Pamilyar ang itsura ng lugar. Nilingon ko ang kanan ko at nakita ang kurtina na dibisyon sa iba pang kama.

Nandito na naman pala ako sa hospital. Bakit?

"Wala na naman akong maalala," sabi ko sa sarili ko. Binuhat ko ng dahan-dahan ang sarili paupo sa kama at tinanggal ang puting kumot.

Ang tanging huling naaalala ko ay noong nawawala si Arine. Naaalala ko hanggang sa part na nag-away away kami nina Firexia dahil hindi namin sinabi sa kanilang nawawala si Arine.

Ramdam ko ang pananakit ng katawan ko ngunit kaya ko na naman. The pain is bareable that's why.

"This is your food, Prince Light. I'll be back after a minute so you can drink your blue med."

"Hmm, salamat po."

Napalingon ako sa kurtina sa kanan ng marinig ang pamilyar na boses ni Light. Nasa iisang kwarto pala kami.

Walang pakundangan na hinila ko paurong sa pader ang kurtina at nakita si Light na akmang susubo na ng kanin.

Nabitin sa ere ang kamay niya at agad na napalingon sa akin pati na rin ang nurse na sana ay papaalis na.

'Yong nurse na nag-alaga sa akin dati, siya rin pala ito.

"Samantha!" bulalas ni Light at nakangiting ibinaba ang kubyertos. "Gising ka na!"

Halata naman, Light.

"Ahh," nasabi ko na lang at pagak na natawa. Napakamot na lang din ako.

"Miss Samantha, mabuti at gising ka na. Ikukuha na rin kita ng pagkain ng sa gano'n ay makakain ka na rin para mainom mo ang gamot mo," sabi no'ng nurse at nakangiting umalis dala ang isang silver tray na sa tingin ko ay pinaglagyan niya ng pagkain ni Light.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Light at humarap sa akin. Kasalukuyan siyang naka-indian sit at humarap sa akin ng may bahid ng ngiti.

"Maayos naman na kahit may paunti-unti pang sakit sa katawan ko," sagot ko sa kaniya. "Ikaw ba? Kamusta pakiramdam mo? May naaalala ka ba?"

"Just like you, when I woke up, I can't recall anything that happened. I did ask myself why we are here," sabi niya.

Mukhang pare-parehong naapektuhan ang memorya namin sa kung ano man ang nangyari.

"Siguro napasabak tayo. Saan naman kaya?" tanong ko. Nagkibit balikat siya. I am also thinking kung nahanap na ba si Arine dahil kung hindi ay aalis talaga ako rito.

"Teka, sino 'yong nasa sunod pang kama?" tanong ko sa kaniya ng mapansin ang isa pang kurtina na nasa kanan niya bilang dibisyon.

"Ahh, wait," aniya at biglang bumaba ng kama!

"H-hoy! Bumalik ka sa kama mo! Baka mapaano ka pa!"

"Easy there, Sam. I do feel better when standing than lying down," sabi niya at isa isang iniurong ang mga kurtina. Doon bumungad sa akin ang mga mukhang natutulog lang na kasamahan ko.

Sunod kay Light ay si Lucas na may bandage ang ulo. Bukod doon ay wala na. Sunod dito ay si Firexia na di ko malaman kung saan may bandage at sunod ay sina Azriel at. . . Arine.

Nahanap na si Arine!

"Maaga akong nagising kaya nalaman kong magkakasama tayo rito. Ano kayang nangyari? Mukhang malala eh—"

Napapikit ako at napahawak sa sintido ko na biglang inatake ng sakit. Napahawak akong lalo sa ulo ko ng magsimulang pumasok ang mga malalabong imahe.

Sunod-sunod at walang tigil.

"A-ahh. . ."

"Kaya naman— Sam? Sam, bakit?! Sam!" sigaw ni Light na mabilis na nakalapit sa akin. "T-tatawag ako ng doktor! Saglit lang!"

"No need to, Prince Light," anang tinig. Umayos na rin ang pakiramdam ko. Unti-unti ng nawala ang pananakit ng ulo ko.

What was that?

"Doktor! Bigla yatang sumakit ang ulo niya.," sabi ni Light. Mabilis na tumango ang doktor at lumapit sa akin.

"Natural lang 'yan, Samantha. I bet you did saw an images on your mind?"

"O-opo."

"Hmm, that's your lost memory the day you passed out," pagkukumpirma niya sa akin. Oo nga pala, sumakit din ang ulo ko noon at nakakita ako ng images.

"Mangyayari din ba sa akin 'yon?" tanong ni Light at umupo sa kama niya. Tumango ang doktor at hinarap si Light.

"Yes, Prince Light. Sa inyong lahat. Pero ang mabilis na makakaalala ay ang mga hindi masyadong gumamit ng enerhiya like Lucas, Princess Firexia, Aeros and also, you. The rest ay papahirapan ng headaches sa magdadaang oras. Di naman matatapos ang araw na ito ng hindi nyo maaalala ang mga nangyari."

"Wait what? Lahat kami pero sina Sam, Azriel at Arine lang ang mas mahihirapan makaalala? Bakit?" tanong ni Light na halatang naguguluhan.

"As what I've said, the rest who will suffer not that really worst with headaches are the ones who used there power too much. Lalo na si Sam. Siya ang pinaka naubusan ng enerhiya. Mabuti nga at mabilis na nakabawi ang katawan niya sa mga araw na nakaratay kayo."

"Ako po ang pinaka mahihirapang makaalala kung ganon?" tanong ko sa doktor na mabilis nyang tinanguan.

"Yes, and may I ask a question, Samantha?"

"Yes, sure po."

"What really is your element? Pangalawang beses mo na itong ma-admit sa main hospital ng Luzarcia. And you used to much of your energy using your element. Ano nga bang element mo? Sa lahat ng pasyente, ikaw ang hindi namin matukoy," ani nito na nakatingin sa akin gamit ang curious na paningin. Maging si Light ay mukhang nagtaka na rin.

Bigla akong nanlamig at kinabahan. Mortal ako! Sinasabi ko sa inyo, wala talaga akong elemental power okay? Mortal ako! Tao na nakatira sa mundong walang mahika! Paanong nawawalan ako ng enerhiya matapos gamitin yung elemental power ko eh wala nga ako no'n.

This is bad. Am I turning to being just like them? Kailangan ko na talagang makabalik sa mundo ko.

"A-ahh ilang araw po ba kaming nakahiga?" Panliligaw ko sa usapan pero alam kong darating ang oras na muli nila akong uusisain tungkol doon.

At hindi ko pa rin alam ang isasagot. Hindi naman puwedeng basta kong sabihin na mortal ako. Hindi ko alam kung anong gagawin nila kung sakali.

"Hmm, you all had been asleep for the past four days," sagot niya. Napatango-tango ako.

Nag-iisip pa lang sana ako ng itatanong ulit para mawala sa isip nito ang gumugulo sa kanila ng pumasok ang nurse kanina na tulak ang isang cart na puno ng tray na may laman at nakatakip pa ang iba. Agaw pansin naman ang kulay asul na botilyang maliit kada tray.

Ugh, I remember that thing. 'Yan 'yong mini-mix with the water na pinainom niya sa akin dati!

"Dinala ko na rin po 'yong foods nang iba baka sakaling magising na rin sila," sabi nang nurse ng mailapag sa harap ko ang tray na puno ng pagkain ko.

I suddenly heard my stomach making an embarassing sound.

I heard Light's chuckle after hearing my stomach. Napangiti naman ang doktor gano'n din ang nurse.

"Hmm, you must be really hungry, pinapainom lang namin kayo nang red water so that your stomach will be full."

"Yeah. I'm really hungry so as Sam's tummy," sabi ni Light na binuntutan pa ng tawa.

Nakakahiya na, gago. Tinawanan mo pa. Mga tao rito sa lugar na 'to may problema sa mga gutom ang tiyan, tsk.

"So, we'll go now so you can eat your food. Don't forget to drink your blue med. Nurse Feri will check you later," anang doktor at minuwestra ang kasamang nurse na tinanguan kami.

Naglakad na ang dalawa paalis kaya kami na lang ni Light ang naiwan na natatanging gising.

"So, shall we eat now? I'm really hungry and I know that you too," nakangiting sabi ni Light at hinarap ang tray bago muli akong nilingon.

"Hmm, sige," sagot ko sa kaniya at hinarap na rin ang pagkain ko.

Naging tahimik ang sumunod na minuto na tanging ang kalansing lang ng kubyertos ang maririnig. Di naman nagtagal ay natapos agad ako at gano'n din si Light na nakita kong binuksan na ang botilyang may laman na kulay asul na tubig.

Hinalo nya ito sa tubig niya at hinintay na mawala sa tubig ang kulay na parang walang nilagay bago walang pag-aalinlangan na ininom. Sa kalagitnaan ay napatigil siya at kunot-noo akong nilingon.

"Bakit?" tanong niya ngunit tahimik na tiningnan ko lang ang hawak niyang baso. Napatawa na lang siya at binitawan ang kaniya. "Sam? Tell me, why? Is there something bothering you?"

Muli, tahimik kong pinagmasdan ang botilya na nasa tray ko. Nagdadalawang isip pa rin kung ihahalo ko ba sa inumin ko ito. What if isa ito sa dahilan kaya nagiging kagaya ko na sila?

"Oh, I get it," aniya. Napalingon ako sa kaniya ng bigla siyang tumayo at walang paapaalam na binuksan ang botilya ko at binuhos sa tubig ko!

"NO!" Huli na dahil sa kahuli-hulihang patak ay nailagay na niya. Taka niya akong pinagmasdan habang hawak ko ang kamay nya na nakalutang pa rin sa ere habang hawak ang botilya.

"W-why? Don't you want to drink your blue med?" tanong niya. Walang gana na binitawan ko ang kamay niya at masamang tiningnan ang baso kong may halo na ng kulay asul na gamot.

"Ayoko! Pangit lasa niyan!"

"Wait, what?"

"A. Yo. Ko! Ayoko niyan! Ilayo mo sa akin iyan! Kuhanan mo ako ng bagong tubig na walang halo niyan!"

"P-pero, Sam. That's a medicine for you—"

"No! Ayoko." Pagpupumilit ko at salubong pa rin ang kilay na nakatingin sa naturang tubig.

"B-but you need to—"

"Inumin mo na. 'Yan ka na naman eh." Mayamaya ay pumasok si Nurse Feri na siyang nag-alaga rin sa akin dati. "Ikaw, kokonyatan kita! Ganiyan ka rin dati ah?!"

"P-pangit nga kasi lasa! Malay ko ba kung lason 'yan? Edi namatay pa ako?" That sh*t's turning me to become like you, people. Tsk.

"Oh? So you're accusing that med spellers are a killer? Na gagawa sila ng blue med na iinumin ng patients para mamatay sila, gano'n? Gano'n ang tingin mo sa med spellers ng hospital na ito?" Ang masigla niyang emosyon ay biglaang napalitan ng pagkaseryoso. Bigla naman akong na-guilty dahil sa sinabi ko.

That's not what I f*cking meant! Kung alam lang nito ang tunay na rason— ugh!

"A-ahh, Nurse Feri, no. S-she didn't mean that one—"

"Sa lahat ng pasyente, ikaw lang ang natatanging hirap na painumin ng gamot namin. Bakit, Samantha? Sa tingin mo ba ay papatayin ka ng hospital na 'to? Then why the hell are you still here? Lying comfortably on the patients bed, alive and kicking and with food in front of you?" Nagpatuloy ang seryoso niyang mga lintanya. Napatikhim na lang ako at kinuha ang baso.

"I. . . didn't meant everything I've said, okay? You just did take it another way. That's not what I meant," sabi ko at pikit matang ininom ang tubig na wala naman ngang lasa. But the facts still remains na isa ito sa maaaring dahilan kaya ako nagiging kagaya nila.

I was stilk thinking anong ginawa ko kaya 'naubos ang enerhiya' ko sabi na rin ng doktor kanina.

"Nurse Feri, I'm sorry, hindi naman talaga 'yon ang ibig-sabihin ni Sam—"

"Jusme, kailangan pa pala ng acting skills ko bago mo mainom ng diretso." Agad na napamulagat ako at nakita ang taas kilay na si Nurse Feri. And it hit me.

She's just acting? She f*cking manipulated me so I would be guilty and drink that med?

D*mn it, Samantha. Akala ko ba matalino ka? Pumupurol na ba utak mo dahil sa hangin ng immortal realm?

Mabilis na tinuro ko siya at napasigaw na lang ng malakas. Napabulalas naman ng tawa si Nurse Feri pero ako ay nanlalaki pa rin ang mata at kulang na lang umusok ang ilong.

"Gotcha! Anyway, hindi lang naman ikaw ang mahirap painumin. Marami ding bata rito, ano. Kaso, mas mahirap kang painumin sa kanilang lahat—"

"IKAW!" sigaw ko sa kaniya at pilit siyang inabot mula sa pagkakaupo ko ngunit mabilis itong nakaatras. Si Light naman ay ngingiti-ngiti lang na nanonood sa amin.

"Huwag kang ngumiti-ngunit diyan, Light!" inis na sigaw ko at binato ng unan ang nasa kabilang bed. Agad naman niya itong nasalag.

Natatawang sumagot ito, "What's wrong with me having this smile?"

"Ikaw ang nagbuhos ng bwisit na gamot na 'yon!"

"Ang ingay naman," biglang nawala sa kanila ang atensyon ko at nalipat sa nagsalita. Nakita ko ang dahan-dahan na pag-upo ni Lucas mula sa kama niya.

"Lucas!" Mabilis na bumaba ako sa kama ko at niyakap siya.

"A-aray ko, Sam!"

"Akala ko mamamatay ka na! Ako malalagot kay Tita Liza!"

"A-aray ko! Di ako makahinga!" Mas lalo kong hinigpitan ang yakap sa kanya.

"Why is she like that? Kanina lang ay maayos pa naman siya?" I heard Light asked, definitely to Nurse Feri. Hindi ko naman ito pinagtuunan ng pansin at tiningnan kung may iba pa bang galos si Lucas na kakamot-kamot lang sa ginagawa ko.

"Pangalawang blue med ang pinainom namin sa kaniya. Pampa-hyper kasi mukha siyang nanghihina noong magising. You want that blue med too?"

"A-ahh no thanks."

Humanda kayo sa akin!

Seguir leyendo

Tambiรฉn te gustarรกn

100K 3.6K 69
Elaine Hidalgos is stuck of being the richest person without her parents guide, but after dying at the car crash, she awakened in a fantasy world...
28.9K 1.6K 50
New fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she disco...
586K 26.7K 68
TAGLISH- A Girl who live's in a very tall tower inside of a very dangerous mystic forest,she's the shadow lady who was born to be alone and sad...
8.2K 262 44
A person with superpower should be fighting and catching the criminals and villains right? But what happens when the villain itself hunts and destroy...